Pages

Saturday, June 25, 2016

Kindat Pa (Part 3)

By: Bakla (Bata, bata paano ka naging bakla)

"Stan, I'm sorry" pagmamakaawa ni Ken.
"Ngayon ka lang talaga nagsorry matapos ng lahat lahat"
"Kasi Stan" naantala si Ken.
"Kasi ano? Kasi hindi ako iyong gusto mo nang nagkagusto ako sa iyo? Kasi wala kang pakialam sa akin. Kasi bobo lang talaga ako. Kasi wala akong karapatan. Oo na ikaw na tama. Ikaw na ang maraming tamang dahilan. Kahit anong anggulo, talo ako eh. Kalimutan mo na ang nangyari kahapon. Oo patawad dahil sinamantala ko ang pagkalasing mo. Pero pinigilan ko naman sarili ko na may mangyari sa atin. Dahil alam ko kung malalaman mo na may nangyari sa atin, magagalit ka nang tuluyan sa akin at kailanman hindi mo na ako kakausapin. Kuntento na ako kahit parang nawawala na pagkakaibigan natin. Kuntento na ako na nakikita kita, hindi na nakakausap, paminsan minsan nalang"
Sa usapan nina Ken at Stan, mistulang ang pakiramdam ni Stan ang sumabog.

Matalik nang magkaibigan sina Stan at Ken noong highschool palang. Hindi alam ni Ken na may lihim pala si Stan at ito ay ang pagkakagusto nito sa mga lalaki. Hindi naman natuon ang pansin ni Ken sa tunay na pagkatao ni Stan. Hanggat masaya ang kanilang pakikisama, kuntento na silang dalawa. Kailanman ay hindi lumabo ang kanilang pagkakaibigan. Konting ayaw nagbabati naman sila agad.

May pagkakataong tinutukso ng mga kaklase nila silang dalawa na bakla dahil palagi silang magkasama. Nagagawan ng malisya ang kanilang pagsasama.

"Oi Stan, kailan pa naging kayo ni Ken?" tanong ng isang kaklase.
"Gago, may crush iyang si Ken na babae sa klase natin" sagot ni Stan.
"Weh? Sino naman?"
"Basta, hahaha"
"Ikaw, sino crush mo Stan?"
"Wala" simpleng sagot ni Stan.
"Siguro crush mo si Ken ano?"
Hindi makasagot si Stan dahil parang nagulat pa siya. Nagtinginan sina Stan at Ken. Sa loob looban  ni Stan, gusto niyang humingi ng tulong kay Ken. Gusto niyang ipagtanggol siya nito pero parang hindi nagpapakita ng halaga si Ken.

"Bakit hindi ka makasagot Stan"
"Bahala kayo"

Ang mga ganitong tagpo ang nagiging rason upang hindi lumalapit si Ken kay Stan. Kung lumapit naman si Stan kay Ken, ay hindi naman ito pinapansin.

"Oi Ken, tara magtanghalian na tayo"
Hindi umimik si Ken. Nag-isa nalang kumain si Stan samantalang sumama si Ken sa mga kaklase nila. Naginh malungkot si Stan dahil naramdaman niyang nag-iisa siya sa mga oras na ito. Pero hindi naman tumatagal ang layuan nina Ken at Stan.

"Stan, oh ano. Sabay na tayong umuwi" anyaya ni Ken.
"Sige" nakangiting sagot ni Stan. Halos paulit-ulit nalang ganito sina Ken at Stan. At kapag ganito ang mga nangyayari, unti-unti nang nahuhulog si Stan kay Ken na ilang taon na niyang pinipigilan.

4th Year High School nun nang may inamin si Ken kay Stan. Sa bahay nina Stan ito nangyari.
"Stan, may aaminin ako sa iyo" Sabi ni Ken.
"Ano?" naghalong emosyon ni Stan.
"Alam mo ba may crush ako?"
"Oo madami na. Haha" tawa ni Stan.
"Iba ito"
"Bakit naman"
"Malapit lang siya sa akin"
"Hala" nagtaka si Stan kung ano ang ibig sabihin ni Ken na malapit.
"Halika, ibubulong ko sa iyo" nilapit ni Stan ang tenga niya kay Ken.
"Andito siya ngayon, sa harap ko lang"
Nagulat si Stan, hindi niya alam ang mangyayari.
"Si ate ba?" tanong ni Stan. Ayaw marinig ni Stan ang sagot ni Ken. Busy palang nanonood si Sam sa TV katabi ni Stan. Kumakabog na ang puso ni Stan sa sasabihin ni Ken.



