Pages

Saturday, June 11, 2016

Sigaw ng Pugad Lawin (Part 2)

By: Bobbylove

Nagmadali na kaming umalis ng mga kasama ko, at wala akong balak lumingon. Gusto ko nalang takasan ang masamang panaginip na yun at kalimutan na minsan ay nakabangga ko si hudas. Pero sumusunod siya at walang tigil sa pag mo-monologue at the top of his lungs. God knows how hard I tried to ignore that guy… tumigil lang siya nung nakapasok na kami sa venue. Doon, nilingon ko siya and gave him my best smile! (yung ngiting panalo) Nagbuntong hininga lang siya at binigyan ulit ako ng masamang tingin. I just stared at him as he walk away from us, at nag blend na siya sa crowd. From his reaction nung time na yun, I know hindi yun ang huli naming pagtutuos. Sa utak ko “This would be a week in hell!!!”

Nag simula smoothly ang orientation. We were told about the new guidelines and regulations of the competition, along with all the necessary preparation that we needed. After nung first part ng program, hinati nung speaker into two groups ang lahat ng participants. I, Jude and Jayson went on the same side ng room, si Hudas??? Nasa kabilang part. Maya-maya ay naglabas ng dalawang fish bowl yung speaker binigay yung isa sa group namin at yung isa naman sa kabila; then he asked us to get a part of a heart inside the bowl at hanapin yung kahati nung heart sa kabilang grupo.

Nabunot ko yung yellow green na heart. Tinaas ko yung nabunot ko, trying to look for my partner sa kabilang side. Magulo yung paligid, since hindi na nga mag kamayaw yung ibang mga leaders sa paghahanap ng kapartner nila. Maya-maya pa’y natuon yung paningin ko kay hudas! Nakita ko’ng nakipagpalit siya ng heart sa katabi niya, palagay ko inakit niya yung babae para pumayag eh, nakita ko pang kinamayan niya ito saka nginitian. Hindi ko narinig ang pinauusapan nila pero batid ko ang masama niyang plano. Sumandal lang siya sa pader ng convention at sinuyod ng tingin ang paligid, na parang may hinahanap, pinagmamasdan  ko lamang siya, hanggang sa nagtama na ang aming mga paningin. Nag flash siya ng isang nakakabwesit na ngiti sabay taas ng isang yellow green na heart na naka-ipit sa gitna na middle at pointing finger niya at tumatango-tango pa.
Tiningnan ko ang hawak ko’ng heart, “Shit!!! May masamang balak nga itong loko!!!” sigaw ng utak ko ng makompirmang magka-kulay nga ang hawak naming mga puso. Gusto ko sanang magreklamo dahil sa alam ko namang nakipag-palit lang siya. Ngunit biglang nag salita ang speaker, “Everybody listen. Kung nahanap na ninyo ang kalahati ng inyong puso, sit beside each other and settle para hindi na masyadong magulo.” Gusto ko mang lumapit sa speaker at magreklamo tinablan na ako ng hiya since halos lahat kasi ay nahanap na ang partner at nakaupo na.

Para naman akong napako sa kinatatayuan ko. hindi ko kasi alam ang gagawin, kung lalapit ba ako sa kumag o aarte nalang akong may sakit nang sa ganun ay ma-excuse ako at makatakas kay hudas. Nakatayo lang ako hanggang sa marinig ko’ng nagsalita na naman ang speaker. “Gentlemen, go beside each other, paki connect nung mga pusong hawak ninyo for us to know na kayo nga ay destined to each other…” inaddress na niya kami dahil nung mga panahong iyon ay kami nalang ang nakatayo.

Napuno naman ng tawanan ang hall, meron pa’ng iba na sumisigaw ng “Uyyyyyyyy” at “Kiss… Kiss… Kiss…” “Bakit naman kayo tumawa? Wala akong masamang ibig-sabihin dun. What Im trying to say is, we wanted to find out kung destined ba sila na magkapartner for the whole duration of the orientation.” Ang pagpapalusot pa ng speaker na nuon ay hindi rin maitago ang labis na pagkatawa. Maya-maya pa’y naramdaman ko nalang na nasa tabi ko na ang kumag. Kinuha niya ang hawak ko’ng papel na puso saka idinikit sa kalahating hawak niya. Nakangiting itinaas niya ito saka sinabing “Yeah!!! Destined nga kami. Perfect Fit Oh!!!”

