Pages

Sunday, June 5, 2016

Bi the Sea (Part 6)

By: BM

Thanks po sa lahat ng mga nagtiyagang magbasa, umiyak, tumawa, nilibugan, nagjakol, napahanga, na inspire, nanghinayang, nandiri?( sa ibang site ka teh!), at nainlove sa kwento namin ni Will. I hope that I have touched your life in a way. Kudos to the KM readers and to the admin whom I want to meet someday. This will be the last part po ng story namin ni Will.

" Eto paracetamol kuya oh. Para sa sakit ng ulo. Pasensya na wala akong gamot para diyan sa heartache mo." malambing na iniabot ni Kevin saken ang gamot at baso ng tubig.

" Salamat Kev. Sa lahat lahat. Ngayon na nga lang tayo nagkita tapos eto pa at puro drama yung dala ko. At may revelations pa ha." pilit kong biro sa pinsan kong hilaw.

Tumawa na lamang si Kevin at pinilit akong pakalmahin.

" Alam mo kuya, ganun talaga ang buhay. Minsan lugmok, minsan masaya. At saka ikaw lang naman laging nandun para saken dati kaya kung ano ka man o anuman ang desisyon mo sa buhay, dito lang ako."

Mahinahon ngunit sincere na paliwanag ni Kevin saken. Buti na lang at andun siya nung time na bagsak ako at hindi makapag isip ng matino. Umunawa at umalalay saken. Dati pa man, kahit mga bata pa kami ay ganun na ang naging turingan namin. Bukod sa pagiging magpinsan ay naging matalik kaming magkaibigan. Kaya kahit papano, nung time na yun ay may nasandalan ako.

Paulit ulit na bumabalik saken ang mga sandaling nasa harap ng altar si Will at Karen nang gabing iyon. Puro pa din luha ang siyang tugon ko sa mga sakit na nararamdaman. Napagpasiyahan kong manatili muna dun sa bahay nila Tita. Ayoko din kasing mag alala sa bahay dahil sa kadramahan ko. Dun ako sa kwarto ni Kevin. Maluwang naman dun kaya dun na lang ako nagstay.

Nakatulugan ko ang pag iyak hanggang sa nagising na lang ako kinaumagahan sa pagpasok ni Kevin. Nagtatrabaho pala sa call center at night shift kaya umaga na siya nakakauwi. Mabuti yun at solo ko ang kwarto kapag wala siya.

Dahil hindi ko nacharge ang phone ko since the wedding, wala na kong natanggap na mensahe kahit kanino. Kaya nung chinarge ko at iniON ang power ay halos sunod sunod na messages ang pumasok. Halos karamihan nun ay nanggaling kay Will.

" San ka na?"

" Anong nagyari sa'yo?"

" Bigla ka na lang nawala ah."

" Jake. Magkita naman tayo please."

Ang daming messages na nareceive ko pero halos blanko lahat ng iyon para sa akin. Tinapos ko na ang lahat when i turned my back on that church - running. Running my way out of Will's life. Hindi man ako biktima ng sitwasyon but I felt that way during that time.

Hindi ako nagreply sa lahat ng messages that day. Minabuti kong ituon ang focus sa pagbabasa. Nang medyo nainip ay nanuod ng tv at movies.

12:30 pm nang lumabas ng kwarto si Kevin at kagigising lang. As usual, nakashorts lang ito at bilad na naman ang katawan. Pero wala akong kalibog libog nang panahong yun. Nagyaya siyang kumain pero wala akong gana. Puro senyas lang ang naisusukli ko sa mga tanong niya at hindi naman siya nagpumilit.

" Gusto mong manuod ng sine?" biglang tanong ni Will habang kumakain.

Tiningnan ko lang siya at umiling.

" Gala lang tayo sa mall." patuloy nito.

Iling pa din ang sagot ko.

" Ano ba gusto mong gawin Kuya?" medyo may guhit ng inis na tanong ni Kevin.

" Ganito Kev. Kunin mo yung sampayan ni Tita. Itali mo dun sa bubong ng kwarto tapos tawagin mo ko kung ready na." seryoso ko namang sagot.

" Naku. Eh tarantado ka pala Kuya. Magpapakamatay ka dahil ikinasal yung mahal mo? Shit ang sarap mabuhay oh. Daming tao diyan na magmamahal sa'yo. Andito ako...at ang pamilya natin na nagmamahal sa'yo."

