Pages

Sunday, September 8, 2013

Tsunami of a Young Adult:Midnight Sun (Part 1)

By: K.V Hackney

Based on real events.

"Sige na baka mahuli ka sa flight mo, wag ka mag-alala, okay lang ako, intindihin mo ang sarili mo" at niyakap ko si Max.

Nature na ng tao ang magmahal. Ito ay isa sa mga 'Basic Needs' na kung tawagin. Lahat tayo damay dito, walang exempted. Kung pwede nga lang na wag na lang maghanap ng mamahalin, Bakit hindi? Walang sakit ng ulo, hindi magastos at hindi ka papaiyakin. Pero sadyang mapusok ang tao, gagawin ang kahit anong gusto, masaktan man o hindi.

Simula nang magkaisip ako ay alam ko na kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay. Itinago ko ito para sa aking pamilya, para hindi ako ikahiya, masakit pero hindi ko makuhang maging malaya sa paraan na gusto ko. Pero alam ko, pagtagal ay makakalaya na din ako at maipapakita ko kung sino at ano ba talaga ako.

Ako nga pala si Kiefer. Ako ay pangatlo sa anim na magkakapatid na lalaki. Hindi sa pagmamayabang, pero sa pamilya namin ako ang achiever, naging compensation ko na yata iyon dahil alam kong hindi ako paborito ng aking mga magulang. Ayos lang, ganun talaga ang buhay. Parang isang box ng chocolate praline, hindi lahat ay pwede mong maging paborito, may iilan lang na paborito mo at ang iba ay hindi. Ganun ang estado ko sa pamilya. Wala naman akong mahihiling pa pagdating sa pisikal na anyo, isang purong Espanyol ang aking lolo mula sa Albay, sa side ng Mama ko at ang Papa ko naman ay Half-American, Half-Filipino, masasabing presentable. Gwapo, pwede. Pero malungot at nag-iisa.

Sinunod ko ang magulang ko hanggang sa pagkuha ko ng course sa College. Gusto ko kasi dati na maging TV Reporter dahil parang masaya yung palaging on the go. Pero dahil mas alam nila ang ikakabuti ng aking future ay sinunod ko sila at nag-graduate ako bilang isang Nurse.
Wala akong ginawa nung College kundi mag-aral, dahil sa gusto kong makuha ang approval ng mga magulang ko. Parang nakalimutan ko na yata ang mag-enjoy. Gusto ko kasi magkaroon ng Latin Honors at maging topnotcher sa Board Exam. Hindi naman ako nabigo, pero sa akala ko na mapapasaya ako nito ay hindi pala. Iba pa din pala talaga yung pakiramdam ng mainlove, wala kang maipapalit sa pakiramdam na iyon.

Nakahanap naman ako ng trabaho pagkatapos ng mga training na kailangan. Nakapasok ako sa trabaho bilang Private Duty Nurse. Malaki din ang sahod, nasa Php 200.00 ang rate kada oras kaya na-enganyo din ako. Halos isang beses na lang ako sa isang linggo kung magpahinga. Nagtagal lang ako ng sampung buwan doon. Malaki-laki din ang naipon ko. Nag-apply ako sa ospital sa Global City, pangarap ko kasi magtrabaho sa isang ospital. Nang matanggap ay humanap ako ng mauupahan sa Makati. Isa ako sa mga pioneer staff doon. Ibang saya ang dulot sa akin ng aking independence, na nakakapagprovide ako para sa sarili ko, nakakabili ako ng mga gusto ko. Ganito pala ang pakiramdam, masaya, nakakapagod at fulfilling, pero kahit na maayos na ang aking career ay parang may kulang pa din.

Maaga akong pumapasok sa ospital. Before 6:00 AM ay dapat nandoon na ako. Madalas kong makita itong lalaki na ito na laging nagjojogging tuwing umaga, nagngingitian kami at nagbabatian ng Good Morning kahit hindi kami magkakilala ng personal, kahit pangalan nya ay hindi ko alam, basta friendly lang siyang tao. Sobrang desirable. May hawig siya sa Basketball player na si Chris Banchero, mestizo siya at matangkad. Minsan pagpasok ko ay hindi ko siya nakita, habang naglalakad ako ay may nakita akong isang lalaki at nakaupo siya sa sahig at parang in-pain base sa facial expressions niya. Napansin ko na parang pinupulikat siya at nilapitan ko siya.

"Need a hand?" at tinignan ko siya. Siya nga yung lagi kong nakakasalubong tuwing umaga.

"Please" at tinuro niya ang legs niya. Nang tatanggalin ko na ang sapatos niya ay parang nahiya siya.

"Ako na" ang sabi niya sabay tanggal ng sintas ng sapatos niya

"Hindi, ako na" at ako na ang nagtanggal ng sapatos niya at flinex ang paa niya.

"Aaaw" ang sambit niya habang nakita ko na nawawala na ang sakit. Napansin ko na gwapo pala siya talaga, bigla akong napatitig sa kanya at napansin niya iyon at bigla kong binawi ang tingin ko. Maya maya pa ay parang maayos na siya.

"Okay na ko. Thanks!" at nginitian niya ako.

"My name is Jake, ikaw Nurse?" ang tanong niya sa akin. Malamang nalaman niya na nurse ako dahil sa scrub suit na suot ko at may RN na nakalagay.

"Kiefer, Kief na lang" sabay ngiti sa kanya. Akmang tutulungan ko siyang magsuot ng sapatos ay pinigilan niya ako.

"Ako na yan, sobrang thank you, baka ma-late ka na niyan?" sabay tingin ko sa orasan ko. 5:45 AM na at panigurado malelate na ako.

"Una na ako ha?" ang pagpapaalam ko sa kanya.

"Thank you!" at kumaway ako sa kanya at umalis na.

