Pages

Sunday, August 14, 2016

Sigaw ng Pugad Lawin (Part 10)

By: Bobbylove

Sobrang sakit ng nadarama ko nun. Nasasaktan na ako sa mga pambwibwisit na ginagawa niya sa mga nagdaang araw, sa mga pangmamaliit niya, sa mga paratang niya, sa mga matatalim na tingin at honestly unti-unti nasasanay na ako dun eh… pero yung mga narinig ko noong party? Ibang level yun! Ibang level din ang sakit. Dati kasi kaya ko pa pigilin yung mga luha ko, pero nun? Hindi eh, para lang yung nakabukas na gripo. 

    “Okay lang ka?” tanong ni Jude sabay akap sa akin.

    “Oo…” tipid ko’ng sagot sabay alis sa pagkakayakap niya.

“Unsa man na?” (Ano ba yan?) binalot lang niya ulit yung katawan ko sa mga bisig niya.

“Nakakahiya kay kuya driver…” sinubukan ko ulit alisin yung pagkakayakap niya, pero mas hinigpitan lang niya ito.

“Wa ko’y labot! Kung na ibog siya mugakos pud siya nimo eh! (Wala ako’ng pake! Kung inggit siya edi yakapin ka rin niya!!!) inihilig niya yung ulo niya sa leeg ko.

“Jude… ano ba?” tinutulak ko siya palayo.

“Sagdi ra gud Bob! Sure ko dili man gihapon nimo i-ingon sa akua ang nahitabo, maong wala nako nangutana… feel nako na nasakitan ka, ug gakos ra jud ako’ng kaya buhaton to ease your pain…”
(Hayaan mo na Bob! Sure ako ‘di mo sasabihin yung nangyari, kaya nga hindi ko na tinanong… feel ko na nasasaktan ka, at yakap lang yung kaya ko’ng gawin to ease your pain…)
Dahil sa sinabi niya ay mas lalo pa ako’ng naiyak. Nasasaktan ako pero I feel so lucky na naroroon siya para pagaanin kahit papano yung nararamdaman ko. Kinabig niya yung ulo ko palapit sa dibdib niya, saka inayos yung pagkakayakap niya. Ramdam ko yung init ng katawan niya na tumatagos sa balat ko, I feel so secure pero hindi ko alam kung bakit ‘di nun kayang patigilin ang pagdurugo ng puso ko. “Iiyak mo lang lahat ng yan… andito lang ako…” naramdaman ko nalang ulit yung pagdampi ng labi niya sa noo ko.


***************************

Pagdating namin sa hotel ay todo pa rin si Jude sa pag-aasikaso sa akin; at na gi-guilty ako, hindi ko siya ginawang priority, kahit na may plano kaming gumala; inuna ko pa rin yung invitation ng family ni kumag, tapos nung nasaktan na naman ako siya pa rin yung una ko’ng tinawagan, at siya lang yung tanging tao na matiyaga’ng nakinig sa mga hikbi ko kahit hindi naman niya alam kung ano talaga yung nangyari. Si Jude lang ang nag-iisang tao’ng nakilala ko na nag pakita sa akin ng gano’ng concern (Except for my family and my best friend of course), at alam ko’ng wala siyang hinihingi o hinihintay na kapalit, talagang may pure heart lang sa loob ng mga muscles niya. hehe

Hinatid niya ako sa labas ng aming kwarto. “Sa room ka na kaya namin matulog?”

“Hindi na… Okay na ako Jude… salamat ha…” nginitian ko siya kahit puno pa rin ng luha ang mga mata.

“Sure ka?” may worries pa rin sa mga mata niya.

Tumango ako “Uhm uhm… Sige na pahinga ka na, baka pagod ka na eh…”

“Hindi naman ako mapapagod sa iyo eh…” nagkamot siya ng batok, napansin ko’ng nag blush siya at mukhang nahihiya. (I don’t know if imagination ko lang yun) “Kaya if you still need anything mag sabi ka lang…”

Kinurot ko siya sa pisnge na parang nanggigil. Lagi niyang napapagaan yung loob ko. “Wala… andami mo na nga’ng ginawa for me eh… sobra-sobra na yun… hindi mo naman talaga kailangan gawin yung mga iyon eh, hindi ko nga maintidihan ko’ng bakit ginagawa mo pa rin…”

“Anong hindi? Alam mo, hindi ko gagawin ang isang bagay na hindi kailangan… special ka, kaya gagawin ko lahat to make you feel better…” may kung ano’ng malamig na palad na humimas sa puso ko noon. Sa isip ko “Bakit kaya hindi maisip ni kumag yun? Hindi naman niya kailangang ipa-feel sa akin na special ako, I just need some respect… yun lang naman yun eh…”

“Special? e magnanakaw nga raw ako eh… kidnapper… malandi….” At tuluyan na namang bumuhos ulit yung mga luha ko.

“Huh? Sinong may sabi? Alam mo’ng hindi totoo yan diba?”

“Hindi ko alam eh… bakla kasi ako eh… kaya ganun kabilis nila ako hamakin… at ang mas mahirap pa bakla ako kaya hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko…” humagulgol ako.

