Pages

Wednesday, July 12, 2017

Ang Tangi kong Inaasam (Part 25)

By: Confused Teacher

“What makes us cry
What makes us fall
Why does it all crumble at night
Since you've been gone
I carry on
Waiting for you to walk through the door
But the more I think of you
The more I want to say I miss you”

Josh

Wala naman akong hinangad kundi ang maging masaya, all my life yun lamang naman ang gusto ko.  Mababaw talaga ang kaligayahan ko, to love and be loved.  Pero bakit ganon, napakahirap maging masaya. O napakahirap manatiling masaya, pagkatapos ng kaunting saya, mahabang kalungkutan ang kapalit.  Ayoko ng umiyak pero bakit ba ang bwisit na mga matang ito hindi nakikinig sa akin.  Tama na naman please nakakapagod na rin.  Hindi lamang ang isip ko ang pagod higit sa lahat pagod na rin ang puso ko. Wala namang naitutulong ang kaiiyak para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.  Nang biglang may kumatok.
“Josh anak, pwede ba akong pumasok?” si Mommy
“Yes ‘Ma, tuloy ka lang po.” nagpunas ako ng luha at pinilit inayos ang aking sarili.
“Ma, bakit, kakain  na ba tayo, si Daddy gising na ba nasaan na, gutom na raw ba siya?” kunwari ay tanong ko sa kanya pero hindi ako makatingin.
“Anak, kaya mo pa ba?” malungkot niyang tanong. Natigilan ako sa sinabi niya pero kailangan kong maging matatag. 
“Oo naman ‘Ma, ako pa, sanay na naman ako sa ganito diba? Noon sabi mo kaya ako nasasaktan para maging malakas ako, tama Ma, ngayon mas malakas na ako at kaya ko ito.  Huwag kang mag-alala pa, lilipas din ito.”  Bigla niya akong niyakap.
“Anak, hindi ko alam kung paano kita matutulungan, matanda na ako Josh pero natatakot pa rin akong mawala sa mundong ito dahil gusto ko narito pa rin ako sa tabi mo sa mga panahong gaya nito. Nasasaktan pa rin ako kapag nakikita kitang ganyan. Hindi ko pa rin kayang makita kang umiiyak” Bumitaw siya sa akin saka naupo sa tabi ko.
“Ma, huwag ka ngang OA, okay lang ako promise” kailangan kong huwag ipakita kay Mommy ang totoo. 
Alam kong masasaktan siya kapag nakikita akong nahihirapan.  Sapat na iyong mga sama ng loob na naranasan niya kapag umiiyak ako kaya titiisin ko na lamang ang lahat para sa kanya.
“Anong plano mo?” bigla ay naitanong niya.
“Wala po, life must go on ‘Ma, diba sabi ni Peter Pan, Just think of a happy thoughts.  Iisipin ko na lamang ang lahat ng masasayang araw namin.  Iyon na lamang ang meron kami,  memories and I’m glad ‘Ma naging part ng memories na iyon si Kuya Paul.  Hindi ko naman siya makakalimutan I’m sure pero dapat masanay na akong wala na talaga. Kasi ‘Ma diba acceptance is the first step of moving on?”
“Josh, natutuwa akong ganyan na ang pananaw mo ngayon, kahit papaano ay makakatulog na ako ng maayos, nag matured ka na nga talaga at masaya ako para sa iyo sana anak makatagpo ka nang totoong pagmamahal iyon na lamang ang wish ko para sa iyo”
“Hayaan mo Ma, pag may dumating, di ko na papakawalan pero pag wala ayos na lamang sa akin, masaya naman akong alagaan kayu ni Daddy at ang mga anak ni Ate. Sina kuya Naman kasi ang layo.”
“Bakit kasi hindi mo sineryoso si Shayne, gusto ko siya anak kahit mataray alam ko mahal na mahal ka non, saka nakausap ko rin minsan yung Daddy niya, yung pulis, gusto ka rin talaga nya para kay Shayne, naghihinayang nga siya sa nangyari sa inyo,”
“Ma naman, masaya na si Shayne kay Kenzo at kaibigan ko na rin si Kenzo kaya hayaan na natin sila, hindi talaga kami ang para sa isat-isa.”
“Alam ko naman iyon kumusta na nga pala si Shayne, sabihan mo naman na pasyal siya dito minsan namimiss ko na yung kwentuhan namin.”
“Sige Ma, sasabihan ko busy kasi masyadong seloso si Kenzo kaya laging bantay sarado kulang na lamang ay ilagay sa bag niya para walang makakitang iba.” Napangiti naman si Mommy.
“Ma tara na kain na tayo gutom na po ako.”  Sinabi ko lamang iyon para matapos na ang usapan namin dahil sa totoo lamang hindi naman talaga ako okay pero kailangang gawin ko yon para huwag siyang mag-alala.
Lumipas ang ilan pang araw, pinapakiramdaman ko lamang si Kuya Paul kung ano ang gagawin, pero hindi siya lumalapit sa akin, pero ayus na rin yun sa akin kasi hindi ko rin naman alam kung papaano siya haharapin.  Tanggap ko na ang lahat kasi wala na rin naman akong magagawa pero hindi ko alam kung napatawad ko na siya kasi ang sakit pa rin ng nangyari. Kaya lang bakit ganon, hindi siya lumalapit, hindi ba siya ang dapat magpaliwanag, hinihitay pa ba niya na tanungin ko siya. Haist si Kuya Paul, nakakalungkot lamang na dumating kami sa ganitong punto. Ang dami pa naming gustong gawin, ang dami pa naming plano. Naalala pa kaya niya ang mga iyon? Pero kilala ko si Kuya Paul, mahal niya ako alam ko malungkot din siya sa nangyayari at nahihirapan din. Pero kung lalapit naman siya at kakausapin ako anong pag-uuasapan namin?  
