Pages

Sunday, September 8, 2013

Pag-Ibig hanggang Wakas (Part 2)

By: Keeno

Ang bakasyong iyon ang pinaka hindi ko makakalimutang bakasyon sa buong buhay ko. Andaming nangyari, pero syempre, hindi pa nangyari ang pinakaaabangan ng lahat, ang SEX. Ni hindi sumagi sa isipan ko na mangyayari ang bagay na iyon, hindi ko pa alam kung pano magsex ang dalawang lalaki, kung anong nangyayari, kung anong ginagawa, kung ano ang Top, ano ang Bottom, ano ang Versa. Pagkatapos ng bakasyong iyon, isang buwan kaming hindi nagkita. Umuwi kasi kami ng Bicol, hindi ko inaasahan na uuwi kami ng mga oras na iyon, kahit alam ko na umuwi ang tita kong balikbayan galing Australia, hindi ko parin inaasahan na isasama nila ako. Gusto kong magpaiwan ng mga panahong iyon pero, hindi padin ako pinayagan, dahil hindi padaw ako marunong sa sarili ko. Aaminin ko, may pagkatanga din ako pagdating sa paglalaba, pamamalantsa at paglilinis ng bahay. Actually kapag naglalaba ako, madalas eh kumukupas ung mga damit kasi hindi ko alam kung pano ang tamang pagdistinguish ng kumukupas at hindi. Sa pamamalantsa, lagi kong nasusunog ung mga damit at panyo na pinaplantsa ko sa pagaakalang mas matagal na pinlantsa eh mas hindi magugusot. Sa paglilinis naman ng bahay, madalas eh hindi tumatagal sakin ang walis tambo  alam nyo na kung bakit, nakakalbo haha. Going back, hindi ko naenjoy ang bakasyon ko sa Bicol, sa kadahilanang walang signal ang cellphone doon, at nasayang lang ung unli ko bago kami makarating don. Nung time na yun usong uso ang YM at Friendster, kaya naman yun nalang ang naging mode of communication namin ni Enzo. Madalas akong laman ng computer shop sa Bicol, pero dahil sa province namin nun eh iilan lang ang computer shop, siguro samin eh isa lang ang pinakamalapit at madalas eh punuan pa, mejo may kamahalan din iyon. Madalas as Friendster eh nagpopost sya sa Bulletin Board at madalas ang title eh “Gusto kong ipagsigawan sa lahat na mahal na mahal ko sya”,
tuwing makikita ko yon, napapangiti talaga ako, kahit ang laman lang ng message nun eh I MISS YOU MY BABY lagi. Sa YM, madalas eh hindi ko siya naaabutan, kung maabutan ko man na online sya, yun eh naglalaro naman kasi siya ng Ragnarok at mas busy sya dun. LUmipas ang mga araw, linggo at finally, almost a month, Pabalik na kami nun ng Manila, super excited ako kasi makikita ko na ulit si Enzo, kaya naman sa atat ko eh bumili na agad ako ng Prepaid Card Load para naman pagnagkasignal na eh tatawagan ko sya, palibhasa eh nakapulot ako ng Php 500.00 kaya malakas loob ng gastusin (hehe aaminin ko galit ako sa pera. Sabi nga ni mama eh ayaw ko ng may nakikita akong pera sa loob ng wallet ko). Nasa byahe kami at tulog ang lahat, tingin ako ng tingin sa phone ko… Napansin yun ni mama,
“Nak, kanina kapa tingin ng tingin sa phone mo, matulog kana kaya”
“Ma, hinihintay ko lang ung bugso ng messages dito, mamaya kasi eh mapuno ang inbox ko, diko na mabasa ung iba”
Actually dalawa ung phone ko ng mga time na yun. Yung sinanlang benta ng klasmeyt ko na 3310 at yung Sony ericsson ko na colored . Sa Ericsson na phone nakalagay yung sim na para samin lang ni Enzo while ung 3310 is my public number. Nang magkasignal na, sunod sunod na dumating yung mga messages pero yung para sa araw na yun lang. Nanlumo ako kasi akala ko eh magtetext sya sakin kahit alam nya na hindi ako makakapagreply (Sorry ah diko pa alam nun na hindi pala talaga papasok ang mga messages na unread for 7 days ). Tinulog ko nalang ung lungkot kesa sa mayamot ako, nagising ako nasa bandang Batangas na kami, naalimpungatan lang ako kasi vibrate ng vibrate ung phone ko. Yun pala eh tumatawag si Enzo…. Saktong tulog sila mama at may chance akong makausap sya, ayaw kasi nila mama na nakikitang may kausap ako sa cellphone, kaya kadalasan eh patakas.
“Hello Enz…..”
“Keeno, I hate you……”
“Huh? Bakit? Anong meron? Ui sorry ah I missed you so much Enzo, sorry ah…..”
“…..tututututut…..”

