Pages

Saturday, July 29, 2017

Leave Your Lover (Part 6)

By:Pascal

Sam: frend kami na ni Miguel.

Yan ang bungad sa akin ni Sam habang nagbabalita sya sa akin ng masayang masaya.

Me: totoo? Congrats! Akala ko pa naman ipefriendzone ka na ni Miguel. Hahahha
Sam: haha gaga ka talaga. Sa ganda kong toh mapefriendzone? Never pa yta bes. Hahaha.
Me: edi ikaw na ang dyosa.

At sabay kaming nagtawanan.

Me: pero seryoso masaya ako para sa inyong dalawa. Kaya lang malungkot ako kasi mawawalan ka na ng time sa akin. (Pabiro kong sabi sa kanya)
Sam: ano ka ba nasa iisang grupo lang naman tayo madalas parin tayo magkikita kita. Saka kung sakaling mangyari nga yun nandyan naman si Mark. Dapat nga ako ang magtampo eh dahil lately kayo na ang mas madalas magkasama.
Me: bruha ka talaga. Isumbat ba sa kin. Haha.
Sam: totoo naman kaya. Ang harot harot mo. Hahahha
Me:  syempre malungkot yung tao kailangan mong damayan, samahan.
Sam: naku shaun ha. Baka homohopia ka talaga sa kanya. Naku tigil tigilan mo yan. Masasaktan ka lang.
Me: ano ka ba. Di nga. Paulit ulit nalang tayo dyan.
Sam: pinapaalala ko lang. Speaking of Mark mukang naka move on na sya ha. Ano bang nangyari sa inyo?
Me: hah! Nangyari sa amin? Wala ah.
Sam: i mean nangyari sa inyo nung lumabas kayo. All of a sudden bigla nalang syang bumalik sa dati. Ang weird lang. Actually pati ikaw ang weird mo lately. May sakit ka ba?
Me: ahhhhh. Wala naman. Siguro narealized lang nya na di lang sa iisang babae umiikot ang mundo. Yun yung sinabi ko sa kanya eh. Madami pang ibang babae na mas worth it mahalin. Wala akong sakit noh.
Sam: ahhhhh. Ganon ba. Well good for him.
Me: ano tara sa labas kain tayo libre mo syempre.
Sam: sige gora! Treat ko today.