Tumingin ako kay Will habang sinasabi niya ang mga letanyang iyon. Ramdam kong nag aalala talaga siya saken. Pero that time, wala sa isip ko ang mga iyon. That time, gusto ko lang mapag isa at mag isip ng mga susunod na pwedeng mangyari sa buhay ko. I'm always in control of my emotions but that time, I was on my weakest. I need to get back on my feet. The sooner, the better!

" Kev, samahan mo naman ako. May pupuntahan tayo."

" San punta?"

" Sa langit gusto mo? Di..may bibilhin lang ako."

" Sige. Bihis lang ako."

Pumunta kami sa mall at bumili ng bagong damit. Binilhan ko din si insan. Nagpagupit din ako kasi mahaba na yung buhok ko. I wanted to look neat, clean, and fresh. Gusto ko'ng ayusin ang sarili ko right that time.

Nang umuwi sa bahay ay naligo ako at nag ayos. Sinuot ko yung bagong bili kong damit at pants. Damn I look good! Gwapong gwapo ako sa sarili ko that time and I felt good as well. Nagpaalam ako kela Tita at Kevin na aalis muna at magsisimba. Lakarin lang ang simbahan galing sa bahay kaya nilakad ko na lang. Kuripot mode - tipid pamasahe.

Habang papasok ako sa simbahan, naramdaman ko ang kapayapaan. Walang maxadong tao kasi hindi linggo. Tinungo ko ang prayer house sa gilid at dun nagdasal. Nagpasalamat ako sa lahat na naging memories ko with Will and the love he showed me. Nagpasalamat din ako at binigyan niya ko ng lakas para bumitaw. I asked for strength para malagpasan ang nararamdaman ko ngayon at makamove on. I tried not to cry pero napaiyak ako hindi dahil naisip ko ang pagkawala ni Will but realizing that God has better plans for me. Na hindi lang nagtatapos dun ang buhay pag ibig ko.

It was about 5pm nang matapos akong magdasal. That was liberating. Naging magaan ang pakiramdam ko. I took my phone at tinawagan si Will. Mga ilang beses din ako tumawag pero walang sumasagot. Uwi na lang ako at baka busy yun o kaya nasa honeymoon na. Pasakay na ko ng jeep ( narealaize ko malayo layo din pala sa bahay yung simbahan) nag biglang tumawag si Will.

" Hello Brad." masayang bati ko.

" Jake musta ka? Bigla kang nawala ah.? Di din kita makontak. Ano ba nangyari?" pag aalala nito.

" Ah.. Brad, si Tita kasi inatake eh. Bigla nga ako napauwi. Sayang di ako nakapunta sa kainan." palusot ko na lang para di na masyadong mag alaa si Will.

" Ganun ba? Kala ko nagwalk out ka kasi di mo ko kayang makitang ikinakasal." biro nito.

" Ulol. Masaya nga ako para sa'yo eh. Congrats Brad. Siya nga pala, uwi na ko bukas."

" Ah ganun ba Brad. Mga anong oras ba?"

" First trip siguro para hindi mainit."

" Ah okay. Sige kita tayo sa port bukas."

" Naku huwag na brad. Ayos lang ako. Huwag kang mag alala."

" Gusto lang kita makita bago ka umalis."

" Ah...ikaw bahala."

" Sige brad. Tawagan kita bukas."

Nadatnan ko si Kevin na katatapos lang maligo at akmang pabihis na. Nakatapis lang ng tuwalya at kitang kita ang ganda ng katawan nito.

" Juicecolored! Ang bilis nyo naman bumawi. Hindi pa ko ready Lord." sa loob loob ko habang tinititigan ang ngayo'y nakabrief na lang na si Kevin.

" Anong inuungol niyo Kuya?" kunot noong tanong ni Kevin.

Hindi pa din umaalis ang mata ko sa nakabakat na kargada ni Kevin. Bata pa kami ay alam ko nang malaki ang alaga nito dahil magkasama kami laging naliligo.

" Uy Kuya Jake!"

" Huh?! Ano yun Kev?"

" Natutulala ka na naman."

" Ah wala kasi. Ano kasi. On mo yung electric fan. Ang init ng kwarto mo ngayon. Wooh. Ang init grabe."

" Naka ON yung aircon kuya. Baka naman nag iinit ka lang."

Isang mapanuksong tingin ang binitawan ni Kevin. First time kong nakita siyang tumingin ng ganun at shit!! Tinablan ako. Madami. Kung pwede lang maglupasay kanina ko pa ginawa. Bakit Loord??

" Huwag mong sabihing hindi ka tinatablan Kuya Jake."

Lumapit si Kevin at hinarap ang mukha niya saken. Tahimik lang ako. Maya maya pa ay sinuntok ko siya sa tiyan.

