Pages

Wednesday, July 5, 2017

Leave Your Lover (Part 3)

By:Pascal

Katatapos ng klase namin umuwi ako kaagad dahil kailangan ko pa magprepare ng mga gamit ko. Unang gabi ko kasi matutulog sa dorm ni Mark gaya nga ng napag usapan namin na sa kanya muna ako makikitulog hanggang matapos ang finals. Madami dami kasi akong namiss na topics sa mga subject ko kaya kailangan ko ang tulong nya at para mamaximize namin ang oras ng pagrereview at matapos lahat ng aralin ay kailangan ko munang tumira sa kanya pansamantala. Tatlong araw yun mga bes at tabi pa kaming matutulog. Di ko alam kung exciting yun kasi naman parang mas kinakabahan ako. Alam ko naman na walang malisya yun sa kanya pero bes first time ko kasi may makakatabi na lalaki na di ko kaano ano, sanay din ako matulog mag isa. Hay naku ano bang iniisip ko ako lang yata ang nagbibigay malisya. Basta magfocus nalang ako sa pag aaral. Para sa future! Push!
Pagkatapos ko maihanda at makuha lahat ng mga gamit ko ay nagtungo na nga ako sa lugar ni Mark. As usual makalat parin sa dorm nya mga bes. Parang nadidistract ako sa mga gamit nyang nakakalat kaya tinatong ko sya kung pwede kong linisin muna at ayusin ang mga gamit nya. Tumawa lang ang mokong at sinabihan ako ng "bahala ka", sign nya na pumapayag sya. Total kakain pa naman sya bago kami magsimulang mag aral kaya may time pa ako maglinis. Habang naglilinis ako ng kwarto nya may nakita akong picture ng babae. Maganda sya bes, maputi, basta maganda. May idea na ako kung sino yun malamang yun yung ex nya na umalis papuntang Canada na nakwento sa akin ni Luis. At kahit nga na may alam ako ay tinanong ko parin sya kung sino yung babae.

Me: Mark sino tong babae sa picture? Ang gondo ha.
Mark: girlfriend ko yan si Tricia.
Me: ah may girlfriend ka pala, nasaan sya bakit di ko nakikita?
Mark: nasa Canada sya ngayon dun sila tumitira.
Me: ah wait. Akala ko nagbreak na kayo nun sabi ni Luis?
Mark: oo pero last month nagkausap na ulit kami at nagkaayos, kami na ulit.
Me: ah ganon ba. Good for you. Mahal na mahal mo ano.
Mark: oo naman. Mahal na mahal.
Me: kumusta communication nyo?
Mark: hindi ganoon kadalas. Actually madalang nga pero naiintindihan ko naman sya. Busy din sya doon. Tiis tiis nalang talaga. Ganon talaga pag LDR. Wala eh mahal ko.
Me: ah ok.

Kaya siguro biglang bumait din itong mokong na to nagkaayos pala sila ng ex nya.
Hindi na ako nagtanong naglinis nalang ako. Si Mark deretso naman nadin sa pagkain nya. Mga ilang minuto ay natapos narin sya. Pero di pa kami nagsimula mag aral kasi maliligo pa daw sya ako naman di parin tapos sa paglilinis ko (oo muka na akong yaya nya mga bes pero ok lang kahit yun naman nalang muna magawa ko kapalit ng pagtuturo nya sa akin, wag ng magreklamo bes isa pa ako naman nagprisinta).

Tapos na ako maglinis kasabay naman nun yung paglabas ni Mark sa banyo. Parang nagslowmo ang lahat bes habang ako ngpapaypay ng muka at katawan dahil napagod ako sa paglilinis at pawisan din naman ako ng konti habang sya naman ay nakatapis lang ng twalya. Nakatitig lang ako sa katawan nya, napako yata yung mga mata ko bes ayaw maalis talaga. Mukang di parin naman nya alintana na mukang tanga ako na nakangangang nakatitig sa kanya kasi busy sya sa paghahanap ng maisusuot nyang damit. Tapos bigla nyang tinanggal yung tapis nyang twalya bes bigla akong napahiyaw at napamura.