Sabi ni Shayne mag usap kami para magkaroon ng closure pero hindi ko alam kung papaano. Mabuti na lamang at naging lihim sa kumpanya namin ang aming relasyon kahit papaano ay nakakakilos pa rin ako ng normal.  Ayokong umiwas sa kanya dahil wala naman akong kasalanan kaya pumapasok pa rin ako, kung minsan at may kailangan sa field lumalabas ako.  Pinipilit ko na lamang maging maayos  ang kilos ko kahit mahirap.   Wala akong balita sa kaniya, malamang busy sa paghahanda sa kanyang kasal.
Minsan gusto kong kalimutan na lamang ang lahat, kaya lang wala naman akong ibang outlet, ang hirap umikot na kasi ang buhay ko na si Shayne ang kasama tapos noong naging sila ni Kenzo si Kuya Paul naman ang kasama ko,  Ang hirap pala ng ganon ngayon ko narealize na hindi ko pala binigyan ng pagkakataon ang sarili ko sa mas malawak na mundo.  Kaya ngayon eto ako pakiramdam ko nag-iisa lamang.
“Pare may lakad ka ba bukas, baka gusto mong sumama, birthday ko may konting salu-salo sa bahay.” Yaya ni Jonas sa ‘kin, pagbalik namin galing sa pagkain.  Nasasanay na rin ako na sumasabay sa kanila sa lunch break.
“Pasensiya na pre, darating kasi ang family ni Ate, nakapag promise ako sa mga mga bata na lalabas kami.” Iyon na lamang ang naidahilan ko kasi alam ko namang inuman iyon at ayokong malasing dahil baka kung anu-ano masabi ko sa kanila na hindi  nila dapat malaman. Saka totoo namang every other Saturday ay umuuwi sina Ate at sa amin sila nag stay ng weekened.  Sunday afternoon na ang alis nila.
“Sige pare, next time na lamang pag hindi ka busy.” Nakangiting sagot ni Jonas, mababait naman mga ka opisina ko.  Siguro noon hindi ko lamang pansin dahil nakapokus ang paningin ko kay Kuya Paul pero alam ko magkakasundo rin kami. At sisimulan kong palawakin ang mundong ginagalawan ko, makikipagkaibigan ako sa ibang tao hindi para saktan si Kuya Paul kundi para bigyan ng pagkakataon ang aking sarili na maging masaya kahit wala na siya. 
“Pasensiya na ulit at happy birthday na lamang, di bale madami pa namang okasyon, hayaan mo.”  Sagot ko na lamang.
Pauwi na ako isang hapon nang makita ko si Shayne na nag-iisa.
“Josh, tara kain muna tayo bago ka umuwi”. Masayang bati niya sa akin saka hinawakan ako sa braso. Inalis ko naman agad at tiningnan siya ng masama.
“Eto naman ang arte namiss ko kaya ang ganito, ilang buwan ko ng hindi ‘to nagagawa sa iyo.” Hinawakan uli niya ako na para kaming mag syota,
“Shayne ha, baka masapak ako ng seloso mong boyfriend, sinasabi ko sa iyo, ikaw muna ang sasapakin ko bago niya ako matamaan.”
“Sira! pag sa iyo hindi iyon nag seselos, siya pa nga ang may sabi na kausapin kita, saka wala iyon kasama ni Kuya Paul may aasikasuhin daw tungkols sa… ah wala halika na kasi kain muna tayo, namiss talaga kita, pakiramdam ko isang taon na tayong hindi nagkikita,” lambing naman niya sa akin.
“Plastic!” sagot ko sa kanya.  Kinurot naman niya ako sa tagiliran gaya ng lagi niyang ginagawa dati.
“Nananakit ka pa rin? akala ko ba nagbago ka na, bayolente ka pa rin pala.” Natatawa ko namang sabi habang inilalayo ang katawan ko sa kanya. Pero patuloy pa rin siyang lumalapit.
“Shut up Josh Patrick! Pasalamat ka at kurot na lamang ang ginawa ko hindi sampal.  Sabi ni Kenzo bawas-bawasan ko na raw ang panghahampas kaya nga kurot na lamang.  Nakakainis ang lalaking iyon ang daming arte sa katawan, minsan mas maarte pa sa iyo, mabuti na lamang  at mahal ko siya kung hindi pinag-pira piraso ko siya ng buhay bago ibalik sa kanila.”
“Brutal ka pa rin talaga,” natatawa ko pa ring sagot sa kanya, saka ako humiwalay para puntahan ang kotse ko.
“Para kang sira Josh, diyan ako sasakay, namiss talaga kita, kumusta ka na? Namiss kita kahit lagi mo akong inaaway alam mo namang ikaw pa rin ang bestfriend slash boyfriend ko.”
“Okay na yung bestfriend ayoko na ng boyfriend, niloloko mo na lamang ako non,  kasi may totoong boyfriend ka na saka sabi nga pala ni Mommy pumasyal ka raw sa bahay, namiss niya raw ang mga pasalubong mo.”
“Ayy oo nga pala, kumusta na si Tita, namiss ko rin siya, talaga mga pasalubong ko lang ang namiss niya, hindi ang beauty ko? Hmp kakatampo naman.”
“Joke lang iyon, siyempre ikaw ang namiss niya, saka iyong kadaldalan at katarayan mo.” Hindi niya ako pinansin. Pero maya-maya ay may naalala.
“Nagluluto pa rin ba siya ng pininyahang manok, grabe Josh hindi ko talaga makuha ang timpla ng Mommy mo kahit ibinigay na niya sa akin ang recipe niya at ilang beses ko ng pinanood siya magluto.”
“Oo naman, iyon lamang naman ang libangan nila ni Daddy ang magluto at ipakain sa akin ang mga niluto nila, mabuti nga  pag dumarating sina Ate at ang mga kids niya may taga kain pag ako lamang nasisira talaga ang diet ko sa dalawang iyon.”
“Sige papasyal kami ni Kenzo isang araw, ayy ayoko palang isama si Kenzo, KJ iyon magyaya agad iyon na umuwi, sa inyo ako isang weekend iyong hindi schedule ng mga ate mo para hindi busy si Tita.”
“Tiyak matutuwa niyan si Mommy.”