" Kuya naman. Nagbibiro lang eh. Kung makapanakit to oh." napahawak si Kevin sa tiyan niya habang nakabrief pa rin habang nakangiti lang ako.

" OA naman to. Para yan lang eh. Halika nga."

Lumapit saken si Kevin at niyakap ko. Nagpaubaya lamang siya.

" Salamat sa lahat. Ikaw talaga ang pinaka da best na pinsan."

" Drama mo Kuya. Pero alam mo swerte ka pa din kasi minahal ka ng mahal mo. "

" King ina humugot ka din ah. Teka nga lang pala, single ka ba ngayon? Parang wala kang nakwento na girlfriend mo ah."

" Ah wala pa sa isip ko eh. Ikaw na lang muna ngayon."

" Batukan kita eh. Bihis ka na. Baka makita ko pa yang supot na burat mo."

" Nanunuklaw to Kuya."

" Tae!"

Naging ganun na ang biruan namin ni Kevin simula noon at lalo kaming naging mas malapit sa isa't isa. Naging higit pa sa kapatid ang turingan namin.

Kinaumagahan ay umalis na ko papuntang pier. Maaga ata ako maxado pero kumuha na ko ng ticket.

" Nakaalis ka na ba?"

Nakalimutan ko palang magkikita kami ni Will nung araw na yun. Buti na lang at nagtext si loko.

" Dito na ko Brad sa pier. Paalis na din ferry. Saka na lang tayo magkita Brad pag nasa Maynila ka na."

" Huh? Text mo ko pag nasa inyo ka na Brad."

" Sige Brad. Congrats ulit sa inyo ni Karen."

Nadelay pa ng isang oras ang ferry bago tuluyang nakaalis. Hindi ko na kinita si Will at baka magdrama pa kami sa pier. Ipinahinga ko muna ang sarili ko para makabawi.

Pagdating sa bahay ay derecho na ko sa kwarto at natulog maghapon.
Kinaumagahan ay tumawag ang office na kailangan ko na daw magmedical at sasampa na ulit ng barko. Nasa timing din coz I need to get away. Pumunta agad ako ng Maynila at nagmedical din nung araw na yun. Hindi na ko nakareceive ng message kay Will. Hindi na din ako nagtangkang gambalain siya.

Umalis ako ng walang pasabi. 7months ang naging kontrata ko at sa loob ng seven months na yun ay ginugol ko ang oras sa trabaho at hindi sa pag iisip ng kung anu ano. Unti unti akong nakamove on kay Will at kinalaunan ay halos ngiti na lang ang tugon ko sa mga alaala namin.

Pagbaba ko ng barko ay halos nakalimutan ko na si Will. Pumupunta pa din ako kela Kevin paminsan minsan. Lumipat ako ng company dahil ayoko na rin ng possibility na magsama kami ulit ni Will. Naging maayos naman ako sa nilipatan kong company.

After a year, nagulat ako ng biglang may tumawag saken. Di nakaphonebook pero sinagot ko na din.

" Eow phows?" ( jejemon teh?) loko lang.

" Hello?"

" Brad musta?"

Halos himatayin ako ng marinig ko ang boses sa kabilang linya. Si Will iyon. Di ko alam kung pano niya nakuha ang number ko samantalang bago iyon.

" Will? Pano mo nakuha number ko?"

" Nakasalubong ko si Kevin kahapon sa mall. Kinamusta kita kaya binigay niya na number mo. Bigla bigla ka nalang kasi nawala eh. Di ko alam kung san ko kukunin number mo. Tinanong ko sa office sabi lumipat ka na daw. "

" Eh...kailangan Brad eh. Sana naintindihan mo."

" Naintindihan kita Brad. Eversince yan naman ginagawa ko eh. Intindihin ka. San ka nga pala ngayon?"

" Dito ako sa Maynila Brad."

" Report ako sa office bukas. Flight ko punta diyan 10am. Kita tayo sa hapon? For old time sake."

" Sige Brad."

Pumayag ako makipagkita kay Will dahil na rin gusto ko siyang kamustahin. Curious din ako kung nagkaanak na ba sila o naging maayos ang buhay nila ni Karen. Naging malaking bahagi din naman siya ng buhay ko at hindi kami nagkasakitan kaya why not give him a chance. We could be good friends somehow.

" Kuya, nagkita na kayo ni Will?"

Isang text ang nareceive ko galing kay Kevin nang umagang iyon. Mas excited pa ata si loko sa kahinanatnan ng pagkikita namin ni Will.