At yun nga. Tama nga ako. Lumipas ang mga araw madalas magkasama si Sam at Miguel. Madalas sila magdate ng sila lang dalawa. Ok lang naman naiintindihan ko. Nakikita ko talaga na mahal nila ang isat isa. Di nila minadali ang lahat kaya nakikita ko naman na mukang magtatagal ang relasyon nila. Nagmature na nga si Sam. Si Miguel alam ko naman na mabuti syang tao. At swak silang dalawa alam ko nuon pa. Si Luis din madalang narin namin makasama balita ko may nililigawan yata sya sa ibang department, sabi ni Mark maganda pero di pa namin namimeet. Si Eric naman busy din sa academics nya. Madalang narin kami magkita ni magkatext nga madalang narin. Hayyyy..  Bakit ba lahat ng tao busy ngayon palibhasa may mga lovelife na. Kami nalang yata ni Mark ang di masyadong busy. Minsan kami nalang ang sabay magdinner sa labas na dating buong tropa namin magkakasamang ginagawa. Even pag weekend busy parin sila sa mga lovelife nila. At dahil nga dun madalas talaga na kami ni Mark nalang ang magkasama. Pag weekend kami nalang din dalawa lumalabas. Mall, sine, kain etc. Kesa mabore kami sa mga dorm namin. Madalas nakikitulog din si Mark sa dorm ko. Lalo na pag may major quiz kami kinabukasan. Sabay kaming nag aaral. Parang routine na nga eh. Di narin naman big deal sa amin yun kasi nagawa na namin yun dati. Tabi din kami matulog pero walang nangyayari sa amin. Tamang magkayakap lang. Ewan ba basta bigla nalang akong yayakapin ni Mark lagi yun pag matutulog na kami. Gusto daw nya kasi laging may kayakap pag matutulog. Wala naring ilang sa aming dalawa kahit makita ko pa ang buong katawan nya. Madalas kasi itong si Mark wala talagang pakialam kung magtanggal ng mga damit sa harapan ko kapag maliligo at kung magpapalit ng mga damit. Siguro dahil narin yun sa nangyari sa amin. Wala na kaming dapat pang itago sa isat isa. Sa totoo lang lalo pa akong humanga sa kanya. Pero dapat ipakita ko sa kanya na wala na akong nararamdaman o kahit konting malisya sa kanya. Masyado nyang pinahahalagahan itong pagkakaibigan namin kaya dapat pati ako rin. Pero ang hirap bes. Hirap na hirap parin akong magkubli ng mga nararamdaman ko. Bakit ba kasi ganun si Mark. Bakit kasi di nalang nya ako layuan para mas madali sa akin ang makalimot. Pero deep inside ginugusto ko naman talaga. Yung lagi lang nasa tabi nya. Di ko matanggihan bes.
Isang hapon galing kami ni Mark nanuod ng sine habang naglalakad sa corridor ng dorm nya may nakita akong babae na nakatayo sa tapat ng pinto ng dorm ni Mark. Sumama ako sa kanya kasi balak kong hiramin yung reviewer book nya. Habang papalapit kami ng papalapit parang namumukaan at pamilyar yung babae. Di nga ako nagkamali at alam kong si Tricia ang babaeng yon. Wait. What? Si tricia andito bakit? Andami ding mga tanong ang umiikot sa utak ko.  Biglang huminto sa paglalakad si Mark. Nakita ko sa muka nya ang pagkagulat. Nakita kami ng babae at agad itong tumakbo papunta kay Mark at yumakap. Gulat parin sya mukang di nya rin alam kung yayakap ba sya o hindi sa babae. Mukang kailangan nila mag usap. Nagpaalam ako kay Mark na bukas ko nalang hihiramin yung book na sinabi ko sa kanya at nagpaalam na ako. Nanatiling tahimik si Mark. Naglakad na ako ng dahan dahan paalis. Parang nahihirapan yung paa ko lumakad. Parang ayaw ko iwan si Mark. Gusto kong masaksihan kung ano ang mangyayari sa kanila. Di pa muna ako tuluyang bumaba sa hagdanan. Nagtago muna ako upang sumilip at makinig sa kanila.

Tricia: mark miss na miss kita.
Tinanggal ni mark ang pagkakayakap ni tricia.
Mark: bakit nandito ka?
Tricia: umuwi ako ayaw mo ba na nandito na ako?
Mark: bakit ngayon bigla kang babalik? Matapos kang di na nagparamdam? Matapos mo akong ishut down sa buhay mo?
Tricia: gulong gulo ako nuon mark. Andami dami kong problema at alam mo yun.
Mark: pwede mo namang sabihin sa akin diba maiintindihan ko naman. Bakit di mo ginawa at mas pinili mo pa akong kalimutan? Nagmuka akong tanga kakahintay ng paliwanag mo Tricia.
Tricia: sorry Mark. Di ko na kasi alam ang gagawin ko, gulong gulo na ako sumabay pa ang problema namin sa pamilya. Mahal na mahal kita kaya nga umuwi ako dito. Mahal mo pa ba ako?
Mark: umuwi ka ba hindi para sa akin kundi para makatakas sa mga problema mo?
Tricia: hindi Mark. Umuwi ako para sayo. Please patawarin mo na ako. (Habang umiiyak)

Di sumasagot si Mark. Bigla syang hinalikan ni Tricia. Makikita ko ang pagtanggi niya pero di naglaon parang nagustuhan narin nya. What the f f f f f f f f f. Ganon lang yon? Pumasok sila sa dorm ni Mark at di ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

Aray ko bes. Parang madudurog ang puso ko sa nasaksihan ko.  Saka bakit parang ang bilis ng mga pangyayari. Ok na ulit silang dalawa ganoin? Prang nainis din ako ng konti kay mark. Ok na agad yun sa kanya? Ganun lang? Siguro kasi mahal na mahal nya talaga si Tricia. Ano ba kasing pakialam ko sa kanila. Unti unti ng may namumuong luha sa aking mga mata. Ang sakit makita yung taong mahal mo sa piling ng iba. Wala akong karapatang magselos pero di ko talaga mapigilan. Ang sakit bes sobrang sakit. Bakit ba kasi sumilip silip at nakinig pa ako sa kanila. Nagdrama ako bes pababa ng hagdan. Kung pwede lang magpagulong gulong sa hagdan bes ginawa ko na.
Nakalabas na nga ako ng building ng dorm ni mark at umiiyak parin ako. Naglakad nalang ako pauwi kahit medyo may kalayuan. Pinagtitinginan ako ng ibang mga tao pero wala akong pakialam. Hanggang sa biglang may nakabanggaan ako.
Eric: oh Shaun ikaw pala. Bkit kasi sobra kang makayuko dyan.
Me: ah wala naman. Sige una na ako.
Eric: wait lang shaun umiyak ka ba? Anong nangyari sayo?
Me: ah wala lang to eric. Sige mauna na ako.

