Pages

Sunday, October 1, 2017

Amistad Y Amor (Part 2)

By:Anonymous

"Ano hindi pumapasok sa klase si PJ" gulat na gulat na tanong ng kanyang lola.

Dun ko lang din nalaman na kaya pala laging wala sa school si PJ ay talagang hindi siya pumapasok.

"Naku malilintikan talaga sa akin ang batang yan paguwi niya dito mamaya" galit na sagot ng lola ni PJ.

"Lola kausapin ko po muna si PJ para malaman ko kung bakit di siya pumapasok, huwag niyo po miuna pagagalitan baka po kasi lalo siyang magloko kapag pinagalitan niyo agad" pakiusap ko kay lola.

Pumayag naman ito sa pakiusap ko at ng umuwi na nga si PJ na nakasuot pa ng uniform na alam ko namang hindi pumasok sa school ay agad ko siyang hinala sa kamay.

"Ano ba kuya Mark ano ba problema mo bitiwan mo nga ako" galit na salita ni PJ

"Halika sumama ka sa akin at mag-uusap tayo" mataas na boses at utos ko sa kanya.

Dinala ko siya sa club house doon sa subdivision na tinitirhan nila, wala namang mga tao noon sa club house kami lang dalawa kaya makakausap ko siya ng kami lang dalawa.

Nakasimagot pa rin siya ng maupo na kami sa isang bench, tinitingnan ko siyang mabuti at pinapakiramdaman kung ano ba ang pwede kong gawin at pinagiisipan ko kung ano ang sasabihin sa kanya.

"ano ba kasing problema mo, nung una naninigarilyo ka, tapos naglalasing ka, ngayon naman hindi ka na pumapasok sa school, magagalit sayo ang mama at papa mo kapag nalaman nila yan" paalala ko sa kanya.

"So ngayon concern ka sa akin, akala ko ba si Janet lang ang mahalaga sayo" sagot niya sa akin na may halong hinanakit.

"Oh bakit naman nasama sa usapan si Janet" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Mula ng makilala mo si janet nakalimutan mo na ako Kuya, pakiramdam ko kasi pati ikaw iniwan na ako, akala ko ba aalagaan mo ako, sasamahan mo ako, hindi mo ako iiwan, pero dumating lang si Janet
nakalimutan mo na ako" mga salitang may halong sama ng loob sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang isusunod ko na sasabihin sa kanya, para kasi akong na-guilty sa mga sinabi niya, di ko kasi napansin na simula nga ng magka girlfriend ako ay napabayaan ko na siya
hindi ko naisip na mayroon akong nakababatang kaibigan na umaasa sa akin ng pagkalinga at pagmamahal bilang isang kaibigan.

"kapreho ka lang nila mama at papa walang pakialam kung ano ang mangyari sa buhay ko, sinasabi nila na mahal nila ako pero hindi ko nararamdaman dahil malayo naman sila sa akin, pati mga kapatid ko di
naman inaaalala ang kalagayan ko, tapos ikaw na kuya ko ikaw na kaibigan ko pababayaan din ako" unti unti ng tumulo ang luha sa mga mata ni PJ.

Parang may biglang tumusok sa puso ko ng makita ko siyang umiiyak at yun ay dahil sa akin. pakiramdam ko ay napakawalang kwenta kong kaibigan at kuya sa kanya.

"PJ hindi naman ibig sabihin na si janet ang kasama ko o pinapansin ko ay nakakalimutan na kita, mahal kita dahil kaibigan kita, kuya mo ako diba." panunuyo ko sa kanya para ipaalam na hindi ko siya
nakakalimutan, pero bigla siyang nagsalita sa akin.

"Hindi ko nararamdaman yun, kung gusto mong maniwala ako sayo patunayan mo" sabay alis ni PJ at iniwan ako sa clubhouse.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko, bagaman sa sarili ko ay alam kong hindi ko sinasadya na ganun ang mangyari, pero ang sakit sakit sa pakiramdam. parang dinurog ni PJ ang puso ko sa mga sinabi niya
sa akin. Hinayaan ko na lang muna siya, inisip ko na masama lang ang loob niya at baka sa mga susunod na araw ay lumipas din ang galit niya sa akin.

Lumipas nga ang mga araw at ganun pa rin siya hindi niya ako kinakausap o pinapansin man lang.

Minsan habang ako ay papunta sa classroom ay nakita ko ang kanyang lola, nagtaka ako na baka may problema si PJ sa school kaya nilapitan ko agad si lola para alamin ang pagpunta niya sa school.

"Lola" malakas na tawag ko sa kanya..

 "Oh Mark ikaw pala" masayang bati sa akin ni lola.

"Napadalaw po kayo dito sa school, may problema po ba" pagaalalang tanong ko sa kanya.

