Pages

Thursday, October 5, 2017

Because I Love You (Part 1)

By:Confused Teacher

Hi KM Readers, I just want to grab this opportunity to express my gratitude sa pag appreciate ninyo sa stories ko especially don sa Tales of Confused Teacher at Ang Tangi Kong Inaasam. While under construction pa yung Book 2 non, sana basahin ninyo rin tong new story na ginawa ko.  Actually, matagal na tong story nato nauna ko pa itong inumpisahan sa Ang Tangi Kong Inaasam. 2 parts lamang naman ito. Perhaps this will be my last story in the meantime pagkatapos ng Book 2 nong dalawa. Recharge muna medyo na drain na yata utak ko. Thank you again and enjoy reading.

    “E  ano bang problema mo kung dito ako dumaan.” Tanong niya na halatang napipikon na sa akin. “Kanina ka pa dakdak nang dakdak diyan.”

    “Wala akong problema, tinatanong lamang kita bakit dito tayo dumaan pwede naman doon sa dati nating dinadaanan, wala naman akong nabalita na may news advisory na bawal dumaan doon.” Pagalit ko ring sagot sa kanya.

    “At wala rin namang masasayang kahit isang patak na gasoline o kahit isang minuto hindi ka male-late sa appointment mo, kaya wala akong dapat ipaliwanag sa iyo.” Matapang niyang sagot sa akin. Pikun na pikon ako pero ayokong magpakita na talo sa asaran ng bwisit na driver na ito. Tama ang nabasa ninyo driver ko ang antipatikong ito.

    “Baka nakakalimutan mo hoy Mr. Sta. Catalina, driver lamang kita at karapatan kong tanungin ka anumang oras gusto kong magtanong.”  At idiniin ko ang salitang driver para masaktan siya.

    “Driving for you is just part of my job.  And for your information Mr. Carlos, SIR! based on my appointment letter I am personal assistant to the son of the Great Mr Carlos, CEO of Carlos Group of Companies, in short PA.” ang pagyayabang niya, ubod talaga ng yabang ng hayup na Tyrone na ito.

    “Pumapapel na alalay o pang asar…” pagbabara ko para kahit papaano ay mabawasan ang kayabangan ng anak ng demonyo.

    “At least ako may work, e ikaw, hanggang ngayon asa ka pa rin sa mga magulang mo.  Mr. Darryl Carlos, 22,  graduate of Bachelor of Sciencce in Industrial Technology experience, 2 months in Tolentino Shipping Lines, one month in….” tumatawa siya habang nagsasalita at lumilingon pa sa akin, hindi pa niya natatapos ang sasabihin.

    “Tama na, iyang pagmamaneho mo asikasuhin mo, huwag mo akong tingnan at hindi ako natatawa sa iyo, ang yabang mo! oo ikaw na ang magaling, oo nga naman ikaw lamang naman ang Suma cum Laude. Hambog!” nanggigigil talaga ako kung pwede lamang manapak.
 Totoo naman iyon matalino talaga siya kaya nga siya ginawang scholar ng Papa dahil matalino siya.  At pagkapasa niya sa Board Exam kinuha agad siya ni Papa  bilang Junior Accountant. Wala akong maisagot sa kanya, dahil totoo ang sinasabi niya.  Pangalawa ako sa tatlong magkakapatid.   Ang Kuya ko Magna cum Laude ng mag graduate at tapos na ng Masteral Degree, siya rin ang youngest member ng Board of Directors ng company ni Papa.  Si Vince ang bunso namin 3rd year engineering at apple of the eyes ng pamilya mula 1st year Dean’s Lister at napakarami ng academic awards ang natanggap.  Naka graduate naman ako ng college ng walang bagsak iyon nga lamang talagang pahirapan ang pagpasa.  Isa pa ay hindi ko naman alam na napakahirap palang ihanap ng trabaho ang course ko, kaya bagamat maraming connection si Papa nahihirapan ako pag nakapasok na dahil wala akong idea sa kanilang trabaho kaya bago pa ako matanggal ay inuunahan ko na ng resign.  In less than 2 years naka apat na resign na ako at gaya ng sinabi ng antipatikong na driver ko ay wala akong trabaho at nakaasa sa magulang kaya kahit isinusumpa ko ang pagmumukha ng hayop na ito wala akong magawa dahil una ay hindi ipagagamit sa akin ni Papa ang kotse pangalawa ay hindi niya ako bibigyan ng allowance para pamasahe kaya mahihirapan akong lumabas ng bahay. Ilang driver na rin ang ibinigay sa akin ni Papa pero pinakamatagal na ang isang buwan dahil hindi raw tumagal sa ugali ko. Talaga namang inaaway ko lamang sila para magresign pero hindi pa rin sumuko si Papa, dahil alam niyang bata pa kami ay talo na ako sa asaran ng bwisit na ito, siya ang ginawang driver ko hindi ko rin naman maintindihan bakit sa ganda ng posisyon niya sa main office ay pumayag ang gunggong na maging Personal Assistant ko raw.  Dahil dito wala akong magagawa kundi tanggapin ang aking sumpa na makasama araw-araw ang pinaka masamang tao sa balat ng lupa.

    Siya si Tyrone Sta Catalina, 7 weeks na kaming araw-araw nag-aaway dahil siya ang aking personal driver. Apo siya ng dating katiwala ng mga parents ni Papa sa province.  Pinagkakatiwalaan sila kaya nang pumanaw ang lolo ni Tyrone ang tatay naman niya ang nagmana ng kanyang posisyon. Masyadong malapit sa pamilya namin ang mag-ama ni Tyrone at hindi sila itinuturing ni Papa na ibang tao.  Mabait si Tatay Mario pero nakapagtatakang demonyo ang naging anak niya.  Bata pa kami kapag nagbabakasyon kaming pamilya sa probinsiya ay nag-aaway na kami.  Tandang-tanda ko pa ang unang pagkakataon na nag-away kami.

