Pages

Wednesday, August 24, 2016

Not Today (Part 4)

By: Prince Zaire

Author’s Note: Hi everyone, I just want to commend you all. Thank you sa pagbabasa ng mga stories ko. So eto na ulit ang Not Today Series. My intension for this story ay kakaibang atake. Yung gusto kong mapa-isip yung readers ko, gusto ko silang malito, gusto ko silang magtanong. And hell mukhang nagawa ko ata. Paumanhin kung nalilito kayo sa shifting POV’s at sa dami ng pumapasok na characters, it’s all part of my plan. Sana ay patuloy niyo siyang basahin hanggang sa huli at ginagawa ko ang aking makakaya para itaas ang thrill ng istoryang ito at sana ay magustuhan ninyo. Maraming salamat sa mga nagsasabing this story is a good material for a film, pero actually malayo pa siya dun. This is just a simple story that aims to entertain, raise awareness & gives a take home value. May cross over din po na nagaganap sa istoryang ito, mga characters na nanggaling sa ibang story na sinulat ko. Dr. Martin is a One in a Million Chance character. At soon, may papasok pang isang character, kaya stay foot and keep posted. Eto na ang karugtong at sana ay magustuhan niyo rin ang mga di inaasahang magaganap. Patuloy lang po sa pag-comment para mas ma-engganyo akong magsulat. Ciao!
# # # #
1939, 10.7528° N, 123.0876° E
“Kanina pa kita inaantay, saan ka ba nanggaling?” tanong niya habang papasok ako sa kanyang silid.
Lumapit ako sa kanya saka ko siya niyakap.
“Kailangan ko munang siguraduhing tulog na ang lahat at walang makakakita sa aking lumabas ng bahay ng ganitong oras”
Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata, at pansin ko doon na parang may bumabagabag sa kanya.
“May problema ba mahal ko?”
Umiling lang siya.
“Kilala kita, ano yun sabihin mo sa akin”
“te extraño mi amor”
Ngumiti ako saka ako lumapit sa kanya para halikan siya sa kanyang labi. Ang lambot ng kanyang mga labi, para bang nasa alapaap ka. Animo’y lumilipad ka sa tuwing gagala ang dila niya upang halughugin ang kaloob-looban ng iyong bibig. Nakita kong nangingilid ang mga luha niya.
“Bakit? Sabihin mo sa akin mahal anong bumabagabag sa iyo?”
Patuloy lang siya sa pag-iyak, hinawakan ng dalawa niyang kamay ang aking mukha at tinitigan niya ako sa sa mata.
“Mahal, kahit anong mangyari hindi tayo matitibag. Kahit kamatayan di tayo kayang pag-hiwalayin”
“Di kita maintindihan”
“Sana’y patawarin mo ako sa aking gagawin. Sana’y mahalin mo ako, at sana’y magtagpo parin tayo sa kabilang mundo. Dahil ako’y sayo at ika’y akin”
Naguguluhan ako sa aking naririnig, di ko alam ang gusto niyang iparating. Yumakap nalang ako sa kanya saka humalik sa huling pagkakataon, saka ako umalis sa silid na iyon.
Dumating na nga ang araw kung kailan ko naintindihan ang lahat. Kung kelan lahat ng pangarap ko ay naglaho, kung kelan ang ako’y sayo at ika’y akin ay bigla nalang naglaho. Isang putok lang ang bumawi nitong lahat, isang putok lang mula sa baril ng aking minamahal. Deretso sa aking puso, ang bala nito ay unti unting pinipigilan ang pagtibok ng nagmamahal kong puso. Marami akong katanungan sa kung bakit, bakit siya pa? Bakit niya nagawa to sa akin, pero dahil mahal ko siya ay tinanggap ko nalang ang aking kapalaran.
Na kailanman ay mali ang aming pagmamahalan, mali dahil parehas kaming lalake, mali ang sitwasyon at mali ang pagkakataon. Hindi pwedeng mahalin ng leon ang usa at hindi hindi hahalo ang langis sa tubig. Sa tamang panahon may isang taong magpapatunay sa iyo kung bakit para ka sa kanya at hindi ka para sa iba. Sa tamang panahon makakaya mo ulit tignan siya ng wala ka nang nararamdamang anuman. Minsan kasi kailangan mo nalang tanggapin ang lahat, na hanggang dito nalang.
At hanggang sa huling hininga ko ay gagawa ako ng ala-ala. Isusulat ko kung gaano kita kamahal kahit na ikaw ang dahilan na kakawala ang hininga ko sa baga ko, at papanaw ang pintig ng aking puso.
# # # #
2016 (Dwight POV)
Naguguluhan ako sa mga nangyayari, ang bilis. Ang bilis bilis at hindi kayang i-process ng utak ko ang lahat.
Kanina lang ay niyakap ako ng isang babae sa di malamang dahilan. Niyakap ako ng may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuan ko. Ngayon na pauwi na ako ay parang mabigat na sako ang bitbit kong mga katanungan sa kung sino ba talaga ako? Saan ako nanggaling, saang planeta ako nagmula. Binabagabag parin ako ng mga kwentong narinig ko habang nagla-lunch kami sa isang mamahaling restaurant na pag-aari ng pamilya nila Sir Ronan at Mam Irina.
“Pasensya ka na hijo, masyado akong nadala kanina” pahayag ni Mam Irina.
“Ok lang po, nabigla lang din po ako. Handa na po akong makinig sa kwento niyo” pagkasabi ko ay tumango lang ito sa akin.
“19 years na ang nakakalipas, 19 years na simula ng mawala si Rogeth sa amin. Naalala ko pa yung panahon na yun, 8 months old palang siya nun. It was Sunday katatapos lang ng misa, inutusan ko ang asawa kong si Jose na mauna na silang umuwi ni Rogeth kasama ang Yaya niyang si Cita at mago-grocery lang kami ni Ronan. Sinabi kong wag na niya kaming antayin at mag-tataxi nalang kami pauwi, sumangayon naman siya. Akala ko yun nga yung nangyari, akala ko umuwi na sila sa bahay. Pag-uwi namin ni Ronan sa bahay nagtanong agad ako kung nasaan si Jose, yung bata at yung Yaya. Sinabi naman ni Manang Tansing na di pa umuuwi ang Sir niya. Sinubukan kong tawagan si Jose pero di ito sumasagot. Mga alas-dos na nang makabalik si Jose sa bahay. Tinanong ko siya kung nasaan ang bata at yung Yaya niyang si Cita”
“Wala pa ba sila dito? Pinauna ko na silang umuwi ah”
“Tang ina naman Jose, alam mo na ngang bago pa lang si Cita sa atin at ipinagkatiwala mo talaga ang anak mo sa kanya. Di ba nagkasundo na tayo kanina na mauna na kayong umuwi, deretso na agad sa bahay, oh anong nangyari?”
“Nakita ko si kumpareng Antonio, eh nagkayayaan, discuss ng business”
“Diyan, diyan ka magaling puro ka nalang negosyo. Jose walong buwan palang yung anak mo, oh ano ngayon nasaan siya?”
