Pages

Saturday, June 11, 2016

May the Fourth Be With You (Part 1)

By: Kiel

Belle: OMG! This is so unhygienic Kiel. I can tolerate lahat ng kadramahan mo Kiel because you’re hurt and you have the right to be like this and that I don’t have a choice, but this Kiel, seriously?

Yea that’s belle ang bff kong dirt freak at yes babae sya. Naging bff lang kami dahil narin sa mga magulang namin na bff din since childhood days nila kumbaga naitadhana na din. So eto sya ngayon nagbubunganga while me? ayun nakahiga lang sa kama habang nakatitig sa kisame.

Belle: Kiel matitiis ko naman lahat e pero yung baho talaga bes yun talaga e. 3 days ka nang di naliligo at puro junk foods lang ang kinakain mo bakit ka pa buhay?

Me: ay grabe sya o. brokenhearted lang ako bes pinapatay mo na ako?

Sabi kong hindi inaalis ang mga mata sa kisame. Lumapit si belle sa akin at umupo sa dulo ng higaan.

Belle: bes bumenta na tong scene na to sa lahat ng movies at books e wala kang originality

Tinitigan ko lang sya ng masama since wala din naman syang masasabing tama. Wala din naman ako sa mood to deal with her.

Belle: okay. Bes I understand na nasasaktan ka and all pero kasi sa ginagawa mo ikaw ang nagmumukhang talo. Hindi ka pa ba naawa sa sarili mo? He doesn’t care about you Kiel and he doesn’t deserve you kaya kahit mag mukmok ka dito ng ilang linggo o buwan o magpakabaho  ng sobra e hindi ka niya babalikan. E diba nga pinag……

Me: oppssss! Wag mo na ituloy! Tsaka baka malay mo…..

Belle: arghhhh may tanga akong kaibigan

Nagdadabog niyang sabi habang palabas ng kwarto namin. Iisang condo unit lang kami ni belle kaya naman wala talaga siyang choice kundi pagtiisan ako. Tama nga naman si belle kinakawawa ko lang ang sarili ko habang si gago, ayun pa-beach beah pang nalalaman. Pano ko nalaman? Instagram beybii. Syempre mag ii-stalk padin naman ako sa kanya kahit sinaktan niya ako kaso nga lang ayun I always end up crying over and over again. ang lala naman ng pinagdaanan ko feeling ko tuloy noong nagsabog ng kamalasan sa mundo e nasa tuktok ako ng pinaka mataas na bundok sa pilipinas at salong salo ko lahat.
Una, my first boyfriend told me that he was going to Canada dahil namatay daw yung aso nilang si Jordan and that his brother needs him and when he got there, he texted me na hindi na daw sya babalik ng Pilipinas and he’s breaking up with me. The fuck right? Ginawa pang dahilan ang pagkamatay ng aso nila. What an asshole. Second was jake an aspiring model na willing to do and give up everything for his career including me at talagang dinala pa niya ako sa magarang restaurant for dinner para lang sabihing he wants a break up. Ginamitan pa niya ako ng linyahang “it’s not you its me” Punyeta yun lumiban ako sa work at nag-ayos ng sobra tapos pagdating ko dun sasabihin lang niya na he wants a break up? Nga naman o. Third was Peter ata o pen basta we were on a date sa EK, syempre ang lola nyo todo ayos at pagpapabebe at since yayamanin sya e libre niya lahat at sobrang sweet nya na parang hindi nahihiyang pinagtitinginan kami ng mga tao, yung bang parang may assurance na hindi ka niya iiwan or so I thought. Nag CR lang naman ako at dahil madaming tao e medyo natagalan at aba ang lolo mo iniwan nap ala akong nag iisa sa EK hindi ko na rin siya ma contact after nung day na yun. Mag isa tuloy akong umuwi. Hays life! And my fourth was Han short for Samathan. The one who teared me to pieces, the one who successfully broke my heart and be proud that he did it. Paano nga ba nagsimula ang lahat? How did I end up crying over one guy na wala namang ginawa kundi saktan ako yet I still hopes that he’ll come back to me and say “I’m sorry I was wrong” napaka ambisyosa ko naman mga bes.

