Pages

Tuesday, June 21, 2016

Pastor's Child (Part 2)

By: Erick

"Homosexuality is an abomination to the Lord. According to the book of the Bible, Leviticus 20:13. Sabay sabay po natin basahin."

"IF THERE IS A MAN WHO LIES WITH A MALE AS THOSE WHO LIE WITH WOMAN, BOTH OF THEM HAS COMMITTED A DETESTABLE ACT; THEY SHALL SURELY BE PUT TO DEATH. THEIR BLOODGUILTINESS IS UPON THEM." sambit ng bawat isang nakatayo sa simbahan

Isa ako sa mga nagbasa ng pahayag na nagsasabing immoral ang pakikipagtalik sa kapwa lalaki. Nakaramdam ako ng kaba, pagtataka at takot. Isa ito sa mga bumabagabag sa buhay ko habang lumalaki ako. Bata pa lang ako ay itinatak na sa utak ko na kasalanan ang pagiging isang bakla. Hangga't sa isang araw gumising na lang ako at napagtanto ko na isa pala ako sa kanila. Katulad lang ako ng mga taong namatay nang pinarusahan ng Diyos ang Sodom at Gomorrah. Pero habang lumalaki ako onti onti akong nagkaroon ng sariling paniniwala sa buhay. Naniniwala akong hindi kasalanan ang pagigin isang bakla ngunit ang mga gawain ng isang homosekswal ay ang mali sa paningin ng Diyos. Pero sapat na ba ito para makapasok ako sa langit? Kaya ko bang labanan lahat ng temptasyon sa mundong ibabaw?

Lalo na't pag pag tinatawag ako ng pangagailangan ng laman.

Ito na ang huling linggo ko dito sa Calooocan dahil balik eskwela na naman at kailangan ko na bumalik sa Maynila. At doon, sa lugar na 'yon ay may ipinangako ako kay Sam. Ipinangako ko na ipapakita ko sa kanya lahat ng makamundong bagay. Sisiguraduhin ko na mararanasan niya kung paano magsaya at makalimot ng problema ang mga ordinaryong tao dito sa Maynila dahil importanteng tao para sakin si Sam. Matapos ang youth camp ay nagiba na ang pag tingin ko kay Sam, alam kong hindi na lang kaibigan ang maging gusto kong role sa buhay niya. Alam kong mas higit pa dun ang gusto ko, pero ano ba magagawa ko? Malalaman din natin yan sa tamang panahon...

"Kamusta yung... youth camp mo, Andy? Lalaki ka na ba ulit?" Pang aasar ng
kaibigan ko na si Tina na ikinatawa naman ng barkada

"Manahimik ka Tina, okay? First day na first day ang lakas mo manira ng araw eh. Oh ano? Kailan gimik natin?" tanong ko
naman sa tropa ko

"Gigimik ka pa? Eh invited ka naman sa birthday ko eh, sa friday...
VIP tayo pre!!!!" pagmamalaki ni Josh na isa rin sa tropa ko. Nagtawanan naman ang lahat sa sobrang excitement

"Shit! Tina, samahan mo ko bumili mamaya ng outfit ko ah. Baka may
sparks tayo dun." pagbibiro ni Marj

"Hahahaha, mygash. Study hard, party harder. Woooo!!!" sambit naman ni Tina

"Mag aya pa daw kayo ng iba, eveyone's welcome daw haha" sambit naman
ng tahimik at seryoso na si Karl

Pagkauwi ko ay agad kong tinext si Sam tungkol sa party

"Sam, party this Friday night. Available ka ba? Chance mo na 'to" message sent.

Hindi ako mapakali at hintay ako ng hintay sa reply ni Sam. Mula kasi
ng youth camp ay tuwing linggo na lang kami nagkikita sa simbahan at
di pa masyadong nakakapag usap. Ngayon naman na nasa Maynila na ko ay
bihira na ko makakauwi sa Caloocan para magsimba. Aaminin ko na nami-miss ko na si Sam.

Maya maya pa ay tumunog ang telepono ko

1 new message "Gusto ko sana... Kaso hindi naman ako papayagan ng gabi. :("

"Hina mo naman, edi sabihin mo dito ka muna sa unit ko matutulog may
project lang kayo tas gagabihin ka na kasi"
Message sent

1 new message "Hindi ako magaling mag sinungaling. Pero sige na nga...
See you on Friday! :)"

At nang nabasa ko ang mensahe ni Sam sa akin ay bumakat ang isang
malaking makahulugan na ngiti sa aking mukha. Sa simpleng mensahe na yun ay nakaramdam ako ng saya. Makikita ko na ulit si
Sam, alam kong espesyal sa kanya ang araw na yun dahil sa makakaranas
na siya ng isang bagay na sa buong buhay niya ay pinaniwala siyang
mali ito. Well, mali nga naman ang mag inom ang below 18. But it's what teenagers do, they break the rules in order to have fun. Siguro it's a phase and hindi na rin talaga maiiwasan na namulat na ang aming pag iisip dulot na rin ng impluwensya ng media. Pero ang pinaka importante dito ay magiging storya to at masayang karanasan ng mga buhay namin balang araw. Mga ala alang mapagke-kwentuhan namin at pagtatawanan namin years from now. Minsan sarili na namin ang kailangan tumapos sa pagka inosente at pagkabata namin. And in the end, it's our lives so we'll do what we want.