Paalis na sana ako ng bigla akong hilahin ni Eric sa kamay at niyakap. Di ko na napigilan pa at tuluyan na nga akong umiyak. Umiiyak ako sa dibdib nya habang hinahagod nya ang likod ko. Sobrang comfort ang naramdaman ko sa kanya at medyo nabawasan naman ang sakit na nararamdaman ko. Matapos akong umiyak ay niyaya nya akong kumain muna. Napansin ko din na may mga ilang tao na nakatingin sa amin pero di ko nalang sila pinansin. Nagtungo na kami sa paborito kong fast food chain. Pagkatapos namin kumain.

Eric: si mark ba yan?
Nabigla ako sa tanong ni eric. Pero siguro pwede naman ako magshare sa kanya ng konti. Sobrang bigat talaga kasi ng nararamdaman ko kailangan ko ng outlet.
Me: (tumango ako) pano mo nalaman?
Eric: wala lang nakita ko lang. Hahahhahhaha
Me: ano ka manghuhula?
Eric: haha hindi pero nakikita ko kasi sa mga mata mo.
Me: ganon ba kaobvious ang pagkagusto ko sa kanya?
Eric: di naman pero kung bibigyang attention ka mapapansin yun nung tao.
Me: so binibigyan mo pala ako ng attention?
Eric: well sabihin na nating oo.
Me: bakit naman?
Eric: wala gusto ko lang. Hahhahha.
Me: isa ka ring weirdo eh.
At sabay kaming tumawa.
Eric: pero seryoso shaun ano ba talagang nangyari sa inyo ni Mark? Nag away ba kayo?
Me: hindi. Ang totoo nyan ang saya saya ko lang kaninang kasama sya. Sobrang saya ko nung mga nakaraang araw kasi lagi ko lang syang kasama. Pero matatapos na pala yun ngayon.
Unti unti na naman may namumuong mga luha sa aking mga mata.
Me: dumating na yung ex nya at sila na ulit.
Eric: alam ba ni Mark na may gusto ka sa kanya?
Me: oo. Inamin ko sa kanya pero mas nanaig ang pagiging magkaibigan namin. Kaibigan lang talaga ako para sa kanya eh, hanggang dun lang yun. Ano bang ieexpect ko sa mga lalaki. Ang swerte ko nga eh kasi di sya yung tulad ng ibang lalaki na kapag nalaman nila na may gusto ka sa kanya lalayuan ka na. Si Mark hindi. Tinanggap nya ako kung ano ako pero bilang kaibigan lang. Pinipilit ko namang kalimutan na tong nararamdaman ko eh para sa kanya bilang respeto nadin sa pagkakaibigan namin pero ang hirap talagang mawala. Parang habang tumatagal mas lalong lumalala. Lalo na kanina nung nakita ko silang magkahalikan parang sinampal  sa akin lahat ng kahibangan ko. Ang sakit sakit lang. Alam mo yung feeling na wala ka namang karapatang magselos pero nasasaktan ka. Wala kang karapatan kasi kaibigan ka lang. At never kang magugustuhan ng isang tulad nya dahil lalaki ka. Lahat yun kanina naramdaman ko.
At di ko na napigilang umiyak ulit.
Me: pasensya na eric. Wala lang akong mapaglabasan. Ni di ko din makwento ito kay Sam. Mag aalala lang yun. Saka masaya sila ngayon ni Miguel ayaw kong sirain yun.
Eric: ok lang. Magkaibigan naman tayo. Masyado ka lang sigurong nasanay na kasama si Mark. Ok lang yan. Makakalimutan mo din sya. Gusto mo tulungan kitang mawala yan?
Me: pano naman?
Eric: tayo nalang kaya.
Me: tapos paiiyakin mo din ako after? Wag nalang noh.
Eric: of course not.
Me: hay naku eric puro ka biro.
Eric: oh diba tumatawa ka na ulit. Pero seryoso Shaun bakit di natin subukang dalawa. Baka magwork tayo?
Halos maibuga ko yung tubig na iniinom ko sa tanong ni Eric.
Me: baliw ka ba eric. Anong akala mo sa relationship larolaro lang? Saka wala naman tayong gusto sa isat isa.
Eric: palibhasa kasi si Mark lang laging mong iniisip.
Me: wait! Bakit eric may gusto ka ba sa akin? Ayaw ko ng binibiro ha.
Eric: muka ba akong nagbibiro?
Me: eric kung naaawa ka lang sa akin kasi broken hearted ako ngayon...
Di pa ako tapos magsalita biglang nagsalita na si eric.
Eric: di ako naaawa sayo Shaun. Di ko din alam kung kelan ako nagsimulang magkagusto sayo. Bigla nalang isang araw sobrang confused na ako. Never akong nagkagusto sa lalaki before kaya nga kinuwestion ko ang pagkatao ko. Lagi kitang naiisip shaun. Dati di ko alam kung bakit pero ngayon sigurado na ako. Di pa ba obvious yung mga pagtetext ko sayo nuon araw araw? Gabi gabi? Yung mga ngiti ko sayo. Syempre hindi kasi nga wala ka naman ibang nakikita kundi si Mark lang. Kaya nga dumistansya muna ako sayo. Ang totoo nyan di naman talaga ako busy sa school sinabi ko lang yun para may dahilan ako. Sobrang nasasaktan kasi ako pagnakikita ko kayang magkasama ni mark. At nakikitang sobra ang saya mo pag kasama mo sya. Pero naisip ko ito na yung chance ko para aminin sayo ang nararamdaman ko. Hindi dahil kinakaawaan kita kundi dahil mahal na mahal talaga kita Shaun matagal na, bigyan mo lang ako ng chance.