This started when I met him sa isang event which was a wedding na inorganize namin ni belle at ng aming group. We named our group as NSN production. I was the photographer that time dahil absent si mark, our photographer. We were at the reception already sa part kung saan maghahatian na ng cake yung groom and bride. Everyone in my team were so busy. Si belle yung host kaya naman wala akong maka-usap at kahit wala na akong mapicturan sige lang kuha ko. 2 naman kaming photographer at magaling naman siya kaya no worries lang ako. I found myself taking picture of foods dahil super gutom na talaga ako pero I have no choice but of course do my job. So yun habang nagkukuhanan ng foods yung mga guests pinipicturan ko sila, then habang pino-focus ko yung lens ng camera there’s this one guy who caught up my attention dahil smile siya ng smile sa camera, so pinicturan ko siya besides cute naman talaga siya then lakad naman sa ibang lugar para di naman ako masyadong obvious. nagpahinga muna ako sa isang tabi habang chincheck yung mga photos na kuha ko then nakita ko yung picture nung guy na pinicturan ko kanina tapos zinoom ko at aba ha, gwapo si kuya, yung smile niya ang cute, yung hair niyang brush up, chinito, Moreno, matangkad at God!! fit ang suot kaya naman halatang batak haha. Habang pinagnanasahan ko yung pic may biglang nagsalita sa likod ko.

Guy: pogi ko diyan a.
Me: fudgeee (syempre kunware nagulat epek ako diba)
Han: hi I’m han
Me: owww
Han: owww? Pangalan mo ay owww?
Me: yes ay NO NO. my name po is kiel hehe (sherep naman po dis guy)
Han: yes kiel uhmm pwede mo ba kaming picturan dun with my family
Me: yea sure

So yun. Pinicturan ko siya with his family tapos sinabayan niya akong kumain after at ang dami ko agad nalaman sa kanya dahil sobrang daldal niya. Ate niya yung bride na si Anne and that he is 23 yrs old currently a call center agent and single. Niyaya niya pa nga akong lumabas pero diba dapat pabebe tayo mga sis ng kahit kaunti lang naman.

Han: are u free tomorrow?
Me: uhmm di ako sure e why?
Han: there’s this movie sana na gusto kong panoorin kaso wala akong kasama kasi busy daw sila
Me: ah okay. Sure basta libre diba?
Han: haha ako nga sana papalibre sayo e
Me: (de puta to gagawin pa akong sponsor) ay naku busy pala ako bukas oo ikaw na lang
Han: uy teka jk lang haha so saan ka nakatira para masundo kita bukas?
Me: naku di na magkita na lang tayo sa mall nakakahiya naman e
Belle: bes, ay bes umawra ka agad busy pa tayo. Di jk lang halika muna bes may papakita ako sayo.
Me: okay. So han kita na lang tayo bukas?
Han: yea sure sure

Habang papaalis kami ni belle syempre haharot pa si gaga

Belle: may pagkikitang magaganap? Pakilala mo ko kanina ko pa tinitignan yan e
Me: wag kang ano may boyrfriend ka na diba?

Halos mga 2 am na kami nakauwi after ng event, hindi ko na rin nakita si han. Siguro umuwi na rin agad.
Nakahiga na kami ni belle noong naka receive ako ng text from an unknown number

+632-------
See u tomorrow

At dahil na rin sa kapaguran e hindi ko na siya nagawang replyan.


So nagkita kami sa mall at halos isang oras at kalahati akong nag-aantay pero wala pa rin siya, tinext ko na at lahat pero wala talaga so naisip ko baka naman kasi pinagtripan lang ako or what kasi sino nga naman ba ang papatol sa akin. Isa lang naman akong hamak na event organizer, 20 years old at pusong babaeng na-trap sa loob ng katawan ng isang lalaki, hindi naman ako nagco-cross dress since I believe na kapag hindi bagay e wag nang i-push. Kaya ayun nagikot ikot na lang ako sa mall at nagmumuni muni kasi nga feelingera ako.

Siguro mga 5 minutes din akong nagiinikot sa mall ng makita ko sya tumatakbo papunta sa akin

Han: im really sorry jen sobrang traffic tapos nagkaproblema pa sa bahay kaya I had to..
Me: ah ganun ba (pagpuputol ko sa kanya) pasensya ka na ha baka namali ka lang beause im not jen
Han: did I said that?
Me: yea
Han: no im sorry kiel. Babawi na ang ako okay? Kanina ka pa ba?
Me: no actually mga 10 minutes kala ko nga andito ka na (I lied, pa-impress si gaga e)
Han: lets go?
Me: yea sure

Naburyo lang ako sa loob ng sinehan dahil literal pala talaga kaming manonood though I’m very fond of watching movies. Pero wala man lang mga ninja move kainis. Siya ang saya, I mean na-enjoy ko naman yung movie but I was hoping na kahit papano may pagkabastos siya ng light lang. mga 3 out 10 ganyan.
So after that hinatid niya na ako sa bahay using his car. Madalang kami mag-usap di gaya noong nasa event kami tapos para pa siyang nagmamadali. Naiintindihan ko naman kasi nag sorry na siya and my love is greater than his imperfections choss.