Friday Night

Malayo pa lang si Sam ay nakita ko na siyang bumaba ng taxi na suot
ang floral na polo at fitted jeans.Automatic na tumaas si Junjun nang natanaw ko na si Sam. Shit, di pwede 'to.

"Sam! Buti di ka nagmukhang magsisimba, pogi mo ngayon ah." Bati ko sa kanya

"Baliw, salamat ah."

Naglakad kami ng tahimik ni Sam papunta sa entrance. Hindi ko alam
pero ako ang naiilang sa kanya, siguro kasi ayoko rin na maramdaman
niyang nagkakagusto na ko sa kanya. I just want to make things casual
as much as possible, nang biglang huminto sa paglalakad si Sam

"Andy teka... kinakabahan ako."

"Uy ano ka ba? Party lang to ng kaibigan ko. Isa pa sa 2nd floor tayo VIP yun."

Pagkapasok namin ni Sam ay madilim ang lugar at may iba't ibang ilaw
ang nasa pader at gumagalaw. May karamihan na rin ang tao, mga
lalaking puro baso at alak ang hawak at mga babaeng nagpapaiksian ng
kasuotan at pakapalan ng kolorete sa mukha.

"Sa 2nd floor tayo, wag ka mag alala."

Bakat na bakat sa mukha ni Sam ang kaba at konsensyang nararamdaman niya.

"Andy, wag na lang kaya."

"Sam, ganyan din ako nung una. Ano ka ba, sasamahan kita mang chix.
May papakilala ko sayo."

"Malinaw, usapan natin ah? Hindi mo sasabihin na anak ako ng pastor.
Churchmate lang, okay?"

"Oo na, tara na tara na."

Hinatak ko ang kamay ni Sam papunta ng 2nd floor at agad agad kong pinakilala siya
sa mga kaibigan ko.

"Guys, si Sam nga pala. Churchmate ko."

"Hi Saaam!" Pagbati ni Marj sabay lapit sa kanya

"Hi! Uhmm... Happy Birthday nga pala Josh" sambit naman ni Sam sa kaibigan ko

"Salamat pre"

Hinatak ni Marj si Sam sa dance floor at sinimulan niya nang kausapin 'to.
O... landiin?

"Marj! Good boy yan, dahan dahan ka lang." Sigaw ko habang sila ay nasa dance floor.

"Ako bahala!" Kindat naman ni Marj

Lumipas ang oras na wala sa paningin ko si Sam. Nagsimula na kong mag alala dahil baka kung ano na ang ginagawa niya, baka mamaya ay nakikipag sex na si Sam. O kaya naman lasing na lasing na siya. O kaya nakikipaglaplapan na kung kani kanino. 1am na nang hinanap ko si Sam sa madilim na lugar na puno na ng taong wala nang konsensya sa katawan. Nakita ko si Sam sa sulok kasama si
Marj at medyo tipsy na. Malapit ang pagkakaupo nilang dalawa at nang
nakita ko sila ay para bang nakaramdam ako ng inis. Naiinis ako ewan
ko ba. Pero hindi ako nagseselos. Imposible, tss. Naiinis lang talaga
ko, maya maya bigla ko na lang nakita si Marj na nilalapit na ang
kanyang labi sa mga labi ni Sam. FUCK!

"MARJ! SAM!" napalingon sakin ang dalawa sa lakas ng pagkakatawag ko
sa kanila at tila naudlot ang paghalik ni Marj kay Sam

"We'll be having a game... ahhh.... ano? Tara!"

Nakapabilog kami sa isang table kasama si Josh, Karl, Marj, Tina, ako,
si Sam at tatlo pang nasa party. At yung iba ay may kanya kanyang nang
ibang ginagawa

"Okay guys, maglalaro tayo ng NEVER HAVE I EVER, simple lang.
Magsasabi ako ng isang karanasan at kapag nagawa niyo na yun. You have
to drink a shot of glass. Game? Kung sino ang pinaka sober, siya ang
mananalo." sambit ni Josh habang nag respond naman sila ng ingay

"Simulan mo na Marj"

"Okay... uuhhhmmm... basic lang 'to ah.
Sino dito...... nalasing na?"

"Anong tanong yan?" Sambit ni Tina at sabay sabay kaming lahat uminom
puwera kay Sam.

"Sam, seriously? Oh my gosh, uminom ka pa lalo. Go! Kailangan mo
malasing ngayon!" sambit ni Tina

Bakat sa mukha ni Sam ang kaba at pagda dalawang isip
Nagsimula na siyang i-cheer ng iba para uminom ng kahit isang baso lang
"SAM! SAM! SAM! SAM! SAM! SAM! SAM!"

"Guys tipsy na nga eh, kanina pa yan umiinom ino...-" bigla na lang
tinakpan ni Sam ang bibig ko at kinuha niya ang long neck na gin
sabay lagok dito.

