Pages

Tuesday, June 21, 2016

Tales of a Confused Teacher (Part 15)

By: Irvin

Nagising ako dahil nakaramdam ako ng pag-ihi pero nagulat ako nakapatong sa ulo ko ang kamay niya.  Iniisip ko kung paano nangyari yun. Ang huli kong naalala ay nakasubsob ang mukha ko sa kamay niya.  Tiningnan ko siya, natutulog pa rin. Muli kinuha ko ang mga kamay niya at hinalikan.  Tatayo sana ako para pumunta sa CR nang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Nabigla ako,

“Totoo ba ito?” iyon ang malakas na nasabi ko kahit alam kong kami lamang dalawa ang nasa kwarto. Tiningnan ko ang mukha niya. Hindi ko alam kung namamalikmata lamang ako dahil bagong gising ako. O pinaglalaruan lamang ako ng imahinasyon ko.

Bahagyang nakamulat ang mata niya. Nakatingin sa akin.  Ngumiti siya,

“Sir” halos pabulong dahil sa may nakakabit sa bibig niya.

Hindi ako makapagsalita para akong na freeze sa ayos ko na alanganing nakaupo, alanganing nakatayo. Maya-maya ay umayos ako ng pagkakatayo at binitiwan ang kamay niya.  Kinusot ko ang mga mata ko.

“Sir, ano bang nangyari?  ang sakit ng ulo ko, pati na ang buong katawan ko. Bakit ako narito, uwi na tayo sir.” kahit hindi malinaw alam kong iyon ang sinasabi niya.  Saka lamang ako parang biglang natauhan.  Yumakap ako sa kanya.  Isinubsob ko ang muka ko sa dibdib niya at nag-iiyak. “Kenn, salamat gising ka na. salamat sa Diyos at pinakinggan Niya ang pakiusap ko..” sinasabi ko habang umiiyak.

 “Sir, ano ba, ang sakit, huwag mo akong dag-anan ang bigat mo sir, ang sakit nga ng katawan ko,  naiipit ako,” sa pagkabigla ay nalimutan ko na ang kanyang kondisyon.  Bumangon ako at hinalikan ko siya sa pisngi. Pinress ko yung alarm maya-maya ay may pumasok na nurse.  At nang makita siya ay dali-daling lumabas ulit at nang bumalik ay may kasamang dalawang duktor.  Gaya ng dati kinunan ng BP, body temperature, at kung anu-ano pa.  Nag-usap sandali yung dalawang duktor, Maya-maya ay tinanggal ang lahat ng nakakakabit sa kanya maliban sa dextrose.

Hindi na ako makatiis, lumapit ako sa kanila.

“Kumusta na si Kenn, doc.?”

“Magandang development ito, ngayong gising na siya oobserbahan lamang natin ang mga vital signs niya at base sa nakikita namin mukang positive naman nakakarinig siya at nakapapagsasalita, wala ding problema sa vision niya,”

Maya-maya, nakita kong inalalayan siya ng nurse na makaupo.  “Clear doc” bigla sabi niya sa dalawang doctor.

“Congratulations Kenn Lloyd, malakas ang resistensiya mo.  Ligtas ka na.” ang masaya niyang bati kay Kenn.  Saka humarap sa akin.

“Sir, this is one of the rare cases in this hospital, hanga ako sa determinasyon ng pasyente, marami kaming naging kasong ganyan inabot ng 1 week bago nagising at magising man maraming nang naging kumplikasyon, merong hindi makapagsalita, hindi makalakad o hindi na nakakakita. Bagamat hindi naman ito first time nangyari pero bibihira talaga.  Maswerte pa rin talaga tayo at  everything seems fine with him now. Hayaan lamang natin gumaling ang sugat niya in a few days I’m sure he’ll be home.“ Gusto ko sanang yakapin ang duktor sa sobrang tuwa ko ng tawagin ako ni Kenn.

“Sir, hindi mo pa ako sinasagot, ano pong nangyari sa akin, bakit narito tayo, ang huli kong naalala ay pinipilit ako ni tita a sumama sa kanila.” Ang tila nayayamot na sabi ni Kenn habang nakasandal sa headboard ng kama. Napatawa ang mga doctor at nurse.

“Mukhang mahaba-habang usapan iyan sir, sige umpisahan na ninyo habang maaga pa,” biro ng isang doctor at nakangiti silang lumabas. Napangiti na lamang din ako sa kanila at nilapitan ko na ang aking pasyente.

At idinitalye ko sa kanya ang lahat ng nangyari mula nang tumakbo siya palabas ng gate.  Hanggang sa nang dalhin namin siya dito sa hospital.

“Muntik na pala akong namatay.” Saglit siyang nag-isip. “Pero sir totoo, umiyak ka ng ganon? Lagi mo ba akong tinatawag?” Hindi ko alam kung serious siya sa sinasabi niya.

“Oo naman akala ko kasi talagang iiwan mo na ako, akala ko mawawala ka na kaya sobra ang takot ko.” Ang pagtatapat ko. Lumapit ako sa kanya at naupo sa side niya habang hawak ko ang kanyang kamay.

“Kinantahan mo ba ako sir, yung I Wont Give Up, yung favorite natin?” parang meron pa rin siyang iniisip.

“Oo, kasi niisip ko baka pag narinig mo iyon maalala mo na iyon ang promise mo sa akin na you wont give up at iyon ang dapat mong gawin noong mga oras na iyon, kasi hindi ko na alam paaano ka magigising noon, bakit ba ang dami mong tanong?”nagtataka lamang kasi ako.

