Pages

Wednesday, August 10, 2016

Nabangga ng Pag-ibig

By: Yin Zi

Noong pa lamang ay nais ko nang matuto maging manunulat ng mga kuwento…..Madaldal kasi ako pero mas madaldal ako sa isip ko…..Marami akong gusto na sana maisulat ko….Welcome po ang kritisismo pero sana po instead of bringing me down turuan ninyo po akong maging mas mahusay upang madevelop ko pa lalo ang aking kakayahan sa pagsusulat. Sa kasalukuyan ako po ay writer ng aming Dyaryo sa paaralan pero iba ang way ng pagsusulat doon kesa sa pagsusulat ng kuwento….Oh ang daldal ko di ba hehehehe…(wala rin pong kalibog-libog ang kuwento ko hehehehe sorry baguhan lang po)
Simulan na po natin……….
Isa ka ba sa mga inabutan na ng matinding unos ng ulan pero tigang pa rin?Oooppppsss ibig kong sabihin tumanda na at dumaan na ang mga maraming pagkakataon pero wala pa ring love life. Marahil may mga bagay lang tayong di makita sa mga pag-ibig na dumadaan sa atin kaya natin ito pinakakawalan o kaya naman wala as in walang nagkukusang lumapit at mag-ooffer ng limited offer na pag-ibig.Hirap no?
Maraming maaaring maging dahilan kung bakit ang isang tao ay di makahanap pero sabi nga nila may nakalaan para sa bawat isa sa atin.
Buwisit!!!! hanggang kailan pa ako maghihintay, ang mga kaibigan ko halos may asawa at anak na ako ito nganga pa rin?Ito ang laging bulong sa sarili kapag nag-iisa na si Richard sa kuwarto.
Sa maghapon ng pagtratrabaho, pag-uwi nais na lamang magpahinga, makinig ng mga paboritong kanta at sabayan ito. Yan na ang naging normal na takbo ng buhay ni Chard. Ngunit tuwing summer break nakaugalian na nitong mag-ehersisyo sa malapit na memorial park sa kanila. Kada hapon sari-saring tao ang kaniyang nakikita at nakakasabay.
Isang hapon naghanda na ito magtungo sa park, sinet na ang cellphone at ang earphone nito at lumabas na ito ng bahay. Wala kakaiba sa hapon na iyon maliban na lamang sa mga gumagawa ng tubo at nagsesemento ng daan.
Ito na siya napapangiti sa mga kakilalang nakakasalubong pero tuloy siya sa paglalakad.
Sa kanyang paglalakad...May nakita siya magjowa na sweet na sweet sa isa't-isa..
Chard: F@*K naman dito pa talaga naglandian, maghihiwalay rin kayo!!!(sigaw nito sa loob ng kanyang isip) (sabay lakad ulit ng mabilis)
Sabi ni Konsensiya: Inggit ka lang aminin mo!!!!
Chard: OO na obvious ba?(kinuha ang phone sa bulsa at mas nilakasan ang tugtog)
Saktong isa mga paboritong niya kanta ang kasalukuyan tumutugtog nais sana nito sumayaw pero nakakahiya.
Sige lakad lang at may kasama pang smile dahil sa naeenjoy ang tugtog......
Hindi nito napapansin na may nagmamasid sa kanya na nakakotse na kanina pang umiikot sa park mabagal lang ang galaw parang nagprapractice lang.
Sige lakad parang feeling cat walk may halong kendeng pero di na niya ito inintindi sapagkat inienjoy na lamang nito ang tugtog sabay sa kanyang paglalakad.
Aba ang kotse akalain mo nga naman sumasabay pa sa kanyang paglalakad. Ngunit sarado ang bintana nito at di rin naman niya ito pinapansin.
Bumagal ang lakad ni Richard ng tumunog ang mga kantang may hugot kaya medyo nasenti din ang lolo mo.
Napatingin na lamang ito sa langit ng sandali at huminga ng malalim.