Nalate ako sa trabaho, pero worth it naman ang pagkalate ko. Sa wakas nakilala ko na si Jake. Gusto ko siyang maging kaibigan pero alam ko na hindi naman kami pwedeng maging magkaibigan overnight. Meron kay Jake na parang gusto ko pang malaman, sobrang nacurious ako sa kanya.

Pagkatapos ng trabaho ay umuwi ako agad para makapagpahinga, pakiramdam ko kasi sobrang napagod ako gawa ng madami kaming pasyente sa Medicine Ward. Habang naglalakad papunta sa aking unit ay may tumatawag sa akin.
"Kiefer! Kiefer!" hinanap ko ang tumatawag sa akin, paglingon ko si Jake pala at may dala siyang box.

"Kiefer, eto oh thank you gift ko sa pagtulong mo sakin kaninang umaga" sabay abot ng box na dala niya.

"Naku, nag-abala ka pa, wala yun, pero thank you ah" ang sabi ko kay Jake.

"Tara, hatid na din kita sa unit mo, sa 34th floor ako, ikaw ba?" at naglakad na kami ni Jake.

"Sa 21st ako" ang sagot ko.

"Tara" at umakbay siya sa akin. Nagulat ako sa pag-akbay niya pero di ko naman binigyan ito ng malisya.

Nang makarating kami sa unit ko ay kinain namin ang dala niya. One bedroom ang unit ko, actually parang bargain na nga lang ang upa ko doon dati, ang may-ari kasi ng unit na iyon ay yung anak ng huli kong inalagaan ko na naging close sa akin. Pinaupahan ito sa akin nang halos tatlong buwan lang at pagkatapos ay tinawagan ako ni Anna, yung anak ng may ari, pinatransfer na pala niya sa akin ang unit ng walang bayad, bilang ganti daw sa kabutihan at serbisyo ko nung buhay pa daw ang Daddy niya, at hindi na daw niya mamamanage ang unit kasi magmamigrate na siya sa Italy. In an instant may sarili na akong tirahan at abot abot ang pasasalamat ko kay Anna.

Masaya kausap si Jake, puno siya ng substance kausap at halatang matalino. Hindi namin namalayan na past 5:00 PM na at doon ko na siya pinakain ng dinner, nung una nahihiya siya pero pumayag naman. Pagkatapos nun ay nagpaalam na si Jake, na may pangako na siya naman daw taya sa susunod.

"Friends?" ang tanong ni Jake sa akin.

"Oo naman" at ngumiti ako sa kanya. Nagpalitan kami ng number at inihatid ko na siya sa elevator.

Nasundan ang bonding namin ni Jake. Lunch, meryenda, dinner, nood ng sine, pasyal, malling ay nagawa namin. Sa ilang araw na magkasama kami ay masasabi ko na lumalim ang pagkakaibigan namin. Nagulat ako nang aminin sa akin ni Jake na isa siyang bisexual at kakagaling lang niya sa isang break up. Nagpasalamat siya sa akin dahil nakalimot daw siya sa sakit na dulot nito. At that point inaamin ko umaasa ako na sa akin mababaling ang atensyon ni Jake, na ako ang susunod niyang maging partner. Pero hindi ko ipinilit ang sarili ko sa kanya, kahit na alam ko na maaring magkaroon siya ng partner anytime, sa gwapo niya hindi imposibleng may mahumaling sa kanya ng ganun ganun lang.

Lumipas ang isang buwan at nanatili kaming magkaibigan ni Jake. Hindi na din ako umasa na magugustuhan niya ako, sino ba naman magkakagusto sa akin, isang struggling nurse lang ako at wala masyadong social life. Hindi din ako kasing yaman ni Jake at alam ko naman na hindi ako makakasabay sa lifestyle niya. At alam ko ang limitasyon ko at ang reality.

Ito ang naging Winter Solstice ng buhay ko. Ang tagal ko nang naghihintay sa taong magmamahal sa akin, siguro may mali kaya hindi pa din matapos ang walang katapusang paghahanap ko sa taong magmamahal sa akin. Pakiramdam ko konti na lang tatakasan na ko ng kakayanan na magmahal.

Minsang off ko sa trabaho ay tinawagan ko ang bestfriend ko. Inaya ko siyang lumabas pero may lakad siya sa gabi kaya inaya na lang niya ako na sumama sa kanya, dahil wala naman akong mapupuntahan ay pumayag ako na sumama sa kanya. Isinama ako ng aking bestfriend na si Ian sa isang party ng mga bisexual. House party ito at iilan lang ang mga imbitado. Matagal ko nang kaibigan si Ian, simula Grade 1 ay magkaklase na kami hanggang sa grumaduate kami ng High School, kung meron akong mga kapatid na straight na lalaki ay meron din naman akong tinuturing kapatid na bisexual at iyon ay si Ian, kaya alam niya ang mga gusto ko, ramdam niya din siguro na kailangan ko na din magkaroon ng love life.

First time ko maka-experience ng house party na style pang-US. Yung tipong mga napapanood natin na house party sa mga pelikula na gawang America. Sa tingin ko mga 24 lang kami na nandoon. Hindi ako sanay makipagkilala kaya naupo na lang ako sa bar, may sariling bar ang bahay na iyon at habang kausap ko ang bartender na inarkila nila ay lumapit sa akin si Ian na may kasama.

"Max, this is my bestfriend Kief, and Kief, si Max" ang sabi ni Ian sabay abot ng kamay ni Max sa akin. Inabot ko ang kamay ko para makipagshake hands.

"Your type of guy?" ang sabi ni Ian sa akin, kumindat siya at iniwan na kami. Bigla akong nahiya kay Max. Gwapo si Max, para siyang si Geoff Eigenmann na mas matangkad, mas malaki ang katawan at moreno. Bigla akong naintimidate sa kanya at natahimik. Umorder siya ng cocktail sa bartender at nagsimulang makipag-usap.

