Pages

Sunday, October 1, 2017

Bukas Sa Pag-Gising Mo (Part 2)

By: Prince Zaire

[“X”(eks)]
I’m Dale Alexander Roxas…
Ako si X….
Ang X ni Z.
OO- ex ako ni Zachary…
Ang kaso lang, di na niya ako maalala.
Tanga rin kasi ako eh, pinakawalan ko siya. At sinisisi ko ang sarili ko kung bakit di na siya maka-alala.
Tumawag ang ate ni Zach na si Ate Zia sa akin, sinabi niyang sunduin ko si Zach sa airport dahil nga daw may nag-tip sa kanya na pauwi na siya. Pinaki-usapan ko lahat ng nakapilang taxi driver dun na kung maaari ay wag isakay yung lalakeng yun at sa akin na siya sasakay. Ang hirap kong kinuha yung chance na yun, kumukuha ako ng tiyempo. Tadhana na rin siguro ang nag-dikta at pinagtagpo kami ulit.
Pagkakita ko palang sa kanya ay di ko na mapigil yung puso ko sa kakatalon nito. Gusto kong yakapin at halikan si Zach pero di ko magawa. Kaya naman naisip ko na sa kung saan niya gustong pumunta ay sasamahan ko siya. Di rin niya marecognize yung sarili niyang kotse. Pina-drive sa akin ng Ate niya ang kotse ni Zach. Naawa ako sa sitwasyon ni Zach. Kundi ko sana siya hiniwalayan noon, ay sana hindi siya ganito. Lumalala na ang kondisyon niya at kinakatakutan ko yung araw na bawat pag-gising niya ay wala na siyang maalala.
Paano kami nagka-kilala ni Zach?
Nagmula ako sa isang mahirap na pamilya sa Tondo, anim kaming magkakapatid at ako ang pang apat. Sa kagustuhan ko noong makatapos ng High School ay kung ano-anong raket na ang pinasukan ko. Ang di ko lang talaga tinangka ay ang magbenta ng katawan. Maraming nagsasabing gwapo raw ako. Sa katunayan ay marami talagang bading ang naa-attract sa akin pero di ko nalang pinapansin. Pinoy na Pinoy ang datingan ko. May tangkad na 5’9 medyo batak ang katawan hindi ng kaka-gym pero dahil sa araw araw na pagbubuhat sa palengke at sa bigasan. Moreno ako at pantay ang kulay ng balat, balbunin at may mga facial hairs.
Nagta-trabaho ako nun bilang boy sa isang kainan sa U-belt at dun nga nag-krus ang landas namin ni Zach. Palagian kung kumain sina Zach sa kainan na pinagta-trabahuan ko. Lagi ko silang napapansin dahil maingay yung grupo nila. Sa barkadahan mapapansin mong si Zach ang natatangi dahil ayos niya palang ay mayaman na. Pero yung ibang kasama niya ay mga common student nalang. Nagtataka nga ako minsan kung bakit sa kainang ganito siya kumakain eh mayaman naman siya at bakit sa mga ordinaryong estudyante siya sumasama. Dalawang babae at tatlong lalake ang barkadahan nila. Yung mga babae niyang kasama ay naririnig ko minsan na nagpapa-cute sa akin, pero pinapabayaan ko nalang. Minsan nga ay niloko rin nila ako.
“Hey waiter” tawag nung isang babae. Lumapit naman ako dito. “Kuya, anong pangalan mo?” tanong nito sa akin.
“Po?”
“Anong name mo?”
“Dale” matipid kong sagot.
“Ah Dale, eto kasing mga paminta friends ko gusto kang i-take out”
“Ha?” pagtataka ko.
Kaya naman tinawanan nila ako.
“By the way, ako si Andi, eto naman si Alain, si Jace”
Ngumiti nalang ako.
“At etong dalawa yung gustong itake out ka – si Yuan and the one & only Zachary Valderama Zamora”

“Hoy haliparot, tama na nahihiya na nga yung tao” saway ni Zach. “Sensya na kuya, di kasi naka-inom ng gamot tong kaibigan ko. Sensya na ulit”
“Ok lang”
Nagtitigan kami at nag-ngitian saka ako umalis na.
Una kong nakilala si Yuan, mas nagkapalagayan kami ng loob dahil nga parehas kami ng katayuan sa buhay. Galing din siya sa payak na pamilya, isa siyang scholar ng isang kumpanya kaya nakakapag-aral siya sa UST. Simple lang siyang tao, totoo at maraming pangarap sa buhay. Alam niya kung saan tutungo.
Naiinggit ako minsan sa kanya dahil nga hindi hadlang yung pagiging mahirap niya para abutin ang pangarap niya sa buhay. Eh ako, kahit anong kayod ng gawin ko ay di ako makakapag-kolehiyo.
“Maniwala ka lang sa sarili mo Dale, kaya mo yan” pahayag ni Yuan.
“Eh hindi naman ako matalino tulad mo, konti lang yung mga bagay na kaya kong gawin”
“Hindi talino ang nagpapayaman sa isang tao. Dedikasyon at pagpupursige Dale”
Simula noon ay mas nagtiwala ako sa sarili ko. Tinutulungan ako ni Yuan na madagdagan ang nalalaman ko.
“Ano bang gusto mo maging?” tanong niya sa akin.
“Pwede bang maging Doktor ang isang katulad ko?” tanong ko sa kanya.
“Oo naman”
“Pero malabo rin, matagal pa yun. Baka mas mauna pa akong mamatay kesa maka-graduate”
“Sira, kung gusto mo ipapakilala kita kay Zach. Scholar ako ng company nila. Naghahanap sila ng mga taong nagpupursige at gustong may marating sa buhay. Abogado ang Tatay nun at Doctor ang Mommy niya. Yung mga kapatid niya kung hindi Abogado ay Doctor din. Si Zach lang yung nag-Business dahil siya yung tagapag-mana ng Peninsulares”
“Peninsulares? Sa kanila yun?” pagtataka ko, tumango lang si Yuan.
“Nakakahiya naman, wag nalang” saad ko.
“Naku, ibahin mo si Zach. Mabait yun, hindi siya intimidating. Mayaman siya pero approachable. Mas gusto niya nakikihalubilo sa masa. Kaya nga siya nasa Student Council eh. May balak atang maging pulitiko yung bestfriend ko na yun”
“Paano mo siya naging bestfriend?” tanong ko.
“Nung 1st year kasi, ako lang yung di nakaka-kilala sa kanya sa klase. Akala ko nun mayabang siya kasi nung nag-introduce isa-isa. Ang pambungad niya – Sino dito ang di pa nakaka-kilala sa akin?”
Nagtawanan ang lahat. Siya naman pacute at nagi-smile dun. Nagtaas ako ng kamay.
“Oooooh, may isang di nakaka-kilala sa akin. By the way, I’m Klein Zachary Valderama Zamora. 16 years old from New Manila, I’m the youngest son of Atty. Augustus Simeon Zamora of the Peninsulares Group”
“Tapos?”