Chard: Buwisit!Lovelife tunay ka ba?Asar!!!!(sabay yuko at kung anu-ano na tuloy ang pinag-iisip niya)

Magulo na ang utak ng single hahahha.......Di na tuloy maganda ang mood ng lolo mo. Pero lakad pa rin pero ang pokus ng utak nito ay kailan, paano, saan etc...........ng biglang napatagilid siya at ramdam nitong may bumangga sa kanya na kung anong malaking bagay di nito maexplain sa isip dahil sa kung anu-anong pinag-iisip nito.
Napagtanto na lamang niya na nabangga pala siya ng kotse pero di naman buong katawan tagiliran lamang nito ang nahagip actually kamay lang na winawagwag niya dahil sa kagustuhang mailabas ang frustration.
Napatigil siya dahil nakaramdam na ito ng sakit may lumapit pa na matanda para alalayan siya.
Bumukas ang pinto ng kotse at dali-dali itong lumapit kay Chard ngunit hindi nito malaman kung anong ang itsura nito dahil pokus pa rin siya sa kamay nito nabunggo.
Lalake: Sorry, Kamusta okay ka lang ba?Dalhin nakita sa ospital.
Ramdam mo sa boses niya ang concern
Napalingon si Chard pero parang "Stop" "Freeze" ang nangyari napatitig ito sa lalaki.
Chard: (sa isip nito) Wow huh ang cute parang KPOP na Hollywood superstar na model......
At nagsalita na rin siya
Chard: Ah....Eh....masakit pero okay lang kasalanan ko naman eh di ako nag-iingat.
Inabot ng lalake na mala-himala ang itsura ang kamay ng kawawang eng-eng. Tinignan ito at sinuring mabuti.
Lalake: Tara na sakay na sa kotse. (inalalayan na niya si Chard at nagpasalamat sa matanda)
Pagkasara ng kotse tumakbo na ito.
Chard: Okay lang to gasgas lang naman.
Lalake: Hindi ano ka ba baka may bali pa yan
Chard: DI okay lang talaga ako.
Napatingin ang lalake kay Chard, Nafreeze na naman ang lolo at parang may kuryente na dumadaloy sa kanyang kaloob-looban pati kasingit-singitan hahahaha
Chard: ah....eh teka Richard nga pala pangalan ko salamat sa concern. (pagkasabi napayuko ito dahil nakaramdam ng hiya)
Lalake: Bryan ang name ko.
Chard: Taga dito ka ba parang ngayon lang kita nakita?
Bryan: No
Chard: Vacation?
Bryan: No napadaan lang para bungguin ka. (kala mo seryoso pero pgkasabi nito ay may nakakalokong ngiti ang bruho.)
Chard: (SIRA ULO TO) ah okay....(nanahimik na lamang siya)
Pagdating sa ospital, inasikaso agad sila at tinignan kung anong problema.
Maayos naman at wala namang fracture.....nakahinga ng maluwag ang dalawa....
Pagkatapos noon inaya ni Bryan si Chard na magdinner sa kanila.
"Nabangga mo lang ako close agad tayo at aba may dinner pa?"
Sa una nahiya pa si Chard ngunit kinulit ito ng kinulit at sinabi na rin dagdag pang abswelto sa nangyari.
"pero di na kailangan kasalanan ko kasi ito wag kang mag-alala", " please wag ka nang kumontra pa"....tuloy na nagmamaneho ng may kabagalan di lang siguro malaman kung nagiingat na o may iba pangdahilan.
Nakarating na sila...."Wow!!!@#$% ang laki at ang ganda ng bahay nyo" habang nakanganga na pinagmamasdan ang malamansyong tahanan nina Bryan.
"ui baka mapasukan ng langgaw ang bibig mo".
Chard: (sinara ang bibig) Sainyo ba ang bahay na ito? Wow huh yayamanin pala kayo?
Bryan: Oo sa amin nga ito pero walang ibang nakatira dito kasi, my father and my mother have there businesses abroad at mayroon na rin kaming properties doon kaya doon na rin nagstastay at ang mga kapatid ko nasa abroad din may kanya-kanya na rin negosyo at buhay.
Chard: yaman!!!!
Bryan: Di naman hehehe
Chard: pahumble ka pa diyan.
Pumasok ang dalawa sa loob ng bahay at inutasan ni Bryan ang kanyang kasambahay upang maghanda ng hapunan.
