Pages

Wednesday, August 24, 2016

Davao Neck Lace (Part 1)

By: Brent Vincent

Nagmamadali akong naglakad patungo sa isang Boutique ng Silver para magpahulma ng personalized na pendant. "Ganito po sana ang gusto kong style" suhestyon ko sa babae na nag entertain sa akin. "Naku sir, medyo may kamahalan po yan, medyo mahirap po kasi ang design nya sir at siguro aabot to ng mga dalawang linggo." sabi ng tindera. "Okay lang po yan, at kahit na mahal pa yan babayaran ko basta yan ang gusto kong design miss."

Hi! ako nga pala si Bryan. Real name ko yan! Kampante ako dahil marami naman ang mga kapangalan ko dito. Nakatira nga pala ako sa Davao City. (Kaway-kaway jan mga Davaoenyos!) 25 years old na ako sa ngayon at kasalukuyang nagtatrabaho sa isa sa mga Call Center dito sa Davao City.Sabi nga nila, "The greatest relationships are the ones you never expected to be in." Oo nga no? at isa ako sa mga taong magpapatunay nito.

Ako yung taong workaholic, yung tipong gagawin lahat para sa pamilya, walang social life, hindi mahilig sa nightlife, walang arte sa katawan, simple, may pagka extrovert pero madalas introvert ako. Mas gusto ko pa nga matulog nalang kaysa maglakwatsa. Kaya naman bilang lang ang mga lugar na napupuntahan ko. Yes although mahilig din ako mag outing, ayaw na ayaw ko naman yung inuman lalo na yung yosi. Palakaibigan ako at masayahin sa sarili kong mundo. Too much for myself, well ganung klaseng tao ako. Aaminin ko, umibig na ako dati sa same sex, unang beses ko yun pero hindi nag work out. Sa relasyong Bisexual kasi dapat pinakamalaking bahagi nun yung salitang "Tiwala" pero kahit na nagtitiwala kana minsan naloloko kapa. Ganun yung nangyari, in short nag break up kami. But were good though, masakit sya at first pero matatanggap mo rin pagdating ng panahon. "Love yourself" kung baga sa kanta pa ni Justine Beiber.

Ewan ko kung pano nagsimula ang lahat ng eto pero ang ibabahagi ko sa inyo ay ang totoong kwento ng buhay-pagibig ko.

"Saan na yun! tong*na naman oh! isang linggo palang sa akin yun nawala na agad! shit! ugh! san kana? san kana!!!" Iritang-irita ako nun habang hinahanap ang Pendant ko. Alam kong suot ko pa yun kanina eh! Nagmamadali ako dahil mahuhuli na ako sa Bus papuntang Davao. galing ako sa Cagayan de Oro nung time na yun.

Kainis naman oh! sa lahat ng pwedeng mawala ang pendant ko pa! eh nakakabit naman yun sa kwintas ko eh! Bakit kumawala pa? Ganun nalang ba talaga ang papel ko sa buhay? Iniwan na nga ako sa taong minsang minahal ko, pati ba naman PENDANT iiwanan din ako! tang-na ha! Bigti-Bigti! Inis na inis ako na nakasakay sa likurang bahagi ng Bus. Walong oras na byahe na naman to pabalik sa Davao.

Bus Conductor: Patan-aw sa ticket sir? (Sir, patingin po sa ticket.)

Ako: Humana kog bayad! (tapos na akong magbayad!) medyo napataas ko ang boses ko.

Bus Conductor: Mao gani Sir nga e check nako imong ticket kung asa ka munaog 5 Stops man gud ni. (Kaya nga po titingnan ko ang ticket nyo kung saan kayo bababa. 5 stops po kasi eto Sir.)

Ako: Ayy sorry boss, medyo naiinis kasi ako, kaya pasensya na. Eto po... sabay abot ko sa ticket.

Hindi ko na alam na nasa Davao na pala ako kung hindi dahil sa isang lalaking napadaan sa gilid ko sabay tapik sa balikat ko. "Sir, Davao na po tayo" sabi nung isang taong hindi pamilyar sa akin. Isang pasahero din pero hindi ko sya napansin sa buong byahe kanina. Siguro ay dahil inis at pagod ako. "Ay, salamat bai... napahaba ata ang tulog ko." Umunat ako ng konti at medyo nahimasmasan at napansin kong unti unting nagbabaan ang mga tao mula sa Bus. Nakita ko rin ang likod ng lalaking tumapik sa akin. Naka yellow tshirt, hindi naman gaano katangkad pero masasabi kong may height din. Magpapasalamat pa sana ako kaso mas nauna syang bumaba sa akin. Hindi ko na napansin ang kabuuhang mukha nya pero nung oras na yun namukhaan ko sya ng konti sa side view angle nya.

Here's life again! balik trabaho na naman. Saka ko pa napansin, hayz! PENDANT… ang sayang mo!

Day's flew fast. Same old faces, same old routine, same old thing! lahat nalang luma! Wala na bang bago?