Me: put******! (Habang nakatakip ang mga kamay ko sa muka ko)

Tinanggal ni Mark ang tapis nyang twalya bes pero may suot na pala syang boxer. Nagoyo ako dun beshie parang napahiya din ako sa sarili ko. Bad terp talaga. Ano ba kasing pinaggagagawa ko?

Mark: oh anong nangyari sayo dyan? (Nag aalalang tanong nya)
Me: ay wala bigla kasing may dumaan na malaking daga nagulat lang ako.
Mark: daga? Parang wala pa naman bumibisita sa aking daga dito. Ipis siguro pero daga parang wala naman (nagtataka nyang sabi)
Me: meron nga. Next time kasi imaintain mo naman ang kalinisan dito para di ka pinupuntahan ng mga daga. (Medyo painis kong sabi)
Mark: arte mo naman para daga lang.(habang tumatawa)

Di na ako nagsalita bes importante nakagawa ako ng paraan at muka naman di sya nakahalata.
Nagsimula na nga syang magdiscuss pero wala parin ako sa sarili ko bes d ko parin makalimutan yung kanina. Natapos kami mag aral ng 12 midnight, usapan namin 11pm lang pero dahil wala ako sa focus teh nagtagal kami. Yung abs kasi talaga mga ateng eh di ko makalimutan. Ok erase erase erase.
Matutulog na kami at nauna na syang mahiga at ako ay nag banyo muna. Syempre maglilinis muna ng muka teh toothbrush etc. Naligo naman na ako kanina sa dorm ko bago ako umalis kaya konting linis linis nlng bes ok na tapos palit ng damit pantulog. Tulog na yata ang mokong kaya dahan dahan nalang akong nahiga. Di parin ako makatulog samantalang yung katabi ko mukang nananaginip na yata. Anong oras na bes. Mag aalasdos na pero di parin talaga ako makatulog. Namamahay yata talaga ako. Mga ilang minuto ng parang mahuhuli ko na yung tulog ko eh biglang yumakap sa akin si Mark. At parang nananaginip bes, nagsalita sya sabi "i love you Tricia". Parang gusto ko na nga syang sikuhin teh sa inis ko. Naudlot kasi yung antok ko dahil sa kanya. So yun nga pinilit ko alisin yung braso nya sa katawan ko. Nagtagumpay naman akong tanggalin ng di sya nagigising pero mga ilang minuto lang ulit ay bigla ulit syang yumakap at mas mahigpit na yun bes pati paa kasama. Di na ako nag aksayang tanggalin pa dahil inaantok narin naman ako kaya hinayaan ko nalang hanggang sa makatulog ako.
Kinabukasan nagising ako pero di na nakayakap sa akin si Mark (buti naman). Mas awkward naman kasi pag nagising pa kami sa ganoong posisyon diba. Bumangon na ako at ako na ang nagluto ng almusal namin. Ginising ko na si Mark, naghanda na kami pareho at sabay na kami pumasok sa school.

Sam: good morning frend kumusta unang gabi mo sa dorm ni Mark? Mukang puyat ka ha. (Habang mukang nakakaloko ang itsura)
Me: hay naku nahirapan ako matulog parang namamahay ako.
Sam: eh kumusta namang katabi si Mark?
Me:napakalikot bes.
Sam: gustong gusto mo naman. (nakakaloko parin ang muka)
Me: ay naku bes muntik muntik ko na ngang masiko sa muka.
Sam: weeeeeeeeeeeee......!
Me: eh kung muka mo kaya sikuhin ko.
Sam: eto naman di mabiro.
Me: ano ka ba. Nothing romantic. Purong pag aaral ang ginawa ko no. At d ko sya type.
Sam: wow teh ganda mo talaga hah! Baka mamaya kainin mo yang mga sinabi mo.
Me: never.... Hahahahaa. Nga pala bes may tsismis ako nagkabalikan pala sila nung ex nya.
Sam: alam ko bes last month yata.
Me: ah so ako lang pala di nakakaalam.
Sam: di naman lately ko lang din nalaman nabanggit sa akin ni Miguel.
Me: speaking of Miguel. Kumusta pala ang pagtuturo nia sayo?
Sam: ang totoo alam ko naman na yung mga tinuturo nya nagpapanggap nalang akong walang alam bes. Hahahahaha
Me: kalandian mo talaga.
Sam: hahahaha. Madalas din kasama namin si Luis bes kaya di rin ako makaaura ng matagal hahaha. Buti ka pa nga solo mo si Mark eh, tapos overnight ka pa sa dorm nya plus magkatabi pa kayong matulog panalong panalo ka talaga bes. (Sabay tawa)
Me: ewan ko sayo. (Sabay kaming tumawa)

