Pages

Monday, September 30, 2013

The Game of Revenge (Part 1)

By: John Mickey Fortaleza

Chapter 1.1- Meet the Characters

Nasa isang sementeryo ako. Maliwanag ang paligid. Maaliwalas ang panahon. Malaya ang mga ibong lumilipad.

Malaya.

Bakit parang nakaramdam ako ng bigat sa dibdib sa salitang yun? May naramdaman akong kakaiba.

Inggit?

Ewan.

Malaya naman ako sa aking pagkaka alam. Oo. Alam kong Malaya ako.

Malaya ako.

Nasa ganoon akong pag mumuni- muni nang bigla akong may marinig na tumatawa. Tawang nakakapanindig balahibo.

Tumingin ako sa paligid ko. Iginala ko ang paningin ko hanggang makita ko ang isang lalaking nakatalikod sa akin at nakaharap sa isang puntod. Tumatayo ang lahat ng balahibo ko sa kilabot na hatid ng pagtawa niya.

Ang tawa niya ay kakaiba. Nagsasabi itong nagtagumpay siya sa mga plano niya. Planong hindi kanais nais. Hindi kagandahan. Mga planong parang sa aking paningin ay kumitil ng buhay.
At bakit tinatawanan niya ang puntod sa harapan niya? Nakakapangilabot talaga.

Pinagmasdan kong mabuti ang lalaki. Pareho kami ng pangangatawan. Pati style ng buhok ay parehong pareho kami.

Ang aura niya ay nakakatakot. Aurang nagsasabing matakot ka sa kanya. Para bang nagsasabing matakot ka sa kanya. Na hwag mo siyang babanggain kung hindi sasagasaan ka niya at sisiguraduhing mayuyupi ka.

Pinagmamasdan ko pa rin siya nang mapansing kong tumigil na siya sa pagtawa.

Unti unti niyang pinihit ang ulo niya. Unti unti niya akong tinitingnan.

Bawat galaw niya ay nakakapagbigay ng ibayong kaba sa akin. Kabang hindi ko maipaliwanag.

Nakaharap na siya.

Nakikita ko na ang mukha niya. Pero, . . . . . . . . . .

Paanong?

Imposible!!!!

Bakit ganon?

Kamukhang kamukha ko ang lalaki.

Siya ako.

Ako siya.

Mukha.

Pangangatawan.

Lahat lahat.

Takot na takot ako pero nagawa ko pa rin siyang tingnan sa mga mata.

Ang mga mata niya. Punong puno ng galit, paghihiganti, poot. Pero tining nan ko pa ito ng mas malalim.

Nakita kong may lungkot. Lungkot na dala ng kakulangan ng pagkatao noiya.

Nang walang anu ano’y big;la na lang akong nakaramdam ng halo halong emosyon.

Tiningnan ko siya. Nararamdaman ko ba ang nararamdaman niya?

Bigla siyang ngumiti. Ngiting kakatakutan ng sino mang makakakita.

“Magiging ikaw ako pagdating ng panahon.” Sabi niya.

Hah?????

Anong sabi niya?

Anong ibig niyang sabihin??

Bigla siyang naglakad papalapit. Papalapit ng papalapit sa akin.

Humakbang ako papalikod. Bawat hakbang niya ay pinaparisan ko ng hakbang palikod.

Hahakbang pa sana ako nang maramdaman kong wala na akong hahakbangang palikod. Tunmingin ako sa likod ko.

Bangin.

Isang bangin na kung tatantyain mo ay hindi naman ganun kalalim. Pero nakakatakot pa rin.

Nakatingin pa rin ako sa baba nang may maramdaman akong presensya sa aking harapan.

Nakakatakot.

Ayokong humarap.

Pero kailangan.

Shet naman oh!

Unti unti akong humarap sa presensya sa likod ko.

Pero imbes na yung kamukha ko ang Makita ko, iba.

Mas nakakatakot.

Shet.

Ayoko na.

Isang unknown na nilalang na nakakapa ang nasa harap ko.

Nakatitig ang mga pulang pulang mata niya sa akin. Humakbang ako palikod. Huli nang naalala kong bangin pala ang nasa likod ko.

Buti na lang nakahawak pa ako at hindi nahulog ng tuluyan.

Shet naman oh. Ano ba ito? Paano ba ako nakapunta ditto???

Shet! Shet! Shet!

Ayko pang mamatay.

