Pages

Monday, July 10, 2017

Perfect Duo (Part 1)

By:Dreamcatcher

Anong gagawin mo kung ang Campus Crush magkakagusto sayo?

Si Kent ay isa sa pinakasikat na estudyante sa university dahil sa angkin nyang kagwapuhan, kabaitan, at katalinuhan. Campus Crush ang bansag sa kanya kaya't parati syang pinagkakaguluhan at pinagtitinginan. Kahit ako.... di ko napigilang magkagusto sa kanya, pero crush lang.

Fifth-year na ako nun sa kursong Architecture nang una kaming nakapag-usap ni Kent. Nasa Cafateria ako nun kumakain mag-isa nang bigla syang umupo sa tabi ko. Una nagulat ako...

"Uy.. Hi!" Bati nya sabay ngiti na halos tumunaw sa akin
"Uh...hello" bati ko habang nakangiting aso...pakiramdam ko pulang-pula na ang mukha ko
"Patabi ha~?" dagdag nya sabay upo sa tabi ko
"Yeah...ahh.. ahh.. no problem" nauutal na ako kaya mas lalong namula ang mukha ko
"Pahingi ha?" at sa walang pagdadalawang isip... kumuha sya sa ulam ko

Hindi nyo alam ang naramdaman ko. Kung iisipin nyo..siguro kinikig ako, pero hindi! Inis ang naramdaman ko! Oo Crush ko to pero WOW! Ewan anong pumasok sa isip nya... pero ayaw na ayaw ko yung may bigla biglang mag sasawsaw ng kutsara sa pagkain ko...tsaka di ko pa malapit na kaibigan. Halos naglaho lahat ng nararamdaman ko para sa kanya.

"uhmm sarap naman" dagdag pa nya... halos gusto ko na syang patayin
"uh talaga...sige sayo nalang" di na ako nakangiti sa mga panahong iyon...at tinulak nang dahan-dahan sa harap nya yung ulam ko na kinainan nya
"ambait mo naman" sambit nya

Di na ako nagsalita baka kung ano pang masabi ko. Tumayo ako para bumili nang softdrink at pagkabalik na pagkabalik ko ay bigla nyang hinatak ang bote, tinanggal ang straw, at lumagok diretso sa bote! Mas lalong nag lagablab ang galit ko... ang sarap saksakin nang mokong! Akala mo kung sino! Ikinakahiya ko na nagkagusto ako dito! Nanatili padin akong kalmado... kinuha ko ang bag ko at nagpaalam sa kanya.

"Oh sige mauna na ako" mahinahon kung sinabi, pero halos pumutok na yung loob ko
"Oh teka.." dali-dali syang tumayo at iniabot ang kamay nya "Kent nga pala" ngumiti na naman sya
"I know" ganti ko...kasi kilala ko naman sya, pero ayaw kong magpakilala sa kanya kasi inis na inis ako
"Teka.. anong pangalan mo?" pamimilit nya
"ahh ..uhmmm..." nagdadalawang isip talaga ako pero ayaw ko din namang pahiyain sya "Vince" at iniabot nya ang kamay nya kaya't tinanggap ko ito

Nung uwian dumiretso ako sa pinakamatalik kong kaibigan, si Chloie. Sya lang ang nakakaalam na bakla ako..sa limang taon ay sya lang ang itinuring kong bestfriend at sinasabi ko sa kanya lahat ng sekreto ko.

"Oh Vince... ba't bigla kang bumisita?" gulat nyang tanong
"I need to talk to you... badtrip ako ngayon!" sagot ko..

Pinatuloy nya ako sa bahay nila pero nagmano muna ako sa mga magulang nya. Pumunta kami sa kwarto niya at dun ko inilabas lahat, lalong-lalo na tungkol sa mga nangyari kanina.

"Oh akala ko crush mo si Kent? ba't galit ka" natatawa nyang sinabi
"Yun nga eh... crush ko sya..di ko naman inisip na ganun sya ka-presko!" galit kong bulyaw
"Baka gusto lang makipagkaibigan?" dagdag ni Chloie
"Bahala sya sa buhay nya! sino ba naman kasi gustong makipagkaibigan sa taong ganun?!" ganti ko
"Hay nako, baka chance mo nayun?" gusto yata netong si Chloie na pagsisihan ko yung pagtanggi ko sa pagkakataong maging kaibigan si Kent.
"Pero hayaan mo na yun...di ko na'yon gusto! Gwapo lang... walang manners!" at dun ko napag desisyunan na di na ako magkakagusto kay Kent.

