Pages

Sunday, October 1, 2017

At Your Service Nikko (Part 11)

By: Lonely Bulakenyo

Malalim na ang gabi.  Paubos na ang laman ng cooler.  Triple na din ang kakulitan ni Derek ng dahil sa kalasingan.  Halos napapahiga na si Tristan sa katatawa dahil sa mga ginagawa ng kaibigan ko.  Bentang benta kay Tristan ang mga kakornihan ni Derek.  Samantalang si Karlo naman ay kanina pa nakahiga sa buhangin at naghihilik .  Laking pasasalamat ko na madaling sumuko sa inuman ang pinsan ni Tristan dahil kanina pa ako naaasiwa sa mga malalagkit na tingin na ibinibigay niya sa akin. Hindi ko na din mataandaan kung gaano na kadami ang nainum ko.  Hindi ako malakas uminom kaya nagtataka din ako sa sarili ko at nagagawa kong sumabay sa dalawa.

Habang pinagmamasdan ko sina Derek at Tristan sa kulitan nila ay bigla akong napaisip.  Buong buhay ko ay ngayon pa lang ako nakadama ng ganitong saya.   Kasama ko ang dalawa sa pinaka-mahalagang tao sa buhay ko.  Nandito kami sa isang napakagandang lugar.  Walang masyadong iniisip.  Yung tipong nawawala sa isip at damdamin ko ang lahat ng hirap at pasakit na pinagdaanan ko.  Kung panaginip lang ito ay siguradong mapapatay ko ang kung sino mang gigising sa akin.

Dahil sa pag-iisip ay hindi ko na namalayan na kanina pa pala ako pinagmamasdan nung dalawa.  Nanumbalik na lang ako sa aking ulirat nang pukulin ako ng maliit na bato ni Derek.

“Putcha!  Nalulunod ako sa lalim ng iniisip mo e.” ang biro ni Derek sa akin.

“Hahaha.  Oo nga.  Ok ka lang ba?” ang natatawang tanong naman ni Tristan.

“Oo naman.  Bakit?” ang tanong ko.

“Mukha ka kayang timang kung makikita mo lang ang hitsura mo.”  Ang sabi ni Derek.

“Sira ulo.” Ang tugon ko.

“Kow.  Lasing na yan Tan.  Kilala ko yan sa inuman.  Kapag nanahimik yan e alam na.”

“Magnininja move na yan.”  Ang sabi ni Derek.

“Ninja Move?” ang nagtatakang tanong ni Tristan.

“Ninja Move!  Yung bigla na lang mawawala.  Parang ninja.”  Paliwanag ni Derek.

“Ahhhhh.  Hahahaha.” Ang natatawang tugon ni Tristan.

“Hindi naman kasi ako gahaman sa alak na tulad mo noh.” Ang pambabara ko kay Derek.

“Wow naman.  Gahaman agad?  Hindi ba pwedeng mahilig lang talaga uminom?”  ang balik ni Derek sa akin.

“Pinaganda mo pa e pareho lang naman yun.” Ang huling sabi ko bago ko binato si Derek ng maliit na bato na nagawa naman niyang salagin.

Oh! Oh.  Baka kung saan pa mapunta yan.  Diyan lang kayo at may kukunin lang ako.  Saglit lang.” Ang sabi ni Tristan sabay tayo.

“Ano naman ang kukunin mo?” tanong ko.

“Basta.  Diyan lang kayo.” Ang huling sinabi nya bago tuluyang lumakad papunta ng bahay.

Sinundan ko na lang siya ng tingin. Hindi ko na namalayan na tumabi na pala sa akin si Derek habang abala akong nakalingon kay Tristan.  Walang anu ano ay bumulong ito sa akin na aking ikinagulat.

“Pre…” ang bulong ni Derek sa akin.

“Anak ng kalabaw ka!” ang bulalas ko ng dahil sa pagkabigla.

“Anu ba?  Bakit ka nanggugulat.”  Inis na sita ko sabay tulak sa mukha ni Derek.

“Eto naman.  Nananakit agad e.”  inis na tugon ni Derek.

“Bakit ba kasi?” inis na tanong ko.

“Naisip ko lang baka eto na yun.” Sabi ni Derek.

“Ang alin?” tanong ko.

“Yung napag-usapan natin kaninang umaga.” Sagot ni Derek.

Hindi ako nakasagot agad dahil inaalala ko ang pinagusapan namin ni Derek kaninang umaga.

“Isipin mo, Pre.  Madilim ang paligid.  Nasa tabi pa tayo ng dagat.” Ang tila natatakot na sabi ni Derek.

Ilang saglit pa ako nag-isip bago ko naalala ang napag-usapan namin.

“Sira ulo ka talaga! Umayos ka nga!” ang sabi ko sabay batok sa kaibigan ko.

“Dalawa lang yan pre.  Itatapon tayo sa dagat o ibabaon tayo sa buhangin.  Jusko.” Ang dagdag pa ni Derek.

“Hindi ka talaga magtitigil ano?  E kung ikaw kaya ang ibaon ko sa buhangin?” ang sabi ko sabay akma na manununtok.

”Oh! Oh.  Easy lang.  Di ka na mabiro.  Mananakit ka na naman.”

“Sige ka.  Mamimiss mo din ako kapag nawala ako.”  Ang sabi ni Derek.

“Hindi talaga noh.” Ang sagot ko.

“Kow.  Maniwala ako sa iyo.  Hehehe.” Ang sabi ni Derek.

“Pero maiba ako.  Ok din ‘tong si Tristan noh?  May kulit ding taglay.” ang sabi ni Derek sabay lagok ng beer.

“Oo nga e.  Nagugulat din ako sa kanya.  Sa mga ginagawa niya.”  Pagsang-ayon ko.

“Ngayon ko lang siya nakainuman.  Masarap din palang kasama si gago noh?”  Ang sabi pa ni Derek.

“Oo naman.  Mga bata pa lang tayo e nakakalaro ko na yan.  Nagtataka nga ako sa iyo kasi hindi ka sumasama sa akin kapag inaaya nya ako sa bahay nila dati.”  ang tugon ko sabay inum ng beer.

“Ayaw ni tatay e.  Alam mo naman yun. Nagagalit sa akin kapag nagpapaalam ako.”

“Huwag daw akong nagsasasama sa mga matatapobre.   Naisip ko na baka nga ganun siya kasi mayaman sila. ”

“Hindi naman pala.  May pagkajologs din pala si mokong”  Paliwanag ng kaibigan ko habang inaayos ang bonfire.

“Sa ilang beses na pumunta ako sa kanila e hindi naman ako nakaramdam ng masama mula sa mga pamilya niya.”

“Mabait yung Mama niya.”

“Medyo nakakatakot yung Papa niya kasi tahimik lang.  Medyo suplado. Mukhang masungit.”

“Pero kung iisipin mo, bakit naman laging nananalo sa eleksiyon ang Papa niya kung masama ang ugali niya?”

“Di ba?”  tugon ko.

“Tama ka. Hay nako.  Ewan ko ba kay Tatay.  Hindi ko din naman maintindihan kung bakit ganun na lang ang tingin niya sa pamilya ni Tristan.”  Ang medyo nagtatakang sabi ni Derek.

“Kow.  Lahat naman yata e ayaw ng tatay mo.  E ayaw nga din nya sa akin, di ba?”  ang sabi ko sabay irap sa kaibigan ko.

“Oo naman. Bad influence ka daw kasi.  Hahahaha.”  Ang sagot ni Derek sabay tulak sa akin.

“Tanginamo!” ang sabi ko sabay hagis ng isang daklot na buhangin sa kanya.

“Hala.  Parang tanga naman ito ih.  Nalagyan na tuloy ng buhangin itong iniinom ko.”  ang inis na sabi ni Derek sabay tapon ng laman ng bote na hawak.

Kasabay ng pagbaba ng hawak kong bote na wala nang laman ay lumapit si Derek sa cooler at nagbukas pa muli ng dalawa pa.  Pagkabukas ay muli itong tumabi sa akin at iniabot ang binuksang beer.

“Tangna Pre.  Ang dami na nating naiinum eh.”

“ Bangag na ako.”

“Samantalang ikaw, parang matino ka pa.”  nagtatakang sabi ni Derek.

“Tanga.  Lasing na din ako noh.  Sinasabayan ko lang kayo.”

“Sayang kasi yung mga pagkakataon na ganito.”

“Minsan ko lang naman maranasan.  Hindi pa natin nagawa ito di ba?”

“Kaya sinusulit ko lang.”  ang tugon ko sabay inum ulit ng beer.

Saglit na katahimikan.  Tanging tunog ng alon lang at pagdaan ng mga bangka ang dinig sa paligid.  Para bang bukas ang aircon sa lamig ng hangin.  Yun marahil ang dahilan kung bakit kundisyon ang katawan ko sa inuman ngayon.  Walang stress.  Ito ang masarap na klase ng inuman.  Umiinum ka para magrelax at hindi dahil sa problema.