    “Siguro hindi ka tunay na anak nina sir at mam,” bigla niyang sinabi habang nagbabasketball akong mag-isa.” Binato ko siya ng bola sa tiyan pero nasalo niya.

    “Tingan mo naman si Kuya Mark, ang bait at ang talino, sabi ni Tatay kamukhang-kamukha raw ni sir noong kabataan,  si Vince naman hindi lang matalino at mabait ang pogi pa manang-mana raw kay mam.  Ikaw kanino ka nagmana, siguro ampon ka ano?” sabay takbo hinabol ko siya pero dahil laki sa gubat may kabilisan siya sa pagtakbo, kaya naupo na lamang ako sa damuhan at umiyak. Mula noon isinumpa ko na ang pagmumukha ng hayop na Tyrone na ito at kung pwede akong hindi sumama pag pumupunta sila sa province nagpapaiwan na lamang ako sa Manila at sa mga relatives ni Mommy nag stay habang wala pa sila.  Pero kung hindi pumupunta ang family namin doon ay sina Tatay Mario ang lumuluwas kapag kailangan ang pera para sa bukid at dahil solong anak si Tyrone at matagal ng patay ang nanay niya ay lagi siyang kasama at madalas ay 2-3 days bago sila bumalik ng probinsiya kaya ganon katagal akong magtitiiss na kasama ang animal na ito.

Iyon ang dahilan kaya habang lumalaki kami lalong lumalayo ang loob ko sa kaniya samantalang puring-puri siya ng mga magulang ko at dahil magka age kami hindi maiwasang ikumpara ako sa kanya na lalong nagpapagalit sa akin. Dahil doon kung kaya 3rd year pa lamang kami ay sinabihan na siya ni Papa na siya na ang bahala sa lahat ng gastos sa college at pinangakuan din na pag nakapasa sa Board Exam kinabukasan ay pwede ng mag start ng trabaho wala na ang formal application process. At dahil sa amin siya tumira noong college ako na lamang ang nag board hindi ko matanggap na araw-araw kaharap ko sa pagkain ang mortal kong kaaway.  Pero nagtataka ako sa kaniya parang hindi siya apektado sa lahat ng sinasabi kong pang aasar sa kanya.  Minsan sinabihan ko na siya na inaabuso na niya ang kabaitan ng mga magulang ko.  Minsan naman ay sinabihan ko pa siya na gold digger pero nginitian lamang niya ako sabay sabing “inggit ka naman?” na lalo namang nagpapainit ng dugo ko.

Nasa ganon akong pag-iisip ng bigla niyang ipinireno ang sasakyan, muntik na akong mapasubsob.  “Nananadya ka bang talaga, ano bang problema mo?” sigaw ko sa kanya.  “Kung sasadyain ko dapat bumaba muna ako, para ikaw lamang mag-isa ang masubsob nakita mo ba na may tumawid na aso anong gusto mo sagasaan ko para hindi ka mapasubsob, palibhasa kahit araw at mulat ka natutulog ka yata kaya wala kang alam sa nangyayari. Isa pa kung nag seatbelt ka lamang sana wala kang irereklamo. Hindi ka naman bata kailangan ka pang sabihan.” Hindi na ako nagsalita, nag seatbelt na lamang ako ay umayos ng upo.  Pero sa loob ko nagwawala ako sa galit.

Kahit ganon, nagtiis pa rin ako dahil I have no choice. Kahit ano naman ang gawin ko alam kong hindi yata magreresign ang hayup na Tyrone na ito, kaya sinanay ko na lamang ang sarili ko nakikita ko siya at nakakasama sa araw-araw.  Hindi ko naman kayang hamunin ng away dahil magkasing taas lamang kami pero mas malaki ang katawan niya sa akin kaya kung papatulan niya ako alam ko namang talo ako. Kaya minsan din naghihinay ako ng pangungulit sa kanya kasi baka nga mapikon, mahirap na.

Nang araw na iyon ay papunta ako sa bahay ng kaibigan ko.  Nang dumating kami nagpaalam siya na kakain muna dahil 12:30 na noon.  Kahit kasi kailan hindi ko siya pinakain kung kumakain man kami sa isang restaurant madalas ay magkaiba kami ng table.

 “Mahal na prinsipe,” iyon ang tawag niya sa akin, noong una nabubuwisit ako dahil alam kong iniinsulto niya ako pero nang tumagal nasanay na rin ako dahil kahit naman anong galit ko hindi umubra tinatawag pa rin niya ako sa ganon.  Parang natutuwa pa ang walanghiya kapag nakikitang namumula ako sa galit.  Kaya hinayaan ko na lamang para isipin niyang hindi ako apektado. Kahit sa bahay at naririnig ng mga magulang ko iyon pa rin ang tawag niya.  At dahil kabiruan niya ang bunso kong kapatid, tinatawag din ako ng kapatid ko sa ganon maliban na lamang kung alam niyang bad trip ako. Haist nakakainis talaga bakit ba lahat sila kampi sa antipatikong ito.  Kahit yata ano ang gawin niya natutuwa sila.

“Ano na naman,  anong problema, wala akong pakialam kung anong problema mo,” at diretso akong bumaba.

“Kakain lamang po ako at babalik din agad, mahal na prinsipe.”

“Wala nga akong pakialam kahit hindi ka bumalik.” Nagsasalita ako kahit diretso ako sa may gate. Naisip ko tama, pag-alis niya ay yayain ko ang kabigan kong lumabas para maghintay siya.

