Pages

Friday, September 27, 2013

Eng21 (Part 33)

By: Cedie

XXXIII. Away-Bati

Pagkatapos ng aking kaarawan ay nagkausap naman muli kami ni Van sa facebook noong August 2, 2011. Mga simpleng paglalambing lamang ang napagusapan namen.

V: Kuya, maganda ba yung DP ko?
C: Ou, may cellphone pang kasama tapos pacute ka naman masyado.
V: Miss na kasi kita kuya.
C: Miss na din kita bunso.
V: Magpalit ako ng DP, ikaw pumili kung ano, teka send ko sayo ha.
C: Ok sige tapos ikaw pili mo din ako.
V: Sige palit tayo ng account.

Nagpalitan kame ng account sa facebook at tumingin ng mga profile pictures na ilalagay namen sa profile namen. Paglogin ko sa kanyang account ay nakita ko ang daan daan niyang mga pictures at lalo kong natuwa sa kanya. Madami siyang picture na ang kyut kyut ng mga kuha niya at nakapili ako ng isang Display picture kung saan may gitara siyang dala dala. Pagkatapos nun ay naglog out na din kaming dalawa at bumalik sa kanya kanyang account.

V: Ay kuya bakit ito? Tagal na nitong DP kong to eh.
C: Ganun ba? Palitan mo na lang uli, I love you bunso.
V: I love you din kuya. XD
C: Mwa.
V: Delete mo agad tong usapan naten ah.
C: Wala namang makakabasa nito.
V: Kuya gutom na ko.

C: Ako na lang kainin mo bunso. XD
V: Eh hindi naman nauubos yan eh. haha
C: Sige out na tayo tapos text na lang tayo mamaya.
V: Ok kuya, hug
C: i love you mahal ko.
V: Sige kuya, mwa.

Pagkalogout ni Van ay tinignan ko ule ang mga profile pictures niya. Bago pa man ako magout ay may nareceive akong text sa aking cellphone at pinatay ko na ang aking laptop sa pagaakalang si Van na ang nagtext.

"Buds, kamusta ka na? Tagal na nateng hindi nagkikita." Si Aaron pala ang nagtext. Ilang buwan na kameng hindi nagkakausap at nagkita mula pa nung February kaya nagtaka ako bakit bigla siyang nangamusta. "Okay lang naman ako, buds may bf na ko eh." "Ah talaga, pero buds pa din naman kita diba?", sagot naman niya. "Oo buds pa din kita pero pwede bang wala ng mangyari satin? Ayokong lokohin ang boyfriend ko. Mahal na mahal ko siya buds.", reply ko naman sa kanya. "Ok buds, miss lang kita kaya ko nagtext, tagal na naten di nagkikita", sagot ni Aaron. "Ou buds, sorry ha pero ingat ka na lang palagi, papakilala ko siya sayo minsan pag naikwento na kita", sagot ko naman. "Ok buds mwah", reply naman niya. Pagtapos nun ay natanggap ko na ang text ni Van at hindi ko na muna sinabi kay Van ang tungkol kay Aaron. Sa loob loob ko ay sasabihin ko ito sa kanya sa tamang panahon.

Makalipas ang ilang araw ay nagkita muli kame ni Van. Tulad ng dati ay magkasama kame ng Friday ng gabi hanggang Saturday ng umaga. Nakaugalian na namen na laging nagkikita tuwing weekend dahil namimiss namen ang isa't isa. Sa tuwing nagtatrabaho ako, I always look forward to the coming weekend dahil alam ko na magkikita muli kami ng taong mahal ko. Nagkaroon ako ng mga kaibigan sa trabaho at kahit papaano naman ay nagkakasundo sundo kame dahil halos magkakasingedad lang kaming lahat. Nagkaroon pa ng isang pagkakataon na ipinakilala ko si Van bilang aking pinsan sa isa kong kaibigan sa trabaho. Biniro pa ako ng aking katabaho na boyfriend ko daw talaga yun at hindi ko pinsan ngunit hindi ko naman pinansin iyon. Ang mahalaga ay masaya kame ni Van ngayon sa tuwing magkasama kame at mahal namen ang isa't isa.