Niyakap niya ako ulit, mas mahigpit yung parang gusto niyang sakalin yung masamang nararamdaman ko. “hindi mo naman kailangan ipagtanggol ang sarili mo eh… nandito ako… ako ang gagawa nun…”

“Salamat…” yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko… hindi ko kasi alam kung ano pa yung word na masbabagay para ipahayag yung nararamdaman ko sa sinabi niya.

“Si Richard ba?” bulong niya.

“Huh?”

“Si Richard ba yung dahilan ng lagi mo’ng pag-iyak?” kumawala ako sa yakap niya upang magawa ko’ng tingnan siya. Natahimik lang ako, ayaw ko kasing magsinungaling sa kanya pero ayaw ko din naman sabihin yung totoo.

“Tama ako nuh? Siya nga?”

Niyakap ko lang siya ulit.

“Loko yun ah… sino ba ang nagbigay sa kanya ng authority na paiyakin ka? Alam ba niya’ng ang hirap mo’ng patahanin?” nag giggle siya, he’s trying his best to make me feel okay.

“Nahihirapan ka na ba? Sorry ha…” pinilit ko maging clear yun kahit na nakadikit yung mukha ko sa dibdib niya.

“Hindi ah… nahihirapan lang ako na nakikita kang umiiyak… ayaw ko nun… pati ako nasasaktan eh…” hinalikan niya ulit ako sa noo.

“Binubola mo naman ako eh…” kinurot ko siya sa likod.

“Araaaay….”

“Masakit ba?” tiningala ko siya.

“Medyo… pero okay lang… kung gusto mo suntukin mo ako, sipain, kahit ano… kung mababawasan ba nun yung sakit na nadarama mo, ayos lang sa akin…” mariin niyang sagot.

Muli na namang tumulo yung mga luha ko, honestly na iisip ko si kumag sa tuwing nagiging sweet si Jude. Lagi’ng tinatanong ng utak ko kung bakit hindi niya kaya yung mga yun… kung bakit palagi niya nalang ako’ng sinasaktan.

Inalis niya yung pagkakayakap sa akin at nilipat yung dalawa niyang mga palad sa magkabila ko’ng pisnge. “umiiyak ka na naman… sabi’ng ayaw ko niyan eh…”

“nambobola ka eh…” pagsingit ko.

“Hindi nga yun bola… seryoso… mahalaga ka sa akin…” I feel his sincerity, lumalabas yun mula sa bilugan niyang mga mata.

Tahimik…

“Antok ka na?” tanong niya.

“Hindi ko nga alam kung makakatulog ako eh…” pinilit ko’ng bigyan siya ng ngiti.

“Ganon ba?” tumigil siya saglit mukhang nag-iisip. “Bihis ka… hintayin mo ako dito ha… may pupuntahan tayo…”

“Saan?”

“Basta… secret…”

“Gabi na eh…” pag-angal ko.

“Ang dami pa’ng sinasabi eh… may utang ka’ng date at sinisingil na kita ngayon…”

“It’s not the right time Jude…” may hesitation pa rin ako.

“Ganon? But we can make this the right time, diba?” ngumiti siya… “Sige na bihis na… kahit yung pambahay lang… hintayin mo ako dito ha…”

At kumaripas na siya papunta sa kwarto nila, ako nama’y pumasok na sa aming kwarto at nagbihis tulad nung utos niya.


***********************


Mahigit 30 minutes din bago ako sunduin ni Jude sa room namin. May dala siyang back pack na hindi ko alam kung ano ang laman.

“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko sakanya.

“Mag de-date nga...” kinurot niya ako sa pisnge. “Gahia nimo’g ulo uy!!!” (Ang tigas ng ulo mo!!!)

Sumimangot lang ako. “Paano kung ayaw ko?”

“Tsk!!!” nag pout siya. “I wanted to make this night special… ayaw ko’ng heartaches ang maalala mo sa gabing ito…” ngumiti siya.

Siyempre pa na touch na naman ako ng sobra. Super swerte nung girlfriend ni Jude, napaka sweet at romantic ng boyfriend niya, pero hindi pa rin ako sure kung ano ang ma fe-feel niya if one day malaman niyang nakikipag date yung boyfriend niya sa bakla.


******************


We went on the pool area nung hotel. It was actually the first time na makita ko yun, kasi the truth is hindi ko alam na may pool pala yung hotel. It wasn’t my first time na makapunta sa hotel na yun, sabi ko nga I had joined that contest for 3 times na and every year ay doon lage yung venue, however it was my first time to be a team leader, kaya unang beses ko yun to stay in the hotel. Yung team leader lang kasi yung kasali sa orientation, yung buo’ng team eh sa contest proper na pupunta at hindi na free yung accommodation nun. Medyo mahal dun sa hotel na yun kaya yung team namin usually stays sa isang mas murang hotel nearby.

Wala’ng tao dun sa pool at medyo madilim na, ilang mga lamp post lang na naka sindi at ang buwan ang nagbibigay ng liwanag dito. Naka T-shirt lang ako at shorts kaya ramdam ko yung lamig na nanunuot sa manipis ko’ng katawan.

“May pool pala dito?” sabay akap ko sa katawan ko’ng nilalamig. Ngumiti lang siya.