Hindi ko na hinintay na sumagot pa ang kaibigan ko, niyaya ko siya, kahit saan basta matakasan ko lamang ang guardian devil ko. Past 12 na nang ihatid niya ako sa amin.  Lasing na lasing ako.  Pagbaba ko pinaalis ko na rin siya, saka ko lamang naisip na paano ako papasok e wala akong susi, dahil kapag aalis naman ako ay kasama ang magaling kong driver, hindi ko na dinadala.  Antuk na ako, ihing-ihi pa.  Pero hindi ako pwedeng mag door bell dahil magigising sina Papa.  Nang biglang may humawak sa braso ko inakay ako pasakay sa kotse.

“O bakit narito ka, akala ko nasa loob ka na.” Bagamat naiinis ako nagpasalamat pa rin ako dahil may magbubukas ng gate at pinto.

“Alam ko namang hindi ka makakapasok at kung uuwi ako na hindi ka kasama tiyak magagalit sa iyo si sir, lalo pa at malalaman ang ginawa mo.” Nakasakay na kami sa kotse papasok ng gate.  Hindi na ako nagsalita dahil totoo naman ang sinabi niya.

Pagkapasok namin ng bahay, inalalayan din niya ako papasok sa kwarto ko, bagamat naiilang ako sa ginagawa niya dahil first time na hindi kami nag-away, hinayaan ko na lamang dahil hindi ko talaga kayang maglakad ng mag-isa pakiramdam ko ay matutumba ako.  Pagkapasok sa kwarto ini on muna niya ang air con bago lumabas. Bagamat nabubuwisit pa rin ako sa pagmumukha niya medyo na touch ako sa ginawa niya. Dahil kung ako yun baka pabayaan ko siya. Parang nawala ang pagka lasing ko nang maisip ko ang nangyari, nakaalalay siya sa akin nakahawak ang isang kamay ko sa bewang niya at halos nakadikit ang mukha ko sa leeg niya kaya naaamoy ko ang pabango niya.  Ang bango pa rin niya kahit lampas hatinggabi na.

“Anak ng putakte naman, ano ba tong nangyayari sa akin, bakit ko ba naiisip ang demonyong iyon.  Bakit ako natutuwa sa kanya e siya ang kontrabida ng buhay ko.  Naghubad ako at tumuloy sa washroom para mawala ang kung anong kademonyohan na pumapasok sa isip ko. Pero hanggang sa pagtulog napapanaginipan ko pa rin ang nangyari. Nagising ako dahil sa sunud-sunod na katok sa pinto.

“Mahal na prinsipe, wala ba tayong lakad ngayon, kasi tumawag ang kuya mo kung wala raw akong gagawin sumaglit ako sa opisina dahil meron silang kailangang files, ako pa ang gumawa noon dati kaya hindi alam nang pumalit sa akin.” Saka ko lamang napansin na 11:00 na pala.

“Lumayas ka at sana huwag ka ng babalik doon ka na lamang.” Nabubuwisit ako sa kanya dahil hanggang panaginip kasama ko siya.  Ayaw pa rin niya akong tantanan kahit hindi kami magkasama.

“Sana nga!” iyon lamang ang narinig kong sagot niya.

Nang maghapong iyon hindi ako lumabas ng kwarto, nagpahatid na lamang ako ng pagkain.  Ang sakit ng ulo ko, sanay naman akong maglasing pero sadya yatang naparami ang inom ko ng nakaraang gabi.  Nagkataon kasi  na ayoko pang umuwi kaya nagyaya akong mag-inom pa kami.

Kinagabihan hindi ko narinig ang boses niya, madalas pag gabi, nasa may garden sya at habang naka earphone o kaya naman ay may hawak na gitara at mahinang kumakanta.  Noong una ay nabubuwisit ako sa kanya pero nang mapakinggan kong mabuti, ang ganda ng boses niya, kaya lang ipinaparamdam ko pa rin sa kanya na nabubuwisit ako ganun paman, wala pa ring dating, titingin lamang siya sa akin at tuluy pa rin sa pagkanta. Pero nang gabing iyon bakit ganon nami-miss ko ang pagkanta niya.  Parang nasanay na ako na pagsilip ko sa bintana makikita ko siyang naka jogging pants at muscle shirt.  Siguro kung hindi ako bad trip sa kanya ay maraming magagandang katangian meron siya.  Totoong tall, dark and handsome siya.  Ang ganda ng mga mata niya parang nakikipag-usap pag tumingin sa iyo.  Bagay din sa kanya ang makapal na kilay sa matangos niyang ilong.  Napanood ko na rin siyang mag gitara at napakahusay niya.  Sabi ni Mama, napanood na rin daw niyang siyang mag drum at napaka galing. Hindi ko alam ng mga oras na iyon parang nami-miss ko siya.  Pero ayokong aminin.  Nasanay lamang ako na nakikita siya kaya ako ganon. Bakit ko naman siya mami-miss, mabuti nga at wala siya.

Kinabukasan, naalala ko may schedule ako ng job interview sa Makati.  Naligo agad ako at nagpre-pare para pagdating ni Tyrone ready na ako.  Pero hindi siya kumakatok, usually bago mag 9 nambubulabog na ang nakakairitang boses niya.  Kaya lumabas ako saktong naroon ang Mama ko.

“Anak nariyan ang susi iniwan ni Tyrone, pinabalik ulit siya ng kuya mo sa office today meron pa rin daw silang kailangang ayusing mga files. Pumayag naman ang Papa mo na lumakad kang mag-isa sabi ko kasi may job interview ka.” Wala akong naisagot, hindi ko alam bakit disappointed ako na wala ang kaaway ko.