Minsan ay nagkaron ng oras kung saan nagonline ako sa facebook account niya at may nabasa akong usapan ni Van at ng isang friend niya sa FB. Nabasa ko na sweet sila sa isa't isa at nabasa ko din na sinabi ni Van dito na miss na niya ito. Para akong sinapak sa mukha ng mabasa ko ito. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na iyon kaya tinignan ko pa ng mabuti ang ibang mga nakausap niya. Pawang puro mga bi din pala ang friends niya sa Fb. Kung sino sino na lang yata ang inaaccept niya na mga kaibigan doon kaya kung sino sino na lang ang mga nagmemessage sa kanya. Nang magkausap kame sa text ay sinabi naman niya na madame na siyang friends na bi mula nang bago ko pa siya makilala. Bigla na lang siyang nagreply, "Ngayong kilala mo na ko, ano magagawa mo?" Nagulat ako sa mga text na iyon ni Van. Ngunit sinabi ko sa kanya, "Kahit ano o sino ka pa dati, mahal kita kaya tatanggapin pa din kita Van." Napanatag ang loob ko ng nagpasalamat siya sa akin at nang sinabi niyang lilinisin na niya ang account niya at magbubura siya ng ibang mga friends sa kanyang account. Matapos ng ilang araw ay napansin ko ngang nagbura siya ng mga friends dun. Nang magkita kame muli ni Van ay naikwento niya sa akin ang ibang manliligaw niya dati. Na nagkaroon na siya ng BF online ngunit nagbreak din agad sila dahil natakot siya. May mga naging kaibigan din siya na bi at hanggang katext lang naman at kausap niya ang mga ito kapag wala siyang ginagawa. Naintindihan ko naman yung mga ganun at naikwento ko na din sa kanya ang ibang mga nangyari sa akin. Isa na dun si Aaron. Biglang may pumasok sa isip niya na medyo nagulat lang din ako. "Kuya, ano kaya kung itry naten yung threesome?" Nagulat talaga ako sa mga nasabi niya at dahil sa curiosity ay pumasok sa usapan namen ang maghanap nang prospect at isasama namen sa susunod na overnight namen. Hindi ko alam sa mga panahon na iyon kung tama ba ang ginawa ko. Ang hindi ko alam ay magkakaroon ito ng isang masamang resulta pagdating sa hinaharap.

Nagkaroon ng isang gabi na magkatext kame na muntik nang mauwe sa hiwalayan. Nagsimula iyon sa pilit kong pangungulit sa kanya na burahin ang isang friend niya sa FB na nameet ko din at nagkachat sila.

C: Bakit di mo sinabi saken na inadd mo siya bilang friend?
V: Kasi alam ko na magagalit ka.
C: Eh ngayon ano tingin mo sa nararamdaman ko?
V: Kaya ayokong ibigay ang password ko eh.
C: Ano bang gusto mong mangyari?
V: Hindi ko alam.
C: Burahin mo na siya please. Nagseselos na ko sa kanya.
V: Wala naman siyang ginagawang masama ah.
C: Okay sige ikaw bahala.
V: Kuya, mag break na muna tayo. Nalilito na ko.
C: Yan ba talaga gusto mo? Okay sige. Magbreak na tayo.
V: Kuya, ganun pa din naman tayo tulad ng dati.
C: Hindi, maraming maraming mag iiba, ganito na lang, wag mo kong itetext ng isang buwan. Kung hindi ka na magtetext kakalimutan na kita. Ayoko ng ginagawa mo sinasaktan mo lang ako Van.
V: Sorry kuya, di ko na alam gagawin ko.
C: Mula ngayon magpanggap na lang tayo na hindi tayo nagkakilala. Paalam bunso.
V: Kuya, wag na tayong magbreak, ang sikip sa dibdib. Nahihirapan ako. Di ko alam gagawin ko pag nawala ka.

Nang mabasa ko ang huling text na iyon ni Van ay napaluha ako ng lalo. Napakahirap isipin kapag nawala siya sa buhay ko dahil siya ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng liwanag ang aking daan kaya masakit sa akin kung matutuluyan na hindi kame maguusap.

C: Tignan mo to, ako din. Mahal na mahal kita kaya ayaw kitang mawala.
V: Salamat kuya ha.
C: Saan naman?
V: Sa pagmamahal mo, kasi ramdam ko talaga na mahal na mahal mo ko.
C: Wala iyon bunso. Mahal naman kasi talaga kita.

Natapos ang usapan namen at nagkaayos uli kame. Parang roller coaster ang mga nangyari sa amin dahil matapos na naman ang ilang linggo ay nagkaroon na naman kame ng away hanggang sa nagsabi siya na wag muna kameng magusap at gusto niyang makapagisip.

Habang dumadaan ang bawat araw ay napansin na ng mga kasama ko sa trabaho ang pagiging malungkutin ko. Ngunit dinedeny ko naman palagi sa tuwing magtatanong sila kung may problema ba ako. Palagi kong sinasabi na ayos lang naman ako at kulang lang sa tulog kaya nanghihina.