“Ngayon mo lang to nakita?” nakangiti’ng niyang tanong, na agad ko namang sinagot ng marahang mga tango. Hindi yun yung unang beses ko’ng makakita ng pool pero hindi ko alam kung bakit parang manghang-mangha ako.

“OA ha… don’t tell me first time mo rin makakita ng pool?” natatawa niyang tanong.

“Loko ka… siyempre hindi!” hinampas ko siya sabay sabing “Wag ka magulo! Kitang fini-feel ko pa eh…” nakahawak lang ang dalawa ko’ng kamay sa railings noon at ninanamnam ang bawat sandali… alam niyo yung feeling na, sa sobra-sobrang sarap talaga ay gusto mo’ng singhutin yung lahat ng hangin. It wasn’t because of Jude or the surprise or the date… it’s because I had felt relief, for the past days ay noon lang ulit ako naka feel ng sobrang kaginhawaan… kalayaan mula sa sakit… kasayahan…

“Nagustuhan mo?”

“May sinabi ba ako’ng nagustuhan ko?!” pinilit ko’ng itago yung saya na nararamdaman ko.

“Asus… kunwari ka pa!!! eh… mukha ka nga’ng bata’ng ngayon lang nakakita ng pool eh…” iniharap niya ako sa kanya. “Ganito yung itsura mo oh…” sabi niya sabay acting na mukhang taong tanga. Pinagmasdan niya yung pool kagaya nung ginawa ko, kumukutikutitap yung mga bilog niyang mata habang naka nga-nga.

“Loko ka!!! Hindi ganyan yung itsura ko nuh…” hinapas ko yung braso niya.

“Ganon kaya!!!” bulalas niya habang sinasalag yung mga hampas ko.

Tawanan…

“Ang pangit ko pala….” Natatawa ko’ng sabi, sabay balik ng mga tingin ko sa pool.

“Hindi ah… sobrang cute ka nga eh… nakangiti ka na kasi….” Nilingon ko siya at bumungad sa akin yung nakangiti niyang mukha. “Napangiti kita… napatawa kita…” pagtutuloy niya, saka inunat yung mga labi ko gamit ang magkabila niyang kamay.

“Ano ba? Wag ka nga magulo…” iniwas ko yung mukha ko sa kamay niya.

“So? Nagustuhan mo nga?”

Tumango ako, saka siya tiningnan. “Thank you!!!’

“Your welcome…” sabay akap sa akin.

“Oh. Oh. Nanggugulo ka na naman ha…” inalis ko yung yakap niya.

“Bakit ba kasi???!!!” naiirita siya. Parang bata pa niyang pinadyak padyak ang kanyang mga paa.

“Ssshhhhh… this is so magical… hayaan mo muna ako’ng i-feel ‘to… baka ‘di na maulit ito eh…” wika ko, habang lasing pa yung kaisipan ko sa parang isang magandang panaginip na iyon.

Nabagabag na naman ako ng malakas niyang pagtawa. “Masaya ako na nagustuhan mo…” ngumiti siya. “Don’t worry, kung gusto mo eh, pwede naman natin to gawin araw-araw eh…” “Pero tama na muna… hindi pa nag-uumpisa yung date eh… pasok tayo?” sabay akay sa akin pa pasok sa may pool area.

Nasa pasukan na kami, ng bigla kaming pituhan ng guard. “PRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIITTTTTTTTTTT!!!” halos sabay naming nilingon yung guard na noon ay kumakaripas na tinutungo ang kinatatayuan namin.

“Mga Sir, pasensya na pero close na po yung pool ngayon…” bungad nung guard.

“Were not going to use the pool… diyan lang po kami sa tabi…” mariing sagot ni Jude, may sense of authority yung boses niya.

“Sorry sir, pero hindi na po kami nagpapapasok eh…” malumanay na explanation nung guard.

“Kuya please naman… may date kami ng syota ko eh…”

Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya. Kokontra pa sana ako ng bigla niya ako’ng akbayan at kurot-kurutin ang aking bewang (Hindi masakit) alam ko he’s trying to tell me something at agad ko rin naman yung na gets – ayaw niya ako’ng kumontra. Kagaya ng gusto niya nanahimik ako at hinayaan nalang siyang makipag-usap kay kuya guard. Na a-awkward man at nahihiya pero may part din sa puso ko na masaya, one of a million kasi si Jude. Hindi lahat ng lalake ay kayang ipagsigawan o kahit sabihin man lang sa ibang tao na may karelasyon silang bakla; gawa-gawa man lang niya iyon at hindi totoo pero nakaka happy pa rin eh! After a horrible commotion sa bahay nila kumag eh nandodoon si Jude trying to tell the world how proud he is of me. Truly, there’s always a rainbow after the storm.

Mahaba-haba rin yung nangyari’ng pakiusapan; ang cute cute tingnan ni Jude habang nagmamakaawa na payagan kaming makapasok. He’s very persistent na matuloy kung ano man yung pinaplano niya, he even tried to bribe kuya guard, hindi nga lang naging successful dahil hindi kumagat yung kinukumbinse niya. From what he did, and how he tried to convince kuya Guard to let us use the area, eh nalaman ko how much he wanted me to feel better.

