Pages

Friday, June 3, 2016

Sigaw ng Pugad Lawin (Part 1)

By: Bobbylove

I always have the perfect idea of meeting the right one… yung tipo bang pag nagkita kayo ay titigil ang mundo, mag-aawitan ang mga ibon at parang may mga nag-aalburutong paru-paro sa sikmura mo! Sabi nga ng paborito ko’ng libro nung bata pa ako “LOVE is when the everyday things surrounding you suddenly shimmer with the kind of unreality”. O diba “PERFECT”!!!!
Call me Bob. 21 years old and currently working as a Marketing and Creative Head sa isang Government Agency sa Region 12. I grew up sa isang family na imperfect pero masaya. My parents has always been a good provider and supportive sa amin ng Kuya ko. My Papa manages our small business and my Mama works as a Midwife. Isa akong achiever since my primary education, in fact I had finished High school and College enjoying a full Scholarship.
Ilang beses na rin akong sumubok at nasaktan sa pag-ibig. At ang pinakamasakit ay ang break up namin ng girlfriend ko’ng si Trixie. 4 years din yung tinagal ng relationship namin; 4 years na iningatan ko’ng mabuti, 4 years na tinapon at sinayang lang niya! She broke up with me dahil daw malambot ako, at madalas na usap-usapan ang aking sexuality. This had change my idea about love; and since then, hindi na ako sumubok pa ulit! Binigyan din ako nito ng confusion, simula kasi nun madalas ko nang isipin na baka nga tama si Trixie at ang ibang tao… baka nga bakla ako .
Sophomore year ko; simula ng 1st semester noon nung simulan ko ang journey ko without Trixie. Mahirap pero kinakaya ko with the help of my family lalo na ng best friend ko’ng si Anthony. He would always give me a good company. Kahit nga time na para sa Girlfriend niya ay napupunta na rin sa akin, just to make sure na okay ako.
Election of officers ng mga Clubs and Org noon, nang aksidenteng ma nominate at manalo ako sa isang org. accidental kasi hindi naman yun ang intention ko, isa pa, I didn’t even payed much attention during the whole election program, I was just there for formality, para may masabing may sinalihan naman akong org and since naroon rin most ng mga classmates ko. It was an international organization which aims to alleviate poverty in the country; basically our group would create livelihood projects and look for worthy community para maging beneficiary.
Noong una wala akong paki-alam sa org na yun eh; but everything changes noong nakita ko how noble the group is. Yearly may ginagawang national competition, wherein students from all over the country would have the opportunity to showcase their projects and how those projects had impacted their chosen communities.
My school had chosen me as one of the presenter (I actually had done it for 3 times simula nung pumasok ako sa org). Each year has been a challenge and an adventure for all of us. Pero ang pinaka memorable sa akin ay yung last year ko sa college at huling national competition ko, for it leave a big mark hindi lang sa puso ko kundi sa buo ko’ng pag-katao…
2 weeks before the competition, ay pinatawag ng organizing body ang lahat ng mga team leaders ng mga participating schools for the annual orientation for the new rules and guidelines. So I went to manila for a week to attend the said orientation. Ginawa yung 1 week orientation sa isang Hotel sa Makati where we also stayed.
When I reached my hotel room, nakilala ko yung mga magiging roommates ko. First is Jude from Cebu. He’s in his junior year pero he’s 2 years older than I am. He was tall (like super TALL) around 6’4’’ to 6’6’’ siguro. (I was just 5’8’’ kaya sobrang tangkad niya talaga), he actually looks like Persian but according to him pure pinoy siya; the other one is Jason from Pangasinan, Filipino-Indian, Moreno and around 5’5’’ to 5’6’’ siguro.
Unang araw ng orientation; on the way to the venue together with my roomies may bumangga sa akin mula sa likod. (Sobrang Lakas) kaya tumapon yung mga bitbit ko, but instead na tulungan ako at mag apologize he just continue walking as if nothing happened. Ni hindi man lang lumingon ang hudas! Sa sobrang inis ko, pinulot ko yung planner ko’ng nalaglag at binato sa kanya. Sapul sa likuran ng ulo ang loko!!! Tumigil siya at humarap sa akin… at doon ko unang nasaksihan ang lupit ng SIGAW NG PUGAD LAWIN!!! :-o
“Hey what the Hell!!!!” hirit niya sabay duro sa akin. Nalilisik ang mga singkit niyang mata at nagngingitngit yung mga labi niya… marami pa siyang sinasabi pero hindi ko maintindihan, hindi ko alam kung dahil ba sa English siya ng English o dahil sa kinain na ako ng takot. Naramdaman ko nalang ang paghatak sa akin ni jude na siyang nagpabalik ng ulirat ko. Agad ko’ng pinulot yung ibang gamit ko’ng nalaglag and bumped him off sabay sabing “Go to hell!!! Brat!!!”

To be continued

No comments:

Post a Comment

Read More Like This