"First time mo dito?" ang tanong sa akin ni Max.

"Oo, inaya ako ni Ian, para maiba naman daw ang environment ko" ang sagot ko sa kanya sabay sulyap sa kanya.

"Nag-aaral ka pa o work na?" ang pag-uusisa ni Max. Tuloy tuloy ang usapan namin at medyo tinatamaan na din ako ng alkohol dahil sa kung ano ang iniinom ni Max ay ganun din ang sa akin. Napansin ko lang na may pagkamayabang si Max, pero ayos lang sabi ko, bagay naman sa kanya kasi meron naman talaga siyang maipagyayabang. Nalaman ko na businessman si Max at trader sa Stock Market, sa edad niyang 24 ay may sarili na siyang business na kumikita. Inamin din niya sa akin na may partner siya ngayon pero he thinks daw na may other love interest ang partner niya pero hindi niya maiwan dahil sobrang mahal niya ito.

"Martir ka pala, modern martyr" ang sabi ko sa kanya at nagtawanan kami.
Maya maya pa ay nagpaalam si Max na maliligo lang daw siya sa taas kasi naiinitan na daw siya at umalis na siya.

"I'll be back" at kinindatan niya ako.
Maya maya ay naiihi ako. Pagkapihit ko ng doorknob sa C.R ay nakalock ito, malamang may gumagamit, nakita ako ng host ng party, yung may ari ng bahay at inihatid niya ako sa isang kwarto sa taas na may C.R at umalis na siya. Kumatok ako pero walang sumasagot kaya binuksan ko ito. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Max na nakahubad at nagpupunas. Nagulat ako at parang hindi makagalaw. Kitang kita ko ang kabuuan ni Max.

"Do you like what you see?" ang sabi ni Max at bigla kong sinara ang pinto. Napatigil ako at naalala ko ang itsura ng katawan ni Max, well defined ang chest at arms nya, ripped ang abs, may Apollo's belt na sobrang bagay sa kanya at maipagmamalaki na..
At biglang lumabas si Max na nakatapis at naputol ang pagrecall ko sa nakita ko.

"I assume magaling ang photographic memory mo, lalo na sa mga moments na ganun, right?" at nakangiti siya sakin habang kumukuha ng damit sa bag niya.

"Weirdo" ang nasabi ko sa kanya at pumasok na ako ng C.R.

Pagkalabas ko ng C.R. ay hinintay ako ni Max.

"Done? Tara na sa bar" at pumunta kami ulit sa bar. Puro kwentuhan ang ginawa namin ni Max, hindi ko makalimutan ang nakita ko kanina kaya nag-sorry ako sa kanya.

"Sorry? Ok lang yun. Parang yun lang" ang sabi ni Max.

"Baka kasi naoffend ka?"

"Ako maooffend? Hindi! Basta napasaya kita okay na yun!"

"Gago ka pala talaga" ang sabi ko sa kay Max sabay tawa.

Nang bandang 10:00 PM na ay nagpaalam na ako sa host at kay Ian, nang papalabas na ko ng pinto ay may umakbay sa akin.

"Tara, sabay ka na sa akin" at hinigpitan ni Max ang akbay niya.

"Hindi na, baka out of way ako" ang maayos ko na pagtanggi sa kanya.

"Taga saan ka ba?" ang tanong sa akin ni Max.

"Makati, Ikaw?"

"Taguig lang ako tara, I insist" at lumakad na kami papuntang sasakyan niya. Hindi din naman bagay sa akin ang magpa-hard to get at pumayag na din ako sumama kay Max.

Habang nasa daan kami ay tuloy pa din ang kwentuhan namin, bigla kong naalala na may partner siya at baka mamisinterpret kung may makakita sa amin.

"Okay lang yun sa kanya, walang pakialam yun sa akin eh, pero mahal ko" at nginitian niya ako. This time napansin ko na parang malungkot siya deep inside.

Nang makarating kami sa baba ng tinitirhan ko ay tinanong niya kung gusto niyang mag-coffee. Tumanggi siya at late na daw kasi at baka nasa bahay na daw ang partner niya at hanapin siya.

"Thank you, Ingat ka!" ang sabi ko kay Max.

"No problem, bye!" at umalis na siya.

At some point naisip ko na bakit may mga relasyon na ganun. Yung tipong yung isa mahal na mahal niya yung partner niya tapos yung isa naman sakto lang na mahal niya ang partner niya o worse, hindi pala mahal. Bakit kaya hindi pwede yung tipong mahal na mahal nila yung isa't isa na parang walang katapusan? Siguro nga kailangan may equality sa relationship, pero paano ko nga ba nasasabi ang mga ito eh wala pa naman akong solid na experience sa pakikipagrelasyon? Instinct siguro.

Lumipas ang isang buwan at tuloy pa din ang bonding namin ni Jake. Hindi ko na ulit nakita si Max. Kahit na may part sa akin na nanghihinayang na taken na siya ay parang mas okay na siguro na makita ko siyang masaya kasama ang partner niya. Ang pinagdadasal ko na lang ay sana mahalin din siya katulad ng pagmamahal niya sa partner niya.

Ibinuhos ko ang panahon ko kay Jake. Nakilala ko na din ang pamilya niya. Isinama niya ako nung magbirthday ang kapatid niya. Mayaman sila Jake, nakatira ang pamilya niya sa Ayala Alabang, lahat ng kapatid niya ay edukado, miyembro ng Alta de Ciudad ang pamilya nila, parang nanliit ako pero naramdaman ko naman ang pagtanggap nila sa akin bilang kaibigan ni Jake.

Sabado iyon nang ayain ako ni Jake na lumabas, uuwi sana ako sa amin pero dahil sa inaya ako ni Jake ay sa kanya ako sumama. Masaya ang gala namin ni Jake. Gusto ko na isipin na isa itong date. Napakasarap. Parang fantasy. Habang nasa seaside kami sa Mall of Asia ay tinanong ako ni Jake.