“Noong sabi mo sir wala akong malay, noon siguro yun, ang naalala ko nasa isang lugar ako na sobrang dilim, sobrang tahimik, Takut na takot ako noon, nakaupo lamang ako sa parang gitna ng wala talaga akong makita.  Hindi gaya ng sa sinehan na ilang minutes lamang nakaka-adjust ang mata. Kahit gaano katagal ay ganoon pa din kadilim.  Umiiyak ako takut na takot po ako sir.  Tinatawag kita pero alam ko wala ka naman po doon.  Sumisigaw ako pero parang wala namang boses lumalabas sa bibig ko o may boses man po ang hina lamang”

Tapos, bigla akong may parang nadinig, parang boses mo po yun, Kenn, Kenn, paulit-ulit kang tumatawag.  Sumasagot naman po ako pero parang ang hina-hina talaga ng boses ko, sigaw na  po ako nang sigaw pero ang hina pa rin.  Tumayo na lamang po ako sinundan ko kung saan nanggagaling ang boses mo.  Tumatakbo ako pero parang maliit lang  po ang mga hakbang ko.  Pagud na pagod ako non sir, iyak ako nang iyak sir  pero ayoko pa ring tumigil kasi alam ko po  ikaw yung tumatawag gusto ko talagang makaalis sa lugar na iyon kasi  po sobrang nakakatakot, mag-isa lamang po ako tapos sobrang dilim pa.”  napansin ko umiiyak siya kaya hinaplos ko ng daliri ko ang mga luha sa pisngi niya.

“Gusto mo pa bang ituloy ang kwento mo? Ang tanong ko, kasi iniisip ko baka makasama sa kanya.
“Opo sir,” Nagpatuloy siya.

“Nakita ko po may maliit na maliit na liwanag galing don sa pinagmumulan ng boses mo.  Hingal na hingal na po ako pero ayokong tumigil sa katatakbo, masakit na ang mga binti ko. ‘Yung pakiramdam noong hinahabol po nila tayo sa bundok.  Tatakbo pa po sana ako kaya lang hindi ko na maiangat ang paa ko.  Napaupo ako tapos nawala na po yung liwanang. Sobrang panghihinayang ko.  Umiyak ako ulit tinatawag po  kita.  Hindi ka na po tumawag ulit.  Maya-maya nadinig ko yung kanta ko sa’yo, Ikaw po ang kumakanta sir, pero ang lungkot ng boses mo alam ko pong umiiyak ka, hindi ko alam bakit umiiyak ka, paulit-ulit ang kanta mo pero ganon pa rin po  umiiyak ka,  then nakita ko po ulit yung liwanang na iyon. Kaya tumayo po ako at sinundan ko ulit.  Naisipan ko na rin pong sabayan ka gaya ng ginagawa natin kaya kahit pagod na pagod at hinihingal na po ako, inisip ko na lang nakaunan ako sa hita mo tapos kumakanta  po tayo.  Ayun parang nadagdagan ang liwanag na nakikita ko kaya itinuloy ko pa rin ang pagkanta.  Takbo pa rin po ako ng takbo. Kahit nanlalambot na ako tinuloy ko pa rin po  iniisip ko na lamang makikita kita doon pagdating ko sa dulo.”

“Tapos sir, parang bigla pong lumiwanag ng sobra, nakakasilaw, kaya nagulat po ako at nang magmulat ako, narito po ako sa room, nakita ko natutulog ka po nakaipit sa mukha mo ang kamay ko.  Inalis ko po at ginising ka, niyugyog ko po ang ulo mo kasi hindi ako makabangon ang dami pong nakakabit sa akin, hindi ka naman po magising, Naramdaman ko pagud na pagod pa rin ako dahil siguro sa kakatakbo, kaya natulog na lamang po ulit ako.  Nagising po ulit ako ‘nong kiniss mo kamay ko.  Kaso nakatingin ka lamang po sa akin” iyon ang mahaba niyang kwento.

“Salamat Kenn, salamat at bumalik ka.  Hindi ko alam ang gagawin ko kung tuluyan ka ng nawala.”
 
“Salamat din sir, kahit ganon po ang nangyari hindi mo ako iniwan, siguro kung hindi ka po tawag nang tawag hindi ko alam kung saan ang daan pabalik. Buti na lamang po nandiyan ka.” At ngumiti ulit siya kahit kita ko sa mga mata niya ang papatak na luha.  “Pero sir, huwag mo po akong ibibigay kay Tita ha.  Kahit ano po ipagawa mo, kahit ako na po lagi maghuhugas ng pinggan, maglilinis ng bahay, pati maglalaba basta huwag mo lamang po akong hayaan na sa Bulacan tumira.” Ang muli niyang pakiusap. “Saka promise sir, magpapakabait na po ako, hindi na po ako magiging pasaway,  huwag mo lamang akong ibibigay sa kanila.”

  “Gusto ko pati ikaw din magluluto ng pagkain natin.” Ang biro ko.

“Sir huwag naman po yun kasi hindi mo naman kinakain ang  niluluto ko.  Tinatapon mo naman po kunwari sabi mo lamang ibibigay mo kay Manang pero nakita ko po nilagay mo sa basurahan.” Ang pagtatampo niya.

“Sorry na baby boi, next time promise tuturuan na kitang magluto at kahit hindi masarap ang luto mo kakainin ko, kahit lahat sila ayaw sa luto mo at ako lamang ang kakain ayus lamang yun basta ikaw ang nagluto.” At niyakap ko ulit siya at hinalikan sa pisngi.

Saka ko lamang naisipang tawagan si Lester para ipaalam na nagising na si Kenn.  Nagmamadali naman sila ni Mama na pumunta ng hospital at tuwang-tuwa na hindi lamang nagising si Kenn kundi kita nila  na mukang malakas na at wala namang naging damage. 