“Relax ka lang, darating din yung si Cita mamaya antayin lang natin”
“At panatag ka pa talaga na makakauwi si Cita dito, na iuuwi pa ni Cita si Baby Rogeth? Jose pag di mo nahanap ang anak ko, magkakalimutan na tayo. And I tell you, pag hindi mo siya naibalik sa akin until midnight wag ka nang magpapakita sa akin total negosyo mo lang din naman ang importante sayo at sinusumpa ko Jose ako ang magpapabagsak sa negosyo mo kung di mo isasauli ang anak ko sa akin”
“And then dun na nagbago ang lahat sa buhay namin, di na namin nakita si Rogeth simula nun at lagi nalang umiiyak si Mommy. Si Daddy naman di mapatawad ang sarili at lagi nalang naglalasing. Dumating sa point na nauwi sa hiwalayan ang marriage nila dahil sa pagkawala ng kapatid ko. Taon ang lumipas hanggang sa umabot na nga ng ganito katagal” dagdag ni Sir Ronan.
“Bakit niyo naman po nasabing ako si Rogeth. Na ako yung nawawalang anak niyo?” tanong ko.
“Ina ako iho, nararamdaman ko” sagot ni Mam Irina.
“I felt it too, yung tinatawag na lukso ng dugo. And to hell with it bro, kamukha mo ang Daddy ko nung bata-bata pa siya.”
“Yun lang po ba? Baka po mere coincidence lang”
“I don’t think so, alam mo kung bakit ako nag-jump into conclusion na kapatid nga kita, I saw your birthmark. May birthmark din si Rogeth na maliit sa kaliwang arm niya, hugis puso ito, at nakita ko yun sa iyo”
Nanlaki ang mata ko at tinignan ko nga ang birthmark ko na yun sa left arm ko.
“I told you” banggit ni Sir Ronan.
“Dwight payag ka bang magpa-DNA test para naman matuldukan na tong isyu na to. Para din makasiguro kami at di na umasa pa, baka nga nagkataon lang.” tumango lang ako.
Maaga akong pinauwi ni Sir Ronan that day dahil pansin niyang di ako maka-concentrate sa ginagawa ko. Marami ding pumapasok sa isipan ko, maraming mga tanong at talaga namang gusto ko ng kasagutan.
Pagkauwi ko sa bahay ay nadatnan ko dun ang aking Ina na noo’y abala sa pagtutupi ng kanyang nilabhang damit. Lumapit ako sa kanya at nagmano.
“Oh anak ang aga mo ata ngayon ah, may sakit ka ba? Mukha kang balisa” umiling lang ako saka ko siya tinitigan sa mukha.
“Anong problema anak?” tanong ni Nanay Olive.
“Nay, sino po ba talaga ako?”
“Anong klaseng tanong yan, edi ikaw ang anak ko, ikaw si Dwight Arvin Rentegrado.”
“Nay alam ko pong maaga kayong nabalo dahil nagkasakit ang itay, at aminin natin inampon niyo lang po si Chuchay. Nay matanda na po ako baka naman panahon na para malaman ko ang totoo. Sana po ay katotohanan din ang isagot niyo sa akin – Nay sino po ba talaga ako, saan po niyo ako nakuha?”
Di na napigilan ni Nanay ang sarili niya at niyakap ako saka humagulgol na. “Pasensya ka na anak, pasensya ka na”
“Nay, makikinig po ako”
Bumitaw siya sa pagkakayakap at pinahid ang kanyang mga luha.
“October 20 1997, yan yung araw na dumating ka sa amin kaya yun din yung ginawa naming birthday mo. Binigay ka sa akin ng kapatid kong si Cita na nooy galing Manila. Sinabi niyang ako na daw ang bahala sa anak niya dahil di niya kayang buhayin ito at iniwan siya ng ama nito. Ayaw kitang kunin nung una dahil di naman ako sigurado kung totoo ang sinasabi ni Cita. Pero nanlambot ang puso ko ng maramdaman na kita sa mga bisig ko, matagal na kaming nagdadasal ni Berto na magkaroon ng anak pero di kami nabibiyayaan. At dumating ka nga anak, simula noon ay dumating narin ang swerte sa amin. Apat na taong gulang ka na noon ng pumunta tayo ng Manila dahil dito nadestino yung Tatay Berto mo. Sinama niya tayo at sinabing dito na nga tayo titira at bubuo ng pangarap. Pitong taong gulang ka ng mamatay ang Tatay Berto mo at ako na ang nagtaguyod sa inyo. Buti nalang kamo at may naipundar si Berto at kahit papaano’y nakapag-ipon naman. Pero di parin to sapat para hindi tayo maghirap. Pasensya na anak ha, pasensya na at ikaw pa talaga ang nagtataguyod sa amin. Ramdam ko ang hirap mo at nakakaya mo pang pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral.”
Niyakap ko siya at tuloy tuloy lang ang pag-agos ng luha ko. Ngayon malinaw na sa akin ang lahat, may posibilidad nga na ako ang nawawalang anak ng mga Go dahil ayon kay Nanay ay ang kapatid niyang si Cita ang nagbigay sa akin sa kanila.
“Maraming salamat po sa pagpapalaki sa akin, maraming salamat Nay sa pag gabay niyo”
“Anak, masakit man sa akin to pero hahayaan kitang lumaboy at lumayo para mahanap mo ang totoong ikaw. Panahon narin siguro na pakawalan kita para naman mas maabot mo ang mga pangarap mo. Wag kang mag-alala kaya ko pa naman ang sarili ko, kaya ko pang maglabandera at andito naman ang kapatid mong si Chuchay”
Hinawakan ko ang mga kalyado niyang kamay at inilapit ko ito sa mukha ko. “Wag po kayong mag-alala Nay, di ko po kayo papabayaan ng kapatid ko. Hindi man po tayo mayaman, wala man po tayong ginto, busog naman po kami sa pagmamahal at paaral ninyo. Hindi po sana ako ganito ngayon kundi dahil sa inyo, eto pong mga kalyado niyong kamay ay simbolo kung gaano kayo nagpupursige para itaguyod kami at igapang ang pag-aaral naming magkapatid”
“Dwight anak, maraming salamat din at dumating ka sa buhay ko. Hulog ka ng langit sa akin, dahil sayo naranasan kong maging ina. Hindi ka man galing sa sinapupunan ko, niluwal ka naman ng puso ko”
Naging malinaw ang lahat sa akin. Nung gabing yun ay pinagmasdan ko ang kalangitan, pinagmasdan ko ang liwanag ng buwan. Pinagmasdan ko ang mga bituin sa kalangitan na animoy nagpapatalbugan sa kung sino ang mas makinang. Kinuha ko ang singsing na bigay ni Francis at pinagmasdan ito, naalala ko yung sinabi niya bago ko pa tanungin ang pangalan niya.
