Pages

Tuesday, July 18, 2017

Leave Your Lover (Part 5)

By:Pascal

Gumising ako mula sa pagkakasubsob sa matipunong dibdib ni Mark. Magkayakap parin ang aming mga hubo't hubad na mga katawan. Tulog parin sya. Di muna ako gumalaw, tinanaw ko lang ang kanyang muka. Napakasarap nyang pagmasdan. Mas lalo kong naappreciate ang kakisigan nya. Napakaamo ng muka. Naalala ko ang nangyari sa amin kagabi. Yun ang pinakamaligayang gabi ng buhay ko at ngayong umaga naman ang pinakamaganda. Sana ganito nalang kami. Kayang kaya ko sya titigan buong araw. Pero syempre di naman yun pwede. Hay naku! Hanggang ngayon pakiramdam ko yata nasa cloud 9 pa ako. Nananaginip ng gising. Oo alam ko yung nangyari sa amin kagabi walang ibig sabihin yon sa kanya. Malungkot sya, alam ko kailangan lang nya ng makakasama. Pero bes susulitin ko na tong mga nalalabing oras ko maya maya magigising narin sya. Muli akong sumobsob sa dibdib ni Mark at niyakap sya. Iidlip na sana ulit ako ng biglang parang may malakas na paputok na sumabog sa isip ko. May goooolay! May pasok pala kami toooooday! Anong oras na ba? Agad akong umalis sa katawan ni Mark at umupo sa kama. Mahimbing parin sya sa pagtulog. Chineck ko ang phone ko. My gawd!  11:30 na ng umaga. Soooooooobrang late na kami. Pwede pa kaming pumasok pero half day nalang. Buti nalang mamaya pang hapon long quiz namin. Kinuha ko yung phone ko sa bag. Grabe 10 miss calls from Sam.  "Nasan ka na frend?". "Ano papasok ka ba today?". "Hoy Shaun Garcia pangalawang subject na wala ka pa!". "Hoy bes patay ka na ba? Uso magreply". "Pareho kayong wala ni Mark. Makasama ba kayo?". Mga text ni Sam. May gawwwd talaga. Nawala sa isip ko. Masyado akong napasarap ng tulog. Hinanap ko agad yung mga damit ko at sinuot. Ginising ko na din si Mark.

Me: Mark! mark! Gising na. May pasok pa tayo.
Mark: hmmmmhhhmmh. ....
Me: ano ba mark. May long quiz pa tayo mamaya bangon na dyan.
Mark: (bumangon at umupo sa kama habang nakapikit parin) anong oras na ba?
Me: 11 30 na. Gising ka na at abot pa tayo sa 1 pm class natin.
Mark: grabe ang sakit ng ulo ko.
Me: yan ang napapala ng lasinggero.

Mark: ikaw rin naman eh. Pareho lang tayong nag inom.
Me: at least di masakit ulo. ( ang totoo nyan bes masakit din ang ulo ko naggagaling galingan lang ako para strong kunwari)
Mark: (tumingin si Mark sa akin na parang di naniniwala) edi wow!

Tumayo si Mark paaalis sa kama at wala syang tinakpan bes. Buyangyang kung buyangyang. Nakita ko na syang hubo't hubad pero naiilang parin ako kaya naman tumalikod ako sa kanya.

Mark: aysus! Tumalikod pa sya halos ayaw mo ngang tigilan tong katawan ko kagabi. (Sabay bato ng unan sa akin)
Me: aray hah! Bastos talaga neto. Akala mo naman kagandahan ng katawan mo. Nakakasuka kaya.
Mark: ahhhhh. Kaya pala halos masuka suka ka habang sinusubo etits ko. (Sabay nangpakawala ng malakas na tawa)
Me: ang bastos mo talaga!

Parang wala lang talaga sa kanya yung nangyari sa amin at nakukuha pang magbiro. Tama ako wala lang naman talaga sa kanya yun lahat. Ano bang aasahan ko. Ano ba bakit ba kasi ako umaasa. Pero parang may nagbago sa aura ni Mark. Parang nawala na ang lungkot sa kanya na kagabi lang at nung mga nakaraang araw ay kitang kita ko. Parang bumalik na sa dati. Nakukuha na ngang magbiro eh.

Kinuha ko yung unan na hinagis nya sa akin kanina at pinaghahampas hampas ko sya sa ulo. Muka kaming magjowa bes na naghaharutan. Sa sobrang kaharutan namin bes naout of balance kami at bumagsak sa kama. Oo bes, naimagine mo ba yung parang ganun sa mga movie? Parang ganun yung eksena bes. Ako yung nasa bandang ilalim at si Mark naman ang nakapatong sa akin. Parang huminto ang oras bes ng mga limang seconds. Nagkatitigan kami ni Mark. Bumilis din ang tibok ng puso ko. Mga limang seconds pa ulit biglang nagring ang phone ko. Ay naku! Buti nalang. Kinuha ko ang phone ko at si Sam tumatawag. Tumayo narin si Mark palayo sa kama at kinuha ang kanyang mga nakakalat na damit sa sahig. Habang nagbibihis sya sinagot ko naman na si Sam.

Me: oh hello Sam.
Sam: ay naku sa wakas teh sumagot ka din. Akala ko kung ano na nangyari sayo.

Nakikinig lang si Mark habang nagbibihis kasi nakaloudspeak naman yung telepono ko.