"WOOOAAAAAHHHH!!!!!" sigawan ng lahat

HInatak ko ang gin sa kamay ni Sam bago niya pa ito makalahati

"SIRA ULO KA BA!?" Sigaw ko kay Sam habang pinipilit pa niyang
lunukin ang nasa bibig niya at inabutan ko siya ng chaser

"Whooo!!!! Lalasingin ka namin ngayon!" sabi ni Josh "walang pa good
boy dito" pahabol pa neto

"'I can manage, Andy... Okay?" Pagkakasabi ni Sam na parang lasing
na... Wala akong nagawa kundi ang hayaan si Sam.

"Okay okay. Tama na yan. Back to game. Tina, your turn."

"Ha? Okay, okay. Meron ba dito na... Haha. Wait.
Ehem. Meron ba ditong nakipag make out na... MOMOL MOMOL HAHA" sigaw
ni Tina

Nagsi inuman ulit kaming lahat puwera kay Sam. At habang nagiisip ng itatanong si Josh ay nakita kong hindi na
komportable si Sam at para bang sumama ang timpla niya.

"Aba aba legit na good boy pala si Sam...." Sambit ni Marj na ikinatawa ng lahat

"Okay okay... Eto naman... HAHAHA.
Sino dito, how do I say this...?"

"Straight to the point na pre" Sambit naman ni Karl

"Okay so sino dito ang hindi na.... virgin?" Hamon ni Josh

Natahimik ang lahat at tila walang uminom kahit isa.

"Realtalk ba? Lahat tayo virgin? Well... I hope I'm not the only one. Happy 18th to me"
Sambit ni Josh sabay inom ng kanyang baso.

"You're not alone, amigo!" sumunod na uninom si Tina at isa pang
kasama namin maglaro

"Well, lying is pointless..." Uminom na rin si Marj at dalawa pa namin
kalaro pati na rin si Karl

"KARL! Wtf? Di ka na virgin?" Malakas na tanong ni Tina at nagtawanan ang lahat

Kaming dalawa na lang ni Sam ang hindi pa umiinom. Napansin kong naiilang na si Sam sa laro

"Virgins here.." Sambit ko

"Cr lang ako guys..." Sambit naman ni Sam

Iba ang naging direksyon ni Sam kaya sinundan ko siya habang papalabas siya ng club

"Sam! Uy, teka lang."
"ANO?" Inis na tanong ni Sam
"Anong problema?"
"Andy... its just...I feel so....out of place! Pakiramdam ko sobrang...
Sobrang left behind na ko." malungkot na pagkakasabi ni Sam at tila parang lasing na
"Sam, hindi ganun yun. Hindi mo naman kailangan gawin lahat ng ginagawa nila eh. Say no to peer pressure bro, just have fun and enjoy the night. Halika na..."
"Hindi ako belong sa inyo... okay?" pagkaksabi ni Sam na muntik na siyang mabuwal "Wala pa nga kong first kiss eh..-"

Napatigil si  Sam sa pagsasalita at tinignan niya ko mata sa mata.
Nang hinawakan niya ang mukha ko at walang pa wari-wari bigla niya kong hinalikan ng
madiin sa labi na ikinagulat ko. Napakalambot ng mga labi niya, napaka pula at ang sarap makipaglaplapan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay sobrang namumula na ako. Gusto ko ipikit ang mga mata ko
at itaas ang isa kong paa na parang nasa pelikula lang nang bigla na
lang siya nawalan ng balanse at pinatong niya ang ulo niya sa balikat
ko. At napabuntong hininga na lang ako sa nangyari

"Sam, Let's.... Let's go home." Malungkot kong sinabi

Nagpaalam na ko sa tropa ko at inuwi ko na si Sam sa condo. Hiniga ko
sa kama si Sam at pinagmasdan ko siya. Napaka gwapo ni Sam. Hindi
nakakasawang titigan ang mukha niya. Libog na libog na ko sa isang
tingin pa lang. FUCK! Anak pala 'to ng pastor. Ano ba tong ginagawa
ko. Dali dali akog kumuha ng damit para sa kanya.

"Andy.... Bakit umuwi na tayo...?" Lasing na pagkakasabi ni Sam

"lasing ka na kasi"

"Hindi pa ko lasing..."

Pinabangon ko si Sam kahit nakapikit siya at isa isa kong tinanggal
ang pagkakabutones ng kanyang polo. Ang ganda ng katawan ni Sam ang
sarap sunggaban ng mga halik at ang sarap niyang kainin. Kaso mali
'to... Lasing lang siya nung hinalikan niya ko. Dala lang ng alcohol
yun at wala ng iba pa.

Habang tinatanggal ko na ang polo niya ay bigla na lang siyang bumagsak sa
balikat ko.

"Sam... Di pa tapos..."

"Laro tayo..."

Biglang tumaas si junjun sa sinabi ni Sam. Bad, Junjun! Baba, kalma
lang. Hindi tama to! Bad ka!

Tinapat ni Sam ang mukha niya sa mukha ko at amoy na amoy ko ang
hininga niya na amoy gin at kitang kita ko ang bumabagsak na niyang
mga mata. Sinamahan pa ng napak sexy niyang boses na tila inaantok na.
"Laro tayo please..." Hinalikan ako ni Sam at hindi ko alam kung
manlalaban din ba ko nang bigla ko na lang siyang tinulak at bumagsak
siya sa kama.