“Sorry sir, yun po kasi yung instruction sa amin eh! Baka mawalan po ako ng trabaho kung hahayaan ko po kayo.”

“Kuya please naman oh… ngayo’ng gabi lang naman eh…” pagmamakaawa pa rin ni Jude.

“Jude tama na… okay lang…” pagpigil ko sa kanya. “Kuya… okay na po… hindi na po kami papasok…” pag-aasure ko rin sa guardiya, na agad din naman kaming iniwan.

“Hindi… Bob, magagawan ko ito ng paraan. Kausapin ko lang si kuya.” Malamig yung paligid noon pero pawis na pawis siya, at mukhang disappointed.

Pinunasan ko yung pawis sa noo at pisnge niya gamit yung mga kamay ko (Wala ako’ng dalang panyo) “Okay na Jude… wag na natin i-pilit…” nginitian ko siya.

“Pero……… ano eh……. Tsk!  Paano ka?” nag-aalala yung mga mata niya at mukhang naiiyak.

“Ayos lang ako…”

“Pano yung date natin?” malungkot niyang tanong.

“Edi dito nalang tayo… kita naman natin yung pool mula dito eh…” ayaw ko’ng tuluyan siyang ma-disappoint. He had done so much for me… and that was the only thing na pwede ko’ng gawin to make him feel okay.

“Seryoso ka?”

“Oo naman… sabi mo naman uulitin natin ito diba? So agahan nalang natin sa sunod… mean time, dito muna tayo…”

Ngumiti siya. “Okay… boss kita eh, kaya I’ll do whatever you want…”

“Asus!!! And dami mo’ng pa utot!!!”

Tawanan.

Nagsimula siyang maghanda. Naglabas siya mula sa dala niyang bag ng isang malapad na scarf, yung tulad nung kay coach bamboo the one na pinamimigay niya sa mga bata sa the voice. May dala rin siyang maraming junk foods at soda at beer in can. Nilagay niya yung lahat sa ibabaw ng nakalatag na scarf. The scarf was not that wide enough para ma cater rin kami’ng dalawa, kaya we decided na sa ground nalang maupo. Sementado naman yun, kaya ayos lang.

“Sorry ha… nasira ko yung moment…” seryoso yung mukha niya. Tanging ngiti lang yung naging ganti ko. Ang kulit kasi eh, sinabi ko na namang ayos lang.

“Bad trip kasi si kuya guard eh… nawala tuloy yung magic…”

“Sinong may sabi? Don’t feel bad… this is still magical…” ilang sandali pa ay biglang lumiwanag yung mga nakasabit na sea shells na ginawang mga lamps. Malamang si kuya guard yung nag on nun. Para’ng pinaglaruan naman yung mga mata ko ng mga magagandang ilaw, that was very very romantic… it wasn’t like how other people visualize their ideal date, it didn’t happened in an expensive place, wala ring masarap na pagkain, walang magandang music, balloons, candles and stuffs like that; pero nagdulot yun sa akin ng kakaibang saya. It was just me, sitting there, having a picnic like date with a very sweet guy. I know wala kaming relasyon, at committed siya sa iba, pero it still made me feel so special.

“See…? Magic!!!” naka bungisngis ko’ng na ibulalas dala marahil ng sobrang saya at pagkamangha.


******************************


Ilang sandali pa’y nag simula kaming mag-usap habang kumakain. Soda lang yung ininom ko since hindi naman ako umiinom ng alcoholic drinks (That was before, I had worked sa isang malaking company ng beer sa davao after graduation at from their ay na try ko ng uminom-inom… hehe).

“Masaya ka?” simula niya.

“Uhm uhm…”

“YES!!!!” sigaw niya sabay higa sa ground. “See kuya guard?! He’s Happy!!! I made him happy!!! Whoooooooo…” sigaw niya na sumusuntok-suntok pa sa ere. Natawa lang ako, and cute cute niya at tama siya… masaya ako… napasaya niya ako… at mas masaya ako dahil nakita ko’ng masaya rin siya.

“Hindi ako nag fail kuya guard!!! Thank you Lord!!!”

“Hoy!!! Tumigil ka nga diyan… OA ka rin eh…” bumangon siya mula sa pagkakahiga saka humarap sa akin. “You never fail… and you will never be…”

Kinuha niya yung mga kamay ko saka nilapat yung mga palad ko sa magkabila niya’ng pisnge. Wala siyang sinasabi, nakatitig lang siya sa akin. Wala na ako’ng mabasa sa mukha niya, tanging yung magandang ngiti lamang niya ang tanging nauunawaan ko.

“Ano ba’ng trip mo?” natatawa ko’ng tanong, sa pisnge niya pa rin yung mga palad ko.

“Ikaw…” ngumiti siya. Nanlaki naman yung mga mata ko sa narinig, bigla ring bumulusok sa bilis ang pintig ng puso ko. “Ano bang trip mo?” pagpapatuloy niya.

Agad ko’ng binawi yung mga kamay ko. “Nako tigilan mo ako Jude ha… pag ako na ‘in love’ sayo… tsk tsk…” umiiling-iling ko’ng bitiwan yung biro’ng yun.

“Edi swerte ko…”

“At ang malas namin ng Girlfriend mo?”