Hanggang pagkain ay tuloy pa rin ang daldal niya, ramdam ko masaya na talaga siya sa buhay niya.  Tama nga ako mahal nila ang isat-isa.  Iyon talaga ang gusto ko ang maging masaya siya.  Alam ko naman hindi ko iyon magagawa sa kanya.  Mahal ko siya pero hindi ko maibibigay ang pagmamahal na kayang ibigay ni Kenzo. 
Pinipilit kong iparamdam sa kanya na masaya ako  pero alam ko na napapansin niyang ang mga hindi totoong tawa ko.
“Josh, okay ka na ba talaga? I mean kumusta ka? Ibig kong sabihin ano yung…” pansin ko nag-iingat siyang bumanggit sa akin ng tungkol kay Kuya Paul.
“Ano ba Shayne, okay lang ako, don’t worry, oo masakit pa rin hanggang ngayon pero ano ang magagawa ko kundi ang tanggapin. Hindi naman pwedeng mag-iiyak ako at magmakaawa sa kanila na huwag nilang ituloy ang kasal diba?”
“Bwisit kasi iyang si Kuya Paul, kung hindi lamang ako pinipigilan ni Kenzo, sinugod ko na at sinapak ang sira ulong iyon. Nakakainis talaga!”
    “Hayaan mo na iyon, wala na tayong magagawa, sana lang maging masaya siya sa babaeng iyon” iyon na lamang ang naisagot ko kasi wala talaga akong maikomento hindi ko rin sigurado kung ano ang nararamdaman ko.  May galit sa puso ko pero mas nakakaramdam ako sa kanya ng awa dahil sa nangyari.  Naipaliwanag na naman niya sa akin noon pa na hindi niya sinadya ang nangyari at naniniwala ako doon isa pa sisihin ko man siya wala na rin namang mangyayari  doon pa rin ang punta, wala na kaming pag-asa pa.
“At iyong babaeng iyon Josh, pag nakita ko lang talaga iyon, hihilahin ko siya sa buhok hanggang sa riles ng PNR at don ko siya iiwan.”
“Amazona ka pa rin pala hanggang ngayon,” natatawa ko namang sagot habang kumakain kami.
Gusto kong magpatawa, gusto kong tumawa nang mga panahong iyon kahit kay Shayne gusto kong maglihim.  Gusto kong isipin niya na okay na ako. Ayokong kaawaan nila ako, ayokong masaktan sila dahil sa akin.  Ayoko ng mag-alala pa siya.  O baka naiisip ko lamang ayokong aminin kay Shayne na nagkamali ako.  Sa aking mga kwento si Kuya Paul ay perpektong tao, perpektong kuya at higit sa lahat perpektong boyfriend.  Hanggang sa mga oras na iyon, gusto kong isipin na iyon pa rin si Kuya Paul.
“Josh kasi napakawalang hiya nila parehas.”
“Alam mo Shayne naisip ko iyon naman talaga ang dapat diba?”
“Anong iyon ang dapat, hindi ah ang dapat kayo ni Kuya Paul” nakasimangot niyang sagot sa akin.  “Alam ko ang lahat ng hirap na pinagdaanan mo nang magkalayo kayo at ang lahat ng sakit na tiniis mo nang magkita kayo pero hindi naman nagkakausap ng maayos. Alam ko Josh iyon ang pangarap mo talaga yung maging kayo ni Kuya Paul.”
“Hindi Shayne, tingnan mo diba kayo ni Kenzo, babae at lalake, so dapat si Kuya Paul at ang Mitch na iyon. Iyon ang dapat at iyon ang tanggap ng lahat.”
“Paano ka? You deserve to be happy Josh”
“Ewan ko, siguro nangarap kasi ako ng isang fairy tale, akala ko pwedeng mangyari yun sa totoong buhay. Naghangad ako ng imposible kaya ako nasasaktan ngayon pero kung sa umpisa pa lamang ay tinanggap ko na hindi pwede ang ganon siguro hindi ako ganito ngayon. ”
“Pero Josh, kayo ang dapat ni Kuya Paul, hindi iyon imposible kasi nagmamahalan naman kayo diba, sa mga kwento ni Kenzo totoo namang minahal ka ni Kuya Paul. Kahit naman imposible ang fairy tale may nangyayari rin namang ganon sa totoong buhay”
“Look, kunwari nga fairy tale ito, may nabasa ka na bang story na dalawang lalake na nagkatuluyan sa bandang huli, o kaya isang prinsipe na iniligtas ang isa pang prinsipe at naging sila.  May lalaking version ba si Cinderella tas dumating ang Prince Charming niya tas sumayaw sila habang pumapalakpak ang mga tao o lalakeng Sleeping beauty at hinalikan siya ng Knight in shining armor at nang magising siya they live happily ever after?”
“But Josh your story is more than just a fairy tale…”
“Yeah!  because its is an illusion, its just a dream, a wishful thinking at hindi iyon ang reality.  Ang totoo hindi iyon mangyayari at tanggap ko iyon dahil parehas nating alam na walang ganon. Dahil sa totoong mundo Shayne hindi tanggap ang ganon, kahit nga marami ng nangyayari na gaya nito,  sa lipunan at kultura natin hindi pa rin iyon tanggap” naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha ko.  Itinulak niya palapit sa akin ang box ng tissue.
“I’m sorry Josh.”
“Don’t worry, this too shall  pass,  matatapos din ang lahat ng ito. Ngayon lamang ito, hindi pa rin naman hihinto  ang buhay ng dahil dito. Tutuloy pa rin sa pag-ikot ang mundo kahit nasasaktan ako. Kusa pa ring sisikat at lulubog ang araw, patuloy pa ring magpapalit ng shape ang buwan. Ganoon pa rin naman hindi ba?  Tanggapin na lamang kung ano ang totoo.  Mahirap pa ang kumontra masasaktan lamang o baka ang worst makasakit pa.  Promise kaya ko ito.”
“Nalulungkot lamang ako sa kinahinatnan ng kwento ninyo.” Hindi na ako sumagot, hindi ko kasi alam paano ko siya kukumbinsihin na oaky lamang ako dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi iyon totoo.