Here's a major news, kaklase ko si Kent sa isang Minor subject ko, sa Economics. Engineering kasi ang kurso ni Kent kaya't di ko inaasahang magiging magka-klase kami. Halos magtago-tago ako nung makita ko syang nakikipag-usap sa iba naming mga kaklase, ayaw kong mapansin nya ako dahil malamang kakausapin na naman nya ako.... at di nga ako nagkamali..

"Uy Vince!" Sabay akbay sa akin
"Uy~~~ ha ha ha....Kent" sabay tanggal ko sa akbay nya
"Deto din klase mo?" nakangiti nyang sinabi
"uhmm..oo eh" mahina kong sagot
"Tara tabi tayo..dun oh!" sabay turo sa upuan nya
"ah wag na... okay na ako dito sa likod" pagtanggi ko.. kasi ayaw kong makatabi sya
"Nako sige na! Para may kausap ako palagi" at sinabi nga nya ang kinakatakutan ko

Kung alam nyo lang..hinatak nya talaga ako papunta sa upuan katabi nung sa kanya. Uulitin ko, kung crush ko pa'to kikiligin ako, pero dahil hindi na....mas lalo akong naiinis. Buong term ko tong kasama? Ilang buwan ba akong magtitiis?!

At dahil first day pa nang klase kaya't wala masyadong ginawa... halos nagtatawanan lang lahat. Andami nyang pinagsasabi kung ano-ano nalang. Ako naman tumatangon-tango nalang din, nakikinig naman ako pero di gaanong interesado. Nag jo-joke din sya at tawang-tawa sya sa sarili nyang jokes eh napapaluha sya. Ang weird talaga... kasi di ko inakalang ganito pala sya? Mabait naman sya, palabiro, maraming kaibigan... pero ewan ko ba.

Nung matapos ang klase ay biglang gumaan ang loob ko.. kasi sa wakas makakalaya na ako. Makakapag-lunch na ako ng matiwasay, pagkatapos kasi ng klase eh lunch na. Dali-dali akong naglakad papalabas ng classroom ng bigla akong hatakin ni Kent..

"Oh Vince, san punta mo?" di parin nya binibitawan kamay ko
"Ahhh so locker may kukunin lang.." mahina kung sagot... pero di nya padin tinatanggal pagkakahawak nya
"Ahh sige samahan na kita" nakangiti nyang sinabi...
"Nako Kent wag na... " mabilis kong sagot
"Nako okay lang Vince, sige hintayin mo'ko dito iihi lang ako" nakangiti na naman nyang sinabi

At dahil nga ayaw kong sumabay sa kanya ay dali-dali akong kumaripas sa lakad para makatakas lang, magpapalusot nalang ako kung sakaling magtatanong sya kung bakit ako umalis. Pumunta ako sa locker ko upang mag-iwan ng gamit at matapos nun ay dumiretso sa cafeteria.. Habang naghahanap ako ng upuan biglang may sumigaw nang pangalan ko...at hulaan nyo kung sino?! Si Kent! na naman!

"Dito kana umupo...di kasi kita nahanap kanina, iniwan mo ko, mabuti nalang talaga nandito ka na" masaya nyang sinabi
"ahh kaya nga pasensya ka na...akala ko kasi di ko nadala yung iba kung libro kaya't chi-neck ko muna" pagpapalusot ko
"Ahh okay ganun ba? Sige Upo ka na... ako nalang u-order para sayo...ano bang gusto mo?" pagmamabuting loob nya
"Ahh ako nalang nakakahiya naman sayo" pero sa totoo lang medyo nahiya ako pero gusto ko sanang sabihing "ang gusto ko...iwan mo ko!" pero di ko naman kayang sabihin yon.
"Nako no worries... kaibigan naman tayo eh" tapos umorder nga sya

Di naman talaga kami magkaibigan neto. Magkakilala OO, pero kaibigan? Ayoko ... di ko gusto yung ugali nya. Masyado syang masayahin, masyado syang gwapo, masyado syang PERPEKTO... liban lang dun sa ginawa nya dati habang kumakain ako. Alam nyo may nagbago, habang kumakain kami di na sya gaanong nagsasalita, tapos di nya nadin pinapakialaman yung pagkain ko... di nya narin inagaw yung soft drink ko! Medyo awkward nga lang yung katahimikan maliban sa minsanang pagsulyap namin sa isa't-isa.

Matapos naming kumain eh dun lang sya nagsimulang magsalita... nagbiro na naman, pero ngayon natatawa na talaga ako... medyo gumaan yung pakiramdam ko.. kasi nga di nya na ginawa yung kinaiinisan ko sa kanya. Napapalakas nadin yung tawa namin sa mga jokes nya at pinagtitinginan na kami. Naghiwalay din kami nang landas matapos ang lunch dahil iba yung kurso nya...