“Pre, may sasabihin ako.  Sa kabila ng pait nito, alam mo ba ang dahilan kung bakit gustong gusto ko ang beer na ito?” ang seryoso pero halatang lasing na tanong ni Derek.

Hindi na ako sumagot pa.  Umiling na lang ako.

“Kasi una, malamig.  Halos nagyeyelo oh.”

“Pangalawa, mas sumasarap siya kasi masarap ang pulutan natin.”

“Pangatlo, masarap ang beer na ito kasi kasama ko ang bestfriend ko.”

“At…”

“Higit sa lahat, dahil sa beer na ito ay nagiging totoo ako.  Tayo!”  ang sabi ni Derek habang nakatitig sa akin, tangan ang bote ng beer sa kanan at nakahawak kaliwang kamay sa balikat ko.

“Amen?!” sabi pa niya sabay taas ng bote.

Hinawakan ko sa ulo si Derek at hinatak ko ito palapit sa akin.  Nang malapit na ang tenga nya sa bibig ko ay agad akong bumulong.

“Ang corny mo. Ulul!” Ang bulong ko sabay dila sa butas ng tenga nya.

Alam kong ayaw na ayaw ni Derek na ginagawa ko yun sa kanya dahil sa kinikilabutan siya.  Kaya bakas sa mukha nya ang pandidiri habang inilalayo ang ulo nya sa akin at pinupunasan ang laway sa tenga nya.

“Yuck!  Parang tanga naman ito ih.  Nakakadiri eh!” ang inis na sabi ni Derek habang patuloy na pinupunasan ang kanyang tenga.

“Lubayan mo kasi yang kaartehan mo.  Nakakilabot ka.” Ang balik ko sa kanya.

“Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah.  Masama ba naman yun?”

“Kahit kelan talaga hindi mo ako seseryosohin ano?”  inis na sabi niya sabay irap sa akin at inom ng beer.

“E kelan ka ba naging seryosong ungas ka?” ang pang-aasar ko sa kanya.

Hahagisan ko muli sana siya ng buhangin nang umakma siyang babasain ako ng hawak na beer.

“Sige lang.  Ibubuhos ko sa iyo ito.” Ang kunwaring pagbabanta pero nagbibirong sabi Derek.

Nag-aakmaan na kami nang…

“Hey! Hey! Hey!  Ano yan?”

“Nag-aaway ba kayo?” pagsita sa amin ni Tristan.

“Huy, hindi ah.  Nagkakatuwaan lang kami Tan.” Ang sabi ni Derek sabay baba ng beer na hawak niya.

“Ano yan?” ang agad na tanong niya nung makita ang hawak na manila envelope ni Tristan.

“Eto yung sinasabi kong isa pang regalo ko sa inyo.” Ang tugon ni Tristan sabay abot ng hawak sa amin.

Agad naming binuksan ni Derek ang envelope.  Isang application form ang tumambad sa amin.

“Application form?  Para saan?”  ang nagtatakang tanong ko.

“Scholarship!” ang magiliw na sabi ni Tristan sa akin.

“Scholarship?” ang muli kong tanong.

“Yup!  Scholarship sa college.  Ano ba?” ang tugon ni Tristan sa akin.

Agad akong napatingin kay Derek.  Hindi ko maintindihan ang ekspresyon niya habang nakatitig sa papel na hawak.  Inisa isa ko ang pitong pahinang papel na hawak ko.  Application form ang unang pahina.  Terms and Conditions ang sumunod na limang pahina.  At listahan naman ng mga requirements ang nasa huling pahina.

“Tristan…” ang hindi ko makapaniwalang sabi.

“Scholarship yan sa kahit anong kurso na kunin niyo sa college.”

“Kaya lang, applicable lang yan sa University sa may bayan.”

“Dun lang kasi may affiliation si Daddy eh.”

“Ayos naman dun di ba?  Kaya nga dun napagpasyahan ni Daddy na pag-aralin ako.”

“Kesa mag-Manila pa ako. Dito na lang”

“Don’t worry.  Full scholarship yan.  Sagot na ni Daddy ang 100% ng tuition niyo pati ang miscellaneous fees.  Tapos may monthly allowance pa kayo.”

“Approved na ni Daddy yung scholarship.”

“Kami na ang bahala.  Ang gagawin niyo na lang ay i-fill out yung form tapos isubmit yung mga requirements.”

“For documentation purposes lang naman yan.” ang paliwananag ni Tristan sa amin.

“Grabe Tan. Hindi ba sobra sobra na ‘to?”

“Ang alam ko ang mahal ng tuition dun di ba?   Baka makwestyon siya.” ang nahihiyang tugon ko.

“Hindi ah.  Kasi unang una hindi naman nya sa pondo ng bayan kukunin ang pera.”

“Personal money niya ang gagamitin.”

“Hindi ka na naman iba kay Daddy kaya huwag na kayong mahiya.”

“Yung ibang tao nga e natutulungan namin, kayo pa bang mga bestfriends ko?” ang sabi ni Tristan habang nakangiti.

Halos hindi ko maialis ang mga mata ko sa papel na hawak ko.  Hindi pa din ako makapaniwala.  Alam ng Diyos kung gaano ako kinakabahan dahil hindi ako sigurado kung makakapagkolehiyo ako o kung kakayanin ba ni Lola na pag-aralin ako sa kolehiyo.  Kung hindi man ay may plan B naman na ako.  Either, magteTESDA ako o kaya magtatrabaho muna ako para makapag-ipon.  Pero aaminin ko, pumasok din sa isip ko ang humanap ng benefactor.   Yung taong susuporta sa akin habang nag-aaral ako kapalit ng… alam ninyo na.  Kahit ganito ako ay may pangarap din naman ako.  Kapag nakagraduate ako ay hahanap ako ng magandang trabaho.  Ipapaayos ko ang bahay namin ni Lola.  Bibigyan ko siya ng malaking groceries store.  At ipinangako kong aahon ako sa putik na kinasasadlakan ko.

“Gusto ko sanang parepareho tayo ng kurso. Para magkakasama tayo.”

“Engineering ang gusto ni Daddy na kunin ko e.”

“Civil Engineering?  Mechanical  Engineering?”

“Aeronautical Engineering kaya?”

“Sa tingin mo Nikko?”

Para ba akong nag-Ice Bucket Challenge sa sinabi ni Tristan.  Para akong nabuhusan ng malamig na tubig.  Kaya dali dali kong ibinalik ang papel na hawak sa loob ng manila envelope at isinalpak ito sa dibdib ni Tristan.

“O.  Bakit?”  ang gulat at nagtatakang tanong ni Tristan sa akin.

“Pre, papasok ako para mag-aral at hindi para magsuicide, noh.”  Ang tugon ko sabay lagok ng beer.

“Magsuicide?  Di ko maget.  Anong sinasabi mo?” ang nagtatakang tanong ni Tristan.

“Alam mo bang muntikan na akong hindi makagraduate nang dahil sa Math na yan?”

“At kung alam mo lang ang pinagdaanan ko para lang makapasa.  Halos iben…” hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil naisip ko na si Tristan nga pala ang kausap ko at pumasok sa isip ko ang ginawa namin ni Mr. Robles.  Medyo kinabahan din ako dahil may tama na ako at pwede akong madulas kapag hindi ko pinigilan ang sarili ko.  Napatingin ako kay Tristan at halata sa kanya na naghihintay sa susunod kong paliwanag.

Hindi ako agad nakapagsalita.

“Anong pinagdaanan?” ang tanong ni Tristan nung wala akong maidugtong sa mga sinasabi ko.

“Ano… ah… e…” ang nauutal at kinakabahang sabi ko.

“Ano?” ang muling tanong ni Tristan na mas lalong nagtataka sa pagkautal ko.

“Ano… Luha, pawis, at sakit ng ulo dahil sa Math na yan.” Ang palusot ko.

Hindi agad nagsalita si Tristan.  Hindi ako sigurado kung kumagat ba siya sa palusot ko.  Halata sa reaksiyon nya na nag-iisip siya.  Kaya humanap pa ako ng maipapalusot ko.

“Tan, mahina ako sa Math.”

“Unang una, hindi ko alam kung aabot ang average ko sa requirement ng kurso na gusto mo.”

“Pangalawa, hindi ko alam kung maipapasa ko ang entrance exam.”

“At pangatlo, puro Math ang subject ng Engineering.  Baka first sem pa lang ng freshman year ko ay mag-isip na akong magswitch ng kurso.” Ang muli kong palusot sabay lagok ulit ng beer.