" O o " iyon na nga ang narinig ni Stan. Bumalik na sa maayos na pagkakaupo si Stan. Nakasapatos siya nang oras na iyon kaya naman naitago niya kung gaano tinigasan ni Stan ang mga paa niya sa takot at gulat sa sakit. Pilit niyang kinakalma ang parang bumilis na paghinga.

"Kaya naman pala" sabi ni Stan.
"OO" nahihiya pa si Ken pero maya't maya ay nagpakita ito ng malaki at matamis na ngiti. Nagpakita nalang ng thumbs up si Stan para kay Ken dahil hindi niya na alam ang gagawin.
Mamasa masa mata ni Stan pero napigilan niyang tumulo kahit isang luha lang.
"Bakit basa mata mo?" tanong ni Ken.
"Ah wala may kung anong pumasok lang" sabay nito pahid sa nakapikit na mata.


Hindi napansin ni Ken na binabaon na pala niya si Stan sa sakit.

Isang araw, may event sa school. May patimpalak gaya ng pag-aawit, sayawan, pagguhit, atbp. May isang palabas pinanood ang buong klase nina Stan at Ken. Gaya ng kagawian magkatabi talaga sina Stan at Ken para magkwentuhan habang nanonood.

Sumali pala sa hiphop ang ate ni Stan na si Sam. Matagal na itong sumasayaw at nanalo naman ang grupo nito sa mga paligsahan.

"Ang galing talaga ng ate mo sumayaw" sabi ni Ken"
"Oo naman" sagot ni Stan.
"Ang galing talaga hayop. Maganda na sumayaw, maganda pa"
Masayang ngiti nalang ang naiganti ni Stan kay Ken. Pilit kinukubli ni Stan ang kirot.
"Ang ganda talaga. Ang ganda" Hindi parin magkamayaw sa tuwa sa panonood si Ken.
"Ang ganda ganda talaga ng ate mo Stan" at hindi na napigilan ni Stan ang sakit kaya gumawa na siya ng paraan para mapalayo lang sandali kay Ken.
"Sandali lang hindi ako makakita ng maayos dito. Palit lang ako ng upuan" sabi ni Stan na kinataka ni Ken.
Nakaupo na si Stan hindi kalayuan kay Ken. Tumitingin lang si Stan kay Ken na masayang nanonood sa ate nito. Kung mapatingin naman si Ken kay Stan ay masayang ngumingiti lamang ito. Hindi alam ni Ken na iba na pala nararamdaman ni Stan. Hindi kayang maging masaya ni Stan para sa matalik na kaibigan.

Nagdaan ang mga araw na hindi kinakausap ng maayos ni Stan si Ken. Pero hindi kalaunan ay parang neutral nalang ito para kay Stan.

Araw bago ang graduation.
Nag-usap sina Stan at Ken sa telepono.
"Ang saya-saya ko dahil bukas graduation na" Sabi ni Ken.
"Ako nga din eh" ganti ni Stan.
"Parang ito na talaga ang pinakasaya kong araw"
"Bakit?"
"Edi dahil tayo"
"Ha?"
"Tayo, magkaibigan hanggang katapusan"
"Ah"
"Tsaka"
"Tsaka ano?"
"Bukas ko nalang sasabihin"

Kinabukasan pagkatapos ng ceremony.

"Congratulations Babe" at nanlaki ang mga mata ni Stan sa pagkakasabi ni Sam kay Ken.
"Thanks Babe" sagot ni Ken kay Sam.
Napako nanaman si Stan sa mga mabibilis na pangyayari.

"Kailan pa naging kayo?" tanong ni Stan.
"Noon pa. Matagal na, mag-iilang buwan na nga kami ni Sam. Gusto ko sanang sabihin sa iyo kahapon pa. Pero gusto kitang masurprise at success nga. Masaya kaba na kami na ng ate mo"
"Diii.......... OO" pinalitan agad ni Stan ang sagot.

