m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community, kaplogan, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kantutan stories, pinoy gay stories, pinoy m2m stories, kwentong kalibugan, pantasya stories, pantasya collection, tagalog gay stories, gay filipino stories, top pinoy gay site, pinoy libog stories, gay pinoy, bakla sites, bading sites, pinoy gay porn, pinoy gay, pinoy gay scandals, m2m pinoy, pinoy gay movies, pinoy gay indie,

Sunday, June 1, 2014

Class B

By: Temujin

Magandang araw mga KM readers, =) sa totoo lang di ako masyadong nagbabasa dito, pero nung may mabasa ako about "more on Relationship" (less sex) na kwento saka ko pa naisipang mag post ng kwento dito. "Class B" nga pala ang ipinamagat ko sa kwentong ito. Kung bakit? malalaman nyo rin dito sa kwento koh.

Ako nga pala si Temujin, tawagin nyo nalang akong Timm. 24 yrs old na ngayon at kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang Bisor sa isang...siguro di masyadong well-known pero Sikat na Grocery shop. (madalang ko lang kasing nakikita toh sa fliers ang pangalan ng store namin, kaya masasabi kong di sya masyadong well known). Sa hugis ng katawan...siguro tipikal lang ako nga tao, madalang lang din kasi akong mag gym, siguro 5x a month. Pero figured pa naman, may abs pero hindi masyadong "extract", I'm weighing 70kg. kaya alam nyo na siguro kung gaano ako kalaki. 5'7 ang height, di maputi. siguro "fair" lang ganun. kahit kasi naka aircon ang working environment ko siguro tumatak na sa angkan namin na morenos at morena, (puputi kalang pag uminom ka ng sandamak-mak na gluta.) Di naman ako ka-gwapohan. Tita ko mismo maysabi nun. pero yun nga lang "perfect" daw ang pagkaDRAWING ng kilay,ilong,mata at labi koh, (hahaha) kaya daw minsan kung nasa medyo di kadiliman, mapagkakamanan mo raw talaga akong si Late Rico Yan (na walang dimples >.< marami narin maysabi nun. sa katunayan nga may picture akong talagang kahawig na kahawig ni Rico Yan!. kung di palang siguro dahil sa katabi kong dalawang profesor namin, di talaga sila maniniwala.)

Nagsimula ang lahat ng ito nun 23 palang ako. Team Leader pa ako nun, at for Supervisory promotion palang kaya pakitang-gilas sa trabaho. Sa isip ko "Greatest achievement na rin kasi yun." Sa trabaho nakilala ko si Katelyn, Kate nalang for short. Mechandising clerk namin sya. Sa totoo lang humanga talaga ako sa kanya, Mabait (as in sobrang Bait!), morena din, pero lahing italiana, (half italian kasi tatay nya). syempre matangos ang ilong, at walang ka arte arte. SIMPLE kun baga. kaya attract na attract ako sa kanya.
Minsan kahit wala akong sadya gumagawa talaga ako ng dahilan para makalapit sa kanya. hanggang sa nagkapalitan ng numero. at di kalaunan talagang naging kami. Oo! seryosong seryoso ako kay Kate. hindi kasi sya yung tipong nanghi-hingi o yung materialistic. kaya ang sarap nyang mahalin! "Hon" nga pala tawagan namin. "Bawal na Pagmamahal" ika nga. alam nyo na sa amin kasi bawal na bawal makipag relasyon sa ka trabaho! stikto sila nun! sa totoo nga may na sampolan nah... Dahil na rin siguro sa popolar ako sa store at close ko lahat ng head namin, pumayag naman sila sa kundisyon na dapat hindi ito umabot sa Area Manager at Regional Manager namin. kundi lagot kaming pareho. naging complikado ang lahat sa amin ni Kate, bawal na bawal kasi mag lambingan sa loob ng store...pero binabawi ko naman sa labas. Ganun lang! di pareho yung shift namin, di pareho ang day-off kaya kapag nagkataon nilulubos namin ang oras naming dalawa. hinahatid ko pa sya sa boarding house nya,(nag bo-board lang kasi sya) usap saglit, minsan tumatagal pah hanggang 1am...okay lang naman saken. may sasakyan di naman ako (di yung mahal ha? mumurahin lang, KIA na sportivo.) Ewan ko ba? nalilito ako sa Relasyon namin. Nung minsan na nag dinner kami sa labas...

Kate: ...Hon, syanga pala. Natatandaan mo paba yung time na sinabi kong mag-aaply ako sa kabilang store? (Robinsons).

Ako: "uhmm hmm.." [Oo] (ngumunguya kasi ako nun.) bakit? me tawag naba?

Kate: Yess hon!!! supper nabigla ako nung tumawag ang HR nila na natanggap yung application koh, for final interview na ako hon!

Ako: so? this calls for a Celebration!!