“Edi parang napahiya ako, anak pala siya ng nagpapa-aral sa akin. Tumabi siya sa akin nun. Dahil gusto niya daw akong maging kaibigan. Ayaw daw niya sa mga taong kilala siya at tinitingala siya. Di naman daw siya langit mas gusto niya maging lupa”
“Ayos ah”
“Mas naging close pa kami pag tinutulungan ko siya sa recitation. Tamad kasing magbasa yung loko na yun at makakalimutin si gago. May one time nga nakalimutan niyang mag-underwear”
Nagtawanan kami.
Naalala ko yung 1st time na magtama ang paningin namin. Di ko kinaya, masyadong malakas yung appeal ng mga titig na yun. Para akong sinisilaban.
Mas naging close pa kami ni Yuan. Minsan lumalabas kami para gumala o manood ng sine. Minsan naman inaaya niya ako sa probinsya nila para lumanghap ng sariwang hangin. Taga Bulacan si Yuan at halos every weekend siya kung umuwi.
Sa paglipas ng araw ay parang may nararamdaman na akong iba kay Yuan. Parang higit pa sa kaibigan yung pagtingin ko sa kanya. Lalo siyang guma-gwapo sa aking paningin. Para bang higit pa sa kapatid yung gusto kong mangyari.
Pero nag-iba yung lahat ng yun nang pumasok na si Zach sa buhay ko. Para akong nagayuma. Iba talaga yung tinatawag nilang Z effect. Mag-isa siya noong dumating sa eatery.
“Good evening Sir, ano po order nila?”
Tinitigan niya ako saka ngumiti.
“Nakita mo ba si Yuan?” tanong niya sa akin.
“Po?”
“Diba close kayo, alam mo ba kung nasaan siya?”
Nagkamot nalang ako ng ulo.
“Anong oras out mo?” tanong nito sa akin.
“Sir mga 9 pa po”
“Ok”
“Ano po order niyo Sir?”
“May sisig kayo?”
“Opo”
“Ay wag nalang, patawag nga si Manang Lyn may sasabihin ako”
Nagtaka ako sa tinuran niya. Kaya naman tinawag ko yung boss ko. Nag-usap sila ni Sir Zach. Matapos ang ilang minuto ay lumapit siya sa akin.
“Tara na”
“Po?” pagtataka ko.
“Napa-alam na kita sa boss mo. Tara na”
“Saan po?”
“Birthday ni Yuan ngayon, may hinanda kaming surprise party sa kanya. Tara, sama ka”
“Ahy nakakahiya naman po”
“Wag kang mahiya, tayo-tayo lang andun. At wag kang mag-alala pag ako ang kasama mo di kita papabayaan”
Tumango nalang ako.
“Pero Sir, wala po akong ibang damit”
“Ako nga bahala sayo. Maaga pa naman”
Sumunod nalang ako sa kanya. Pumasok ako sa magara niyang kotse, sobra akong nahihiya nun.
“Are you ok, parang wala ka sa hulog”
“Ok lang po ako Sir, medyo di lang po ako sanay”
“Wag mo nga akong tawaging Sir, sabi ni Yuan dalawang taon lang ang itinanda namin sayo. Dapat tropa tropa lang. Di naman ako Hari no, tao rin ako”
Ngumiti lang ako sa kanya.
“Ayan, mas pumopogi ka pag ngumingiti”
Namula ako sa sinabi niya. Iba yung kabog ng dibdib ko.
Nagtungo kami sa isang magarang hotel. Naka-shorts at tsinelas lang ako nun.
“Sir, papasok po tayo diyan? Baka di po tayo papasukin”
Tinitigan niya lang ako.
“Saglit lang”
Agad siyang naghubad ng pantalon, nagsuot siya ng shorts at sando.
“Sir ano pong ginagawa niyo?”
“Wag kang praning, kala mo naman may balak akong masama sayo” saka siya tumawa.
Bumaba siya na naka-sando, shorts at tsinelas. Nagets ko na ang gusto niyang mangyari. Hawig na ngayon ang suot namin.
Pumasok kami sa loob at lahat ng nakakasalubong namin ay bumabati at yumuyuko sa kanya.
“Sir, bakit po nila tayo pinapasok dito eh ganito lang po ang suot natin”
“Alam mo dude, wala sa suot yan nasa nagdadala. Tignan mo yang suot mo, disente naman kasi gwapo ka at maganda yang katawan mo. Malinis ka rin naman tignan. And I own this place, subukan lang nila tayong sitahin”
Napanganga nalang ako.
Kumpleto yung building na yun. May restaurants sa baba, spa, salon at kung ano ano pang boutique. Dumiretso kami sa isang salon.
“Ui, the Zachary Valderama anong agenda mo today?” bati ng manager ng salon na yun.
“Pagwapuhin mo pa nga lalo tong friend ko”
Tinignan ako ng bakla mula ulo hanggang paa.
“Uhhhm, alam na this. Siya na ba ang bago?” tanong nito.
“Hindi noh, he’s just my friend”
“Friend, friend. Baka bukas pag-gising ko ate, boyfriend na”
“Loka, oh dali na may event pa kami today”
Pinaupo na nga ako dun sa chair at sinimulan na akong gupitan. Kinulayan din yung buhok ko. Pagkatapos nun ay nagmukha akong tao.
“Ang papable mo na Sir, siguradong mapapasagot mo na ang tagapag-mana ng Peninsulares”
Ngumiti lang ako.
Natulala si Zach ng makita niya ako.
“Sir, ayos ka lang po ba?”
“Ha? Ah oo, teka dun na tayo magbihis na tayo dun”
Sinundan ko lang siya. Sumakay kami ng elevator papunta daw dun sa Penthouse ng building. Ang gara ng bawat sulok ng kwarto na iyon, yung sala nila ay halos buong bahay na namin. Inatay ko lang si Zach doon, hanggang sa tinawag na niya ako para magpalit.
“Yan po isusuot ko, nakakahiya po Sir”
“Yan ka nanaman sa Sir, magagalit na ko sayo”
Naghubad na ako sa harapan niya.
“What are you doing?” tanong niya sa akin.
“Magpapalit po”
“Sira, sa harapan ko talaga? Dun ka oh”
Nagkamot nalang ako ng ulo saka pumasok dun sa tinuro niya.
Paglabas ko ay bihis narin siya, kahit anong isuot niya ay bagay sa kanya. Naka white long sleeves siya na bukas yung limang butones bale kita ung magandang chest niya. Pinagmasdan namin ang isat-isa at para bang may namumuong tensiyon sa aming pagitan. Parang gusto ko siyang hubaran at halikan nung mga oras na yun. Kaya tinanggal ko ang tingin ko sa kaniya.
“Tara na Zach”
“Ok” maikli niyang sagot.
May pool area pala dun sa may penthouse pagdating namin dun ay nakapwesto na ang lahat. Maya-maya pa ay pumasok na si Yuan, sabay sabay namin siyang binati ng Happy Birthday. Nagulat siya sa nangyari, umiiyak na siya nun. Andun yung parents niya at yung kapatid niya. Iba talaga tong si Zach. Ang swerte ng mga nagiging kaibigan niya.
Mas lalo pa akong humanga sa kanya, handa siyang bumaba sa lebel mo kung kinakailangan.