“Go find the one, go chase him if you can. Kasi ako, I can’t chase him anymore. Maiintindihan mo rin kid, soon but Not Today. Pag nangailangan ka ng pera, ibenta mo nalang yan ok? You are a lost star kid, you are a prince, let this ring serves as a line for you to connect the dots. Tingala ka lang sa langit you’ll see stars, mga kauri mo who shines even if the moon or the sun is out of the canvass. Malayo ang mararating mo basta just believe in Him and believe in yourself”
“I am a lost star?” tugon ko sa sarili ko. Yun pala ang dahilan kung bakit nag pop-out yung image ni Ronan nung one time sinuot ko yung ring. Yun yung unang dot na na-connect ko.
Mahirap maging star, mahirap ma-maintain yung liwanag. Gugustuhin mo nalang na maubos na yung liwanag mo. Mahirap sungkitin ang mga bituin, mahirap abutin, mahirap rin maging sayo o akin. Ang bituin ay mahirap mahalin.
Tumingala ulit ako sa langit at pinagmasdan ang pinaka-maningning na bituin sa kalangitan.
“Hi Francis, ewan ko kung bakit mo binigay sa akin tong singsing na ito. Ewan ko kung bakit sinabi mong I’m a lost star. That I’m a Prince. Ewan ko kung anong hiwaga ang dala mo, naguguluhan parin ako. Pero is it really a mysterious move from a dying man? Pero maraming salamat, pinagtatagpo-tagpo mo kaming lahat. You are the string that pull us. At wag kang mag-alala I look after Sir Franco, sana di ka magagalit ha. Francis mahal ko na siya, sana wag mo akong multuhin.”
Nakatulog na nga ako noon hawak hawak ang singsing na bigay ni Francis. Napanaginipan ko tuloy siya, naka-smile siya sa akin tapos bigla siyang naglakad papalayo. Minamasdan ko siya habang papalayo at nung kalaunan ay may kasama na siya. Di ko maaninag nung una dahil masyado na silang malayo pero lumingon sila sa huling pagkakataon – magkasama silang naglakad ni Sir Franco hanggang sa maglaho na sila”
“Kuya gising na, tanghali na po” rinig kong sabi ng makulit kong kapatid kaya naman nagmulat ako ng mata.
“Good morning Kuya”
“Pa-kiss nga baby girl”
“Ang baho mo kaya”
“Ay maldita nito, mabango kaya ako kahit di maligo at gwapo kaya tong kuya mo”
“Hindi rin, gwapo ka nga single naman oh asan ang hustisya dun?”
“Ikaw talagang bata ka. Uyyy nga pala nakita ko kayo ni Buknoy nung isang araw, ano yun nangliligaw ba siya sa yo?” pangaasar ko.
“Yuck kuya, eaaaaw.”
“Gwapo naman si Buknoy ah, ayaw mo?”
“Yuck, diyan ka na nga” at iniwan niya nga ako.
Kumain nga muna ako ng almusal at naligo saka nagbihis na. This is the day Dwight, this is it.
Dumiretso ako sa isang Private Clinic at pagdating ko dun ay nandun narin sina Sir Ronan, Mam Irina at yung asawa niya. Nagulat talaga ako ng makita ko si Sir Jose, totoo nga ang sinabi nila malaki ang hawig ko sa kanya. Matangkad, maganda ang built, may balbas at chinito. Para siyang pinatandang ako, nagkatitigan nalang kami at di rin napigilan ng matanda na di yumakap sa akin.
“Son, ang laki mo na”
Ngumiti lang ako saka kumalas sa pagkakayakap.
Kinuhanan na nga kami ng mga specimen at matapos nun ay naglunch ulit kami sa isang Chinese restaurant. Di ako sanay sa ganun, di ako marunong gumamit ng chopsticks. Naiilang ako sa mga pang mayamang lugar dahil di naman ako bagay dun. McDonalds lang ok na ako. Napansin ata ni Sir Jose na medyo asiwa ako. Tinawag nga niya ang waiter.
“Pakuha nga ako ng kutsara at tinidor”
“Sir?” tanong ng waiter.
“Kutsara at tinidor tig isa kami, ayoko mag-chopsticks nakaka-asar nanginginig na yung kamay ko iho di na ako bumabata”
Nagkamot ng ulo yung waiter saka siya umalis na, pagbalik niya ay may dala-dala na siyang kutsara at tinidor. Hindi na nga sila nag-chopsticks pa at sila nalang ang nag-adjust sa akin.
“So iho, anong kinukuha mong kurso?”
“Creative Writing po”
“Ooooh, just like Irina. Wala ka bang balak mag-business course?”
Umiling lang ako.
“Sayang naman, ano ba meron sa pagsusulat, may yumayaman bang manunulat?” tanong niya, di nalang ako sumagot.
“Meron” sabat ni Ronan.
“At sino?” tanong ni Sir Jose.
“Ako”
Tumawa si Sir Jose bago nagsalita. “Talaga?”
“And to tell you Dad halos pantay na tayo sa mga assets natin”
“And that’s because of me, because of my business”
“Kumakain tayo ano ba, nakakahiya naman dito kay Dwight. Let’s not talk about your fucking business here Jose. Kahit manunulat kami at konti lang yung naiipon namin atleast masaya kami dun – eh ikaw? J.K Rowling, Dan Brown, Sidney Sheldon, Paulo Cuelho, Nicholas Sparks – mga manunulat sila pero mas mayaman sila kesa sayo ok na bang paliwanag yun?” banat ni Mam Irina, uminom nalang ng iced tea si Sir Jose.
“Don’t mind my Dad, ganyan talaga yan may sayad” nagtawanan kami ni Ronan.
Dumating na nga ang araw kung kelan irerelease yung result ng DNA – at yun nga ako nga si Rogeth, ako ang nawawalang anak nina Sir Jose at Mam Irina.
“I knew it, pwede na ba kitang tawagin bro?” sabi ni Ronan kaya tumango nalang ako.
“So kelan ka magmo-move in sa bahay?” tanong ni Mam Irina.
“Po?”
“Since napatunayan na nga natin na anak ka nga namin, dapat lang na tumira ka sa bahay so kelan ka lilipat?”
“Diko pa po alam Mam, medyo magulo parin po kasi ang lahat”
“Wag mo nga akong tawaging Mam, hello Nanay mo ako. Mommy, Mommy ang itawag mo sa akin.”
“Meron na akong isang taga-pagmana, my son came back” tugon ni Sir Jose.
“Dad, as if mababago mo rin isip niyan he’s a born writer too. Ni isa walang may gustong magmana ng mga alak mo no”
“Ah basta magbabago rin ang isip ni Dwight, susuyuin ko siya hanggang sa maggive-in siya.”
“Susuyuin or susuhulan?” pambabara ni Ronan, napangiti nalang ako.
“So ngayon nga na bumalik na ang ating anak Irina, pwede na rin ba akong bumalik?”
“Asa ka, hindi no”
“Eh kung ligawan kita ulit, ayos lang ba?”
“Yuck”
Natawa nalang kami, ang cute lang nilang dalawa.
“Ano ba yan umayos nga kayo dito niyo pa nakuhang magligawan ang tanda tanda niyo na” pahayag ni Ronan.
“Eh eto kasing Ama niyo, tumatanda ng paurong.