Tinitigan ko si Sam at alam kong bukas ay wala na rin naman siyang
maaalala at kung meron man ay paniguradong magsisisi siya sa
mangyayari o di kaya mag iiba na ang lahat at maiilang lang siya. Kaya
minabuti ko nang hindi siya patulan kahit gustong gusto ko na dahil
mas hindi ko kakayanin ang umiwas siya sakin dahil lang sa
panandaliang saya.

Nag ayos na ko ng sarili at humiga ako sa tabi ni Sam habang siya ay
wala pa rin saplot pang itaas kaya kinumutan ko na lang siya at
tumalikod na ko sa kanya.
Papatulog na ko nang bigla akong nagising dahil biglang yumakap sakin
si Sam ng mahigpit.

"Dito ka lang... please..." Bulong ni Sam

Hinayaan ko na lang si Sam at pinikit ko na ang mga mata ko at natulog
kami sa ganung posisyon.

Ayokong mahulog kay Sam, ayokong umasa, ayokong hayaan ang sarili ko
na bumigay sa kanya, ayoko makaramdam ng ganito. Dahil mali 'to. Hindi
'to maganda sa paningin ng Diyos at ng ibang tao. Matapos ang youth
camp ay hindi ko na alam kung ano ba ang ipagdadasal ko sa Diyos. Tama
bang hilingin ko sa Diyos na ibigay niya sakin ang tamang lalaki sa
buhay ko? Tama ba na hilingin ko sa Diyos na ipakilala niya na sakin
ang lalaking mamahalin ko... Tama ba na hilingin ko sa Diyos si Sam? O dapat ba ang hilingin ko ay tulungan niya kong maging tunay na lalaki?
Kailangan ko ng mga sagot. Kailangan ko, kasi nahihirapan na ko.
Nahihirapan na ko maging ganito. Nahihirapan na kong magtago at
magpigil. Araw araw ay bumabangon ako na nakatatak sa utak kong isa
akong malaking kasalanan. Kasalanan ang pagkatao ko, I feel worthless.
I feel irrelevant. Lord, bakit ako? Bakit sa dinami dami ng tao sa
mundo bakit kailangan ko pa maging ganito? Pero lahat ng bigat na
nararamdaman ko, lahat ng hinanakit ko, lahat ng katanungan ko....
nawawala. Nawawala lahat sa tuwing kasama ko si Sam. Lord, please talk
to me. Gusto ko lang naman maging masaya... pero bakit lahat ng tao sa
paligid ko sinasabi nilang mali ang mga bagay na magpapasaya sakin.
Ang unfair, sobrang unfair.

Halo halo at napakraming tumatakbo sa utak ko nang gabing iyon at para
bang sasabog na ko. Sunod sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko at
hindi ko na mapigilan ang emotional break down na nangyayari sakin
ngayon.... Inabot ko ang kamay ni Sam na nakayakap pa rin sakin at
hinawakan ko to ng matagal. His presence alone makes me feel safe...
Sa simpleng pagdikit ng mga kamay namin ay napatigil niya ang pagtakbo
ng utak ko at pagtulo ng mga luha ko. Binigyan niya ko ng kapayapaan,
napakatahimik sa kwarto pert I felt like... he sang me to sleep.

Mataas na ang araw nang nagising ako dahil sa ring ng ring ang phone
ni Sam... Pagka check ko ng phone niya ay 32 missed calls na ang daddy
niya. Patay na... pagka check ko naman ng phone ko ay may 5 missed
calls din si Pastor Boy sa akin.

"Sam! Sam! Gumising ka na! Kagabi pa tawag ng tawag yun daddy mo"

"Ughhh......." Pag ungol ni Sam at hindi pa rin bumabangon

Tumawag ng isa pang beses sakin ang daddy ni Sam at agad agad ko na
tong sinagot.

"Uhmm... Hello po Pastor? Good morning po." pagsagot ko sa telepono habang nagpapanic ako at pumunta sa balcony

"Andy! Kagabi pa ko tawag ng tawag sa inyo! Ring lang ng ring, ano na
ba nangyayari sa inyo diyan?" masungit na pagbungad sakin ni Pastor

"Uhhh... sorry po Pastor. Naiwan po kasi namin nagcha-charge mga
cellphone namin dito sa unit ko eh. ahhh... uhmmm...Doon na po kasi kami
natulog sa bahay ng kaklase niya..."

"What? Ang paalam niya sakin sa inyo siya matutulog? Where's Sam?"

Tinignan ko si Sam at tila nakahilata pa rin sa kama at may hangover
pa rin kagabi

"Ay pastor...uhmmm... ano... nasa cr po kasi siya ngayon eh..... Wala
pong signal dun, teka lang po ah. (SAM!!!! TUMAWAG DADDY MO!!!! HA?
OH... OH SIGE.)
Pastor... tatawag na lang daw po siya ulit... hehe"

"Tell him to call me back asap. We need to talk."

Binaba na ni Pastor ang call at pakiramdam ko ay para na kong natapos
mag defense ng thesis at nakahinga ko ng maluwag. Hayyy... Teens
nowadays, IKR?