Kate: eh anu toh? di paba toh Celebration? hahaha wag nah hon, makikita lang kita nag cecelebrate na ang puso koh!

Ako: (pinahiran ng ketchup ang ilong nya) assuussss! tong lalabz ko kahit kaylan di nauubusan ng sweet words! (taz pina wacky face)

Kate: Ang pangit moh.. hahaha! ulitin mo nga?

Ako: toh naman... di ako uto noh.. hahahaha!

Kate: hehe ay! nga pala hon... (kinuha nya cellphone nya) wag kang magalit ha?

Ako: hmmm?

Kate: yung Supervisor ng Grocery sa Robinsons hon nanghingi ng Number sakin.

Ako: talaga? magkakilala naba kayo? (serious face)

Kate: di masyado... uyyyy... honey nagselos... hahahahahahaha!

Ako: di ahh, nagtatanong lang selos agad?

Kate: sya kasi yung tutulong sakin dun. diba mas madali yun... tsaka kahit gwapo yun mas Gwapo kapa nun!

Ako: talaga lng ha?

Kate: selos na yan!... hahahahahahaha! si honey nagselos na! eeetttttt! hahahaha

Ako: di naman, bakit may dapat ba akong pag seselosan? hahaha Alam mo hon, ganito kasi yan "If you found out that there is somebody who is flirting to your love one, dont be jelous! instead!pay more attention in loving her, for you already had. what they cant have!" (tapos ngumiti) hahahaha! see? ganyan kalaki ang tiwala ko sayo...

Kate: sarap nun ahh!.. pa kiss nga! mmmuuuuaaaahh!

At dun, natapos ang dinner namin na medyo may asaran pero masarap naman... Malaki kasi ang tiwala ko kay Kate, sakin lang din mas okay na yung malayo kami.. para walang Bawal! malaya na kaming nakagagalaw at nakakapag lambing...

Isang normal lang na umaga sa akin nun! Feeling Fresh lang talaga ako sa panahong yun, ewan ko? parang Inspired na inspired! eh, wala naman akong maisip na nakaka pa-inspire sakin. Morning shift ako nun. As usual nag roroving. naka duko ako nun nang aksidente kong mabangga ang isang mama.
"awh.. sorry sir! sori po di ko natingnan ang dinaanan koh." paumanhin ko...
"okay lang" tugon nya. Nakasando lang sya nun. taz naka jeans na kupas at may butas-butas, (style) siguro. Hindi ako namangha sa mukha nya (Oo! gwapo sya, lamang na lamang sakin, may pinaghalong aljur abrenica at jhon pratts ang mukha nya na ewan! hahaha) mas namangha ako sa Tatoo nya sa balikat. Sobrang ganda ng pagkagawa! parang 3D lang?! kaya sinusundan ko talaga sya. di naman nya napansin, hanggang sa nagbayad na sya sa cashier. Pinuntahan ko agad ang isa kong kaibigan si Aldrin, "aL! nakita mo yun?" tanong ko sa kanya... "Alin dun?" sagot nya, "Yung tatoo! grabeh! sobrang astig! pang 3D lang!"
"Ahhh yun?! di masyado.. hahahahaha! kaya mo pala sinusundan yung costumer! ang akala ko pa naman sinusundan mo dahil kumupit na naman ng chocolate!" biro ni aL. (nangyari na kasi yun, sinundan ko talaga yung costumer hanggang sa cashier, nung makita kong di nya inilabas ang chocolate sa bulsa nya, at tapos na syang magbayad dun ko sya sinunggaban.) mga Isang linggo din ang nakalipas hindi ko na namalayan yung taong yun. Naging abala rin ako sa trabaho, sunod-sunod din kasi ang cycle count namin. Si Kate naman both yung pag-aaply nya sa kabilang store at trabaho nya ang pinangkaka-abalahan nya.

"Timm, nag away ba kayo ni Kate?"bungad na tanong ni aL.
"Oo nga, napansin ko parang ang sunggit nya ngayon" pagpuna ni James.
"Timm, baka di mo napatungan kagabi?! kaya nag aamok yun! pag kakausapin mo kasi biglang nagagalit, tsaka ang sunggit pah! napagsabihan nga ni aL kanina na "hoy! alam mo! kung hindi ko palang nirerespeto si Tim bilang kaibigan at Team Leader..sinasagot na kita!" Ang hanep nya Tim! kausapin mo nga." pag-sang ayon ni Gerald. (mga kaibigan ko sa Sales Assistants / Costumer Consultant).
"Ganun bah? wala naman syang nasabing problema saken ah? tsaka napansin ko lang madalang na syang mag txt.... sige kakausapin ko mamaya." sagot koh.
"Tim! showing na ang Hansel and Gretel -the witch hunter bukas! nood tayo!" pabungad ni Joshua.
"Bukas naba yun?" tanong koh.. "opo sir! January 25!" sagot ni josh.