Nung gabing yun nakatanggap ako ng tawag kay chloie

"Hoy Vince!!!!" pabati ni chloie na ikinagulat ko dahil sa lakas nang boses nya
"Aray naman Chlo! dahan-dahan lang sasabog yata eardrums ko!" natatawa kong sagot
"Hoy! mag online ka! Tingnan mo yung link na si-nend ko sayo! bilis!" di ko alam kung bakit excited sya... at nung makita ko ang ibig nyang sabihin eh nanlaki ang mata ko...
"Ano to?" tanong ko kay Chloie
"Perfect Duo...." natatawa nyang sinabi "Alam mo..bagay kayo!" nang-iinis nyang sinabi

Sa isang online page or cofession page nang school namin eh pinag pyestahan ang litrato namin ni Kent na nagtatawan kanina sa canteen. Kuhang-kuha sa litrato yung parang naluluha na kami sa tawanan. Ang ganda nga nung kuha eh parang pang commercial. Andaming nag-like, nag-share, at samut saring reaksyon at comments. Ang caption ay 'The Perfect Duo' tapos nakalagay yung mga pangalan namin. May mga nagsasabing bagay kami; good friends daw; ang ga-gwapo; parang mga model; may nagsabi ding bakla kami; at may nagsabi ding mag-syota kami. Dahil sa post nayun eh andaming nag-add sa akin pero di ko inaccept..maliban lang sa friend request na galing kay Kent. Pagka-accept na pagka-accept ko sa friend request nya eh agad-agad syang nag-chat.

"Hey pre... pag-pasensyahan mo na yung mga comments ha?~~" pauna nyang chat
"Nako okay lang di naman ako apektado...nagtatawanan lang naman talaga tayo. Tsaka maganda naman yung kuha eh" sagot ko
"Mabuti nalang..nag-aalala kasi ako sa magiging reaksyon mo at baka iwasan mo 'ko" sunod nyang sulat
"Ayy no probs ... okay lang talaga... pangako wala lang to" seryoso kung sagot
"Sige..good.. tulog ka nang maayos .. see you tomorrow" at nilagyan nya nang puso sa huli

Nung sumunod na araw naging obvious na pinagtitinginan kami at pinag-uusapan, may iba pa ngang tumitili. At dahil magkatabi kami sa economics na klase eh may ibang dumadaan sa classroom para silipin lang kami, pati mga kaklase namin eh kinukuhanan kami nang litrato. Di ko lang pinansin kasi nangako naman ako kay Kent na okay lang.

Matapos ang klase eh naglakad kami ni Kent papuntang cafeteria para mag-lunch. Papasok kami nun sa cafeteria nang muntikang madulas si Kent dahil sa basang sahig mabuti nalang ay nasalo ko sya. Nahawakan ko sya sa beywang at nahatak papalapit sa akin...kaya't parang naka back hug ako sa kanya. Bigla nalang may nagtilian. At may shutter sounds sa paligid. Andami palang nakakita dahil madaming nag-aabang.

Dali-daling tumayo si Kent nang maayos...at bumulong sya sa akin "Salamat ha?" at umupo na kami para kumain. Di nalang namin pinansin yung mga tao pero may ilan-ilan ding lumalapit para magpa picture. Hinayaan lang din namin...pero mukhang di na kami makaka-kain ng maayos simula ngayon. Kaya't habang kumakain eh mahina nyang sinabi na magdadala nalang nang baon bukas. Sumang-ayon naman ako...para iwas sa mga tao.

Matapos lahat ng klase ko eh pumunta ako sa may locker para mag iwan ng mga libro at pagkabukas ko neto eh may isang letter na naka address sa akin. Eto ay isang dotted sky blue envelope. Walang pangalan ng sender...pangalan ko lang talaga. Binuksan ko eto at binasa ang nasa loob...

"Hi Vince, you look brighter than the sun today. Your smile made my heart stop, and I'm pretty sure that my heart will skip a beat every time I see you. You are a wonder to behold. I like you"

That was it... yan yung nasa letter. Flattered ako dahil di naman ako parating nakakatanggap ng letters eh..tsaka ang sweet nung mga bagay na alam mong pinaghirapan. Siniksik ko sa gilid ng locker yung letter para hindi mawala. Kung sino man ang sumulat neto eh siguradong mahuhuli ko din sya.