“Bakit malas? Mamahalin ko kayo…” seryoso siya kahit na nakangiti pa rin.

“Ay… tsk… alam mo’ng ayaw ko niyan ha…” nakita ko’ng nagkamot siya nulo nung marinig yun. “Ano yun? Bakla yung kabit mo? saka… wala ka’ng mapapala sa akin, wala ako’ng pera…” inismiran ko siya.

“Ay ang sakit naman… wala naman ako’ng pakialam sa pera… grabe ka…” nag pout siya.

“Joke lang…” pagbawi ko sa sinabi. “Pero ayaw ko maging kabit!”

“Kung sabihin ko’ng wala akong girlfriend…”

“Ay…. Alam ko na yan!!! Sinasabi ko sayo loko ka… ayaw ko niyan!” pagputol ko sa sasabihin niya. ayaw ko kasi sa mga ganung moments eh… ayaw ko yung parang na ko-corner ako…

Hinawakan niya yung kamay ko sabay sabing “Biro lang” at pa cute.

He was holding my right hand nung mapansin niya yung peklat sa index finger ko, kinahihiya ko yun kasi muka siyang kulugo. Tinanong niya ako kung ano yun at kung paano ko yun nakuha.

“Peklat yan… napaso ng glue stick…” paliwanag ko.

“Bakit?”

“Well, accident… I was doing a costume for a cosplay event ng accidental na masagi ko yung glue gun.”

“Youre doing costumes? You do cosplay?”

“uhm!!! I love anime…” tipid ko’ng sagot.

“Idealistic ka nga ano?”

I just gave him a quizzical look.

“Ganun yung mga idealistic na tao eh… they always love perfect things… like romance and happy ending… kadalasan kasi sa mga anime at fairytale nalang yun makikita eh…”

(I do cosplay, pero hindi ako yung super devoted cosplayer… pero gumagawa talaga ako ng costumes na pinapa-rent ko. sabi ko nga I have passion for arts, at since marunong naman ako’ng manahi, excellent yung aking craftsmanship at mahilig ako sa anime eh… pinagkakitaan ko na…)

“Hindi naman… wala naman yung kinalaman sa perception ko sa buhay. I got broken hearted once, pero I still enjoy romantic films, I still like fantasies… saka yung anime naman eh, hindi lang about sa romance and perfection, sometimes its about reaching your dreams and conquering every battle hardened adversary…”

“Naks English ka na rin ah!!!” natawa kami pareho, hindi ako sanay mag English pero keri ko naman hindi naman ako ganon ka bobo, ayaw ko lang yung mag i-english sa harap ng taong mas magaling kesa sa akin, nakakatakot yun! Haha  Im also not saying na hindi marunong mag English si Jude o mas magaling ako sa kanya, actually sa orientation namin napansin ko na masyado siyang fluent mag English, mas okay nga siya pakinggan dun, kaysa sa tagalog eh.

“You got broken hearted?” tanong niya.

“Yah… by my ex- GIRLfriend” inemphasize ko yung salitang ‘GIRL’

“Girlfriend???!!!” nagulat siya.

“Uhm Uhm… 4 years yun… and that was my first and last…”

“So never ka pa’ng nagkaka Boyfriend?”

“Never pa…” ngumiti ako dahil mukhang gulat pa rin siya. “ikaw ba? Naka ilang syota ka na?” pagbalik ko sa kanya ng tanong.

“Pang apat si Kat…”

“Nagka syota ka na ba ng bakla?”

Umiling siya “Baka ikaw yung una!” pagbibiro niya.

“Gago!!!” bulalas ko.

“Na in love ka na ba sa lalake?” tanong na naman niya.

“Anong in love?” medyo asiwa ko’ng sagot. “Walang ganyan Jude…” pagiwas ko sa tanong niya.

“So? Hindi mo gusto si Richard?” naging seryoso yung mukha niya.

“Pano’ng napasok siya sa usapang ito?”

“I know… siya yung rason ng lagi mo’ng pag-iyak…”

“Oo siya nga!” umamin din ako. “Dapat ba’ng mag result yung mga pagiyak ko sa pagka-gusto sa kanya?”

“Pwede… hindi ka naman iiyak kung wala lang siya sa iyo eh… masasaktan ka lang kung mahalaga sayo yung tao! Kahit ano pa yung gawin at sabihin sayo ng isang taong walang halaga sayo, hindi ka naman masasaktan!  maiinis ka… magagalit… pero hindi ka masasaktan…”

“Ano ba yan… iba na nga lang ang pag-usapan natin…!” naiilang ko’ng sabi. Hindi ko kasi alam kung tama yung sinabi niya. Kahit ako kasi hindi ko pa rin ma point out kung ano talaga yung nararamdaman ko; it was the first na maka feel ako ng ganooon ka strange towards other guy; I got attracted many times before – pero wala namang any romantic feelings. Hindi ko alam if dahil ba sa pinipigilan ko yun, kasi pinipilit ko’ng lalake ako o baka wala lang talaga ako’ng maramdaman sa kanila. yung kay Richard naman eh… hindi ko talaga alam eh… ang dami kasing nangyari, at halo-halo na yung emotion… (Ang gulo ano? Hehe… ganyan ka gulo yung isip ko nung makilala si kumag… halos lahat kasi hindi ko alam, para ako nung ginawang bobo!)