"Eh pupunta sana ako sa adviser niya, kakausapin ko na rin ang proincipal" sagot niya sa akin na may halong lungkot.

"Bakit naman po" lalong may pag-aalala na tanong ko sa kanya.

"Gusto kasi ni PJ na lumipat ng ibang school, ayaw na daw niya dito sa public, babalik na lang daw siya sa private" sagot naman ni lola

Hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang nangyayari, bagamat alam ko naman na dahil sa akin din kaya gusto ni PJ na lumipat ng school.

"eh kalagitnaan na po ng klase ah, baka wala ng tumanggap sa kanya para magtransfer"

"Yun na nga eh, pero nakausap ko na ang mama at papa niya at doon na lang daw siya pag-aaralin sa canada, pwede pa daw siya ihabol doon kahit kalagitnaan ng taon"

" sa Canada, ibig niyong sabihin doon na siya titira" gulat na gulat kong sagot.

"Oo yun din kasi ang gusto ng mama at papa niya, nalaman na kasi nila na nagloloko si PJ dito, napapabarkada at nagbibisyo, kaya gusto nila doon muna siya para mabantayan nila. ayos na rin sa akin para
bawas alalahanin ko dito, medyo matigas na rin kasi ang ulo ng batang yun" sagot ni lola.

Matapos kong malaman yun ay parang lalong bumigat ang pakiramdam ko, dahil nga may klase pa ako ay hindi ko agad napuntahan si PJ para kausapin. bawat minuto ay inaabangan ko na matapos na ang aming klase
at agad kong pupuntahan si PJ para ayusin ang problema namin. Nang tumunog na ang bell ay nagmamadali akong umalis, nakasalubong ko si janet at tinatawag niya ako.

"Mark" malaks na tawag sa akin ni Janet.. dinig na dinig ko yun pero binalewala ko lang dahil ang nasa isip ko ay makausap si PJ. hanggang sa makarating nga ako sa bahay nila. Agad ko siyang hinanap kay lola

"Naku nakalimutan ko sabihin sayo kanina, umalis na siya kasama yung Ate niya, ihahatid siya dun sa bahay ng balae ko sa Bicol. Doon muna siya habang hinihintay na maayo ang passport at visa niya papuntang
Canada. yun kasi ang bilin ng mama at papa niya para daw hindi matukso na sumama sa mga barkada dito"

Mas lalong bumigat ang nararamdaman ko, parang di ako makahinga sa sakit dahil bukod sa hindi na nagpaalam sa akin si PJ na aalis na siya sa school, nalaman ko na mangingibang bansa siya para mag-aral, heto
pa at umalis siya ng walang paalam sa akin, nawalan na kami ng pagkakataon para makapag-usap at maayos ang problema namin.

Dahil doon ay wala na akong nagawa, inisip ko na lang na makakabuti na rin sa kanya yun para mapalayo sa masasamang barkada. Ako naman ay nagfocus sa aking pag-aaral pati na sa relasyon namin ni Janet, nung una
ay medyo nagtampo sa akin si Janet dahil nga dun sa hindi pagpansin sa kanya nung tinatawag niya ako, pero magaling akong manuyo alam ko na ang kiliti ni Janet, binigyan ko lang siya ng roses, at yun bati na
agad kami.

Lumipas ang mga buwan at  taon, naghihintay ako ng balita tungkol kay PJ, umaasa na maayos ang kanyang kalagayan at umaasang napatawad na niya ako, na darati8ng ang isang araw na kokontakin niya ako para
makapag-usap sa naging problema sa amin. Pero walani Ha ni Ho, wala akong natanggap na balita sa kanya.

Hanggang sa ako nga ay mag 3rd year college sa isang University sa Isabela

Bigla akong nalungkot sa nalaman ko, akala ko kasi ay mabilis lang na mawawala ang sama ng loob ni PJ sa akin, pero hindi pala. Kailangan pa talaga na umabot sa ganitong sitwasyon para lang makaiwas siya
sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko bigla akong naging malungkutin, kahit na kapag kasama ko si Janet hindi ko magawang maging masaya.

"Ano bang nangyayari sayo Mark" inis na tanong sa akin ni Janet.

Alam kong nararamdaman niya na may mabigat akong dinadala, pero ayoko namang sabihin sa kanya kung bakit at anong dahilan.

"Wala marami lang akong iniisip" sagot ko sa kanya sa malamig na salita.

"alam mo Mark kung ganito lang tayo palagi, mas mabuti pang magbreak muna tayo, baka hindi ka pa sigurado sa nararamdaman mo sa akin, mas mabuti maghiwalay muna tayo" matigas na salita ni Janet sabay iwan sa
akin dahiul nasa paborito naming tambayan kami sa isang lugar sa aming school.