Kami padin ang palaging magkasama ni Kent every lunch... nagbabaon sya at kung paminsan wala syang baon eh hinayaan ko nalang na maki-share sa baon ko. Hindi naman din ako nangdidiri na sa kanya...kasi alam kong maarte sya sa sarili at pangangatawan kaya't alam kong malinis. Same nadin kami nang boteng iniinuman. Alam kong indirect kiss pero parang wala lang kasi kaibigan nga kami.... pero di parin nya alam na bakla ako at minsang nagkagusto sa kanya.

Kahit panay na ang tago namin ni Kent eh madami pading nakakakuha ng aming litrato kaya't parati padin kaming pinag-uusapan at dahil sa paminsanang pag share namin sa pagkain eh mas lalong tumundi yung espekulasyon na mag nobyo kami, pero para sa amin wala lang talaga. Madami nga kaming fanfics na nababasa... paminsan buong pangalan talaga namin yung nilalagay. Sana di mabasa nila mama, sigurado lagot!

October nun, sem break nang mapag planuhan nang klase na mag overnight sa isang private resort. Sa kabilang city eto kaya't napag-usapang mag renta ng isang private bus. Di ko hilig magpunta kung saan saan kasi taong bahay ako, pero pinilit nila ako at dahil mahal ko tong mga kaklase ko kaya't sumama ako.

Nang makapunta na ako sa meeting place eh madami nang tao at nung umakyat na ako sa bus at naghanap nang mauupuan ay may biglang tumawag sa pangalan ko...

"Vince! dito ka tabi tayo!" at tuwang-tuwa syang kumaway-kaway sa direksyon ko...
"Kent? Ba't ka nandito?!" gulat kong sagot
"Ano pa..para samahan yung boyfriend nya" biro nung isa kong kaklase na si Kevin

Namula si Kent sa sinabi ni Kevin...kaya't nagtawanan lahat nang nakakita

"Hoy Kevin wag mo ngang pinag tri-tripan tung si Kent! tingnan mo pulang-pula na!" sabi ko at tumawa ako nang napakalakas kaya't namula nang lalo si Kent

Sumimangot sya kaya't dali-dali akong nag-sorry at tumabi sa kanya. Sya yung nasa gilid ng bintana at ako yung malapit sa aisle. Napag-alaman kong nagpaalam sya sa mga kaklase ko na gusto nyang sumama kasi wala raw planong magbakasyon mga ka-kurso nya, at dahil barkada naman nya halos mga kaklase ko eh okay na okay sa kanila. Andaming nagtatawanan nun sa bus, meron ding nagkakantahan, meron pang sumasayaw sa gitna. Punong-puno nang kaligayahan yung bus kaya't makalipas ang isang oras na biyahe eh halos natumba na lahat at nagsitulugan dahil sa sobrang katuwaan kanina. Dalawang oras ang biyahe papunta sa lokasyon kaya't okay lang matulog.

Napapansin kong parang naiidlip na si Kent at nagulat ako nang pigla nyang tapik-tapikin ang balikat ko... nilagay ang pisngi nya sa balikat ko at inayos ang pagkakasandal nya rito at natulog habang hawak hawak ang braso ko. Di ko nalang din namalayan na nakatulog ako at nakasandal nadin ang ulo ko sa ulo nya. Nagising nalang ako nang bigla kaming ginising ng driver...

"Boss.. nandito napo tayo" sabi ni kuyang driver
"Ahh talaga po?" at ginsing ko din si Kent
"Boss kanina pa po kayo iniwan ng mga kaklase nyo. Kinuhanan pa nga po kayo ng mga litrato kanina" nakangising sinabi ni kuya
"huh?! Lagot sila mamaya!" pagbabanta ko at mabuti nalang nagising nadin si Kent at pareho na kaming bumaba sa bus

Pumunta na kami sa kwarto.. separated ang girls and boys at nasa isang malaking kwarto ang mga boys na may 15 beds kaya't kasya kaming lahat kung mag si-share sa isang kama ang dalawang lalake... 26 kasi kaming mga lalake.

Pagkapasok namin sa kwarto eh inabutan naming nag-aayos na ang ibang mga lalake at pinalakpakan kami ni Kent nung makita nila kami.

"Oh..kamustang honey moon?" pagbibiro ni Albert, kaklase ko na barkada ni Kent
"Aba tuwang-tuwa pa kayo?! Pag ako nakaganti...lagot lahat!" pagbibiro ko sa kanila kaya't nagtawanan kaming lahat
"Nako Kent tsaka Vince... may partners na lahat...tapos iisang bed nalang ang available. Nakakahiya naman kung paghihiwalayin pa namin kayo sa honey moon nyo...dun na kayo sa huling bed oh.. para together forever" natatawang sinabi ni Kevin
"Ewan ko sayo!" sabay mahinang suntok ko sa braso ni Kevin

Mukhang tuwang-tuwa silang pagtripan kami ni Kent, pero okay lang ganyan naman talaga sila, palabiro kaya't nasanay na ako. Nag ayos na ako ng kama pero mukhang di pa gumagalaw si Kent.