“Kurt, hindi naba talaga ma-aayos to? Walong bwan Kurt oh? Walong bwan! Ganun lang ba kadali kalimutan yun?” pagmamakaawa ko sa kay Kurt. “Bry, you’ve been such a good partner for all these months, wala akong reklamo sa’yo. It’s just that I don’t deserve your love Bry! Hindi ko kayang tumbasan ang pag-ibig mo.” “Bakit kurt? Dahil sa kanya? Hindi ko naman sinabing tumbasan mo ang pag-ibig ko eh! Mahal na mahal kita at alam mo yun! Anu paba ang kulang kurt? Saan paba ang pwede kong punan? Kulang paba ako?” pagsusumamo ko sa kanya.

“Hindi ka nagkulang Bry,You deserve to be happy, you deserve to have someone else! Alam mong hindi ko kayang panindigan ang pag-ibig natin eh” paliwanag nya… “So? Laro lang pala sayo ang lahat ng to? Kurt! Hayop ka din no? Alam mo ba kung anong isinakripisyo ko sa relasyong eto?! OO tanga na kung tanga! Isinakripisyo ko ang Girlfriend ko dahil sayo! Minahal kita ng higit pa sa kanya tapos ngayon yan lang ang sasabihin mo?! Ang kapal mo din no?! Pwes kung yan ang gusto mo! MALAYA kana!” bulas ko.

Well, OO hahaha sobrang tanga ko! Ganun lang siguro basta umiibig ka, kaya mong ipagpalit ang lahat sa ngalan ng pag-ibig--ooops? Anu daw? Pag-ibig? Hahaha! Hormones lang yan! Bakit nga ba ako pumasok sa relasyong ito? Oo the same feeling lang naman din ang pag-ibig na mararamdaman mo sa same-sex relation. It’s just that, iba lang yung inibig mo sa mata ng mga tao, pero iba ako magmahal eh, ipinapakita ko na importante ka sa buhay ko, na parte ka sa mundo ko… Kaya siguro madaling nagsawa si Ex.

Well, that’s past. Masakit man isipin sa twing na-aalala mo ang mga lugar kung san kayo naglalagi minsan, yung mga pagkain na madalas nyong kainin, sabay magsimba, sabay sa kalokohan at kung anu anu pa. Haaaayyyy! Pero move on! Sabi nga nila, “Leave your past behind” pero sabi ko naman sa sarili ko, My past is my stepping stone towards my future. Well akin lang yun ha? Wag na kayong pumalag. My journey of venturing my heart to someone hasn’t come up into a good result -As expected! Pero ganun siguro, baka may purpose naman ang lahat ng ito in the future. Hahahaha! -Well looking forward. Hindi naman ganun ka bumpy ang ride ko in moving on, andyan naman ang circle ng mga walang hiya kong mga kaibigan.

Try ko kaya ulit makipag flirt? Papatok naman ako kahit sa mga matrona pa, sa tangkad kong ito, sa katawan kong ito, at sa mukha kong "inocente kuno" sa mundo? Maraming bakla at mga bi ang magkakagulong pag-agawan ako. Pero wala eh! hirap humanap ng matinong tao. FOREVER? sus! malabo yang word na yan sa same sex relation. BITTER? hahaha hindi naman, wala naman akong tutol sa mga may ka relasyon ehh. Oo February na next month. naghahanap na ng mga ka date ang mga kumag kong mga kaibigan. Ako? ewan, mananatili nalang siguro ako sa bahay habang nanonood ng TV.

Ron: Nag eemote na naman ang Askal oh!

John: Move on na Bry! hanggang ngayon sya pa rin ba iniisip mo?

Clara: ganyan talaga yang gago na yan eh! Hoy BRYAN EARTHSTRIKE! Hindi sa nakikialam kami sa lovelife mo ha? Pero damn! ang tagal na nun! mag fo-four months na oh?! hanggang kailan mo ba kikimkimin yang sakit sa dibdib mo?

Ako: wow! sige isigaw nyo pa na brokenhearted ako. mga kaging! nasa jeep tayo oh! wala tayo sa kwarto. Nagbibilang lang ako sa isip ko kung magkano babayaran ko sa jeep oh..

Lyn: hahahahaha ganyan tayo eh! Dog Show!

John: ay sorry...(pina sarcastic) ganyan ka kasi nung nag break kayo eh. Mukhang Tanga! sorry!

Bert: No comment

Ako: Simulan mo Bert! ihuhulog talaga kita jan!

Bert: no comment nga diba? hahaha

Ako: hoi gago! siguraduhin mo lang yang "No Comment" mo na walang lalabas sa bunganga mo! nung huli mong sinabi yan kulang nalang ipagsigawan mong...ugghh!! kung bakit ba naman kasi ako nagtitiis sa mga punyetang mga kaibigang eto!

Ron: clap! clap! clap! BIG WORD bry! bakit may choice ka?

Clara: kahit na palagi ka naming inaasar Bry syempre mahal ka pa rin namin no. Ikaw lang kaya ang taong pag wala sa grupo walang sense ang friendship. Walang Aso eh!

Ako: ah ganun ah!! Manong para po!

Lyn: hoy saan ka?!

Ako: ayaw nyo pang bumaba? lalagpas na tayo oh!

Bert: Oo nga pala no?