Dumating ang hapon, gumabi ganoon parin naman walang special na pangyayari. Mas naging maingat lang ako kapag nakikita ko ng nakahubad si Mark. Muka naman kasing walang pakialam tong mokong na to kahit may kasama sa dorm nya. Pano pa kaya pag mag isa lang sya. Ako nalang nag aadjust bes. Busy busyhan kunwari. Ayaw ko lang kasi isipin nya na may malisya ako sa kanya. Kaya nagpofocus din talaga ako sa pagrereview. Sa pagtulog ganun din. Magigising nalang ako minsan madaling araw na meron ng nakayakap sa akin. Si Mark sanay yatang may kayakap pag natutulog, hinahayaan ko nalang kesa naman magising ko pa sya. Dumating ang last night ng pagrereview namin. Nagigising parin ako sa pagyakap ni Miguel kapag madaling araw. Mababaw lang kasi ang tulog ko kaya mabilis talaga ako magising. Pero patay malisya nalang ako, nababawi ko rin naman yung tulog after mga ilang minuto.
Natapos namin ang final examination at confident naman ako sa mga sagot ko.Medyo mahirap yung exams kaya medyo may kaba parin naman. Umuwi ako ng maaga sa dorm ko at natulog din ako ng maaga. Pero di ako makatulog bes. Everytime na ipipikit ko yung mga mata ko eh si Mark yung nakikita. Nagpaikot ikot na ako sa kama ko pero di talaga ako makatulog. Antok na antok na ako kanina pero bakit ngayon hirap na ako antukin. Lagi ko naiisip si Mark. Minsan napapangiti din ako pagnaaalala ko yung mga pagyakap nya sa akin. Nabubuang na ba ako mga beshie. What is happening to me? Omg! Inlove ba ako? Di naman siguro, tatlong gabi din kasi akong nakitulog sa kanya pansamantala kaya siguro ganon. Naninibago lang siguro ako ulit. Makanuod na nga lang ng movie pampaantok.
Isang linggo nalang ay sem break na pero kailangan parin namin pumasok dahil panakot ng mga mababait kong mga professor na di nila ibibigay mga grades namin pag di kami pumasok. Wala naman kaming ginagawa mga bes. Mag aatendance lang tapos gala galamode na sa campus. Ok nadin kasi nagkikitakita pa kami nila Mark. Ewan ko ba natutuwa ako pag naririnig ko yung pangalan nya. Tapos parang kinikiliti yung puso ko pag nag uusap kaming dalawa. Chos! Di ko maexplain bes pero iba yung saya ko pagkasama ko sya. Di naman ako ganito dati sa kanya basta bigla ko nalang naramdaman. Omg! Wait. Ano bang mga sinasabi ko.
Naku hindi yata pwede to. Di ako pwedeng mainlab kay Mark. Di pwede. Una kaibigan ko sya. Pangalawa may girlfriend sya. Kailangan ko ilihim to kahit kay Sam. Madaldal yung babaita na yun baka madulas sya masabi nya pa. Nagkaroon naman na ako ng mga crushes noon at natutunan ko naman silang kalimutan, ganun nalang gagawin ko hintayin ko nalang mawala tong feelings ko para kay Mark.
Huling araw bago ang sem break ay bigayan narin ng mga grades namin. Parang late yata maglabas ng mga grades tong department namin ngayon. Anyways sana wala akong bagsak. Last time kasi nagremoval exam pa ako sa isa kong subject. Bad terp talaga yun sana ngayon wala talaga. Nakuha na nila Sam, Miguel, Luis at Mark yung sa kanila at pasado sila lahat. Yung sa akin wala parin at kinakabahan na talaga ako. Hanggang sa tinawag ako at nakuha ko na nga yung grade slip ko pero parang natatakot akong tignan. Naghihintay na silang apat bes pero parang di parin ako handa. Hanggang sa tinignan ko narin. Omg! Pasado ako lahat. Napatalon ako at napayakap ako kay Mark. Habang nakayakap ako sa kanya ay nakita kong parang gulat ang muka nila Sam, Miguel, Luis at maging si Mark. Teh parang napuno ng awkwardness sa paligid ko. Nakakahiya talaga. Pero dahil magaling ako magpalusot bes ay nakaisip ako ng paraan. Syempre niyakap ko din si Luis (sya kasi yung malapit kay Mark) pati yung mga nasa likod ko na mga classmate ko na di ko naman masyadong kaclose eh niyakap ko narin para talaga hindi nila isipin na si Mark lang talaga ang gusto kong yakapin. Ewan ko kung effective ba yung ginawa ko pero para madivert ang attention nila sa iba ay nag aya ako na kumain na kami sa labas.
Nagkayayaan din kami na uminom, dahil wala naman na kaming pasok kaya lahat ay pumayag. Uuwi narin kasi yung iba sa amin sa kanya kanya nilang mga probinsya. Pumunta kami sa malapit lang naman na bar. Di naman kalayuan sa school namin kaya malapit lang din sa dorm ko. Habang nasa dance floor sina Mark, Luis at Miguel...
Sam: ano bes di ka talaga uuwi sa inyo ngayon?
Me: di nalang muna bes. Maaalala ko lang kasi si lolo pag umuwi ako dun ngayon sa amin. Sa dorm nalang muna ako. Mag advance advance na rin sa pag aaral.
Sam: wow bes ang sipag mo na mag aral ngayon ha. Eh kung sumama ka nalang kaya sa akin sa probinsya namin.
Me: bes thank you nalang pero nakakahiya naman kasi kina mama kung di ako uuwi sa amin tapos magbabakasyon ako sa inyo.
Sam: sabagay. Nga pala bes ano pala ibig sabihin nung kanina?
Me: anong kanina?
Sam: yung payakap moment mo kanina kay Mark. May amnesia lang bes?
Me: nadala lang ako. Masyado mo namang sineryoso yun.
Sam: bes kilala kita. Nitong mga nakaraang araw iba ka makatingin kay Mark. Gusto mo na ba sya?
Me: totoo bes? Obvious ba ako masyado?
Sam: di naman bes. Kilala lang kasi talaga kita. Angtagal na kaya kitang kilala yang buong pagkatao mo. (Sabay tawa). So totoo nga?
Akala ko pa naman maililihim ko to sa kanya. Di pala.
Me: (sad face lang ang isinagot ko kay Sam. Gets na nya yon) paghanga lang naman to bes sure ako mawawala din to agad. Naku ha sa atin lang tong dalawa. Izipper mo na ngayon din yang bunganga mo. (Sabay ngiti)
Sam: oo bes ano namang akala mo sa akin. (Sinabi nya yun ng may pagkamalungkot na boses)