“Tumatakas ka na naman eh!!!” kumunot yung noo niya. “Simple lang naman yung tanong ko ah… Do you like him?”

“Ano ba yan Jude….”

“Ano nga?” medyo tumaas na yung boses niya.

Ramdam ko ang pagngatog ng mga tuhod ko, parang sumama rin ang sikmura ko, para ako’ng maduduwal dahil sa sobrang kaba.

“Bob… Ano nga?”

“Hindi!!!” nakayuko ko’ng sagot.

“Tingnan mo ako!!!” sigaw niya pero na natili lang ako’ng nakayuko. “Tingnan mo ako Bob!!!” di-neadma ko lang ulit yun hanggang sa siya na mismo yung nag-angat ng mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay. “Sabing tingin eh!!!”

“Hindi nga!!!” sabi ko sabay alis ng mukha ko sa mga kamay niya. “Pano ko nga siya magugustuhan eh lagi nga niya ako’ng sinasaktan!!!”

“Yun nga yun eh! Hindi ka naman masasaktan kung wala lang siya sayo!”

“Paulit-ulit naman tayo Jude eh…” sabi ko na noon ay naiiyak na naman. “Wag na nga lang natin siya’ng pag-usapan…”

“Tsk! Gusto mo nga siya…” mumble niya.

Tahimik…

“Okay lang naman sa akin na, magkagustuhan kayo… wag ka niya lang sasaktan at papaiyakin…” simula niya.

“Bakit ba pino-problema mo yan?”pinilit ko’ng tumawa. “Don’t worry kasi hindi mangyayari yun! Hindi niya ako gusto at sure ako dun!”

“Kaya mas nasasaktan ka kasi… Feeling mo hindi ka niya gusto?” nag smirk siya.

“Hindi rin…”

Nag smirk siya ulit. “Ang bata mo pa nga… tandaan mo, hindi lahat ng tao showy… malay mo tulad mo lang rin siya, nalilito sa feelings niya…”

Nag kibit balikat lang ako. “Hindi ko alam…” “teka? Bakit ba sobrang concern ka sa feelings ko?”

“Kasi nga… syota kita…” ngumisi siya.

“Ay feelingero oh!!! Susumbong kita sa Girlfriend mo… lagot ka!!!” pagbibiro ko, sabay muestra nung mga kamay na nag wa-warn.

“Sumbong mo! pag hiniwalayan niya ako… liligawan kita! At hindi ako titigil hangga’t hindi mo ako sinasagot!” tumawa siya.

“Loko ka!” inismiran ko siya. na huli na naman niya kasi ako doon eh, ayaw ko talaga kasi yung feeling na para ka’ng nasa hot seat.

“Pano nga kung single ako… magugustuhan mo kaya ako?” masayadong naughty yung mga ngiti niya.

“Hindi ko alam… at wag mo ako’ng tinatanong ng ganyan….” Naiirita ko’ng sagot.

“Okay… Sorry na…” lumapit siya sa akin at inutusan niya ako’ng umupo ng maayos, dahil ibig niya mahiga sa lap ko.

“Gusto ko yung kagaya sa mga teleserye para mas romantic…” sabi niya habang humihiga sa lap ko. Natatawa naman ako habang nahihiga siya, ang awkward nun for me pero nakakatuwa siyang tignan, mukha siyang batang timang. At oo, aaminin ko na nakaramdam din naman ako ng kilig kahit papano.

“Sweet natin nuh?” hirit niya ulit.

Pinisil ko lang yung ilong niya, wala kasing maisip na sabihin eh, kasi tama siya sweet nga yun.

“Kantahan mo naman ako… please…”

Sa dami ng ginawa niya for me nung araw na yun alam ko kulang yung isang kanta para pasalamatan siya. Kung hihilingin nga niyang kantahan ko siya magdamag ay gagawin ko eh, kahit na mapaos pa ako… just to make him feel how much I appreciate his effort at yung pagmamalasakit niya. At that point, alam ko yun lang yung kaya ko’ng i-offer kay Jude. Pumasok uli’t sa isip ko yung sinabi niyang kung wala siyang girlfriend ma i-in love nga kaya ako sa kanya? Alam ko hindi siya mahirap mahalin, nasa kanya nga lahat ng hihilingin ng isang bakla sa magiging ka partner eh… pero wala talaga ako’ng romantic feelings sa kanya eh… hindi naman sa nagpapakipot ako talagang yun lang yung totoo… special siya sa akin, but not in a romantic way…

Bago ako magsimulang kumanta ay pinagmasdan ko muna yung mukha ni Jude. Nakapikit siya, mukhang naiidlip na… ang amo amo ng kanyang mukha, brusko pero mukhang ang bait bait. Napagmasadan ko yung kabuuhan nun, mula sa kanyang makapal na kilay at malagong pilik mata. Hangang sa kanyang mga pangga at manipis na labi. Nagawa ko nga ri’ng bilangin lahat ng nunal niya sa mukha eh… ang gwapo niya… marahan ko’ng hinaplos ang kanyang medyo kulot na buhok, paulit-ulit ko lang na ginawa yun.