“Namiss kasi kita Irina my loves”
“Irina my loves mong mukha mo, dun ka sa mga alak mo gago ka. 19 years na nabuhay akong wala ka”
“Di mo ba ako namiss? Yung romansa ko di mo na-miss?”
“Mahiya ka nga Jose, may mga bata”
“Di na kami bata Ma & Dad, kaya na naming gumawa ng bata” pahayag ni Ronan kaya napatingin nalang kaming lahat sa kanya. “Oh bakit?” tugon niya, umiling lang kami.
“Kelan ko makikita yung apo ko sayo Ronan, pakibilisan naman” pahayag ni Mam Irina.
“Nageexpect ka talaga Ma? Eh kung niluwal mo sana akong babae edi meron na, baka lima na ngayon”
“Magtino-tino ka na Ronan hah, babae naman kasi ang ikama mo” pahayag ni Sir Jose.
Umirap lang ang kapatid ko.
Two weeks din bago ako lumipat sa bahay, naninibago ako nung una. Kinumbinsi ko rin si Nanay Olive na sumama nalang sa akin pero sabi niya ok lang daw siya at di niya talaga maiiwan ang bahay na pinundar niya. Iyak ng iyak si Chuchay nung umalis ako.
“Sabi mo di mo kami iiwan, ang daya daya mo”
“Shusssh, tahan na dadalaw naman ako every weekend dito eh” saka ko siya niyakap. “Wag kang mag-alala, bibilhan kita ng paborito mong Burger Mcdo at may kasama naring laruan, diba gusto mo rin ng Barbie Doll?”
Ngumiti lang siya.
Ganun nga ang setup, tuwing weekend ay umuuwi ako para bisitahin sina Chuchay at Nanay. Di ko parin inaasahan ang mga nagaganap sa buhay ko, akalain mong ang dating crew sa McDo na namomroblema kung saan kukunin ang pang-tuition at saan kukuha ng ipapakain sa pamilya ay nakatira na ngayon sa isang mansion. Buhay prinsipe, may mga damit na de tatak na, sapatos na sa hinagap ay di ko akalaing maisusuot ko, de kotse na kung pumasok pero nananatiling simple parin.
Nag-organisa sila ng isang party para sa akin, inimbita ko sina Chuchay at Nanay doon pero pinili nilang sa kusina nalang mamalagi dahil nahihiya silang humalubilo sa mga mayayaman. Nakakalula ang pagkakataon na iyon, andaming mayayamang dumalo, di ako sanay sa mga ganun kaya naman matapos akong maipakilala ay dumiretso na ako sa kusina para tulungan yung mga kasambahay. Nagtanggal na ako ng suit & tie dahil nga di ako komportable dito.
“Anak bakit ka nandiyan, di ka ba nageenjoy?” tanong ni Mommy sa akin.
“Sorry po di po kasi ako sanay sa mga ganito”
“Ah sorry, hayaan mo last na to masyado lang kaming na-excite sa pagbabalik mo. At dapat anak masanay ka na dahil sila ang makakahalubilo mo in the future.”
Tumango nalang ako at nag-smile.
“Hey Dwight” may tumawag sa akin, it was Sir Derek.
“Sir?”
“Anong Sir, pinsan mo ko no. Cous, yun yung itawag mo sa akin ano ka ba”
“Sorry po sir”
“Oh yan ka nanaman Cous, akalain mong ang mahiyain at matalinong estudyante ko ay prinsipe pala ng pamilya Go. Welcome to the clan cous, masanay ka na sa mga ganitong event, mahilig sa party ang Daddy at Kuya mo”
“Parang panaginip nga po ang lahat eh, di parin ako makapaniwala. Like hello, sino ba ako no I’m just a nobody”
“You’re not a nobody now, you’re the heir of the Go Family. You’re a prince, a star”
“Lost star”
“Weeeeeh, lalim ng hugot kid ah. Ui Birthday ko pala Saturday next next week balak ko sanang magpunta sa isang resort sa Batangas, tayo tayo lang. Ano payag ka?”
“Pag-iisipan ko”
“Sige na, tatlo lang tayo nina Ronan, at kung may isasama ka edi masaya”
“Tignan ko po, may pasok rin po kasi ako sa office”
“Office na pag-aari niyo, naku naman Dwight wag ka ngang magpa-alipin dun kay Ronan.”
“Nahihiya na nga po ako eh, ayaw nga po niya akong bigyan ng load kaya ako nalang po nagkukusang humahanap ng gagawin sa office”
“Dun ka sa Daddy mo, marami kang matututunan dun I tell you”
“Wala po akong alam sa alak o sa business”
“Bata ka pa, you’ll learn along the way” nagkamot nalang ako ng ulo. “Ui cous, Saturday ah aasahan kita, pag di ka pumunta ibabagsak kita sa klase ko”
“Sir naman”
“Yan ka nanaman, pag narinig ko pang tawagin mo akong Sir na wala tayo sa classroom hahalikan kita gusto mo ba yun?” umiling ako.
Tumawa lang siya saka umalis na.
Nasa cafeteria kami ni Kuya Ronan habang inaantay ang pagdating nang isang lalakeng inaasahan naming darating. 15 minutes siyang late at alam ko naman na kakatapos lang ng klase niya. Umupo nga si Sir Franco sa harap namin.
“Anong maipaglilingkod ko sa inyo? May nagawa bang di maganda tong estudyante ko sa publishing company niyo Mr. Go?”
“No he’s fine there, actually gusto ko lang makausap ka. Gusto ko lang magpasalamat sa pagbabayad ng tuition ng kapatid ko.”
“Wait, what? Kapatid?” tumango lang ako. “How?”
Nagkwento nga si Kuya mula sa umpisa.
“Wow, akalain mo yun kid isa ka pa lang prinsipe. Akalain mong yung laging late sa klase ko dahil katatapos lang ng shift niya sa McDo ay isa palang heredero ng isang maimpluwensyang Chinese Family. Wow!” reaksiyon ni Sir Franco.
“At may sasabihin pa ako sayong importante Franco sana ay wag kang magagalit sa akin”
Naka-ngiti pa si Sir Franco nun. “Go on, ano yun?”
Huminga ng malalim si Kuya Ronan bago nagsalita. “Ako yung nakabangga kay Francis. I’m sorry, it was an accident. Maulan nun, di kumakapit yung breaks ko at yun bigla siyang tumawid” nagulantang kaming dalawa ni Sir Franco sa confession ni Kuya Ronan at yung ngiti kanina ni Sir Franco ay napalitan ng lungkot. Nakita ko ang pagtulo ng luha sa mata ni Kuya at pati narin sa mata ni Sir Franco.
Nagpahid ng luha si Sir Franco at akala ko noon ay susuntukin niya si Kuya. “Sabi mo nga it was an accident eh, kalimutan nalang natin yun masaya na siya dun. All the scars will heal the soonest. Pero salamat di mo siya pinabayaan nun kahit may choice ka sanang takasan siya”
“Ano ba yan ang drama natin, order na nga tayo. Anong sa inyo?” tanong ni kuya.
“Coffee Jelly Venti” sabay naming banggit ni Sir kaya tumawa nalang kami ng sabay.