“Tulungan niyo ako! Tulong! Pls! tulong!” sigaw ko. Nagbabakasakaling may makarinig sa akin.

Patuloy pa rin ako sa kakasigaw nang may marinig akong mga yapak ng paa. Ito na naman ang tambol sa dibdib ko. Koyang kota na ako sa kaba ah!

Biglang sumulpot ang mamang nakakapa.

“Walang makakatulong sa sarili mo kung hindi ikaw lang din.huwag na huwag kang magtitiwala kahit kanino.” Bigla niyang sabi.

Kinilabutan ako sa boses niya. Parang galling sa ilalim ng lupa. Shet. At anong sabi niya? Huwag akong magtititwala? Bakit? Kanino? Sa lahat?

Nasa ganoon akong pag iisip nang may maramdaman akong umaapak sa kamay ko.

Shet! At anong ginagawa nya?

Nakabitaw na ang isa kong kamay. Isinunod niyang apakan ang isa pa.

Okay. Katapusan ko na. mahuhulog na ako. Bye Philippines. Bye world.mwuaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!

“AaaaaaaaaaaHHHHHHHHHHHHH!” sigaw ko habang pagulong gulong ako. Ramdam ko ang skit sa bawat pagbangga ko sa iba’t ibang bagay. Mamatay na ako.

Nang biglang. . . . . . . . . . . .

KKKKKKKKKKKrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnnnnggggggggggggg!

Boooooooooooooooooooooooooooooooogs!

“Shet! Ang sakit nun ah! Pwetan ko shema!”

Sandali nasa kwarto ako ah.

So panaginip pala yun. Yun na naman.

“Bwisit na alarm clock ka! Bat ba ang aga aga mong nagriring hah?!!! Putang ina naman oh! 6:30 palang oh!!!” sabay palo palo effect ko sa alarm clock ko. XDD

Pero sandali. Bat nga ba ganito kaaga nag ring ito? Ako lang din naman ang nagseset ng alarm ko ha. Wait. Bakit nga ba?

I grabbed my phone sa side table at tiningnan kung anong date ngayun.

Shet. Shet. Shet. Kung minamalas ka lang din naman oh!! First day nga pala ng classes ngaun!!! Ano ba yahn!???

Tumayo ako. I need to be in a hurry. And sakit pa ng puwitan ko puta! Malas! Malas! Malas!

“Mommy!” pagtawag ko sa mommy ko. I need her help.

Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa neto ang isang magandang babaeng nasa mid thirties niya. Huwag kayo! Mama ko yahn! Hehe

“Yes anak?” sbi niyang kalmado. Siya na ata ang pinaka kalmadong taong nakilala ko. Kahit siguro masunog tung bahay magiging ganyan pa rin siya kakalmado.XD

“Pwede niyo ba akong ipilian ng damit for school? I’ll be late kung hindi ako magmamadali. Ate and kuya might be on their way na rin.” sabi ko.

“Okay. I’ll do it. Go take a bath na. your kuya called our landline. Ako nakasagot. He said that he’s on his way na.” tugin naman niya.

“okay ma. I’ll take a bath na.” balik ko sa kanya.

I went straight to the bathroom, opened the shower, and took a bath. Hindi na ako nagwoworry abiut the damit na pipiliin ni mama. Fashionista kasi siya. Sunod sa uso kumbaga. Mas stylish pa nga ata siya sa akin ehh. Hehe

Ohw. By the way. Before I forgot.

I’m John Mickey Fortaleza. 13 years old. Sabe nila cute daw ako. Sabe nila ahh. Haha. Hindi naman sa pagmamayabang but my parents are the biggest businessmen in Asia today and probably one of the biggest in the whole world(hindi pa nagmamayabang nyan ah!XD). Gay po ako pero hindi yung as ing gay na gay. Malamya ako kumilos pero yung hindi malamyang malamya. Tanggap din ako ng parents ko at may dalaweang bestfriend akong sobrang protective at tanggap ako.

I am an incoming first year high school student in one of the most prestigious and highly respected universities sa place namen.

Take note: I haven’t been inlove yet. At ayoko muna.

That’s me. Yeah hehe.

sana subaybayan niyo.:)

3 comments:

  1. Go ganda rin naman pagpatuloy mo lang

    ReplyDelete
  2. Intro. plng pla un? Pero okie nmn ndie nka2inip!,

    ReplyDelete
  3. ang nice ng story...
    sana ipagpatuloy mo mr. author....

    ReplyDelete

Read More Like This