BInabaan nya ako ng phone, napaisip ako, was it intentional? May ginawa ba akong mali or may nasabi ba akong mali? Naglaro na naman ang isip ko, ngayon alam ko na kailangan kong bumawi, text ako agad sa kanya ng maraming I miss you at I love you… pero no reply. Napaisip talaga ako kung anong nagawa ko, dahil sa pagkakaalam ko ang huli kong testi sa kanya sa Friendster eh Pauwi na ako…
Hanggang sa nakarating kami ng bahay, isip padin ako ng isip, diretcho ako agad sa kwarto ko para mag-isip kung ano ba talagang nasabi ko, meron ba akong hindi nagawa o nagawang mali? Dapat eh pupuntahan ko siya sa kanila pero sabi ni Mama eh magpahinga nalang ako at magkikita naman kami bukas kasi enrollment na.
Kinabukasan….

“Sasamahan paba kita na mag-enroll Nak?”
“Wag na Ma, kaya ko na to. Para naman masanay nadin ako, 2 years nalang college na ako, pangit naman kung pati dun iistorbohin pa kita”
“Oh sige na nga, nga pala baka si Enzo nandun mamaya, pakisabi naman pasuyo sa Mama niya tong mga pinabiling Pili, dinagdagan ko nadin yan, pasalubong sa kanila”
“Ok ma, Alis na po ako”

Kaya pala marami ang pinabiling pili ni mama sakin nung nasa Bicol kami, kasi nagpabili ang mama ng taong mahal ko. Excited ako na Makita siya, mas excited pa ako na Makita siya kesa malaman ung Section naming dalawa, although alam ko naman na nasa 1st Section padin kami ng Science Section kasi performing students naman kami. Hinintay ko si Enzo sa favorite naming shed, 30 minutes na ang nakalipas pero hindi padin nagpapakita si Enzo. Nakita ko na ang friends nya, lahat eh tila masama ang tingin sakin, hindi ko alam kung bakit, kung anong nagawa ko, kung anong nasabi ko. After 10 minutes, dumating si Enzo. Tinawag ko sya pero ni hindi niya ako nilingon. Sinubukan ko syang sundan pero ambilis ng lakad nya, ngayon ko lang sya nakitang ganon, hindi ko alam kung bakit nagkakaganon sya, nang biglang may tumapik sa likod ko…. Ang bestfriend kong si Mico…
“Best, congrats ah balita ko section 1 ka padin, sayang hindi na tayo magiging magkaklase, nalipat ako sa Section 2 eh, wag ka mag-alala best, gagalingan ko para next year bago man lang gumraduate eh maging magkaklase tayo.”
“Ah, ganun ba best, sayang naman…” tulala ako habang sinasagot ko ang mga tanong nya..
“Best… bakit ganun? Anong nangyari… Bakit nya ako iniiwasan….”
“Best enroll muna tayo, lahat ng mga tanong mo eh sasagutin ko mamaya.”

Sasagutin nya mamaya? So may alam ang bestfriend ko pero hindi niya sinasabi sakin. Bakit kaya? Actually sasabihin niya naman, pero delayed lang. kaya lang, bakit sya ang unang nakaalam, bakit hindi ko nalaman agad? Bakit? Anong meron? Naguguluhan ako. Natapos ang enrollment at napagpasyahan muna naming tumambay ni Mico sa canteen. Tulala padin ako, blanko ang isip, pero nakapagenroll naman ako ng maayos. Bumili si Mico ng makakain at niyaya ako na bumili padin pero wala akong gana, sobrang wala akong gana… pero bumili padin kasi siya ng comfort food naming dalawa na GOYA, kaya naman kahit papano eh napakain nadin ako kahit konti.

“Best, alam ko naman na malinis kang tao, hindi ka magsisinungaling, hindi ka gagawa ng kwento, hindi ka magdedeny, alam ko yan best…”
“Best bakit? Ano bang meron, nahihiwagaan ako, parang lahat na ata ng kaibigan ni Enzo, pati narin siya, ilag sakin. Yung mga girls din mejo dama ko na ayaw ako kausap. Si Shayne nga na Mommy na ang tawag ko sa kanya at turing ko sa kanya eh deadma lang sakin. Ano bang nangyari?”
“Best, isang tanong isang sagot ah… Virgin kapaba?”
“Best?? Anong tanong yan? Masasagot ba nyan ung problema ko”
“BEST VIRGIN KAPABA???!!!”
Napatiklop ako nang pagalit na syang magtanong sakin…
“Best, oo naman.”
“YUNG TOTOO??!!”
“OO nga!! Bakit naman ako magsisinungaling? At ano bang isusuko ko para masabi mo na hindi nako virgin?”
Naglabas ng papel si Mico.. Pinabasa nya sakin.. galing iyon sa Friendster, screenshot ng isang post sa Bulletin Board.
P.S.
Tandang tanda ko ang screenshot na iyon, hanggang ngayon eh nasakin pa… gusto kong sunugin iyon nung nagretreat kami nang 4th year pero inisip ko na yun ang pwede kong maging strength kaya tinago ko nalang.