Alam kong hindi ako papasa sa interview ko dahil malay ko bang gumawa ng Cost Estimate at Application for Loan Letter.  Receptionist ang alam kong Job Vacancy nila hindi ko alam bakit iyon ang mga tinatanong sa akin.

Umuwi ako sa bahay na bad trip. Wala akong alam na gagawin.  Nanood ako ng TV pero walang magandang palabas.  Nahiga na lamang ako at natulog.  Pero saglit lamang ay bumangon din ako.  Parang pati pagtulog ay kinatatamaran ko nang mga sandaling iyon.

Gabi nang makaramdam ako ng gutom kaya diretso ako sa paglabas. Papasok ako sa kusina nang makita ko si Mama kausap si Tyrone.

“Hindi ka na ba talaga papipigil anak, akala ko pa naman kaya mong tiisin ang ugali ni Darryl.” Si Mama

“Mam, kaya kung sa kaya pero ayoko rin ng nakikitang laging sira ang araw nya nang dahil sa akin.  Saka nag-usap na rin kami ng Itay tutal may maliit siyang tindahan sa amin. Dagdagan ko na lamang ng kaunti ang laman dahil may savings naman ako kahit papaano.  Makakasurvive din siguro kami.  Dadalawa lamang naman kami ng Itay saka gusto ko rin na magkasama kami.” Hindi ako nakatuloy sa kusina, nagkubli lamang ako at pinakinggan ang usapan nila.

“Bakit kasi ayaw mong tanggapin yung inooffer sa yu ng sir mo. Payag naman siyang ilipat ka ng branch o kung ayaw mo lamang talaga dito sa amin pwede kang tumira muna sa accommodation.” Ang muling narinig kong sabi ni Mama.

“Ang hirap pong mag explain, mam, siguro ay pride na rin, noong tinanggap ko po kasi ang challenge ni sir, ang yabang ko na hindi ako kagaya ng mga nauna sa akin.  Pero hindi pala iyon ganon kadali mam.  Kaya I decided to quit, saka gusto ko rin pong magpahinga kahit papaano.  If you recall kinabukasan after ma release  result ng  board nag start na ako.  Parang ang haba ng isang taon at kalahati, gusto ko munang magrelax.” Hindi ko na kayang pakinggan ang mga susunod dahil alam kong ako ang dahilan.  Ngayon ko lamang naramdaman ang mga ginawa ko maging sa mga naunang ibinigay na driver ni Papa.  Nasira ang pangarap nila nang dahil sa akin.  Bumalik ako sa kwarto ko at nagbalot ng kumot. Hiyang-hiya ako sa sarili ko.

Walong buwan na mula noon, pero parang alam na alam ko pa ang mga pangyayari.  At sa mga panahong iyon sobrang namiss ko ang demonyo sa buhay ko.  Bakit ganon sa halip na maging masaya ako ay parang lalong naging magulo ang dati ng miserable kong buhay.  Bakit naalala ko pa rin siya.  Bakit binabalik-balikan ng isip ang mga panahong kasama ko siya.  Kahit nag-aaway kami, ang cute pa rin niyang tingnan.  Kahit alam kong galit na siya sa akin, parang nakangiti pa rin siya.  Noon ang pakiramdam ko nakakairita ang mga ngiting iyon. Nakakainis dahil hindi siya tinatablan sa mga pang-aasar ko sa kanya.  Pero bakit ngayoon ang mga ngiting iyon ang hinahanap ko.  Ang hirap tanggapin pero nasaktan ako sa pag-alis niya. Hindi ako naglalabas ng bahay, parang hinahanap pa rin ng aking mga mata na pag nasa loob ng kotse ay malaya ko siyang napagmamasdan kahit nakatalikod siya.  Namimiss ko siya pag lumalabas ako, kaya iniwasan ko na lamang ang lumabas ng bahay.  Pero mas namimiss ko siya pag nasa loob ako ng bahay.  Hinahanap pa rin ng aking mga mata yung pag hinawi ko ang kurtina sa bintana, makikita ko siyang parang walang problema kung hindi naka earphone ay may hawak na gitara.  Ang cool niyang panoorin, kahit alam kong hindi niya alam na pinapanood ko siya parang may arte ang bawat kilos niya pati ang pagbuka ng kanyang bibig. Bwisit na buhay ito pagkatapos kong asarin kaya napilitang lumayas, ngayon naman ay para akong tanga na nanghihinayang at umalis siya. Pinipilit kong labanan ang aking sarili.  Hindi ako nagkakagusto sa kanya.  Katarantaduhan iyon, imposible, lalaki ako at hindi bakla.  Pero pagkatapos kong kontrahin ang anumang naiisip ko, babalik pa rin ako sa reality na miss na miss ko siya at gusto ko siyang makita. Kailangan kong gumawa ng paraan at isa lamang ang naiisip ko.

“Anak sigurado ka ba sa pasya mo?” tanong ni Mama nang marinig ang pag-uusap namin ni Papa. Nakiusap ako kay Papa na payagan na lamang ako ang magtrabaho sa alagaan namin ng bangus sa probinsiya. Kilala ko naman iyong nagma-manage doon dahil ilang beses na rin akong nakapunta doon noong college pa kami.

“Yes ‘Ma, naisip ko kasi, hindi rin naman ako tumatagal sa mga pinapasukan kong trabaho, kesa magmukmok ako dito, doon na lamang ako siguro naman po sa umpisa lamang ako mag aadjust sa katagalan ay makakasanayan ko na rin ang ganoong trabaho.”

