Pages

Thursday, June 30, 2016

Sigaw ng Pugad Lawin (Part 4)

By: Bobbylove

Obviously walang pinag-kaiba yung room ko dati sa room nila, kaya sigurado akong sa mga makakasama ko nalang ako mag a-adjust. Pagkapasok ko’y agad hinanap ng mga mata ko yung sofa na tulad nung sa room ko dati, dun ko kasi balak na matulog. Napansin ko rin na sobrang linis nung room nila. “Mukhang nag-ayos ka ng kwarto ah…” sabi ko.

“Of course, darating ka eh…” nag smile siya. “Hindi pa nga sobrang maayos yan eh… I didn’t expect na darating ka ng maaga…”

“Ahhhh… so labas muna ako???”

“No!!!!” Malakas niyang sabi. “Im happy you’re here… Masaya ako’ng dumating ka ng maaga… feeling ko…….. excited ka ri’ng makita ako…” mas lumiwanag ang mukha niya habang sinasabi yun.

Natahimik nalang ako. Medyo ‘di ko kasi maintindihan yung sinabi niya. “Sinabi niya ba’ng excited siya to see me???” tanong ko sa utak ko. “Pero malabo yun eh… Alam ko ‘di ako gusto neto. For sure may masamang balak itong kumag… mag ingat ka bob…” sa utak ko.

 “Nalinis ko na yang isang cabinet, pwede mo ng ilagay mga gamit mo.” Sabi niya. Doon ko napansin yung ginagawa niya, inaayos niya yung mga pagkain sa ibabaw ng bilog na lamesa. Nilagay ko lang sa gilid ng cabinet yung maleta ko, saka ko siya nilapitan.

Umupo ako sa kama malapit sa kanya. “Uy…. Totoo nga’ng naghanda sila..” bulong ko sa sarili. Puno ng pagkain yung maliit na lamesa; may ulam, may mga nakabalot na kanin, may dalawang box ng pizza (Yellow Cab), limang box ng cake at mga nakalatang juice at soda.

“Nasan si Patrick?” tanong ko, na paraan ko rin upang basagin ang katahimikan.

“Ahhhhmmmm…. Wala…. Baka nasa kaibigan niya… nag dinner….. Don’t worry for sure babalik rin yun mamaya.!” Medyo pautal-utal niyang sagot.

“Sabi mo kayo yung naghanda???”

Tumingin siya sa akin, nagbuntong hininga saka nag salita. “Ahhhhmmm actually I did it all by myself. Pang welcome sayo.” Pinilit niyang ngumiti kahit na halatang kinakabahan. “Hmmmmmm….. kanina after the orientation bumili ako ng pagkain diyan sa katabing mall; nahirapan nga ako eh!” Nagkamot siya ng ulo. “kaya….. ayan….. dinamihan ko na….”.

Tinitigan ko naman yung mga binili niya. “Ang dami naman ata….. Hindi natin kayang ubusin…”

“Okay lang… Im sure Patrick will be here in few minutes… Matakaw yun!!!” sabi niya, nakita ko ulit yung mga ngiti niya.

Tahimik…

Maya-maya’y sinimulan niyang buksan yung mga box ng cake. “Ano ba yung favorite flavor mo??? hindi ko kasi alam, kaya binili ko yung limang feeling ko magugustuhan mo.” pag sisimula niya ulit ng converstation.

“Oh??? Ba’t di mo tinanong dun sa connection mo???” nag grin ako.

“Ah… hehehehe” natigilan lang siya, halatang di alam ang sasabihin, nagkamot ulit siya ng ulo. Ang cute niya parang batang na huling nagsisinungaling. “Cute talaga!!!” sa utak ko.

“Sayang yang mga yan… ‘di ako nag he-heavy meal pag dinner eh…. Saka, ang dami niyan…” mahinahon ko’ng pagpapaliwanag sa kanya.

Pagka sabi ko’y nakita ko ang paglamlam ng spark nung mga mata niya. Nakatuon lang ang mga tingin niya sa akin habang pabagsak na umupo sa sofa. “Talaga???” walang buhay niyang tanong. Maya-maya napansin ko’ng pumikit siya at inihilig ang ulo sa sandalan ng sofa; nakita ko sa mukha niya ang magkahalong pagod at disappointment. Noon ako naka ramdam ng guilt, ang totoo naman kasi ay sobra akong touch sa ginawa niya. I know, hindi maganda yung first meeting namin, at honestly hindi pa rin naman ako nagtitiwala sa kanya, pero sobra ko’ng na appreciate yung sweetness na pinakita niya.