Kilala kasi ako ni Sam. Last time kasi na nagkagusto at nainlab ako sa isang lalaki ay sobrang nasaktan talaga ako at saksi doon si Sam. Second year college kami nuon may nakilala akong lalaki sa ibang college department. Naging kami pero di din nagtagal kasi nalaman ko na may girlfriend na pala sya at mas nauna pa sa akin. Kaya na frustrate at nalungkot talaga ako nuon ng bonggang bongga pero naka move on na ako dun.
Natapos na nga magsayaw sina Miguel, Luis at Mark at patungo na sila sa kinauupuan namin ni Sam. Tumabi sa akin si Mark si Miguel naman ay tumabi kay Sam at si Luis naman ang nasa pagitan nila.

Mark: ang galing ko kanina sumayaw Shaun kanina ano? Nakita mo ba?

Tipsy na ang mokong kaya nagyayabang na naman, pero ang cute nya di ko mapigilang kiligin mga bes pero discreet lang.

Me: di ko nakita busy ako kanina.
Mark: taray mo naman. May regla ka ba? (Sabay tawa nilang tatlo)
Me: ewan ko sayo. (Medyo pasuplada effect ako mga beshie hahaha)
Luis: so Shaun di ka talaga uuwi sa inyo? Mag isa mo lang dito lahat kami uuwi maliban sayo. Di ka ba maiinip?
Me: di naman siguro. Lilibot libot nalang ako pag nabagot ako sa dorm.
Miguel: well good luck sayo. Mahaba haba din ang break natin.
Me: enjoy kayo sa bakasyon nyo.