Sa pangyayaring yun sinubukan kong kausapin si Kate, Pasensya nadaw at sobrang na pressure lang sya.. nung malaman kasi ng Head office namin na mag re-resign sya, halos dinoble ang trabaho nya. kaya ganun.

Ako: (pabulong) Hon, nood tayo ng sine bukas, showing na yung hinihintay natin na show...

Kate: next time nlang hon, may lakad kasi ako bukas...

Ako: Saan? pwede maman kitang samahan ah,

Kate: Wag nah...

Ako: bakit naman? o sige ihahatid at susunduin nalang kita kung ayaw mong magpasama.

Kate: wag na nga... ang kulit mo!

Ako: okay, gaano ba ka importante yan?

Kate: hayz! (napabuntong-hininga) kainis! okay... uhmmm basta! magpapa prenatal kami ng kaibigan ko bukas! okay? Girls walk. okay na?

Ako: yun lang naman pala eh, ang dali mong pasikot-sikot.
sige alis na ako, nagsasalubong na kasi ang kilay moh.

Kinabukasan (day-off ko) nagbabad nlang ako sa internet. nag Facebook, nang bigla kong makita yung damit na gustong-gusto ni Kate, "Uiii! wow! nag sale ng 50%!!" hinanap ko kung saan ya available, at! boom! available sya sa mall malapit sa amin! tiempo din na sahod koh kasi 25 nun. agad akong nagbihis ng Polo na may hood (paborito ko kasi ang ganung attire.) nag semi-skinny jeans kaya medyo lumutang din yung postura koh. =), agad akong nagpunta sa mall at binili ko yung whole dress na yun. Napagdesisyunan ko na kumain muna kaya nagpunta ako sa may KFC (paborito ko kasi ung chicken at sundae nila). halos puno ang upuan, palibhasa Pay-day kasi. "Sir dun nalang kayo oh? nag-iisa lang naman ang nakaupo dun." offer ng service crew sakin. "okay sige salamat =) " tugon koh. Paglapit ko isang pamilyar na relo ang napansin koh, "Hey sir, pwede maki upo?"tanong koh, "Oo bah, sure,"sagot nya. "wala kang kasama?" tanong koh.. "sa tingin mo pa-uupuin ba kita kung meron akong kasama? hahaha" sagot nya. Angas! offend ako nun pero napawi nung makita ko syang tumawa. Ewan ko bah? para akong sasabog nung makita ko sya, Ang Gwapo nya kasing tingnan eh! "oo nga naman, sorry..." paumanhin koh.. "Do i know u?" tanong nya. Sa isip ko (hindi! pero ako kilala ko yung mukha at tatoo moh! naka T-shirt sya nun kasa nakatago ang tatoo nya.) "Ahmm... pamilyar lang siguro sir, common naman tong mukhang toh eh"sagot ko. "hehe sir talaga ah?! haha pero parang napansin na kita!... uhmmm... Tama! sa ___________! ikaw nga yung bumangga sakin!" sabi nya... "with feelings ah! sory dun ah, natatandaan mo pa pala, siguro ako lang yung bumangga sayo sa mga panahong yun!"tugon koh. "hahaha toh naman di mabiro...Jake nga pala (sabay abot sa kamay nya)."
"ahhh Temujin pala, Tim for short." pakilala ko..."ahh...nice knowing you Tim."

Jake: Sa gwapo mong yan pwede kang mag model.
Ako: (muntik nang mabilaukan) hahahaNice joke sir! ay.. jake pala!
Jake: totoo yun! nga pala ano bang posisyon mo dun?
Ako: ahm, Merchandiser... (pagkunwari ko).
Jake: wow! ang humble naman... tinanong ko kung ano ang ibig-sabihin sa uniform nyo, ang sagot nung Supervisor daw.
Ako: (namula.. sa isip ko bat ko naman sasabihin sa taong toh na minsan ko lang nakilala) ahm, ang totoo nya, under provation pa ako for supervisory. Syanga pala napansin ko yung tatoo mo, hanep ah! parang 3D! sino me gawa nun? (iniba ko ang storya)
Jake: ahhh dun sa baba, bakit magpapa tatoo ka rin ba?
Ako: kung di lang sana bawal Oo, bawal kasi eh...
Jake: oo nga naman pero samahan kita mamaya sa baba pagkatapos nating kumain.