Kahit yun ang naging desisyon ni Janet parang hindi naman ako naapektuhan sa sinabi at ginawa niya, parang balewala lang sa akin, hindi naman ako nasaktan sa ginawa niya. mas nagnanaig sa akin ang sakit na
nararamdaman dahil sa pag-iwan sa akin ni PJ. ewan ko ba hindi ko talaga maintindihan. pinilipit ko naman na kalimutan ang nangyari at intindihin na lang siya pero hindi ko magawa.

Hanggang sa lumipas ang apat na taon, nasa nasa 3rd year college ko nun Engineering ang kinuha ko sa ISU Isabela State University, nakalimutan ko pala banggitin kung saan lugar ako galing at nag-aral kasama
si PJ , pareho kaming taga Isabela, di ko na babanggitin kung saan baka hanapin niyo pa kami.. hehehe. Nakalimutan ko din pala idescribe ang sarili ko sabi ko kasi kapag medyo lumaki na ako sa istorya, o heto
na itsura ko nung college na ako. Hindi naman sa pagyayabang pero may itsura din naman ako, hindi ako masyadong maputi, kung napanood niyo yung tele serye na Tubig at langis, yung isa sa love team ni Christine
Reyes dun, hindi si Zanjoe, yung isa pa, si Victor Silayan yun nakakahawig ko yun, marami naman nangsasabi sa akin na mga kakilala at kaibigan na kamukha ko nga daw yun. Medyo maganda din naman ang hubog ng katawan
ko may abs din naman pero di naman yung sinasabi nilang killer abs, nag gygym din kasi ako once a week, meron kasing gym malapit sa bahay namin na mura lang naman ang membership.

Yun na nga 3rd year college ako nun, simula pa lang ng school year, habang naglalakad ako papunta sa class room ay may nakita akong lalake na parang pamilyar sa akin ang mukha, nung una hinayaan ko lang, pero parang
may bumubulong sa utak ko na lapitan at kilalanin kung sino nga yun. Kaya sinubukan kong lumapit at bago pa man ako makalapit ay narinig ko ang isang babae na na tinawag ang pangalan ng lalakeng yun.

"PJ" tawag ng babae dun sa lalake.

Bigla akong natigilan, umalingawngaw sa tenga ko yung narinig kong pangalan. Nagtatalo ang isip ko na baka guni-guni ko lang o baka namamali lang ako ng dinig, pero inulit nung babae ang tawag sa kanya. Bigla akong natulala
biglang akong nawala sa sarili ko, ewan ko parang ayoko maniwala sa narinig ko na parang gusto ko na totoo nga yung narinig ko, ewan naguguluhan ako. Hanggang sa bigla na lang lumabas sa bibig ko ang pangalan niya.

"PJ ikaw ba yan" tanong ko sa kanya na medyo kinakabahan.

"Oh pre, teka kilala mo ako" sagot niya na parang hindi ako kilala.

Nasaktan ako sa sinabi niya, hindi ko alam kung nagbibiro siya o nagpapanggap na hindi ako kilala, o baka talagang hindi lang ako nakilala since ilang taon na rin ang limupas mula ng hindi kami magkita at magkausap.

"Ako to, si Mark yung.. bes.." bigla akong natigilan ng magsalita siya..

"Mark" na parang inaalala pa kung sino nga ako.

"Ah oo nga si Kuya Mark" o kumusta ka naman.. pasensya na hindi ko agad naalala.

"Ok lang" mahina kong sagot sa kanya.

Para kasing imposible na hindi na niya ako kilala o hindi niya ako nakilala, pero siya kahit ilang taon ang lumipas, maukhaan ko agad siya, hindi lang ako sigurado kung siya nga yun, kaya nga nilapitan ko siya para
siguruhin. Mas lalo siyang gumwapo ngayon dahil nagpahaba siya ng buhok, kung dati ay kamukha siya ni jake Cuenca, mas naging kamukha niya na si Tommy Esguerra ng PBB.

"Sino siya Babe" tanong ng babaeng kasama niya.

"Ah kaibigan ko dati nung high school, siya nga pala Mark si Tina girlfriend ko" pagmamalaki niyang sinabi sa akin.

medyo nasaktan na naman ako nung sabihin niyang girlfriend niya, ewan hindi ko alam kung bakit.

"kelan ka pa bumalik dito sa atin, at bakit nandito ka sa campus" magkasunod na tanong ko sa kanya.

"Dito ako mag-aaral ng college, sinundan ko kasi itong mahal ko, magkaklase kami sa Canada nung highschool, kaso since yung mga parents niya ay bumalik na dito sa Pinas eh sumama na siya para dito mag-aral" sagot naman niya sa akin.

"Ah taga dito din siya sa Isabela" tanong ko ulit

"Oo taga dito ang Daddy niya, nakakatuwa nga eh, siguro talagang pinagtagpo kami sa isat isa, iisang lugar ang pinanggalingan' masayang sagot ni PJ.