Dumiretso sila sa kuwarto habang naghihintay na maihanda ang hapunan nila. Naupo ang dalawa sa gilid ng kama.
Tumayo si Bryan...."Kukuha lang ako ng maiinom"..."Okay sige" sagot ni Chard.Pagkaalis ni Bryan inilibot ni Chard ang kanyang paningin kakaunti lamang ang gamit sa kwarto ng bagong kaibigan, pero sabagay di naman siya di nagststay. May napansin itong libro sa may gilid na unan kinuha ito tinignan ng...."Palamig muna tayo" ibinaba ni Bryan ang Juice sa lamesa na malapit sa higaan nito. Ngunit tuloy pa rin sa pagtingin si Chard sa mga aklat na nakuha nito.
Tumingin si Chard kay Bryan ng may halong pagtataka...
Richard: Bryan, nagbabasa ka pala ng mga ganito?
Bryan: Yeah.....Bakit mo naman naitanong?
Richard: Ah...Eh kasi di ba.....(di matuloy ang nais sabihin iniisip nito na baka maoffend ang kaibigan)
Bryan: Ah.....Kasi ang mga book na yan ay may gay theme yun ba ang gustong mong itanong?Well i'm curious about that world that's why i have those books.
Richard: Ganoon ba?Kala ko kasi?....
Bryan: Alam ko ang tinutumbok mo.....Well i don't need to answer that kasi i know who i am....(umupo sa tabi ni Richard)
Uminom ang dalawa at tuloy ang kuwentuhan tungkol sa buhay-buhay. Nasabi rin ni Bryan na lumaki siya sa yaya na Pilipino at nag-uusap-usap din sila ng kanyang mga magulang at mga kapatid sa wika ng kanilang pinanggalingang bansa kaya matatas ito sa wikang Filipino. Marami rin silang napagkuwentuhan hanggang sa tawagin na sila ng kasambahay nina Bryan at sila'y naghapunan na.
Natapos na ang hapunan nagsabi na rin ako sa kanya na gusto ko nang umuwi ngunit kinukulit niya pa ako at gusto niya pa daw makipagkuwentuhan sa akin pero sabi ko gusto ko nang magpahinga. Bago kami sumakay ng kotse kinuha muna niya ang aking number wala daw kasi siyang makausap.....sa isip ko sige na nga papakipot pa ba ako sa katulad niya....
Nakauwi na rin ako at wala pa rin tigil ang pangungulit niya, I end our conversation with "Sige na sleep na ako Goodnight and Sweet dreams".Sinet ko sa silent ang phone ko para makapagpahinga na ako.
Kinabukasan chinek ko ang aking cellphone "Wow huh kulit talaga"
12 missed calls at 30 messages hehehehe adik lang ang lolo mo. Binasa ko naman isa-isa di ba adik din. Alas-nuwebe na pala ng umaga, well may kailangan pala akong gawin na report kahit kasi bakasyon report is report pa rin para sa kagaya ko. Sinagot ko muna ang ilan sa mga text niya para naman di niya akalain na wala na akong interest sa kanya. Maya-maya nagring ang phone ko at siya pala ang tumatawag "Ano na naman kaya gusto nito?Kung hindi ka lang cute naku" sinagot ko naman. "Hello, kamusta?Kamusta ang tulog mo?Uhmmm pwede ba kitang iinvite sa resort namin sa........." di pa siya tapos magsalita sumabad ako agad "Huh?Bakit ako wala ka bang makakasama or kamag-anak?". Medyo nahinto siya ng ilang segundo napaisip ata siya. "Ayaw mo ata eh?Wala kasi talaga akong makakasama busy sila auntie eh yun mga pinsan ko dito may summer class" di ako makatiis "Okay sige ilang araw ba tayo doon kasi kailangan makabalik ako at may program na kami next week sa school". "Great!!!Don't worry mga 3 days and 2 nights lang naman tayo doon at mag-eenjoy ka sigurado"....."Naku buti na lang wala akong gagawin, pero baka mahal sa pupuntahan natin eh limited offer pa naman ang budget ko ngayon"....sumagot agad ang lolo mo "Limited offer talaga ahahahaha!!!!Okay lang treat kita don't worry ako bahala sayo"..."Talaga?Bait mo naman" biruin mo na kakakilala lang kami noon nabangga niya ako tapos kala mo ngayon ang tagal na namin magkakilala....Masaya ako to be honest kasi sa gwapo, hunk and gorgeous body na kagaya niya hehehehe winner na!!!