At ayun! ewan ko ba kung bakit komportable ako sa mokong na toh! Pababa na kami nang mapansin ko ang isang babae sa likuran ko, nakita ko sa reflection ng transparent na salamin! ang masaklap may lalaking naka akbay sa kanya! Oo! si Kate yun. at para di nya ako mapansin, agad kong inangat ang hood ko. Para akong yelong tinunaw nung mga oras na yun. nanlalamig ant nanginginig. gusto kong maniwala na walang namamagitan sa kanina... Nang Biglang halikan nung Aktor si Kate sa Labi! sarraaap nilang suntukin! kaya agad akong bumaba sa huling escalator, nang mapansin toh ni Jake. "hoy teka! teka langg..."pigil nya" Ano bang nagyari?!" "Wala! F*ck! bad trip lang ako" sagot ko na may halong galit. "Ahhhh... alam ko nah, Girlfriend mo yun noh?" tanong nya...Di nman ako sumagot pero masasabi nyang Oo ang sagot koh. "Cge Jake mauna na ako, salamat ha?". Naawa rin ako sa mokong na yun, iniwan ko lang kasi syang blanko sa ere... Umuwi ako nun na sobrang galit! nag txt ako kay Kate kung nasaan sya, ang sabi nya kakauwi lang nila galing sa Center. Hindi naman nya ako kayang lokohin ng ganun dahil ako mismo ang bumili sa suot nyang Blouse. nag txt ako sa mga kaibigan ko, sabi ko mag ii-numan kami, ang yun nga ako yung banker. Dinaanan ko sila AL, joshua, james, Gerald, Kent at Rey.

Gerald: Teka... anung magandang hangin ang umihip sayo at napag-isipan mong mag-inuman?
AL: ayaw mo mang aminin.. getz na namin!
Rey: hahaha! yang mukhang yan? sus! alam na alam namin yan!
Ako: Tumahimik nga kayo saan ba tayo?
James: sa DISC! daming chikz dun! yeahhh!
Joshua: gago! mokong ka talaga.. kita mong may problema yung tao.. Tim, sa LooP tayo!
Gerald: mga tanga! may alam akong lugar Tim, tyak magugustuhan mo dun. malapit lang naman.
Ako: cge ha.. Tara nah... (pina andar ko na yung sasakyan ang bumyahe na kami.) san ba tayo Rald?
Gerald: sa Class B! dun makikita mo ang 75% ng city, lalo na ang dagat. at isa pa kahit magsisigawan ka dun walang makakarinig sayo... isgaw mo lang lahat dun!
Ako: cge bah..

Malib-lib na daan ang dinaanan namin, malalayo yung mga bahay bahay pero may ilaw naman sa kalsada. Pagdating namin sa tuk-tok napamangha ako sa nakita ko... Ang ganda! ang presko ng hangin! Saglit kong nalimutan ang problema koh sa mga sandaling yun.
Nagsimula na kami sa aming inuman, at dun na nga, nasabi ko sa kanila lahat nga nakita koh, isinigaw ko ang galit koh at ibinuhos ko lahat ng inis kong nararamdaman kay Kate sa mga kaibigan ko.
Kinabukasan, balik sa normal ang lahat, ayaw ko namang magpahalata na apektado ako, ma-aapektuhan kasi ang trabaho ko. On duty nman si Kate, at ayun ibinigay ko ang binili kong damit sa kanya. sobrang saya nya... ako naman? blanko pa rin... di ko kasi lubos maunawaan kung bakit nya nagawa yun, at kung maka arte sya para bang walang nagyari. Bumalik na ako sa Area ko nang mapansin ko ang isang taong parang may hinahanap... Tama! si Jake! ang mokong na naman, kunwari nyang namimili ng yougurt nang bigla ko syang tapikin sa balikat na ikinagulat nya. "ayy hala sory nagulat ka nun?" tanong ko, "gago! hindi ba halata?! hahaha!" sagot nya, "may hinahanap ka atah?" tanong koh, "oo ikaw" sagot nya... "AKO? baket?" gulat kong tanong...
Jake: Okay kana?
Ako: hehe masakit pero okay na din!
Jake: grabeh ka pare! ang sakit nun tapos ganun lang ka okay sayo? alam mo sinundan ko sila kahapon, nanood sila ng sine...nanood na rin ako... nasa harapan ko sila nun, at yun! kahit nakakatakot kung makayakap yung gf mo wagasan pre! hahaha no offense ha?! sinundan ko rin sila nung kumain na, syempre nasa likod ako nung lalaki. dinig ko pa na kung mapirmahan na raw yung resignation ni gf mo mag li-live daw sila. sorry pare ha pero yun yung narinig koh, di mo naman siguro masasabing gumagawa lang ako ng kwento kasi di ko naman talaga sila kilala, pero yung lalaki namukhaan ko, supervisor ata yun sa kabila?
Ako: (parang naluluha) gannuun bah?
Jake: oh iiyak na yan... pare isipin mo sya yung nawalan...hindi ikaw, balang araw makikita nya rin yun! lalo pat may pagka chix boy ung lalaki.
Ako: ha? pano mo nasabing chixboy?
Jake: carbon copy nya ang moves koh eh! hahahaha!
Ako: Tanga! hahaha napatawa mo ako nun ah!
Jake: kung ako yung babae?  (sabay yuko) di kita pakakawalan...
Ako: (lumunok ng laway.. kumabog nang husto ang puso ko nun na ewan! oo attract na atract din ako sa kanya pero bakit ganun?! bakit sa kanya ko naramdaman toh? na-eexite, natutuwa! na ewan! gagong puso toh! maling mali itong naramdaman koh! pero di ko pinahalata.) ayun yun? hahaha gago...
Jake: hahaha kung narinig mo sayo sana yun!
Ako: (WOW! DINIG NA DINIG KO YUN!!!!) kung ano man yun, salamat ha? at kahit di pa tayo lubos na magkakilala pinagkatiwalaan mo ako. salamat talaga.
Jake: wala yun! ikaw lang naman talaga ang sadya ko dito eh, akalain mong agad kang nag walk-out kahapon. ni wala man ngang abiso. gago ka rin noh? pero ramdam kita pre. pahingi nman ng number mo oh? may ibibigay ako sayo... mas maganda pa sa jowa mo..
Ako: di pa nga nka move on ang tao binibigyan na agad. hahaha
Jake: stay put kalang... akong bahala.. o sige mukhang okay kana... basta txt2x nalang Tim!
Ako: sure! sige ingats! salamat nga pala sa pagbisita.