"Do you like me?"

"Oo naman, my friend" ang sagot ko sa kanya.

"More than friends? Matagal ko na gusto ito itanong, pwede ba kita maging partner?" at hinawakan ni Jake ang kamay ko.
Hindi ako makapagsalita at parang na-mental block ako.

"Will you be my partner?" ang tanong ulit sa akin ni Jake.

"Ha? Eh oo naman Jake! Mahal kita" ang pabulong na sagot ko kay Jake.
Napangiti si Jake sa sagot ko.

"I love you too!" at binigyan ako ni Jake ng matamis na ngiti.

Pagkatapos nun ay officially kami na ni Jake, para akong nabubuhay sa isang fairy tale. Pero naisip ko na dalawang buwan pa lang kami magkakilala ni Jake, parang mabilis ang pangyayari, pero sa loob ng dalawang buwan ay alam ko sa sarili ko na mahal ko si Jake, hindi ko lang maamin dahil sa takot ng rejection, pero ngayon na magpartner na kami ay alam ko na mahal din niya ako.

Masaya ang ilang linggo ng pagiging mag-on namin ni Jake, ginagawa namin ang mga ginagawa ng couple, pwera lang sa sex. Ayoko naman kasi i-insist na magsex kami. Inamin naman niya na hindi pa siya ready dito at tanggap ko naman yun. Kaya naman siguro magsurvive ng relationship kahit walang sex. Madalas kami lumabas. Kung minsan nagluluto ako ng lunch o dinner at sabay kaming kumakain. Bago siya matulog ay pumupunta siya sa unit ko o kaya minsan ako para mag-good night kiss. Lagi lang sa cheeks ang kiss niya na parang naweirdan ako, pero okay lang, hindi naman ako maniac na kailangan laging lips to lips.

Masaya maging partner si Jake, madalas pinagtitinginan kami sa mall, kahit wala kaming body contact ay parang nahahalata ng mga bi na mag on kami. Hindi showy si Jake, pero tanggap ko naman yun. Hindi din naman kasi lahat ng qualities na meron ako ay dapat meron din siya. Tinanggap ko ang lahat lahat kay Jake, minsan nagkakaroon kami ng maliit ng pagtatalo pero naayos din naman.

Pagkalipas ng isang buwan ay magcecelebrate kami ng 1st Monthsary namin. Napag-usapan namin na hintayin ko siya sa Cafe sa ibaba ng building ng Office nila. Tinext ko siya na nasa baba na ako pero wala siyang reply. Matiyaga akong naghintay sa kanya. Makalipas ng isang oras ay wala pa din siya, alam ko out na nila pero wala pa din siya. Maya maya pa ay nakita ko ang sasakyan niya na dumaan. Hindi ako pwedeng magkamali dahil kabisado ko ang plate number niya. Tinawagan ko siya pero naka-off ang phone niya, kahit na ganun ay hinintay ko pa din siya.

Isa, dalawa at tatlong oras at umabot na sa limang oras ang matiyaga kong paghihintay sa kanya. Naiyak ako sa inis at umuwi na lang. Saktong pagpasok ko ng lobby ay naghihintay na siya ng elevator. Napansin ko din na parang masaya siya at may kausap sa phone. Pagkalapit ko sa kanya ay di ko napigilan na mapaiyak.

"O, what happened?" ang tanong niya sa akin sabay hawak sa kamay ko. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin.

"Nagsayang ako ng oras kakahintay sayo!" ang sagot ko sa kanya. Sakto naman na bumukas ang elevator at pagkalabas ng mga nakasakay ay pumasok agad ako at sumunod si Jake.

"Ako?" ang sabi ni Jake sabay akbay sa akin.

"Oo ikaw!" at tinitigan ko siya ng masama. Biglang naalala ni Jake na may lakad kami dapat at ito ang first monthsary namin.

"Sorry" ang tanging nasabi niya at hindi na ako kumibo.

Nang makarating sa floor ng unit ko ay lumabas na ako ng elevator. Sinundan ako ni Jake at nagsosorry siya. Hindi na ko nagsalita at hindi ko na din siya pinapasok. Tinatawagan niya ko sa cellphone at pinatay ko ito. Sobrang nakakasama pala ng pakiramdam yung paghintayin ka sa wala.

Kinabukasan ay bumawi si Jake. Inabangan niya ako sa pinto ng unit ko na may dalang kung anu ano. Dahil sa mahal ko siya ay madali ko siyang napatawad. Babawi na lang daw siya sa second monthsary namin.

Muli ay naging maayos ang relasyon namin ni Jake, may mga times lang na parang may kausap siya palagi at may passcode na ang cellphone niya na dating wala. Hindi ko ugaling magbasa ng mga messages sa cellphone niya pero lagi kami nagpipicture dati kaya nagulat ako nang may passcode na ito. Hindi ko na binigyan ng issue ang bagay na yun at nabuhay ako sa alam ko na pagmamahal ni Jake. Alam ko kasi na mahal niya ako at siguro hindi naman niya ako lolokohin. Pag magkasama kami ay inaasikaso ko siya ng mabuti at nagpapasalamat naman siya na ganun ako, hindi pa daw niya kasi naranasan na siya yung inaalagaan, lagi daw kasi siya yung nagaalaga sa mga ex niya. Lagi ko pinararamdam kay Jake kung gaano ko siya kamahal and at the end of the day, alam ko na ramdam na ramdam niya iyon.