Medyo namumula ang mukha ko at kinakabahan habang nilalagok ko ang beer na hawak ko.  Hindi ko pa din sure kung kinagat na ni Tristan ang palusot ko.  Naginhawahan lang ako nang magsalita na si Tristan.

“Ok.  Para sagutin yung unang dalawang punto mo…”

“Uulitin ko.  Kami na ang bahala ni Daddy dun.  Ang gagawin niyo lang ay sagutan ang application form at isubmit ang mga requirements.”

“Kung iniisip mo yung mga gamit sa kakailanganin sa Engineering…”

“Ako na din ang bahala dun.  Hindi mo kailangang gumastos.”

“At para naman sa ikatlo mong punto…”

“Pagtutulungan natin yan.  Ako din naman hindi ganun kagaling sa Math, pero…”

“Wala namang bagay na hindi nakukuha sa tiyaga di ba?” ang pagkumbinsi sa akin ni Tristan.

Kung tutuusin may punto si Tristan.  Sabi nga nila, kung may tiyaga may nilaga.

“Nikko, once in a lifetime opportunity itong offer namin ni Daddy sa iyo.”

“Make the most out of it na.”

“I am sure may pangarap ka para sa sarili mo at lalo na para kay Lola.”

“Kung gusto mong umayos ang buhay niyo, humanap ka ng trabaho na makapagbibigay sa iyo ng magandang sweldo.”

“Kaya kumuha ka ng kursong makakatulong sa iyo na makahanap ng magandang trabaho.” ang seryosong sabi ni Tristan habang nakahawak sa balikat ko.

Boom!  Talagang tumama sa akin ang reyalidad ng mga sinabi Tristan.  Hindi naman talaga madali ang lahat ng bagay.  Dapat itong paghirapan.  Kung ang hamon ng matematika ay susukuan ko na e wala akong mararating talaga.  Habang buhay akong magtatampisaw sa putik kung hindi ko pipiliting umahon at tiisin ang lamig ng tubig na panglinis.

Pero hindi pa din ako makasang-ayon sa nais ni Tristan.  Hindi ko pa din maiwasan ang kabahan.  Kaya…

“Pag-iisipan ko muna, Pre.” ang tangi kong nasabi.  Halata mang disappointed ay sumang-ayon na din si Tristan sa mga sinabi ko.

“Ok.  Bibigyan kita ng time para magdecide.  Pero huwag matagal kasi kailangan na namin ang decision mo para maayos na namin ni Daddy ang lahat.”

“Pero please lang, iconsider mo yung suggestion ko.  Gusto ko talagang magkakasama tayo.” Ang sabi ni Tristan kasabay ng mga tingin na tila ba naglalambing.

Napatango at napangiti na lang ako sa kanya.  Pero nagtatalo talaga ang isip ko.  Gusto ko na ayaw ko.  Gusto ko dahil bukod sa tama si Tristan sa punto niya ay gusto ko ding magkakasama kami.  Ayaw ko naman dahil alam kong magiging mahirap sa akin ang pagdadaanan ko.

“Yey.  Cheers tayo!  Kampai!” sigaw ni Tristan sabay taas ng bote na hawak.  Agad ko ding kinuha ang bote ng beer ko at idinikit ito sa nakataas na bote ni Tristan.  Ilang segundo din kami sa ganung posisyon dahil hinihintay namin si Derek pero hindi ito kumikilos.

Agad akong napatingin kay Derek na kanina pa tahimik.  Mula nang iabot ni Tristan ang envelope sa aming dalawa ay hindi ko na narinig magsalita ang kaibigan ko.  Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa papel na hawak.

“Huy! Anong nagyari sa iyo?” ang pagsita ko kay Derek.  Mukhang hindi niya ako narinig dahil hindi siya nagreact.

“Huy!” ang muli kong pagsita sabay hagis ng buhangin sa kanya.  Agad siyang napatingin sa akin.  Binigyan ko siya ng mga tingin na nagsasabing kanina pa nakataas ang beer namin.  Napangiti lang si Derek sabay kuha ng beer at taas nito.

“Cheers!” ang sabay sabay na sabi namin sabay lagok.

“Bakit wala kang kibo? Ayaw mo ba sa regalo ko?” tanong ni Tristan.  Naghalfsmile lang si Derek sabay iling.

“O.  Huwag mong sabihin na iiyak ka pa?” ang pagbibiro ko sa kanya.

“Tanga! Bakit naman ako iiyak?” ang tugon niya sa akin sabay hagis ng walang laman na bote ng beer sa akin.

“Natutuwa nga ako e.” ang seryosong dagdag pa niya.

“Wow naman. Sa lahat ng taong natutuwa e ikaw ang may mukha na para bang pinagsakluban ng langit at lupa.” Ang sabi ni Tristan.

“Nako Tristan.  Tara na at lasing na yan.  Baka umiyak pa yan.  Hehehe.” Ang muli kong biro.

Tiningnan muna ako ng masama ni Derek bago muling tumingin sa hawak at nagsalita.

“Sa totoo lang natutuwa ako Tan.  Gusto kong magpasalamat kasi alam kong malaki ang maitutulong nito…”

“Kay Nikko.” Seryosong tugon ni Derek.

“Anong sinasabi mo?  Sa inyong dalawa.  Para sa inyong dalawa yan.” Ang sabi ni Tristan.

“Yun na nga eh.” Ang tila ba malungkot na sabi ni Derek.  Huminga ito ng malalim bago nito dagdagan ang sinabi.

“May gusto sana sabihin sa inyong dalawa… kaya lang…”

“kaya lang… hindi ko alam kung paano sisimulan eh.” ang seryosong sabi ng kaibigan ko.

“Ay nako.  Mantitrip na nam…” hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil agad akong hinawakan sa kamay ni Tristan para ako ay pigilan.  Seryoso itong nakatingin kay Derek at naghihintay ng mga susunod na sasabihin ng kaibigan ko nang ako ay mapatingin sa kanya.

Bigla akong kinabahan nang makita ko ang tila namamasang mga mata niya na nakatitig sa akin.  Hindi ko maintindihan pero nararamdaman kong may maririnig akong hindi ko magugustuhan.  May tama ako at hindi ko sigurado ang magiging reaksiyon ko sa maririnig ko mula kay Derek.  Kaya napagpasyahan ko na tumayo at umalis na lang sa usapan namin.  Pero hindi ko ito magawa dahil sa pagkakahawak ni Tristan sa akin.  At mas nararamdaman ko na humihigpit ang hawak niya tuwing pinipilit ko itong alisin.

Isang napakalalim na hininga ang hinugot ni Derek bago ito nagsalita.  Agad ko ding inalis ang tingin ko sa kanya at inihanda ang sarili sa mga susunod na mangyayari.

“Gusto ko lang sana magpasalamat sa iyo Tristan para sa napakagandang regalo mo sa amin ng bestfriend ko.”

“Una, yung out of town na ito.  Hindi talaga namin inakala ni Nikko na makakapunta kami sa ganitong kagandang lugar.  Makakakain kami ng masasarap na pagkain.  Yung makakapagrelax kaming dalawa.”

“Masaya ako na nakasama at nakilala kita.  Dapat pala e sumama na ako sa iyo dati pa nung inaaya ako ni Nikko sa inyo.  Akala ko kasi matapobre ka.  Maling mali pala ang iniisip ko.  Pasensya ka na ha?”  ang bungad ni Derek.

Tumango lang si Tristan at nagsmile sa kanya bilang tanda na ok lang sa kanya at tinatanggap nya ang paghingi ng dispensa ng kaibigan ko.

“Sabi ko nga kay Nikko na ayos ka pala.  May kulit ka din palang taglay.  Cowboy ka at may pagkajologs.”

“Marunong din palang tumuntong sa tinutuntungan namin ang isang katulad mo.

“Mali talaga yung husgahan ang isang tao nang dahil lang sa kung ano ang sinasabi ng iba.”

Muling tumahimik si Derek.  Halata sa kanya na pinag-iisipan ang susunod na mga sasabihin.  Halos sumasabay ang tibok ng puso ko sa pagtipa ng bawat segundo.  Habang tumatagal ay lumalakas ito ng lumalakas.

“Sa tulad namin na hindi sigurado kung makakatuntong sa kolehiyo, isang malaking tulong itong scholarship na inaalok mo.”

“Swerte namin kasi halos isubo mo na sa amin yung oportunidad na ito.  Isang tanga at gago lang ang hihindi sa pagkakataong ito.”

“Ang saya sana ng gusto mong mangyari. Yung pare pareho tayo ng kurso para magkakasama pa din tayo.”

“Yung magtutulungan tayo na makapasa.  Walang iwanan.  Hanggang sa huli dapat magkakasama.”