Hanggang naghiwalay kami pabalik sa opisina hinintay ko pa siyang makasakay sa sasakyan niya bago ako sumakay sa sasakyan ko.  Malungkot lamang siyang nakatingin sa akin nang kumaway ako. 
“Paano ko ba pipigilang hindi na madamay ang mga taong mahal ko. Alam kong nagmamalasakit lamang kayo pero mas lalo akong nahihirapan kapag alam kong pati kayo nasasaktan dahil sa kin.” Bulong ko sa sarili.
Hindi ko alam bakit kinakaya ko pang pumasok sa kumpanyang iyon araw-araw.  Nasasaktan ako sa tuwing maiisip ko ang nangyayari pero ayoko ng tumakas.  Niyaya ako ni Daddy na magbakasyon sa Davao.  Pero hindi na ako pumayag. Ayoko ng umalis. Hindi na ako bata para takasan ang ganito.  Noon iyon lamang ang alam kong paraan para makalimot pero hindi rin naman ako nakalimot after 6 years naroon pa rin ang nararamdaman ko kaya ayoko ng sayangin ang panahon na malalayo ako sa pamilya dahil lamang sa kanya.  Madalas kong ipangako sa sarili ko na hindi ko na siya iiyakan pero hindi ko naman magawa.  Umiiyak pa rin ako lalo na sa gabi. Masakit pa rin at hindi ko alam hanggang kailan ang sakit na ito.
Gusto kong magalit kay Kuya Paul, gusto ko siyang sumbatan. Gusto kong ipamukha sa kanya kung gaano ang hirap na pinagdaaanan ko pero hindi ko magawa noong makita ko siyang umiiyak parang dinudurog ang puso ko.
“Pat, hindi ko na hinihingi na patawarin mo ako. Kasi alam ko walang kapatawaran ang ginawa ko. Pero sana Pat huwag ka ng umiyak”
Iyon ang sinabi niya nang pagbigyan ko siyang kausapin ako.  Actually nitong mga huling araw, ilang beses na siyang nakiusap na mag-usap kami pero lagi akong tumatangi. Kasi hindi ko naman alam ang sasabihin ano bang isasagot ko sa kanya, Sasabihin ko bang okay lang sa kin kasi wala naman akong magagawa, o mumurahin ko siya at ilalabas ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko, pero pagkatapos noon mababago ba ang sitwasyon, babalik ba siya at hindi na matutuloy ang kasal?
Akala ko nagsawa na  pero isang gabi nadatnan ko sa terrace namin sina Tita at Tito umiiyak sila parehas na nakiusap na pagbigyan ko na si Kuya Paul na mag-usap kami.  Wala na akong nagawa kasi naging mabait naman sila sa akin at ayoko talagang nakakakita ng parents na umiiyak dahil sa anak nila.
Sige po Tita, kakausapain ko na po si Kuya Paul,” 
Niyakap lamang nila ako at pagpasok ko sa bahay naroon si Kuya Paul kausap nina Mommy at Daddy. Sinabihan ako ni Daddy na sa kwarto ko na kami para makapag usap kami ng maayos. Bahagya akong tinapik ni Daddy sa balikat bago tumuloy sa kwarto nila. Nauna akong umakyat, kasunod ko si Kuya Paul na nakatungo hanggang makapasok kami sa room ko.
“Pat hindi ko gusto ito pero wala na akong magagawa, naiipit na ako sa sitwasyong ito, pero hanggang sa huling hininga ko ikaw lang ang mamahalin ko. Alam mo iyan Pat, ikaw lamang ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda  natin. Magpapakasal ako sa kanya pero mananatiling sa iyo pa rin ang puso ko.”
Alam ko namang totoo ang sinasabi niya.  Sigurado akong mahal ako ni Kuya Paul.  At alam kong nasasaktan din siya sa nangyayari sa amin.  Nang mga oras na iyon nang makita ko ang pagpatak ng mga luha niya, hindi ko na naalala ang galit ko, naawa ako sa kanya.  Halata ko ang papamayat niya, malungkot siyang nakatingin sa akin at basa na ng luha ang mukha niya.
“Kuya Paul, mahal na mahal din kita,” umiiyak kong sagot sa kanya.
“Pat, gusto ko ng mamatay, hindi ko alam kung kakayanin ko pang mabuhay pagkatapos ng kasal na iyon.  Baka iyon na rin ang araw na mamatay ako dahil sa araw na iyon titgil na sa pagtibok ang puso ko.
“Huwag mong sabihin iyan Kuya Paul, kailangan ka pa ng magiging anak mo.” Naalala ko ang sinabi sa akin ni Kenzo na ilang ulit na niyang binalak magpalamatay.
“Pat, sa tuwing maiisip ko na umiiyak ka sa gabi, naiisip ko kung gaano ako kasama, para akong dinudurog, ang sakit.  At ngayong nakikita ko ang mga luha mong iyan gusto kong ng tapusin ang lahat, hindi ko alam kung kaya ko pang mabuhay samantalang alam kong naghihirap ka dahil sa akin.  Ang sakit Pat. Gusto kong magalit ka, saktan mo ako, murahin mo ako, sumbatan mo ako o kung pwede nga lamang patayin mo na lang ako. Baka sakaling sa paraang iyon mabawasan kahit konti ang nararamdaman kong guilt o makabawas sa nararamdaman mong sakit.”
“Hindi ko kaya Kuya Paul, hindi ko kayang saktan ka, kapag nasasaktn ka nasasaktan din ako at ngayon alam kong nahihirapan ka  sa nangyayari sa akin, nahihirapan din ako” iyon lamang ang naisagot ko sa kanya. Mas nangibabaw sa akin ang awa sa kanya.  Naalala ko ang totoong pagmamahal niya sa akin kahit noong bata pa kami. 
“Bakit sa atin pa nangyari ito, bakit ako pa ang gumawa nito sa iyo, bakit lagi kitang sinasaktan, Pat, minahal kita, at mahal na mahal pero bakit laging ako ang gumagawa nito sa iyo?”