Nilapitan ko si Yuan at binati siya ng Happy Birthday.
“Salamat, and who are you?” sagot nito, medyo madilim kasi nun at pumaparty na ang mga tao. Nagkunot ako ng noo.
“Gago si Dale to”
“Hala, tangina totoo? Anong nangyari at nagmukha kang tao?”
Niyakap niya ako. Takang taka parin sa itsura ko.
“Pucha bes ang gwapo mo tonight”
“Eh yung bestfriend mo kasi, ginawa akong tao”
“Seryoso?”
“Oo pinuntahan niya ako dun sa eatery, nagtatanong kung nasan ka daw”
“Iba din tong si Zach ano, ginamit pa niya yung ate niya para utuin ako. Sabi pinapatawag daw yung mga scholar ng Peninsulares. Eh uuwi sana ako sa Bulacan para nga i-celebrate yung Birthday ko, tapos may pakulo pala si kumag”
Nagtawanan lang kami.
“Mga bro, tara sayaw tayo” sigaw ni Zach kaya pinuntahan na namin siya. Tatlo kami doon sa gitna, nahihiya pa ako nung una kahit gustong gusto ko ang tugtog.
“Di ka ba marunong sumayaw?” tanong ni Zach sa akin. Si Yuan naman ang sumagot.
“Naku eme lang yan, dancer yan si gago”
Ngumiti lang ako. Ngumiti din si Zach.
Nagsimula na kaming sumayaw. Si Yuan naman ay dun siya sa mga babae pumunta. Hanggang sa pinaikutan na kami, nasa gitna kami ng bilog ni Zach. Nag-iba yung tugtog, nagulat kami ni Zach. Yung nasa paligid namin may mga partner na. Si Yuan may partner rin na babae at nasa gitna narin sila ng bilog. Ang awkward ng moment na yun, pati si Zach ay di alam ang nangyayari.
“Hoy mga ugok, kayo nalang mag-partner. Ubos na ata babae dito sa event” sigaw ni Yuan.
“No, upo nalang ako” sagot ni Zach.
Hinawakan ko yung kamay niya at hinila siya papalapit sa akin. Nagulat siya sa tinuran ko. Yung kanta ay yung Hero ni Enrique Iglesias.
Nagsimula kaming sumayaw ni Zach, nanginginig siya noon, namumula at parang nahihiya.
“Just do what the song says” tugon ko, tumango nalang siya.
“Would you swear that you’ll always be mine? Would you lie? Would you run & hide? Am I in too deep? Have I lost my mind? I don’t care. You’re here tonight”
Natapos yung kanta, may pagtataka parin sa mukha ni Zach. Naiintindihan ko naman siya. Pero ako parang ang saya saya ko, gusto ko siyang yapusin at ikulong sa mga bisig ko.
Umupo na kami dun, tatlo lang kami nina Yuan sa table. Ako naman nakatingin lang kay Zach. Si Zach naman sa malayo nakatigin. Napansin kong pabaling baling ng tingin si Yuan sa amin.
“Excuse me lang ha, anyare?” tugon nito.
“Ha?” sabay naming sagot ni Zach.
“Ayuuuun”
“Eh yan kasing bestfriend mo eh, bigla akong isinayaw dun. Nakakahiya, talk of the town nanaman to bukas” pahayag ni Zach.
“Sorry” maikli kong tugon.
“Wag kang maniniwala diyan kay Zach, drama niya lang yan. May mas malala pa siyang ginawa, not once but 4 times at alam mo ba….”
Bigla nalang tinakpan ni Zach yung bunganga ni Yuan. Ang cute cute nilang tignan.
“Alam mo…”
“Yuan stop, ano ba”
Tumatawa nalang kami.
“Kaya ikaw Dale, wag ka masyadong nagpapaniwala dito sa Zachary Zamora na to. Gusto niya yung ginawa mo, naku titili yan mamaya”
“Tang ina mo Yuan kung di mo lang birthday ngayon. Bwisit ka”
“Uy namumula siya, gwapo ni Dale noh?”
“Gago ka”
“Ako ba, gwapo rin naman ako ah. Ba’t di mo pa ko sinasagot?”
Nagulat ako sa tinuran ni Yuan. Dahil ba naka-inom siya kaya siya ganun?
“Yan nanaman po si Yuan Yuzon. Putangina bes, gigil mo si ako”
Tumawa lang yung dalawa.
“Alam ko namang friendzone lang. Kaya susuportahan ko nalang si Dale para sayo”
“Pano kung ikaw pala ang gusto?”
Bumaling ang tingin ni Yuan sa akin. “Gusto mo ba ako?”
Di ako makasagot. Umiwas nalang ako ng tingin.
“Nevermind Dale, usap tayo some other time” saka siya tumawa.
Bago matapos ang gabi ay kinausap ako ng Ate ni Zach – si Ate Zia. Mabait siya sa akin at parehas sila ni Zach ng ugali. Hindi siya matapobre. Inalok niya ako ng trabaho sa Foundation nila. Tinanong niya ako kung marunong daw ba akong mag-drive dahil nga nangangailangan sila ng driver. Sabi ko naman OO. Mas malaki ang pasahod dun kung tutuusin. Kaya naman sinabihan niya ako na pumunta sa opisina niya kinabukasan.
Bago ako umalis ay hinanap ko si Zach, mag-isa lang siya dun sa tabi at pinagmamasdan ang city lights. Ang lamig ng hangin at ang ganda ng mga ilaw.
“Zach”
Lumingon siya sa akin.
“Oh, andiyan ka pa pala”
“Gusto ko lang sanang magpa-salamat sayo”
“Para saan?”
“Para sa damit, at sa trabaho”
“Ah yun ba, walang anuman. Dun sa trabaho si Yuan nagsabi nun kay ate at hindi ako. Dale”
“Yes?”
“Bakit mo yun ginawa kanina?”
“Ewan ko din eh, basta sinabi lang ng utak ko”
“Pero close na kayo ni Yuan, nakikita ko kung gaano kayo kasaya pag magkasama kayo. Dinala ka narin niya sa bahay nila sa Bulacan. Ako pinipilit ko siya matagal na pero di niya ako madala dun. May gusto ka ba kay Yuan?”
“Mabait si Yuan”
“So gusto mo nga?”
“Di ko alam”
“Alagaan mo bestfriend ko ha, di ko kasi siya kayang mahalin gaya ng gusto niyang mangyari. Talagang kapatid at kaibigan lang ang turing ko sa kanya. May gusto kasi akong iba kaya lang malabo na ata”
Nakita ko yung lungkot sa kanyang mga mata. Tumitig uli siya sa kawalan.
“Zach”
“Yes?”
“Tong damit mo pala lalabhan ko muna bago ko ibabalik sayo”
Tumawa lang siya. “Sayo na yan noh”
“Mahal kaya tong mga to”
“Ganun rin kita kamahal eh”
Nadulas siya dun.
“Ha?”
“Wala, joke lang. Sige, hatid na kita sa inyo”
“Wag na kaya ko na”
“I insist”
Wala na akong nagawa dahil nga mapilit si Zach.