“Sabi na sa iyo kuya, matapang si baby bro e, kaya niyang malampasan iyan. Di ba bro at nakipag appear kay Kenn.

“Salamat naman sa Diyos anak at ligtas ka na, Dininig Niya talaga ang panalangin namin. Kumusta na ang pakiramdam mo may masakit pa ba sa iyo?” tanong ni Mama kay Kenn,

“Tita, masakit pa rin po ang ulo saka buong katawan ko masakit din po.  Pero ayos lang po sabi naman ng doctor normal lamang daw iyon,” ang nakangiti niyang sagot.

Sobrang saya namin ng mga oras na iyon, parang nalimutan ko na ang lahat ng pinagdaanan naming sakit.  Sapat na sa akin na buhay siya, malakas at kasama ko.  Tinawagan ko rin ng umagang iyon ang Daddy niya at nang hapon ding iyon ay dumalaw ulit. May dalang prutas at iPad.  Alam kong napangiti naman si Kenn. Sinabi rin niyang nag deposit daw pala yung may-ari ng sasakyan sa hospital . naisip ko kaya pala hindi kami hiningian ng bayad pagpasok namin. Dagdag pa niya na nakipag-usap na rin siya sa cashier sa balance hanggang makalabas kami ng  hospital.  Tinanong din niya kung gusto kong magsampa ng reklamo. Gusto ko sana kaya lamang naisip ko rin na hindi naman kasalanan noong driver ang nangyari kaya baka sa bandang huli ay wala ring mangyari.  Isa pa ay maayos na rin naman si Kenn, siguro ipagpasalamat na lamang namin sa Diyos iyon.   Sinabihan din niya ako na huwag ng makipag coordinate sa pamilya ng Mommy ni Kenn at kung may kailangan man ay siya ang tawagan ko.  Nakita ko rin kung gaano kasaya si Kenn dahil nakita niyang concern naman ang tatay niya sa kanya.   Biniro pa nga niya na ang sarap pala ng may sakit dahil nabibisita siya na pinandilatan ko kaya binawi naman agad.  Hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Mr. Suarez sa mga relatives ni Kenn kung kaya hindi rin naman ako kinontak. 

Tinext ko si Paula tungkol sa nangyari kay Kenn.  Bilang girlfriend alam kong karapatan niyang malaman iyon at hindi ko naman iyon pwedeng ipagdamot sa kanya.  Maya-maya ay tumawag siya.

“Sir kumusta na po siya, nasaan po kayu ngayon? Ramdam ko sa boses niya ang pag-aalala na bagamat nakakaramdam ako ng sakit alam kong bahagi yon ng pinasok kong sitwasyon.  Sinabi ko sa kanya na gising na siya at nagpapagaling na lamang.

“Sige po sir hihintayin ko lamang si Mommy, magpapaalam po ako na pupunta diyan.”ang huli niyang sinabi bago nagpasalamat.

“Ingat ka at ikaw na rin bahalang magasabi sa iba mo pang classmates ha,”

“Opo sir.”

Kaya’t nang hapon din iyon, ilang kaklase niya ang dumating.  May dala silang prutas at iba pang mga pagkain.   Kita ko sa mukha ni Paula ang pag-aalala. Naupo ito sa kama at tumabi kay Kenn.

“Kaya pala nagtataka ako bakit hindi ka nagtetext dati naman mayat-maya halos may message ka.” Hinawakan niya sa may noo si Kenn.  “Kumusta may masakit pa ba sa iyo?” Parang kinukurot ang puso ko sa aking nakikita. Tumingin sa akin si Kenn, parang nahihiya o natatakot. Maya-maya ay sumagot.

“Wala na, halos magaling na nga ako, yung mga duktor lamang ayaw ako pauwiin pero okey na naman ako.  Ang galing kayang mag-alaga ng nurse ko.” Saka inginuso ako sa kanya, napangiti naman ako.  “Buti na nga lamang nang mangyari iyon kasama ko si sir, kung hindi baka patay na ako ngayon.” At sinabayan pa niya ng kindat sa akin.

“Siyempre naman aalalagaan ka ni sir, e anak-anakan ka niyan diba sir?” sagot naman ni Claire. Tawanan silang lahat. Tawa din si Kenn. “At saka ang laki kaya ng ginawa mo kay sir nong kasalan niya kung hindi sayo e d nagkanak siya na hindi naman siya ang tatay.” Sabat naman ng taklesang si Vinsel yung pinaka maingay sa mga kaklase nila.  Pero nang mapansing lahat ay tumahimik, nahihiyang tumingin sa akin saka nag sign ng peace.  Maya-maya ay tawanan ulit dahil sa kalokohan ng mga kaklase, isinara ko ang pinto dahil baka masita kami ng mga staff dahil sobra ang ingay namin sa loob ng ospital.

“O, dahan-dahan ang pagtawa sabi ni sir hindi pa raw masyadong magaling yung inoperahan sa iyo” si Paula.  At muli ay hinawakan siya sa ulo.

“Kaya ko naman, ang sabi naman ng duktor huwag lamang magpapagod.” Sagot naman ni Kenn.

 Matagal pa silang nagkwentuhan, palibhasa nga ay close sa kaniyang mga kaklase kaya sobra din ang pag-aalala sa kanya.  Kaalis lamang nina Paula nang dumating naman ang classmates niyang mga lalake.

“Ano ‘tol, balita namin kinatalo mo daw ang kotse, sabi naman sa iyo hindi pa ganap ang pagiging super saiyan mo diba? Dapat 200 porsiyento ng kapangyarihan ang ginamit mo.  Tingnan mo talo ka tuloy, mag iipon ka na naman ng enerhiya mo nyan.” Si Stephen ang adik sa Dragon Ball Z na madalas kong marinig na pinagkukwentuhan nila.