"Hoy Kent..tara ligpit kana din." pag anyaya ko
"ah oo sige" parang natauhan nyang sinabi "Okay lang ba talaga sayong tabi tayong matulog?" tanong nya
"Ahh oo syempre naman... okay lang" nakangiti kong sagot

Andaming nangyari nung umaga, takbuhan dito takbuhan doon, swimming sa dagat, kainan, lutuan, at beach volleyball. Lahat tawa lang nang tawa... halos umitim na nga. Akala ko dahil sa pagod eh magpapahinga na lahat pag gabi pero nag-aya pa silang mag night swimming sa pool at mag inuman.

Excited ang mga lalake kaya mabilis nilang naihanda ang cottage na pag-iinuman, madami naring alak. Ang mga babae naman ay nakabalot na sa jacket kasi giniginaw na.

Hindi ko kasi hilig uminom kaya't paminsan-minsan lang ako tumatagay. Di naman din nila ako pinipilit pag tumatangi ako...kaya okay lang. Dahil dun ay di ako masyadong tinamaan. Sa dami nang nailak-lak nang iba eh nagkalasingan na nga. May ibang nagsipuntahan na sa kwarto para matulog, meron din ibang naligo pa sa pool. Ako tuloy etong todo ang bantay sa kanila baka kasi may malunod. 

At may nangyari nga. Dahil sa kalasingan sabay-sabay tumalon ang mga mokong sa pool! Lasing-na-lasing parang wala sa ulirat...tawa pa nang tawa. Ako tuloy yung nagka problema para maiahon lang lahat. Dali-dali ko silang pinaakyat, pero tawa parin nang tawa. Ang pinakahuling tumalon ay si Kent, at nasabi ko ba sa inyong hindi sya marunong lumangoy?! Anak nampucha! Grabe ang pag-aalala ko nun kaya't tumalon ako agad upang iligtas ang mokong. Mukhang palunod na nga at hirap na sa pagkapa kaya't swerte nalang nya dahil nandun ako.....

"Hoy hoy...Kent okay ka pa?" tinatapik ko yung mukha nya habang nakahiga sya sa gilid nang pool. "Hoy! Ano ba!" At bigla nyang niluwa ang nainom nyang tubig.

May ibang nakakita sa nangyari kaya't pumalibot sila. May ibang hinawakan ang ibang mga lasing para di na muling tumalon. Dahil sa nangyari natapos ang inuman at nagsipuntahan na sa kwarto lahat. May nag-aalala parin para kay Kent lalo na yung mga babae pero sinabi kung okay na sya...kaya't nagsi-alisan nadin. Kami nalang dalawa ni Kent ang naiwan sa gilid nang pool.

"Vince? pre...? Vince?" sabi nang nya kahit hirap sa paghinga.
"Oo pre...ako to si Vince" pag-aalala kong sinabi.
"Pre... mukhang nalulunod ako... pa CPR naman?" sabi nya tapos ngumuso-nguso pa na parang magpapahalik
"Aba! akala ko lasing ka lang..baliw ka narin pala? Umayos ka nga dyan... at tara na para makatulog kana" natatawa kong sinabi.

Tinulungan ko syang tumayo at hinatid sa kwarto. Kelangan ko pang bihisan si Kent kasi basang-basa sya. Hinatid ko sya sa communal CR at naabutan ko din yung ibang mga lalake na nagbibihis dun. Lasing sila pero di katulad ni Kent na mukhang wala sa ulirat.

"Oh nako Vince.. kamusta yang syota mo?" biro ni Greg kaklase ko na barkada din ni Kent. "Alam mo ba Vince yang si Kent talaga pinaka mahinang uminom samin laging natutumba yan. Kaya dapat laging binabantayan, pero ngayon ko lang nakita yan na parang gustong lunurin ang sarili sa alak! Ano bang problema nyan?" dagdag pa ni Greg.
"May LQ ba kayo?" biro ni Albert. "Hay nako Vince.. sige ingatan mo yang si Kent ha?! dahan-dahanin mo sa pagligo..tsaka wag mong sasakalin yung ari nyan!" sabay tawa nung loko.
"Nako Albert tigil-tigilan mo ko! Tulungan mo nalang kaya ako?" suhestyon ko.
"Nako ayoko! Bahala ka na dyan dude... gusto ko nang matulog. Tsaka paalala...wag mung titirahin yang si Kent, virgin payan baka dumugo!" at nagtawanan lahat nang nakarinig.
"Sinong virgin?!" biglang sigaw ni Kent na parang nagkamalay at nawala muli. At dahil dun nagtawanan na naman lahat.