Pulang-pula ang mukha ko sa sobrang hiya nung mga panahong iyon. Hinihiling ko nalang na may dumating na kalimidad para ‘di na matuloy ang orientation, labis-labis din ang ginawa ko’ng pagdadasal sa lahat ng santo para supilin ang kasamaang binabalak ng magiging kapartner ko – ngunit walang nangyari pati ata ang panahon at ang langit ay nakisama sa isang malaking delubyo na nangyari sa buhay ko.

Umupo ako sa silya sa likuran ni Jude, sumunod naman ang kumag na nuon ay di pa rin maalis ang mga ngiti sa labi. Alam niya kasing nagtagumpay siya, at mukang nakikisama pa ang lahat sa mga plano niya.

“Hey Mr. Destiny, pano ba yan magkapartner tayo?…” bulong niya sa akin na may kasama pa’ng mga mahihinang halakhak. Hindi ko lang siya pinansin at nagkunwaring busy sa pakikinig sa speaker.

Nilapit niya uli ang kanyang mga labi sa kanang tenga ko at nagtanong “Are you gay?” i-nignore ko lang ulit siya.

“You have a crush on me! Right?” bulong niya ulit. Lumingon ako sa kanya, ngunit sobrang lapit pala ng mukha niya sa akin, dahilan upang muntikang magtama ang aming mga labi. Nagulantang ako sa nangyari at saglit na nawala sa sarili; nakatitig lang ako sa kanya habang pakiramdam ko ay tumigil sa pagikot ang mundo. Para akong nilamon ng charm niya; ang ganda ng kanyang mga chinitong mata na punong-puno ng expression, pati na rin ng kanyang matangos na ilong at ng mapupula niyang mga labi na nuon ay nakangiti dahilan upang lumitaw ang kanyang pantay at mapuputing mga ngipin. I was stunned by that beautiful creature na hindi naman malayong magustuhan ko. magkasing tangkad sila ni Jude, mas Malaki nga lang ang katawan nung huli na halatang pinaghirapan sa gym. Hindi naman mataba si kumag pero hindi rin naman siya payat, tamang-tama lang yung katawan niya para sa kanyang tangkad. Makinis rin ang balat niya na halatang anak mayaman. Bagay na bagay rin sa kanya ang suot niyang eyeglasses na halatang mataas ang grado dahil sa kapal ng naka kabit na salamin dito. Kamuka niya si Sir Chief (Richard Yap sa palabas na Be careful with my heart ng ABS CBN); at halos mag kapareho rin ang kanilang mga ugali – suplado’ng englesero.

”Hey… wake up!!!” tinapik niya ako. “Don’t worry you still have a week to stare at me!!!” pag-basag niya sa katahimikan ko. mistula naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Alam ko naman kasing natulala ako sa kagwapuhan niya. “Gwapo nga ito pero Ampangit ng ugali. Mabango pero ambantot ng pagkatao!” sigaw ng isip ko.

Tinulak ko siya ng mahina upang lumayo siya na kaunti; saka sinabi in my native tongue, “Pamati pud kaayo ka nuh??? Ing-ana jud ka gwapo imong panan-aw sa imong sarili dong???” (Ang Yabang mo rin ano? Ganyan ba talaga ka gwapo ang tingin mo sa sarili mo?) sabay alis ng paningin ko sa kanya.

Kinalabit niya ako. “What did you say?” iniwasan ko siyang tingnan at wala rin akong balak na sagutin ang tanong niya.

“Maybe, what you just say is I am extremely handsome and that you wanted to kiss my lips”. Bulong ulit ng loko sa tenga ko.

Inapakan ko lang ang paa niya, saka humarap sa kanya at sinabing “Ang sabi ko, ‘di ka naman ganun ka gwapo, infact mukha kang mabaho, sinamahan mo pa ng mabantot mong ugali… and wag ka masyadong mayabang, alam mo nakamamatay ang sobrang kayabangan. At hindi ako bakla, baka ikaw kasi tuwang-tuwa ka na tinutukso sa akin.”

Sa mga sinabi ko’ng iyon ay halata ang pagbabago ng expression niya. Parang lumamlam ang spark ng mga mata niya at nawala rin ang kanyang mga ngiti.

Pareho kaming natahimik sa kahabaan ng orientation. Walang kibuan at imikan hanggang sa natapos ang first set.

Lunch break na noon at papunta na kami nila Jude at Jayson sa mezzanine dahil naghanda ang organizers doon ng lunch para sa lahat.

“Hey Jun Bob Aragon!!!!” may tumawag sa akin mula sa likuran. Lumingon ako at dun ko nalamang si Kumag pala ang tumawag sa akin, at tinutungo niya ang spot na kinatatayuan namin.