Eto yung mga hayop kong mga kaibigan. Si Ron, sya yung mala Deither Ocampo the thin version. mahilig magpa pogi, lagi namang basted. Si John, yung di gaanong ladlad na bakla. Bitch ang show kasi ang boyfriend may asawa at sya lang naman yung kaibigang laging Adviser sa grupo. Yung tipong the "Libre mo muna ako" adviser. May point naman palagi ang mga advises nya. Si Clara, ang babaeng hindi pinalad sa height pero pinalad naman sa brains and guts. oopps! di rin pala sya gaanong pinalad sa mukha. pero pwede na rin. at isa pa! Mahilig magpalibre! Si Bert! Lalaki daw oh! pero nung last time sabi nya gusto nya raw ako. Well lasing naman sya nun, pero nung nagka lovelife ako sya yung number 1 fan ko. Yun nga lang nung mag break kami ni Ex, ganun din! number 1 fan din sya. Isa rin sya sa Plan Maker ng gala. Ang nakakainis lang, kailangan pa naming pag ipunan ang pang "chip in" nya para lang makasali sya! isn't it amazing? Si Lyn, Pinakamatanda sa amin-oh well literally speaking 27 years old na sya that time, pero isip bata din. Galing sa mayamang pamilya, ewan ko ba kung bakit nag tatyaga sya sa pagiging call center agent na pwede naman syang mag negosyo. Simple lang sa buhay. haayyy! crush ko sya dati at alam nya yun.crush nya nga din daw ako eh... pero hanggang dun lang yun. May isa pa. Si fred, well sya yung chinito man sa aming grupo. Outstanding sa lahat ng bagay, mabait, matulungin, masipag, matalino, gwapo, matangkad, makinis ang kutis... halos sya na lahat! yun nga lang nakaka discourage yung pagiging tanga nya. Baliw-baliwan kung baga, yung tipong may iniisip nang konti tapos bigla nalang tatawa, Hindi matino kausap at supper Bipolar. Pero mabait naman. Only child eh kaya ganun. Sila yung mga taong bumubuo sa buhay Call Center Agent ko.

"Hi this in Anthony from **** Davao. Your Contract Signing will be on Monday. Kindly reply with your FULL NAME and SCHEDULE to confirm attendance. See you at the Recruitment Hub!" Eto yung message na nabasa ko pagkagising ko isang umaga.

Ako: What daaaa!!! agad-agad?!

Nag apply ako sa kabilang center before, at eto na nga nagbunga na. Pero napaaga naman ata.Nag resign kasi ako sa dating center ko. Purpose ko: for greener pasture eh, though mahirap iwanan ang mga dating kaibigan at ang kumpanyang nag motivate sa akin ng husto, kailangan eh. Moving forward kung baga. Same barkada lang naman din wala pa ring nagbabago. Lumipas ang mga bwan, natapos ko na din ang training. One month ding boring sa training room. well at least natapos na din sa wakas. Nung sumampa na kami sa floor I was designated sa bagong buo na team. Adjust na naman sa bagong environment, pa pogi, pa simple para ibigin nag e-expect din ako na may bago naman dito sa bagong kumpanya ko.

Agent: Sir, Davao na po tayo

halos matalon ako sa gulat nun. nakatulog pala ako nag biglang may tumapik sa balikat ko. hindi ko matandaan ang mukha nya ng husto pero natatandaan ko ang boses na yun. napatulala ako bigla habang hinahanap ko sa aking memory ang mga pangyayaring tulad neto. Alam ko nagyari na ang ganitong scenario eh. Saka ko palang natandaan na eto pala yung time na nawala ang pendant ko. yung time na nakatulog ako galing sa byahe. Pero sino yung tumapik sa akin? sya ba rin yung taong tumapik sa akin nun? bakit nya ako nakilala? Ay! oo nga pala suot ko pala ang tshirt at jacket na sinuot ko nung mangyari yun. Pero? talaga? natatandaan nya pa ako? halos di ko na nga sya ma picture out sa isip ko eh. wow ha! nag effort!

Misteryoso ang mga sumunod na araw ko dun. At naging favorite tshirt at jacket ko bigla yung sinuot ko baka sakali papansinin na nya naman ulit ako kung sino man yun. Lumipas ang mga araw, linggo at mag iisang bwan na pero di na sya naulit pa. Hanggang sa isang araw...

"Excuse me, excuse me... excuse me po ma le late na po ako please... salamat!" pasintabi ko sa mga tao na papasok palang sa office. "Saan ka Bry?" tanong ni Andrew sa akin habang nagmamadali ako.

Ako: pa in na, I'm almost late na dude!

Andrew: hahahaha Thanksgiving ngayon sa US dude!

Ako: oh? tapos?

Andrew: ibig sabihin walang pasok ang team nyo!

Ako: ha?! sino maysabi?

Andrew: saan kaba kasi nung nag announce kahapon ang mga Sup.?

Ako: ewan! nasa station lang naman ako ah, oh baka busy habang nag take ng calls.

Andrew: weeeee? di nga! so papasok kapa?

Ako: tangena naman oh! nagmamadali pa naman ako.

Andrew: so ano na?

Ako: Uuwi ano pa ba?!

Andrew: hahaha chill muna tayo bro!