Nagsialisan sila at kami na naman ang naiwan. Pinasok ko si kent sa isang cubicle...at pina-upo sa toilet bowl. Sinandal ko sa likod yung ulo nya. Parang may coma ang mokong... wala talagang reaksyon. Dahan-dahan kong hinubad ang damit nya, at sinunod ang shorts nya. Di ko na sana muna tatanggalin yung brief niya kasi babanlawan ko padin naman sya. Pero bigla syang gumalaw at tumayo sa harap ko kaya naka tutok sa mukha ko yung bukol nya at dun sya naghubad kaya't nakita ko nang buo ang natutulog nyang ari.

"Oh ayan... hubad nako..tara simula na tayo Vince" nakangiti nyang sinabi, pero halata mong lasing parin.
"Oh sige... simulan na natin Kent" wala akong ibig sabihin dito...babanlawan ko lang talaga. Walang malisya kasi magkaibigan nga kami diba.
"Sige...halikan mo muna ako dito" sabay turo sa leeg nya "tapos bumaba ka dito hanggang umabot ka dito" sabay turo sa medyo nagigising nyang ari.
"Hoy! okay ka lang? Ayos pa bang pag-iisip mo? Babanlawan lang kita hoy!" sabay tapik ko sa pisngi nya.
"Sige na please" sabay hatak nya sa kamay ko at pinatong sa ari nya na tuluyan nang tumigas.

Nagpumiglas ako, at dahil lasing sya... madali kong naitanggal ang pagkakahawak nya.

"Sige na Vince... halikan mo na ako" sabay nguso nya... na parang bata
"Hay nako...bahala ka sa buhay mo" at binuhusan ko sya nang tubig na gumulat sa kanya

Wala na syang nagawa at umupo nalang habang binabanlawan ko sya. Sinabon ko pa sya at nilinisan lahat kahit ang ari nya. Di naman ako tinigasan sa ginagawa ko kaya't natapos ko nang mabilis. Pinunasan ko din sya ng tuwalya at sa huli binihisan.

Sinuportahan ko sya para makatayo sya nang mabuti. Umakbay sya sa balikat ko para di matumba. Pero nung naglalakad na kami pabalik ay bigla nya akong pinaghahalikan sa pisngi. Eh wala naman akong magawa kasi baka nga matumba ang loko. Tawa pa ito nang tawa habang humahalik. Nung makabalik kami sa kwarto eh mukhang nakatulog na ang iba pero may iilan pang gising. Eto kasing si Kent ayaw tumigil sa paghalik kaya't nakita nang iba.

"Nako Vince! Delikado ka yata dyan... mukhang horny ang hayop!" sabi ni Greg na tuwan-tuwa sa sinabi nya.
"Ewan ko ba dito! ayaw tumigil! Nababakla na yata to!" ganti ko pero tawa parin ng tawa
"Videohan natin!" sigaw ni Greg.

Dali-dali syang tumayo sa kama nya, kumuha nang camera at vinideohan si Kent habang humahalik-halik sa pisngi ko. Ako eto tawa nalang. Matapos kunan nang video eh inihiga ko na si Kent sa kama namin. Humilata agad eto at bigla akong hinatak sa tabi nya.

"Vince, dito ka lang...ikaw ang tanday ko ngayon" sabay halik sa leeg ko.
"Nako iba na nga!" biglang sulpot na naman ni Greg at kumuha na naman nang video. "May pang blackmail na ako!" sabay tawang demonyo ni Greg.

Inayos ko na ang pwesto ni Kent at humiga nang maayos sa tabi nya. Di parin bumibitaw ang loko, nakayakap padin sa akin at yung mukha nya nasa leeg ko pa din, tapos yung isang binti nya nasa legs ko. Tumigil lang sa pag amoy-amoy nang leeg ko si Kent nung makatulog na nga sya. Medyo matagal akong nakatulog dahil naiinitan ako sa pagyakap nya.

Unang nagising si Kent at dahil sa pag-galaw niya eh nagising din ako. Nang maimulat ko ang mata ko eh naka harap sa akin ang dilat-na-dilat na mata ni Kent, parang gulat-na-gulat sya. Ang lapit kasi nang mukha namin, naka nose-to-nose na.... tapos nakayakap padin sya at nakatanday sa akin.