Pagkalipas ng halos isang linggo ay anong tuwa ko ng matanggap ko ang text ni Van.

"Kuya, nakapagisip isip ako, sorry kung nalungkot ka ah, pero mahal pa rin kita."

Halos mapatalon ako sa saya nang mabasa ko ang text niyang iyon.

"Salamat bunso, salamat sa desisyon mo na hindi ako iwan, malapit pa naman na ang monthsary naten akala ko hindi na tayo aabutin ng 2nd monthsary naten.", sagot ko sa kanya.

"Gusto ko nga sana makipagkita sayo ngayon kuya kaso may pasok ka pa bukas, sa weekend na lang po kita tayo."

"Ok po mahal ko. Salamat uli."

"Miss na kita kuya. Hug. Yngat ka po paguwe mo ha."

Nagbalik ang dati kong sigla nang dahil kay Van. Sa isang ganun lamang ay naging ok na uli ako at masaya akong umuwe sa aming bahay.

Lumampas na ang monthsary namen at dumating ang buwan ng September. September 2 nang muli kaming magkita at halatang miss na miss namen ang isat isa. Sa bus pa lang ay magkaholding hands na kame at umupo talaga kame sa likod kung saan walang nakakakita. Nalimutan namen na pareho nga pala kaming lalaki at nakakahiya pag may makakakita sa amin ngunit parang wala sa isip namen yun hanggang sa may mga sumakay sa tabi namen. Pagbaba ng mga tao sa bandang likuran ng bus ay kaming dalawa na naman ang natira at sa sobrang hindi na kami makapagpigil ay hinamon ko siya na hahalikan ko siya kapag walang nakatingin. Pumayag naman si Van at nang dumaan na ang bus sa may bandang tunnel ay hinalikan ko talaga siya at hindi naman siya pumalag sa aking ginawa. "I love you", pabulong kong sinabi sa kanya at hinalikan naman niya ako ng nagkaron muli ng pagkakataon na walang nakatingin. Pabiro naman niyang sinabi na may hidden camera ang bus kaya nagtawanan na lamang kami sa aming ginawa.

Pagdating namen sa Monumento ay nagcheck in kame sa isang mahal na hotel dahil natakot na kame sa dating pension house na pinupuntahan namen dahil nagiging regular customers na kame. Pagpasok namen sa hotel ay mabilis na nagbayad ako sa counter at umakyat agad kame sa kwarto pagkabigay sa akin ng susi. Tulad ng dati ay nangyari ang mga nangyari at masaya kaming magkasama lamang nung gabing iyon. Masaya ako dahil naging ok kami at hindi naghiwalay. Napagusapan namen kung papaano niya narealize na mahal pa niya ako at naikwento na nga niya sa akin.

"Sabi ko sa sarili ko, kailangan ko ng sign na mahal pa talaga kita, ang una is yung pag nagtext ka saken, pero alam ko naman na magtetext ka talaga kaya hindi yun yung ginawa kong sign. Ang sabi ko na lang ay pag pumasok ako sa araw na iyon at pag narinig ko yung theme song naten. Tapos pagpasok ko, pinatugtog nung bestfriend ko yung kanta, tapos narinig ko pa sa school pati sa jeep.", nakangiting kwento sa akin ni Van. Natuwa lang ako at napangiti sa mga kwento niya at niyakap ko lang siya ng mahigpit na mahigpit.

C: Bunso, wag mo kong iiwan ah. Hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala ka sakin.
V: Mahal naman kita kuya, wag ka na mag alala promise hindi na kita iiwan kasi mahal mo ko.

Niyakap din ako ni Van at hinalikan sa labi. May luhang pumatak sa aking pisngi dahil sa pagaalala kung mawala sa akin si Van. Mahal na mahal ko siya at hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang mawalan ng isang taong pinahahalagahan ko ng buong puso. Napagusapan namen ni Van ang mga pangarap namen sa hinaharap at ang iba pang mga bagay bagay. Minsan ay hiniling din namen na sana isa sa amin ay naging babae na lang para hindi kame nahihirapan ng ganito sa aming relasyon. Para sa akin naman ay handa kong harapin ang lahat ng magiging problema basta kasama ko lang siya sa aking tabi. Siya ang taong nagpapalakas ng loob ko na harapin ang lahat ng bagay. Natulog kame nang gabing iyon ng magkayakap matapos ang isang mahabang paguusap.

Hindi ko alam na pagkatapos ng pagkikita sa gabing iyon ay napakadaming mga pangyayari na hindi ko inaasahan..

1 comment:

  1. good luck author. galing ng storya. lagi KO itong inaabangan. nice job.

    ReplyDelete

Read More Like This