“Weird, magsama nga kayong mag-sir jan” tugon ni Kuya kaya ngumisi nalang kami.
“So Mr. Rentegrado, oh I mean Mr. Go how’s life now? Di mo naman sinasabi na prinsipe ka pala”
“A prince without a castle, a rider without a horse, a knight without armor and a lord without land. Yun parin ako Sir, wala namang nagbago”
“Sabagay, pero mayayaya parin ba kitang kumain o manood ng sine. Baka kasi ayaw mo na sa mga turo turo at lugawan ha, baka ayaw mo narin sa McDo”
“Naku naman Sir, syempre ganun parin ako no apilido ko lang nagbago hindi ang pagkatao ko.”
Ngumiti lang siya, shet na mga ngiting yan. Natutunaw ako Sir wag ka nga – sigaw ng utak ko.
“Sir, magba-Batangas kami next Saturday Birthday ni Kuya Derek, sama ka?”
“Wag na kid, family outing ata yun eh”
“Apat lang tayo Sir, si Kuya Ronan, si Kuya Derek, ako tapos ikaw”
“Pagiisipan ko”
“Sige na Sir, pag di ka sumama di narin ako sasama”
“Ano kaya yun, nangunsensya pa oh”
“Please”
“Oh sige na nga, mapilit ka eh. Pero wala akong pang swimming eh”
“Edi maghubad ka nalang”
“Oi ikaw ah, pilyo to gusto mo pa ata akong mag Oblation run dun”
“Di naman, so aasahan kita sa Saturday ha, pag di ka sumipot magtatampo ako sa yo” nag ok sign lang si Sir Franco.
Hindi nga nagbago ang turingan namin ni Sir Franco, panay parin ang labas namin at kung minsan ay sinasama na niya ako sa Condo niya. Sa bawat araw na magkasama kami ay lalo akong nahuhulog sa aking guro.
“Kid, ang lalim nanaman ng iniisip mo. Malulunod nanaman ako” pahayag ni Sir Franco.
“Eh kasi Sir, nalulunod nadin kasi ako sa iyo”
“Ha, ano yun?”
“Wala”
“Sir, paano kaya namin sisimulan ni Pat yung istorya namin? Grabe ka naman kasi sa task mo Sir, ang hirap.”
“That’s life kid, mahirap talaga”
“Saan nga kami magsisimula?”
“Bahala kayo, bakit ako ang magsasabi?”

“Sir naman eh, clue lang”
“Ok, ano ba ang gusto niyong story. Ano yung napupusuan niyo?”
“Syempre Sir yung non-traditional at kakaiba. Yung may take home value at kailangan yung readers namin left hanging. Marami yung tanong, gumagana yung utak nila”
“And?”
“Anong and?”
“Oh tapos?”
“Sir naman eh”
“May setting na ba kayo? Ano yung genre?”
“Sabi ni Pat gusto niya daw ng parang post apocalypse theme, yung futuristic pero may background from the past. Kaya nga di namin alam kung saan mag-uumpisa”
“You need a break, mag-soul searching kayong dalawa para makahanap kayo ng inspiration. Who knows mahanap niyo rin yung isat-isa” sabay ngisi.
“Si Sir talaga, eh san naman?”
“Sa Silay”
“Negros Occidental? Bacolod?”
“Silay nga diba, oo doon”
“Anong meron dun?”
“Ewan ko rin di pa ako nakakapunta dun eh, si Francis lang yung may gustong pumunta kami dun lalo na sa Ruins pero di kami natuloy. Mas pinili namin yung India noon”
“India?” tanong ko.
“Oo, he loves the Taj Mahal”
“Bakit naman?”
“Because it’s so pure and full of love. Nasasalamin dito kung gaano kamahal ni Shah Jahan si Mumtaz Mahal despite him being a playboy”
“Di ko makita yung connection Sir”
“In life you have many choices, among them there’s this one that stand out. Mumtaz Mahal is the love of his life, sino ba namang magpapatayo ng ganun ka-garbong Mausoleo kung hindi niya mahal yung ililibing doon. Their love is so pure, that even death can never part them. As if you can live by loving alone”
“But can you live with love alone Sir?”
“No, but it keeps you breathing”
“Cheesy, bakit ganun no? Bakit andaming nagpapakatanga sa pag-ibig. Yung push ka ng push kahit alam mong di talaga pwede at walang pag-asa” pasaring ko sa kanya.
“Ang definition kasi ng tanga ay taong naliligayahan sa kasinungalingan, nagagalit sa katotohanan, ngumingiti kahit nahihirapan at nagmahal kahit nasasaktan”
“Saan mo nabasa yan Sir, sa Facebook no?” tumango lang siya kaya tumawa kaming dalawa.
“Sir ang love ba hinahanap o kusang dumarating?”
“Pareho. Pero pag nahanap mo, ipaglaban mo. Pag dumating naman, patuluyin mo at wag mo nang pakawalan. Alam mo yung mali ko, dumating at nahanap ko yung one true love ko pero wala akong ginawa kasi bobo ako”
“Sir minsan para sumaya ka, kailangan mong tanggapin yung mga bagay na nawala na”
“Saan mo nabasa yan?” tanong na.
“Eh san pa ba, parehas lang tayo ng binasa no” saka kami tumawa ulit.
“Ano pinaka-gusto mo dun kid?”
“Lahat”
“Eh, dapat isa lang. Pinakagusto nga diba?”
“Tinakpan ko ang aking mga mata para hindi ko na masilayan ang mga ngiti mo. Mga ngiting pinapangarap ko na sana ako ang dahilan? Mga ngiting tumutunaw sa puso kong umaasa at lalong nasusugatan. Puso kong nag-aantay sa kung kelan ang ikaw ay pwedeng maging akin”
Natahimik kaming dalawa.
“Sir ba’t bigla kang nalungkot diyan?”
“Wala kid, may nalala lang. Mga bagay bagay na sana ganito at ganyan”
“Siya parin ba?”
“Always”
Ang bigat sa pakiramdam ng salitang iyon, napakasimple – ALWAYS pero ang lalim ng ibig sabihin at nais iparating.
“Kid, inom tayo kahit isang bucket lang” suhestiyon ni Sir.
“Sir, may klase po kaya bukas”
“Tssssh, eh, alas dos pa yun kid. Sakto lang”
“Sir naman”
Pinilit niya ako, kiniliti at nagpacute. Paano ba maka-hindi sa cute na damuhong ito.
“Ayoko Sir”
“Sige na, payag ka na. Hahalikan kita pag di ka pumayag”
“Ayoko”
“Ui gusto niya mahalikan”
“Hindi ah” saway ko, nagbablush na ako noon.
“Bakit ka namumula? Gusto mo kasi? Type mo ko no?”
“Lah, oh cgeh tara na nga at ng matahimik ka na”
“Yun naman pala eh”
Nag-inom nga kami ni Sir nung gabing iyon, San Mig lang sa akin siya RH. Akala ko nun hanggang isang bucket lang pero napadami siya ng inom.