Habang tumatagal ay parang nanlamig si Jake sa akin. Inisip ko ang lahat ng pwede niyang ikawala ng gana sa akin, pero wala akong maisip. Naging madalang na ang pagkikita namin kahit na nakatira lang kami sa isang building. Maiikli na ang aming usapan sa phone at parang wala na siyang gana sa akin. Nag-usap kami tungkol doon at sinabi niyang pagod lang daw siya dahil sa trabaho. Tinanggap ko ang dahilan niya dahil naniniwala ako sa mga sinasabi niya. Pero sa loob loob ko ay parang may mali.

Bago dumating ang second monthsary namin ay birthday ni Jake. Naghanda ako para sa kanya at hiniram ang susi niya sa unit, nagdahilan kasi ako na sira ang tubo ng tubig sa banyo ng unit ko at makikiligo ako sa kanyang unit. Pumayag naman siya at binigay ang susi. Nagpa-off ako ng araw ng birthday niya at habang nasa trabaho siya ay abala naman ako sa paghahanda ng mga paborito niyang pagkain. Sinabi naman niya na uuwi siya agad para makapag-celebrate kami. Nang malapit na siyang umuwi ay natapos na ako sa paghahanda. Hinintay ko si Jake at nagtext ako sa kanya. Mga 7:00 PM ay wala pa din siya, mga before 6:00 PM kasi ay nasa unit na siya palagi. Tinatawagan ko siya pero hindi din sinasagot. Sa paghihintay ay hindi ko napansin na nakatulog na pala ako sa sofa.

Mga past 1:00 AM na nung magising ako dahil bumukas ang pinto. Ngayon lang dumating si Jake, pinilit ko na wag magalit kasi birthday naman niya kanina.

"Happy Birthday!" at hinalikan ko siya sa pisngi at inabot ang regalo ko.

"Thank you!" ang sagot niya at ngumiti siya sa akin.

"Tara kain ka na, san ka ba galing" ang tanong ko sa kanya.

"Lumabas kami ng mga ka-officemates ko" ang sagot ni Jake habang nakatingin sa cellphone niya.

"Hindi ka naman amoy, Alkohol ah, dinner?" at inihanda ko ang mga plato. Isang tango lang ang sagot ni Jake.

"Tara na, kain na o" at tinignan ni Jake ang mga hinanda ko para sa kanya. Hindi siya nakasagot agad at tinignan ko siya.

"Sorry busog na kasi ako eh, tabi mo na lang, kainin natin bukas, ligo lang ako" ang sabi niya sabay pasok sa kwarto niya. Nagulat ako sa reaksyon ni Jake, akala ko nagjojoke lang siya pero seryoso siya.

Natulala ako ng mga oras na iyon at kumain ako mag-isa. Napansin ko na hindi din naappreciate ni Jake ang regalo ko kasi iniwan lang niya ito sa sofa. Naluha ako sa nangyari nung araw na iyon, pakiramdam ko for the second time, hindi nanaman niya ako sinipot. Naramdaman ko nanaman yung sakit na lagi na lang ako ang naghihintay, ako na lang lagi yung nagbibigay. Alam ko hindi magtatagal magsasawa din ako, pero mahal ko si Jake.

Pagkatapos kong iligpit ang mga pagkain ay sinilip ko si Jake sa kwarto niya, natutulog na siya. Hindi man lang niya ako pinasalamatan sa mga hinanda ko. Nagmukha akong tanga noon at nasaktan. Pagkatapos nun ay lumabas ako at nagpunta sa McDo, yung 24 hours na bukas. Dinaan ko sa pagkain ang sama ng loob ko, nagsalamin ako kasi halatang mugto ang mga mata ko kakaiyak.

Habang nagtetext ako kay Ian ay parang may nakita akong pamilyar na sasakyan, alam ko na nakita ko na ito noon pero hindi ko matandaan kung saan, paglabas ng nagdadrive ay pumasok ito sa McDo, at hindi ako nagkakamali, si Max iyon.

"Max!" ang tawag ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin, lumapit at niyakap ako.

"Uy! Kamusta? Ngayon lang tayo ulit nagkita! Tatawagan sana kita noon kaya lang nawala yung phone ko, may number ka na sakin dati kaya lang nawala eh, pati kay Ian, kaya di ko mahingi sa kanya number mo" at isang matamis na ngiti ang ibinigay sa akin ni Max.

"Umorder ka muna, tapos kwentuhan tayo" ang sabi ko sa kanya.

"Sige" at pumunta si Max sa counter.

Pagbalik niya ay madami siyang dalang pagkain.

"May kasama ka ba at madami kang inorder? Ah yung partner mo parating ba?" ang pag uusisa ko sa kanya. Isang ngiti lang ang sinagot ni Max sa akin sabay pag-amin niya.

"Wala na kami, nakipagbalikan siya sa ex boyfriend niya. All this time niloloko lang pala ako, kaya ang sagot ko sa tanong mo, wala akong kasama at sa atin 'to" at inabot sa akin ang fries.

"Ikaw, parang matamlay ka, mukhang kakaiyak mo lang?" sabay tingin sa akin ng seryoso ni Max. Naiyak ako bigla at nagulat si Max. Inamin ko sa kanya ang lahat at parang naawa siya sa akin.

"Pag nakita ko yang boyfriend mo, sasapakin ko yan eh, ano bang pangalan niya?" ang tanong ni Max sa akin habang inaabutan niya ko ng tissue.

"Jake" ang sagot ko habang humihikbi.

"Jake? Jake ano? Ano apelido?

"Jake Lorenzo" ang sagot ko sa kanya sabay tingin sa kanya.

"Ah si Jake, hiwalayan mo na yan, siya yung boyfriend ngayon ng ex ko kaya niya ako iniwan dahil kay Jake Lorenzo" halatang galit si Max habang sinasabi niya iyon, akala ko nagbibiro siya pero hindi. Ilang beses na daw sila nagkaharap ni Jake at inamin na ng ex niya na nagkabalikan na daw sila nito. Nalungkot ako sa narinig ko. Gusto kong magwala sa mga nalaman ko pero pinigilan ko ang sarili ko. Gusto ko marinig ang lahat kay Jake.