" Excited ka na? Ipost mo na lang kaya sa wall mo yung number ko para hindi ka na mahirapan sa pamumudmod nito." tugon ko.

K: Suplado.

A: Pakialamero.

K: Gwapo.

A: Tsonggo.

K: Text mo ko kapag nagkita na kayo ha?

A: Huwag kang mag alala e lilive streaming ko para makita mo lahat lahat. Hiyang hiya naman ako sa'yo.

K: Haha. Okay. Send mo na lang link.

A: Ang dami mong alam. Sarap ipasalvage.

K: Pwede mong subukan.

Di ko na nireply si Kevin at hindi papaawat sa kakatext yun bagkus ay inayos ko na ang mga dapat ayusin nung umagang iyon para libre na sa hapon kapag nakipagkita si Will.

Mag aalas 4 nang hapon nang nagring ang phone ko at as expected, si Will nga iyon.

" Brad musta?" sagot ko.

" Kagagaling ko lang sa office Brad, sa ka banda?"

" Dito ako sa may Malate Brad."

" Ah ganun ba. San ba tayo pwedeng magkita?"

" Alam mo yung coffee bean sa Rob Manila?"

" Ah okay. Sige dun na lang."

" Sige Brad."

Saglit akong nagbihis at nag ayos. Casual lang. Chill lang sa porma. Ayokong isipin niya na pinaghandaan ko ang araw na yun. Well, hindi naman talaga.

Nauna akong dumating kay Will at umorder na ko ng coffee. Sa labas ako pumwesto para makapag yosi. As usual. Asaran na naman kay Kevin habang nag aantay. Minu minuto ata nangangamusta ang gago. Tutok ako sa kakatext nang biglang may kumalabit saken. Si Will yun. Halos walang masyadong pinagbago except sa pumayat siya ng konti. Kinamayan ko siya at pinaupo. Sakto ding nagbeep yung device informing na ready na yung order. Nagpaalam akong kunin yung order at iniwan muna siya.
Pinagmasdan ko si Will nang pabalik na ko sa table. Kulang kulang dalawang taon at halos ganun pa din siya. Halos walang pinagbago. Gwapo pa din. Inilapag ko ang coffee sa table at umupo.

" Kamusta na Brad?" pasimula nito.

" Eto pogi pa rin. Ikaw kamusta ang buhay may pamilya?" tugon ko naman.

" Mukhang lalo ngang pumupogi. Okay naman Brad. Ayun kapapanganak lang ni Karen. Gusto nga kitang kuning ninong eh. Okay lang ba?" nangingiting tanong nito.

" Ayos Brad. Walang problema dun."

Wala na kong maisip itanong nang mga sandaling yun kaya medyo may awkward silence. Buti na lang at madaming baon si Will na tanong.

" Ikaw Brad. May asawa ka na ba?" tanong ulit nito.

" Wala pa pero masaya ako ngayon Brad. Lalo na at nakita kong okay ka." mahinahong tugon ko kay Will.

" Mabuti naman kung ganun. Ako naging maayos din naman ang buhay. Minsan may konting away pero naaayos din naming mag asawa. Mas lalong tumibay kami dahil sa magkakaanak na nga si misis."

" Masaya ako para sayo Brad. Kamusta mo ko kay Karen."

" Nagpaparegards nga pala sa'yo yun. Alam niya kasing magkikita tayo. Sinabi ko din sa kanya ang tungkol satin dati."

Natigilan ako sa sinabing iyon ni Will. Wtf?! Alam ni Karen ang namagitan samin?

" Huh?"

" Ganun talaga sa mag asawa Brad. Kung gusto niyong i work out ang relationship, kailangan maging honest kayo sa isa't isa. Napansin na din daw niya na kakaiba ang closeness natin dati kaya hindi na siya ganun ka naapektuhan at ipinaramdam ko naman sa kanya na mahal ko siya kaya okay kami."

" Masaya ako Brad na malamang okay kayo ni Karen. Sabi ko sayo dba? Magiging masaya ka sa piling niya. Pasalamat kamo siya at binitawan kita."

" Kaya nga nagpapasalamat ako sa'yo Jake."

" Naku maliit na bagay."

Ngumiti lang si Will at ang kasunod dun ay ang tila napakahabang kwentuhan. Naikwento niyang babae ang magiging anak nila. Na lumipat na sila ng bahay. Yung madalas nilang pag awayan at di pagkakasunduan.