Bago maputol ang usapan tinanong ko muna ang mga detalye ng lakad namin. Mukha enjoy doon mahilig pa naman akong lumangoy feeling sirena kasi hahahaha. Pagkatapos ng tanghalian nag-ayos ako ng gamit na gagamitin sa aming lakad. Kinabukasan na pala ang lakad at buti mabilis kong natapos yun report at mamaya pupunta ako sa opisina para ipasa ito. Magkatext pa rin kami grabe dami niyang kuwento at mga tanong. Natutuwa naman ako kinikilig pa nga eh. Pero di ko maialis sa isip ko na "Huwag kang tanga wala lang kasi makasama ang tao eh aksidente nagkakilala kayo at naging komportable siya sayo pero di ibig sabihin noon na pwede na kayo alam mo kayo" oo na tama na alam ko yun sa tagal ko pa naman naging champion sa "PAG-IBIG NA SAWI CONTEST". Kinagabihan excited na ako di ako makatulog pero inilagay ko sa isip ko yun makita ang place at hindi ang makasama siya. Magkatext pa rin kami susunduin daw niya ako bukas kaya get ready daw excited na rin daw siya sa lakad namin...."May Ganun" ang tanging sambit ko maya-maya nakatulog na ako.
Ala-sais pa lang ng umaga may tumatawag na sa akin. Bigla akong napabangon at tinignan siya pala.
Chard: Hello.....Ang aga pa ah?
Bryan: Okay lang yun para mas maaga tayong makarating, well i'll be there in 20 minutes...
Chard: Huh?Eh......okay sige maliligo na ako....bye
Nagmadali na akong nag-ayos, maya-maya'y nandito na ang mokong.
Nagpaalam na ako then umalis na kami di ko na siya niyaya sa loob ng bahay dahil alam ko nagmamadali na siya at baka kung anong isipin ng mga tao sa bahay.
Pinagbukas niya ako ng pinto habang nakatitig siya sa akin at nakasmile pa grabe sabay sabi "ingat sa pagpasok baka mauntog ka".....waaaahhhh ang sweet sinuklian ko lang siya ng ngiti. Siya na ang nag-ayos aking mga gamit sa likod ng kotse, pagkaayos nito ay umalis na kami. Sa daan medyo may kaba ako siguro excited at medyo ewan kasi bago lang kaming magkakilala baka ibenta niya lang ako or irape hahahaha basta yan ang mga umiikot sa aking isip habang naglalakbay kami at ng...
Bryan: Kamusta tulog mo?
Chard: Bitin pero okay lang pwede naman matulog dito sa car mo di ba hehehe?
Bryan: Ah ganun ban, excited ka siguro hahahaha (tawang parang wala nang bukas)
Chard: To be honest, TOMO!!!!pero kinakabahan din ako kasi alam mo na......
Bryan: Bakit ka naman kakabahan?Maingat naman akong magdrive ah at di naman kita pababayaan doon.
Chard: Di naman yun eh kasi di ba bago lang tayong magkakilala (di na mapigilan ang nais sabihin) baka may mangyari....
Bryan: Mangyari?Like what?Marape kita ganun?hahahaha
Chard: GG to!!!!baka nga!!!!Baka aswang ka tapos kainin mo ako (pero medyo nahiya ako na para gusto ko naman ang narinig ko)
Bryan: Alam mo matulog ka na lang muna gisingin na lang kita maya-maya.
Niready ko na sarili ko at maya-maya din ay nakatulog na ako pero may worries pa rin dahil oo nga pala malakas akong humilik.
Nagising ako ng may naramdaman akong kumakalabit sa akin, si Bryan baba muna daw kami para kumain. Pagbaba ko tawa ng tawa ang loko.
Chard: Anong nakakatawa?(nagtataka pa ako natural may sagot na ako baka siguro dahil sa paghilik ko na kasing lakas ng makina ng truck)
Bryan: Wala (pero di ito makatingin ng diretso)
Kumain muna sila at habang nasa restaurant nagkuwentuhan muli ang dalawa.
