Pages

Thursday, October 5, 2017

Stem Health

By:Rollen

Hello guys, I'm Rollen, 16 years of age and taking up Academic Track, STEM-Health Science strand at one of the finest public school at DasmariƱas City, Cavite. Well, most of you alam na siguro kung anong school ko pero wala namang may pake. I played Badminton as my leisure time so basically, I have some, not all, characteristic of a badminton player: Avergae built, 5'5 ang height at medyo tanned color ang skin. In terms sa mukha,  di naman gaanong katangusan, bilugan ang mata. Sa school naman, I'm just a typical student na average lang ang grades. I don't have that much of friends at school kase settled ako sa bestfriend ko na classmate ko since Kinder nung nasa private school pa kami. Meet Ebraham, same age kami, at mas matangkad sakin ng unti, 5'7. Mas maitim siya sakin kasi badminton player at panlaban din ng school namin. Classmate kami up until now and kumpara sakin, maraming nagkaka-crush sa kanya. Well pahabol ko lang and the most important thing before we proceed to my story, we were both straight and we knew it.

Eb: Kuys! Sabay tayo pasok bukas. Daan ako sa inyo tapos sa inyo na lang din ako kakain pasabi kay Tita! HAHAHA.

Ako: Sige lang Pips, wag mo na lang masyadong agahan.

'Kuys' ang tawag sakin ni Ebraham at 'Pips' naman ang tawag ko sa kanya., chinat niya lang ako.

Normal na samin ang magpuntahan sa bahay ng isa't isa kasi nga Kinder palang magka-klase na kame pati nga mga parents namin ay magkakilala na.

Pag karating niya ay agad siyang pumunta sa kwarto ko kasi late talaga ako nagigising.

Eb: Kuys, ano na? Male-late na tayo, gising na.
Ako: Hala ka. Oo nga, dun ka na lang sa labas ng kwarto, maliligo ako saglit tapos alis na tayo.

Nagmamadaling sambit ko sa kanya habang tumatakbo papuntang banyo.

Eb: Lol, dito na lang ako, di naman kita sisilipan eh, at saka nakita ko na. Hahaha!

Pang dadaot niya sakin. Oo guys, tama kayo ng nabasa niyo, nakita niya yung akin kasi sabay kami nagpatuli tapos minsan sabay kami nag cCR sa school. Pero hindi pa kami nag kakasabay magparaos kasi magkaiba kami. Hindi kasi ako nanunuod ng porn or magazine, hindi rin araw araw o di kaya gabi gabi kundi sa tuwing trip ko lang. Siya naman ay talamak ang porn sa cellphone at batak sa pagma-masterbate.

Kasalukuyan siyang may girlfriend at mahigit dalawang taon na sila. Samatalang ako, No girlfriend since birth. Takot kasi ako ma-reject at wala namang may nagkakagusto sakin. Pero marami akong crush.

Going back sa story, pagpasok pa lang namin ng school sinalubong na siya ng girlfriend niya sabay sabi ng
Eb: Good Morning Baby ko!

At niyakap naman siya ni April, pangalan ng girlfriend niya tapos sinagot din siya

Apr: Good Morning din Baby ko! Pati sayo Rollen.

Nagulat ako sa umagang yun kasi sa totoo lang, sa mahigit dalawang taon nilang magkasama eh ngayon lang ako binati ni April dahil ang akala niya, bad influence ako kay Ebraham pero di niya alam, si Ebraham nga tong pasimuni ng kung ano anong kabulastugan. Kaya naman napilitan din akong sumagot ng

Ako: Magandang umaga rin April!

Dumaan ang maghapon at pagtapos ng klase tinawag ako ni Ebraham at sinabing

Eb: Oy! Kuys, di pala ako sasabay sayo pauwi, gagala kami ni April. Pero baka gusto mo sumama?

Wala lang sa akin pag mga ganoong lakad dahil sanay naman akong magisa, walang hugot yun at sinagot ko siya.

Ako: Sige lang Pips, enjoy kayo! Uwi na ko ha?!