"SAM! HUY! BANGON KA NA DIYAN!"

"Ang sakit pa rin ng ulo ko..." sambit naman ni Sam

"Ayan... kasi ang yabang eh. Kala mo kaya mo na..."

"Shut up."

Maya maya pa ay bumangon na si Sam at nag ayos na ng sarili.

"Kumain ka na diyan... Nagluto na ko ng hotdog tska itlog. Pasensya ka
na di ako magaling magluto eh..."

"Ughh, sakit talaga ng ulo ko.. Teka... Ano to? Scrambled o sunny side
up?" Turo ni Sam sa mga itlog at tila nang aasar.
Hindi ko alam kung ano ang isasgaot ko kay Sam dahil sa totoo lang
bumabagabag pa rin sakin ang mga nangyari kagabi.

"Congrats! Naka party ka na, take it off on our bucket list. Mission accomplished"

"Pre, I got wasted pero ang saya ah. Salamat" Sinserong pagkakasabi ni Sam

"Uhmmm... yung nangyari kagabi kali-..."

"Ah, wala na kong maalala kagabi eh. Sorry. Ang huling naalala ko lang
tumagay ako ng long neck na gin? hahah pre ang init sa lalamunan pala"
pagputol niya sakin

"Okay. Okay na." seryosong sagot ko naman kay Sam. Sinabi ko na sa
sarili ko na hindi na ako aasa pa. Naiinis ako sa sarili ko kasi nag
expect ako, na disappoint lang tuloy ako. It is true that sometimes
hope only brings disappointment. And I kinda hated myself for that.

Matapos tawagan ni Sam ang kanyang ama na pastor ay sinabihan na
siyang kailangan na niya umuwi dahil may practice pa siya ng choir at
kakausapin pa siya..
Dali daling nag ayos si Sam at umuwi sa kanila kahit medyo hilo pa
siya at masakit ang ulo. Tahimik akong naka tambay sa balcony at
tinitignan ang magulo at maingay na mga kalsada ng Maynila. Napaka
raming tao ang naglalakad, papunta sa kani kanilang destinasyon.
Napaka rami nilang ginagawa. May mga taong sapat na mag isa at mga
taong hindi mapalagay na mag isa sila sa kanilang buhay. Bakit sa
dinami dami ng tao at ginagawa ko sa Maynila bakit kay Sam pa ako
nagkagusto? Maraming bisexual sa university katulad ko at anytime
pwede kong suyuin, pero bakit si Sam ang gusto kong suyuin. Bakit
siya?

Natapos na ang weekend at dumating na naman and araw na pinaka ayaw ng
lahat. Ang MONDAY

"Andy, uhmm. Pakisabi nga pala kay Sam... I had fun. I kinda like him,
haha." mahinang pagkasabi sakin ni Marj habang naglalakad kami sa
hallway at tila napapa ngiti pa siya at parang kinikilig

"Sure sige..." Sagot ko naman kay Marj
habang papasok na kami ng classroom. "Uhm... ano nga pala nangyari sa inyo ni Sam nung party?" pahabol kong tanong habang naupo na kami sa upuan

"Uhm... wala naman. Pero I think he likes me... I mean, he gave me signals and actually first kiss niya dapat ako pero hindi yun natuloy and it's all because of you. Hay, Andy."

Tahimik lang ako at tila hindi ko alam kung matutuwa ba ko o maiinis sa nalaman ko. Sa totoo lang ay ako ang naka unang makahalik sa malambot at mapupulang labi ni Sam. Yun nga lang ako lang ang may alam.

"Sorry, haha malay ko ba. Pero babawi ako, tulungan kita dun."

"He's so cute... Grabe. Boyfriend material"

Masakit man para sa akin ay kailangan ko na 'tong gawin. Hindi lang
para kay Marj, kundi para na rin kay Sam. Tandang tanda ko pa ang mga
sinabi niya sakin sa youth camp. Isa sa mga gusto niyang gawin ay ang
magmahal, mabuti na rin siguro 'to para hangga't maaga ay matigil na
ang paglalim pa ng nararamdaman ko para kay Sam. Nangako akong
ibibigay ko lahat kay Sam ang mga bagay na ipinagkait sa kanya ng
mundong kinabibilangan niya, kaya oras na siguro... para hayaan ko
siyang magmahal. Ng iba...

Lumipas na ang isang linggo matapos ang kauna unahang party ni Sam.
Habang nakasakay ako ng jeep papauwi ay nakatanggap ako bigla ng isang text
mula sa kanya.

"Pre andito ako sa condo mo, dito ko sa labas, hintayin kita."

"Ano ginagawa mo diyan? Hintay ka lang, pauwi na ko."

Sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap ni Sam. Alam kong may hindi
magandang nangyari na nag udyok sa kanyang yakapin ako. Nakita ko ang
lungkot sa mga mata ni Sam at pag aalala sa kanyang mukha.

"May problema ba?"

"Andy... malaki..."

"Ano nangyari?.... Sam?" tanong ko sa kanya habang pumasok na kami sa loob ng unit ko

"Nag date kasi kami ni marj pre... nanood kami ng sine and then
pagbukas ng lights nasa likod namin si kuya Jc." Remember kuya Jc,
guys? Ang youth leader namin.