Kinabukasan ay Sabado, wala akong pasok at pinuntahan ako ni Jake sa unit at nagpaalam na uuwi lang daw siya sa kanila. Pagkaalis niya ay nagtext si Ian na dumating na daw ang kaibigan namin galing sa London at nakacheck in sa Hotel na malapit sa airport. Pinuntahan namin ang aming kaibigan dahil sa matagal na napag-usapan na maglulunch kami. Pagdating namin doon ay pumunta agad kami sa isang restaurant na nasa hotel at masaya kaming kumain at nagkwentuhan. Sa pagkakataong iyon nakalimutan ko ang sama ng loob na meron ako. Parang nung panahong iyon nakatawa ulit ako ng totoo, yung parang walang dinadamdam.

Pagkatapos noon ay pumunta kami sa kwarto ng aming kaibigan, pagdating namin sa lobby ay nakita ko si Jake na may kasama, lumapit ako sa likod nila at narinig ko ang sinabi ng receptionist. Tandang tanda ko ang bawat salita na nanggaling sa kanya.

"Sir Jake, ito po yung complimentary na one day accomodation niyo po dito bilang gift po namin sa inyo dahil dito po kayo nagcelebrate ng birthday niyo kasama si Sir Nate" at nakita ko kung paano ngitian ni Jake ang kasama niya, at ito nga ang ex niya dati na sila na ulit ngayon, habang kami pa din. Tinawag ako ni Ian at hindi ako napansin ni Jake, paglingon niya ay sinigurado kong hindi niya ako nakita. Pagtalikod ko ay kitang kita ko kung paano hawakan ni Jake si Nate. Nakakagigil pero nagtiis ako.

Simula noon ay naging malinaw na sa akin ang lahat, kung ano nga ba ako kay Jake. Masakit, Oo. Gawing panakip butas. Sobrang masakit, pero alam ko naman na hindi doon natatapos ang buhay ko. Inamin ko ang lahat lahat kay Ian at naawa sa akin ang bestfriend ko. Sa kanya ko din inilabas ang lahat ng mga sama ng loob na meron ako pagkatapos ko silang makita kanina. Pasalamat naman ako dahil kung anong malas ko sa love life ay siya namang swerte ko sa mga kaibigan ko.

Pag-uwi ko sa unit ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Baka may mali sa akin na hindi ko alam. Naawa ako sa sarili ko ng mga oras na iyon, mukha akong kawawa. Kinagabihan ay nagtext si Jake na sa bahay daw nila siya matutulog kahit na alam ko na nasa hotel sila magpapalipas ng 'other partner' niya. Hindi ako nagreply at natulog na lang.

Kinabukasan ay tumawag si Jake na kung pwede daw ba kami mag-usap sa unit niya. Pumayag naman ako at inihanda ang sarili ko. Pag akyat ko sa unit niya dala ko yung isang regalo ko sa kanya na para sa second monthsary namin sa susunod na araw. Alam ko na hindi na kami aabot sa second monthsary namin kaya binigay ko na ang regalo ko. Seryoso ang mukha ni Jake pagdating ko sa unit niya.

"Simulan mo na mag-confess" ang sinabi ko kay Jake habang nakaupo ako. Tinitigan ko siya sa mata. Pinilit ko na wag maluha.

Inamin sa akin ni Jake ang lahat lahat. Mahal na mahal pa din daw ang ex niya. Kaya niya ako nagustuhan ay sa pag-aakala niya na matutumbasan ko yung mga naibigay ng ex niya. Sinabi pa niya na mahal din daw niya ako at nakikita niya ang ex niya sa pagkatao ko. Masakit marinig na all this time ay hindi pala niya ako minahal bilang Kiefer, kundi bilang reminder kung ano ang ex niya.

"We can't be together anymore" ang sabi ni Jake.

"Kaya pala hindi mo makuhang halikan ako sa labi, hindi mo kayang makipagsex sa akin kasi hindi pala ako ang nasa isip mo. Sana wag ka din gawing panakip butas ng ex mo" ang galit na sinabi ko sa kanya. Yumuko si Jake at sinabing

"Sorry, akala ko kaya ko, pero hindi pala" at sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero naialis ko agad ito at tumayo na ako.

"Ito nga pala yung isa ko pang gift sayo, sorry ngayon lang dumating hinanap ko pa kasi yan, kung ayaw mo, ipamigay mo o kaya itapon mo, wag mo ibabalik sa akin kasi may pangalan mo yan" at inabot ko sa kanya ang box na dala ko. Ito yung limited edition ng Parker Pen na pina-etch ko ang pangalan niya. Biglang tumayo si Jake at niyakap ako ng mahigpit. Ngayon ko lang naramdaman ang yakap ni Jake nang ganito at nanghina ako. Sa pagyakap niya parang nawala ang galit ko sa kanya.

"Jake, kahit wala na tayo, priority ko pa din ang happiness mo. Kaya go ahead, life is short, kaya ko naman. After a month or so, okay na ko" at pinilit ko na bigyan ng ngiti si Jake kasi kahit papaano gusto ko naman na sumaya siya, kahit hindi ako ang kasama niya.

Paglabas ng pinto ay doon na bumuhos ang luha ko. Hanggang sa elevator ay naiiyak pa din ako. Pinangako ko sa sarili ko na isang buwan ko lang iiyakan o dadamdamin ang mga nangyari. Alam ko naman na madami pang iba dyan. Pero hindi na ko makakahanap ng katulad ni Jake, merong mas hihigit pa, Oo, pero yung tipong Jake, wala na, siya lang yun. Sa pagkakataong iyon pinagmukhang tanga nanaman ako ni Jake, sinabi ko sa sarili ko na hindi na mauulit na pagmukhain niya akong tanga ulit.