At dun na nagsimula ang malalim naming pagkakaibigan. Nagkahiwalay rin kami ni Kate, dahil na rin nga dun. medyo okay na ako sa mga panahong yun! tuluyan na akong naging Supervisor. Si Jake naman? di ko pa talaga alam ang trabaho nya nun. 26 na pala sya nung mga panahong yun. kaya madalas tawagin ko syang Kuya. 6:30 yun ng umaga, maaga akong umalis papuntang trabaho, alam ko kasi ma-ta traffic ako sa daan. Medyo halfway na ako papunta sa Store namin nang mapansin ko ang isang lalaking nga slacks, black shoes, at naka polo ng strifes. sa hugis nang mukha kilala ko na agad sya. kaya pinark ko ang sasakyan ko sa harap nya.. "Need a ride sir?" tanong koh.. "hahahahahaha! gago! pwede?" patawa nyang sagot. "oo naman! bilis!"
Ako: Ang porma natin ngayon kuya ah? san ang lakad?
Jake: sa Trabaho! san pah!
Ako: ha? aw.. may trabaho ka pala?!
Jake: hahahaha oo naman! porket may tatoo tambay agad?! hahaha
Ako: (natulala na may halong hiya... pero grabeh! ang bango nya! Frederico Mahura Collections ang perfume! haha! talbugan ang Bench/ ko!) awh d naman may sinabi ba ako? hahaha di mo lang kasi nabanggit. san kaba? ihahatid na kita, maaga pa naman eh...
Jake: hmmm!!! (sabay kurok sa pisngi koh) tong bunso koh ang bait talaga, sure ka ihahatid mo ako?
Ako: (abot tenga ang invisible ngiti ko) ako nga tong nag offer eh.. oo!

At dun hinatid ko sya. ang GAGO! Team Leader pala sa isang BPO-Call Center Company! saka ko lang nalaman nung pumasok ako sa building at nakita ko ang directory. Puno nang inspirasyong ang umaga ko nun. Lumipas ang ilang Linggo, at Bwan medyo di na kami nagkita ni Jake (Kuya Jake). busy kasi kami pareho. Lumipas ang dalawang bwan, Tumawag sya sa akin..

Jake: Tim? saan ka?
Ako: nasa bahay lang baket?
Jake: punta ka dito sa ____Bar ngayon. please..
Ako: me problema ba?
Jake: basta! hihintayin kita ah?

Na curious ako nun, first time nga kasing nag invite sa akin nun. Pero pumunta pa din ako. nka shorts lang ako that time. pagdating ko dun, ang dami pala nila! siyam! pang sampu ako. ayun! pinakilala nya ako isa-isa sa mga ka trabaho't kaibigan nya. inuman lang ng inuman... pero napansin kong iba ang kilos ni jake ngayon... pang ibang iba talaga...
Arnold: okay lang yan... ganyan talaga ang babae tol!
Cathy: hoy! hindi lahat arnold ahh... hellow! timing lang na yun ang napili nya! hahahaha
Jerome: tumahimik na nga kayo... sayawan nlang tayo!!

At dun! maingay na sa loob, sumayaw na rin ako pero nakita kong parang wala sa sarili si jake, para bang iiyak na? na pinipigilan. syempre ayaw ko namang umiksena noh! baka sabihin pa nila... hahahaha! sa totoo lang naa-awa na ako sa kanya, nung time kasi na ako ang nagka problema andun sya... pero hindi ko man lang sya madamayan sa kalungkutan nya...