Ako: wala akong pera dude.

Andrew: okay treat ko.

Ako: wow naman, wag na, salamat nalang... di ako sanay na nililibre eh.

Andrew: at sino namang maysabing libre to?! utang to uy!

Ako: hahahaha may ganun? pera muna para utang talaga.

Andrew: gago ka din no? magkano ba?

Ako: 100?

Andrew: tangena, anong nabibili nyang 100?

Ako: wow! Yaman! dude, lolobo na ang tyan ko nyan sa Roxas!

Andrew: and baduy ng trip mo dude! hahaha

Ako: wala ngang pera diba?

Andrew: umiinom kaba?

Ako: hindi eh...

Andrew: hindi kalang pala baduy! boring ka rin! kahit San Mig light?!

Ako: pwede!... Flavored?...  yung Apple!

Andrew: yawa!!! hahahaha para kang chicks! ewww!

Ako: hindi nga ako umiinom diba? pasalamat ka pagbibigyan kita ngayon.

Andrew: bakit ba naman kasi kita niyaya eh! TARA!

Ako: hahahaha baliw! pera muna!

Andrew: mamaya na! tang ena toh parang ako pa ang may utang!

Ako: ei, sabi mo eh.

Nagpunta kami sa isang Bar, sa mga taga Davao alam nila eto. V-Place. Usap2x nga mga buhay-buhay, about sa trabaho about sa pamilya nya. Ganun din ako. Take note po straight sya. May anak pero yung mga magulang nya ang nag-aaruga at pinalabas na magkapatid sila -oh well ang ganda ng concept no? Try ko kaya ganun.

Andrew: nga pala dude... No offence ha? Bi kaba?

Ako: ahhem! wow naman dude, walang preno ha?

Andrew: wala namang nakakarinig eh.

Ako: ahmmm... halata ba?

Andrew: Tang-ina dude! biro ko lang yun!!! TOTOO?!!!

Ako: wow! sigawan talaga? microphone gusto mo?

Andrew: hahahahaha! puta di ko kinaya yun ah! seryoso dude?

Ako: kung sasabihin kong Oo anu ang reaction mo?

Andrew: magugulat!

Ako: hindi halata! nauna ka pa ngang sumigaw diba?!

Andrew: yawaa nimo uy! hahaha bitaw dude? tinuod? dili gud mahalata. Sayanga nimo uy! (totoo? hindi sya halata dude! Ang sayang mo.)

Ako: eh ayan na yan ehh...

Andrew: pero may chance pa naman sigurong maging straight ka dude. gusto mo e reto kita?

Ako: hahaha talaga lang ha?

Andrew: wait! eto may ibibigay akong number. Feel ko gustong gusto ka neto eh, nangumusta nga sya sayo noon. wait... eto ang number

Ako: at sino naman to? bat walang pangalan?

Andrew: basta kilalanin mo lang.

Ako: baka number mo to ha? ikaw yung may gusto sa akin pinapadaan mo lang sa number2x, ang galing din ng moves mo dude!

Andrew: yawa! hahahaha hoi ayan ang number ko oh! e miss call mo. hahahaha mamamatay ka nalang di mo pa ako matitikman.

Ako: aba! sino ba kinakausap mo? Ako?

Andrew: Oo!

Ako: wala naman akong balak tikman ka dude hahaha at kahit na pinangarap mo pang mamatay, mamamatay kang magnanasa sa romansa ko!

Andrew: yawa jud ka Bray! hahahaha ka luod nimo (kadiri ka!)

Ako: Sukol ka? (lalaban ka?)

Andrew: okay hindi na. basta e text mo yan ha?

Ako: ibigay mo nalang kaya ang number ko. eto oh! hindi kasi ako sanay na ako ang nauunang mag txt.

Andrew: hahahahahaha HILAS! (kapal ng mukha!)

Natapos ang gabing yun na puno ng tawanan. Isang bagong kaibigan na naman ang nakilala ko na sobrang kwela. Minsa inaasar nya ako sa office pero hindi nya naman sinasabi ang sikreto ko. Sa tingin kasi ng ibang agents Straight ako.

"Hi" isang txt mula sa number na binigay ni Andrew.

"hello" reply ko.

Dun nagsimula ang usapan namin. Feeling ko nun lalaki tong ka txt ko eh, sa kabilang banda naiisip ko rin na si Andrew yun, kasi sa twing magkakasalubong kami abot tenga ang ngiti. pilit kong hinuhuli sya pero hindi ko sya mahuli eh. At para makumpirma ko, nakita ko sya sa di kalayuan na nag aabang ng jeep. Nag dial ako ng number nya. "ring...ring...ring..." pero walang sagot, nasa bulsa ata, pero di rin naman nya kinuha. Nagmamasid lang ako sa di kalayuan ng biglang may lumapit sa kanya, nag "hand knuckles" sila o yung (sapakan ng dalawang kamao). Parang rumihistro ang mukha ng lalaking yun sa isip ko. Sinubukan ko ulit na tawagan si Andrew. Sa laking gulat ko, yung lalaking lumapit sa kanya ang kumuha ng cellphone sa kanyang bulsa. narinig ko pa ng konti ang sabi ni Andrew "Sagutin mo na uy! gago, kailan mo paba sasabihin sa kanya. baka akala nya ako yung ka txt nya". "Nihihiya ako bro, next time nalang." Ang sabi nung lalaki, bigla ding tigil sa pag ring ng dial ko. Sya kaya yun?!

