Pages

Sunday, September 15, 2013

Eng21 (Part 31)

By: Cedie

XXXI. Second date, My birthday, Monthsary Plans

July 23, 2011

Nagkita kame ni Van sa may Cubao Station para sa aming second date. Tulad nung unang date namen, masaya pa din kameng nagkita at syempre late na naman siyang dumating. Nagikot lang kame nung araw na iyon sa mga mall sa cubao hanggang sa makarating kame sa may Ali Mall. Masaya akong kasama kong muli ang taong pinakamamahal ko sa araw na iyon at alam ko namang masaya din siya na kasama niya ako. Kumain kame sa foodcourt at hindi namen nagustuhan ang lasa ng mga lutong ulam ng pinagbilhan namen dun. Nagsinungaling na lamang ako na busog na ko kapag nakikita ko syang busog kaya ayos lang saken kahit hindi masyadong nakakain. Bago kami matapos kumain ay nagusap kame.

V: Ay may ibibigay nga pala ko sayo.
C: Ano yun?
V: Wag mo lalaitin ah, simple lang to.

Inaantay ko ang mga susunod niyang gagawin ng nakita kong may kinuha siya sa bag niya at inilabas ang dalawang keychain. Isang naruto at isang gaara na keychain.

V: Ayan ha, kasi andami mo nang ibinigay saken, baka sabihin mo wala kong binibigay sayo.

Inabot niya sa akin ang keychain na naruto. Tuwang tuwa ako na parang bata at nagsalita muli si Van.

V: Nye, tuwang tuwa ka na agad diyan?
C: Eh syempre, galing sayo.

V: Naalala lang kasi kita nung makita ko yan kaya binili ko.
C: Salamat ah.
V: Ingatan mo yan ha, saken naman tong si Gaara, partner yan ni Naruto.

Ngumiti sa akin si Van at ganun din naman ako sa kanya.

C: Syempre naman iingatan ko to at hinding hindi ko iwawala. Ito ang unang unang bigay ng mahal ko sa akin eh.
V: Adik, tara na mag ikot muna ule tayo. Ayoko pang umuwe kuya.
C: Ako din eh, gusto pa kitang makasama.

Lumibot pa kame at umikot sa mall na iyon. Naglaro din kame sa arcade at sumubok manalo sa prize machine ngunit hindi pinalad. Wala akong masyadong dalang pera noong araw na iyon pagkat hindi pa ako sumusweldo kaya sandaling sandali lang kame naglaro. Naglaban pa kame ng Tekken at nanalo ako laban sa kanya pero natalo ako ng isang bata at pinagtawanan niya ako. Nang mapagod kame ay niyaya ko naman siyang bumili ng drinks.

C: Bunso, gusto mo ng Zagu?
V: Okay lang, bibili ka? Baka wala ka ng pera.
C: Ayos lang, meron pa naman, sakto pa to.
V: Gusto mo ng fries?
C: Okay lang din sige bili na din ako.
V: Hindi, ako na bibili nun, alam ko wala ka ng pera, ako ng bahala.

Binigyan niya ako ng pera na pambili ng fries at bumili na din ako ng Zagu. Inantay namen na magawa ang mga binili namen at kinuha ko na ang mga ito. Habang kumakain ay nagkakatinginan ang mga mata namen. Alam ko na sa mga oras na iyon ay masaya kame talaga at nakikita ko sa mga mata niyang nangungusap ang gusto niyang sabihin. Hindi naman ako nagsasawang sabihin na mahal ko siya sa tuwing may pagkakataon. Nang matapos kaming kumain ay hindi namen namalayan na medyo gumagabi na pala at kailangan na din niyang umuwi. Naglakad na kame papalabas ng mall at sinasadya kong banggain ang kaliwang kamay niya ng aking kanang kamay. Paminsan minsan ay napapangiti na lamang kaming dalawa sa mga gestures na ginagawa namen. Nakarating kame hanggang sa sakayan ng bus. Inihatid ko siya dun para makasakay na muna siya bago ko umuwi. Nagabang kame ng bus na masasakyan niya at nang may dumating na ay nagpaalam na ko. "Yngat bunso, text ka pagdating mo ng bahay ah", sabi ko sa kanya. "Ikaw din kuya, salamat, maya na lang uli." Tinanaw ko ang pagsakay niya ng bus hanggang sa makaalis ito. Naglakad nang muli ako papunta sa sakayan ng jeep para makauwe na din sa amin. Nagtext muli ako kay Van, "Magingat ka, namiss kita, Ilove you bunso." Natanggap ko naman ang reply niya, "Sige kuya, magiingat ka din, salamat po ah, nagenjoy ako. Ilove you too. XD" Masaya akong sumakay ng jeep papauwe sa bahay.