3am na nang mapagdisisyunan nilang umuwi... me kanya kanya silang sasakyan at motor. habang si Jake naman lasing na lasing nah. hindi naman daw sya ganun kung maka inom... ngayon lang daw.. broken hearted kasi. di ko naman tinanong kung bakit.
Bart: Ney, ikaw na maghatid ni sir Jake oh, di na kasya sa motor ko.
Ney: Naku ang layo kaya nun!
(gusto ko sanang mag voulunteer pero pang di nila ako napapansin,)
Ako: Guys, mauna na ako ha? me pasok pa ako sa trabaho bukas eh. (saka pinindot ko yung alarm ng sasakyan. pinark ko kasi sa kabilang lane)
Cathy: ay! si... sino nga ulit yung pangalan mo?
Arnold: (sabay tapik sa balikat ni Cath) Tim...
Cathy: ayy... Tim ikaw nalang maghatid kay Jake oh? me sasakyan ka pala.
Ako: (ngumisi ulit yung invisble smile koh! per casual lang ako sa mga sandaling yun) oo bah! sama ka nalang, wala kasi akong idea kung san sya ihatid eh.
Cathy: cge..  sama ako.

Nang masiguro na naming  okay na si Jake, umalis na din kami ni Cath, syempre hinatid ko  pa sya sa pad nya. bago pa sya makababa, binigyan nya ako ng isang ma-alab na halik na talagang ikinagulat koh. "Sorry, Nevermind... nadala lang ako.. Gwapo mo kasi! (devil smile)" paumanhin ni Cath.

Tatlong linggo na ang nakaraan, ni isang tawag o txt ni Jake wala akong natanggap. pinuntahan ko ang bahay nila pero hindi ko sya mahagilap. Nalungkot talaga ako nun. halos pati trabaho di na ako makapag concentrate. buti nalang Supervisor na ako.. hindi yung for promotion.. dahil tyak! di ako papasa dahil sa performance ko... matamlay, walang gana... kaya napatawag ako sa HR, ayun nalusutan ko naman. ayun ipinakita ni Maam kung gaano kalaking sales ang nawala sa amin.. at agad ko rin namang binawi, at nangangakong di ko na ulit uulitin. June 18 yun, 4pm galing ako sa trabaho. pauwi nang bahay. sumaglit muna ako sa Pulang Laso para bumili ng Cake.. Birthday kasi ng pinsan ko. at syempre andun sila mama, papa, mga kapatid.. sina tito at tita.. Enjoy ako nun, kasi muli ko silang nakasama. lalo na kay mama... Mama's Boy kasi ako. parang last get-together na namin yun kasi yung dalawa kong kapatid sa malayo na mag-aaral... sina tita naman babalik na sa Australia...kaya tuluyan na nilang ibinigay sa akin ang kotse at ang bahay sa akin.. ingatan ko raw...7pm maghahapunan na sana kami nang biglang nag ring ang cellphone koh...
Ako:Hellow, Good Evening... (unregistered number kasi)
Kabilang Linya: (sa tansya ko umiiyak toh) ahm... Tim, sensya sa istorbo ha? matagal paba out mo?
Ako: Kuya Jake? kaw ba toh?
Jake: Oo,
Ako: Kanina pa out ko... bakit?
Jake: ay.. tang-*na toh kanina pa kita hinihintay ehh, pwede mo ba akong puntahan dito sa Divisoria? please? (umiiyak)
Ako: okay papunta na ako jan.. (Call ended)
Mama: sino yun yah?
Ako: Kuya Jake, Best Friend ko at kasama sa Trabaho (pakunwari ko)
Papa: Bakit daw?
Ako: ewan pa? magpapakamatay atah!
Mama: jusmiyo! puntahan mo nah! go!

Agad akong nagbihis paglabas ko...
Iris: (pamamangkin ko) Sus! kuya! kunyari may magpapakamay daw oh? pero parang pupunta sa Date!
Ako: gaga tong batang toh oh..
Clifford: cge na tol baka nakabitin na yun ngayon!
Ako: hahahaha gagu talaga kayo noh? Cge ma, pa... tita, tito alis muna ako... Iris! happy beerday!
Iris: kuya wag mong kalimutang bumili nga flowers ha?! cge ka iiwan ka nyan wala kang flowers!
Ako: oo! wat eber! hahaha!

Kinabahan ako ng mga sandaling yun, bago pa ako makarating sa Divisoria bumili muna ako ng bottled can na Redhorse. pagdating ko dun nakita ko si Kuya Jake, medyo namayat ng konti. pagdating ko tinapik ko agad ang balikat nga (naka yuko kasi sya). pag lingon nya sakin agad nya akong niyakap. habang umiiyak... nabigla ako nun hindi ako nakayakap sa kanya dahil may dalawang canned beer akong dala.. medyo awkward sya kasi pinagtitinginan kami ng mga dumadaan.
Jake: salamat at dumating ka Tim...
Ako: anu ba kasing nangyari?
Jake: mahabang storya Tim (habang patuloy ang pag iyak..)
Ako: tara dun tayo sa kotse.. (simunod naman sya..)
Jake: Putang Buhay toh! bwesit!
Ako: ahm, Yah, pigil ka muna ha? may naisip akong lugar na pwede mong pagsigawan lahat ng hinaing mo.. baka masabi kasi ng mga tao dito na ako ang kaaway moh... =)