To cut the long story short sinagot ko siya sa ika-sampung araw na pag-labas namin. Nandyan ang kakain sa labas at ang di ko inaasahang hiking, isa yun sa mga hobbies niya kaya di ako nakatanggi pero jusme aatake ang hika ko pag nagkataon but thank God na-survive ko naman siya. Ilang hakbang na lang at maaabot ko na ang tuktok ng bundok na ito, nakayanan ko ang halos 2 oras na pag-akyat. Kasama namin ang mga kaibigan niya at si belle di nakasama dahil luluwas sila ng boyfriend niya sa Pampanga to meet the parents daw. Akala ko nga ma-oop ako ng sobra pero kunti ang pala kasi mababait naman sila and friendly. Pag tungtong naming sa taas ay iba ang feeling. Ang lamig ng simoy ng hangin at yung feeling na fulfillment at proud sa sarili na hindi ko man siya nagagawa before but at least now kasama ko tong nagawa kasama ng espesyal na tao sa buhay ko. And yes gusto na talaga siya. Napa-upo ako sa isang malaking bato habang nag kukuhanan sila ng selfies and groupies kasi talagang hindi ko na kakayanin tong hingal ko.

Sam: Kiel, come here lets take some pictures
Me: yea… im – go – there – now (ano daw)

Si Sam ang half australian, half german na kaibigan ni Han. Ewan ko ba marunong naman akong mag-ingles pero kapag si Sam na kausap ko parang natatanga ako. Nagtataka tuloy ako dahil kanina pa nawawala si Han

Me: Sam uhmmm where where. (ayoko na talaga) ate kris nasaan po si Han

Tapos bigla na lang silang ngumiti sa likod ko na para bang ewan. Pag lingon ko OMGGGG di ko kinaya si Han may hawak na cartolina na may “will you be my partner Kiel” habang may hawak namang lobo at flowers si ken yung bff niya.

Sila: yieeeeee

So ano papabebe pa ba ako? Sinagot ko siya agad agad tapos binaba niya yung hawak niyang cartolina at kinuha ang flowers at lobo kay ken. Habang papalapit siya sa akin ay siya namang hakbang ko patalikod.

Han: whats wrong?

Nagtataka na sila

Han: kiel whats wrong? Are u okay?
Me: uhmm phobia?
Han: Polio what?
Me: Phobia han, phobia. Takot ako sa lobo.

Yea its real meron nga akong globophobia. Fear of balloons. What he did next melt my heart. Binitawan niya yung lobo at lumipad ito malamang. Habang papalapit siya, siya naman tong paglipad ng mga lobo sa likod nya na nagsilbing background. Para akong nakakita ng anghel na papalapit sa akin ang saya ko lang kasi finally may isang lalaking totoo akong natitipuhan. Yun lang naman ang gusto nating mga kababaihan (in soul and heart) ang magkaroon ng isang lalaking mamahalin tayo ng tunay at lubos.

After that, 5 araw siyang naging sweet sa akin, flowers, chocolates, paglabas araw araw. Halos ayaw niya na akong pauwiin. Hindi pa rin naman kami nagsesex or nagkikiss and all kasi baka naman hindi pa siya ready at hindi rin naman siya nagbibigay motibo kaya puro yakap lang tuloy ang naiuuwi ko until 1 day. nasa bahay niya kami noon habang nagiinuman kami ng mga friends niya na naging friends ko na din naman so wala nang pag aalinlangan pa. mga 10pm na yun tapos last shot ko ng bigla akong mahilo at pinakiusapan si han na iakyat na ako sa kwarto niya. Hindi naman ako nag aacting actingan kasi hindi naman ako ganoon ka desperado pero totoo talagang nahihilo ako. Umaga na ng magising ako ng hubot hubad mga bes, hindi ko kinaya. Pero nagtataka ako kasi kung mayroong nangyare sa amin diba at least masakit yung katawan ko? Pero kasi i feel so relaxed that day, naisip ko tuloy ang sweet naman niya kasi nirerespeto niya ako omggggg. Pero bakit ako nakahubad? Umuwi na ako ng araw na yun kasi hinahanap na ako ni belle at hindi ko rin naman na siya naabutan kasi sabi ng yaya nila umalis daw siya agad. Mga 3 araw na siyang di nagpaparamdam sa akin at kahit anong gawin at tawag ko sa kanya e di siya ma-contact nag alala tuloy ako sa kanya kaya pumunta na ako sa bahay nila agad agad.  When I got there kinausap ko yung ate anne niya since umalis daw siya.