“Pero Anak, hindi maiiwasan magtatagpo kayo don ni Tyrone.” Paalala ng Mama ko.

“Ma, hayaan mo siya, hindi na bata ang anak mo,” Baling ni Papa. “Basta Darryl gaya ng sinabi ko sa iyo, kung ma realize mo na mali ang desisyon mo, siguraduhin mong alam mo kung papaano itama ang ginawa mo, hindi iyong tatakasan mo ang problema o babalik ka dito.” Iyon talaga si Papa bata pa kami iyon na ang prinsipyo niya, hindi siya mahigpit pero kailangan ay alam mo ang ginagawa mo at kaya mong panindigan.

Tumango lamang ako sa kanya, dahil napag-usapan na naman namin ang bagay na iyon at handa akong panindigan ang gusto ko.

Kinabukasan ay pumunta ako sa probinsiya.  Nadaanan ko ang tapat ng bahay nila pero hindi ako huminto kahit parang may nag-uudyok sa akin.  Pwede ko namang sabihin na si Tatay Mario ang dinalaw ko. Kaya lamang may roon pa rin akong pride --- pride nga ba o nakokonsensiya ako dahil alam ko namang malaki ang kasalanan ko sa kaniya.  Kaya minabuti kong tumuloy na lamang sa alagaan namin ng bangus.

Pagbaba ko ng sasakyan, sinalubong agad ako ng ilan naming tauhan na kilala pa rin ako.  Nagtataka ako parang alam nila ang pagdating ko. 

“Sir, magandang hapon po, kumusta po ang byahe? Tara na po sa loob hinihintay po kayo ni sir.” Kilala ko siya, si Gerald, matagal na siyang nagtatrabado doon. “Nakakapagod, pero ayos lamang” ang nakangiti kong sagot.  Sumunod ako sa kaniya alam kong papasok kami sa maliit na opisina.  Si John Mark ang alam kong nag ma-manage doon at ilang beses ko na rin siyang nakakwentuhan.  Galing UP siya at madaling kausap sigurado naman akong magkakasundo kami.

Binuksan ni Gerald ang pinto at nang bumulaga sa akin kung sino ang nasa table ay parang gusto kong magtatakbo pabalik sa kotse at umuwi nang oras ding iyon.

“O Mr. Darryl Castro, bakit parang nabigla ka, hindi mo ba alam na ako ang makikita mo dito? sa reaction mo parang nagtataka ka.” Iyon agad ang bati ng dati kong kaaway.  Caught off guard, hindi ko talaga inaasahan ang eksenang ito. Kaya hindi talaga ako makasagot. Pakiramdam ko ang init ng buong mukha ko pero nanalamig naman ang mga kamay ko. Sigurado ako namumula ako na madaling mapansin dahil maputi ang balat ko.

“E sir, mauuna na po ako may aasikasuhin pa ako sa labas.” Baling ni Gerald sa akin. “Boss, labas po muna ako” nakita ko tinanguan lamang siya ni Tyrone.

“Take your seat, mahaba ang biniyahe mo, alam kong pagod ka, are you sure you want to work here? When your Papa called me informing this, tinanong ko talaga siya kung sigurado siya sa sinasabi niya.  Kasi baka in the near future its either we might…..” hindi ko na siya pinatapos magsalita.

“I’m sorry Tyrone, sorry sa lahat ng mga pinaggawa ko noon sa iyo, sana kahit hindi mo ako kayang patawarin ay bigyan mo ako ng pagkakataong itama ang mga ginawa ko.” Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko.  Ang gusto kong sabihin sana ay tingnan na lamang namin kung sino ang unang susuko, pero wala na rin naman sa plano ko ang makipag-away sa kanya at parang hindi ko na rin kayang sabihin ang mga salitang iyon.

“Look, Darryl, its nothing personal, umalis ako sa iyo dahil ayoko na ng gulo, ayoko na ng stress. And now you are here, I am not really sure what are your intentions, and I don’t mind, but I wanna be straight to you, this time I am no longer your DRIVER kaya hindi mo na pwedeng gawin dito yung mga ginagawa mo dati. Otherwise umalis ka or I will use my position para ipaintindi sa iyo ang tama. Your father gave me full authority to manage this and I believe he is satisfied with our performances here. Kaya pag-isipan mong mabuti kung ready ka sa buhay dito.”

“Alam ko yun at willing naman akong sumunod sa iyo.” Hindi ko na alam kahiyaan na, naalala ko kaya pala ganoon ang sabi ni Mama sa akin.  Hindi talaga  binanggit ni Papa na si Tyrone na pala ang bagong manager dito, pero  wala ng bawian, hindi ako pwedeng bumalik sa amin para lamang sabihin na hindi ko kayang magtrabahong kasama ang taong ito o lalo na kung sasabihin kong hindi ko kayang siya ang maging boss ko.

“So kung ganon, magpahinga na ka muna, alam ko namang mahaba ang biniyahe mo.  Bukas ng umaga hanapin mo si Gerald at ituturo niya sa iyo ang lahat mong gagawin. Siyanga pala, may accommodation para sa lahat ng workers dito kaya lamang ay magtitiis ka muna kasi maliit lamang iyon, may ipinapagawa naman ang Papa mo but it will take a little longer.  Kaya ako uwian lamang din muna sa amin habang hindi pa iyon tapos.” Tumango ako pero ngayon pa lamang ay nakakaramdam na ako ng pagrereklamo. Pero sa twing maiisip ko na ako ang may gusto nito at pag naalala ko ang sinabi ni Papa na huwag akong babalik para takasan ang problema, nagiging matatag ako at ayokong sumuko. 