“Sir, tama na po yan”
“May pambili pa ako kid, shot pa. Ano ba yan KJ mo”
“Lasing na kayo Sir, uwi na po tayo”
“Sinong lashing, hindi ah, ako lashing? Gwapo lang ako Kid, di ako lasing”
“Oo na gwapo ka na Sir, kaya uwi na tayo”
“Hehe, Crush mo ko? May balak ka sa akin no kaya gusto mo nang umuwi? Ikaw ah”
Inakay ko nalang siya patayo.
“Ui kid, may kiliti ako diyan”
“Wala akong paki-alam basta uwi na tayo”
“Isa ngang kiss diyan baby, dali nag-aantay si Daddy”
“Sir, lasing ka na nga”
Lumapit siya sa tenga ko at bumulong. “Virgin ka pa?”
Namula nanaman ako, nag-iinit ako sa inaasal ni Sir.
“Tag-libog, shit” saad niya.
“Hay naku si Sir ang tanda tanda na nakuha pang lumandi, tayo na nga”
“Pakipot siya” saka niya hinawakan yung pwet ko at pinisil.
“Sir” saway ko.
“Baka pwede”
“No, lasing ka lang. Kaya uwi na tayo”
Iniuwi ko nalang si Sir sa unit niya. Pinalitan ng damit dahil nasukaan niya ito. Paalis na sana ako noon.
“Can you stay?”
“Di pwede Sir, baka magalit sina Mommy. Alis na ako, see you tomorrow Sir”
Ang hirap kong kinuha yung tulog ko noon dahil si Sir Franco lang ang tumatakbo sa utak ko. Ang hirap niyang habulin, para siyang St. Elmo’s Fire. Mysterious, nakakawala at nakakadala. His looks takes me to places I don’t know. Naiimagine ko yung katawan niya, kung paano ko punasan ng basang bimpo ito kanina. Bawat hagod ko sa matipuno niyang dibdib, sa singit, at yung maumbok niyang alaga. Sa unang pagkakataon ay inimagine ko si Sir Franco habang pinapaligaya ang sarili ko. Matapos nun ay nakatulog ako ng nakangiti. Kinabukasan ay pansin sa klase na may hangover si Sir, di siya focused kaya namigay nalang siya ng mga seatwork.
“Bes, anong ganap kagabi. Puyat ka ah” pahayag ni Pat.
“Ok lang ako, Pat may na-isip na ako kung saan tayo kukuha ng inspiration para sa story natin”
“Ako din, perfect place to do research”
“Saan?” tanong ko.
“Ikaw muna”
“Eh di sabay nating sabihin”
“Ok”
Nagbilang nga kami ng tatlo bago namin sinabi ang gusto naming sabihin.
“Silay” parehas naming bigkas saka kami nagtawanan.
“Mr. Go at Ms. Quinto, this is not the right time para maglandian. Can you please shut up?” masungit na pahayag ni Sir habang hawak hawak niya ang ulo niya.
“Sorry po” tugon ko.
“Anong nangyari jan, sungit niya ah” pahayag ni Pat.
“Hangover”
Tinignan ako ng masama ni Pat.
“What?”
“Umamin ka, may ganap?”
“Wala noh, nag-aya siyang uminom kagabi. Ayun sinamahan ko, nagpakalasing”
“Yun lang ba?”
“Stop that”
“Kelan tayo pupunta ng Silay?”
“Ewan, wala pa akong pera eh. Mag-iipon pa ako”
Natawa siya. “Come on Mr. Go, my goodness. Mayaman ka na po, yung Tito niyo po ay co owner ng isang Airline Company”
“Eh ano naman, hindi naman ako yung may-ari. Saka nahihiya din ako no, di porket mayaman yung parents ko ay pwede na akong gumastos”
“Hay naku ewan ko sayo Dwight. Jusko nai-stress ang mga hormones ko sayo”
Matapos ang klase ay nagtungo kami ni Pat sa Library.
“Hoy, kanina ka pa naka-tingin diyan sa phone mo. Nagreresearch po tayo dito” pahayag ko.
“Nagseselos nanaman tong honey ko”
“Di no, ano ba kasing ginagawa mo?”
“Binibilang ko lang yung abs ni Ning Zetao at mine-measure ko yung umbok niya, omaygawd talaga ang sarap niya”
Inirapan ko lang siya.
“Don’t worry, crush ko lang siya. Ikaw parin mahal ko Dwight”
“Baliw”
“Hawig niya yung Doctor ko, nung last time na nagpa-check up ako muntik na akong mag-faint. Kasi ang gwapo nung doctor”
“Pat, focus”
“Sine-share ko lang, tsssk.”
“Sino naman Doctor mo?”
“Si Dr. Castañeda”
“Anong pina-check up mo?” tanong ko.
“Puso ko bes, pinaturukan ko ng Patience. Medyo napapagod din kasing antayin ka. Baka sakaling ma-endure niya, kasi kung hindi, durog na durog na siya”
Tinitigan ko lang siya saka nag-smile.
“Isang ngiti mo lang babe, ayos na buhay ko”
“Mukamo, mag-research ka na nga”
Paglabas namin ng Library ay nakasalubong namin si Kuya.
“Hey bruh”
“Anong ginagawa mo dito Kuya?” pagtataka ko.
“Someone summoned me here to give you this” sabay abot niya sa akin ng Plane Ticket to Bacolod.
Tinignan ko si Pat pero umiwas lang siya ng tingin saka ngumisi.
“Ano ka ba bunso, dapat magsasabi ka sa amin kung may kailangan ka. Wag kang mahihiya you’re part of the family now. Sa susunod ha wag ganyan”
Tumango nalang ako.
“Di ka ba binigyan ni Dad ng allowance?”
“Binigyan niya ako, sobra pa nga eh”
“Magkano yung sobra?”
“20”
“Pesos? 20 pesos? Ano ka elementary?”
Umiling ako. “20,000 po”
“Ang kuripot shet, don’t worry ako nalang magbibigay tapos ako nalang sisingil sa kanya”
“Wag na po”
“Oooops, that don’t buy me ok. I’ll transfer the money later, ok bro see you at dinner”
I just nod.
“Galante no?” komento ni Pat.
“Ning Zetao pala ah, ilan ulit abs niya? At kelan ko pa naging kapatid si Ning Zetao aber?”
“Ok ok, guilty na. Oh diba instant, may plane ticket ka na”
Sabado nga ay lumipad kami patungong Bacolod.
“Grabe yang maleta mo ah, maliit masyado para sa Bacolod” panloloko ko kay Pat. Para kasi siyang maga-abroad sa laki ng dala niya.
“Ay kulang pa ba to? Feel ko kasi nagtanan tayo kaya kinuha ko na yung buong Closet ko, may pang honeymoon lingerie na din dito baka sakaling ma-seduce kita”
“Kilabutan ka nga”
Nagpahinga muna kami nung 1st day, saka kami naglibot-libot nung 2nd day.
“Alam mo ba kung gaano ka-romantic yung lugar na to?” tugon ni Pat habang pinagmamasdan namin ang The Ruins – tumango lang ako.
“Dwight, do you believe in destiny?” tanong niya.