Anne: uy hey Kiel, what are u doing here?
Kiel: hi maam. Kayo po pala. Andyan po ba si Han?
Anne: ano ka ba ate anne na lang itawag mo sa akin. Si han lumabas siya with friends pero hindi ako sure e hindi rin niya nabanggit.
Kiel: ah ganun po ba sige po mauuna na po ako.
Anne: okay ka lang ba kiel? May nangyare ba?
Kiel: ay wala naman po may utang po kasi si han sa akin sisingilin ko lang po sana
Anne: oh that han talaga. Pasensya ka na kiel…
Kiel: ay joke lang po ate anne hahaha sige po uuna na po ako.
Badtrip talaga to si Han nakakainis hindi man lang nagpaparamdam sa akin bwiset. I end up drinking coffee para mawala tong stress ko. Para akong naiiyak na ewan. So I went to Instagram para mag scroll scroll ng mga photos at nakita ko yung post ni ate kris 4 minutes ago na picture nilang magkakaibigan sa isang coffee shop din na may caption pang ATM at nandoon si Han

Me: aba tong hinayupak na to pakape- kape pa!

Dali-dali kong narating yung parking lot at pinuntahan yung lugar kung nasaan sila. After 5 minutes’ drive nakarating din ako sa coffe shop where they are hanging out kuno. So pag baba ko I immediately went to the shop para awayin siya syempre. Punong puno ng scene yung utak ko na dapat mangyare pati yung script na nabuo sa utak ko. Pagpasok ko hindi ko sila agad nakita kasi nahaharangan sila ng isang counter. Sakto naman na walang naka-upo sa likod nila kaya doon ako umupo. Ginamit ko yung front camera para makita ko yung ginagawa nila na hindi ako mahahalata. Pag labas ni Han sa CR umupo to agad sa tabi nila.

Ate Kris: hoy han, hindi ka ba nagiguilty? Text sa akin ng text si kiel hinahanap ka. Ano ba kasing balak mo ha?
Ken: alam mo kasi tol mabait naman yung tao kaya nga inuurong nanamin yung deal diba?
Han: haha kaya kayo ganyan kasi talo kayo. So dahil 2k isa, akin na ang 6k ko haha tsaka di ko na kayang i-tolerate yung pagka clingy niya, ang arte arte pa takot daw sa lobo may ganun ba? hahaha
Sam: that isn’t right dude he seems really nice guy and he’s funny
Han: relax lang kayo guys syempre I sorted it out already. Remember the night noong naginuman tayo sa bahay? Naglagay ako ng sleeping pills sa drinks niya tapos nung dinala ko siya sa kwarto pinicturan ko siya ng hubo’t hubad. Haha
Sam: dude youre an asshole
Han: hindi ganto kasi yan mga tol. Ipag ba-bockmail ko yan sa kanya para pag nakipag break ako sa kanya tapos di niya ako titigilan ia-upload ko yun sa facebook, tsaka bakit ganyan kayo e noong sa kasal nga ni ate parang naiinis pa kayo sa kanya e kaya nga natin siya pinagpustahan diba.
Ken: e tol kasi hindi pa siya natin kilala noon. Don’t be like that han mabait yung tao
Han: malinaw naman ang usapan diba pag sinagot niya ako sa loob ng 15 days may tig 2k ako sa inyo
Ate kris: ang sama mo han, hindi ko akalain ganyan ka pala ka-hayop

Dali dali akong tumayo at pinuntahan sila. Gulat na gulat sila ng makita ako doon.

Me: o ano? Bakit parang nakakita kayo ng multo?

Kinuha ko ang isa tinidor sa lamesa at sinaksak ito sa mata ni Han. Dahil halos mabaliw ako at sabog sa galit ay isinubo ko ito at kinain sa harapan nila. Nagsisigaw sigaw sila habang dahan dahan kong nginunguya ang mata ni Han na kasalukuyang nakabulagta sa sahig ng shop.