“Sige kung wala ka ng itatanong, pwede mo na akong iwan, madali mo namang makikita yung accommodation dahil don lamang iyon sa kabila nito. Tumingin ako sa kanya.  Nakita ko siya nakatingin din sa kin.  Ibang-iba na siya, pormal ng makipag-usap, hindi na nang-aasar, hindi na niya binabara ang lahat ng sinasabi ko.  Iba na rin siyang tumingin, hindi na iyong parang nakakalokong tingnan, pero dapat masaya ako pero iyon ang nami-miss ko sa kanya. Ganoon na ba kalaki ang nagawa ng walong buwan?  Parang ako sa sarili ko wala namang nagbago, pero siya ang laki na ng ipinagbago.  Oo nga physically parang wala, o mas lalo pa siyang naging gwapo, baka dahil nga hindi na stress, sariwa hindi lamang ang hangin kundi pati na rin ang pagkain hindi gaya sa Manila na lahat yata ng lugar polluted na.  Gusto ko sana siyang lokohin, asarin, gaya ng dati pero naisip ko iba na ang sitwasyon namin.  Alam ko kahit ano pa ang sabihin siya pa rin ang boss ko,
 
Nang gabing iyon, hindi ako makatulog, nakakainis, bagamat hindi naman mainit, hindi maingay, apat kami sa isang hindi kalakihang room.  Dalawang double deck.  Sa totoo lamang first time kong nakatulog sa double deck kaya nakakailang, bawat kilos ko lumilikha ng ingay ang frame na bakal.  Maliit ang kama, pag kumilos ako nasa gilid agad ako.  Ang hirap ding matulog dahil may kasama ako sa room.  Pinilit ko ang sarili ko na makatulog dahil alam ko kinabukasan ay mapapasabak ako sa trabaho, pero parang umaga na yata nang makatulog ako.  Nang ako ay magising wala ng tao sa room.  Sumilip ako sa bintana, nasa labas na nga silang lahat.  Dali-dali akong bumangon at lumabas.  Nakita ko naman si Gerald.

“Sir, good morning, magbreakfast ka muna, nasa kitchen may takip ang pagkain mo.  Pagready ka na sir, babalikan kita dito para ma-orient kita sa mga pasikut-sikot dito.  nagsasalita siya pero may sinusulat sa dala niyang clipboard.  Nilapitan ko siya.

“Gerald, pwede mo naman akong tawagin na Darryl, huwag ng sir, nakakahiya naman, tuturuan mo ako sa mga gagawin ko tapos sir mo ako.” Mahina kong sabi sa kanya.

“Okey, kung iyan ang gusto mo sir, I mean Darryl, basta babalik ako dito after 30 minutes may iche-check lamang ako.” Naisip ko 30 minutes, kakain at maliligo ako, kaya ko ba yon e sa paliligo lamang kulang iyon, kakain pa ako at magbibihis. Sabagay ano ba namang ibibihis ko na magpapatagal sa akin, e naka working clothes lamang naman sila.

Nakaready na ako  nang makita ko si Tyrone na bumaba ng kotse.  Kahit pala dito sa probinsiya ang aga talagang kumilos ng taong ito.  8 am pa lamang ay narito na. 

“O kumusta ang tulog mo, hindi ka ba nanibago, hindi kasing komportable gaya sa kwarto mo ang kwarto dito.  Sabi ko naman sa iyo pag-isipan mong mabuti dahil baka hindi ka sure dito sa pinasok mo.”

“Ayos lamang naman, nakakapanibago lang sa umpisa pero pasa saan ba at masasanay din ako.” Nakangiti ako sa kanya kahit kita kong nakakunot ang noo niya, marahil ay nagtataka na sa halip na barahin ko ang sinabi niya ay umayon pa ako.

“Nagkita na ba kayo ni Gerald?” pag-iiba niya sa topic.

“Oo, babalikan daw niya ako dito dahil may itse-check lamang.” Sagot ko sa kanya kahit talagang naiilang ako, buong buhay ko yata ngayon lamang kami nag-usap ng ganito.  Pakiramdam ko nasa ibang mundo ako at ibang pagkatao meron ako nang mga oras na iyon.

“Sige, maiwan na kita at may mga suppliers pa akong kailangang kausapin.” At tumuloy na siya sa daan papunta sa opisina niya. Nang dumating si Gerald agad niya akong inilibot sa palaisdaan at inorient sa mga dapat kong malaman.

“Ang alam ko, nagpaaalam na uuwi raw sa kanila si Sir John Mark pero after 2 weeks bumalik dito at pumayag daw ang Papa mo na i-assign siya sa satellite office malapit sa bayan nila.  Kinuha lamang niya ang ilang personal na gamit niya at umalis na.  Sinabihan ako ng Papa mo, na pag-aralan ko ang pagpapatakbo dito pero hindi ko talaga kaya, kaya after one month tumawag ako sa kanya at sinabing babalik na ako sa dati kong posisyon dahil hindi ko kaya ang dami ng kausap sa phone.  Ayun sinabihan niya ako na hintayin ko nga si Sir Tyrone at i-turn over sa kanya ang lahat.” Paliwanang niya sa akin nang itanong ko kung nasaan na si John Mark.

Nakakapagod ang araw na iyon at parang binugbog ang katawan ko sa dami ng binuhat namin, inilipat, inayos, binilang at sa loob ng isang lingo pakiramdam ko ay mamamatay na ako sa pagod pero sa twing tatanungin nila ako sasagutin ko lamang ng kaya pa.  Madalas kong makita si Tyrone na nakatingin sa akin,  hindi ko alam kung natutuwa o naawa sa kalagayan ko pero gaya ng ipinangako ko kay Papa, hindi ako babalik sa amin para sabihing hindi ko kaya ang magtrabaho. Minsan nadatnan ako ni Tyrone na nag aahon ng putik.  Tinawag niya ako. At paglapit ko at inabutan niya ako ng sandwich at bottled water.