Mula sa pagkakasandal sa sofa ay tumayo siya at nag-unat, tapos ay isa-isa niyang isinara ang mga kahon ng cake. “Anong ginagawa mo???” pagputol ko sa ginagawa niya.

“Itatabi to’ng mga ‘to!!!” pansin pa rin yung kalungkutan niya. Hindi ko maintindihan pero nung time na yun ay kinain talaga ako ng guilt. Yung para bang responsibility mo’ng amuhin siya ng sa ganun ay mabawasan yung sadness niya. It was very weird, kasi first time ko yung maramdaman sa isang stranger at sa tao pa’ng medyo hindi ko makasundo. Naka tingin lang ako sa kanya, ‘di ko kasi alam yung gagawin. Gusto ko siyang amuhin - sabihing “kakain na ako” para maging okay na siya, pero tinablan din ako ng hiya eh.

“Sayang naman. Tsk” mga whisper niya that I could barely hear. “Sorry ha!!!” pagbaling niya naman ng atensiyon sa akin.

“Sorry??? Para saan???” binigyan ko lang siya ng quizzical look.

“Wala…” tipid niyang sagot.

“Bakit mo nililigpit??? ‘di ka kakain???” Pagputol ko ulit sa ginagawa niya.

“Wala na namang kakain eh… ayaw ko’ng kumain mag-isa…”

“Ahhh… so invisible ako???” tinaasan ko pa siya ng kilay.

Tumigil siya sa ginagawa, mukhang naguluhan sa akin. Nilapitan ko siya at inayos ulit yung mga pagkaing niligpit niya. “hindi ka naman kakain mag-isa eh…. Im here… kakain tayo…”

“But you just told me, na….. you don’t want to eat.” Nag pout siya. Parang batang nagtatampo. “Ang cute talaga” sa utak ko ulit.

Nginitian ko lang siya. “Ang drama mo loko!!!” kumuha ako ng icing sa cake sabay pahid sa ilong niya. “Di bagay sayo!!!”

Pinunasan lang niya yung icing sa ilong niya. Plain pa rin yung expression, mukhang hindi pa rin maka paniwala na sasabayan ko siyang kumain.

“Hoy!!!” nilagyan ko ulit siya ng icing. “Sabi ko kanina hindi ako kumakain ng heavy… pero hindi ko sinabing hindi ako kakain…”

Naka tulala pa rin siya sa akin.

“Hoy!!! Gutom na ako…”

Doon ko nakitang lumiwanag ang mukha niya. Yung mukhang mangha’ng mangha… alam ko pinipigilan niya’ng ngumiti pero tinatalo pa rin siya ng kanyang mga labi.

“Ano??? Hindi pa ba tayo kakain???”

Mukha namang sinaniban ng masiglang espiritu si Richard. “Ahh…. OO naman siyempre….” Masaya niyang naibulalas. Noon ay hindi na niya pinigilan ang pag-ngiti. Masaya niyang inayos ang mesa… at sobrang bilis pa.

“Upo ka na… gutom na ako eh, kanina pa kita hinihintay, tapos ang dami mo pa’ng arte!” Sabi niya na sinisingit sa mga ngiti at halakhak. Masaya nga siya at naka hinga naman ako ng maluwag.

Naupo naman ako sa silya sa harap niya. Aaminin ko kinikilabutan ako nung mga panahong yun. ‘Di naman tumigil ang mundo at wala ring masasayang ilaw o mga ibon na nag-aawitan. Pero iba yung feeling ko… sobrang sarap… sobrang gaan…

Kahit papano naman kasi ay touch ako sa ginawa niya. Naisip ko nun na sweet pala si kumag! Ramdam ko kung gano siya kasaya nung umupo ako. Nilagyan niya pa ng kanin ang plato ko at kulang nalang ay subuan niya ako.

“Isn’t this romantic?” nag smirk siya. “First date natin..” yumuko siya, ayaw ipakita sa akin ang pagkatuwa niya.