“Yan yung klase ng samahan na hindi mo talaga makakalimutan e.”  ang huling sinabi ni Derek bago ito tumahimik at mag-isip muli.  Ilang saglit pa at pagkatapos ng malalim na hininga…

“Kaya lang…” agad na napahinto si Derek.  Tila ba pinipigilan ang sarili.  Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.  Nagsisimula na din akong kilabutan dahil parang nararamdaman ko na kung saan hahantong ang usapang ito.  Gusto ng katawan ko na umalis para hindi ko marinig ang sasabihin ni Derek pero pinipigilan ako ng mga kamay si Tristan.

“Kaya lang hindi ko na kayo masasamahan ni Nikko.” ang sabi ni Derek.

“Ha? Bakit?” ang gulat at nagtatakang tanong ni Tristan.

Hindi agad nakapagsalita si Derek.  Ramdam kong nahihirapan siyang sabihin sa amin ang totoo.  Ramdam kong nagtatalo ang puso at isipan nya pero nasa sitwasyon siya na alam niyang wala na siyang magagawa.  Muli siyang huminga ng malalim bago ibinagsak ang masamang balita.

“Lilipat na kasi kami ni Papa sa Surigao.” ang malungkot na sabi ni Derek sa amin.

Para bang nagevaporate ng lakas ko.  Para bang gusto kong himatayin sa sinabi ni Derek.  Napayuko na lang ako at napailing.  Ramdam ko ang lalong paghigpit ng hawak ni Tristan.  Wala akong naririnig na reaksiyon mula sa kanya marahil ay sa pagkabigla.  Dahan dahan akong tumingin sa kaibigan ko.  Parang kinurot ang puso ko nang magtama ang mamasamasang mga mata namin.  Napakunot siya ng noo at biglang napatingala para pigilan ang mga luhang kanina pa gustong bumagsak.  Naramdaman ko na din ang unti unting pangingilid ng luha ko kaya inalis ko na din ang tingin ko sa kanya.

Katahimikan ang bumalot sa amin.  Hindi namin alam ang sasabihin sa isa’t isa.  Marahil ay nabibigla pa sa masamang balita na binitawan ng kaibigan ko.  Biglang nawala ang tama ko.  Parang namamanhid na ang katawan ko dahil hindi ko na din maramdaman ang pagkakahawak ni Tristan sa akin.  Napapakagat na ako ng labi dahil ramdam ko na babagsak na ang luha ko anu mang oras.

Ilang saglit pa ay binasag na ni Tristan ang katahimikan.

“Kelan ang alis mo?” ang tanong ni Tristan.

Humugot muna ng malalim na hininga si Derek bago ito nagsalita.

“Actually, nandun na si Papa.  Umalis na siya kahapon.”

“Pagkabalik natin sa Bulacan…”

“Mga dalawang araw pa bago ako sumunod sa kanya.” ang malungkot na sagot ni Derek sabay singhot.

Biglang tumama sa akin ang katotohanan na isang Linggo ko na lang pala makakasama ang kaibigan ko.  Ang bestfriend ko na kasama ko buong buhay ko.  Parang ginarote ang puso ko.  Ramdam ko na ilang saglit pa ay sasabog ang emosyon ko.  Kaya agad akong tumayo.  Hinatak ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Tristan at nagsimulang maglakad papalayo sa dalawa.

“Nikko…” ang tawag ni Tristan sa akin sabay akma na tatayo.

“Tan…” ang sabi ni Derek sabay hawak sa kanya.  Alam kong pinigilan ni Derek si Tristan para hayaan akong makapag-isa.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad sa dalampasigan.  Hindi ko na alam kung gaano katagal at gaano kalayo ang nalakad ko bago ako nagpasyang huminto at maupo sa may buhangin.  Nakatanaw kung saan.  Malamig ang paligid pero nag-iinit ang mukha ko sa inis.  Maganda ang paligid na natatamaan ng sinag ng buwan pero hindi ko ito maappreciate dahil naghahalo ang emosyon ko.  Nakakamangha sana ang mga bituin sa langit pero halos kasing dami nito ang iniisip ko.  Si Derek na ang kasama ko buong buhay ko.  Sa lahat ng sarap at hirap.  Sa lahat ng mga kalokohan.  Siya ang lagi kong nilalapitan.  Sa kanya lang ako may tiwala.  Ang hirap.  Para akong mapuputulan ng dalawang kamay at paa kapag nagkalayo kami.

Ilang bangka din ang dumaan.  Ilang saglit pa ang lumipas nang maramdaman ko na may tumabi sa akin.  Hindi ko na tiningnan dahil alam ko na naman kung sino siya.  Humiga lang ako ng malalim bago ako nagsalita.

“Kelan mo pa alam?”  ang tanong ko.

“December pa lang, pre.  Sinabi na ni Papa sa akin.” Ang sagot ni Derek.

“December pa!?” ang gulat na tugon ko sabay tingin kay Derek.  Hindi na siya nagsalita pa.  Bagkus ay tumango na lang at umiwas ng tingin sa akin.

“Wala ka man lang sinabi sa akin.  Bakit?”

“Hindi ko maintindihan, Pre.”

“Ano ba ang balak mo? Aalis ka na lang ng walang paalam?  Ganun?”

“O kaya kung kelan ka nandun tsaka mo na lang sasabihin sa akin?”  iritang tanong ko.  Hindi agad nakasagot si Derek kaya mas lalo akong nainis.

“Ano?!” muli kong tanong.

“Hindi naman sa ganun, Pre.” ang tanging sagot niya.

“Tangina! Halos araw araw magkasama tayo. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo agad sinabi sa akin?!?” ang medyo malakas na sabi ko.

“Akala mo ba ganun kadali sa akin yun, Pre?  Alam ng Diyos na mula nung araw na malaman ko, gustong gusto kong sabihin sa iyo.  Na sa tuwing nagkikita tayo gusto kong sabihin sa iyo pero hindi ko malaman kung paano ko sisimulan.” Ang halata ding irita na sagot ni Derek.

Muli kaming nanahimik dalawa.  Ang dami kong gustong sabihin ngunit hindi ko alam kung alin ang uunahin ko.  Sa mga pagkakataon na napapatingin ako kay Derek ay ramdam ko ang paghihirap ng kalooban niya.

“Pre, baka naman pwede mong pakiusapan yung tatay mo.”  Ang sabi ko.

“Nik.  Kilala mo si Tatay.  Batas ang desisyon nun.” Ang sagot ng kaibigan ko.

“Di Pre.  May magandang dahilan ka na ngayon.  Yung Scholarship na inaalok ni Tristan.  Sayang yun Pre.”  Pangungulit ko.

“Pre.  Alam ng Diyos na gustong gusto ko tanggapin yung Scholarship.  Pero alam mong hindi papayag si Tatay lalo’t manggagaling sa pamilya ni Tristan yung tulong.”  ang paliwanag ng kaibigan ko.

“Hindi ko ma-get.  Hindi ba niya pwedeng isangtabi ang kung anumang hinanakit niya sa Tatay ni Tristan para sa kinabukasan mo?”  ang muling tanong ko.

“Pre, alam na alam mo ang sagot sa tanong mo na yan.” Ang tugon ni Derek na seryosong nakatingin sa mga mata ko.

“Tumatanaw kasi kami ng utang na loob sa Tita kong nasa Surigao. Yung kapatid ni Nanay.”

“Siya kasi yung sumagot sa hospital bills ni Nanay.  Alam mo naman di ba kung gaano kalaki ang nagastos namin sa kanya. Kamalasmalasan, hindi na nga naisalba ang buhay niya, nabaon pa kami sa utang.”

“Si Tita na din yung sumagot sa pagpapalibing sa kanya.”

“Si Tita din yung tumulong sa amin na mapiyansahan si Tatay nung makulong siya.”

“Si Tita din yung sumagot sa pag-aaral ko.”

“Kaya bilang pagtanaw ng utang na loob at para makabawas bawas sa utang…”

“Nagpasya si Tatay na magtrabaho kami sa kanya kapag nakagraduate ako ng high school.”  Ang huling sinabi ni Derek bago ito nanahimik.  Bakas sa mukha niya ang lungkot at panghihinayang.  Bakas din sa mukha niya na nag-iisip siya ng kanyang sasabihin.  Ilang saglit pa ay bumugtong hininga ito at mulng nagsalita.

“Sobra akong naiinggit sa iyo Pre.  Sa kabila kasi ng pinagdaanan mo…”  muli siyang nagbuntong hininga.

“… may pagkakataon ka na para makaahon ka.”  Kita na din ang mabilis na pagkurap niya na tanda ng pagsisimula ng pangingilid ng mga luha niya.

“Samantalang ako… habang buhay na akong nakatali sa sitwasyon ko…”

“… yung… yung wala akong control sa kapalaran ko.   Habang buhay na magbabayad sa utang ng pamilya ko.”

“Tanginang buhay ito.  Ipinanganak ka na sa lusak… at malamang na mamamatay akong nakalublob pa din sa burak.” Ang malungkot at medyo napapasinghot na sabi ni Derek.