Alas dos na ng madaling araw at napagdesisyunan namin na umuwi na. Di naman kami masyadong lasing lahat. Malapit lang naman bahay namin maliban kay Mark kaya naglakad nalang kami. Habang naglakad kami ay biglang umulan ng malakas. Buti nalang may payong si Sam at nakasukob ako sa kanya pero sina Miguel, Luis at Mark ay nabasa ng ulan. Mga ilang minuto pa bago kami nakahanap ng masisilungan. Huminto din ang ulan at nagpatuloy na nga kami sa pag uwi namin. Si Mark ay nagtric na pauwi sa dorm nya. Nagkahiwahiwalay narin kaming apat pagkatapos.
Kinabukasan tanghali na ako nagising mga 11 am na yata. Nang icheck ko ang phone ko ay may message ako kay sam na sabing nakabyahe na daw sya at limang miss calls kay Miguel. Di naman tumatawag sa akin si Miguel kaya tinawagan ko din sya para malaman kung anong kailangan nya.

Me: (sa phone) o Miguel bakit ka tumatawag? Sorry kakagising ko lang.
Miguel: katext ko kasi si Mark kanina dapat sabay kaming uuwi pero may sakit yata ang gago pakicheck naman.
Me: bakit nasaan ka ba?
Miguel: nasa byahe na ko pauwi sa amin.
Me: ok sige tawagan ko sya mamaya.
Miguel: ok thanks.

Tinry ko tawagan si Mark pero di sumasagot. May sakit nga yata talaga ang mokong kaya nagmadali na akong naghanda at pumunta sa dorm nya.  Mabilis naman akong nakapasok sa building dahil kilala ko naman yung guard. Katok ako ng katok bes walang nagbubukas. Mga five minutes na yata ako bes sa pintuan wala paring nagbubukas ng pinto. Gagamitan ko na sana ng kungfu ko yung pinto pero naisipan kong buksan gamit yung doorknob. At bes di pala nakalock, bumukas ng walang kahirap hirap. Pasalamat yung pinto kung hindi wasak sya sana. So yun na nga pumasok ako agad at hinanap yung prince charming ko (chos!). Andun sya bes sa kama nya nakakumot at mukang may sakit nga. Gising naman sya.

Me: oh anong nangyari sayo?
Di sya sumasagot ginaw na ginaw lang sya. Naawa ako sa itsura nya, para syang kawawa.
Me: kumain ka na ba?
Iling lang ang sinagot nya.
Me: masakit ba katawan mo?
Tango lang sinagot nya.
Kinapa ko ang noo nya at mainit nga. Tinatrangkaso nga sya bes kasi masakit din daw mga kalamnan nya.
Nagpaalam ako sa kanya saglit dahil bibili ako ng gamot at lugaw at dumaan narin ako sa dorm ko para kumuha ng mga gamit ko dahil napagdesisyunan ko na na sa dorm ni Mark matutulog. Mukang malala kasi talaga ang mokong.
Pinakain at pinainom ko na si Mark ng gamot at nakatulog naman din sya kaagad. Oras oras yata chinecheck ko ang temperature nya pero di parin bumababa. Pag dating ng hapon bigla syang nagising at nawiwiwi daw sya. Sabi nya tulungan ko daw sya maglakad at nahihirapan daw sya. So yun nga inalalayan ko sya papunta sa cr.

Me: ang bigat mo ha. Di mo ba talaga kayang maglakad?
Mark: magpapatulong ba ako sayo kung kaya ko?
Me: ang lakilaki ng katawan mo ang hina hina naman ng immune system mo, para konting basa lang ng ulan eh.
Mark: (make face) kung ayaw mo naman akong tulungan pwede mo naman na akong iwanan dito eh.
Me: eto naman di na mabiro, syempre tutulungan kita dahil kaibigan kita. Saka bayad ko narin to sa pag tutor mo sa akin. Hahahhha
Mark: ah so pag di kita tinulungan pala nuon di mo rin pala ako tutulungan ngayon.
Me: eto naman joke nga lang eh. Tampo agad. Oh yan na pumasok ka na sa banyo.
Mark: pwede bang tulungan mo pa ako di ko kasi talaga kayang tumayo ng matagal.
Me: dont tell me sasamahan pa kita dyan sa loob? No way!
Mark: (nagpapaawa face)
Me: oo sige na sige na.