Kasama pala talaga ng love ang masaktan. Combo pala talaga lagi siya. Not bad for my first experience. Alam ko naman na hindi pwede na kung sino yung first siya na yung forever unless fairy tale kami, which is not. May mga times na naiiyak pa din ako lalo na yung mga pagkakataon na ako lang mag-isa. Pero hindi ko inasahan na may taong sasalo sa akin. This time ginagawa ko na yung mga bagay na hindi ko pa nagagawa dati, katulad sa pagbuo ng social life ko.

Nagtanong tanong ako kay Ian kung saan ba maganda mag-bar. Gusto ko kasi subukan pumunta mag-isa, para naman may makilala akong bagong mga kaibigan. Isang bar lang ang sinabi sa akin ni Ian at iyon ay yung sa Resorts World Manila. Medyo may kamahalan doon at puro sosyal ang mga tao doon. Dahil sa curiosity ay pumunta ako doon. It wouldn't hurt naman siguro kung gumastos ako ng konti, tsaka for a change na din ang sabi ko sa sarili ko.

Pagkadating ko dun ay pumunta ako agad ng bar at umorder ng drink. Tinitignan ko ang buong place at maganda pala talaga iyon. Madaming tao ang nandoon, puro Inglisan sila ng inglisan. May ilang celebrities din akong nakita at kilalang personalities. Pero wala akong pamilyar na mukhang kilala. Sabagay ay first time ko doon kaya malamang wala akong kilala na regulars.

Ineenjoy ko ang music nang may narinig ako na tawa, parang kilala ko ang tawa na iyon. Tinignan ko yung lalaking tumatawa at parang kamukha niya si Max, lumipat ako ng upuan para mas makita at tama nga ako si Max iyon. Nagtataka din ako kung bakit ko siya lagi nagkikita, naging maliit na kaya ang mundo namin kaya ganun na lang kung magkita kami? Hindi naman siguro, baka nagkataon lang, for the second time.

Hindi ko agad tinawag si Max dahil may kausap pa siya, nang umalis na ang kausap niya kinawayan ko siya, nung una ay hindi niya ko agad nakilala pero nung lumapit siya ay ngitian na niya ako at umupo sa tabi ko.

"Hey! Kamusta? Alone?" ang tanong sa akin ni Max habang tinatapik niya ako.

"Yes! Alone, officially" at nagtawan kami. Alam na ni Max na hiwalay na kami ni Jake.

"Iwewelcome pa ba kita sa club? Broken hearts club?" ang sabi ni Max at mas natawa kaming dalawa. Simula noon ay ako lang ang sinamahan ni Max ng gabing iyon. Alam ko na malungkot din si Max. Gusto ko lang siya mapasaya. Unti unti kong nakilala si Max ng mga oras na iyon, mabait pala si Max at hindi siya totoong mayabang. May pagka-bad boy din siya pero yung tipong nasa lugar. Inamin din niya sa akin na nagboboxing na din daw siya ngayon, para daw pag nagkaharap sila ni Jake ay masusuntok daw niya ito. Hindi ko alam kung saan nangagaling ang mga sinasabi niya pero may pinaghuhugutan ito.

"Bakit hindi tayo maging magkaibigan? Tutal pareho tayong niloko? Let's get even" at kinikindatan niya ako ng pabiro.

"O sige, pagselosin natin ex mo" ang sagot ko at nagtawanan kami. Simula noon ay napapadalas na ang lakad namin ni Max, parang naging security blanket ko na din si Max at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakahanap ako ng taong aakay sa akin. Kakaiba ang relasyon ko kay Max, kami yung tipong kahit hindi magsalita nararamdaman kung ano ang dapat gawin, yung tipong tinginan lang alam na ang ibig sabihin. Walang malisya ang pakikipagkaibigan ko kay Max, magaan siyang kasama at ni minsan ay hindi kami nagtalo o nag-away. Marunong makisama si Max, kahit na sino ay kaya niyang makihalubilo.

Madami pa akong natuklasan kay Max. Parehong magulang niya ay may iba ng pamilya kaya literal na nag-iisa na lang daw siya sa buhay noong mamatay ang Lolo niya sa Father side na nag-alaga sa kanya. Galit daw ang Lolo niya sa Daddy niya kaya lahat ng pera at ari arian ay kay Max lang ipinamana. Sabik si Max sa pamilya kaya lagi ko siyang isinasama sa amin. Ibang saya ang nakikita ko sa kanya pag nasa amin siya, kalaro niya ng basketball ang mga kapatid ko at kasundong kasundo niya ang mga ito.

Nagbago na din ako ng itsura, nireinvent ko ang sarili ko, ang dating buhok ko na style Korean ay semi Mohawk na, lalo din akong naging lean dahil nag-exercise na din ako sa pang-eenganyo sa akin ni Max. Tinuruan ko din si Max na i-reinvent ang sarili niya. Nasa unit niya ako nung minsang mapag-usapan namin ito.

"Kief, bagay kaya sa akin magpatubo ng balbas at bigote? Matagal ko na kasi yun gusto eh, pinipigilan lang ako ni Nate dahil ayaw niya na ganun itsura ko" ang sabi ni Max habang tinitignan ang mukha niya sa salamin.

"Wala naman kayo eh, pwede na. Tsaka ikaw yan eh, kahit anong itsura ng mukha mo, kung mahal ka talaga nung Nate mamahalin ka nun kahit puno ka ng facial hair" ang sagot ko sa kanya. Bigla kong naalala na walang facial hair si Jake kaya siguro ganun din ang gusto ni Nate para kay Max nung sila pa.

"Hmm" habang tumatango siya.

"Bagay sayo pag semi-kalbo" ang sabi ko kay Max. Pagkasabi ko noon ay hinanda niya ang razor at nirazor ang buhok niya sa banyo. Tama nga ako, mas bagay sa kanya ang ganun.