Naiba ang mundo ko, excited... awh! I mean Exciting ang bawat araw. Ka txt ko pa rin ang misteryosong lalaking yun, kung sya nga talaga yun! Gusto kong i kumpirma kay Andrew pero nahihiya ako. Baka ano pang isipin nun. Breaktime ko nung mag txt si Stranger na "coffee?" at dahil sa wala akong idea sa ibig sabihin nya.. o baka slow lang talaga ako nag reply ako ng "????"

Sa Txt convo namin:

Sya: hahaha anu yan?

Ako: ang alin?

Sya: hahaha wala, ang cute mo ngayon, pa regards mo naman ako sa sweatshirt mo ha?

Ako: Cute na ako dati pa. ang baduy mo! libre naman jan oh!

Sya: kaya nga coffee diba?

Ako: ahhh yun pala yun? sorry slow

Sya: kaya nga matagal mo din akong di na gets

Ako: wow ha?

Sya: oh? bakit totoo naman ah?

Ako: pati pangalan mo di mo pa nga sinasabi. mag iisang bwan na tayong ka txt. isa pa ka team ba tayo?

Sya: hahahaha secret lang muna. sige next time nalang patapos na ang break ko.

Ako: libre moko sa susunod ha?

Sya: Oo ba...

Isang bwan nalang pero di ko pa rin talaga ma gets kung sino ang ka txt ko. Oo, araw araw na kaming nag te txt, at aaminim ko mag gusto kong ka txt sya palagi, para bang bumabalik yung kilig, na kahit nag babawas ka sa CR dala-dala mo ang cellphone mo, kahit naliligo ang cellphone mo nasa bulsa ng brief mo... Pag gising sa umaga txt nya ang hahanapin mo. yung mga tipong ganun? pero ang nakaka-asar wala pa rin akong idea kung sino sya... Hayy! sana sya talaga yung nakausap ni Andrew. Di ko rin naman sya pinapansin sa office! Anak ng! lalaki ako dun no! I mean lalaki naman talaga ako pero walang nakakaalam na bisexual ako aside lang kay Andrew. kaya maingat ako sa mga kilos ko.

Huli akong lumabas sa office. nag OT kasi ako ng dalawang oras, pagkatapos kong mag off sa station naglakad ako palabas nang mapansin kong may cellphone sa isa sa mga station dun. Naiwan ata ng may-ari... Kinuha ko para e report sa guard. pagdating ko sa labas, wala dun ang gwardya, ayaw ko namang iwan kahit na sino kaya ang ginawa ko tinago ko nalang muna at ibabalik ko nalang pag in ko kinagabihan. Nag text ako as ussual kay Mr. Stranger ng "Off na boss, kumusta?" biglang nag vibrate ang phone ko sa bulsa, di ko nalang pinansin. Makailang txt na ako wala pa ring reply. pagdating ko sa bahay, Yung tipong naasar kasi hindi nag reply si inspiration, knowing na hindi pa naman sya tulog sa mga oras na eto. sinubukan kong tawagan, laking gulat ko ng may mag vibrate sa side table ko. Ang cellphone pala na nakita ko! Hala! pinatay ko ang dial at sya rin naman paghinto ng vibration. Nag dial ako ulit at tiningnan ang cellphone... Calling... My Bus'peration  at tan-ina! stolen shots ko ang lumabas na contact picture!!!

hindi ko alam kung tatalon ako sa tuwa, sisigaw, iiyak? basta magkahalong emosyon ang nararamdaman ko noon, sobrang overwhelmed! Basta! para akong naiihi na parang ewan! basta yun na yun! At dahil slide to unlock>>>  lang sya madali ko syang na open. Sheet miming! nanglalamig ako nun habang hawak-hawak ko ang cellphone nya.. Eto na! Gallery ang una kong binuksan. Chadang!!!! gulat na gulat ako nun! putek ang gwapo nya mga chong up close!! at fvck! may stolen pictures sya sa akin! Hoooomaaayyyygaaad! totoo ba to? Sampal sa Left, Sampal sa Right! gising ako eh, takbo sa kusina, inom ng tubig... gising pa din ako eh!, Takbo sa CR, at binasa ko ang paa ko...wala gising talaga ako! totoo nga!!! (demon smile) binasa ko mga txt messages, Oh my God confirmed! at mula sa oras na yun di na ako nakatulog, well Good luck sa duty mamaya.