Sam: nasan ka ba? Ano bang mga pinaggagagawa mo at di ka pumasok? Si Mark din di pumasok. Magkasama ba kayo?
Nagkatinginan kami ni Mark.
Me: ah hindi kami magkasama ngayon. Pero kagabi magkasama kami.
Sam: bakit kayo magkasama kagabi? Aber aber..
Me: eh si Mark kasi may problema nag inom. Tapos tinawagan niya ako so ayun napa inom narin ako. Hangover bes. Baka si mark nasa dorm pa din  nya bulagta din. Ang sakit ng ulo ko at napasarap din tulog ko.
Sam: wow hah. At kayong dalawa lang talaga ang lumabas di nyo man lang kami naisipang itext.
Me: hay naku late narin tumawag sa akin si Mark. Actually lasing na nga sya nun. Naawa lang ako kaya pinuntahan ko na baka di pa makauwi eh. Alam mo naman na yun mongoloid.(Mukang bad trip ang muka ni Mark na nakatingin sa akin magsasalita sana sya pero sumenyas ako na wag sya maingay baka marinig kami ni Sam sa line)
Sam: whhooooh! Mongoloid pero mahal mo.
Me: (packing tape talaga tong bunganga ni Sam ang sarap lagyan ng packing tape. Bigla kong inalis sa pagkakaloudspeak yung phone at kinausap si Sam) pinagsasasabi mo dyan.

Dinaybert ko ang usapam namin ni Sam about sa klase. Habang nag uusap kami ni  Sam nakita kong tumatawa si Mark. Nakakalokong tawa bes. Mga ilang minuto natapos din ang usapan namin ni Sam.

Mark: ah so mahal mo pala ako.
Me: mahal ka dyan. Ikaw. Kahit wag nalang noh.
Mark: sus denial pa. Rinig na rinig ko nga kanina.
Me: tsk! Naniniwala ka naman dun kilala mo naman si Sam malakas mang asar.
Mark: i don't think so. Ahahahaha.  Eh bakit bigla mo pinatay speaker ng phone mo?
Me: eh sa trip kong patayin eh bakit ba.
Mark: weeehh. May gusto ka pala sakin ha.
Me: in your dreams....
Mark: hahahha.

Nagtungo si Mark sa banyo upang maghilamos ng muka.  Kailangan nya naring umuwi sa dorm nya para maghanda sa klase namin mamaya. Pagakatapos magpunas ng muka ni Mark umupo sya malapit sa akin sa kama. Tahimik kaming pareho at parang walang may gustong maunang magsalita sa amin. Pero si Mark din ang bumasag sa katahimikan namin.

Mark: Shaun seryoso. May gusto ka ba sa akin? Yung totoo ha.
Me: ahh. Eh. Oo. Meron. Pero wag kang mag alala wala naman akong hinihinging sukli ng pagmamahal mula sayo. Simpleng paghanga lang siguro ito. Madaling mawala. Mas nangingibabaw parin sa akin ang friendship natin. At yung nangyari sa atin kagabi. I know nadala lang tayo. Alam mo na. Pareho tayong nakainom. Tapos may problema ka pa.
Mark: maraming salamat at nandyan ka. Kung wala ka siguro kagabi di ko na alam kung ano mangyayari sa akin. At yung dun sa nangyari nga sa atin pwedeng sa atin nalang yun dalawa?
Me: walang anuman yun. Yung nagyari sa atin kalimutan nalang natin yun.
Mark: friends?
Me: friends. Pero ikaw? Kumusta ka na ba? Ok ka na ba?
Mark: narealized ko lang kung ayaw na sa akin ni Tricia bakit ko pa ipipilit ang sarili ko sa kanya diba? Sabi mo nga babae lang yun madami pang iba dyan. May iba pang mas importanteng mga bagay ang dapat unahin. Ang pag ibig makakapaghintay lang yan. Darating sa tamang panahon.
Me: wow nemen. Ngayon di ka lang matalino sa school, matalino ka narin pagdating sa pag ibig.
Mark: saka andyan naman kayong mga kaibigan ko. Andyan ka naman. Bakit pa ako malulungkot diba?
At nagyakap kaming dalawa. Naging maayos ang pag uusap namin. Pinili naming kalimutan nalang ang mga nangyari. Mukha namang bumalik na ang dating masiglang si Mark. Nakikita ko na ang mga magagandang ngiti nya. At masasayang mga mata nya. Wala akong pinagsisisihan sa mga nangyari. Oo mahal ko sya. At handa kong isakripisyo ang nararamdaman ko at maging kaibigan nya na susuporta sa kanya. Masaya ako at kahit papano nakatulong ako sa kanya.
Nagpaalam na nga si Mark sa akin. At bago pa ito tuluyang makalabas ng dorm ko ay nakuha pa nyang magbiro ulit.

Mark: pero kung nasarapan ka naman sa ginawa natin eh pwede naman nating ulitin ulit pero may bayad na. Hahahhahahhahahaha.
Me: bastos ka talaga. Lumayas ka na nga. Malibog!

Nagpacute si Mark at tuluyan na syang nagpaalam.

Lumipas ang mga araw at nakita ko ngang nagbalik na si Mark sa dati ng tuluyan. Active na ulit syang mag aral. Mas naging close pa kami sa isat isa. Naguguilty din ako kasi di ko naman masabi kay Sam yung mga nangyari dahil nangako kami ni Mark sa isat isa na isekreto nalang. Para din sa ikakaayos ng samahan ng tropa namin. Gayunpaman masaya ako at maayos ang lahat. Back to normal.
Itutuloy...

No comments:

Post a Comment

Read More Like This