Sinamahan ko si Mark hanggang sa loob ng cr nakaakbay sya sa akin habang nagwiwiwi bes pero pumikit naman ako kaya wala akong nakita. Kala nyo naman sa akin. Natapos na sya at tinulungan ko naman sya para makabalik sa kama nya. Hapon na kaya bumili narin ako ng makakain namin sa labas. Luto na ang binili ko tinatamad kasi ako magluto.

Mark: tulungan mo ako maglinis ng katawan ko mamaya pagkatapos kumain.
Me: ok na yan. Minsan ka lang naman di maliligo.
Mark: di naman ako maliligo magtatrapo lang ako.
Me: ah ok.

Natapos na nga kami kumain pinainom ko na sya ng gamot at inihanda ko na ang bimpo at tubig na maligamgam na may konting sabon na pang trapo ni Mark. Akala ko kamay, muka at mga paa lang bes pero hindi pala, naghubad sya ng shorts at tshirt. So bale naka boxer nalang sya.

Mark: please...
Nakita kong nanlalamig na ulit si Mark kaya agad ko na syang pinunasan. Una sa muka. Napakagwapo talaga nya. At napaka amo ng muka nya ngayon, may sakit kasi hehe. Nakapikit sya habang pinupunasan ko ang muka nya. Sunod sa leeg. Mga malalaking braso nya, pababa sa likod lipat sa dibdib pababa sa mga mabubukol na abs nya. Hindi ko talaga matiis na di titigan ang mga ito. Nagpatuloy ako sa mga legs nya pababa sa mga paa.

Me: ok taas kilikili.
Hindi nya masyadong maitaas ang kamay nya kaya tinulungan ko parin sya. Habang pinupunasan ko ang kilikili nya ay napapansin ko ang unti unting pagtayo sa boxer nya. Omg mga kapatid, kapuso at mga kapamilya! Nanlaki ang mga mata ko mga beshie. Tinitigasan ang mokong. Mabilis ko nalang tinapos ang ginagawa ko bes at ng akmang aalis na sana ako dala ung bimbo at tubig nagsalita si Mark.

Mark: pano si junjun ko? Kailangang mapunasan din sya. (Habang nakakaloko ang tawa nya).
Me: bastos neto. O ayan bimbo bahala ka dyan. (Sabay hagis sa muka nya ng bimbo).
Iniwanan ko si Mark na tumatawa. May sakit ang mokong at nakukuha parin nyang magbiro. Bumalik ako sa kanya dala na ang isang tabo ng tubig at toothbrush nya na may toothpaste.

Me: oh mgtoothbrush ka na. Dyan mo nalang itapon sa timba yung ginamit mong tubig. Hahanap lang ako ng isusuot mo. Tumalikod nalang ako ng magpapalit na sya ng damit.

Napagod ako mga beshie para akong may inaalagaan na sanggol. Isininop ko na ang mga ginamit nya sa paglilinis ng katawan at ako naman ang nagtungo sa banyo para maglinis ng katawan ko.  Habang nakahiga si Mark ay tumabi narin ako sa kanya. Chineck ko ulit kung bumaba na ba ang lagnat nya pero hindi parin. Nanginginig parin sya sa lamig habang ako ay naiinitan naman. Hindi naman ganoon kakapal ang kumot ni Mark  kaya hindi talaga masyadong maiinitan ang katawan nya. Mayamaya ay bigla syang nagsalita.

Mark: pwede mo ba akong yakapin sa likod ko? Nilalamig ako eh.
Di na ako nagdalawang isip at niyakap ko nga sya habang nakatalikod sa akin. Hindi na sya masyadong nanginginig sa lamig.

Mark: Shaun salamat ha sa pag aalaga mo sa akin.
Me: ok lang yun. Walang ano man. Tulog ka na.

At natulog nga kami sa ganong posisyon. Hindi ko na inisip na mailang pa sa kanya kahit awkward yung posisyon namin ang importante ay makatulog sya ng maayos.
Itutuloy...

No comments:

Post a Comment

Read More Like This