“Ano ka ba?  Pwede pa naman nating baguhin yan Pre.”  Ang sabi ko habang nag-iisip ng posibleng paraan.

“Pre huwag mo nang ipilit.  Hindi na talaga uubra.”  Ang tugon niya sa akin sabay hawak sa balikat ko.

“Pre, siguro naman pwede siyang kausapin ni Lola.  Kahit papaano naman may respeto at makikinig ang tatay mo sa Lola ko. Di ba?”  Ang pangungulit ko kasabay ng pagsisimula ng pangingilid ng mga luha ko.

Hindi na nagsalita pa si Derek.  Ngumiti na lang ito at hinimas ang balikat ko.  Ilang saglit lang ay lumapit siya sa tabi ko at inihilig ang ulo sa gilid ko.  Muling huminga ng malalim bago muling nagsalita.

“Salamat Nikko kasi alam kong nag-aalala ka sa akin.”

“Okay lang ako.  Matagal ko nang tanggap ang magiging buhay ko.”

“Ang importante sa akin ngayon ay yung kapakanan mo.  Basta alam kong okay ka… na magiging ok ka na.”

“okay na ko dun.” Ang sabi ni Derek bago ko maramdaman ang pagpatak ng luha niya sa bisig ko.  Ang pagdampi ng mga luhang yun ang naging mitsa para tuluyang sumabog ang damdamin ko.

“Paano na ako Derek?” ang halos mautal na sabi ko kasabay ng isang malakas na hagulgol.

Agad akong niyakap ng mahigpit ni Derek.  Tulad ko ay hindi na din niya napigilan ang mapaiyak.

“Tangina Pre.  Ito ang iniiwasan ko e.  Yung magkaganito tayong pareho.”  Ang sabi ni Derek habang umiiyak na nakayakap sa akin.

“Kaya sobrang hirap para sa akin ang umalis kasi alam kong maiiwanan kita.”

“Halos buong buhay ko ikaw ang kasama ko.”

“Halos sa araw araw na ginawa ng Diyos iyang mukhang iyan ang nakikita ko.”

“Tangina. Magkamukha na nga tayo e.”

“Nakakasuka na.”

“Nakakasawa na.”  ang sabi niya habang umiiyak at nakayakap pa din sa akin.

“Tanginamo ka. Lalayas ka na lang e nagawa mo pang mang-asar na hayop ka.” ang tugon ko sabay pilit na kumakawala sa pagkakayakap  ni Derek.  Mautak talaga si gago dahil lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.  Alam niya kasing isang kutos ang pakakawalan ko sa kanya.

“Huwag mo nang ipilit at hindi ka makakawala.  Hehehe.” Ang natatawa at naiiyak na sabi ng kaibigan ko.

Ilang minuto din kami sa ganung posisyon bago ako pinakawalan ni Derek.  Sabay kaming natawa ng makita namin ang hitsura ng isa’t isa.  Agad naming pinahid ang mga luha, nagpahid ng sipon  at inayos ang sarili namin.

“Ang pangit mong umiyak, Pre.” ang pang-aasar ko habang nagpapahid ng luha.

“Ulul.  Tingnan mo nga yang sarili mo.  Kung makapagsalita ka e parang ang ganda mong umiyak.”  Ang tugon niya habang nagpapahid din ng luha.  Kasunod nito ay isang malakas na tawanan.

Muli kaming tumahimik ni Derek.  Nagmuni muni.  Pinagmamasdan lang ang mga dumadaang bangka.  Kahit paano ay medyo gumaan na ang pakiramdam ko.  Kinakabahan pa din sa posibleng mangyari.  Mukhang wala na talagang magagawa kaya dapat na din siguro tanggapin.

“Kahit paano napapanatag ako kasi nandiyan naman si Tristan.  Alam kong hindi ka niya pababayaan.”

“Pilipinas pa din naman ang Surigao di ba?  Kaya madali pa din yung communication natin”

“Tawagan niyo ako ha?  Siguraduhin niyong babalitaan niyo ako sa mga nangyayari dito.”

“Basta huwag niyo akong kakalimutan ha?  Kahit anong mangyari magkakaibigan pa din tayo.”

“Ako pa din ang bestfriend mo, ha?”

“Tangina ka.  Subukan mo lang akong palitan.  Ipapabugbog kita sa mga kontak ko dito.” Ang pagbabanta ni Derek sa akin.

“Gago.  Oo naman.  Bakit naman kita papalitan?  Tsaka may usapan nga tayo di ba?  Ako lang ang una at huling jojowain mo at sa akin ka lang magpapatira sa pwet. Hahaha.” Ang pang-aasar ko.

“Ulul kang baboy ka.” Ang inis pero natatawang sabi ni Derek.

“Pero seryosong usapan Pre.  Tanggapin mo yung offer ni Tristan.  At huwag na huwag mong sasayangin yung pagkakataon na ibinigay niya sa iyo.  Ipangako mo yan.”  Ang seryosong sabi ni Derek habang nakahawak sa balikat ko.

“Huwag kang mag-alala, Pre.  Hindi ko talaga sasayangin. Mag-aaral akong mabuti.  Aayusin ko ang buhay ko.  Sisiguraduhin kong aangat ako.”

“At pangako ko sa iyo kasama ka sa pag-angat ko.  At kapag nandun na ako, ako mismo ang pupunta sa Surigao para kunin ka.  Pangako yan.” ang sinabi ko kasabay ng muling pangingilid ng mga luha ko.

“Salamat, Pre.” Ang nakangiti at maluha luhang sabi ni Derek sa akin.

Ilang saglit na tumitig sa akin si Derek.  Kasunod nito ay hinawakan niya ako sa batok.  Hinatak nya ako palapit sa kanya hanggang sa magtama ang aming mga labi.  Sa totoo lang hindi ko alam ang dahilan kung bakit niya ginawa yun sa akin.  Hindi ko din naman maintindihan sa sarili ko kung bakit ako pumayag.  Basta ang alam ko lang ay yun ang tamang gawin sa mga oras na yun.  Mahal lang namin siguro talaga ang isa’t isa.  Higit pa bilang magkaibigan at makapatid.  Pero hindi naman tulad ng magkasintahan.  Somewhere in between siguro.  Matapos nun ay yumakap siya sa akin ng mahigpit.  Parang ayaw ko na siyang bitawan sa totoo lang.  Lalo’t alam ko na bilang na ang mga araw na magkakasama kami.

Ilang sandali pa nang…

“Oh. Tama na yan.  Nagseselos na ako.”  ang nagbibirong sabi ni Tristan.

“So, ano?  Nagkabati na kayo?” ang dagdag pa niya.

“Ay naku Tan, pagsabihan mo nga ito.  Ang drama kasi nitong kaibigan mo. May pawalkout walkout pang nalalaman.  Hehehe.” Ang sabi ni Derek habang nagmamadaling tumayo at lumayo sa akin.

“Gago!” ang tugon ko sabay daklot ng buhangin at hagis sa kaibigan ko.

“Hey! Hey! Hey! Tama na yan. Tara na at may uubusin pa tayong beer dun.” Ang pag-awat ni Tristan sa amin.  Hinawakan niya ako sa kamay para tulungang makatayo.

“Biglang nawala ang tama ko dun ah.  Makabalik na nga at kanina pa ako nauuhaw.” Ang sabi ni Derek sabay lakad ng mabilis pabalik sa pinag-iinuman namin.

“Lasenggo!” ang sigaw ko.

Naiwan kami ni Tristan.  Inayos ko muna ang sarili ko at nagtanggal ng buhangin.  Medyo kinabahan din ako kasi hindi ko alam kung gaano katagal na siyang nandun.  Baka kasi nakita niya ang ginawa namin ng bestfriend ko.  Saglit akong nakiramdam.  Pero wala naman akong naramdaman na kakaiba sa kilos ni Tristan kaya sinimulan ko na ang maglakad.  Ilang saglit lang ay naramdaman ko ang pagbagsak ng mabigat na bisig ni Trisan sa balikat ko.

“Okay ka lang?” ang tanong niya sa akin.

Bigla akong napahinto.  Naramdaman ko na may biglang dumaklot sa puso ko.  Mabilis na naipon ang luha sa mga mata ko.  Hindi na ako nakapagsalita pa.  Hindi ko na din nagawang tumingin kay Tristan.  Bagkus ay umiling na lang ako.  Hinawakan nya ako sa ulo at itinuon ito papunta sa dibdib niya.  Hindi ko na nagawang pigilan ang pagbagsak ng mga luha ko.

“Sabi ko na nga ba e.”  ang sabi ng napapailing at nangingiting si Tristan.

“Sige lang.  Iiyak mo lang yan.  Nandito lang ako.  Hindi kita pababayaan.”