Habang pinagmamasdan ko siya ay biglang gumuhit sa aking isip ang larawan ng mukha ni kumag. I don’t how and why… talagang na imagine ko lang siya… na aalala ko yung payapa niyang mukha nung isang beses na tabi kaming natulog. Muli na naman akong nalulunod, pero noon, hindi na sa mga titig at charm niya, nalulunod ako sa sarili ko’ng imagination. Paikot-ikot lang siya sa isip ko, nakakahilo.

“Hoy! Kanta ka na… please…” biglang sabi ni Jude na siyang nagpabalik sa akin sa ulirat ko.

Pinikit ko yung mga mata ko, saka nag umpisang kumanta. “So close…” Hindi ko rin lubos na mabatid kung bakit iyon ang kinanta ko, basta nag pop nalang yun sa utak ko.


You’re in my arms
And all the world is calm
The music playing on
For only two

So close together
And when I’m with you
So close to feeling alive

A life goes by
Romantic dreams will stop
So I bid mine goodbye
And never knew

So close was waiting
Waiting here with you
And now forever I know

All that I wanted
To hold you
So close

So close to reaching
That famous happy end
Almost believing
This was not pretend
Now you’re beside me
And look how far we’ve come
So far
We are
So close

Oh, how could I face
The faceless days
If I should lose you now

We’re so close to reaching
That famous happy end
Almost believing
This was not pretend
Now you’re beside me
And look how far we’ve come
So far
We are
So close

Let’s go on dreaming
For we know we are
So close
So close
And still so far

Hindi ko namalayang tumutulo na yung mga luha ko habang ako ay kumakanta. Para kasing nag flashback sa utak ko yung lahat ng nangyari sa amin ni Chard. Mula nung una kaming nagkita, hanggang nung nangyari sa party. At noon ay unti-unti ko’ng naunawaan yung nararamdaman ko… mukhang alam ko na pero ayaw ko’ng tanggapin kasi wala naman ako’ng mapapala.

“You’re crying again? Naiisip mo siya?” seryosong sabi ni Jude na noon ay naka upo na sa harap ko.

“Sira ulo ka… hindi ah… bakit ko naman siya maiisip…?” pagsisinungaling ko.

“Kasi… you like him….”

Para ako’ng sira ulong tumawa habang tumutulo yung luha. It was not tears of joy, maybe part yun defense mechanism ko para itago yung tunay ko’ng nararamdaman.

“Bakit ka umiiyak?”

“Kasi malungkot yung kanta...?”

Nagtama yung mga mata namin. Nakita ko ulit yung pag-aalala niya… marahan akong nawala sa sarili, hindi dahil sa mga titig niya, pero dahil alam ko’ng tama siya… tama siya… gusto ko nga si Richard… naramdaman ko yung paglapat ng mga palad niya sa magkabila ko’ng pisnge, ang init nung mga palad na yun, nagawa nung gisingin ang nanlalamig ko’ng katawan, pero hindi nun kinayang pakalmahin ang naguguluhan ko’ng isip at damdamin. Maya-maya pa’y naramdaman ko yung paglapat ng labi niya sa mga labi ko. It was not a torrid kiss, smack lang yun pero sobrang tagal. Hindi ko na nagawang umangal, pinikit ko nalang yung mga mata ko, it was so magical pero may mali eh… Si kumag pa rin kasi yung laman ng isip ko.

Noong maramdaman ko’ng bumitaw na siya ay saka ko minulat yung mga mata ko.

“Pagod ka na?” tanong niya.

Tumango lang ako. Wala pa rin ako sa sarili ko.

“Tara na?” pag-aaya niya sa akin.

Tinulungan ko siyang magligpit saka sabay naming nilisan yung lugar na yun. Wala ni isa sa amin yung nag open nung ginawa niyang paghalik sa akin. Honestly, batid ko na pareho kaming nabigla pero wala ni isa sa amin ang nagpapahalata. Nagbibiruan pa rin kami, nagkukulitan at naghaharutan na parang wala lang nangyari.

Inihatid niya ako sa labas ng room ko. Actually inaya niya ako ulit na sa room nila matulog, pero tumanggi lang ako ulit.


****************************


Pagkatapos ko’ng maglinis ng katawan, ay agad ko’ng tinumbok ang tulugan ko’ng sofa. Agad ko ring kinuha yung phone ko na nasa loob ng aking back pack para I check yung time. Nagulat ako nung makitang may 26 missed calls yun galing sa unknown number.

Chineck ko yung pinakahuling tawag at happened probably 25 to 30 minutes ago. Palagay ko naman ay hindi pa ganon ka late yun para i-check kung sino yung tumawag. Mukha kasing importante since ang dami niyang attempts. I dialed the number at wala pa’ng 5 minutes ay may sumagot na – si Ron.

“Kuya nasa hotel ka na ba?” tanong niya.

“Kanina pa Ron. Tumawag ka just to ask me kung nakarating na ako? San mo ba nakuha number ko?”

“Nakuha ko sa phone ni kuya. Yah, kasama na yun, we wanted to know that you’re okay… pero si kuya kasi eh…” may kung anong fear yung boses niya.

“Anong nangyari sa kuya mo?” malakas ko’ng naibulalas, hindi ko na nga inisip yung natutulog na si Patrick, dahil sa labis na pag-aalala.