Honestly kinilig din ako sa sinabi niya. At oo nga romantic nga yun… I mean… Sobra… napapangiti din ako nun pero ayaw ko’ng ma miss interpret niya, kaya sinabi ko nalang na. “Hindi date to… kumakain lang tayo!!!” ayaw ko rin kasi mag aasume baka kasi mabait lang talaga siya… o baka gusto bumawi… o baka may masamang balak… pero whatever it is, na enjoy ko yung oras na yun!!!

Nagkamot lang siya ng ulo. Halatang napahiya.

Patapos na kaming kumain nung dumating si Patrick. Pinakilala ako ni Richard sa kanya at nakipagkwentuhan sandali. Tama nga ang sinabi niya’ng matakaw si Patrick.

****************

Nagdesisyon na kaming matulog. Kinuha ko ang isang unan sa kama ni Richard saka inayos yung tutulugan ko’ng sofa.

“Hey!!! What are you doing???” tanong ni Richard nung mapansin yung ginagawa ko. hindi ko siya sinagot, bagkus inutusan ko lang siya na mag request ng isa pang kumot.

“What for???” Tanong niya ulit.

“Dito ako matutulog…” mahinahon ko’ng sagot.

“Ay hindi… dun ka… tabi tayo!!!!” sabay turo sa malaking kama.

Nagtalo na kaming dalawa dahil sa ayaw ko talagang matulog katabi niya. Medyo napalakas na ang sagutan namin ng biglang “I wanted a good sleep, pagod ako!!! Kaya kung ayaw niyo’ng matulog!!! Lumabas kayo at dun kayo mag-away!!!!” biglang sigaw ni Patrick na siyang nagpatahimik sa amin.

Dinampot ko ang aking cellphone saka lumabas ng kwarto. Gusto ko sanang pumunta sa dating kwarto ngunit natakot akong baka makaistorbo. Kaya pumunta ako sa parang maliit na sala doon sa floor. Hindi ko kasi alam yung tawag sa spot na yun basta muka siyang sala na may mga centerpiece na lemon grass.  Tinext ko yung bestfriend ko nagbabaka sakali na gising pa, ngunit ‘di na nagreply. Naupo nalang ako sa isang sofa saka pinikit ang aking mga mata.

After a while ay bigla ko’ng naramdaman ang pag-galaw ng inu-upuan ko. sa isip ko, alam ko na may umupo sa tabi ko at batid ko na rin kung sino. Sa kabila nun ay hinayaan ko lang siya at ‘di na pinansin.

“Are you going to sleep here?” tanong niya.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko rin. Pero hindi niya ako sinagot, inaya niya lang ako’ng bumalik na sa kwarto.

“Balik na tayo sa room… ikaw na sa kama, ako nalang sa sofa….” Pagpupumilit niya.

“Ayoko….. balik ka na dun! I’ll stay here, dito ako matutulog.”

“Is that so???.....” nag grin siya. “Wait for me, okay???” at kumaripas na siya ng takbo pabalik sa kwarto namin.

Pagbalik niya’y may bit-bit na siyang dalawang unan at isang comforter, na siya’ng kinagulat ko.

“Ano yan???” tanong ko.

“Unan at kumot???” nang-aasar niyang sagot.

“Alam ko!!! What I mean is para saan yan???”

“Sayo!!!” tipid niyang sagot saka ngumiti.

Kinuha ko nalang yung mga hawak niyang unan at kumot, saka nagpasalamat. Honestly, it was a bit disappointing to know na gusto nga niya akong matulog sa labas. Nagpapakipot lang naman ako eh, all I wanted is konte pang convincing power. Diba minsan ang sarap sarap magpa-pilit. Hehe.

“Bumalik ka na dun.” Sabi ko.

“Oh??? Ako kumuha niyan eh….” Sabay turo sa mga unan at kumot na inilapag ko sa sofa. “Diba yung consequence mo ay to get to know me? pano mo ako makikilala if nandito ka at nasa kwarto ako??? If you wanted to sleep here, hmmmmmmm…… I’ll sleep here as well!”  nakangiti niyang sabi. Medyo na sweetan ako sa sinabi niya, hindi ko naman kasi inaasahan na sasamahan niya ako. Medyo asiwa pa rin ako, pero hindi na ako tumutol pa.