“Magiging okay din ang lahat.” Ang huling mga sinabi ni Tristan bago ako tuluyang yumakap sa kanya.

Huling araw na namin sa Calatagan.  Halos isang linggo din kaming namalagi duon.  Ilang oras na lang ay babalik na naman kami sa katotohanan ng kabihasnan.  Malapit na ang bukang liwayway.  Hindi pa man sumusilip ang araw pero nag-aagawan na ang liwanag at dilim.  Maaga kaming natulog kinagabihan kaya maaga din kaming nagising.

Nasa may terrace ako sa ikalawang palapag.  Nakatanaw kina Derek at Tristan na masayang nagtatampisaw sa malamig na tubig ng dagat.  Sinusulit na nung dalawa ang pagkakataon dahil bibiyahe na kami anumang oras.  Ayos na ang lahat.  Naempake na ang mga gamit.  Full tank na ang sasakyan.  Nakahanda na din ang mga pasalubong na iuuwi namin. Gusto ko sanang sumama sa dalawa kaya lang di na sila pumayag dahil may sinat ako.  Baka daw kasi matuluyan ako kapag naligo pa ako sa dagat.  Wala naman ako nagawa.  Kapag kasi sinabi ni Tristan, tulad ng tatay ni Derek, para sa akin ay batas.  Abala ako sa panonood sa dalawa nang…

“Huwag mong masyadong titigan at baka malusaw.  Hehehe.”  Ang pabirong sabi ni Karlo.

Agad akong napalingon sa kanya.  Nakangiti naman ito habang papalapit sa akin.  May tangan na dalawang malaking cup ng kape.  Nang makalapit ito ay iniabot nya sa akin ang isang tasa.

“Salamat.” Ang mahina at medyo awkward na sabi ko.  Nagsmile lang si Karlo.  Humigop ng kape at tumingin kina Tristan at Derek.

Saglit na katahimikan.  Abala si Karlo sa pag-inom ng kape at panunuod sa dalawa. Samantalang hindi naman ako mapakali sa kinakatayuan ko.  Gustuhin ko mang umalis pero hindi ko magawa. Baka kasi iba ang maging dating kay Karlo.  Pero hindi ko din naman alam ang sasabihin ko sa kanya.  Sa loob kasi ng halos isang linggo na magkakasama kami ay hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap ng kaming dalawa lang.  Naiilang din kasi ako sa kanya tuwing magkasama kami dahil lagi nya akong tinitingnan ng malagkit.  Para bang inoobserbahan nya lahat ng kilos ko.  Kahit sobrang awkward na ay nanatili na lang ako sa tabi niya.  Ilang saglit pa…

“So… kamusta naman ang pakiramdam mo?  May sinat ka daw?” ang tanong ni Karlo sabay salat sa leeg ko.

Hindi ko inasahan ang ginawa ni Karlo na iyon.  Muntikan ko na din mabitawan ang hawak kong kape.  Buti na lang at medyo mabilis ang mga reflexes ko kaya napigilan ko ang pagbagsak ng tasa at pagtapon ng laman nito.  Nabigla man ay wala na akong nagawa.

“Oo.  Medyo masama pakiramdam ko kagab…” hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil may napansin ako kay Karlo.

Teka.  Akala ko ba hindi ka nagtatagalog?” ang pagtataka ko.

“I didn’t say that.”

“Oo, Nahihirapan akong matagalog but it doesn’t mean na hindi ko kaya.”  Ang sabi ni Karlo.

Hindi na ako nakapagsalita agad.  Bigla akong napaisip.  Parang dejavu ang nangyayari.  Parang ganito ang eksaktong nangyari dun sa panaginip ko nung unang gabi namin dito at alam kong alam niyo kung saan nauwi ang panaginip na iyon.  Bigla akong kinabahan.  Ibinaba ko ang kape ko sa may veranda.  Napahawak ako sa kumakabog kong dibdib.  Napansin ito ni Karlo kaya hinawakan nya ako sa balikat.

“Ok ka lang ba?” ang tanong ni Karlo habang hinihimas ang balikat ko.

“Ok lang ako Karlo.” Ang tugon ko.

“Ano… uhm… ang sabi kasi ni Tristan e sa Australia ka daw lumaki kaya hindi ka maalam magtagalog.” Ang medyo kinakabahang sabi ko.

“Yup.  Hindi talaga ako maalam, but that was three years ago.  The last time that I saw him, sabaw talaga ako sa tagalog.  It was Tristan who encouraged me to learn the language since I am half Pinoy. That’s why  I ask my Mom to hire a Tagalog tutor… so… here I am now.  Nakakapagtagalog na. Hehehe.” ang pagmamalaki ni Karlo sa akin.

“Although, may mga words pa din sa tagalog na hirap akong sabihin at intindihin, especially yung mga deep words.  But I am getting there.  More studying at practice pa.”  ang dagdag pa ni Karlo sabay smile.

“Alam na ba ni Tristan?  Kasi hindi ko pa kayo nakitang nag-usap sa tagalog.  Minsan nga kahit tinatagalog ka na niya e english pa din ang sagot mo.” Ang pagtataka ko.

“Yes.  Sinabi ko na sa kanya.  At sobrang nasurpise at natuwa siya sa improvements ko.  Kaya lang…” ang pambibitin ni Karlo.  Bigla siyang napahinto at napatingin kina Tristan at Derek.

Nakatingin lang ako sa kanya at naghihintay ng susunod nyang sasabihin.  Ilang saglit pa ay napangiti siya at napailing sabay harap sa akin.

“Nevermind.”  Sabay halfsmile.

“Anyways, I am so happy that we are having this conversation.  One week tayo dito… well… almost.  And yet di tayo nabigyan ng chance makapagusap.  Si Derek pa lang ang nakakausap ko.”  ang sabi ni Karlo sabay higop ng kape.

“Honestly, gusto talaga kitang makausap.”

“Marami akong gusto sanang sabihin at itanong sa iyo.”

“Akala ko nga hindi na mangyayari.  Kaya, thank God that I got this chance.”  ang sabi ni Karlo bago humigop ulit ng kape at ibaba ang tasa sa may veranda ng terrace.

Muli na namang kumabog ang dibdib ko.  Wala namang ginagawa si Karlo pero basa ko sa mukha niya na seryoso ang pag-uusapan namin.  Nakakapanibago ang seryosong ekspresyon nya ngayon kumpara sa maamo at masayahing ekspresyon niya kapag kasama namin sina Tristan at Derek.  Hindi na lang ako kumibo.  Huminga na lang ako ng malalim at nag-abang ng susunod na sasabihin niya.

“Among my cousins, kay Tristan ako pinaka close.  Siya kasi yung ka-age ko eh.  Although, sa Australia ako pinanganak at lumaki, yearly naman ay umuuwi kami dito ng family ko during summer vacation namin.  At sa kanila kami nagstay for a month.”

“Kababata ko siya.  Kahit isang buwan lang sa loob ng isang taon kami nagkakasama, hindi naman napuputol ang communication namin.  Salamat sa Skype at internet.  Hehehe.”

“Sobrang bait at malambing kasi si Tristan kaya madali mong makakasundo.  Napakathoughtful.  Napakaselfless.  Kaya masuwerte lahat ng nakakaclose ng pinsan ko.”

“Kaming dalawa yung laging magkasama.  Lalo na sa kalokohan.  Hehehe.”

“Partners in crime, kumbaga.”  Saglit na tumahimik si Karlo at muling tumingin kay Tristan.  Napabuntong hininga bago muling nagsalita.

“Then, out of nowhere, biglang lumabas ang name mo sa picture.  We were 7, 8 or 9…?”

“…gosh I can’t even remember but around that age.  Sabi niya, may new friend siya na bagong dating sa lugar niyo. Naaawa daw siya sa iyo kasi aloof ka daw at walang friend kaya kinaibigan ka niya.  Since then lagi ka na niyang bukambibig sa akin tuwing mag-uusap kami.  And he also said na he can’t wait daw for the time na makikilala kita at makakapaglaro tayo.” Bigla ulit napatahimik si Karlo.  Napangisi ito at tila ba may naalalang nakakatawa.  Napatanga lang ako sa kanya.  Hindi ako kumikibo at naghihintay lang ng susunod niyang sasabihin.  Agad na napansin niya ang nagtatakang ekspresyon sa mukha ko.  Kaya…

“Sorry.  May naalala lang ako.” Ang sabi niya sabay iling at ngiti.

“Naalala ko nung maghiwalay yung parents niya at nagmove sila nina Tita sa US, inutusan nya ako na hanapin daw kita kapag umuwi ako ng Pilipinas.  Bigla daw kasing hindi ka na nagpapakita sa kanya.  Sobrang nagwoworry siya na baka may nagawa siyang kasalanan kaya nagalit ka.  Actually, nagtampo pa nga siya sa akin nung sabihin ko sa kanya na hindi kita nahanap nung umuwi kami that time.  Hindi naman kasi kami sa kanila nagstay kundi sa Manila.  Sa tinutuluyan ko ngayon.”