Ayun! dinala ko sa sa Class B. "dito ako dinala nung kagaya mo rin ako yah...ito nga pala ang Class B! ewan ko kung bakit Class B ang tawag nito basata welcome sa Class B!" ..namangha sya sa tanawin... at tulad ko noon, bahagyang nakita ko sa kanya ang konting tuwa... inakbayan ko sya habang ini-abot ko ang isang cann ng beer. pagkatapos nyang maubos. Tinupi nya ang bote gamit ang kanyang kamay at saka itinapo sa bangin!
Jake: Putang INA KA LEYLANEE!!!!!!!! hayop ka! hayop kah!!
Ako: akay lang yan (ina-akbayan ko sya habang hinahaplos ko ang balikat nya.)
Jake: Matapos kong ibigay sayo lahat?! kulang nalang ibenta ko ang kaluluwa ko kay satanas para lang masunod ko ang gusto mo! hayop ka! (umiyak na sya sa balikat koh) Tim... bakit ganun! ginawa ko naman ang lahat dba? mabait naman ako... nagsikap naman ako.. naabot ko lahat ng toh para patunayan sa kanyang mahal ko sya! bat ba nya binabalewala yun?! hayop sya Tim! hayop sya!
Ako: isipin mo nalang yah... Hindi ikaw ang nawalan (inulit ko lang yung sinabi nya sakin noon)  kung ako yung babae, hindi kita iiwan...
Jake: isa kapa sa problema ko Tim...
Ako: (bahagya ko syang nabitawan) ha? baket? may nagawa ba akong mali o nasabing mali ya?
Jake: Tim... (niyakap nya ako) Tim, mahal na kita!... nung mga panahon na pinilit kong di ka kontakin nahihirapan na ako nun. palihim akong pumupunta sayo sa pinagta trabahuan mo,  makita ka lang natutuwa na ako.. Tim bakit ganito? Tim.. suntukin mo ako oh! bugbugin mo ako nang mawala tong nararamdaman ko sayo... Tim please saktan mo ako!
Ako: (napaluha at binitawan ko na ang hawak kong bote..) mahal din naman kita eh!di ko maintindihan kung bakit ikaw pa? kung bakit sa lahat lahat ng tao sayo ko pa naramdaman... pilit kong itago. pilit kong ilihinm pero sadyang ikaw talaga ang tinitibok nito Jake... yah.. mahal din kita!

Sa mga panahong yun, nagpaubaya na ako sa mga nagyari.. naghalikan kami ng maalab at may pagka passionate.(di ko nalang idedetalye di ko kasi maalala eh... basta yun ang una kong karanasan sa kapwa ko lalaki kayo na ang bahalang mag imagine nun.) natapos kaming nagyayakapan na hubot hubad...

Jake: Mahal mo ba talaga ako Tim?
Ako: Oo, sobra... napatunayan ko naman sayo dba?
Jake: (nagsimula na namang umiyak) Tim, wag ka nang mawala ha? baka di ko kayanin Tim...
Ako: andito lang ako yah... hindi ako mawawala sayo... mahal na mahal kita..

Sa ngayong kami pa rin ni Jake, i mean Kuya Jake... mag iisang taon na rin kami... sa katunayan nga nakatira na kami sa iisang bahay-sa bahay ko... hidi pa alam ng pamilya ko ang tungkol sa amin pati rin ang mga ka trabaho ko. okay din kasi si kuya, hindi talaga nagpapahalata. pero pag kami lang sa loob ng bahay? walang paglagyan ang sweetness nya. niregaluhan pa nya ako ng white gold necklace nung Birthday ko noong December. pero napag-uusapan na rin namin ang mga bagay-bagay... handa na rin kami sa mga posibilidad na talagang hindi kami para sa isat isa... syempre sino ba naman sa atin ang may ayaw na magkaroon ng maituturing na pamilya... may asawat anak... at decenteng pamumuhay... mahal namin ang isat isa.. at ramdam na ramdam ko yun...

Hanggang dito nalang... maraming salamat sa Pagbasa nyo sa kwento ng buhay koh.. sorry kung masyadong walang libog factor ha? pero totoo tah lahat. maraming salamat!

17 comments:

  1. Jusko naman! Sino nagsabi na walang tunay na kasiyahan sa relasyon ng dalawang lalake? E di magadopt kayo, maraming bata ang nangangailangan ng pamilya. Punyeta puro self limitations. Iba tlga nagagawa ng ignorance

    ReplyDelete
    Replies
    1. Abay pasmadong bibig mo ahhh..d ka pa kac cguro npunta sa gnyang situation that is why u talk as if u know everything..

      Delete
  2. gusto ko kayo makilala guys,gusto ko yung story mo.