Naupo kami sa sofa, naka upo ako na naka-angat ang mga paa paharap sa kanya. Senyales na handa ko siyang pakinggan. Nasa ganun kaming sitwasyon, pero tahimik lang kami pareho. Hindi yun yung gusto ko’ng mangyari, gusto ko siyang makilala, at gusto ko rin marinig ang paliwanag niya sa nangyari nung umaga.

“Hoy!!! Ano??? Ganito nalang tayo???” pagbasag ko sa katahimikan.

“Ano ba gusto mo’ng gawin???”

“Ahmmmm… Lets start my consequence then, magpakilala ka…”

“Ano ba gusto mo’ng malaman???”

“Lahat...”

“Kulang to’ng gabing to….”

“May 4 days pa naman… pero okay siguro if simulan na natin ngayon… watcha think???”

Nag smile lang siya.

Dun ko siya unang naka-usap ng matagal at maayos. Sobrang sarap niya palang kausap at hindi siya na-uubusan ng topic; lage din siyang may idea o reaction sa lahat ng bagay – yung tipo bang kahit anong itanong mo sa kanya ay masasagot niya. “Sobrang talino niya!” sa utak ko. marami-rami na rin akong nalaman tungkol sa kanya. 20 years old na siya. pangalawa siya sa apat na magkakapatid. Business management din ang course niya sa isang sikat na university na kasali sa UAAP. Surgeon yung mama niya, yung dad niya naman ay Businessman. Magtatatlong buwan na daw silang hiwalay ng girlfriend niya, niloko daw siya, pero hindi na niya inexpound pa.

maya-maya pa’y natuon ang pag-uusap namin sa nangyari nung umaga.

“Bakit ba kasi ang init ng dugo mo sa akin?” tanong niya.

“Kasi binangga mo ako at ‘di man lang humingi ng tawad!”

“Eh… binato mo ako, nabukol pa nga eh, oh….” Kinuha niya pa ang kamay ko at pinakapa ang bukol sa likuran ng ulo niya. “’di ka rin naman nag sorry ah….”

Kinuha ko yung kamay ko, nahihiya dahil totoo nga’ng nabukol siya. “Eh ‘di naman kita babatuhin ko’ng ‘di mo ako di-neadma…”

“Ah… so galit ka dahil na deadma kita?” nakakaloko yung ngiti niya. Nakakainis kasi alam ko naman yung pinupunto niya.

Pinalo ko siya sa kanan niyang braso, “Hoy!!! Alam ko ang iniisip mo. naiinis ako sa mga taong walang breading!!!”

“Grabe ka naman. Nakalimutan lang mag sorry, walang breading agad…” nag pout pa siya, wari’y nagpapa-awa. Umaarte na naman siyang bata.

“Tigilan mo yan!!! Hindi bagay sayo….”

“Cute ko kaya…” tapos nagpakawala siya ng isang ngiting nagpapacute. (yung sobrang laking ngiti na halatang pilit.)

In fairness effective naman sa akin yung pagpapacute niya. Yung inis na nararamdaman ko sa kanya ay tila nawala na. nung mga time na yun ay may weird feelings na ako sa kanya. Nakita ko kasi sa kanya yung mga qualities na gusto ko sa isang tao. Tumagal-tagal pa ng konte eh…. Siguradong mas magugustuhan ko pa siya. Pero desidido akong pigilan yun… hindi pwede yun eh!!! Masasaktan ako…. Masasaktan ako ulit…. Lalake siya at alam ko’ng babae ang gusto niya… kaya hindi na ako aasa…

nung time na yun naisip ko rin, “bakla nga kaya ako?” siguro nga bakla ako… at mas magiging vulnerable ako kung sakaling hahayaan kong mahulog sa trap ng love… kaya hindi talaga pwede… hindi…

“hmmmm….. Im sorry…” kinulong niya sa pagkakahawak ang kaliwa ko’ng kamay. Nakatitig lang siya sa mga mata ko at halos hindi kumurap. Nalunod na naman ako sa mga titig niya at nuon ramdam ko yung sincerity niya. “Do you know the reason why I gave you that consequence?”

“Bakit?” nakatitig pa rin ako sa kanya, at hawak pa rin niya ang kamay ko.