"WHAT? You took Marj on a date?" Okay, so obviously nagulat ako... at nagselos? Pero onti lang.

"It doesn't matter, Andy. What matters here is the fact na nakita kami
ni Kuya Jc. Andy please, anong gagawin ko, paano kapag sinabi niya na
kay daddy?"

"Kumalma ka lang, bawal manood ng sine sa'tin, okay? So kung
magsusumbong siya, parang sinumbong niya na rin sarili niya."

"Pero... it's obvious na friends niya kasama niya, kaya it's not a big
deal? I mean babae ang dinala ko sa sine, now.... that's a big deal."

"Hindi ka isusumbong nun... Promise."

"Paano ka naman nakakasigurado, Andy? Anytime pwede niyang sabihin yun
kila daddy."

"Okay, nangako akong hindi ko sasabihin kahit kanino ang nakita ko
nung youth camp. Pero nakita ko sila naghahalikan ni ate Anne." Anne-
youth member and anak ng preacher.
"Pero wag mo ipagsasabi kahit kanino, okay? I'm just saying na lalaki
din yun si kuya Jc. Naiintindihan ka nun, I mean wag na tayo
maglokohan dito. Hindi naman lahat sumusunod sa mga utos sa simbahan
eh."

Nakita ko na hindi pa rin matanggal ang pag aalala ni Sam sa nangyari
kaya naisipan kong kunin ang kumpletong bala ko ng Harry Potter para
ayain siya manood. Mula nang sumikat ang Harry Potter ay ipinagbawal
na sa simabahan namin ang panonood nito sa kadahilanan na demonic at
black magic daw nagpapaikot sa pelikula. Isa sa mga gustong gusto ko
panoorin noon na ngayon ko lang nagawa nang napunta ako dito sa
Maynila at gusto ko ibahagi ang kagandahan ng storya kay Sam.

"How about these?" Pinakita ko kay Sam ang mga bala ko ng Harry Potter
at nakita ko ang mga labi niya na ngumiti at nagningning ang mabibilog
niyang mga mata.

"Mahaba yan Andy... gagabihin ako. Eh kung... Fifty shades of Grey na
lang?" Isang pilyong tingin ang ibinigay sa akin ni Sam na ikinatawa
ko at sumang ayon naman ako.
Nahiga na si Sam at tinabihan ko siya sa kama.

"Are you ready to break the rules..?" tanong ko kay Sam

"I'm more than ready." Nakangiting sabi ni Sam at sinimulan na namin manood.
"Wala pa nga eh bat ang tigas na niyan?" pang aasar sakin ni Sam

"Hindi ah, malaki lang kasi. Gusto mo makita?" sagot ko naman kay Sam
na ikinatawa niya.
Habang nanonood kami ay nakaramdam ako ng init at sobrang taas na ng
libido ko at parang gusto ko nang laruin si Sam. Ugh, Harry Potter na
lang kasi dapat ang pinanood namin. Madilim na ang palgid at ang tv
lang ang nagsisilbing liwanag sa kwarto. Tinignan ko ang mukha ni Sam
na naliliwanagan ng tv habang kumakain ng popcorn, hindi ko
maipaliwanag pero napakasaya ng pakiramdam ko ngayon. Sa mga ganitong
simpleng bagay ay tuwang tuwa na ko malaman na katabi ko si Sam. He
makes me feel safe, his presence makes me feel the butterflies on my
stomach- ew that's so gay. Anyway, pinagmamasdan ko siya at dun ko
lang na realize na patuloy na lumalalim na ang nararamdaman ko para sa
kanya. Ngayon lang ako tumitig ng ganito katagal sa isang tao.
Napakabuting tao ni Sam, napakabuting kaibigan at ayoko siyang mawala
pero habang malapit kami sa isa't isa ay hindi ko na rin kakayanin pa
na pigilan ang nararamdaman ko.
Siguro... kailangan ko na rin siyang layuan...

"Andy..." Sambit ni Sam na ikinagulat ko at agad agad kong binalik ang
tingin ko sa tv

"Oh?..." Mahinang sabi ko

"Thank you for everything..." Nakangiting sabi ni Sam habang tinapat
niya sa bibig ko ang popcorn na nasa kamay niya

"Yuck pre, so gay..." pang aasar ko kay Sam at hinablot ko na lang
yung popcorn na nasa kamay niya kahit gustong gusto kong kunin na
gamit ang bibig ko at isubo ang kamay niya. Hindi lang ang kamay niya
kundi pati...  hmm. Akin na lang yun.

"Ahhhhh, nakakalibog 'to ah. Andy maglaro kaya tayo ngayon?" naka ngising sabi ni Sam

"Gago, kadiri ka" sambit ko naman kay Sam pero sa loob loob ko ay gustong gusto ko na makipaglaro sa kanya sa kama at kainin siya.