“Kuya Paul…”
“Patrick, bakit ako pa na sobrang nagmahal sa iyo, mula pagkabata mo minahal na kita, wala akong inisip na iba noon maliban sa mahalin ka, hindi ko alam bakit mahal kita hindi ko na tinanong ang sarili ko kung bakit, pero ngayon pilit kong tinatanong bakit kita sinasaktan, bakit ako ang dahilan ng mga luha mo?” Nagpunas ako ng luha, ayoko ng dagdagan pa ang hirap niya, tama ng nasasaktan ako hindi ko na kayang isipin na nasasaktan din siya dahil baka hindi ko na kayanin.  Gusto kong pagaanin ang pakiramdam niya, pero anong gagawin ko, anong sasabihin ko?”
“Kuya Paul, sige na magpahinga ka na, gusto ko na ring magpahinga.”wala na akong alam na sasabihin. 
Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
“Patrick tandaan mo, mahal na mahal pa rin kita, magbabago ang lahat pagkatapos ng kasal pero hindi ang nararamdaman ko sa iyo.  Sana lumigaya ka na, matagpuan mo sana ang taong hindi magpapaiyak sa iyo.  Tama na ang pag-iyak Pat. Ipangako mo na paglabas ko ng kwartong  ito hindi mo na ako iiyakan.  Kakalimutan mo na ako at ang lahat ng masasakit na ginawa ko sa iyo.  Alam kong wala na akong karapatang sabihin ito pero Pat, ayoko ng masaktan ka pa, ayoko  ng umiyak ka pa. Please Patrick tama na!”
“Sige Kuya Paul, para sa iyo, para sa ikatatahimik ng kalooban mo, hindi na ako iiyak, kakalimutan ko na ang lahat ng masasakit na alaala natin.“  Naramdaman ko ang lalong paghigpit ng mga yakap niya.
“Hindi ko alam kung kaya ko pero para sa iyo Kuya Paul, gagawin ko kahit mahirap.  Ipapakita ko sa iyo na  kaya ko ang lahat maging maligaya ka lamang, Ayoko ring makita kang nahihirapan, Mahal na mahal kita Kuya Paul.”
Lumabas siya ng kwartong ko na hindi ako tinitingnan, Pero pagkalabas pa lamang niya, isinubsob ko na sa unan ang mukha ko.  Iyon na ba ang huling yakap mo sa akin, iyon na ba ang huling pag-uusap natin?
“Sorry Kuya Paul, hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ito, hindi ko alam kung kaya kong huwag umiyak ngayong alam kong wala ka na.  Hindi ko alam kung makakangiti pa ako samantalang parang mamamatay na ako.  Paano kita makakalimutan Kuya Paul, ang puso ko ikaw pa rin ang itinitibok,  Kahit ayaw ko na hindi siya nakikinig, Buong buhay ko ikaw lamang ang minahal ko ng ganito.  Hindi ko kayang kalimutan ka Kuya Paul, hindi ko kaya.”
“Noong bata ako na lagi kang nasa tabi ko, sinanay mo ako na lagi kang narito at sa bawat oras handang dumamay kaso nawala ka pinag-aralan kong kayanin kahit mahirap, kahit masakit tinanggap ko pero bago pa lang  ako nasasanay bumalik ka naman, Ngayon pag-aaralan ko na naman na wala ka. Kaya lang mas masakit ngayon kasi kailangan kong tanggapin na wala ka na talaga, kailangan kong kayanin itong mag-isa. Ang sakit Kuya Paul.  Ang hirap tanggapin at hindi ko alam hanggang kailan ako ganito”

Paul

Pag-uwi ko sa amin galing kina Patrick.  Niyakap lamang ako ni Papa.  Si Mama, malungkot na nakatingin sa amin.
“Tama na anak, araw-araw ka na lamang umiiyak, Tingnan mo ang sarili mo payat ka na.” si Papa pagkatapos naming makaupo.
“Pa, ang sakit pa rin, hindi ko alam hanggang kailan ako masasaktan dahil sa pagkakamali kong ito,”
“Anong nangyari nagkausap ba kayo ng maayos ni Josh?” tanong ni Mama
“Ma, bakit ganon siya?” parang bata kong tanong sa kanya.
“Bakit anak, hindi ka ba niya pinatawad, hindi ba naging maayos ang pag-uusap ninyo?” nag-aalala naman niyang tanong sa akin.
“Ma sana nga ganon ang nangyari, pero  bakit niya ako naunawaan, bakit hindi niya ako minura o sinaktan, bakit ganon siya Ma?”
“Kasi anak mahal ka niya, ayaw ka niyang masaktan.” Ramdam ko ang pag garalgal ng boses ni Mama.  Pinipilit niyang huwag umiyak pero kita ko ang pagpatak ng luha niya, bata pa si Patrick malapit na ang loob niya sa kanya. Alam kong anak na rin ang turing niya sa kanya at kung nag-aalala siya dahil nasasaktan ako sigurado akong nasasaktan din siya sa pinagdadaanan ni Patrick.
“Iyon na nga Ma, mas masakit iyon , siya ayaw niya akong masaktan ako lagi ko siyang sinasaktan.”
“Paul, alam naman niyang hindi mo ginusto ang nangyari, kaya naiintindihan ka niya,” si Papa
“Pero Pa hindi naman mababago non ang katotohanang hindi na pwedeng maging kami, kahit ano pa ang sabihin, kasalanan ko pa rin dahil tanga ako Pa. Sobrang tanga ako.”
“Anak tama na iyan.” Si Mama
“Ma, okay lamang akong mahirapan dahil may kasalanan ako ang hindi ko matanggap iyong pinagdadaraanan ni Patrick ngayon, wala siyang kasalanan, wala siyang ginawang mali pero umiiyak siya Ma, kitang kita ko ang mga luha niya at gusto ko siyang tulungan, pero wala akong magawa. Ipinangako ko sa kanya mula pagkabata na ipagtatanggol ko siya, walang pwedeng manakit sa kanya. Pero bakit ako ang nananakit sa kanya, iyon ang pinakamahirap tanggapin. Ako ang nagpapaiyak sa kanya ngayon. Mahal ko siya pero ako ang gumagawa nito sa kanya.  Paano ko mapapatawad ang sarili ko?”