“Ah Zach, sa Tayuman mo nalang ako ibaba”
“No, ihahatid kita sa bahay niyo”
“Ano kasi eh, delikado yung lugar namin lalo na at may dala kang magarang sasakyan”
“Watch & learn”
Di nalang ako umimik pa.
Pumasok nga kami dun sa lugar namin, at yung mga siga at tambay ay parang umiiwas pa ng makita yung sasakyan ni Zach.
Tumigil siya dun sa bahay nina Chairman. Nakita niya kasi na nasa labas si Chairman at nag-iinuman sila.
“Ninong, gabi na ah mukhang nakakarami na tayo diyan” bati ni Zach.
“Oh inaanak anong ginagawa mo dito, oh kasama mo pala tong anak ni Berto eh”
“Ihahatid ko lang po, sige Ninong”
“Pag may nanloko sayo dito sa Barangay sumbong mo sa akin”
“Si Ninong talaga”
Umalis na nga kami dun.
“Ninong mo pala si Chairman?”
“Oo, dating driver ni Daddy yan. Bata palang ako kilala ko na yan. Siguro nakita narin kita nung bata ako dahil dinadala ako niyan dito sa Tondo nung maliit pa ako. Kaya kilala ako ng mga taga rito. Ayos ba?”
“May balak ka bang tumakbo bilang Mayor ng Manila?”
“Loko, sinong nagsabi sayo niyan si Yuan no. Sinisiraan ata ako ng bestfriend ko sayo ah. Bad shot na pala ako”
“Hindi ah, mabait ka nga daw eh”
“Ganun?”
Tumango lang ako.
Nang makarating kami sa bahay ay kararating din lang nina Nanay at Tatay sa pagtitinda sa bangketa. Si Tatay ay nagtitinda ng balut habang si Nanay naman ay nagbebenta ng mga kung ano-ano.
Bumaba si Zach at nagmano sa mga magulang ko.
“Magandang gabi po” bati nito.
“Tay, Nay – si Zach po pala kaibigan ko”
“Magandang gabi hijo”
“Baka gusto mong magkape muna” alok ni Nanay.
“Nay, nakakahiya po. Isa po siyang Zamora” saway ko.
“Ah gusto ko nga po ng kape Nay. May malapit pong bilihan ng pandesal dito. Kina Kabayan, masarap po dun”
Nagtinginan ang mga magulang ko saka ngumiti, ako naman nagkunot ng noo saka tinignan ng masama si Zach.
“What? Magkakape lang naman ah, tara bili tayo ng pandesal dun”
“Zach gabi na, tapos tignan mo yung suot mo agaw atensyon baka kung mapano ka dito”
“Hay naku, kilala nga ako ng mga tao dito. Kayo lang ata ang hindi”
Naglakad na nga si Zach, wala siyang paki-alam kung makitid ang daanan o kung maputik.
“Oh gising ka pa pala Nanay Tinang”
“Ahy ka-gwapo naman ni Mayor eh”
“Bibili lang po kami ng Pandesal diyan kina kabayan”
Dun na ako humanga kay Zach, sabi ko sa sarili ko ito na ata yung taong mamahalin ko.
Matagal ding nagdaldalan sina Zach at Kabayan bago kami bumalik sa bahay. Pagbalik namin dun ay nakapag-pabulak na ng tubig sina Nanay at handa narin ang kape.
“Pasensya na sa aming barung barung hijo, masikip, mainit. At 3 in 1 lang ang kape namin” paliwanag ni Tatay.
“Ok lang po ako Tay, sanay po ako sa ganito. Sinabak po ako ng Tatay ko sa isang Immersion Camp nung High School ako. Sa Bukidnon po iyon, kasama ko po ay mga katutubo at mga sundalo. Dun ko po naranasan kung paano mamuhay ng payak at paano makisalamuha sa tao. Dahil gusto po ng Tatay ko na matuto ako sa buhay. Nanirahan din po ako dito sa Tondo ng isang buwan noon kasama si Chairman kaya kabisado ko po dito”
“Ah Zach, di ka rin gutom ano” tanong ko sa kanya dahil yung isang pakete ng pandesal eh halos maubos na niya.
“Kaya nga 30 pcs binili ko eh, ang sarap kaya”
Tinawanan namin siya.
“Ang saya ng ganito no, simple lang walang halong pagpa-panggap” tugon nito.
“Hindi rin hijo, sa hirap ng buhay di namin alam kung saan hahagilapin ang pang araw araw namin” sagot ng aking Nanay.
“Ahy Nay baka gusto niyo pong mag-attend ng seminar sa Foundation namin. Tuturuan po kayo dun ng iba pang kaalaman tungkol sa pagnenegosyo. Maari rin po kayong bigyan ng puhunan para makapag-simula kayo ni Tatay ng mas maayos na negosyo”
“Wag na Zach nakakahiya na” sabat ko.
“Ano ba Dale, misyon ko to. Inatasan ako ng Tatay ko na maghanap ng mga tao na pwedeng matulungan ng Peninsulares para umasenso. Yun yung goal ng company, ang makita ang isang pamilyang Filipino na umaangat sa buhay. Dahil naniniwala ang kanunu-nunuhan namin na di mo madadala sa langit ang kayamanan kaya tumulong ka nalang”
Di na ako umimik, napaka-buting tao nitong si Zach. No doubt kung bakit maraming may gusto sa kanya.
“Kaya Nay-Tay, sa Monday po dalo po kayo ng seminar”
“Sige anak” sagot ni Tatay.
Alas tres na ng umuwi si Zach.
“Anak, swerte ka dun sa kaibigan mo na yun. Ang bait at walang arte sa katawan. Magaan ang loob ko sa batang yun kaya wag mong gagaguhin. Wag mong samantalahin yung kabaitan niya” paalala ni Nanay sa akin.
Tumango lang ako.
Kinabukasan ay nagkita kami ni Yuan, andami naming napag-usapan. Napag-usapan narin namin yung tungkol kay Zach.
“Dale, sino ba ang gusto mo. Si Zach ba o ako?”
Nabigla ako sa tanong niya.
“Kasi alam ko sa sarili ko noon pa, gusto ko si Zach. Nagtapat na ako sa kanya nun pero sabi niya kapatid lang ang turing niya sa akin. Na bestfriend niya lang talaga ako. Ikaw ba?”
“Yuan”
Natitigan kami, noon parang may nararamdaman ako kay Yuan pero nag-iba lahat ng yun nang makilala ko na si Zach.
“Parang gusto ko narin si Zach. Para akong nagayuma”
Ngumiti si Yuan sa akin pero yung mga mata niya ay may halong lungkot.
“That’s the Z effect” tugon nito.
“Pero paano?”
“Anong paano? Edi ligawan mo”
“Nakakahiya”
“Just try”
“Paano ka?”
“Pag masaya ang dalawang bestfriend ko, magiging masaya narin ako. Yun ang totoong pagmamahal.”
Niyakap ko nalang si Yuan.
Antagal kong pinag-isipan kung anong gagawin kong approach kay Zach. Nagsimula na akong magtrabaho nun kina Mam Zia. Nee-enjoy ko ang trabaho ko at marami akong natututunan. Bukod sa pagiging driver ay tumutulong din ako sa pagi-inventory ng mga materyales sa kooperatiba.