Kung kaya ko lang talaga gawin to baka ginawa ko na. pero hindi siguro sa kainang-mata part kasi parang yuckkkkkkk.

Di ko alam ang gagawin ko habang nakaupo ako dun. Napako ako sa kinauupuan ko at Bigla na lang tumulo ang mga luha sa mata ko ng di ko namamalayan. Dati pag nagpapraktis akong umiyak ayaw tumulo pero ngayon hindi tumitigil ang pagbuhos nito. Sobrang sakit naman nito. Bakit parang masakit pa to sa mga niloko at pinagpalit? Pustahan? Ano ako laruan, kabayo ba ako para pag pustahan? Ang sakit mga bes. Nanginginig yung buong katawan ko nang simulan kong tumayo at maglakad palabas. Malapit na ako sa sasakyan ko ng tawagin ako ng isang pamilyar na boses

Ate kris: kiel (sabi nitong parang gulat)

Hindi ako nakapagsalita bagkos naglakad ng derederecho sa sasakyan. Hinabol ako ni ate kris at hinila para mapaharap ako sa kaniya. Nagulat siya ng makita ang mga mata kong luhaan. Hindi na niya kailangan pang magtanong dahil mga mata ko na ang sumagot na narinig ko ang lahat. Lahat lahat ng panloloko nila sa akin.

Ate kris: im really sorry kiel, hindi ko alam….
Me: no, its okay. Actually, tama na rin yun siguro para matigil na ko sa kahibangan ko.

Sumakay ako ng sasakyan at patuloy na nag maneho papaalis. Humahagulgol na ko this time at parang hirap na akong makapag pokus sa pagdadrive. Itinabi ko muna ang kotse ko at tsaka humagulgol ng iyak. Tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Han sa screen. Pinatay ko ang cellphone ko at tinuloy ang pag iyak. Hindi ko akalain na ay mas lala pa pala sa mga kwentong pag-ibig ko. Bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng mga luha kong talunan. Para akong sinampal ng katotohanan na ang mga kagaya ko ay walang karapatang sumaya, tunay ngang walang forever, for the meantime siguro meron pero sa mga napagdaanan ko? Tama nga si belle ako ang talo.

Patuloy lang akong nagdadrive, ni hindi ko na nga alam tong dinadaan ko basta ang alam ko I have to get out of here, kailangan kong lumayo, kailangan kong maghilom. Sa kagagahan ko at sa pagdadrive kung saan saan e tuluyan na akong nawawala, hayop naman this life samahan pa ng mga kulog at malakas na ulan, jusmee ma wro-wrong turn ako nito e. dahil sa hindi nga ako pamilyar sa lugar at malakas na pagbuhos ng ulan e wala na akong choice kundi maghanap ng pansamantalang titigilan. Takte tong phone ko tsaka pa nalowbatt. Nakahanap naman ako ng isang resort at tsaka ko lang nalaman na nasa batangas na pala ako, isang kwarto malapit sa beach yung nakuha ko. Maganda naman kaso parang wala akong buhay para maappreciate yung environment. 9 pm when I got there at buti na lang kahit papaano e tumigil na ang ulan sa pag hagulgol pero hindi ako. Ending? Kumain akong mugto ang mata yung para bang parang narape na ang gulo ng buhok, mugto ang mata at damitang parang hindi napag isipan. Nagsasalin ako ng yelo sa baso ko para sa juice ng maalala ko nanaman ang lahat, grabe no may mga tao pala talaga na kayang kaya kang pag laruan. Yung mga taong walang clue sa kung ano man ang napagdaanan mo sa buhay kasi wala naman silang paki-alam other than themselves at yung….

Guy: uhmm excuse me, are u okay?

Tiningnan ko lang sya ng blanko.

Me: do I look like im not okay? (sabi kong may pagka galit)

Guy: uhmm yea? At puno na ng yelo yung baso mo. puro yelo lang ba kukunin mo?

Ay pucha napuno na nga ng yelo at wala ng lugar para sa juice at aapaw na. shit di pwedeng mapahiya kailangan panindigan ko to.

Me: YES! And u don’t care

 Sabay irap. Di man lingid sa kaalaman niya e nakita ko siyang ngumisi bago pa man ako nag walk out.

To be continued

No comments:

Post a Comment

Read More Like This