Sandaling walang nagsalita sa amin. Malungkot silang nakatingin sa akin.  Alam ko gusto nila akong tulungan, gusto nilang pagaanin ang nararamdaman ko pero gaya ko wala rin silang magawa o hindi nila alam kung ano ang gagawin.
“Dalawang beses na siyang muntik na mamatay dahil sa akin.  Pinagtangkaan siyang patayin ni Dianne dahil sa akin pero minahal pa rin niya ako.  Ilang beses ko na siyang iniwasan pero naron pa rin siya at naghihintay.  Mahal niya ako pero Pa hindi ko alam kung natumbasan ko kahit kalahati man lamang ang pagmamahal niyang iyon.  Gusto ko sanang bumawi pero ito naman ang nangyari.”
“Anak nariyan na iyan, wala na tayong magagawa,  Siguro nga hindi talaga kayo para sa isat-isa, tanggapin na lamang natin iyon at harapin ang bukas,  Magkakapamilya ka na, doon mo na lamang ibuhos ang lahat ang atensiyon at panahon mo.  Mabuting tao si Josh, makakatagpo din siya ng taong magmamahal sa kanya.” Si Mama
“Paul, alam kong mahirap pero panahon na para kalimutan mo siya, sigurado ako iyan din ang sinabi niya sa iyo.  Nanghihinayang ako dahil alam kong minahal mo siya at ipinaglaban pero hanggang doon lang talaga ang kwento ninyo.  Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo.  Minsan kailangang tanggapin din natin na hindi lahat ng inaakala nating pwede ay talagang pwede. Hindi pwedeng dahil nagmamahalan kayo ay kayo na ang nakatadhana.”
Tumango lamang ako sa kanila.
“Salamat po Ma, Pa, salamat sa pang-unawa, hayaan ninyo pipilitin kong gawin ang mga sinasabi ninyo.  Alam kong mahirap at hindi ko alam kung kaya ko, pero nariyan naman po kayo hindi ba?” Niyakap nila ako. 
“Alam ko hindi ninyo naman ako pababayaan, sana lang huwag kayong magsasawa, huwag ninyo akong iiwan hanggang kaya ko na,”
 Pagpasok ko sa kwarto, tumunog ang cellphone ko.  Nang tingan ko si Mitch.  Hinayaan ko lamang itong tumunog nang tumunog.  Nahiga ako sa kama ko at nakipag titigan sa kisame.
“Dalawang araw na lamang kasal ko na, hanggang ngayon hindi ko pa rin maimagine anong buhay ang naghihintay sa akin.  Anong impyerno ba ang dapat kong paghandaan.”
“Bakit ba hanggang ngayon ay buhay pa rin ako.  Gusto ko ng mamatay para matapos na ang lahat pero hindi ko naman kayang magpakamatay.  Naisip ko si Patrick ano kaya ang ginagawa niya ngayong oras na ito?”
“Diyos ko alam ko wala po akong karapatang magdasal at makiusap sa inyo dahil sa dami ng mga kasalanan ko, pero minsan pa Diyos ko tulungan mo po si Patrick.  Tulungan mo pong kayanin niya ang lahat ng dinadala niya ngayon.  Tulungan mo po sana siyang maging masaya kahit wala na ako.  Huwag mo siyang pababayaan Diyos ko ingatan mo lagi siya. Iyon lamang po ang hinihiling ko sa inyo,  Mahal na mahal ko siya.”  Nakatulugan ko na ang ayos kong iyon.

Josh

 Araw ng kasal ni Kuya Paul, invited pa rin ako pero alam naman niya  na hindi ako pupunta. Syempre hindi naman alam sa opisina ang tungkol sa amin kaya nang magbigay ng invitation binigyan din ako. Nagring ang phone ko.
“Josh, kumusta ka na?” si Shayne
“Eto nakahiga pa rin.” Walang gana kong sagot.
“Sorry Josh, sinabi ko naman kay Kenzo na ihahanap ko na lamang siya ng partner kasi ayoko ring pumunta sa kasal na iyon.”
“Luka-luka, maid of honor ka, hindi pwede iyon.
“Maid of honor ako ng impakta, ayoko nga, gusto mo ipakidnap ko yung bruha na iyon at ipatapon sa Spratley?” napangiti naman ako?
“Diba white ang isusuot mong gown?”
“Oo naman, bakit?
“Naisip ko mas bagay sa iyo ang black kasi ang sama ng iniisip mo para kang witch”
“Pero Josh, paano ka na?”
“Ayos lamang ako sabi, ang kulit naman.”
“Shut up Josh Patrick, sige umiyak ka na muna ngayon, pagkatapos ng kasal didiretso na ako diyan hindi ako sasama sa reception, gala na lamang tayo kahit saan mo gustong pumunta, sagot ko, kahit saan..”
“Really sagot mo?”
“Oo nga, kahit sa Norway, puntahan natin ang Arendelle”
“Huh, ano yun?”
“Yung sa Frozen,  hahanapin natin si Elsa, tapos kakanta tayo ng Let it Go, Let It Go…”
“Ayy hindi ka lamang baliw, ang corny mo na rin”
“Sige na Josh, magpapakasaya tayo last na iyak mo na iyan, pagkatapos ng kasalan tapos na, hindi worth it na iyakan pa ang  pangit na iyon, wait hindi pala siya pangit ang gwapo pala niya, Pero gwapo lamang siya masama naman ang ugali. Bwist talaga siya! Basta hintayin mo ako gagala tayo” Napangiti naman ako
“Yabang mo, hindi ka papayagan ng seloso mong boyfriend”
“Sapakin ko siya kasama ng taksil niyang bestfriend. Haist! Nakakainis, bakit wala akong magawa?” ramdam ko ang disappointment niya.