Ang down side nga lang, di ko na nakikita si Zach. Every weekends narin kami magkita ni Yuan.
Hanggang sa isang araw, bumisita si Zach doon. Mas lalo pa siyang gumwapo. Naka pink siyang long sleeves nun, at naka shades. Nakatanga lang ako nun hawak hawak ang isang kahon na puno ng papel. Minamasdan ko ang paglapit niya sa akin.
“Musta?” bati nito, di ako sumagot tinititigan ko lang siya. “Hoy, ayos ka lang ba?”
“Ah opo Sir” sagot ko.
“Anong Sir di mo ako guro. Dale talaga oo”
“Sorry na, anong ginagawa mo dito?”
“Binibisita ka, namiss kita eh. Gutom na ko, tara samahan mo akong kumain”
“May gagawin pa ako mamaya pa yung lunch break”
Luminga-linga siya at nakita niya yung boss ko.
“Madam Glo, sama ko muna tong poging empleyado niyo ha. Kakain lang kami” sigaw nito.
“Sige Sir” sagot naman ni Mam Glo.
“Ayos na ba?” tanong nito saka ngingiti-ngiti.
Tumango nalang ako saka sumunod sa kanya.
Sumakay ako sa sasakyan niya.
“Gusto mo ako nalang mag-drive” alok ko, tinitigan naman niya ako.
“Hindi ayos lang ako”
“Nakakahiya kasi, parang ginagawa ko nang driver yung boss ko”
“Di mo ako boss, kaibigan mo ko”
Nginitian ko lang siya.
Tumungo kami sa isang mamahaling restaurant, may reservation pala siya dun.
“Diyan tayo kakain?”
“Oo”
“Di ako bagay diyan”
Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. “You look perfect to my eyes, it’s the only thing that matters”
“Hindi niyo naman pag-aari to noh” tanong ko.
“Nope”
Pagpasok namin nakita ko yung tatak ng Peninsulares.
“Sinungaling ka Zach, sa inyo to”
“Di nga”
“Eh ano yun” sabay turo dun sa emblem.
“Ah yan ba, kay Tito Gab to o ano masaya ka na. Tara na gutom na ako”
Umupo na nga kami doon, nag-order na siya. Pagkita ko palang sa menu ay nalulula na ako sa mga presyo.
“Umorder ka lang ng gusto mo wag yung price ang tignan mo” tugon niya. Napalunok ako.
“Ikaw nalang bahala”
Tinitigan niya ako ng masama at alam kong nainis siya.
“Eto nalang sa akin” sabay turo ko dun sa isda.
“Yan lang?” tanong niya.
Tumango nalang ako.
Tinawag na nga niya yung waiter.
“I’ll take Chef Robbie’s set for the day, I’ll have this one also plus the usual wine I’m taking”
“Anything else Sir?” tanong ng waiter.
“Ikaw may gusto ka pa ba?” tanong ni Zach.
“Ikaw” sagot ko. Natigilan kami ng ilang minuto yung waiter nag-aantay narin. “Ikaw na bahala”
Umirap siya sa akin. “That’s all Kian”
Umalis na nga yung waiter.
Marami kaming napag-kwentuhan bago dumating yung main course. Sa tanang buhay ko noon lang ako naka-tikim ng ganun lalo na yung wine. Matapos naming kumain ay nagsabi si Zach na may pupuntahan daw kami.
“Zach, may trabaho pa ako”
“Pina-alam na kita kay Ate, sabi ko hihiramin kita dahil kailangan ko ng driver”
Napanganga nalang ako. “Gusto kitang masolo for a day”
“Edi akong mag-drive, pina-alam mo pala ako na ipagda-drive kita”
“You’re driving me crazy already”
“Ha?”
“Wala, oh sige ikaw mag-drive. Sa Antipolo tayo”
“Seryoso ka?”
“Yep”
Ako nga yung nag-drive ng kotse niya at nagtungo kami sa Antipolo. Nagpatugtog siya, alam kong bored siya. Dahil kung ano anong binubutingting niya sa kotse. Tinataas baba niya yung bintana, yung grill ng aircon pati seatbelt niya ay nilalaro niya.
“Bored na bored ka ah”
“Hmmmmmft, kwento ka naman kasi”
“Anong iku-kwento ko eh wala namang maganda sa life story ko”
“Bakit pag kay Yuan ang dami mong kwento. Ayaw mo ba ako kasama?”
“Di naman sa ganun, nakaka-intimidate ka lang kasi syempre isa kang Zamora. Isa kang maharlika”
“I hate you” saka siya umirap sa hangin, tinawanan ko lang siya.
Medyo hapon na ng makarating kami dun sa pupuntahan namin, isa iyung bakanteng lote parang nasa may mataas na lugar at kita mo ang syudad.
“Ang ganda naman dito” tugon ko.
“Dito ko itatayo ang bahay ko kasama ng magiging asawa ko”
“Naks naman”
“I’ve been eyeing this lot for a long time. And when my agent saw it na it’s already on sale, binili ko agad”
“Ang sariwa ng hangin dito” komento ko.
“Dale”
“Uhmmmn”
“Pwede bang ikaw nalang yun?”
“Ang alin?” pagtataka ko.
“Ang kasama ko sa bahay na itatayo ko dito. Dale gusto kita, and I want you to be my boyfriend and my partner for life. I’m asking your permission – pwede ba kitang ligawan?”
Nabigla ako sa sinabi niya, ako dapat nagsasabi nun sa kanya. Parang umurong yung dila ko, di ko masabi yung dapat na sagot ko sa kanya.
“I’ll prove myself to you, just give me the chance to do so”
Natulala lang ako dun at kita ko yung lungkot sa mata ni Zach.
“Mukhang nabigla kita, I’ll give you enough time to decide. Sige, uwi na tayo”
Ang tahimik namin sa buong biyahe na yun, ewan ko ba kung bakit di ko masabi na gusto ko rin siya. Parang naduwag ako, nangibabaw yung insecurities ko at yung marami kong bakit.
Kinabukasan nag meet kami ni Yuan at sinabi ko yung pagtatapat ni Zach.
“Finally!” tugon niya.
“Eh ba’t parang masaya ka pa?”
“He consulted me a week ago, sabi nga niya gusto ka daw niya. Sabi ko you’re a good guy kaya kung gusto mo si Dale wag mo nang antayin na siya yung manligaw, ikaw nalang gumawa utos ko. At ang gwapo mo ha, isang Zachary Zamora ang nanliligaw sa iyo. Never yang nanliligaw, lahat ng naging girlfriends niyan siya ang niligawan. Gwapo ni Dale Roxas oh tangina”
“Nag-aalangan ako”
“Yan ka nanaman eh, lalake ka ba talaga?”
“Malamang, pero bakit ako nagkaka-gusto sa lalake din. Bakla ba ako?”
“Let’s not label anything, hay naku Dale duwag ka na torpe ka pa. Kung siguro ako lang yung gusto ni Zach naku aalukin ko na siya ng kasal”
“Sira”
Nagtawanan kaming dalawa.