Tawanan sila pati si Kenn ay inihitan sa katatawa. Nang biglang sumingit sa usapan ang makulit na si Vincent.

“Isasama ko mga tropa kong barbarian tol, gulpihin natin yong driver, ubusan tayo ng lahi.” Paghahamon niya.  Lalong lumakas ang tawanan nila dahil kilala nilang lahat na si Jasper ang no. 1 sa COC.  Alam ko namang nagpapatawa lamang sila at gusto lamang nilang pasayahin si Kenn.  Kaya natutuwa ako dahil ramdam naman ni Kenn na marami ang nagmamahal sa kanya. 

Kinabukasan naman ay mga dating 4th year na lalake ang dumalaw.  Sila yung madalas niyang makalaro sa basketball.  At gaya ng iba pang nauna dumalaw ay puro sila biruan at kantyawan.  Noong hapon naman ay ang mga teachers kasama ang aming principal.  Sobra ang pasasalamat ko sa kanila dahil alam kong malaking bagay para kay Kenn ang ginawa nila. Malaking tulong ito para magkaroon siya ng tiwala sa sarili at hindi laging isipin ang nakakaawa niyang nakaraan.

At halos sa araw-araw ay hindi kami nawawalan ng bisita kahit hindi niya kaklase o kasection pag nabalitaan ang nangyari ay dumadalaw upang kumustahin siya. Palibhasa nga ay pala kaibigan talaga kaya lahat halos ng may kilala sa kanya ay nabigla sa nabalitaan.  Kita ko sa kanila ang pagkabigla pag ikinukwento ko kung ano ang nangyari, At tuwang-tuwa nang malamang okey na siya.  Pangatlong araw mula ng magising siya ay nagpaalam na sina Mama at Lester.  Gusto pa sana si Lester magpaiwan kaya lamang ay hindi pumayag si Mama dahil ayaw daw niyang mag commute kaya napilitan ding sumama si bunso. Umuwi muna si Mama sa bahay para kunin ang mga gamit nilang iuuwi para hindi na sila dadaan doon pagka galing ng hospital.

“Baby bro, paglabas mo sa bahay ka na lamang magpagaling, ako na bahala sa iyo, gagala tayo buong bakasyon” yaya  niya kay Kenn habang nakikipag appear. Tawa naman nang tawa si Kenn pero nakatingin sa akin. Bagamat alam ko naman na nagbibiro lamang si Lester dahil alam niyang sinabihan ko si Kenn na hindi ko na ulit siya isasama pag uwi ko.

“O ano, gusto mo naman?” kunwari ay tanong ko.

“Dinig ko po sabi mo noon sir, noong nasa ospital pa ako, sabi mo papayagan mo na po ako kahit ano ang gusto ko hindi ba?” ang may parang nakakaloko niyang ngiti.

“Aba, aba, anong pinagsasabi mo e magdamag kang tulog noon?” natatawa na rin si Lester at parang may kahulugan ang tawa niya. “Wala kaya  akong sinabing ganoon baka imahinasyon mo lamang iyon kasi nabugbog ka.” Ang muling pagtanggi ko.

“Gising po kaya ako noon, hindi lamang po ako nagmumulat kasi alam ko papagalitan mo lang po ako. Diba gabi pa lamang alam ko pong galit ka hanggang noon pong umaga tapos nadagdagan pa.  Kaya kunwari ay nagtulug-tulugan na lamang po ako. “At tumingin siya kay Lester. Ngumiti naman si Lester sa ‘kin.

“Kuya after ninyong bumalik ng Manila nagtext nga siya sa akin na nadinig daw niya ang pag-uusap natin at nang sabihin kong kailangan niyang sabihin sa akin ang lahat ay  saka na lamang daw pag nagkita kami.”ang nangingiti nyang paliwanag.

“So kaya  pala ang sabi mo e marami pa kayong pag-uusapan?” naalala ko kasi nong tinapik niya si Kenn sa paa noong katatapos lamang operahan. Akala ko naman ay wala pang alam ang mokong na ito yun pala naman ay alam din niyang alam na ni Lester ang tungkol sa amin. Ngumiti lamang siya tanda ng pagsang-ayon.  Naisip ko ibang klase talaga ang closeness ng dalawang ito nakakagawa ng paraan kahit magkalayo.

“Basta mga ‘tol, kung saan kayo masaya, masaya na din ako.  Walang magbabago sa atin ha.  Wag kayung mag-alala naiintindihan ko kayo.  Ang saya nga non diba, hindi ko nga lamang alam kung baby bro kita o bagong kuya? Hahaha.” Napatawa na rin kami pareho at niyakap ko si Lester.

Sakto namang dumating si Mama at iniwan lamang daw niya ang mga information ang mga dala niya dahil nakasara yung sasakyan.  Mabuti na lamang hindi niya nadinig ang usapan namin dahil nakasara ang pinto at kumatok pa siya bago pumasok.

“Paano Kenn, uuwi na kami, paglabas mo ay sa bahay ka na magpagaling mas sariwa ang hangin doon at makakapahinga ka ng maayos.” Paanyaya ni Mama, tumingin si Kenn sa akin at alam kong naghihintay ng sagot.  Pero hindi ako sumagot.

“Hayy nako, bahala kayong mag sir na mag-usap, basta, Kenn, mag-iingat ha, huwag pabigla-bigla ng desisyon, lagi mong iisipin kahit anong mangyari marami kaming nagmamahal sa iyo, huwag mo iyang kakalimutan, narito lamang kami kahit anong oras pwede mo kaming tawagan.” At hinalikan niya sa pisngi si Kenn.