Medyo puyat pa ako kaya't sinuksok ko yung sarili ko sa dibdib ni Kent at pinikit muli ang aking mga mata, para matulog ulit. Di na sya nakagalaw kaya't hinayaan nalang nya. Nung muli akong magising eh wala na si Kent.

Matapos kung maayos ang sarili ko eh biglang sumulpot sa pintuan si Kent at tinawag ako dahil kakain na daw. Ginising nadin namin yung iba naming kasama. Nagtulong-tulong yung mga babae sa pagluto kasi alam daw nilang lasing na lasing yung mga lalake. Nakitulong nadin daw si Kent kahit medyo may hangover pa. May mga itlog, piniritong isda, hotdog, prutas, at longganisa.

Nagsidatingan na ang mga lalake at nung makita nilang ang mga inihanda eh napa "WOW" sila at nagpasalamat sa mga babae. Magsisimula na sanang kumain pero biglang tumayo si Greg at kinuha ang aming mga atensyon.

"People listen to me!" habang nakatayong parang bayani si Greg sa gitna.
"Eto ang ebidensya na nababakla na si Kent! ang campus crush ay lalake ang crush!" sabay pakita sa video sa iba naming mga kasama... "eto pa!" sabay panonood naman sa isa pang video.

Grabe ang tawanan naming lahat, kahit ako tawang-tawa. Si Kent eh pulang-pula ang mukha...parang natatae. Pinanood nya ang video at halos di na makatingin sa akin. Mabuti nalang di pikunin si Kent kaya di sya nagalit, pero hiyang-hiya talaga. Medyo kumalma lang sya nung sinabihan kong "okay lang, di naman big deal sa akin..friends lang naman tayo", pero parang medyo naging tahimik sya matapos nun.

Matapos kumain eh nagkanya-kanya nang enjoy ang mga tao para masulit ang bakasyon dahil sa hapon eh uuwi na kami. Pero sa mga panahong ito parang di na lumalapit sa akin si Kent...at di narin nya ako kinausap buong maghapon. Di ko alam kung anong nangyari pero hinayaan ko lang kasi alam kong tabi naman kami sa bus kaya't makakapag-usap din kami.

Nag-antay ako na tatabi sya sa akin pero di nya ginawa, kaya't mas nag-alala na ako. Pumunta ako kung san sya umupo at pinaki-usapan yung isa naming kaklase na makipagpalit nang upuan. Tumabi ako kay Kent at tiningnan sya pero di ako pinapansin.
"Hoy... okay kalang pre?" sabay hawak ko sa balikat nya.
"Oo" mahina nyang sabi pero di parin tumitingin, at hinawi nya ang kamay ko.
"Okay kalang ba talaga?" at bigla kong hinawakan ang magkabila nyang pisngi at hinarap sa aking mukha. Namula sya pero naka buka ang bibig. "Hoy Kent ano bang nagyari?" dagdag ko.
"Wala nga..okay lang" at tinanggal nya ang kamay ko at di na naman ako pinansin. Di nya nadin sinandal yung ulo nya sa balikat ko habang natutulog sya.

Hanggang sa maka-uwi ang lahat eh di na talaga nya ako pinansin. Tumawag si Chloie sa akin at gusto nya raw akong bisitahin kasi gusto nyang makumpirma yung mga nabalitaan nya mula sa mga kaklase ko. Ambilis din ng balita..nauna pang umuwi kesa sakin.

"So Vince.. tell me... may nangyari daw?" nakangiti nyang sinabi.
"Wala naman... maliban sa muntikang malunod tung si Kent kasi tumalong lasing sa pool" sagot ko.
"Eh nabuntis ka daw eh?" sabi ni Chloie.
"HUH?! Buntis?! sinong nabuntis?" gulat kong sagot.
"Ewan ko... yun yung balita eh!~" natatawang sabi ni Chloie "Pero may naghahalikan daw? Kayo daw ni Kent?" dagdag nya
"Sya lang po yung humahalik...lasing kasi kaya ganon..hinayaan ko lang" mahinahon kung sagot.
"Hinayaan mo lang? Eh mukhang nasarapan ka yata?!" pang-iinis ni Chloie.
"Ewan ko sayo Chloie! ano ba kasing pinupunto mo....ako talagang pinag ti-tripan mo eh no?" natatawa kung sinabi.
"Need an update... kayo na ba ni Kent?" dire-diretso nyang tinanong.
"HUH?! pano mangyayari yun?! Eh straight yung mokong....tsaka ikaw lang kaya nakakaalam na bakla ako!" sagot ko.
"Talaga? hindi mo sinabi sa kanya na bakla ka?! Pano kaya kung sabihin mo para maging kayo?!" suhestyon ni Chloie.
"Kaibigan lang talaga turing sakin nun! baka umiwas pa pag-umamin ako...baka mailang" seryoso kung sagot sa kanya.