“Uyyy…. Concern siya…” nag lighten up yung boses niya na siya rin namang nagpakalma sa akin. “Wag ka na magalala kuya… he’s fine na…” narinig ko pang nag giggle siya. “Ano ba kasi yung nangyari sa inyo kanina?”

“Wala namang nangyari ah…”

“Meron… hindi siya maglalasing kung wala…”

“Naglasing siya?” gulat ko’ng tanong.

“Opo eh… for the second time… natakot nga kami kanina eh, iyak kasi siya ng iyak… nakakaawa…” may kung anong kirot din akong naramdaman nung marinig yun kay Ron. “The last time na nakita namin siyang ganon eh… 3 months ago pa…” at alam ko na kung bakit siya nagka ganon, yun malamang yung time na iwan siya ni Kaye.

“Ganon ba? Kamusta naman siya ngayon?” pinilit ko’ng maging natural yung tone ng boses ko.

“Okay naman kuya… nakatulog na…” “Hinahanap ka niya kanina eh… sorry siya ng sorry…”

May tumusok na namang tinik sa puso ko.

“Kuya… Kung ano man yung kasalanan ni kuya Chard… mag so sorry na rin ako, I was the one who forced you to stay eh… hindi ko hihilingin kuya na patawarin mo siya, pero baka pwede mo siyang pakinggan, I know may explanation siya…” nagmamakaawa yung boses nung bata.

“Hmmmm…. Ron pasensya na talaga ha… inaantok na kasi ako eh…” sabi ko saka pinutol yung tawag.

Mas lalo akong naguluhan sa mga narinig ko kay Ron. Na gui-guilty ako pero nasaktan din ako eh… napahiya ako, kaya hindi ko alam kung paano ko siya pakikinggan. Ngayon pa na alam ko na yung nararamdaman ko… isa pa kailangan magawan ko ng paraan na matigil yung nararamdaman ko’ng iyon.


***************************


Nagawa ko’ng ipahinga ang katawan kahit papano, pero sa sobrang dami ng nangyari at dami ng bumabagabag sa akin ay hindi nagawang matulog ng diwa ko.

Paikot-ikot lang si Richard sa isip ko… iniisip ko rin kung totoo yung sinabi ni Ron o isa na naman yun sa pakana ni Kumag… baka desidido lang talaga siyang matuloy yung plano niya at hindi’ng hindi siya titigil hangga’t hindi niya iyon naisasakatuparan.

Hindi ko alam if umaga na nung magising ako dahil sa naramdaman ko’ng may humimas sa mukha ko, sinundan pa iyon ng mga mahinang hikbi.

Iminulat ko yung mga mata ko at bumungad sa akin ang isang bouquet ng mga dilaw na bulaklak. Hindi ko alam yung tawag sa bulaklak na iyon eh basta usually nakikita ko yun sa mga wedding, sa simbahan yung mga bulaklak na inaalay sa mga santo, paminsan nakikita ko rin yun sa burol. (I know medyo nakakatawa yun, kasi nagmukha akong patay… you know may flowers habang may umiiyak…)

Bumangon ako, at marahang inayos ang aking pagkakaupo. Noon ko nasilayan ang umiiyak na mukha ni Richard. “Im sorry… Im sorry…” paulit-ulit niyang binabanggit. Alam ko’ng hindi pa siya naliligo dahil hindi pa siya nagpapalit ng damit. Yun pa rin kasi yung suot niya sa party. Halata ri’ng matagal siyang umiyak, namumugto na kasi yung mga mata niya.

Nagtama yung mga mata namin, ramdam na ramdam ko yung sakit na daladala niya pero hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa kanya eh. Inabot niya sa akin yung bulaklak pero hindi ko yun tinanggap.

Tahimik…

Patuloy lang sa pag-agos yung mga luha niya, nakakaawa siyang tingnan pero hindi ko alam kung bakit wala akong maipakitang emosyon… nagmistula ako’ng bato. Nagulat nalang ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko, iyak pa rin siya ng iyak habang paulit-ulit na humihingi ng tawad.

Note: Thanks for continuously reading my story, I know this was not as good as other stories pero pinagtiyatiyagaan niyo pa rin. Thanks for all the positive comments at kahit ang daming nagsasabing bitin, eh… sinusuportahan niyo pa rin.

Sorry din if this was not the usual libog story na inaasahan ng marami. I was not pakipot, pero hindi din naman po ako yung taong mag i-initiate ng sex ng basta basta… virgin po ako nung makilala si Richard (totoo yun!) kahit sa babae ay never ko pa yung na experience (nung mangyari to’ng kwento). May mga sex scenes din naman po na mangyayari soon… but I don’t know if its malibog enough para ma satisfy kayo… I know this is quite a crying shame for me, since sa kwentong malibog ko po shinare itong kwento ko na wala naman masyadong sexual churva… kaya pasensya po

If you have any questions guys you can leave it on the comment box bellow and if kaya ng powers ko’ng sagutin eh gagawin ko. Open din po ako for your suggestions i-comment niyo lang po. Salamat po ng marami I love you all.

To be continued…

No comments:

Post a Comment

Read More Like This