“Opo, tita, salamat po mag-iingat po kayo sa biyahe.” Iyon lamang ang  nasabi ni Kenn. 

“Lester akina muna ang susi at ilalagay ko muna ang mga gamit ko, mukang matagal pa ang paalaman ninyong tatlo, sumunod ka na lamang pero huwag ka namang masyadong magtagal at baka abutan pa tayo ng tanghali.” Saka siya kumaway sa aming tatlo

Pagka alis niya ay saglit pa kaming nagkwentuhan, parang hirap na hirap talagang umalis si Lester, alam ko na napamahal na rin talaga sa kanya si Kenn, kung kaya kahit na nalaman niya ang totoo at hindi nagbago ang pagtrato niya .  At iyon ang labis kong ipinagpapasalamat sa kanya. At idinalangin na sana dumating din ang araw na sina Papa, Mama at Irish, gaya rin niya ay matanggap kami bilang normal na nagmamahalan.

“O pa’no aalis na talaga ako at baka inip na si Mama, kuya, papasyal ulit kayo sa bahay ha, paninidigan mo ang promise mo kay baby  bro” at muli ay nag-appear silang dalawa na nagtatawanan. Inihatid ko lamang siya sa labas ng pinto.

“Bunso, salamat sa lahat ha, lalo na sa pag-unawa sa akin.” Ngumiti lamang siya. At muli ay niyakap ko siya bilang pasasalamat.  Sobrang swerte ko talaga sa pamilya ko lalo na kay Lester.  Tinanaw ko pa siya hanggang makarating sa dulo ng hallway bago ako pumasok.

“So ano, pano iyan tatlo na tayong may alam sa ating sikreto?” ang tila pananakot ko sa kanya.

“Hayaan na lang po natin sir, mukha namang mapagkakatiwalaan si Kuya Lester saka darating din naman po ang panahon na maraming makakaalam noon diba, hindi rin naman po  natin iyan maililhim habang buhay.” Napaisip ako, ibig sabihin may plano talaga siyang magtagal kami at panghabang buhay pa. Napangiti na lamang ako sa kanya.

Pero sir, totoo po ba yung sinabi mo noon, na papayagan mo na ako kahit anong gusto kong gawin? Hindi mo na po ako pipigilan? Alam kong may kalokohan na namang naiisip ang batang ito.

“Teka-teka at ano naman ang mga balak mong gawin paglabas mo na kailangan kong payagan ha bata?” ang kunwari ay galit-galitan kong tanong.

“Wala lang, makikipagbreak na po ako kay Paula para hindi na po sumasama ang loob mo, ayoko na po ulit magalit ka sa akin kasi ang hirap ng pakiramdam pag alam ko pong galit ka sa akin sir.” ang malungkot niyang kwento.

“Hindi, hindi mo iyon gagawin, alam kong mahal mo si Paula, at mahal ka rin niya, basta alam ninyo hanggang saan limitations ninyo hindi na ako magagalit sa iyo.” Nakangiti kong sagot.

“At saka hindi  iyon ang una mong gagawin pagkalabas dito.” ang pambibitin ko.

“Ano po iyon?” alam kong nagtataka siya.

“Magsisimba tayo, magpapasalamat tayo sa Diyos dahil hindi ka Niya pinabayaan. Magpapasalamat tayo dahil naging napakabuti Niya sa iyo at sa akin na rin kasi pinakinggan Niya ang prayers ko.” Pisilil ko ulit ilong niya.  “Hindi ka Niya kinuha sa akin kasi alam Niya mahal na mahal kita.”

“Oo nga po sir, akala ko nga noon, sa mababait lamang po din mabait ang Diyos, pero kahit hindi ako naging mabait sa Kanya tinulungan pa rin po Niya ako.  Una binigay ka po Niya sa akin, tapos minahal mo pa po ako ngayon naman hindi niya po ako hinayaang mamatay. Kaya nga gusto ko din pong magsorry sa Kanya kasi dati sinisisi ko po Siya sa mga nagyayari sa akin, hindi na nga po ako nagpi-pray dati dahil sabi ko hindi rin naman po siya tumutulong. Pero hindi pala.   Ang bait po pala talaga Niya ano?” napangiti na lamang ako sa sinabi niya.

Hindi ko alam kung nabalitaan ba ng pamilya ng mommy niya na magaling na siya. Hindi ko rin naman sila binalitaan.  Naisip ko baka nga masama pa ang loob ng mga iyon dahil nabuhay si Kenn.  Baka mas masaya pa ang mga iyon kung tuluyan na ngang hindi siya nagising para makuha nila kung ano man yung gusto nilang makuha. Hindi ko rin naman maitanong kay Mr Suarz kung kinausap niya ang mga kamag-anak ni Kenn dahil nahihiya ako personal na nilang problema iyon at alam ko namang labas na ako doon. Pero sure ako kinausap niya base sa reaction niya nang sabihin ko kung ano ang nrinig kong usapan nila.