"Payag ka ba maging sub? Ako yung magiging dominant, I'm your master!!!" Sambit ni Sam habang tumatawa siya at inakbayan niya ko ng mahigpit at kinutusan ako. Binigyan ko naman siya ng isang masamang tingin

Nakaupo kami ni Sam sa kama ko habang nakasandal kami sa headboard at naka akbay siya sakin. Magkalapit na magkalapit ang aming katawan at nararamdaman ko ang mga balat ko sa balat niya. Hindi ako makapanood ng maayos dahil sa posisyon namin dahil sa totoo lang ayoko nang matapos yun. Ang sarap sa pakiramdam na nakabalot ang isang kamay niya sa akin at amoy na amoy ko siya. Gusto ko na siyang yakapin, halikan, laruin. Gusto ko gawin sa kanya ang mga ginagawa ng magka relasyon at nang gabing iyon ay dun ko na realize na hindi na sapat ang salitang "gusto" para i describe ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko lang gusto si Sam. Mahal ko na si Sam, alam ko sa sarili kong mahal ko na siya. I must say that I'm starting to fall head over heels in love with this guy. Sa kanya lang ako nakaramdam ng ganito at ngayon lang ako naging kasigurado sa buong buhay ko. Kung first kiss niya ko, siya naman ang first love ko. Ew, cheesy

Medyo nagtagal kami sa ganung posisyon habang kami'y nanonood nang bigla siyang nagsalita

"Pre salamat talaga ah... salamat kasi hindi mo lang ako pinapasok sa mundo mo... pati na rin sa puso mo."

"Huh? Anong sinasabi mo?" pagtataka kong tanong sa kanya

"I mean, nararamdaman ko naman. Alam ko yun, Andy. Ramdam na ramdam ko..." at habang sinasabi niya ang mga katagang yan ay hindi na ko makapaghintay sa mga susunod na salitang bibitawan niya. Nanlaki ang mga mata ko at napalunok ako, nararamdaman niya na kaya ang lihim na pagtignin ko sa kanya? Kung totoo man, gusto ko siyang um-oo at gusto kong marinig sa kanya na ganun din ang nararamdaman niya sa'kin "Ramdam ko naman na.... kaibigan na talaga ang turing mo sa akin."

Ay... pakshet. Ang layo sa mga inasahan ko sa sinabi ni Sam. Umasa ako eh, asang asa na ko.

"Ahhh, sus wala yun Sam. Nood na nga tayo, dami mong drama para kang babae eh." pagbatok ko naman sa kanya

Naging maganda ang gabing yun para sakin at sana hindi lang sa'kin kundi pati na rin sa kanya. Natulog ako nang nakangiti at si Sam ang laman ng aking panaginip kaya naman pumasok na ko ng maaga kinabukasan para mapakopya ang kaibigan kong si Josh sa homework namin.

"Pre, salamat ah. Babawi ako sayo Andy promise." sambit sakin ni Josh
habang abala na siya sa pangongopyang ginagawa niya.

"Wala yan pre, halik lang sapat na, pakiss nga" hinalikan ko siya sa pisngi bilang pang aasar na ikinadiri naman niya

"Yuck pre, magkaibigan lang tayo ah? Tangina, baka ma fall ka sakin." sigaw naman neto na ikinagalit ng librarian

"Shhh!!!! Kung gusto niyo magharutan doon kayo sa labas!" Inis na bulong ng librarian at napa bungisngis na lang kami ni Josh

Habang hinihintay ko matapos mag type si Josh ay
nakatanggap ako ng text mula kay kuya Jc na ikinagulat ko.

"Andy, screw you! Ikaw lang ang nakakita sa amin ni Anne at ikaw lang
din ang makakapagsabi nun kay Sam. Thanks a lot for ruining my
reputation.
And hey, good news! Anne dumped me and I'm no longer the youth leader.
Have a nice day, Andy. GOD BLESS YOU."

Pagkatapos ng klase ay agad agad akong nakipagkita kay Sam
Malayo pa lang ay nakita ko na siya kasama ang mga kaibigan niya, at
habang naglalakad na ko papalapit sa kanya, nagsimula na agad siyang
magpaliwanag

"Andy, I'm sorry..."

"What the hell, Sam? Sabi ko sayo wag na wag mo ipagsasabi yun kahit kanino."

"Andy, I had no choice. Nilaglag niya ko kay daddy...-"

"Kaya nilaglag mo rin siya? Sam hindi mo ba naisip na madadamay ako sa
ginawa mo? Hindi lang si kuya Jc ang nagalit sakin pati na rin si ate
Anne. Sam naman..."

"I'm sorry. Andy, please....
H-He deserved it, he's a hypocrite. Every sunday siyang nagpapanggap
na isang mabuti at masunurin na leader pero look what he did and..-"

"Eh ikaw rin naman ah! EVERY SUNDAY KA NAGPAPANGGAP NA MASUNURIN AT
MABUTING ANAK NG PASTOR.  Pero ano ba ginagawa mo? Have you seen
yourself in front of the mirror lately? HIPOKRITO KA DIN, PAREHAS LANG
KAYO NI KUYA JC...--"

Di pa man ako tapos magsalita ay bigla akong sinuntok na malakas ni
Sam sa kaliwa kong pisngi

"WALA KANG ALAM SA BUHAY KO ANDY"