Nagsimula na kaming magkuwentuhan ng kung anu-ano
Bryan: Pwede ba akong magtanong?
Chard: Okay lang ano yun?
Bryan: Nagkaroon ka na ba ng.......
Chard: Ng ano?BF/GF?wala eh hirap nganga pa ako ngayon.
Bryan: Ah pwede ba akong mag-apply?
Chard: Huwag na di tayo bagay.....Marami akong magiging karibal hehehe at sino ba naman ako para magustuhan mo no wag ka ngang ano diyan hehehehe(tawa lang pero may kurot naman talaga ito sa kanyang loob)
Bryan: Bakit naman ganyan ang thinking mo?God loves everyone kahit anong color ng skin ng tao, height, weight, economic status etc.........So apply ako sayo?
Chard: Tigilan mo nga ako ng ganyan hirit mo kung gusto mo ligawan mo muna ako baka sakali.....At ayaw ko sa sobrang gwapo at paasa...
Bryan: (magsasalita na sana ito ng dumating ang order nila at biglang nagsalita si Richard)
Chard: Ikain mo lang yan nabobored ka lang siguro kaya pinagtriripan mo ako hehehhe
Kumain na sila.........then nagpadesisyunan nila bumili ng maiinom at mangangata after kumain.
Nagsimula na kaming magkuwentuhan ng kung anu-ano
Bryan: Pwede ba akong magtanong?
Chard: Okay lang ano yun?
Bryan: Nagkaroon ka na ba ng.......
Chard: Ng ano?BF/GF?wala eh hirap nganga pa ako ngayon.
Bryan: Ah pwede ba akong mag-apply?
Chard: Huwag na di tayo bagay.....Marami akong magiging karibal hehehe at sino ba naman ako para magustuhan mo no wag ka ngang ano diyan hehehehe(tawa lang pero may kurot naman talaga ito sa kanyang loob)
Bryan: Bakit naman ganyan ang thinking mo?God loves everyone kahit anong color ng skin ng tao, height, weight, economic status etc.........So apply ako sayo?
Chard: Tigilan mo nga ako ng ganyan hirit mo kung gusto mo ligawan mo muna ako baka sakali.....At ayaw ko sa sobrang gwapo at paasa...
Bryan: (magsasalita na sana ito ng dumating ang order nila at biglang nagsalita si Richard)
Chard: Ikain mo lang yan nabobored ka lang siguro kaya pinagtriripan mo ako hehehhe
Kumain na sila.........then nagpadesisyunan nila bumili ng maiinom at mangangata para sa kanila ilang oras pangbiyahe.
Oo na aaminin ko kahit na ilang araw palang kaming magkakilala eh ikaw ba naman single na manok linalapitan na ng palay mag-iinarte pa ba. Pero napapaisip din ako baka kasi aasa ako, bibigay ako at magmamahal na ako tapos mawawala. Habang bumibili kami ng maiinom kasi medyo malayo pa ang lakbayin yan ang mga tumatakbo sa isip ko. Mabait siya sa akin actually first time ko ngang maranasang may gwapong ito yun ganito basta yun na yun....
Balik biyahe na kami mga 4 na oras pa daw, hay naku mangangalay na naman ako aking puwit sa tagal ng biyahe. Gusto kong matulog ulit ngunit iba ang bagabag na dala ng usapan namin kanina, oo na umaasa ako na totoo yun at sana hindi biro.
Nakasilip lang ako sa bintana, ng.....
Bryan: Ang lalim ata ng iniiisip mo? Are you okay?
Chard: Ah wala ito....(umayos ako ng upo at titingin sana ako sa kanya ngunit sakto patingin siya sa akin nagkabanggaan na naman ang aming mga paningin)
(sinamahan ko lang ng ngiti)
Bryan: Huwag kang mag-alala maya-maya makakarating din tayo.
Hindi naman yun eh.....Hindi talaga yun ang nasa isip ko.....atat akong tao gusto ko agad ng sagot kahit makipagtalo ako basta may sagot akong makuha pero this time, shocks nasaan?nasaan ang tapang ko?

No comments:

Post a Comment

Read More Like This