Eksaktong isang lingo mula nang magising siya ay kinausap ako ng duktor na in 2-3 days ay pwede na kaming lumabas naririnig kasi nila ang pangungulit ni Kenn sa akin na umuwi na kami.  Kapag nangungulit siya at naroon ang duktor sinasabihan ko siya na “O sige ikaw magpaalam kay doc.” Sasagutin naman ng duktor na “Kenn hindi pa pwede magalaw yung inoperahan sa iyo.” At natatawa na lamang sila kapag nakita nila sisimangot lamang si Kenn na parang batang maliit at babaluktot ng pagkakahiga at hindi na magsasalita. Kahit kulitin ko ay hindi ako pinapansin.  Napapatawa na lamang pati ang mga duktor, dahil kung titingnan mo talaga ay ang laki na niya pero kita naman sa mukha niya ang talagang bata pa. Kaya ayun madalas siyang lokohin pati ng mga nurse na isang buwan pa raw kami sa hospital. Hindi nga rin sila naniniwala na teacher lamang ako ni Kenn ang alam daw nila ay kapatid ko, dahil wala naman silang nakikitang ibang bisita liban sa pamilya ko at ibang mga classmates.

“Sir totoo po ba yun isang buwan pa tayo dito?, tingnan mo nga magaling na ako, wala naman po akong lagnat lagi na lang nila akong tinatanong kung ano  ang masakit sinasabi ko naman po na wala na ayaw nilang maniwala,” madalas niyang sinasabi pagkakaalis ng nurse.

“Sabi nila yun ah, hindi naman ako nurse at lalong hindi duktor kaya hindi ko alam kung totoo yun, bakit ba gusto mong umuwi na diba sinabihan ka naman ng duktor na hindi ka na pwedeng magbasketaball? tanong ko sa kanya isang hapon na reklamo siya nang reklamo at nagpipilit na uuwi na daw kami at naiinip na siya.

“Aba sir, nadinig ko po ang sabi ng doctor, anong hindi na pwedeng magbasketball, diba ang sabi lang po e mga 3 months, huwag po  muna akong magbasketball diba, ikaw sir ha., dinadaya mo  na po  ako niyan”

“O sige, 3 months, kung 3 months, ano nga ba at gusto mong gawin pag lumabas ka  na dito kung hindi ka naman pwedeng magbasketaball?

“May namiss lang ako gawin bukod sa basketball pero secret lang yun.”

“Ano nga?”

“Secret nga po di ba? Kunwari ay nagtampo ako kaya hindi  ako sumagot.  “Namiss po kitang halikan sir, yun lang.” pahabol niya.

“Nako, malibog na bata ka talaga, Kenn Lloyd.” At kiniliti ko siya.

“Malisyoso ka po sir, kiss lang malibog agad, ikaw po siguro ang nag-iisip ng kung ano. Grabe ka po ha.” At ginantihan ako ng pangingiliti.

“Assuusss…” at ibinalik sa akin.  At nagtawanan kami na parang wala sa hospital.

 Pero kinausap ako ng doctor isang umaga na okey na si Kenn binilinan na lamang ako ng mga pag-iingat na gagawin para maiwasan ang kumplikasyon pag-uwi namin at once a week ay may check up pa rin. At siyempre iwasan ang mabagok at huwag munang matagtag.  Wala naman siyang ipinagbawal na pagkain basta kung may mapansin lamang daw akong kakaiba sa kilos o pakiramdam niya ay ipaalam ko agad sa kanila.  Kaya isang umaga habang naliligo siya sa CR inayos ko na ang mga gamit namin at inihanda na para sa pag-uwi.  Nagsabi narin ako sa cashier tungkol sa bill namin at tulad ng sinabi ng Daddy niya may usapan na raw sila at siya na ang mag iinform kay Mr Suarez. 

“Sir, bakit naka pack na ang mga gamit natin?” nagtataka niyang tanong dahil hindi naman niya alam na uuwi na kami.

“Ang kulit mo kasi, kaya kahit hindi pa tayo pinapayagang lumabas ako na ang nadecide na lalabas na tayo, bahala na kung mapagalitan  ako ng mga duktor.” Kunwari ay malungkot kong sagot.

“Sir naman, nagbibiro lamang naman po ako, ibalik mo na po yan. Promise hindi na po kita kukulitin,” at napapakamot na naman siya sa ulo niya at hindi malaman ang gagawin kasi alam kong nahihiya na naman.

“Hindi na ayoko din naman na lagi kang naiinis kasi akala mo ayaw ko lamang payagan kang umuwi, akala mo yata ako ang may gusto na narito tayo, kaya pakiramdam ko sa akin ka nagagalit.” Tinuloy ko na ang pag arte. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang isa kong kamay.

“Sir please sorry na po, promise talaga hindi na ako mangungulit, hihintayin ko na kung kailan sabihin ng duktor na pwede ng lumabas. Huwag ka na po kasing magtampo sir.  Hindi naman ako naiinis sa iyo, ngumiti ka na please.” At muli nakita ko ang maamo niyang mga mata.  Iyon ang talagang namiss ko sa kanya, pag alam niyang naiinis ako at humarap siya sa akin kahit hindi niya sinasadya ang pagpapa- cute.  Bigla akong may naisip.

“Kantahan mo muna ako.” Kunwari ay hindi ako ngumingiti pero sa loob ko napapatawa na ako kasi ang cute talaga niyang tingnan pag ganon na alam niyang my atraso siya sa akin.

“Sige po sir, basta hindi ka na nagtatampo ha?” Tumango ako at ngumiti sa kanya.  Magsisimula na sana siyang kumanta nang bumukas ang pinto.  Pumasok ang nurse.

“Excuse me sir, Eto na po ang discharge letter ni Kenn Lloyd.  Babye Kenn mami miss ka namin, mag-iingat ka lagi ha.” Sabay abot sa akin ng papel habang nakatingin na nakangiti kay Kenn. Si Kenn naman ay nawalan ng kibo, pero pagkaalis ng nurse ay bigla akong tinulak.