10:00 pm ng Huwebes, isang oras bago ang aking shift, nag aabang na ako sa labas ng office na papasok sya, gusto ko kasi ako mismo ang mag abot ng cellphone nya,. Pero on the other hand antok na antok naman ako na yung tipong para akong lutang sa eree. Pero laban Japan! Birada lang kol! Mag aalas onse na pero wala pa rin sya kaya pumasok nalang ako. Masakit man pero binigay ko sa Sup namin ang cellpone para i-abot kung sino man ang nawalan (kahit alam ko na kung sino). Dalawang oras makalipas ang shift ko bigla akong nahilo at natumba sa station ko. Hindi ko alam ang mga sumunod na nangyari, basta pag gising ko nasa isang silid na ako. Sa company Clinic namin. Pumikit ako ng konti ng biglang may humawak sa noo ko. "kumusta pakiramdam mo? hinimatay ka sa Station mo kanina. sabi ng Nurse baka di ka raw kumain, stressed out daw ang katawan mo. Ayos kalang ba?"

Nakadilat lang ang mga mata ko habang tinitingnan ko sya, gusto ko syang yakapin, gusto ko syang halikan, gusto kong tumalon. Gusto kong maluha, at gusto kong maihi.

Sya: Okay kalang?

Ako: nakatutok lang sa kanya...

Sya: huyy!

Ako: sinadya kong ibigay ang powersmile ko... yung ngiting makalag-lag panty! este brief pala (sana lang di malakas ang kapit ng garter nya...)

Sya: hahahahaha anu yan?

Ako: hindi mo ba ako pipicturan?

Sya: ha? (namula)

Ako: ang sabi ko hindi mo ba ako pipicturan?

Sya: hahahaha tanga! bat mo nasabi yan?

Ako: hahahaha ang gago mo no? pero surprised ako dun ha?

Sya: ha?

Ako: My Bus'peration?

Sya: yowo! ikaw nakapulot sa cellphone ko?

Ako: sa sobrang tanga mo, nalaman ko tuloy ng wala sa oras!!

Sya: hahaha kalain...

hatalang sobra syang namula ng nalaman nya kung ano ang nalaman ko. hindi kasi sya makatingin ng deretso sa akin, natatawa lang sya habang nakayuko ay nakaupo sa gilid ko.

Ako: Tulog sa ko ha? pukawa ko bai ha pag Davao nata. (Tulog muna ako ha? gisinging mo nalang ako pre pag nasa Davao na tayo)

Sya: hahahahaha (huminga ng malalim)

Ako: Davao naba?

Sya: hahaha oo na, (tumahimik sya saglit) sorry, I don't have the guts to say, pero bai... that time na nagkasabay tayong sumakay ng Bus, parang may iba na akong naramdaman sayo nun eh, gustong gusto kong tabihan ka, nasa likod mo lang ako nun actually, tinitingnan kita ng palihim, nagmamasid ng patago. Nagka chance ako nung pagdating natin sa Davao, dinadasal ko na sana hindi kapa magigising hanggang pababa na tayo para ako yung gigising sayo. Pilit kitang kinalimutan mula nuon, akalain mo? 5 months din ang inabot bago kita nakita muli. pilit kitang hinanap sa facebook, inaabangan pero siguro tadhana nadin ang nagpasya na magkita tayo muli. hahaha

Ako: so? iiyak na ako?

Sya: hahaha yan ang gustong gusto ko sayo eh, aside sa sobrang maamo mong mukha, yung humor mo ang pinakagusto ko. alam mo bang matagal na kitang sinet-up kay Andrew? Sabi ko kasi baka Straight ka, walang chance na magkakagusto ka sa akin, dalangin ko na sana Bi ka din... pero alam mo? natutupad lahat ng hiling ko. hahaha akalain mo yun?

Ako: wala na ata akong masabi eh, alam mo no? ang sipag maghanap ng paraan ng tadhana no? parang kahapon lang naiwan ang phone mo, ako ang nakapulot... nalaman kong ikaw pala ang ka txt ko dahil sa My Bus'peration... hindi ako nakatulog buong araw kahapon, hinimatay ako kanina at eto tayo ngayon!

sabay kaming nagtawanan dalawa. marami pa kaming napag-usapan patungkol sa mga lihim2x namin. Syanga pala... Ang pangalan nyay Aries. At dito nasimula ang ang Love Story namin...

Tinext ko si Bert (Sa grupo kasi sya yung mas close ko)

Ako: Guess what?

Bert: ANO?!

Ako: galit?

Bert: Anu tingin mo saken manghuhula?

Ako: hahaha gago ka talaga ALBERTO no?

Bert: hay naku paulit-ulit mo na yang sinasabi, ANU nga?

Ako: wag nalang...

Bert: Tang-ina Bray! gusto mo sipain kita ng pina abrupt jan?

Ako: sige na... ini-spoiled mo na naman ang excitement ko eh!

Bert: Talaga?! yehey! gagala ba tayo sa Sunday? uyy! mas okay ang SEAGULL sa may BuDa? diba pangarap mo din makapunta dun? sige Bray txt ko ang Grupo! yehey salamat bebe!

Ako: Hayop ka hindi yan! at Bert, may date ako sa Sunday!

Bert: DATE? weeeee? kailan pa? kanino? saan mo naman yan nakilala? okay ba yan? babae o lalaki?

Ako: Isa-isa lang pwede?

Bert: edi isa-isahin mo!

Ako: Isang asar pa, friendship over na.

Bert: hahahahahahahaha i lab yu bebe! sige na sagutin mo na.