Mga isang linggo bago kami ulit nagkita. Nagulat at nanibago ako kay Max, meron na siyang balbas na talagang bumagay sa kanya, pati ang semi-kalbo niyang gupit. Lalaking lalaki tignan si Max, mas lalong lumabas ang pagkagwapo niya.

Minsan ay nagpunta kami sa Mall, dahil magbibirthday na siya sa susunod na araw. Binilhan ko siya ng libro na tungkol sa Sports dahil mahilig siya doon. Di ko naman inaasahan na nandoon din si Jake at ang partner niya na si Nate. Nailang ako nang makita ako ni Jake, pero siya parang wala lang.

"Kief, kamusta? at ngitian niya ako. Hindi ako agad nakapagsalita. Pero nakuha ko din ang composure na hinahanap ko.

"Maayos naman, I mean, sobrang okay naman. Ikaw?" ang sagot ko sa kanya.

"Ganun din" at lumapit si Nate.

"Kief, this is Nate, di pa kayo nagmimeet diba?" at ngumiti lang si Nate sa akin at ngitian ko din siya

"Hello! Sino kasama mo?" ang tanong sa akin ni Nate.

At may biglang sumingit na boses.

"I'm Kiefer's new boyfriend" ang sabi ni Max at hinawakan niya ako sa bewang. Nagulat ako sa ginawa niya at sa loob ko ay malaking gulo ito kung nagkataon. Tinignan kong mabuti ang mukha ni Nate, nakatitig siya kay Max, halatang nanibago siya sa bagong itsura ni Max, masasabi ko na nagustuhan niya ito base sa tingin niya at si Jake, nakangiti na parang pilit. Tinignan ko naman si Max bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Nawala ang kaba ko nang makita ko na cool lang ang reaction ni Max, nahandle niya ang sarili niya, pero parang hindi ko kinaya ang mga susunod na salita na lumabas sa bibig ni Max.

"How about having lunch together, double date? I insist." ang sabi ni Max at napalingon ako agad sa kanya.

"Max" ang sabi ko nang mahina sa kanya.

"Sana hindi ako mapahiya na tanggihan niyo ako. Come on, Lunch lang naman" ang pang-aaya ulit ni Max. Mas lalong naging awkward ang environment. Biglang sumagot si Jake.

"Ah-h sure, sige, right babe?" ang sabay tingin ni Jake kay Nate.

"Good!" at mas hinigpitan ni Max ang kabig sa akin kaya mas lalo akong napadikit sa kanya. Isang matamis na ngiti ang binigay ko kay Max at sa dalawang nasa harap namin. Alam ko simula na ng pagganti.

To be continued..

29 comments:

  1. nice... hahah excited na ako sa pag sisimula ng pagganti,,,,


    ---andrew from cavite

    ReplyDelete
  2. wahehehehe kahit factual ang story ay okey na okey sa panlasa ko ......

    ReplyDelete
  3. Ilang beses ako napatigil ah...it was really that good kasi. Keep up. :)

    ReplyDelete
  4. nxt chapter please super gand



    ---Michael Taytay Rizal

    ReplyDelete
  5. what a nice story.. meron din akogn experience na ganun pru different story xa.. keep it kief..

    ReplyDelete
  6. isa din akong nurse....isang bagay siguro kung bakit nagustuhan ko ang istorya.... looking forward to read the next part soon.

    ReplyDelete
  7. maganda ang takbo ng story ah!
    congratz author!

    -Chami ng Lucena

    ReplyDelete
  8. Nice story nakarelate ako sau mr author we have a similar experience, I'm also an Rn from qc....

    ReplyDelete
  9. nice ----
    tele-novela lang ang exena...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Super bonggabels ang story. sweet revenge!

      Delete
  10. i used to work in the same hosp... tingin ko magkabatch tayo.. sa neuro icu ako... congrats bro! job well done...

    ReplyDelete
  11. nice story.. sana huwag maging teleserye ng abscbn.. na sa umpisa lng maganda.. pag nasa middle or ending ng story nagkabuholbuhol at pangit na.. congrats

    ReplyDelete
  12. Wow grabe ganda ng story my revenge hehehe...please upload the next chapter....

    ReplyDelete
  13. Relate nmn ako ky kief we had the same personalities lalo n pgngt2mpo ganun din ako...

    Looking forward s next chapter publish n agad habang fresh pa gudluck s lovelyf...

    mj=)

    ReplyDelete
  14. Nakakatuwa kasi parang pare parehas tayo ng experiences sa love. Looking forward sa next chapter :))

    ReplyDelete
  15. Kabogera ang istorya n ito :)

    ReplyDelete
  16. Nurse din ako so I have a heart for the story.. nice one

    ReplyDelete
  17. Ngayon lang ako nabuhayan dahil sa kwento masama ang paghihiganti pero parang gusto ko ang flow nito ang gandang gawing novel. Di pa ako RN hehe but the soonest i'll be. Gusto ko rin ng independence and the soonest i'll be. Gusto ko rin ng partner and the right time will come wag lang masyadong matagal..hahaha

    Love your story, next chapter please. parang ang dami ko nang iniisip na mangyayari and all i have to do is wait. God Bless!

    ReplyDelete
  18. Mr.Author ang ganda ng story! Nail-biter!haha
    Dali'an nyo po ung Part 2. haha excited ako eh :D

    ReplyDelete
  19. worth reading... next na please!



    -leo ng taguig!

    ReplyDelete
  20. inaantay ko ung kasunod na chpater nito.

    ReplyDelete
  21. nakak excite ung mga susunod na eksena.pucha parang moivie.ang ganda talaga

    ReplyDelete
  22. This one is a BEST SELLER MATERIAL

    ReplyDelete

Read More Like This