Tumayo ako at hinatak ko ang kwelyo ni Sam ngunit napatigil ako nang
nakita ko bigla ang mga mata niyang lumuluha. Nakita ko sa mata niya
kung gaano siya nasaktan sa mga salitang binitawan ko. Hindi ko kayang
saktan si Sam. Hindi ko kayang saktan ang maamo niyang mukha, hindi ko
kayang saktan ang taong mahal ko kaya gusto ko bawiin lahat ng sinabi
ko. Hindi ko kayang makita siya na masaktan dahil lang sakin

"ANO? SUNTUKIN MO KO! SAPAKIN MO RIN AKO!" Sigaw sakin ni Sam habang
patuloy pa rin na tumutulo ang luha sa mga mata niya at nakita ko ang
mga kaibigan niya na hindi na rin nakagalaw sa mga nangyayari

Binitawan ko ang mahigpit na pagkakahawak ko sa kwelyo ni Sam at
niyakap ko siya ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit dahil sobrang mahal
na mahal ko siya. Magalit na sa akin ang lahat ng tao wag lang si Sam.
Wag lang siya. Hindi ko na napigilan at tumulo na rin ang luha sa mga
mata ko... Hinigpitan ko pa lalo ang yakap ko kay Sam dahil sobrang
daming beses ko nang gustong gawin yun at ngayon ko lang nagawa...

"I'm sorry. I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry" paulit ulit akong humingi ng tawad

Binitawan ko na si Sam at habang paulit ulit pa rin akong nagso-sorry
ay pinulot ko ang bag niya at inayos ko ang nalukot kong polo niya at
inayos ko rin ang kwelyo niya. Wala na kong pakielam sa mga tao sa
paligid at ang tanging nasa isip ko lang ay ayokong mawala si Sam
sakin ng dahil dito. Hinawakan ko ang magkabilang braso ni Sam at
tsaka ko siya ulit niyakap

"Sam, I'm sorry. Please, patawarin mo ko. Sorry, sorry, sorry, please,
sorry na" paulit ulit kong sinasabi habang umiiyak ako na parang bata.

Dahan dahan inalis ni Sam ang mga kamay ko na nakabalot sa kanya tila tulala ang kanyang mukha at puno ng pagtataka

"Bakit mo to ginagawa" mahinang tanong ni Sam sa akin

"Kasi... Kasi mahal kita..." Nakayuko kong sinabi kay Sam habang
hawak hawak ko ang magkabilang braso niya at patuloy pa rin akong
umiiyak

"Mahal na mahal kita Sam... Mahal na ma...-"

"Kami na ni Marj." Pagputol sakin ni Sam na ikinagulat ko. Kung gaano katagal ang pagkahulog ko sa kanya ay ganun naman siya kabilis para magdulot ng sakit sa akin. Binitawan ko si Sam at tinignan ko ang mga mata niya, maaaring ito na rin ang
huli na mahawakan at matitigan ko ang buong pagkatao niya. Hindi lang
ang pisikal na anyo kundi pati ang kanyang kaluluwa na nakikita ko sa
mga mata niya. Gusto kong sabihin niya na hindi 'yon totoo. Gusto kong
sabihin niya na ako ang gusto niya, ako ang gusto niyang makasama at
hindi si Marj. Minsan sa sobrang sakit mapapa-putangina ka na lang.
Gusto kong magalit pero hindi ko pa rin magawa.
Sobrang nasaktan ako sa nalaman ko, ngunit ayaw ko nang ipakita yon kay Sam.

"Masaya ko para sa inyo..." Mahinang pagkakasabi ko kahit gustong
gusto kong sabihin kay Sam na hayaan niya ko patunayan ang sarili ko
para sa kanya. Hayaan niya kong i-hatid sundo siya, hayaan niya kong
i-date ko siya. Hayaan niya kong paligayahin siya. Hayaan niya lang
akong magmahal ng isang katulad niya.... at sa sandaling iyon malinaw
na sa akin ang lahat. Si marj ang gusto ni Sam at hindi ako. Onti onti
na kong naglakad papalayo sa kanya. Patuloy akong naglakad na
tumutulo ang luha sa mga mata ko. At ang tanging naririnig ko lang ay ang
mga busina ng sasakyan, mga bulungan ng tao sa paligid, bawat yapak ng
paa ng mga naglalakad at ang malakas na hangin sa itaas nang biglang umambon at umulan
na ng malakas.

Naiinis ako sa sarili ko dahil ako lang din ang may gawa neto sakin.
Sa simula pa lang ay alam kong masasaktan lang ako pero bumigay ako at
hinayaan ko ang sarili ko magmahal ng lalaki na hindi naman
magkakagusto sa akin. Hindi lang ako nawalan ng minamahal. Kundi ng isang
kaibigan.

Sumakay ako ng jeep na basang basa at tila hindi mo mahahalata ang mga
luha na tumutulo saking mukha. Tulala akong nakaupo habang sinusubukan ko ang lahat
ng aking makakaya na tanggapin na ang lahat ng nangyari. Masaya na si Sam kay
Marj at masaya na rin ang kaibigan kong si Marj kay Sam. Kung ano man
ang meron sila ay alam kong totoo yun at alam kong magiging masaya silang dalawa.
Kaya ng gabing iyon, umuwi ako ng may sugat sa mukha.

At pati na rin sugat sa puso...

No comments:

Post a Comment

Read More Like This