“Sa totoo lang hindi ko maintindihan si Tristan kung bakit ganun na lang ang takot niya na baka nagalit ka sa kanya.  Hindi naman kasi siya ganyan sa akin.  Kapag nagkakagalit kami feeling ko ako lang affected.  Most of the time ako ang unang humihingi ng sorry.  Hindi naman kasi mapagtanim ng galit si Tristan.  Naisip ko nga masyado lang siguro akong sensitive.  Hehehe.”  Ang medyo natatawang kwento ni Karlo.
Ilang saglit pa ay muli na namang naging seryoso si Karlo.

“One week after na makauwi si Tristan dito sa Pilipinas, binisita ko siya sa US.  Sobrang excited ko nun kasi nga almost 3 years din kaming hindi nagkita. To my surprise… wala na pala siya dun.  Nakauwi na pala dito.  Hindi man lang niya sinabi sa akin na uuwi pala siya dito.  I should’ve bought a plane ticket going here instead.” Muling nagbuntong hininga si Karlo habang nakatingin kay Tristan.

“When I found out na wala siya, I called him right away.  No answer.  So I tried to message him sa Skype.  Hindi ko napansin na may message na pala siya sa akin a couple of days nung dumating siya dito.”

“And the message was…”

“Cuz! I found him.  I found my bestfriend Nikko.” Ang medyo exaggerated na sabi ni Karlo kasabay ng pilit na ngiti.

“Fuck!” ang mahinang sabi ni Karlo.

“Ang sakit nun sa dibdib, alam mo ba?”

“You know why?” ang tanong niya habang seryosong nakatingin sa akin.

Hindi ako sumagot.  Umiling lang ako ng marahan.

“Because all along, akala ko ako ang best friend niya.”

“Imagine, I am with him throughout his life.  We’re partners in crime.  We’re like, me and him against the world.”

“We know each other’s likes and dislikes.  We know each other’s frustrations.  We know each other’s secret.  Nag-out nga kami sa isa’t…” biglang natigilan si Karlo.  Base sa ekspresyon ng mukha nya ay tila ba muntik na siyang madulas sa kanyang sasabihin.

“I mean, nag-out pa nga ako sa kanya.  Siya lang ang nakakaalam sa pagkatao ko.  And I am so thankful na natanggap niya ako.”  Ang halatang relieved na sabi ni Karlo.

“Pero ikaw, kelan ka lang naman dumating.  Nawala ka pa nga di ba?  Then, all of a sudden, ikaw na ang bestfriend niya?”

“Sobra akong nagselos.  Actually, nagalit ako sa iyo.  Sorry ha? But I can’t help it e.”

“Bakit ganun?  Hindi ko maintindihan?”  ang napapaisip na sabi ni Karlo.

“llang araw din ako nagdamdam.  At some point umiyak din ako.  Parang bata di ba? Parang bata na naagawan ng laruan.  Hehehe.”

“Nagkaroon tuloy ako ng interest na makita ka.  I made my research.  Facebook.  Instagram.  Snapchat.  Twitter!”

“I even googled your name pero walang lumabas.” Ang sabi ni Karlo.

“Wala naman kasi akong Social Media account.” Ang sabi ko naman.

“What?  Seriously?  Saang kweba ka ba nakatira?” ang nakataas kilay pero natatawa na tanong ni Karlo na sinagot ko ng awkward na ngiti.

“Well, anyways, going back.  Since hindi kita makita sa internet I decided na umuwi na lang dito.  It took me sometime to get here kasi nag-ipon pa ako ng pamasahe.  Nung makaipon na ako, I immediately booked my flight here kaya, here I am!  Nandito na ako.  Tamang tama naman ang dating ko kasi eksaktong may out of town kayo.  It’s like hitting 3 birds with one stone.  Una, makakapagrelax ako.  Pangalawa, makikita ko ulit si Tristan.  At pangatlo makikilala na kita.  Tapos bonus na din yung nameet ko si Derek.  Hehehe.” napahinto si Karlo at napangiti.  Tila may magandang bagay na naalala.

Alam ko na ang iniisip ni Karlo.  Bigla kasing pumasok sa isip ko yung nakita kong ginawa nila nung dumating kami dito sa beach house.

“Nung sinundo nyo ako that time, alam ko na ikaw yung nasa harap ng sasakyan kahit hindi ka pa iniintroduce ni Tristan sa akin.  Ikaw agad ang nakita ko nung ibinaba niya yung bintana ng sasakyan.  Mixed emotions ako habang palapit sa inyo.  Happy kasi makikita ko na naman si pinsan.  Awkward din kasi may dinadamdam nga ako”

“And… things got worst nung pinigilan ka nyang bumaba. At hinayaan niya akong maupo sa likod niya.”

“I was so disappointed kasi hindi ko naramdaman na excited siya to see me.  Imagine, almost three years kaming hindi nagkita.  Ano ba naman yung tumabi ako sa kanya sa harap ng sasakyan ng ilang oras para makapagkwentuhan kami ng maayos di ba?” ang seryosong sabi ni Karlo.  Titig na titig pa din ito kay Tristan.  Nahabag ang loob ko ng makita kong medyo namumula at namamasa na ang mga mata ng kausap ko.  Nakatingin lang ako sa kanya.  Ilang saglit pa ay napatingin siya sa akin.  Nagsmile at…

“Sorry Nikko if nagiging emotional ako.  I know na lahat ng sinasabi ko doesn’t make any sense to you.  Sorry kung sinasabi ko sa iyo ang lahat ng ito kasi sa totoo lang wala akong mapagsabihan eh.  Medyo matagal ko nang kinikimkim to.   Nahihirapan na ako sa totoo lang.” ang malungkot na sabi ni Karlo sa akin.

“Bakit hindi mo sabihin kay Tristan?  I am sure mas matutulungan ka niya.” Ang sabi ko sa kanya.

“I can’t.  Pero deep down in my heart gusto kong sabihin sa kanya.  Gusto kong kumprontahin siya.  Gusto kong tanungin siya…”

“But I just can’t.”  Ang napapailing na sabi ni Karlo.

“Bakit?” ang nalilitong tanong ko.

“Kasi natatakot ako.  Baka kasi magalit siya.  Baka kasi iwasan na niya ako.  Baka kasi biglang may magbago sa amin.  Hindi ko kakayanin yun Nikko.”

“Hindi ko kayang mawala si Tristan sa akin. Kasi…”   humugot ng malalim na hininga si Karlo bago niya bitawan ang mga salitang magpapagulat sa akin.

“I love him so much.” Ang sabi ni Karlo sabay tingin sa akin at hawak sa kamay ko.   Base sa mga tingin na iyon ay agad kong nakuha ang ibig niyang sabihin.

“Pero magpinsan kayo, di ba?” ang tanong ko.

“Yup. Kaya nga mas mahirap e. Alam kong bawal.  At alam kong hindi pwede.”  ang seryosong tugon ni Karlo sabay tingin kay Tristan na masaya pa ding naliligo sa dagat kasama si Derek.

“So… Sor… sorry Karlo.  Pe… Pero hindi ko alam ang sasabihin ko e.” ang lito at mautal utal na sabi ko.

“No.  It’s ok.  You don’t have to say anything.”  Ang sabi niya sabay hawak sa balikat ko.

“Pero.  Bakit mo sanasabi sa akin ang totoo?”  ang nagtataka kong tanong .

“I don’t know.  Something is telling me na dapat ikwento ko sa iyo ito.” Ang huling sinabi ni Karlo bago siya tumahimik muli.

Wala na akong nagawa kundi ang mapatanga kay Karlo.  Hindi ko inexpect ang mga nalaman ko.  Hindi ko din maintindihan sa kanya kung bakit kailangan niyang sabihin ang napakalupit na sikreto na iyon. Pero sa kabila ng lahat ay nakaramdam ako ng pagkaawa sa kanya.  Alam kong mahirap ang pinagdadaanan niya.  Mainlove ka ba naman sa pinsan mo.  Gustuhin ko mang hindi paniwalaan ang sinasabi ni Karlo sa akin pero ang mabigat na ekpresyon ng mukha niya ay sapat na para ako ay makumbinsi.

Tumahimik kaming muli ni Karlo at pinagmasdan lang ang dalawa sa paliligo.  Hanggang sa napatingin sa amin si Tristan.  Kahit malayo siya ay bakas ang mga ngiti sa mukha nya.  Kumaway ito sa amin na sabay naming sinagot ng magiliw na kaway pabalik.  Nagkatinginan kami ni Karlo.  Tila ba may kung anong tumama sa kanya kaya itinigil nya ang pagkaway na ginagawa.