“Kasi… I wanted to know you…” nag smile siya. “And I wanted you to know me! I want you to know na I’m not a bad person, nagkamali lang ako once pero hindi ako masama… gusto ko rin malaman mo na I wanted to be your… your friend….”

“Yah right…. We could be friends….” Pag-uulit ko, sabay kuha ng kamay ko na hawak niya pa rin. “Ahmmmm…. Sorry din pala…. Nadala lang ako ng galit…” Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko nun, para akong nasa loob ng blender.

“Ayos!!! Friends na tayo ha???” nakangisi niyang sabi. Tumango lang ako. “Pero masakit pa rin yung bukol eh….” Kinapa niya iyon at nag pout. “Kiss mo kaya???”

“Kadiri ka!!! Gusto mo dagdagan ko yan???” at umarte na naman akong nandidiri. Tinatago yung kakaiba ko’ng nararamdaman.

Maya-maya ay nag ring ang phone ko. tumatawag ang best friend kong si Anthony. Nakita ko pa siyang nakasilip sa phone ko, inaalam kung sino yung tumawag.

“Ahmmmmm….. Sagutin ko lang ha….” Pagpapaalam ko sa kanya. Tango lang ang sinukli niya.

Habang may kinakausap ako sa phone ay hindi pa rin naalis ang paningin ni Richard sa akin. Yung mga titig niya’y waring sinasabi na “Itigil mo na yan!!!” o “Bilisan mo diyan!” nagkamustahan lang kami ng Best friend ko at ininform ako about sa mga na miss ko’ng lessons at activity. Ni remind niya rin ako sa mga bilin niya.

“Sige na, matulog ka na…. Good night!!!” pag-papaalam ko sa kausap.

“Goodmorning na uy!!! Tulog ka na!!! Miss na kita….” Sagot naman niya.

“Okay…. Bye…. I miss you too….” Pinagmasdan ko si Richard habang sinasabi ko sa kausap yung mga salitang yun, mukhang nag-iba na naman ang timpla niya. Mukhang na bored na parang na cornyhan o nabwesit sa narinig.

Nung mababa ko na yung phone ko ay nagsalita na siya. “Boyfriend mo???” he just gave me a straight face.

Tumango ako. Hindi ko alam kung ba’t ko ginawa yun eh. Marahil ay gusto ko lang malaman yung magiging reaction niya.

“Matagal na kayo?” tanong niya ulit.

Tumango ulit ako. Gusto ko sana makitang na na disappoint siya o kaya’y nainis pero wala akong nakuha. “Wala nga’ng pake ‘to sa akin” sa utak ko.

“Tulog na tayo…” sabi niya.

“Ahmmm…. Dun nalang tayo sa kwarto matulog. Baka pagalitan tayo dito, saka nilabas natin yang mga unan.” Paanyaya ko, na sinangayunan naman niya.

******


Dideretso na sana siya sa sofa nung pigilan ko siya. “Tabi na tayo!!!”

Alam ko’ng nagulat siya pero ‘di niya na napigilang hindi matuwa. Alam ko naman kasing mahirap matulog sa sofa.

“Sabi ko na nga ba eh… gusto mo talaga akong makatabi!!!” nag grin siya.

“Uy… nag fefeeling ka na naman!!! Nagbago na ang isip ko… dun ka na sa sofa!!!”

Agad naman siyang tumalon sa kama. “Ay…. Wala ng bawian… saka promise masarap akong katabi!!!” kumindat siya…

“Abnormal ka!!! Alis diyan!!!” pagmamaldita ko ulit.

“Ssshhhhh….. magigising si sungit!!!” nilagay niya yung index finger niya sa kanyang labi (yung action pag may pinatatahimik).

Ngumiti nalang ako saka humiga na rin sa kama. Nasa left side siya ako naman sa right. And that was the first night na magkatabi kami ni kumag.

“Mahal mo yung boyfriend mo???” tanong niya.

Lumingon ako sa side niya. “Anong tanong ba naman yan… Siyempre… Mahal ko yun!!!”

Muli ko na namang nakita yung lungkot sa mata niya. Alam ko nakakalito siya. Actually gusto ko nun itanong kung ba’t siya nalungkot pero naunahan na naman ako ng hiya.

“Goodnight!!!” walang expression niyang sabi, saka tumalikod sa akin.

To be continued…

No comments:

Post a Comment

Read More Like This