Pagdating sa bahay ay wala pa ding text si Van. Alam kong mas malapit ang bahay namen sa kanila kung manggagaling kame ng Cubao kaya nagpahinga muna ako at nanood ng Tv. Mga ilang sandali lang naman ay natanggap ko na ang text niya na nasa bahay na siya at nagreply naman ako na magpahinga na muna siya. Mga ilang oras pagtapos nun ay nagusap na kame sa text. Sa paguusap namen sa text ay napagusapan namen ang papalapit ko ng birthday at ang aming monthsary. Malapit na nga din palang mag isang buwan mula nung naging kame kaya napagplanuhan namen at napagkasunduan ang isang bagay sa nalalapit na araw na iyon - OVERNIGHT. Sa overnight na iyon ay pinagusapan namen kung anong mga gagawin namen. Kung magiinom ba kami bago pumasok sa pension house na pinuntahan namen dati o kung doon na lang mismo maginom. Napagusapan din namen ang isang bagay na hindi ko na dapat sabihin dito pero nagkaroon kame ng usapan na mula sa araw na iyon hanggang sa July 29 kung kelan kame magoovernight ay tanging "Pineapple Juice" lang ang iinumin namen. Para kaming bata na naeexcite sa mga darating na araw ng aming pagkikitang muli. Matapos ang lahat ng paguusap namen at ang iba pang pribadong pinagusapan namen ay nagpasya na kameng matulog. Bago matulog ay ganun pa din ako sa kanya, hindi ko nalilimutang mag Ilove you sa kanya at maging siya naman ay sumasagot din ng ganun. Masaya pa din ako nung gabing iyon bago ako matulog at nagpapasalamat pa din sa Diyos sa mga nangyayari.

Lunes, January 26, 2011 ay pumasok ako sa trabaho nang mas maaga dahil sa dami ng tao sa MRT at ayaw kong makipagsiksikan pag sumasakay ako dito. May hindi inaasahang pangyayari na naganap nuong araw na iyon. Pagpasok ko ng tren, habang nakikinig ako sa aking Ipod ay bigla na lamang tumigil ito sa pagtugtog hanggang sa tuluyan akong makapasok sa tren. Ang akala ko noon ay natanggal lamang ang headset ko sa pagkakasaksak dito ngunit nang kapain ko sa aking pantalon ang aking Ipod ay wala na ito. Nadukutan ako sa loob ng tren. Nalungkot ako at kinabahan sa mga nangyari dahil isa sa pinakaiingatan kong gamit iyon. Regalo sa akin iyon ng kapatid ko noong graduation ko. Agad kong tinext si Van tungkol dito at sa isang reply niya lang ay parang nawala na lahat ng problema ko. "Awww kuya okay lang yan. Alam kong mahalaga sayo ang Ipod na iyon. Magiingat ka parati ah. Papasok na din ako. Hug. Wag ka nang malungkot kuya." Sa loob loob ko ay parang nakahinga pa din ako ng maluwag, kahit may sentimental value ang bagay na iyon ay marami pa din namang mas mahalaga sa akin, isa na dun si Van. Nagreply naman ako, "Opo hindi na ko malulungkot, mawala na sa akin ang lahat, wag ka lang Mahal ko." Nakangiti akong sinend yun sa kanya at tuluyan na akong pumasok sa trabaho.

July 28, 2001 ay nagkita kami pagkatapos ng aking training dahil nga monthsary na namen iyon. Pumayag naman siya at nagkita nga kami sa Magallanes station ng MRT. Pagod na pagod ako nung araw na iyon pero katulad ng dati, nung makita ko si Van ay parang nawala ang lahat ng pagod ko lalo na nang makita ko ang kanyang maamong mukha. Tumambay lang kame sa station na yun at pinagusapan ang lahat ng gagawin bukas, pasimple akong bumati sa kanya ng "Happy Monthsary" at sinabi ko na wala pa akong nabibiling regalo sa kanya para sa monthsary namen. Sumagot siya na okay lang naman yun dahil wala siyang ibibigay. Ayos lang din naman saken yun, ang mahalaga ay andun kame para sa isa't isa. Nagusap lang kame sandali at napagusapan ang future. Kung ano kaya ang mangyayari sa amin sa mga susunod na buwan at mga taon. Pero para sa akin, nakikita ko ang hinaharap na kasama siya at pareho kaming masaya. Alam kong bata pa siya pero sa lahat ng pinagdaanan ko, tila hindi ko siya naisip at inihanda ko na agad ang hinaharap. Umaasa naman ako sa mga oras na iyon na ang relasyon namen, kahit alam kong mali sa paningin ng ibang tao, ay sana abutin na ng pangmatagalan. Nakangiti lamang siya sa mga sinasabi ko at nasabi niya "Salamat kuya, dahil mahal mo ko."

Matapos ang gabing iyon ay naghiwalay na kame ng daan upang umuwi sa kani-kaniyang bahay. Bukas ay magkikita muli kame para sa celebration ng aming monthsary at ng aking darating na ika-22 taong kaarawan.

Itutuloy..

************************************************************************

2 comments:

  1. teh pwede na i2 ipadala kay charo pang mmk na sa haba ng storie mo eh..baka umabot pa ng part 100 ah ?

    ReplyDelete
  2. Teh, hindi to pang Mmk, pang soap opera to , kasi isang pockey book na to pero maganda at magaling ang writer

    ReplyDelete

Read More Like This