“Pero seryoso Dale, hayaan mo lang si Zach. Pag nagmahal yan iba, kaya maswerte ka”
“Paano kong di ko mapantayan yung pagmamahal niya”
Binatukan niya ako “Aray”
“Yan ka nanaman eh, kakasabi ko lang. Hayaan mo muna ang pagkakataon tapos magtatanong ka kung paano. Gigil mo si ako, namo ka”
Nagbuntong hininga nalang ako.
Isang buwan bago naging kami ni Zach, hulog na hulog na ako sa kanya nun. Madalas kaming mag out of town nun, kung saan saan kami nakakarating. At hindi siya nahihiyang hawakan ang aking kamay o ipadama kung gaano siya ka-sweet kahit pa pagtinginan kami.
“Bhie, nasa public tayo”
“Eh hayaan mo sila”
Ang saya ng mga araw na yun, parang mas nagkaroon ng direksyon ang buhay ko. Marami kaming tampuhan o mga bangayan pero nagbabati kami agad. Nung 1st monthsary namin ay ipinakilala niya ako sa family niya bilang boyfriend niya. Nagulat ang lahat, di nila inaasahan yun mula kay Zach. Si Ate Zia lang ang naka-intindi dahil siya yung pinaka-close kay Zach. Dun ko na na-feel yung insecurities na kinakatakutan ko. Marami akong nadidinig na mga usap-usapan sa labas, sa opisina at kung saan man ako mapunta. Na kesyo pera lang daw ang habol ko kay Zach. Di ko man lang maipagtanggol ang sarili ko sa kanila dahil nga wala naman akong maipagmamayabang. Crew lang ako dati sa isang kainan, kargador sa palengke, driver ng kapatid ng boyfriend ko. Sino ba ako?
Tinuloy ko parin ang relasyon ko kay Zach, sinubukan kong isara ang aking mga tenga. Mas naging madalas yung pag-aaway namin lalo na pag binabanggit ko yung estado naming dalawa. Pag sinasabi ko na sa kanya ang tingin ng madla sa relasyong meron kami.
“Tutol sa akin ang pamilya mo” tugon ko.
“So?”
“Zach, bad shot na ko. Ayaw nila ako para sayo, isa kang maharlika Zach at ako ano ako – basahan lang”
“I hate you for saying that, ba’t ba ang baba ng tingin mo sa sarili mo? Mahal kita at sapat na yun, I have my own life and I should decide on my own. Ipaglalaban kita sa pamilya ko kaya pwede, maniwala ka naman sa akin. Pwede samahan mo ako sa labang ito?”
Tumango nalang ako. “Sorry” niyakap ko siya at hinalikan sa batok niya.
“Fuck may kiliti ako diyan gago”
Humarap siya sa akin at hinawakan ang aking pisngi. Siniil niya ako ng halik. Nag-aalab ang bawat pagdampi ng labi at hagod ng dila. Kung saan-saan napupunta ang aming mga kamay. Isa-isang nagsisi-tanggalan ang aming mga saplot hanggang sa pareho na kaming hubot-hubad.
Inumpisahan ko siyang halikan sa kanyang leeg pababa sa kanyang mga utong. Panay halinghing si Zach at di na mapakali ang kanyang ulo – di alam kung saan papaling. Pati kili-kili niya ay di ko pinalampas. Bumaba ako sa abs niya at isa-isa ko itong dinilaan. Hawak hawak niya ang ari ko at dahan-dahan niyang tinataas baba.
Hinalikan ko ulit siya at ngayon naman ay pumatong siya sa akin. Hinalikan niya ako sa leeg at nag-iwan pa dun ng marka.
“Akin ka lang Dale”
“Sayo lang ako ng buong-buo Zach”
Pinaglaruan ng malikot niyang dila ang aking mga utong, salitan niya itong nilalaro habang nililikot ng mga kamay niya ang aking itlog.
“Zach, tangina sarap” di ko mapigilan na di umungol sa sarap na dulot ni Zach. Ang swerte ko talaga, isang gwapo, mayaman at mabait na lalake ang naging boyfriend ko. Hindi ako magsasawang pagmasdan ang kahubdan niya. He’s too perfect, he’s too hot.
Bumaba na siya sa naglalawang alaga ko, isinubo na niya ito kaya naman napasigaw ako sa sarap.
“Shit Zach tangina, suck that”
Patuloy lang siya sa pagtaas baba, parang pinipiga niya ang kahabaan ko. Umiba kami ng pwesto, siya yung nasa taas parin. Pinaglaruan ko ang butas niya at inihahanda ko sa naka-ambang pagpasok ng aking sandata. Napuno na ng ungol ang buong kwarto na yun.
“Bhie, ready ka na?” tanong ko sa kanya.
“Always” sagot naman nito saka tumawa. Inabot niya sa akin ang lube, siya na mismo naglagay sa pag-aari ko. Nilaro laro niya muna ito. Inihiga ko siya at pinaghiwalay ang hita niya para mas swabe ang pasok ko. Itinutok ko na sa bukana niya ang aking sandata. Dahan-dahan ko itong sinilid.
“Dale, aaaaaaah slowly please”
Sinunod ko nga siya, ito kasi ang 1st time penetration thingy namin.
Kalahati na ang pumapasok at nakikita ko sa facial expression ni Zach na nasasaktan siya.
“Dale, sagad mo na”
Isang ulos, pasok lahat. Isang mahaba at malakas na “Aaaah” ang narinig ko kay Zach. Dahan dahan na akong umabante, nakapag-adjust narin si Zach. Bumilis na ako ng bumilis, hanggang sa naka-ilang pwesto kami.
“Bhie, malapit na ako tangina sarap bilisan mo pa” tugon ni Zach. Naka-doggie kami nun, ako kapit na kapit sa shoulder blades niya. Gigil na gigil akong pasukin siya.
“Malapit narin ako” sagot ko. Mas lalo ko pang binilisan hanggang sa sabay kaming labasan.
Hingal na hingal kami ni Zach, nag-laplapan pa kami bago kami dinalaw ng antok. At pag-gising namin kinaumagahan ay umisa nanaman kaming round.
Nung anniversary namin, nagpunta kami ni Zach sa Bohol. Dun kami nag-celebrate. Dun niya ko tinanong kung anong gusto ko maging, dahil aalalayan niya daw ako hanggang sa marating ko ang pangarap kong iyon. Ako daw ang pinakamagandang investment niya, kahit wala daw ROI mahalin ko lang siya hanggang sa tumitibok pa ang puso namin sapat na yun sa kanya. Andami naming gustong gawin, andami naming gustong puntahan at abutin.
“Gusto ko ikaw parin kasama ko hanggang sa pagtanda” saad ni Zach.
“Asahan mo, mamahalin kita hanggang kaya pang tumibok nitong puso ko”
Hinalikan niya ako.
Dun din namin naisipan na magpatattoo. Nagpatattoo kami ng heartbeat symbol. Sa likod namin nilagay, yung kanya may pangalan ko. Yung akin naman eh date nung naging kami. 
Akala ko nun ganun na kadali yung buhay, akala ko nun na sapat na yun na mahal namin ang isat-isa. Pero dumating yung point na kinausap na ako ng Mommy at Daddy ni Zach.