Kani-kanina lang ay halos walang pinagbago kay Will sa unang tingin pero habang papalalim ang usapan namin ay napagtanto kong ang dami ng kanyang pinagbago. Naging mapagmahal siyang asawa at ngayon ama ng magiging anak nila. Naging responsable sa buhay at halos lahat ng pangarap niya ay tutok sa pamilya. Habang nagkikwento ay pinagmamasdan ko lang siya. Ramdam kong masaya at kontento siya sa buhay niya ngayon. Napag isip isip ko na naging mabuti ang kinahinatnan ng mga desisyon ko. Na iyon talaga ang dapat na mangyari. Somehow, proud ako sa sarili ko for choosing not to commit with Will at hayaan siya with Karen.

Sa dami naming pinag usapan ay halos di na namin napansin na mag aalas 9 na pala. At one point, napag alaman naming nagkadikitan pa pala ang barkong sinasakyan namin nung nasa China kami. Imagine? Muntikan pa kaming nagkita kung nagkataong may kontak kami sa isa't isa. Hindi na kasi kami friends sa facebook that time. Hays, destiny nga naman talaga.

Dahil malayo pa ang uuwian ni Will ay nagpasya na kaming umuwi. Hinatid ko siya sa sakayan ng Van papuntang Cavite. Matagal din bago siya nakasakay dahil puno na ang mga vang dumaraan kaya marami pa kaming napagkwentuhan. Pati kapitbahay ata niya sa bagong bahay nila ay naikwento na niya.

Bago pa man siya tuluyang nakasakay ay isang honest at sincere na mga salita ang binitawan nito. Mga katagang matagal ko nang hindi narinig.

" Salamat Third."

Ngumiti na lang ako at tuluyan nang nagpaalam kay Will.

Naramdaman ko nang oras na iyon na naging malaya na ko. That was a closure for me and Will. Yung takot na baka bumalik yung nararamdaman ko sa kanya ay nawala na. Napalitan iyon ng paghanga sa kanya bilang tao at kaibigan. Isa iyon sa mga sandaling sa tingin ko ay dapat matagal nang nangyari pero ika nga: everything has its own right time.

Masaya akong bumalik sa tinutuluyan ko nang gabing iyon. Saktong kararating ko lang ng dorm nang biglang may nagtext sakin.

" Happy Anniversary."

Ang makulit na pinsan ko na naman iyon.

" Mukha mo." pang asar ko.

K: Nakalimutan mo na?"

A: Wala naman akong dapat alalahanin.

K: Grabe to.

A: Magtrabaho ka na diyan.

K: Tinatrabaho ko naman ah.

A:  Ang alin?

K: Ang relasyon natin.

A: Malaking fuck you ka.

K: Ay paasa.

A: Sumbong kita kay Tita.

K: Samahan pa kita.

A: Tara.

K: Kamusta reunion?

 A: Alumni lang? Madami kami? Reunion?

K: More than one is many. Gwapo pa din noh?

A: Mas gwapo ka.

K: I know.

A: Pero mas malaki sa kanya.

K: Fuck you.

A: Love you

K: Love you too.

Hindi naging kami ni Kevin pero aaminin kong may nangyari samin. at minahal ko din naman siya. Kaya nga inaassume niya na kami na pero since lumayo ako kay Will, hindi na ko nagcommit. Mas inenjoy ko ang pagiging single. By choice kumbaga.

Ngayon, I'm still single BUT not too available. I'm focusing my time into things that truly matters. Pamilya at mga pangarap na gusto ko pang matupad. To travel and see the world. I try to learn new things and meet new people. I have always been grateful to have this life. Sabi nga: Life is too short so we should live it well. Marami na din akong natikman, I mean na meet pala. Some I've fallen in love with but mostly were just flings. Tawag lang ng laman.

Sa mga experiences ko, masasabi kong ang tao sa buhay natin just come and go. We try and try to find someone who will fit and  complete the puzzle for us to see the whole picture. Only then we could decide kung gusto natin ang nakikita ng mga mata natin. Kung tugma yung sitwasyon sa nararamdaman natin. Kung oo, that sounds like forever. Kung hindi, we go back to stage one: finding that right person. And the cycle progress until mahanap natin ang tamang tao sa tamang oras sa tamang sitwasyon.

Sa mga nakahanap na. Congrats. Sa mga naghahanap pa lang. Goodluck. Sa mga takot na sumubok dahil inaalala ang sasabihin ng tao, isa lang ang masasabi ko: May gagawin ka man o sa wala, ang tao ay may masasabi talaga. That's normal. So stop wasting your time thinking.
Start LIVING.

Till next time mga ka KM.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This