“Yes, pero wag naman nating iasa lahat sa tadhana”
“Sabagay”
Nung ikatlong araw ay may pinuntahan kaming lumang bahay, nasa malayo palang kami at natatanaw ko ito ay may kakaiba akong feeling. Parang minamagnet ako ng bahay, parang sinasabi niyang lumapit pa ako. Parang excited na excited ang mga paa ko. Kung anong dahilan, di ko alam.
Nilibot nga namin yung bahay, may tour guide din noon. Sumama ako dito habang si Pat ay nagpaiwan at kukuha daw siya ng mga panghuhugutan. Nasa kusina na kami noon ng sumigaw si Pat.
“Dwight, parito ka dali. Bilisan mo”
Dali-dali nga akong pumunta sa kinalalagyan niya.
“Oh anong nangyari at parang gulat na gulat ka?” tanong ko.
“Dwight naniniwala ka ba sa destiny?” tanong niya.
“Oo nga diba, bakit nanaman?”
“Eh sa reincarnation Dwight?” tanong niya ulit.
“Hindi, can I just say that it’s just a romanticized idea in a fiction story”
“I don’t think so” sabay turo niya doon sa wall. “Now we should believe in reincarnation starting now”
Lumapit ako sa dingding at pinagmasdan ang mga nakasabit na larawan doon. Iisa lang ang pumukaw ng paningin ko, isang group picture. Parang tumayo lahat ng buhok ko sa katawan, kinilabutan ako, nakaramdam ng malamig sa batok at di ko maipaliwanag ang aking nararamdaman.
Lumapit si Pat sa akin. “Dwight, ayos ka lang?”
Di ko alam kung bakit bigla nalang tumulo yung luha mula sa aking mga mata. Kung bakit parang piniga nanaman yung puso ko, kung bakit parang natutunaw yung pagkatao ko.
“Anong laban ko sa tadhana?” maikli kong pahayag.
“Di ko nga rin alam kung paniniwalaan ko ang nakikita ng aking mga mata”
“Pat, kahit noon pa pala – sila na”
Nakita ko doon sa mga larawan ang ibang-ibang itsura nina Sir Franco at Francis. Sa unang tingin ay di mo mahahalata, pero pag tumitig ka. Sila talaga, kahawig nila.
Di ko na napigilan ang sarili ko at pinuntahan ko yung tour guide.
“Kuya nasaan po yung caretaker ng bahay?” tinuro niya nalang ako sa isang matanda na nooy kasalukuyang naka-upo sa baba at nagbabasa ng diyaryo.
Tinungo ko ang kinalalagyan ng matanda, nagpakilala kami at sinabi naming nagreresearch kami para sa aming istorya. Malugod naman na nagpa-unlak si Tata Celo. Umakyat kami sa taas para ipakita sa kanya yung larawan na kinawindangan namin ni Pat.
“Tay, maari niyo po bang sabihin sa amin kung sino po tong dalawang to?” tanong ko habang turo turo ko yung larawan ng mga kahawig nina Francis at Sir Franco.
Ngumiti ang matanda bago nagsalita. “Doon tayo, upo muna tayo” kinuha ng matanda ang larawang nakasabit saka nagpunta ng sala, sumunod nalang kami.
“Eto si Senyorito Simon Paulo Braganza” turo niya dun sa kamukha ni Francis. “At eto naman si Enrico Ynares” turo niya dun sa kamukha ni Sir.
“Magkababata tong dalawang ito pero galing sa magka-away na angkan. Sabi ng iba ay matalik na magkaibigan sila, meron ding nagsasabing may relasyon sila pero walang nakakapag-patunay. Ayaw ng mga magulang ni Senyorito Simon na nakikipag-kaibigan siya sa isang Ynares, ngunit mapilit si Senyorito. Ako na ang magpapatunay na mahal nila ang isat-isa dahil nakita ko sila sa ilog minsan at naghahalikan. Binale-wala ko nalang dahil bata pa sila noon. Ngunit di ko akalain na hahantong sila sa ganun.” Kwento ni Tata Celo.
“Humantong sa alin po?” tanong ni Pat.
“Sa kamatayan”
“Ano pong nangyari?” tanong ko.
“Di namin inaasahan na magagawa ni Enrico yun sa kaibigan niya. Na magagawa niyang sundin ang utos ng kanyang ama. Binaril niya si Senyorito Simon Paulo, pinatay niya ang taong kanyang minamahal”
“Bakit po niya nagawa yun?” tanong ni Pat.
“Sabi ko nga ay nanggaling silang dalawa sa mag-kagalit na angkan, ang ibang pag-aari ng mga Ynares ay nasa kamay noon ng mga Braganza. Ganid ang ama ni Enrico at ayaw niyang nasasapawan. Natalo rin kasi siya sa eleksyon ng maglaban sila ng ama ni Senyorito Simon sa pulitika.”
“Pero sapat ba ang galit na iyon para patayin niya si Simon?”
“Biktima lang din si Enrico ng pagkakataon iho, hindi niya gustong gawin iyon pero kinailangan niyang gawin para isalba yung Nanay niya at kapatid niyang babae. Demonyo ang tatay niya at kaya nitong pumatay kahit pa asawa o anak pa niya ito”
“Ano pong nangyari kay Enrico pagkatapos?”
“Nagbigti siya, siyam na araw matapos ilibing si Simon”
Nagtinginan kami ni Pat.
“Tay, anong taon po namatay sina Simon at Enrico?” tanong ko.
“1939”
“Panahon ng Commonwealth” pahayag ni Pat. “Dwight, may idea na ako para sa story. Is it true that Quezon is the Abraham Lincoln of the Philippines?”
“Di ko alam. I don’t get the connection Pat”
“Then lets start the story there, nae-excite ako”
“May mga naiwan ba si Simon bago siya namatay?” tanong ko.
“May sulat siya noon, nakuha pa niyang magsulat bago nalagutan ng hininga”
“How did he do it?” si Pat.
“Di natin alam”
Tumayo ang matanda saka isinabit ulit ang larawan sa dingding, may kinuha itong parang parchment paper sa isang baul.
“Gusto niyo ba magbasa ng sulat? Kaya lang baka di niyo maintindihan” pahayag ni Tata Celo. Inabot niya sa amin yung parchment, at nakasulat nga ito sa salitang kastila.
“Pat, naiintindihan mo to diba?”
“Konti, try ko ah” binasa nga namin yung sulat.
“Pat, yung adios lang alam ko. Farewell yun diba?” tumango lang si Pat bilang pagsang-ayon.
“Nunca vamos a entender el lenguaje de la mente
Pero sabemos que el lenguaje del corazón
Adios mi amor, la vida continua
Incluso si me haces daño
Incluso si me odiabas
Incluso si usted deja para ir de mí
Usted toma mi vida y me ha liberado
te amo
Si vuelvo
Mis pies se aún se ejecuta hacia usted
Y mi boca todavía pueda gritar su nombre
Mis labios sean el suyo
Tú eres mi luna
Incluso si
Nunca fui su Estrella
Adios”
Bigla akong hinawakan ni Pat ng mahigpit.
“Ok ka lang?” tanong ko.
“Dwight nabasa ko na to, yung tagalog version nito. Yun at yun ang nilalaman” pahayag ni Pat.