Ako: OK! una, oo may date ako sa Sunday, sasagutin ko paba yung weeeee? Kung kanino? Aries name nya tol, kasama ko sya sa trabaho. Okay naman sya, pag sasabihin ko kung pano kami nagkakilala, I'm sure 101% kikiligin ka. Girl or Boy? Malas! Lalaki eh!..

Bert: wow! nasa SM Lanang ako ngayon ulol! labas kana jan, puntahan mo ako d2.

Ako: WTF! wala pa akong pahinga! anu ba ginagawa mo jan?

Bert: off ko ngayon, bilis! dito kana mag lunch.

Ako: OMW...

Bert: Bye ka oi!

Nagkita kami ni bert sa SM sa araw na yun, pina abrupt! pag sya na kasi di talaga ako makatanggi. kaya kahit labag man sa akin, pinuntahan ko nalang.

Bert: wow! Halos three months lang tayong di nagkita ganyan na agad hitsura mo?

Ako: baket?

Bert: wala! pumuti ka tol! ilang boteng gluta ba ininom mo?

Ako: pag pumuti naka gluta agad? lotion lang yan. saka bloodline na namin ang may mestisong kutis. di tulad ng iba jan.

Bert: wow ha! ayus din yung topak mo! di halatang nang-aasar.

Ako: haha pistapis!

Bert: Oh? anu na? sino ba tong e de-date mo ngayong linggo?

Ako: kinuha ko cellphone ko tapos pinakita ang picture nya.

Bert: mas gwapo pa ako nyan eh!

Ako: kapal mo! saang angle?

Bert: hahaha maninuod lagi dayon ba! (ayan ka eh! sineseryoso mo agad!)

Ako: bakit totoo naman ah! hahaha

Bert: pero okay ba naman yan? pano mo naman sya nakilala? kailan lang?

Ako: ayan kana naman eh! isa isa lang please?

Bert: excited lang! hahaha syempre excited lang ako nang malaman kong lumalablayp na ang bebe ko.

Ako: Bebe?! takte! ginawa mo pa akong bebe, kailan lang?

Bert: Proceed... kwento mo na!

Ako: okay! ganito yun... at kwenento ko sa kanya ang buong nangyari, kung pano kami nagkakilala, kung saan at kung kailan...

Bert: Talaga? yawaa mura diay kag chicks Bray! (hayup! para ka palang chicks!)

Ako: hayop ka baka marinig tayo!

Bert: hahahaha! So? liligawan mo naba? o ikaw ang liligawan?

Ako: Pwede getting to know each other muna?

Bert: hindi na uso yan ngayon! hoy gago! bagong henerasyon na oh! ligawan mo na! baka makahanap pa yan ng iba!

Ako: "A relationship that starts fast, ends fast!" hindi naman minamadali lahat ng bagay tol, wala naman akong hinahabol na deadline. syempre pag mahal mo ang tao, maghihintay ka din.

Bert: may point ka naman! kaya pala nagkahiwalay kayo ni John Kurt noon?

Ako: ayan, simulan mo na naman ang Throwback mo!

Bert: haha pero you deserve to be happy naman bai... alam mo naman pag ikaw na, number 1 fan ako sayo.... sabihin mo lang pag ginago ka ng Aries na yan. Uupakan ko talaga yan. Saka, wag padalos-dalos ha? minsan kanang nasaktan, ayaw ko nang maulit pa yun!

Ako: nakakaiyak naman. totoo ba yan?

Bert: Oo naman! basta, palagi mong tandaan, andito lang kami... (tinawag ang waiter para sa bill.)

Ako: salamat ahh... Though biniswesit nyo minsan ang araw ko andyan pa rin kayo..

Bert: Oo naman! what friends are for?! P598.00 ang bill Bray, bayaran mo na para makaalis na tayo! kanina pa tayo dito ohh... nakakahiya.

Ako: putang-ina! Ako pala ang magbabayad?!!!

Bert: eyyy ikaw ang may lovelife eh!

Ako: hayop ka! ikaw nang imbita! wala akong dalang pera!

Bert: kailan kapa umalis ng walang pera?

Ako: Kung Alam ko palang di na ako pumunta dito! Tang-ina mo Bert! Kailan kapa ba titino kumag ka!

Bert: kaya nga di ko pina-alam diba?

Ako: Takte tong taong to oh!

Bert: Anu na? Magbabayad ka o magbabayad ka?

Ako: wala nga akong dalang pera!

Bert: Akin na ang wallet…

Ako: Wala nga!

Bert: Meron! Mamamatay ka?

Ako: Ganun?

Bert: Okay actually kilalang kilala ko yang Aries na yan eh, nabanggit ka na rin nya sa akin.

Ako: Hilom! (Tumahimik ka!)

Bert: Ayaw mong maniwala? Gusto mo tawagan ko sya ngayon at sabihing kasama tayo? Magseselos yun!

Ako: Sige tawagan mo.

Bert: Gusto jud ka? (gusto mo talaga?)

Ako: Oo!

Bert: Bayaran mo muna.

Ako: ginagago mo ata ako eh…

Bert: Ikaw nga tong laging nanggagago eh…

Ako: Okay sige! Babayaran ko pero utang mo to ha?! Lintik na taong to!