Simula nung maging magkaibigan kami ni Kent eh hindi ko talaga inisip na magiging kami, o may tsanya pa. Pagkakaibigan lang talaga yung inisip ko at pinahalagahan ko yun. Kaya't di ko kayang umamin sa kanya...kasi baka magbago ang lahat.

"Pero nice video Vince... I'm saving this...for good" sabay pakita nya sa video namin ni Kent at kumawala nang hagalpak na tawa at kilig. "eeeehhhhhh~~ ang cute nyo! Bagay kayo Vince!" dagdag nya.

Humingi daw sya nang copy sa mga kaklase ko...at halos lahat sila eh may copy na. Napag-usapan din nilang wag ilalabas sa iba, sa amin-amin lang. At dahil alam nilang bestfriend ko si Chloie kaya't binigyan nila. Ako nga wala pang copy. Kaya ayun... nagpapasa nalang ako kay Chloie. hehehehe

----------

Bago magpasukan eh di ko na talaga natiis ang cold treatment ni Kent kaya't bumisita ako sa boarding house ni Kent nang hindi nagpapa-alam. Wala na syang nagawa kundi ang papasukin ako. Sinarado nya ang pinto at di parin ako pinapansin...dumiretso sya sa kama nya at nagtago sa ilalim ng kumot na parang matutulog ulit.

"Kent.. we need to talk" sabi ko.
"Gusto ko pang matulog...pwede bukas nalang?" mahina nyang sagot.
"Tanghaling tapat... matutulog ka? Kung alam ko lang di ka pa na nananghalian.." sabay upo ko sa kama nya. At narinig ko nga ang pagtunog nang tyan nya.
"Hindi, nakakain na ako" pagsisinungaling nya.
"Alam mo" bigla kong hinatak ang kumot na nakabalot sa kanya na ikinagulat niya.. "Hindi ito ang sagot sa problema mo" Sabay dagan ko sa kanya at hawak sa magkabilang balikat nya. Ngayon eh nakapatong na ako sa kanya. "Ano, may problema ba tayo? May problema ba sa akin?" di padin sya sumasagot naka titig lang mata nyang tila naluluha sa akin.

At yun nga bigla nalang syang humagulgol. Wala syang sinasabi umiyak lang nang umiyak. Eh ako nag-alala kaya't di na ako umalis sa pagkakapatong sa kanya at niyakap nalang sya nang mahigpit.

"Sorry vince.. wala lang ako sa mood kaya di kita pinansin" naluluha nyang sinabi. Di padin ako kumbinsido sa rason nya...pero ayoko kong umiiyak sya kaya't tinanggap ko nalang.
"Oh sya sige..okay..okay na... pinapatawad na kita..wag kalang iiyak" at pinatahan ko sya.

Sinabayan ko nalang syang kumain sa jollibee para mapasaya ang loko... chicken joy lang okay na. Kahit alam kong may malalim syang rason pero di ko na pinilit at di na muli akong nagtanong. Siga-siga kasi yung loko tapos iiyak nalang bigla-bigla... syempre nagulat ako kasi sa kaunahan-unahang pagkakataon eh nakita ko syang nahihirapan. At dahil sa araw nayun eh nagpansinan na kaming muli.

-------

Eversince nang makatanggap ako nang letter sa locker ko eh hindi na ito huminto. Araw-araw akong nakakatanggap. Ang mas ikinagulat ko eh kahit nung bakasyon na walang klase eh mukhang may naglagay padin sa locker ko. Walang kulang na araw... bawat dates may letter talaga... at kahit na sino pagtanungan ko eh wala talagang nakaka-alam kung kanino galing.

Matapos nang klase ko nung hapon eh dumiretso ako sa locker at meron na namang letter. Sweet words parin..kinikilig ako pero parang nakakatakot na kasi hanggang ngayon di ko parin kilala. Nagbabasa ako nang letter nang biglang may kumuha sa letter na hawak ko.

"Oops..ano to? Love letter?" sabay sabi ni Mark
"Ganun na nga..anong pake mo?" sabay kuha ko sa letter
"Eh pano kung sabihin ko sayong sa akin nanggaling to?" seryosong sagot ni Mark sabay akbay sa akin.

Si Mark nga pala..... ang ex-boyfriend ko.

*Two chapters lang po ito kaya't sanay abangan nyo.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This