“Nakakatawa di ba?  Hindi ko sigurado kung ako ba o ikaw ang kinakawayan niya.” Ang sabi ni Karlo bago siya muling nagseryoso.

Bigla akong nakaramdam ng hiya kaya tumigil na din ako sa aking ginagawa.  Naging awkward ang sitwasyon.  Hindi ko alam ang gagawin ko.  Para lang makaiwas sa sitwasyon na iyon ay nagpasya na akong bumalik sa kwarto.  Akma na akong magsasalita para magpaalam nang biglang magsalita si Karlo.

“Nikko…”

“Can I ask you a question?”

“A very personal question?”  ang seryosong tanong ni Karlo na nakatitig sa akin.

Sinasabi ng isip ko na “Huwag” pero ramdam ko na iba ang lalabas sa bibig ko.

“Sige.” ang napipilitang sabi ko.

Kung may kamay lang ang utak ko malamang ay nasampiga na nito ang mukha ko.  Hindi agad nagsalita si Karlo.  Halata sa mukha niya na nagdadalawang isip siya kung bibitawan ba niya ang tanong o hindi.  Kita kong seryoso ang itatanong niya kaya inihanda ko na ang isip at kalooban ko.  Huminga ng malalim si Karlo at…

“Are you gay?” ang seryosong tanong niya habang nakatitig sa akin.

“Putangina!  Anong tanong yun?” ang nasabi ko sa isip ko.

Hindi ako nakaimik dahil sa pagkabigla.  Sa loob kasi ng labing anim na taong nabubuhay ako ay ito pa lang ang unang pagkakataon na may nagtanong sa akin ng ganun. Kung tutuusin ay madali lang naman ang tanong. Answerable by yes or no.  Pero bakit hindi ko magawang sumagot at humindi.  Anong nangyayari sa akin?

“I have another confession.  Actually, hindi ito yung unang beses na nagkita tayo.  Nakapaglaro na tayo before.  That was ten years ago.  We were playing hide and seek.  Ako ang taya that time.  After I counted, ang una kong pinuntahan is yung bodega.  For some reason alam ko na dun kayo nagtatago at alam ko na din kung saan eksakto kayo nakapwesto kaya umikot ako at nagpunta sa kabilang side. I was right.  Nandun nga kayo.  I can still remember yung position niyo.  Magkaharap kayo ni Tristan.  He was covering your nose and mouth kasi hindi mo mapigilan na umubo.  Pasimpleng sumusilip naman si Tristan to see kung malapit na ako sa pinagtataguan ninyo.”

“I was about to surprise you but apparently ako ang nasurprise sa ginawa mo.  You grabbed his dick.  Kaya biglang tinanggal ni Tristan ang kamay niya sa mukha mo.  I can still remember yung surprised look sa mukha ni pinsan.  Hindi ko din makalimutan yung takot sa mukha mo.  Pero sa halip na bitawan mo yun titi niya e hinimas mo pa.  Ilang segundo din yun bago nya tapikin ang kamay mo at tanungin ka kung bakit mo ginawa yun.  Hindi ko na alam ang isinagot mo kasi umalis na agad ako.  Bata pa lang tayo nun pero alam kong hindi tama ang ginawa mo.”

“Bakit? Bakit mo nagawa yun Nikko?”  ang litong tanong ni Karlo.

“Bakla ka ba?” muli niyang tanong na hindi ko pa din magawang masagot.

“May napapansin kasi akong kakaiba sa iyo eh. Napakamysterious mo for me.  Parang ang dami mong lihim na ikaw lang ang nakakaalam.  Pero sa kabila nun, kailanman ay hindi ko nakitang nagsinungaling yang mga mata mo.  Mula nung sumakay ako sa sasakyan ni Tristan nung umagang yun hanggang sa ngayon napapasin ko yung pagkakaiba ng tingin mo sa aming tatlo.”

“Stranger ako sa tingin mo.  Kaya nahihiya ka kapag tinititigan kita. Wala kang tiwala sa akin.  And I can’t blame you kasi now pa lang tayo nagkakilala.  Kaya nga, after almost a week, ngayon pa lang tayo nagkausap.”

“Si Derek… bestfriend mo talaga siya.  Ganun mo siya tingnan.  Ramdam ko na matagal mo na siyang kilala.  Kita sa mga tingin mo na isa siya sa kakaunting tao na pinagkakatiwalaan mo.  Sa kabila ng madalas na pagtatalo niyo, kita ko sa mga mata mo kung gaano mo siya pinapahalagahan.”

“Si Tristan naman… kahit na magkaibigan lang kayo iba ang tingin mo sa kanya.  Kahit na si Derek ang itinuturing mong best friend… mas malalim ang pagtingin mo kay Tristan.  Ibang iba yung way ng pagtingin mo sa kanya.  Parang higit pa sa kaibigan.”

“Pakiramdam ko…”

“Mahal mo siya.” Ang seryosong sabi ni Karlo sa akin.

“Oo naman Karlo.  Lahat naman ng kaibigan ko ay mahal ko.”  Ang sagot ko.

Napangiti lang si Karlo bago ako sinagot.

“Oh come on Nikko… alam kong alam mo ang ibig kong sabihin.”

“Mahal mo ba si Tristan?” ang muling seryosong tanong ni Karlo.  Bigla na naman akong napatanga.  Tama siya.  Alam ko naman ang ibig niyang sabihin.  Hindi ko lang talaga alam kung paano ko siya sasagutin.

“Karlo… mali ang iniisip mo.”  Ang tangi ko na lang na isinagot.  Isang buntong hininga ulit ang ginawa ni Karlo.

“Well, my mind may be wrong but I can assure you that my eyes is not fooling me.”

“Anyways, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko… Are you gay?”  ang seryosong tanong ulit niya.

Saglit lang akong tumingin kay Karlo bago ko tuluyang iwasan ang nakakasugat na mga tingin na iyon.  Hindi ko maintindihan kung bakit hirap na hirap akong sagutin ang napakadaling tanong na iyon.

“Ok.  I understand your silence.  Normally, they will say ‘Silence means Yes’. But in your case I think silence means your not sure.  You’re still on denying stage.  Confused ka pa.  And it is normal. How old are you?  15? 16? 17?”

“Been there and I assure you I know how you feel.  It’s fucking hard. But you’ll  get over it eventually.”

“Hindi na kita kukulitin kasi pakiramdam ko nababastusan ka na sa akin.  Wala akong nakuhang sagot from you but it’s fine.  I am still happy na nakausap kita.”

“But before we end this let me give you a piece of advice.  Sooner or later you’ll understand your feelings.  Malalaman mo kung ano ka talaga.  If that time comes and you realize na you’re gay… don’t  hide it.  Do not suppress the truth.  Walang masama sa pagiging bakla.  Accept it and embrace it and life is going to be easier for you.  Believe me, I should know.”

“Huwag kang masyadong magpapagod at mahaba pa ang byahe natin later.  Baka mabinat ka.  Siguradong mag-aalala si Tristan nyan.  Ok?”  ang huling paalala ni Karlo bago siya pumasok sa kwarto.

“Wow!  Anong nangyari?” ang hindi makapaniwala at tangi kong naitanong ko sa sarili ko.

Naiinis ako sa dahil pakiramdam ko ay hindi ko naipaliwanag ng maayos ang sarili ko.  Hindi ko tuloy alam ang iniisip ni Karlo ngayon.  Ang bilis ng mga pangyayari.  Nagtataka pa din ako na hindi ko nagawang sagutin ang napakadaling tanong ni Karlo sa akin.  Ano nga ba?  Totoo ba ang iniisip niya?

“Bakla ba talaga ako?”

“Mahal ko ba talaga si Tristan?”

Abala ako sa pag-iisip nang…

“By the way…” ang biglang sabi ni Karlo habang palapit sa akin.  Agad ko naman siyang nilingon at hinarap.

“I have something for you.  A friend gave this to me a few months back.  Tapos ko nang basahin kaya ibibigay ko na lang sa iyo ito.  This helps me a lot sa pag-aaral ko ng tagalog and aside from that marami akong nalaman at natutunan.  It’s worth reading.  It’s worth your time.  I do not know how this book will help you but at least it will give you a good prespective sa mundong ginagalawan ko ngayon. Ok?” Ang sabi ni Karlo sabay abot ng hawak at kindat.

“Salamat.” Ang tangi kong nasabi habang tinitingnan si Karlo na naglalakad papasok muli ng kwarto.

Ngayon ay tangan ko ang isang libro na may itim na cover.  Sa harap nito ay may dalawang lalaking magkayakap na nababalutan ng pakpak at pulang ribbon.  At ang title ng libro…

Orosa-Nakpil, Malate.

(Itutuloy…)

No comments:

Post a Comment

Read More Like This