Bert: Bilis!

Wala eh! Ganyan talaga ugali nitong hayop kong kaibigan na toh! Wala akong nagawa kundi bayaran ang nakain namin. Kung alam ko lang sana eh di na ako pumunta. Ang laki din kaya ng nabayaran ko. Isang linggong allowance na din yun kung tutuusin.

Ako: Anu na?

Bert: Ang alin?

Ako: Tawagan mo na si Aries.

Bert: Number beh!

Ako: Putang ina! Sabi mo kilala mo sya!

Bert: Bakit? Ngayon mo nga lang pinakilala diba? Dude! Di kana nasanay! Hahahahaha!

Ako: uugggghhhh! Hayop ka talaga Bert!!!!

Bert: hahahahaha salamat! Pero cool sya dude! Hayaan mo mula ngayon #1 fan nyo na naman ako! Hahahaha! Salamat ha?

Ako: Hayop ka talaga no?!

Bert: We’re born Animals… In Human Form! Hahaha!

Ako: BEEEERRRRRT! Puputok na talaga ugat ko sayo!

Bert: Chill dude?! Gusto mo Ice Cream?

Ako: Wag na! Ako na naman magbabayad nyan!

Bert: Sino maysabi?

Ako: Ako nga diba?

Bert: May bente ako dito dagdagan mo nalang! Hahahaha

Ako: saksak mo yan sa baga mo!

Bert: Hihithitin ko?

Ako: OO!

Bert: ngayon na?

Ako: talo mo pa ang isang bakla no?!

Bert: DILI BAI UYY LALAKI KO BAI! Hahahaha (hindi pre! Lalaki ako pre!)

Ako: talaga lang ha?

Bert: Nga pala Bray, salamat ha? Hayaan mo babawi din ako sayo.

Ako: ilang beses ko na narinig yan mula sayo… sus!

Bert: bahala ka na nga! Bye ka uyy!

Ako: Bye ka din! Uwi kana ba?

Bert: Gusto mo dito ako tumira?

Ako: Gusto mo gawin kong lampaso mukha mo?

Bert: Maninuod lagi dayon ba? (sineseryo mo agad)

Ako: Sige, uwi na ako… magpapahinga pa ako.

Bert: Bye! Good luck sa Sunday tol ha? Safe Sex!

Ako: pakyuu!

Bert: hahahahahahahaha! Basagan na ng pwet yan!

Ako: Pakyuuu nimo BerT!

Lumipas ng mabilis ang mga araw. Hindi naman mawawala sa isang relasyon ang tampuhan, konting away pero as far as possible hinahanapan namin ng paraan na maayos kung ano man ang problemang kinakaharap namin. Hindi naman ganun kahirap para sa amin ang ganitong relasyon, buo naman ang tiwala ko sa kanya. Selosong tao ako pagdating sa pag-ibig, normal na siguro yun pag sobrang mahal mo ang isang tao. Mag sa-sampung bwan na din pala kami ni Aries, at sa mga buwang yun wala akong pinagsisihang araw. Ang bilis ng araw, ang dali ng oras. Alam ni Aries ang nakaraan ko, alam ko din ang past nya, wala kaming sekretong tinatago sa isat isa- Yun ang akala ko.

Ako: Hello?

Mama: Hola! Como era mi hijo mayor? (kumusta ang kuya ko?)

Ako: nahh mama, estoy haciendo muy bien! Que de mi cena hermosa mama? (nahh mama, okay lang ako. Eh? Kumusta naman ang napakaganda ko mama?)

Mama: como siempre! (as usual!) hahaha...Bueno...tu tio llegara la promixa semana hijo. Recuerda que su tio Roberto? (darating nga pala ang tito mo next week, natatandaan mo paba ang tito Roberto mo? )

Ako: uhhmm yes natatandaan ko pa sya, pero, ha sido un largo tiempo de mama (pero matagal na yun) ewan ko lang kung natatandaan pa nya ako. Hehe

Mama: Mabuti! Por lo que podria tener un tiempo para conocer a su hijo! Apuesto a el es el mismo que su edad! (Buti naman para makilala mo din yung anak nya. Parang magka edad lang ata kayo nun.)

Ako: de verdad? No se tito tiene un hijo! (talaga? Di ko alam na may anak pala si tito) well matagal na din naman kasing di ako nakabisita sa bahay nila mula nung mag abroad si tito.

Mama: hahaha creo que hes tambien en Davao, no soy realmente tan seguro hehehe, pero no se olvide la proxima semana kuya! (balita ko nasa davao din ang anak nya ngayon. Pero di ako sure. Wag mong kalimutan next week ha?)

Ako: Opo ma, tambien me extranyaba a mi madre no estan bonito! Hahahaha (na miss ko din ang mama kong di masyadong kagandahan!)

Mama: hahaha ikaw talaga ya… sige see you next week...Adios kuya!

Ako: bye ma… i miss you!

Mama: ohh wee miss you too!

Wow! Surprise? May anak si tito? Hahaha akala ko ba baug yun! Pero erase...ughhh nakalimutan kong ipaalam ni mama ang size ng paa ko!

To be Continued...

No comments:

Post a Comment

Read More Like This