“Pano mo nalaman pangalan ko? e, ‘di pa naman tayo nagpapakilala!” tanong ko sa kanya nung makarating sa harap naming. Labis ang aking pagtataka dahil hindi pa naman kami nagpapakilala sa isat-isa.

“Well, I have connections….. Connections that you don’t have…” ang nakakairita niyang sagot.

“Hey, destiny tayo diba? So I guess, we should have our lunch together….” Dugtong niya.

“Whatever… pwede ba, let me have a peaceful lunch break… lubayan mo ako!!!” sagot ko, sabay talikod at hatak sa dalawa kong kasama.

Medyo malayo na kami sa kanya nung muli ko’ng narinig ang pag-sigaw niya. “By the way… My name is Richard… Richard Oquendo…” ngunit hindi ko na siya nilingon.

Nagresume na ang orientation after an hour, at nagsimula na ang first activity namin. Nagbigay pala ng assignment ang speaker to get to know our partner at ipakilala sila sa iba.  Hindi ko alam yung activity kaya hindi ko kinilala si kumag, marahil ay kinukulit niya ako o nakatulala ako nung mga panahong nagbigay ng instructions ang speaker. And to my surprise kami yung unang tinawag. Pumunta kami sa harap at kinuha na ni Richard ang microphone at nagsimula akong ipakilala sa lahat, “Good afternoon, I would like to introduce to you Mr. Jun Bob Aragon… my destiny!” nagtawanan naman ang mga tao at may iilan pa ring nanunukso. “He’s 18 years old, taking up Marketing Management In _______________ University. He’s From the Tuna Capital of the Philippines. He got a grade of 1.25 in economics and 1.0 in franchising subject, so with that malalaman natin how smart this guy is.” Tiningnan niya ako saka ngumiti nung napansing nagulat ako sa mga pinagsasabi niya. “His phone number is 0915xxxxxxx”. Napanganga nalang ako sa aking mga narinig wala naman kasi akong shini-share sa kumag na yun.

“Pano mo nalaman yun?” bulong ko sa kanya.

“I told you, I have connections that you don’t have….” Bulong rin niya sabay abot ng mic sa akin.

Natutulala nanaman ako at hindi ko alam ang sasabihin. Wala naman kasi talaga akong alam sa sira-ulong yun eh. Sakabila nun sinubukan ko pa ring magsalita at ipakilala siya kahit papano. “ahhhmmmm….. Hello guys… ahmmmmm….. siya nga pala si….. Richard Oquendo….” Sabay turo sa kanya.

Natahimik naman ako at tumingin sa kanya. “hey pwede ba’ng mag coach ka naman jan. hiyang hiya na ako dito oh!!!!” paulit ulit na sigaw ng utak ko.

Hanggang sa… “Anything else to say Mr. Jun Bob Aragon?” tanong sa akin ng speaker.

“Call me B-Bob sir” sagot ko naman.

“I mean, about your destiny”

Umiling nalang ako. Senyales na wala na akong maibabahagi sa kanila.

“It seemed that you did not make your assignment Bob. Kaya kagaya ng pinagkasunduan bibigyan ka ng kapartner mo ng isang consequence.”

“Consequence???? ‘di ko nanaman alam yun ah!!!” sa isip ko.

Lumapit si Richard at halatang nag-iisip ng consequence… maya-maya’y kinuha niya ang mic sa aking kamay at nagtanong sa mga kasama kung ano ang magandang consequence. May mga nag-suggest ng pagsayawin ako, pakantahin at meron ding i kiss ko nalang daw siya na alam ko namang biro lang. “Kiss??? Parang favor naman ata yun sa kanya.” Ang pag but-in ni Richard.

“Ang Yabang talaga as if naman gusto ko’ng I kiss siya” pag murmur ko.

“I have a good Idea, since he did not exerted much effort to get to know me… hmmm… starting tonight magiging roommate ko na siya. He’ll be staying in our room so that he’ll have more time to know me better.” Wika ni Richard.

Tumutol ako subalit wala na rin akong nagawa dahil sinang-ayunan na ng iba at ng speaker ang walang kwenta niyang idea.

Pabalik na kami sa aming upuan nung nagsalita siya. “Don’t worry, kami lang ni Patrick yung magka share sa room! Besides, the bed that I’m using is pretty wide; you can sleep beside me.”

“Ala akong pake!!! Ang kulit mo kasi kaya hindi ko narinig yung instruction nung speaker.” Sagot ko na may kasama pang pag-irap.

“That’s okay!!! At least you remember my name!!! ” ngumiti siya sa akin. “You really had a crush on me!!!” dugtong niya habang nag gi-grin.

To be continued… 

No comments:

Post a Comment

Read More Like This