“Sige na inaantok pa ako. Matutulog ulit ako. Mag beauty rest ka muna para lalong  ma-inlove sa iyo si Kenzo.” Kailangan ko ng tapusin ang pag-uusap namin dahil lalo lamang nasisira ang mood ni Shayne.
“Mukha niya, nakakaiinis siya hindi niya pinigilan si Kuya Paul don sa haliparot na iyon.”
Pagkatapos naming mag-usap nag-isip lamang ako. Nawala ang antok ko. Ano nga bang gagawin ko ngayon. Busy sina Daddy at Mommy dahil ninong at ninang sila.  Maiiwan akong mag-isa dito sa bahay. Hmp, Nakakabored naman. Ayoko namang umiyak, ayoko ngang  makinig kay Shayne na iiyak ako habang kinakasal sila. Nakakasawa na rin ang umiyak.  Nakakapagod pa, wala rin namang naitutulong.  Kinabukasan kailangan ko pang mag shade para itago ang namumugto kong mga mata.   
Pagbaba ko ng hagdan nakita ko si Daddy nakaupo sa sofa.
“Anak, okay ka lamang ba?” nag aalalang tanong niya.
“Yes Dad, si Mommy, ready na ba? Ang gwapo mo Dad bagay sa ‘yo ang suot mo” pinapatawa ko siya para hindi niya mapansin ang lungkot ko.
“Mas gwapo ka anak, payakap nga hindi ko pa rin maimagine ang Baby Josh na iyakin, mama na ngayon. Parang kailan lamang.”
“Dad alam mo, bawasan mo talaga ang kakadikit kay Mommy, kasi OA ka na rin talaga ngayon tingnan mo kung kelan nagputi ang buhok mo saka ka naging OA, tama na ang isang parent na awardee na Most OA award si Mommy lang iyon huwag mo ng agawin iyon sa kanya.”
“Salbaheng bata ito ah, Mommy etong anak mo kung anu-anong sinasabi sa iyo.”
Sigaw niya, napatawa naman ako,  Sabay namang pagbaba ni Mommy galing sa room nila.  Ang ganda pa rin ng Mommy ko kahit oldie na. Kahit nagtatawanan kami pansin ko pa rin ang lungkot sa mukha niya. Matamlay siyang nakatingin sa akin, na parang iiyak ang mga mata.
“O siya, Dad, alis na kayo ingat kayo ha, kakain na muna ako.” Hindi ko na hinintay makalapit sa amin si Mommy dahil mapapaiyak lamang ako.
“Sige anak, ikaw na ang bahala may pagkain diyan,” iyon lamang ang isinagot ni Mommy alam kong naintindihan niya ang pag-iwas ko ko sa kanya. 
Tumango lamang si Daddy. Tinanaw ko pa sila hanggnag makasakay sa sasakyan ni Daddy.
“Sanay mas masaya kayo kung kami ni Kuya Paul ang ikakasal.” Iyon lamang ang mahinang bulong ko.
Pagkatapos kumain ay naligo ako at lumabas.  Pinipilit kong maging masigla, kahit nagdurugo ako sa loob.  Pupunta sana ako kina Jairus at magpapalipas ng oras, alam naman niya ang pinagdaraanan ko kaya alam kong okay lamang ako doon, pero ewan ko basta nang makita ko ang kotse sumakay lamang ako.  Hindi ko alam kung saan ako pupunta.  PInaandar ko lamang.  Nang mapansin ko nasa SLEX na ako. “Saan ako pupunta?” iyon lamang ang naibulong ko. Hanggang maalala ko iyong lugar na pinuntahan namin ni Kuya Paul.
Pilit kong inalala ang mga dinaanan namin noon.  Nakarating naman ako sa tulong na rin ng ilang pagtatanung-tanong.  Humanap lamang ako ng magandang mapag paradahan ng sasakyan saka naglakad-lakad.  Bagamat may ilang cottages ng nakatayo, halos iyon pa rin ang itsura ng lugar na iyon.  Ang kulay blue na lake na may maliliit na islands sa gitna.  Ang malawak na pinong damuhan at ang bundok na nakapaligid na parang wall na nagpo-protekta sa magandang tanawin sa aking harapan.  Napaka gandang lugar talaga nito.  Naupo lamang ako hindi ko maiwasang maalala ang lahat ng nangyari noon.  Para akong nanood ng isang video clip habang nagpa flashback sa isip ko kung paano niya ako sinusubuan habang kumakain kami, ang pagyakap niya, yung binigay niyang mga roses, ang unang kiss namin.  Yung pag-aalala niya nang makita niyang umiiyak ako. Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha ko kaya dali-dali akong tumayo.
Naglakad-lakad ako at napaupo sa isang bato, dito ko pinanood yung dalawang ibon noon.  Nasaan na kaya sila, sila pa rin kaya hanggang ngayon.  Napangiti naman ako sa naisip ko.
Naghintay ako baka bumalik sila, ano na kaya ang itsura nila, may mga anak na kaya sila.  Ang tagal na noon baka ang dami na nila.  May isang oras yata akong naghintay pero hindi ko sila nakita.  May ilang ibon na dumadapo don sa sanga ng mataas ng puno pero hindi gaya noong nakita ko noon.
Nang mainip ako naglakad-lakad ulit ako.  Hangang-hanga talaga ako sa lugar na iyon. Mabuti na lamang at napreserve pa iyon,  Sayang talaga kung masisira ang ganon kagandang tanawin.  Muli naupo ako sa mga pinong damo at hinayaan ang sarili ko na tangayin ng lahat ng alaala namin ni Kuya Paul sa lugar na iyon.
“I Love you Kuya Paul” bulong ko sa hangin.  Saka huminga ng malalim.
“Ang lalim naman non, baka malunod ka niyan?” iyon ang narinig ko mula sa likuran ko. Nagulat talaga ako akala ko nag-iisa ako sa lugar na iyon.
Paglingon ko isang napaka gandang babae ang nakatayo. 
“Hi I’m Angelika!” sabay lahad niya ng kamay niya.  Tumayo ako at inabot ang kamay niya.