TITLE: MY FIRST ENCOUNTER
Oh yes, finally, I have experienced him inside me… oops I mean SEXPERIENCED him inside me. Ang sarap, ungol ako ng ungol sa ginawa nya sakin. Sulit na Sulit ang bakasyon namin. Next vacation namin who wants to join? Let’s have a great SEX Trip.

Nagulat ako sa screenshot printout ni Mico, hindi ko alam kung anong iisipin ko. Pero how dare him/her na gawin sakin iyon. Hindi ko alam kung anong ginawa ko sa kanya.. ang nakakapagtaka eh gayang gaya nya yung Profile ko, except for the testimonials. SInubukan kong kausapin si Enzo tungkol sa issue na to, pinuntahan ko sya agad sa bahay nila pero sabi ng Mama nya eh hindi pa siya nakakauwi kaya naman pagkabigay nung mga pinaabot ni Mama sa kanya eh umalis nadin ako. Hindi ko alam kung san sya hahagilapin, sa mga Computer Shops ba? Sa basketballan? Saan! Hindi ko alam. Gulong gulo ako… Sinong gumawa nun? Bakit? Anong kasalanan ko sa kanya….
Ilang araw ko ding pilit tinetext si Enzo para lang ibigay ang pliwanag ko.. lagi kong sinasabi na hindi ako ang gumawa nun at alam nya na sya lang ang dahilan ko para mag Friendster at alam nya naman na walang nangyari samin.. pero still no reply… Umabot nan g pasukan ang hindi namin pagpapasinan, at napansin din yun ng mga closest friends ko. Sila yung mga naniniwala na walang nangyari samin at malinis padin ako. First day ng pasukan, may mga bagong classmate na nanggaling sa kabilang section. Madali naming silang naging kaclose at nakabuo kami kaagad ng circle of friends. Pero kahit na may nabuo na kaming COF. Gusto ko pading malaman kung ano bang nangyayari kay Enzo. Isa sa mga naging kaclose ko sa COF ko eh si Miguel, galing siya sa Section 2, payat, matangkad, geeky tignan pero may itsura naman siya lalo na kapag nag-ayos. Alam nya na iba ako sa kanila at napaka open minded nya. In Fact aminado siya na curious din sya sa gender nya. Sa kanya ko nakwento ang lahat, madalas tuwing breaktime, umiiyak ako sa harap nya... Makikita ako ni Enzo na umiiyak na sa harap ni Miguel pero deadma lang sya…
Isang araw, nilakasan ko na loob ko, sabi ko sa sarili ko na kokomprontahin ko na talaga siya, aalamin ang reason nya sa pag-iwas sakin, sa paglayo ng loob nya sakin.. kung bakit ganun nalamang ang naging treatment nya sakin. Lunch break at tyempong nagiisa siya… Nang makakuha ng tyempo, agad kong hinila ang kamay niya at hinila ko siya hanggang makarating kami sa favorite spot naming dalawa nung 2nd year high school, puro pasa ang inabot ng kamay ko dahil sa pagkukurot at panununtok nya na hindi naman masyadong malakas pero tiniis ko yun kasi gusto ko nang matapos ang problemang to.
“Enzo ano ba ang problema, Enzo hirap na hirap na hirap nako…”
“Keeno, ako ang mali ok? Ako ako ako ako ako…”
“Enzo…”
“Keeno, habang wala ka, Oo nabasa ko yung post sa bulletin board, alam ko na hindi ikaw may gawa nun, alam ko kung ano itsura ng profile mo and it’s not how you talk, bawat words na ginagamit moa lam na alam ko, hindi ako tanga na maniniwala lang dun… pero….”
“Pero ano?”
“Kaya kong isakripisyo ang mga kaibigan ko para sayo, kaya kong ibigay ang lahat para sayo pero… Keeno… hindi tayo para sa isa’t isa… Keeno gusto ka ng parents ko, gusto din kita, pero…”
Hintay ako ng hintay ng sagot, nakatitig lang ako sa kanya, tulo ng tulo ang luha ko sa mga naririnig ko.. puro PERO, ano bang meron at ginawa pa yang salitang yan. Bakit may salita pang PERO..
“Pero Keeno habang wala ka, may nagustuhan akong iba.”