“Magpahinga ka muna, masyadong mainit baka naman mag collapse ka niyan, pwede naman iyang gawin mamayang hapon, pag malamig na ng konti.” Nagsalita siya pag kaabot sa akin pero sa pinanggalingan ko nakatingin.

“Okey lamang naman ako boss, para mamaya matigas na rin,   kasi pag mamaya ko pa to tinapos matagal bago tumigas ang putik hindi natin mapapatubigan agad, sabi ni Gerald kailangan ng mailipat ang mga fingerlings.” Hindi naman siya kumibo hindi ko alam kung naawa lamang siya sa akin kaya niya sinabi ang ganon.

“E sige, kumain ka muna at ng makapahinga ka kahit saglit.  Kumusta na nga pala. Si Mam, kumusta na? ang tagal ko na ring hindi nakakapunta sa inyo.” Marami pa kaming napag-usapan pero puro tungkol kina Mama at Papa at kay Vince, hindi niya masyadoong kinumusta si Kuya dahil madalas naman daw silang nagkakausap sa phone kapag may tinatanong tungkol sa opisina.  Mula noon ay sumasama na ako sa kanila kapag breaktime at nagkakatuwaan sila.  Ibang klaseng boss pala itong si Tyrone, hindi siya mahigpit pero kita ko ang respeto sa kanya maging ng pinakamatandang empleyado.  Kung tutuusin kaming dalawa ang pinakabata sa mga magta trabaho pero kahit sa mga biruan ramdam ko pa rin ang paggalang nila sa kaniya.  Napakagaling niyang makisama parang ang daling sundin ng mga ipinapagawa niya dahil parang lagi siyang nakikiusap o kung maliit na bagay lamang naman nakikita ko siya na ang gumagawa. Kahit papaano ay nagbabatian na rin kami kapag nagkakasalubong at nag ngingitian na rin.  Kaya gumagaan ang pakiramdam ko kahit ang hirap ng trabaho.  At lalo yatang lumalalim ang paghanga ko sa kaniya.  Madalas akong nakatingin sa kaniya kapag may pagkakataon.  Kung may meeting pinagmamasdan ko talaga ang mukha niya lalot hindi siya nakatingin sa akin.  Ayoko mang aminin nahuhulog na talaga ang loob ko sa dati kong kaaway.

Minsan isang umaga, paggising ko, ang sakit ng ulo ko, parang lalagnatin yata ako.  Bumangon ako dahil alam kong marami akong hindi natapos na gagawin noong nakaraang araw, tumuloy ako sa kusina, nakita ko si Jerome.

“O pre, namumula ang mukha, mo ah, may sakit ka ba?” sabay lapit ng kamay sa noo ko. “Pambihira pare, ang taas ng lagnat mo, bumalik ka na sa kwarto at magpahinga, sige dadalhin ko na lamang ang pagkain mo doon.  Ikukuha na rin kita ng gamot.” Hindi na rin ako tumutol dahil ramdam ko rin naman ang panghihina ng katawan ko.  Kumain ako ng kaunti at uminom ng dala niyang gamot, saka ako nahiga at nagbalot ng kumot.  “Pre, magpahinga ka muna diyan, tatapusin ko lamang iyong ginagawa ko tapos babalikan kita.” Isa si Jerome sa mga una kong naka palagayang loob marahil ay dahil sa taas lamang ng higaan ko ang sa kanya kaya madalas kaming nagkakausap bago matulog.

“Darryl, Darryl, bumangon ka muna,  kumain ka para makainom ka ng gamot,”  Akala ko ay panaginip lamang pero pagmulat ko ng mata ko si Tyrone, nakaupo sa may paanan ko. “Kumusta ka na? O kumain ka muna, nagpaluto ako ng tinolang manok para makahigop ka ng sabaw, native iyan galing sa amin. Pagkatapos ay inumin mo itong gamot, pasensiya na malayo ang pharmacy dito sa atin nang itawag ni Gerald na may sakit ka malapit na ako dito kaya bumalik pa ako. Huwag kang mag-alala kung hindi bubuti ang pakiramdam  mo  after 3 hours ay dadalhin kita sa hospital. Kaya pakiramdaman mong mabuti.” Tiningnan ko ang relo ko, 11:30 na pala, ang tagal kong nakatulog.

“Huwag na, lagnat lamang naman, pag pinawisan ako, wala na rin ito.  Huwag mo akong alalahanin.” Ang nahihiya kong sagot sa kanya.

“Siyanga pala, tinawagan ko na rin ang Mama mo, at sabi niya ay mamaya o kaya bukas pupunta sila dito.” Talagang na-touch naman ako sa kabutihan ng taong ito marahil kung sa ibang boss hindi pagkakabalahan ng ganito ang tauhan niya.  “Nakakahiya na sa iyo aba, sobrang abala na ako.”

“Sinu-sino pa ba ang magtutulungan dito kung hindi tayu-tayo rin kaya ipanatag mo na ang loob mo dahil dito magkakapatid ang turingan ng bawat isa.” Parang gusto kong maiyak sa sinabi niyang iyon, pagkatapos ng lahat ng mga ginawa ko sa kaniya, heto siya at kapatid pala ang turing sa akin.  Nakakahanga ka talaga. Pero sa isip ko, sana Tyrone higit pa sa kapatid ang maging turing mo sa akin, dahil iyon ang nararamdaman ko para sa iyo.