    ReplyDelete
  3. grabe naman tong first comment. we respect your point of view, pero ang layo ng point mo sa pag-aadopt ng bata. hindi yun ang solusyon sa problema. kung gusto nila balang araw na magka-asawa't anak, baka hanggang dun lang ang kaya ng pag-ibig nila. pero who knows... love can do miracles. :)

    To The Author: I loved your story. yup, walang libog factor. pero i was glued to my monitor the whole time. :) Good luck to you both.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama ka sa komento mo sa first na nagcomment. Sa tingin ko sya ang ignorante. Ang point ni Tim ay magkaroon ng sariling pamilya, syempre asawang babae para magkaroon ng sariling anak. Yung iba kasi makapagsalita lang without analyzing ang mga pinagsasasabi nila. Yun ang tunay na ignorance!

      Delete
  4. Puregold ung store mo, -hehehe hula lng pero nice ng story two thumbs up ako

    ReplyDelete
  5. Puregold ung store mo, -hehehe hula lng pero nice ng story two thumbs up ako

    ReplyDelete
  6. I really want to meet you both because your story is very inspiring. Hindi naman talaga puro sex ang nagpapasaya sa isang gay couple (typical na alam ng iba), Just keep doing and inspiring people with your story. You're awesome =)

    Love over lust.

    ReplyDelete
  7. Hindi kailangang maghiwalay para magkapamilya. Marami na rin naman sa atin ang may anak sa pamamagitan ng pag-ampon. Marami na rin ang mga same sex na "nagpapakasal", o yung tinatawag na commitment ceremony (dahil nga bawal pa ang same sex marriage sa Pinas). Ang mahalaga, yung magkasama kayong dalawa sa lahat ng hamon ng buhay, at mapagtagumpayan nyo ang mga ito na buo ang inyong pagmamahalan. Maaaring di agarang matanggap ng inyong mga pami-pamilya ang inyong relasyon, ngunit kung mananatili kayong matatag at marespeto, maaaring makita ng kapwa nyong pamilya ang halaga ng inyong pagmamahalan nang sa gayon ay matanggap kayo nang lubusan. Hayaan nyo na ang lipunang mapanghusga sa ngayon, dahil patuloy rin naman itong nagbabago, at sa katunayan, ay unti-unti nang umaayon ang ating lipunan sa relasyong lalaki sa lalaki at babae sa babae. Siguro ay hindi pa ito kasing handa tulad ng America at iba pang lugar kungsaan legal magpakasal ang mga bakla at tibo, pero bilang isang lipunan, unti-unti na ring natatanggap ang ganitong relasyon. Salamat na rin siguro sa mga tulad nina Boy Abunda, Jon Santos, Aiza Seguerra, atbp. na naging seryoso sa kanilang mga relasyon kaya't naipapakitang walang pinipiling kasarian ang pag-ibig.

    Sana'y maging matatag kayong dalawa. Salamat sa paglalahad ng iyong kuwento.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang galing mo nmn mg comment , thumbs up aq dun a :) napakalawak ng isip !

      Delete
  8. Nice story. Dapat ipagpatuloy nyo yang pagmamahalan nyo kahit anong mangyari. :D
    You can always live a decent life being together. Forget about the society guys. hahaha its ur love that matters.

    ReplyDelete
  9. This is so beautiful. Nakakaiyak na nakakatuwa. Kaya nyo yan guys. Tiwala lang. Listen to your heart.

    ReplyDelete
  10. Let's be realistic.. oo.. may araw na maiisip mo na gusto mo na magkapamilya.. pero mas masarap magkapamilya with someone you really love.. kahit samesex pwede magkapamilya.. pwede naman mag.adopt ng anak.. OR surrogate(tamaba spelling ko?) mother... daming paraan to work things out.. enjoy everything..

    nice story.. sweet.. haayy.. -Oinkie

    ReplyDelete
  11. Galing ng story mo author! Ok lng if gustong mgkapamilya.kung san masaya.Hope mkayanan ang relasyon s ganitong setup.best wishes!!

    ReplyDelete
  12. Ang Sportivo, Isuzu hindi Kia. Halata kasing social climber si author. Impossibleng di mo alam tatak ng car mo. Probation nga pala hindi provation. Halata kasi fake story pag may inconsistency.

    ReplyDelete
  13. Saan tong Class B? Gusto ko rin pumunta dun.

    ReplyDelete
  14. Im just 17yrs old at nakakakinspire ang kwento nyo, parehas tayo na discreet , hahaah at d pa alam ang patutunguhan, pero kung sakali man na iba ang plano ni god sa inyo respect nyo nlng kung kayo tlga edi kayo XD, tulad nga ng sabi ng iba follow your heart, ako sa age kong e2 nsa process pa ng adoptation sa pagkatao ko, pero im happy na i can both fall inlove sa boy at girl

    ReplyDelete

Read More Like This