“Ahm, Hi, Im Josh!” nakangiti kong sagot sa kaniya.  Ang ganda niya, ang mata, ang ilong, ang lips at ang mahaba niyang buhok parang bagay na baga sa kanya ang name niya.
“Nagsosolo ka?” tanong niya.
“Yeah, nagpapalipas lamang ng oras, ikaw, solo ka rin?
“Nope, may kasama ako naron sila sa taas sa Japanese Garden, naiinip kasi ako don kaya naisipan kong bumaba.”
“Madalas kayo dito?”
“Noong mga bata pa kami, yes,  nag migrate kasi kami sa Canada kaya ngayon lang ulit nakabalik dito.”
“So nagbabakasyon ka lamang?”
“Well, hindi pa sure, mas gusto ko yata dito for a change. Ikaw bakit nagsosolo ka, taga saan ka ba?”
“Manila” maikli kong sagot
“Ows! Don’t tell me nagtravel ka all the way from Manila para lamang magpalipas ng oras dito” nakangiti niyang sagot
“Parang ganon na nga”
“Would you mind samahan kitang magpalipas ng oras?”
“Okay lang tara, lakad-lakad tayo.”
“So I guess may pinagdadaanan ka kaya ka narito, am I right?” hindi naman ako sumagot. Kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita.
“Well aaminin ko broken hearted ako, kaya kami napauwi ng Pilipinas, iyong boyfriend ko pinipilit akong magpakasal kaso ayoko pa ayun sa iba nagpakasal, ang galing ano may nakareserve pala, parang spare tire lang pag hindi pwede yung isa may pampalit agad na naka ready” malungkot niyang kwento habang pinipilit na ngumiti.
“Do you still love him?”
“Maybe yes, but after what he has done I believe he doesn’t deserve my love”
“So ano ang plano mo?”
“Life must go on, hindi naman tumigil ang pag ikot ng mundo dahil lamang ipinagpalit na niya ako sa iba.” Naisip ko sinabi ko na rin iyon dati pero ang hirap pa ding tanggapin.
“Tama naman yun” iyon lamang ang sinagot ko dahil parang tinamaan talaga ako sa huling sinabi niya.
“Hey ikaw, kumusta naman ang dami ko ng nakwento but still unknown pa rin why you are here.”
“Kasal ngayon ng boyfriend ko?” nakangiti pero diretso kong sagot sa kanya. Kita ko naman ang pagkabigla niya dahil sa diretso kong pahayag. 
“You mean?” Tumango naman ako. Alam ko ang tinutukoy niya.
“Ang gwapo mo Josh, para ipagpalit niya sa iba.  It’s his lost not yours”
“Ang ganda mo rin naman pero ipinagpalit ka rin sa iba diba?”
“Gumaganti ka ha?”
“Halata ba?”
“So this place is memorable to you?”
“Yeah, our first kiss happened here”
“Wow ang sweet, dumayo pa kayo talaga dito just for your first kiss.”
Ang sarap lang ng pakiramdam habang kausap siya. Hindi ko napansin tanghali na pala, ang tagal naming nagkukuwentuhan.  Ang dami naming napag-usapan, napaka interesting niyang kasama.
“Gusto mo akyat tayo don, ipakilala kita sa kanila.”
“Nakakahiya naman. Huwag na lamang kaya” nahihiya kong sagot.
“Ano ka ba, okay lang yun si Mommy at si Daddy lamang saka iyong bunso kong kapatid na makulit, huwag mo na lamang pansinin yun kasi mang aasar yun ng taon.” Parang ang hirap niyang tanggihan kasi iyong facial expression niya parang napaka amo para siyang laging nakikiusap, kaya nakangiti akong sumunod sa kanya.
“Hi guys meet my new friend Josh”
“Josh, my Dad, my Mom, never mind na lamang iyang matakaw na iyan, saka si Yaya Belen.”
“Magandang araw po sa inyo.”nahihiya pero nakangiti  kong bati sa kanila, kita ko naman na nakatingin silang lahat at nakangiti rin.
“Hi Josh, Its me Christian, Chris na lang para cute, bakit ka sumama sa witch hindi mo ba alam humahaba ang kuko niyan sa gabi?” pagpapatawa ng isang batang mga 13 years old siguro na halos kamukha rin siya ni Angelika.
“Hi Glad to meet you Chris, Talaga?”
“Yeah, saka nagta transform iyan kapag gabi.” Tawa naman ako ng tawa
“Ikaw naman  kris-tiyanak, ang pangit mo kaya pag natutulog, nakanganga ka tapos ang daming tulo ng laway then half closed ang mga mata mo,  gusto mo ipakita ko kay Josh ang mga pictures mo?” banta ni Angelika
“Mommy, tingnan mo si Ate oh.” Napapailing naman ang parents nila. Matagal tagal din kaming nag kwentuhan.
“Iho, saluhan mo kaming kumain sabi mo naman nagsosolo ka.” Biglang sabi ng Daddy niya.
“Nako, huwag na po, nakakahiya naman sa inyo.” Biglang iwas ko.
“Batang ito, huwag ka ng mahiya, mabuti nga at may bago kaming kakilala. Malay mo mapasyal kami sa Manila minsan magkita tayo.” Ang Mama naman niya.
“Sige na Josh, pumayag ka na, kung gusto mo sama ka pa sa amin, laro tayo huwag ka lamang masyadong maglalapit sa witch kasi baka papangitin ka niyan galit iyan sa mga cute, kaya galit iyan sa akin,” hinila niya ako sa braso para ibulong sinasabi niya.
“Christian!” saway ng Daddy niya.  Tawa pa rin ako nang tawa,  Hindi na rin ako nakatanggi kaya magkatabi kami ni Chris na kumain. Kwento siya nang kwento sa akin.  Gusto ko man na kausapin pa si Angelika hindi na rin kami nagkaroon ng pagkakataon dahil sa makulit na bata. Pero madalas ko siyang makitang nakatingin sa akin at nakangiti,  Ang ganda talaga niya! Iyon lamang ang naibulong ko sa sarili ko.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This