At pagtapos ko yung sabihin ay umuwi din ako agad. Tulad ng normal na araw, kumakain ako pag dating tapos gumagawa muna ng gawaing bahay bago gumawa ng assigment pero dahil dabado naman matutulog na ko agad. Pero minsan kung magyaya si Ebraham maglaro ng badminton sa gym, minsan gabi na ko nakakauwi tapos di na ko nakakakain at didiretso gagawa ng gawaing bahay at mga assigments tapos tulog na agad.

Kinabukasan paggising ko, tanghal na nun, nasa loob ng kwarto ko si Ebraham at natutulog din. Hindi ko siya ginising nun kasi ang lakas ng hilik baka pagod na pagod. Tapos daming tumatakbo sa isip ko nun. Iniisip ko na baka hindi na virgin si Ebraham at tinira na niya si April kagabi kaya siya pagod. Sinabi ko rin sa sarili ko na "Hayop to si Ebraham ah? " At agad din ako bumaba. (Note: pareho pa kaming virgin) Pagkarating ko sa sala bumungad sakin yung mahinahong boses ng Mama ko

Mama: Rollen, nandiyan pa ba si Ebraham? Gisingin mo na at mag tanghalian na kayo.

Diba? Ganyan ka-close mama ko at si Ebraham. Ginising ko na rin siya at sabay kami kumain.

Ako: Di ko alam na tinabihan mo pala ako. Anong oras ka dumating dito samin?

Paguusisa ko kay Ebraham. Ngunit nakakapanibago lang na tila ba wala akong kausap at kasabay kumain ng mga oras na iyon. Wala akong nakuhang sagot kundi pagtango ng kanyang ulo kaya naman napansin ko na may mali. Natapos ang buong maghapon na nandun siya samin at walang kibo ni pagbulong na maririnig sa kanya.

Hindi ko na mapigilan bilang isang kaibigan at tinanong ko na ulit siya.

Ako: Pips, ano ba problema simula ng gumising ka wala ka ng kibo at di mo pa sinasagot yung mga tanong ko. Gusto ko lang malaman mo na sa tinagal tagal nating magkasama, para na tayong magkapatid kaya naman wag kang mahiyang magsabi sakin.
Eb: Alam mo hindi mo naman ako maiintindahan lahat ng nararamdaman ko kasi wala ka namang girlfriend. Kaya its pointless to tell you what I am going through.
Ako: Ah ganun ba? Ganun ba tingin mo saken? Bobo? Siguro nga single ako pero I'm human at alam kong hindi ko kailanman maiintidahan ang nararamdaman mo pero susubukan ko, kasi magkaibigan tayo.

Nakikita ko sa mga mata niya na tila ba maluha-luha na siya at siya ay tumakbo paalis ng bahay. Nagulat ako sa mga nangyari ng araw na iyon dahil sa tinagal tagal naming magkaibigan at parang kapatid na ang turingan namin, ngayon lang kami nag ka away ng ganto.

Maraming bagay ang tumakbo sa utak ko, iniisip ko na binreak siya ni April kaya ganun na lang ang galit at hinagpis niya. At ilang linggo din ang lumipas na tila nasa iisang lugar lang kami ni Ebraham at limang silya lamang ang pagitan pero ambigat sa pakiramdam, walang pansinan, walang kibuan ni tinginan na para bang nasa magkabilang dulo kami ng mundo, hilaga at timog.

Matapos ang ilang linggo ay narinig ko ang mga yapak ng isang tao na sa una'y mahina hanggang palakas ng palakas, palapit ng palapit hanggang sa may humawak sa aking balikat.

Eb: Kuys, pwede ka ba? Usap tayo. Tulad ng dati.

Kinilabutan ako sa mga salitang hindi nawala sa aking tenga, paulit ulit at kamuntikan na ngang pumatak ang luha sa aling mata.

Ako: Hahaha. Wag ka mag alala Pips, tandaan mo lang na parati kang may babalikan sa tuwing ika'y lilisan, may mababalikan sa tuwing ika'y naliligaw, higit pa tayo sa mag kaibigan, magkapatid tayo. laging mong iisipin na ikaw ay may masasandalan, ano man ang mangyari.

Di namin napigil ang bugso ng aming emosyon at nag akbayan, tila walang nangyari, tila lahat ng tampo na namamagitan sa amin ay naglaho...


--Cedricxzs

No comments:

Post a Comment

Read More Like This