Dahil daw sa akin kung bakit ayaw mag MBA ni Zach sa abroad. Sabi nila sa akin wag ko naman daw ikulong ang anak nila sa mundo ko. Hayaan ko naman daw siyang lumago. Dun ko na naramdaman na hindi ako deserving. Kasi sabi ng Daddy niya, kailangan ko daw may mapatunayan at marating bago ko makuha ang kamay ng anak nila.
I confronted Zach that time.
“Ba’t mo tinanggihan yung MBA mo sa Harvard?”
“Paano mo nalaman?”
“Di na yun importante, bakit mo tinanggihan?”
“I don’t need it, I can do it whenever I want I’m still young. And besides ayoko malayo sayo”
“Diba pangarap mo yun?”
“Ikaw ang pangarap ko, kasama ka dun Dale. I still have plenty of time to do it. I just want to build ours, I want to spend more time with you. At pag kinasal na tayo, dun na tayo sa states maninirahan and pwede na akong mag MBA”
“Zach, your Dad needs you to man the company”
“No! He has better options”
“Pero”
“Hay naku halika nga dito at nang makurot ko yang singit mo, ikaw nga sapat na. Hayaan mo yung pamilya ko. Malaki na ako and I can do whatever I want Dale, this is my life”
“Bunso problems”
Niyakap niya lang ako at hinalikan, parang nawala na lahat ng pag-aalinlangan ko.
Pilit na sinusubok ang relasyon namin, pilit naman akong kumakapit. Hanggang di ko narin kinaya dahil sobra akong nanliliit sa sarili ko lalo na nung Birthday Party ni Zach. Lahat ng nandun mga elitista at malalaking pangalan sa pulitika at mga tycoons. Buti nalang andun si Yuan. Pinapakilala ako ni Zach bilang partner sa mga kaibigan niya. At pag tinatanong ako kung anong trabaho ko ay wala akong matinong maisagot. Di ko man lang maipagmalaki sa kanila na driver ako ng foundation nila. Dinadasal ko na bumuka ang lupa at kainin nalang ako dun. Naglasing ako that time, pinapamukha ng ng madla na di ako deserving maging boyfriend ni Zach. Ang pinakamasakit na narinig ko nung gabing iyon ay kesyo call boy daw ako o di kayay professional social climber.
Napansin ni Yuan na iba yung timpla ko nung gabing iyon.
“Ui Dale, nakaka-ilang baso ka na ah lasing ka na” pag-aawat nito, umiling lang ako sa kanya.
“Gusto mo na bang umuwi?”
“Ayos lang ako” sagot ko.
“You’re not ok, kilala kita”
“Just enjoy yourself Yuan”
“No, I’ll stay here with you”
Lumabas kami ni Yuan para lumanghap ng sariwang hangin. Gumaan na din ang pakiramdam ko ng maisuka ko na lahat.
I don’t want to ruin Zach’s party pero di ko na talaga kaya. Ilang ulit na nilang inaapak-apakan ang aking pagkatao. Ilang ulit na nilang nilalait kung sino ako. Ang pinakamahirap sa lahat eh yung natitirang self confidence ko eh mawawala pa. Ang hirap ibuild nun, pero gaganunin lang nila. [Segue: Hi Bobbyloves, if you’re reading this, kindly cooperate. Hahaha. Most of your readers here are asking me on how to get in touch with you. May hinahanda ata silang party or meet & greet, pero di ka nila mahagilap. Haha. They miss you so much that even in my email & wattpad inbox they’re asking me about you. Some even asked me to do a shoutout for you – kaya eto, I’m doing it. Asan na daw update mo, gusto na daw nilang magbasa ng Bobbylove stories. Kung ano nang nangyari kina Mars & Chard – they want to know the end of the story. Some even speak in Bisaya and di ko maintindihan parang minumura ata nila ako lol. But anyways for the sake of KM Nation and your thousands of fans out there I’m doing this segue shoutout at sana umubra. Kay Sir Kier & JS, KM Nation is also waiting for you bigtime. Get in touch with me in wattpad - @PrinceZaire”
December na nun katatapos lang ng pasko, matagal ko na din pinag-isipan tong gagawin ko. Pero buo na talaga ang pasya ko. Hihiwalayan ko na si Zach.
Nagkita kami nun sa isang lugar sa Katipunan. At dun ko na sinabi sa kanya.
“Zach, I don’t deserve you. I will never be deserving for your love. I’ve been hindering you in fullfiling your dreams. Di narin kinakaya ng puso ko, Zach I’m breaking up with you”
Nakita ko yung pag-agos ng luha niya. Nabasa ko sa mga mata niya yung maraming bakit. “Why are you doing this to me now? Why?”
“Zach, hindi ako ang lalakeng makakapagpa-saya sayo. Di tayo bagay, dahil langit ka at lupa ako. Zach you’ve been good to me and my family at ayokong abusuhin ang kabaitan mo. Ayokong sabihin ng tao na nakadepende kami sayo. Gusto ko naman na ako mismo aabot sa pangarap ko”
“No please wag mong gawin sa akin to, mahal na mahal kita Dale. Alam mo yan. Alam mo ang kaya kong isacrifice para sayo. I can give up everything, even my surname wag ka lang mawala. Please no” niyakap niya ako, humahagulgol na siya.
Tinanggal ko ang pagkakayakap niya. Hinawakan ko ang kanyang pisngi, tinitigan ko ang kanyang mga mata, pinunasan ko ang kanyang mga luha na ako ang dahilan. At sa huling pagkakataon, hinalikan ko siya.
“Zach, mahal kita. Pero hindi ito yung tamang panahon para maging akin ka. Hahanapin ko ang sarili ko, pagbubutihin ko ang sarili ko. Para pag dumating na yung panahon na handa na ako at deserving na ako sa love na inaalay mo. Pakakasalan kita kahit saang bansa mo gusto”
“No, no please. Diba may mga plans na tayo. Please naman oh, wag mo naman akong iwan di ko kakayanin Dale ikaw na yung buhay ko”
Iniwan ko siya dun.
“Dale, mahal kita” sigaw niya pero patuloy lang ako sa paglalakad.
Kasama ko si Yuan sa pagmo-move on. Sinasamahan niya ako pag nag-aaya ako ng inuman. Nasa apartment niya kami nun, andami na naming nainom. Lasing narin si Yuan, bigla ko nalang nakita si Zach sa kanya. Kaya naman bigla ko siyang hinalikan.
“Dale ano ba” pagpupumiglas niya.
“Ssssssh, just this one. Just tonight” I grip his wrist tight, nilock ko siya sa akin.
“No please no”
Hinubaran ko siya at isinandal sa pader. Hubot hubad kaming dalawa ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya. Nakita ko dun si Zach, umiiyak.
Bigla akong sinuntok ni Yuan. “This is all your plan”
Biglang tumakbo si Zach. Nagbihis si Yuan kahit pupungas-pungas at sinundan si Zach.
Narinig ko nalang ang pag-andar ng motor ni Yuan.