Sa paglipas ng mga araw mas lalo pa kaming naging close.  Nagbibiruan na rin kami at parang parehas na naming nalimutan ang aming mga nakaraang away. At aaminin ko sigurado akong mahal ko na nga siya.  

Minsan nag inuman kami, hindi naman siya talaga nag-iinom pero dahil sa pakisama paminsan-minsan pinagbibigyan din kami ng shot. Ako aminadong medyo malakas akong uminom pero nang mga oras na iyon iba na rin ang tama ko at medyo madaldal na ako.  Hanggang sa kami na lamang dalawa ang naiwan, lahat sila pumasok na sa kwarto dahil hindi na kaya.

“Siyanga pala boss, pasensya ka na sa mga pinaggagawa ko sa ‘yo dati ha. Alam ko sobrang naging pasaway ako sa iyo kaya napilitan kang umalis” Biglang lumabas sa bibig ko kahit hindi ko naman pinlanong sabihin.

“Tapos na iyon, maganda na rin yung nangyari diba ngayon hindi na tayo nagbabangayan.  Tama lamang iyong pag-alis ko sa inyo.” Nakangiti niyang sagot.

“Pero sobrang pagsisisi ko nang umalis ka, saka ko lamang lahat naisip ang mga ginawa ko sa iyo, saka boss nang mawala ka hinahanap ko ang lahat ng ginagawa mo dati pati nga ang pagtatalo natin, ewan ko ba, pakiramdam ko boss nababading na ako sa iyo…” parang ang tapang-tapang ko nang mga oras na iyon. 

“Epekto lamang iyan ng alak, tara matulog na tayo, mukhang masama ang tama sa iyo ng alak hindi mo na alam ang sinasabi mo,” at tumayo siya at hinawakan ako sa braso para itayo.

“Hindi boss, alam ko ang sinasabi ko at sigurado ako sa nararamdaman ko.  Alam kong mahal kita at alam mo bang iyon din ang dahilan kaya pumunta ako dito, una ay para mag sorry sa iyo  pangalawa ay para makita ka uli kasi aaminin ko miss na miss na kita boss.” Alam kong oa pero nadala na ako kasi iyon naman talaga ang totoo.

“Anak ng pitumpung putakte naman Darryll, alam mo bang kahit inis na inis ako sa iyo noon, pinipilit kong magpa pansin sa iyo. Sa gabi lagi akong nasa tapat ng window mo para kantahan ka pero akala ko deadma sa iyo ang lahat.  Noong una tinanggap ko ang challenge ng  Papa mo kasi gusto kong patunayan sa kanya na hindi ako basta-basta sumusuko. Pero sa paglipas ng araw, gusto kong magbago ka hindi ko alam kasi gusto kita ewan ko.  Kaya nang maramdaman kong hindi tayo magkakasundo ako na ang nagdecide na mag give up kesa lalo lamang lumala ang away natin at lalo lamang akong nasasaktan.” Mahaba niyang paliwanag.

“Ibig mong sabihin boss, may gusto ka rin sa akin?”  Hindi siya sumagot, nanatiling nakatungo at nakatingin sa bote ng beer na hawak niya.  “At ang lahat ng ginagawa mo dati  ay ginagawa mo para mapansin ko?

“Oo, pero parang balewala lamang sa iyo…” malungkot nyang sagot.

“Mali ka boss, lahat iyon ay napansin ko at lahat iyon ay namiss ko nang umalis ka pero ayokong tanggapin na humahanga ako sa iyo.” Pag amin ko.

“Sayang Daryll,  bakit hindi mo sinabi agad, pag uwi ko dito, nakipag balikan ako sa dati kong girlfriend, hindi lamang upang makalimutan ka, totoo namang mahal ko siya at kaya lamang kami nag break ay noong naging abala ako sa thesis at hanggang makagraduate ay naging okupado rin sa pagrereview.”

“Hindi bale boss, sapat na sa akin na malamang mahal mo rin ako, masaya na ako sa ganoon, sadyang ganyan siguro talaga ang buhay.  Hindi naman lahat ng gusto natin pwede nating makuha.” Sinabi ko iyon pero sa loob ko naroon ang panghihinayang at pagsisisi dahil kung naging maayos lamang ang ginawa kong pakikisama sa kanya ay hindi sana naging ganito.

Sa paglipas ng araw, iba na ang samahan namin bagamat lihim sa lahat ang tungkol sa amin.  Nagkakaintindihan na kami sa mga tinginan pa lamang.  Nakita at naramdaman ko kung papaano siya mag-alala sa akin.  Sa sarili naming paraan ay ipinararamdaman namin na totoong mahal namin ang isat-isa.  Pero mahirap pala.  Bawal ang aming ginagawa dahil hindi iyon tanggap ng lipunan lalo pa sa probinsiya.  Mataas ang respeto sa kanya ng mga tao, trabahador man namin o hindi.  Ganon din may girlfriend siya.  Kaya pakiramdam ko ay nang aagaw ako sa kanya.  Masakit isipin na ang lahat ay nangyari dahil sa pagiging pasaway ko. Pero wala akong magagawa gaya ng sinabi ko sa kanya sigurado akong mahal ko siya at sinasabi rin naman niya madalas kapag kaming dalawa lamang na mahal din niya ako.

Isang umaga, naalimpungatan ako sa boses ni Papa. Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto,

“Darryl, Darryl anak…. Anak ng … anong ibig sabihin niyan?” galit niyang tanong, saka ko lamang napansin. Magkatabi kami ni Tyrone, parehong naka underwear lang. Nakaunan ako sa braso niya habang mahimbing siyang natutulog.

“Papa, kasi….

To be continued…

No comments:

Post a Comment

Read More Like This