Speechless ang lola nyo mga beshie. Rebelasyon naman itong si Eric. Una di mo naman mapagkakamalang magkakagusto sa lalaki kasi lalaki kung magsalita at kumilos. Pangalawa sa akin pa magkakagusto ang lolo nyo. Di ko yun nahalata ah. Wala ng pangatlo! Ano bang nakita nito sa akin. Sana yun din ang makita ni Mark. Chos!

Me: bakit mo ako nagustuhan?
Eric: di ko alam. Siguro sa personality mo. Masayahin ka, mabait. Tapos pag ngumingiti ka ewan ba nadadala ako sayo.
Ewan ko kung binobola lang ako ng mokong na to. Pero sa totoo lang gwapo si Eric. Mabait. Kahit sino siguro gusto sya maging boyfriend.
Me: eric thank you dahil nandyan ka. Sorry din kung di kita naaappreciate. Salamat sa mga sinabi mo kahit papano pala kamahal mahal din ako.
Eric: eh Shaun pwede ba kitang ligawan?
Me: wow naman eric ang lakas makababae nyang "ligawan" mo ha. Di ako sanay makarinig ng mga ganyan.
Eric: so anong gusto mo tayo na agad?
Me: sira ulo ka talaga. Pero seryoso Eric, alam mo naman kung ano ang estado ng puso ko ngayon diba. Siguro bigyan mo muna ako ng panahon para makarecover ng kaunti. Di ka naman mahirap mahalin. At saka sa gwapo mong yan? At bait mong yan parang wala naman akong karapatang tumanggi. Hahahha.
Eric: sapat na sa akin yun, ang importante alam ko may chance ako hahahhahaha. Basta dito lang ako palagi sa tabi mo. Di kita iiwanan.

Nagpatuloy pa ang pag uusap namin ni Eric. Kahit papano nabawasan ang sakit na nararamdaman ko.
Di nagtagal napagdesisyunan na naming umuwi na at hinatid ako ni Eric sa dorm ko.

Di ako makatulog. Naiisip ko si Mark at yung mga masasayang mga araw na kasama ko sya. Pano na sa mga susunod na araw? Iba na ang sitwasyon namin ngayon. Dumating na si Tricia. Uwian na yata mga bes may nanalo na. :-(
Itutuloy...

No comments:

Post a Comment

Read More Like This