Sising sisi ako sa ginawa ko, yun lang ang naisip kong solusyon para tuluyan akong kamuhian ni Zach. Sinira ko ang pagkaka-ibigan nila, pinagmukha kong masama si Yuan. Ginamit ko si Yuan para lang layuan ako si Zach.
Mas naguilty pa ako nang malaman kong nasa ospital na si Yuan dahil naaksidente siya. Puma-ilalim siya sa isang delivery van at napuruhan ang kanyang mata dahil sa mga nagkalat na bubog. Sising-sisi ako ng mga oras na yun, sinisisi ko ang sarili ko sa lahat ng nangyari dahil pinairal ko ang pride ko.
Nabulag nga si Yuan at simula noon ay nabuhay na siya sa dilim. Yung inaasahan ng pamilya niya ay andun na at di makakita. Parang pinutol ko ang matatayog na pangarap ni Yuan. Gusto ko nang mamatay noon, gusto ko nang kitilin ang sarili kong buhay. Pero nung nakita ko sina Nanay at Tatay pati ang aking mga kapatid. Dun ko napagtanto na simulan nang hanapin at baguhin ang aking sarili. Para maging deserving na ako kahit kanino.
New Years Eve nun, wala talaga kaming balak mag-handa. Alas otso na nun, nasa taas ako ng bahay at pinapanood ang mga nagliliparang kwitis. Ang ingay na ng paligid, maraming nagvi-videoke at nag-iinuman. Maya-maya pa ay tinawag ako ng kapatid ko.
“Kuya Dale, Kuya Dale andito si Kuya Zach”
Bumaba nga ako, nakita ko andun si Zach.
“Hi!”
Wala akong isinagot ni di man lang ako ngumiti.
“Inihatid ko lang to, aalis narin ako”
Tumango lang ako. Pansin ko yung mugto ng mata ni Zach at yung pagpayat niya. Halata ding wala siya sa hulog.
“Sige, mauna na ako. Happy New Year”
Umalis na nga siya, ang gago ko lang di ko man lang hinatid sa labas. Patuloy parin ang putukan. Hanggang sa makarinig na nga kami ng mga nagsisigawan at nagtatakbuhan.
“Yung anak ni Attorney natamaan ng ligaw na bala” yan yun narinig ko sa aming kapitbahay. Nakiusisa narin ako, at nakita ko ngang nakabulagta na si Zach doon sa kanto. Dali-dali ko siyang pinuntahan, sa ulo yung tama niya. Andami nang dugo ang nawala. Binuhat namin si Zach patungo sa sasakyan niya. Kasama ko si Chairman at yung kumpare niyang pulis. Matulin kong pinatakbo ang sasakyan patungo sa malapit na ospital.
“Zach kapit lang, andito ako. Zach please”
Nilipat si Zach sa St. Lukes at dun siya inorserbahan. Nagpasiya silang ilipad si Zach sa ibang bansa para dun tanggalin ang bala. Dahil daw mas makabago ang teknolohiya dun. Simula noon wala na akong naging balita sa kanya. Simula noon di ko na siya nakita.
Nangibang bansa ako upang makipagsapalaran. Nagtrabaho ako sa Saudi ng dalawang taon. Lumipat ako ng Australia ng makakita ako ng mas magandang oportunidad. Nakabili na ako ng bahay namin, sinusuportahan ko din ang pamilya ni Yuan at kahit papano ay may negosyo narin ang pamilya niya na isang poultry at palaisdaan. Nang alam kong may sapat na ipon na ako, umuwi ako sa Pilipinas para dito nalang magtrabaho. May sasakyan narin ako at ilang condo na pinapa-upahan. Malapit na akong mag-trenta pero naisipan kong bumalik sa pag-aaral at tapusin ang kursong Mechanical Engineering.
Hanggang sa isang araw, may tumawag sa akin. Napag-alaman kong si Ate Zia yun. Lubos na nagalak ang aking puso at kaluluwa ng malaman kong uuwi si Zach at ako ang susundo sa kanya sa airport. Di ko pa alam ang lahat noon. Sabi lang sa akin ni Ate Zia, na hindi na siya yung dating Zach na kilala ko.
Nag-antay ako dun ng matagal, pinaki-usapan ko lahat ng taxi driver na andun na wag isasakay si Zach. Hanggang sa parang narinig ko yung instinct ko na sumigaw “Dale, it’s time”
Yun na nga, pinaandar ko na yung kotse.
Nang nasa tapat na niya ako, parang matutunaw ako. Siya parin yung Zach na minahal ko. Siya yung Zach na nakatatak sa puso ko. Siya at siya parin.
“Sir, saan po kayo?” tanong ko
“Sir, sakay na” dagdag ko.
“Namamasada ka talaga? Eh ba’t parang di naman taxi tong hawak mo?”
“Private car, Uber Sir”
“Uber? Eh di naman ako gumamit ng app ah, sa susunod na sasakyan nalang ako”
“Zach”
“Excuse me, kilala mo ako?”
“Ah hindi, sabi ko Zach-kay ka na po”
Napilit ko rin siya. Anong nangyari? Ba’t di niya ako kilala.
Naka-receive ako ng text mula kay Ate Zia.
“Dale, wag mong aalisin sa paningin mo yang kapatid ko na yan. Mabilis na yang makalimot, he’s having difficulty in recalling things or remembering it. He can’t recall any memories before the operation kaya di ka rin niya kilala. Kinakatakot ko lang na baka biglang umatake yung sakit niya o bigla nalang siyang mablanko at di alam ang gagawin”
Unti-unting tumulo ang luha ko nang mabasa ko ang message na yun. Kaya naman sinamahan ko siya kung saan niya gusto. Kasalanan ko kung bakit siya naging ganito.
“Zach, eto ako si Dale. Deserving na ako na mahalin ka” bulong ko.
Nanlumo ako nang pag-gising niya ay di nanaman niya ako kilala. Natatakot akong makatulog siya baka di na siya magising pa. Natatakot ako na makalimutan nanaman niya ako. Pero sabi ko sa sarili ko, araw araw ko nalang ipapaalala sa kanya kung sino ako at kung anong nangyari. Tiya-tiyagain ko yun. Dahil noon, ngayon at kailanman- siya yung Klein Zachary, siya yung Z na minahal ng gagong X na to.
Itutuloy…
A/N: Hi KM Nation, so here’s the 2nd part of Bukas sa pag-gising mo. Sana nagustuhan ninyo. Don’t forget to hit recommend and please leave a comment (kung gusto niyo lang naman) so that I may know your insights. I updated A Beautiful Redemption pero hindi siya click dito, so I decided not to continue the updates since mahina ang reception & number of comments. Isang part nalang ng Bukas sa pag-gising mo and then were done. Thank you for the love and all the comments. So till next time KM Nation.
P.S: Special shoutout to Chan & Patrick, I love you both alam niyo yan. Muaaaah. Hahahaha Di ko alam na nagbabasa kayo dito, see you the soonest.
To Kurug, Raleigh, Ryan, Bob and Baby Hiro at sa mga avid readers & commentators ni Zaire, thank you big time. Keep KM nation fiery & seductive. Ciao!!!

No comments:

Post a Comment

Read More Like This