“Hindi ka parin nagbabago sir, ang hilig mo talaga akong lokohin.  Paniwala na sana ako, nagi-guilty na nga ako, drama na naman pala.  Nako sir, nakakadami ka na talaga,” at kinuha ang bag niya at naupo sa bangko halatang nagtatampo. Kinikiliti ko pero hindi ako pinapansin inaalis ang kamay ko.

“Since nagtatampo ka, di ako na lamang muna ang uuwi maiwan ka muna dito kasi ayaw mo naman  akong kausapin.” Kunwari ay dinampot ko din ang malaking bag at humakbang na palabas.

“Ahh, sir naman, bakit ka ganyan, ang lakas mong mang asar, paano ba ako makakaganti sa iyo, lagi mo na lamang ako naiisahan. Tayo na umuwi na po tayo, nakakainis ka na talaga.” at tuluy-tuloy na naglakad sa corridor.

“Hoy, bata, hintayin mo ako, dahan-dahan, bahala ka pag nakita ka ng duktor na ganyan pababalikin ka ulit sa room. Diba sinabihan ka na hindi pwede ang ganyang kilos dahil hindi pa magaling ang sugat mo?” Mukha namang natakot kaya binagalan ang lakad at inalalayan ko hanggang makasakay kami. Pero minsan ay sinisimangutan pa rin ako na tinatawanan ko lamang dahil alam ko balik na naman sa normal ang sitwasyon namin magkukulitan na naman kami araw-araw. 

Halos isang lingo na kaming nakakalabas ng hospital at normal na rin ang kilos ni Kenn.  Nakakalakad na siya ng diretso bagamat may mga gamot na iniinom. Sa mga panahong iyon, hindi ko nabalitaaan kahit ang mga pinsan niya na nagtanong tungkol sa kanya.  Minsan tinanong ako ni Kenn, kung dumalaw daw ba ang tita niya.  Sinabi kong oo pati yung tito at mga tita niya sa Bulacan.    Pero hindi ko sinabi sa kanya ang mga narinig kong pag-uusap nila.  Tama na yung sakit ng kalooban na dinadala niya, ayoko ng dagdagan pa. Lalo lamang siyang mahihirapan at baka maawa na naman sa sarili.  Baka bumalik yung dati niyang pakiramdam na galit sa lahat ng tao at walang tiwala sa sarili. Ayoko rin naman kasi na magtanim siya ng galit dahil alam ko siya rin ang mahihirapan.  Mabuti na yung wala siyang alam at least maluwag ang kanyang pakiramdam.  Ang Mommy naman niya ay tumawag sa kanya.  Yung isa nga ay ako pa ang nakasagot dahil tulog si Kenn at nagpasalamat siya sa akin sa lahat ng ginawa ko kay Kenn, pero hindi ko rin binanggit sa kanya ang tungkol sa kaniyang mga kapatid. Alam kong pampamilyang problema iyon at kailangang sila bilang magkakapamilya ang lumutas noon.


 Sa lahat ng pinagdaanan namin masasabi ko na lalong tumibay ang aming samahan at lalo kong natiyak kung gaano ko siya kamahal.  Sigurado na ako sa aking sarili na kaya ko na siyang ipaglaban at kung darating ang panahon na iyon kaya kong panindigan ang aming pagmamahalan.  Nakita ko rin sa kanya kung paano niya niya appreciate ang lahat ng ginagawa ko. At ramdam ko rin dahil sa nangyari ay nagkaroon siya ng kumpiyansa sa sarili niya.  Hindi gaya ng dati na parang puro awa sa sarili ang nararamdaman niya.  Dahil sa nakita niyang pagmamalasakit sa kanya hindi lamang ng pamilya ko pati na rin ng mga classmates niya ramdam kong nagbago ang pananaw niya sa buhay.  At natutuwa naman ako sa mga pangyayaring iyon dahil ayoko na talagang makaranas pa ng hirap ang batang ito.  Sobra na ang mga pinag daanan niya para sa edad niya.   

Minsan kinausap ako ni Kenn.  “Sir nakausap ko si Mommy, sabi niya pipilitin niyang umuwi ngayong taon at aayusin niya ang lahat.  Hindi raw siya papayag dahil karapatan ko raw iyon. Tapos kinuha niya ang account number ko at sa akin na raw niya ididiretso ang pearng ipapadala niya.  Nagtataka ako sir, bihira naman siyang magpadala sa kin minsan pag may okasyon lang.”

“Hayaan mo na iyon, baka bumabawi kasi hindi ka niya napadalhan noon, mabuti na rin iyon at least hindi mo iisipin na kinalimutan o pinabayaan ka na niya.” Pero naisip ko agad marahil ay ipinagtapata ni Mr Suarez ang lahat ng sinabi ko sa Mommy niya.

“Pero sir, nagtataka pa rin ako parang galit siya. Parang galit siya kina Tita, dahil kaya sa hindi sila dumalaw sa akin noong naaksidente ako, o baka galit sila sa akin kasi hindi ako pumayag na sa Bulacan tumira?”

Hindi na lamang ako nag comment bagkus ay iniba ko ang usapan. “O huwag ka munang mag-isip alam mo naman ang kalagayan mo at ang sabi ng duktor, magpahinga at huwag magpagod, huwag mag paka stress dahil hindi pa kaya ng utak mo.”  Hindi naman siya kumibo.

 Last Saturday of May, tinamad akong umuwi dahil nga ayoko pa siyang magbiyahe ng malayo, instead nagyaya ang makulit kong kasama sa bahay na pumunta ng MOA dahil meron daw siyang bibilhin.  Wala naman akong alam na gagawin at gaya ng dati hindi naman siya titigil kahit na sabihin kong hindi pa siya pwedeng matagtag e malapit lamang daw naman.  Isang T-shirt lamang naman pala ang bibilhin na nakita raw niya sa net.