Nung marinig ko iyon, bumagsak ang mundo ko, lalo nan g inamin niya sakin na ang taong nagustuhan nya eh si Kary, isa sa mga kaCOF ko.. Nililigawan nya na pala si Kary, wala akong kamalay malay… ang masakit pa nun, COF ko pa, sila yung lagi kong nakakakwentuhan at sinasabihan ng secrets ko pero isa pala dun ang sisira ng lahat. Ang sakit sakit.. hindi na ako nakakain, ni hindi nadin ako nakapasok sa pang hapon kong klase, pumunta ako ng clinic at nagkunwaring nahihilo.. pero sa totoo lang eh gusto ko lang talaga magpahinga, gusto kong mawalan ng malay, gusto kong mahilo, gusto kong mamatay. First heartbreak ko, ang sakit sakit, parang ayaw ko nang magtiwala sa mga lalaki, or kahit sa mga babae. Kahit sa sarili ko feeling ko nawalan ako ng tiwala. Pagkalipas ng dalawang oras, umalis na ako sa clinic, pumunta ng Chapel at humingi ng guidance sa Kanya. Alam ko Siya ang tatanggap sakin kahit ano mang pagkakamali ang magawa ko, isipin ko o sabihin ko… Hindi ko alam pero sa isang mata lang pumapatak ang mga luha ko… sabi nila mas totoo daw ang pag-iyak kung sa isang mata lang ito papatak.. Pero ewan ko kung totoo nga iyon, ang iniisip ko lang, ang sakit, ang sakit sakit.. sobrang sakit… Hinintay kong mag-uwian na sila, para may kasabay din akong umuwi. Nakita ko si Mico kaya naman sumabay nako sa kanya pero sa likod ni Mico ay nandun si Enzo, kasama si Kary, dala dala ang bag ni Kary, at naghaharutan pa sila. Parang sa kanya, balewala lang ang mga nangyari kanina, parang balewala lang na nagkaron kami ng closure… nakita nya kami ni Mico pero ni isang “Hi” sakin eh wala syang binigay… Inisip ko nalang, kailangan ko nalang tanggapin, babae yun eh, may isang bagay na kailangan ni Enzo na hindi ko kayang ibigay sa kanya… iyon ang iniisip ko para lang pampalubag loob. Ang sakit eh, sobrang sakit… Paguwi ko ng bahay, diretcho ako agad sa kwarto, sobrang sama ng pakiramdam ko, pero sa totoo lang, gusto ko nang mamatay, ayoko nang pumasok ng school, gusto ko magtransfer or magpalipt nalang ng section, pero alam kong mali kung magpapatalo nalang din ako….
Araw araw na ginawa Niya, for two months, nagtiis ako bago ko nasabi sa sarili ko na kahit 70% eh nakapagmove on na ako. Hindi na ako nasasaktan kapag nakikita ko silang dalawa, pinapansin narin ako ng mga friends niya, ok nadin ako sa iba kong friends, kila Mommy Shayne at sa COF niya. Kaya naman mejo nakapagadjust nadin kahit konti. Ilang linggo ang nakalipas, nabalitaan ko nalang na sila na… syempre masakit, hindi lang masakit, sobrang sakit, dati ako yung ginaganun nya, dati ako yung hinaharot nya, pero ngayon iba na, Oo tama na babae ang mahalin niya, tama na dapat maging sila, gwapo si Enzo, maganda si Kary, chinita, maputi, may tamang height…pero…. Nagmahalan kami ni Enzo, just when I thought na magiging ok na talaga kami at magsstart na maging stable, nagkamali ako…
Para lalo pang makamove on, nagfocus ako sa extra curricular activities ko for my Junior Year, sumali ako sa Chorale at Cheering Squad at doon mas naging close kami ni Miguel….

..Itutuloy

SPOILER..
Nakakalibog na part na ang Part 3 Si Miguel, na dati ay curious lang, eh naconfirm sa sarili niya na Bi siya. He tried it with someone else but didn’t work, then decided to make me his Guinea Pig for M2M love. Nag-ayos na sya, no more glasses, but contact lenses, No more baggy clothes, mas maporma na sya ngaun. No more oily faces pagdating ng hapon… Nagpagwapo talaga sya… He tried to be perfect physically for me but….

2 comments:

  1. Author san ka po sa caloocan? Anong age mo po ngayon? At isa pang sneak peak naman oh, meron pa bng magiging part si kuya jake dyan.

    Keep on updating po. Sana wag na po kayong gumaya sa mga ibang authors na super open ended story lagi, kase puro part 1 nlang lahat ng istorya d2 sa km.

    -grin

    ReplyDelete

Read More Like This