Kinagabihan tumawag si Stan kay Ken.
"Ang Daya mo!" galit ni Stan.
"O, bakit? aaaaahhhh hmmmm" tanong ni Ken.
"Nakainom ka ano?"
"Ha? hehehe"
 "Hindi mo man lang sinabi kayo na ni ate. Naiinis ako sa iyo"
"Sorry na. Haaaaaaahhhh" paghinga ni Ken ng malalim.
"Kala ko magkaibigan tayo. Nagtatago ka nang sikreto sa akin eh!"
"Baka magalit ka na niligawan ko kasi ate mo? Hehehe pasensya na inaantok na ata ako dahil sa alak"
"Bakit naman ako magagalit?"
"AMMMMMMMM. Hindi ko alam. Siguuro. Siguro. hahaah siguro dahil mo, dahil ayaw mo maging kami, dahil ate mo siya?"
"Kala mo ikaw lang marunong magtago ng sikreto ano?"
"Bakit? Hmmm hahaha ikaw ha, secret secret kaha"
"Ano papatalo lang ako sa iyo?"
"Galeet ka talaga sa Akin anoohhhoo"
"Oo!"
"Bat naman? Hindi mo ba ako mahal Stan?"
"Lasing kana nga" Pero sa isip ni Stan, kahit hindi siya sigurado, parang gusto niyang sabihin na iba na ang nararamdaman niya.
"Aminin mo na kasi. Heheehe"
"Oo, matagal na kitang gusto. Kailanman ayaw kong magkagusto sa iyo. Dahil ayaw ko ng ganito. Na talo ako kahit ano kong gawin. Pinilit kong lumayo sa iyo kapag hindi mo alam na nasasaktan na ako sa iyo. Tiniis ko lahat. Tinago ko lahat dahil ayaw kong ikaw ang lumayo sa akin. Ken patawarin mo ako pero hindi ko na kaya pa ito." mistulang wala nang may sumasagot sa kabilang linya.
"Ken? Tinulugan mo ba ako Ken? KEN!!!" sa takot, binaba nalang ni Stan ang telepono.

"WTF, anong ginawa ko?" tanong niya sa sarili.
Hindi makatulog si Stan sa nangyari. Kahit wala siyang iniisip, tumutulo at tumutulo lang talaga ang mga luha. Nakatulog siya ng panandalian, pero nang nagising siya bigla nalang siyang umiyak.

Tatlong araw naging ganito si Stan hanggang nagising na siya sa katotohanan. Hindi na sila mag-uusap ni Ken dahil sa nangyari sa pagitan nilang dalawa.



...

Tumagal sa ere ang usapan na walang qinay umimik.
"Stan?" Natakot si Ken. Hindi niya sinasadyang binaba ang phone. Natakot narin siyang tawagan ulit si Stan.
Halos itapon ni Stan ang phone niya pero alam niya sayang naman ng phone niya.

"Gago, gago GAGO, paasa gago. Ano inaakala ko mamahalin niya ko?" pag-aakala ni Stan.


Kinabukasan...

"Stan, may bisita ka" tawag ng mama nya.
Hindi pa man lumalabas sa CR si Stan na naliligo, may tao nang pumasok sa room nya. Nang makalabas siya ng CR nakaupo sa higaan niya si Ken. Nagulat si Stan at hindi niya alam ang gagawin.

"Oh, bat andito ka?" tanong ni Stan kay Ken habang basa pa mula sa ligo. Malaking ngiti lang ang ginanti ni Ken. Kumuha muna si Stan ng damit niya sa drawer nang may yumakap sa kanya mula sa likod.

"Na miss ko tayo. Huwag mo nakong kailanman layuan o iwasan" nanigas na titi niya sa likuran ni Stan. Napatigil lamang si Stan sa paghahanap ng damit, hindi magawang harapin si Ken.

Kinuha ni Ken ang kamay ni Stan, hinatid sa kama at hiniga. "Dito lang muna tayo" malamin ang tingin ni Ken sa mata ni Stan. Wala pang suot na damit si Stan kaya naman malaya si Ken na nilibut ang katawan ni Stan. Hinipo ni Ken ang bibig ni Stan gamit ang kanyang hinlalaki. Pinasok niya ito hanggang ngipin lang. Hinalikan ni Ken ang leeg ni Stan pataas, papunta sa bibig ni Stan. Mistulang nasasarapan si Stan dahil dahan dahang tumayo ang titi niya. Pinasok na ng dila ni Ken ang bunganga ni Stan.

"Ken hmmmmm" ungol ni Stan. Pinisil ni Ken ang kaliwang utong ni Stan na ikinagulat naman ito. "AAAH, Kenmmm".

"Sa'yong-sa'yo na ako Stan." malaya na silang dalawa naglaplapan hanggang napagod.

"Sige na magbihis kana Stan. Libre kita sa labas. Gumala tayo, magsaya. Dahil alam ko na ngayon kung paano maging tunay na masaya" bulong ni Ken.

Ipagpapatuloy...

No comments:

Post a Comment

Read More Like This