“Kung alam ko na iyan lamang ang bibilhin mo kahit umiyak ka pa, hindi kita papayagang bata ka. Ang dami ng ganyan sa ibang mall na malapit sa atin, dito mo pa talaga nagustuhang pumunta.” Ang naiinis kong sabi sa kanya noong kumakain na kami.

“May nakita ka na po bang ganito sir, limited edition kaya ito, dito nga lamang po meron nito tingnan mo sir hindi po ba ang ganda? Saka sir kaya nga po hindi ko sinabi sayo kasi tiyak naman hindi ka papayag sasabihin mo po ikaw na lamang ang bibili, inip na inip na  po ako sa bahay sir , ayaw mo naman akong palabasin doon. Lagi na lamang po akong nakakulong.  Ilang weeks pa bago magpasukan. Ayaw mo din umuwi tayo sa probinsiya laging nagtetext si Kuya Lester kung kailan daw  po tayo pupunta pati nga po si Tita tinatanong kung nagbago na raw ang isip mo.  Miss ka na raw nila.” At inisa-isa na niya sa akin ang reklamo niya. “Sir, kailan po tayo pupunta doon, diba nangako ka po dati na papayagan mo ako kahit ano ang gusto ko basta hindi ako mapapahamak? Hindi naman po ako mapapahamak doon, hindi naman po  ako pwedeng lumabas doon ah, kasi  kasama ka naman babantayan mo naman po ako tiyak.  Sige na sir, pumunta na po tayo don, madami kaming pag-uusapan ni Kuya Lester.” Ang dagdag na pangungulit na naman niya

“Kung naiinip ka, ihahatid muna kita sa Bulacan, para makapagbakasyon ka don,”  ang kunwari ay wala sa loob kong sagot. “Tiyak pag kasama mo mga kamag-anak mo doon hindi ka maiinip.  Tamang-tama iyon bonding kayo bago magpasukan hindi ba gusto nila doon ka na mag-aral?”

“Sir, sino po ba nagsabi na naiinip ako sa bahay, ang saya nga natin diba, lagi nga tayong nagba bonding, wala nga tayong dull moment.  Gustung-gusto ko kaya sa bahay, ikaw po ba sir, naiinip doon, naiinip ka bang kasama ako?” at umiral na naman ang pangungulit niya.

“Oo  hindi lang ako naiinip naiinis na rin ako sa iyo, ang kulit mo sabi mo hindi ka na pasaway diba, pero hindi mo naman tinutupad ang promise mo,  kaya nga ihahatid muna kita sa Bulacan at doon ka na sa mga tita mo titira. Bahala na sila sa iyo tutal mahal ka naman ng mga iyon kaya sigurado ako hindi ka nila pababayaan” kunwari ay naiinis talaga ako sa kanya.

“Sir, serious ka po? Hindi iyan joke? Sir naman ah, hindi ka nakakatuwa ha, kung joke yan hindi iyan magandang joke. Nag promise ka po  dati na hindi mo ako ibibigay sa kanila. Sige sir kung nahihirapan ka na po sa akin, ako na lamang po ang aalis. Pero hindi pa rin ako pupunta sa Bulacan” At nakita ko talaga ang paglungkot ng kanyang mga mata. Hindi na rin niya itinuloy ang pagkain. 

“Nako, baby boi ka pa talaga, at bakit naman kita ibibigay sa kanila, sino sila para kunin ka ha? O siya tawa na, wag ng mag emote, hindi kita ibibigay, hindi na rin naman nila sinasabing kukunin ka pa hindi ba? Tawa na, ikaw naman hindi ka na mabiro.” At ako naman ang kinabahan, natakot akong baka bigla itong magtatakbo na naman at kung anong mangyari.  Kaya mula noon hindi ko na ginawang biro sa kanya ang pagpunta sa Bulacan,  nag alala din ako na sa pwedeng mangyari. Iniwasan ko na ang topic na iyon.  At napangiti naman kahit alam kong naiinis sa akin. Nakahinga ako ng maluwag kasi sa isip ko hindi ko na yata kakayanin pa kung mauulit pa ang ganoong bangungot sa buhay namin. 

Nasa ganon kaming kulitan nang mag ring ang phone ko.  Walang number na nagreregister, inisip ko hindi naman pwedeng overseas yon, baka pay phone.  Nagdalawang isip akong sagutin kaya pagkatapos ng ilang ring ay nawala na rin.

“Bakit hindi mo po sinagot sir, sino yun?” ang nagtataka niyang tanong.

“Hindi ko nga alam e, walang number.” Wala sa loob kong sagot pero nakatingin pa rin ako sa phone ko.  Nang bigla itong magring ulit.  Pagkatapos ng ikalawang ring ay sinagot ko.

“Hello, sino to?” agad kong tanong.

“Hello sir, si Jasper po ito, kung naalala nyo pa po ako, ako po yung nakilala ninyo sa bundok. Pasensiya na po sa abala sir.” ang malungkot niyang bati at pagpapakilala sa akin.

“Yes, Jasper, naalala kita, kumusta ka na, ang nanay mo kumusta?” napatingin sa akin si Kenn, nang marinig ang pangalang Jasper. Alam ko naging intresado rin siya sa pakikinig.

“Iyon nga po ang dahilan ng pagtawag ko sir.” at naramdaman kong umiiyak siya. “Sir nasa ospital po si nanay, sabi ng doctor kailangang ma operahan, pero sir, wala po kaming pera, iyong malalayong kamag-anak namin nilapitan ko ng lahat pero wala po silang maitulong.” At tuluyan na siyang umiyak.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This