“Saan mo nabasa?”
“Kabisado mo yung Pahayag ni Lazarus na tula?”
“Oo”
“Sige nga”
Nagsimula ko ngang bigkasin.
“Ang lengwahe ng utak mo ay di ko maiintindihan
Ngunit ang salita ng puso mo ay malinaw
Paalam mahal, tuloy parin ang buhay
Kahit akoy nasaktan
Kahit ako’y kinamuhian
Kahit akoy iniwan
Buhay koy tangay mo man
Sa papawirin ay lutang
Mahal kita, at mamahalin kita
Kung ako’y babalik
Sayo ako at ika’y akin
Ang mga paa ko’y tutungo pabalik sayo
Ang bibig koy isisigaw ang pangalan mo
Ang labi ko’y sayo
Ikaw ang buwan ko
Kahit di ako ang bituin mo
Paalam”
“Wow, talas ng memorya ah. Kabisado”
“Ganun talaga eh pag mahal mo ang sumulat sa Pahayag ni Lazarus”
“At sino ang sumulat?”
“Si Sir Franco” dun kami nagkatitigan ni Pat.
“Bingo!” maikiling pahayag nito.
“It can’t be”
“Tú eres mi luna, Incluso si, Nunca fui su Estrella, Adios- ibig sabihin nun ay you are my moon even if I was never your star. Farewell. Ikaw ang buwan ko kahit di ako ang bituin mo. Paalam”
“Imposible”
“Nangyari na”
“Pero sulat to ni Simon”
“We really don’t know Dwight, this is all a part of a memory”
Kinuhanan namin ng litrato yung sulat ni Simon saka namin ibinalik ito kay Tata Celo.
“Salamat po” pahayag ko.
“Walang anuman. Ito nalang kasi yung natirang alaala ni Senyor Simon, nawawala kasi yung singsing niya”
“Tay, ano pong singsing?” tanong ni Pat.
“Singsing na simbolo ng pagkakaibigan nina Enrico at Senyor Simon. Gawa ito sa purong pilak. Pilak na nanggaling sa tinunaw na barya mula Italya”
Parang mas nanikip ang dibdib ko noon, dahil parang alam ko kung nasaan yung singsing. Matagal ko nang minamasdan iyon, at nagtataka kung bakit may maliit na naka-engrave doon na S & E. Ngayon alam ko na, malinaw na ang lahat.
Bumalik kami sa hotel noon na parang kagagaling lang sa isang horror house sa perya at bangenge na. Na animoy kailangan naming mag-pagpag dahil sa nagulantang kami sa mga naganap. Napagpasyahan ko ngang tawagan si Sir Franco.
“Oh kid kumusta ang Silay may chicks ba, nag-eenjoy ba kayo? Sabi ko sa inyo eh, maganda diyan”
“Sir, bakit sa dinami-dami ng lugar eto yung sinabi mo?”
“Eh dahil nga sa The Ruins diba?”
“Other than that Sir”
“Wala na kid”
“Yung totoo Sir” medyo mas malakas kong tugon.
“Galit ka?”
“Hindi po”
“Chill kiddo, ok? Wala talaga, gusto lang namin pumunta ni Francis diyan noon kaya lang di kami natuloy”
“Naalala mo yung Pahayag ni Lazarus Sir? Yung tula po niyo, san mo po yun kinuha, saan inihalintulad?”
“Galing yun sa utak ko at sa puso ko. Original yun men”
“Sir, paano kung sabihin kong may mas naunang nagsulat sayo ng ganun, same content, same message pero magkaiba ng lengwahe”
“That’s impossible, original ko yun”
“Everything is possible Sir”
Pagbalik namin ni Pat sa Manila ay ginawa na namin yung story namin na ipapasa kay Sir Franco. Ang non-traditional post apocalypse concept ay naging love story. Istoryang may pinagmulan, makatotohanan at may pinanghugutan. Ipinasa namin ito kay Sir Franco, matapos ang isang linggo ay bumalik na yung papers namin. Yung paper lang namin ni Pat ang walang rating.
“Class I prepared a copy for all of you. Let’s review the story of Mr. Go & Ms. Quinto & let’s have a reflection later”
Nag-distribute si Sir ng mga papel, 25 pages yung istoryang iyon. Tahimik ang lahat na nagbabasa, matapos ang matagal na katahimikan ay nagsalita ulit si Sir.
“Napansin niyo siguro kung bakit di ko binigyan ng rating ang papel ninyo, I was kinda intrigue. You brought us to a different time & different dimension. You brought us to a place where imagination will not remain just an imagination. What the hell did you two want to convey?”
Tumayo si Pat at nagsalita. “Apologies Sir, we just want to come up with a story na makukuha ang loob ng bawat mambabasa. We need to raise questions in their mind, gusto naming mapa-isip sila”
May tumayo sa isang classmate namin. “Sir, this is perfection. Hanggang ngayon po kinikilabutan parin po ako”
Nag-agree naman lahat ng aming ka-klase.
“Bakit may certain feeling ako na buhay na buhay ang istorya niyo?” pahayag ni Sir.
Tumayo ako. “Because it’s a true to life story Sir, this is not a fiction”
Nagulat lahat ang nasa room na iyon at nag-umpisang magbulungan.
“Class silence please”
“Totoo Sir, we have proofs. Simon & Enrico exists in the past, and all of the facts in there are true. Nangyari po ang lahat, at yung tula po na nakasulat sa salitang Kastila. Yun po ang huling sulat ni Simon Paulo bago siya nalagutan ng hininga” paliwanag ni Pat.
“Sir, naaalala mo nung tinanong kita kung saan mo nakuha yung idea ng Pahayag ni Lazarus?” tumango lang siya.
“Sinabi mo it was original, pero sabi ko hindi. Na may naunang nagsulat nito sa iyo. Totoo po ang sinabi ko. Nagpunta po kami noon kay Sir Zaide sa Linguistics para po ipa-translate yung tula na nasa istorya namin. At Sir, hindi man po siya eksakto sa sinulat niyo tugma po sila ng gustong ipahayag. Sir, we all exists in the past. We are all a part of a memory”
“It can’t be” sakto namang time na noon. Kaya lumabas na ang mga ka-klase namin at nagpakiwan kami ni Pat.
Ibinigay namin kay Sir yung printed copy nung letter ni Simon at yung translation ni Sir Zaide sa tula. Gulat na gulat si Sir.
“This is insane”
“May dapat ka pang makita Sir”
Ipinakita ni Pat yung kinunan niyang litrato.
“Sir, sila po sina Simon at Enrico”
Matagal na tinitigan ni Sir yung picture at hindi niya napigilang ma-iyak. Nagpunas siya ng luha at pinilit mag-smile.
“We really belong together, noon hanggang ngayon at sa hinaharap”
“Always” maikli kong tugon saka namin siya niyakap.
Kinuha ni Sir yung paper namin.
“I’ll keep this, this is too perfect”
Nag-smile nalang kami ni Pat. Uno kami sa istoryang iyon.  

No comments:

Post a Comment

Read More Like This