"Student ka din dito.. 1st year? tanong sa akin ni Tina.

"Yes student ako dito, but im already 3rd year in my course Engineering" sagot ko naman

"Ikaw PJ anong course ang kinuha mo" tanong ko kay PJ.

"HRM lang kasi HRM din kinuha ng lalaloves ko eh, para magkasam pa rin kami" masayang masayang sagot ni PJ.

"So mauna kami Mark, at mamaya lang magsisimula na ang class namin, nice meeting you again" sabay alis nilang dalawa.

Biglang nagbalik sa aking alaala ang masaya naming pagsasama noon ni PJ, may lungkot sa puso ko na nawala ang ganung closeness namin. parang gusto ko ulit maging close sa kanya, pero hindi ko alam kung ano ang gagawin
saka hindi pa rin ako makapaniwala na nakita ko ulit siya, ang buong akala ko ay hindi na siya babalik, sabagay simula kasi ng umalis siya eh hindi na rin ako nakikibalita sa kanya, hindi na rin ang napapadalaw sa
bahay nila, hindi ko na rin nakakausap ang mga kapatid at ang lola niya kaya hindi ko nabalitaan na babalik na pala siya.

Minsan habang papalabas na ako ng Campus dahil tapos na ang klase ko, ay nakita ko si PJ sa may gate, nilapitan ko siya.

"PJ pauwi ka na rin ba" masayang tanong ko sa kanya. Umaasa na sa sagot niyang OO ay aayain ko siya na sumabay na sa akin, tutal isang lugar lang naman ang dadaanan namin sa pag-uwi.

"OO pero hinihintay ko pa si Tina ihahatid ko pa kasi siya sa bahay nila" sagot naman niya sa akin.

Heto na naman ako, parang masakit na naman na naiinis ako. dati kasi kaming dalawa ang magkasabay na umuuwi, ngayon iba na ang kasama niya, kung sabagay ganun din naman ako nung, naging girlfirend ko dati si Janet.
hindi ko siya masisisi dahil syempre may girlfriend na din siya na dapat niyang pangalagaan. sino nga ba naman ako sa kanya, di ko naman masabing bestfriend pa rin dahil nasira nga yun, di ko din masabing friend
kasi di na kami ganun ka close.

Maya maya nga ay dumating na si Tina at sabay silang nagpaalam sa akin at umalis.

Mag-isa akong naglalakad papunta sa sakayan ng Jeep papunta sa uuwian ko. Nang makita ko sa isang burger stand si Tina na may kasamang ibang lalake, inisip ko nung una na baka kaibigan lang din nila o kakilala
pero sa ikinikilos nila ay kitang kita ko na ang sweet ni Tina dun sa lalake.

"walang hiyang babae ito, niloloko lang niya si PJ, ang kapal ng mukha" sa isip isip ko.

Naisip ko silang lapitan para magulat siya kapag nakita nila ako.

"Hello Tina" may pagngisi kong bati sa kanya.

Nagulat din siya, ng makita niya ako

"Akala ko inihatid ka ni PJ pauwi sa inyo" may matalim na tingin habang sinasabi ko ito sa kanya.

"si PJ nauna na siyang umuwi, may lakad nga sana kami ngayon kasama itong honey ko, pero sabi niya may gagawin pa daw siya" sagot ng lalakenga kasama ni Tina.

nagulat ako ng tawagin niyang honey si Tina, di ko napigilan ang sarili ko at itinaas ko ang boses ko.

"Manloloko ka pala eh, two timer" mabagsik na salita ko kay Tina.

"Anong two timer ang sinasabi mo brad, hoy girlfriend ko itong sinasabihan mo ng ganyan kaya magdahan dahan ka ng salita at baka upakan kita" galit na sabi ng lalake.

"Ano ban pinagsasasabi nito Tina" tanong ng lalake kay Tina.

"Huwag mo na yang pansinin, kukwento ko na lang sayo kung ano ikigagalit niyan, tayo na" sabay alis nilang dalawa.

Galit na galit ako kay Tina at talagang gusto ko siyang sipain dahil sa panloloko niya kay PJ, kaya naisipan ko na puntahan si PJ sa bahay nila para sabihin ang nalaman ko, kahit pa alam kong hindi pa kami ganun
nagkakaayos sa naging problema namin dati. pero hindi ko na inisip yun, ang isip ko mailigtas siya sa panloloko ni Tina sa kanya. kaya dali dali akong nagpunta sa kanila, at doon ay nagulat ako ng makita ko na naroon
si Tina at ang boyfriend niya kausap ang lola ni PJ sa labas ng bahay. nakita ko na nagmano pa ito kay Lola habang tuwang tuwa naman si lola na niyakap si Tina.

Itutuloy....

No comments:

Post a Comment

Read More Like This