Pages

Wednesday, August 10, 2016

Lutong Callboy (Part 1)

By: Chris

Hi readers. Direktang entrada na, hindi ito libog o maka labas tamod na story. Sana magustuhan niyo at ma inspire kayo. Matagal na kong reader sa KM hanggang sa naging maingay na chatter na din. May nasulat na din akong story dito pero purong libog yun. Kaya I decided to share a heart pounding kind of story. Enjoy reading.
“Hay naku anak, kung hindi lang talaga para sa ikabubuti mo ito ay hindi kita susuportahan dito sa lipat bahay mong ito” sambit ni Mama matapos uminom ng nagyeyelong tubig.
“True, Sis Kuya, sabi mo nga for the sake of moving on, you have to do this” reklamo naman ng kapatid ko habang nagpupunas ng tumatagtak niyang pawis.
“Mama at Bunso, kung kelan nadala na natin lahat ng gamit tsaka naman kayo nagreklamo.”  Sagot ko naman sa lahat ng hinaing nila, eh totoo naman kasi kung kelan nadala at naiayos ang lahat saka pa magrereklamo.
Ako si Chris Villanueva, 25 years old, bisexual at natanggap ng pamilya. I’m a workaholic person madami akong trabaho but I make sure naman to give time to family and friends
I decided na lumipat ng condo para makalimot sa walang hiya kong ex. We’ve been in 2 years relationship pero ang hindi ko alam 6 months lang pala siyang naging akin, ginamit niya lang ako sa loob ng isa at kalahating taon para masunod ang luho niya at ng malandi niyang girlfriend. Sobrang sakit, I thought my first relationship will be my last but its not. Kaya para tuluyang malimutan ang lahat, nilisan ko ang lugar kung saan lang kami nagkikita.
  Si Mama Imelda at kapatid kong si Trixie ang kasama ko sa buhay, maagang namayapa si Papa kaya kami na lang tatlo na lang ang magkakasama kaya todo kayod ako para maibigay pangangailangan nila nag aaral pa kasi si bunso.
-----------------------
Pagabi na ng nagising ako. Umuwi na si Mama at bunso, hindi na rin siguro nila ako ginising dahil alam nilang pagod ako. Naramdaman kong nagwawala na ang tiyan ko, kaya naghanap ng makakain sa fridge buti na lang at pinagluto muna ng adobong manok ni Mama bago umuwi. Madami ang niluto kaya naisipan kong bigyan yung kabilang unit. Nasa dulo ang unit ko kaya isa lang ang kapitbahay ko.
*Tok tok tok*
Pagbukas ng pinto niluwa ang pogi at pawisang lalaki, ulo lang nakasilip sa may pinto pero tagaktak ng pawis niya. I wonder kung anong ginagawa niya.
“I’m Chris, dito ako nakatira sa tabi mo, bago lang ako. Napadami itong lutong ulam ko, so pa welcome offering ko.”

“Okay. Thank you” nakasimangot niyang kinuha ang pagkain at binagsak pa ang pinto.
“Suplado naman ng kapitbahay ko” pabulong akong umalis.
Nakalipas ang ilang araw at ganun ang gawain ko, bibigyan siya ng ulam. Nakagawian ko na kasi yun kahit sa dati ko pang unit. Pero paulit ulit lang lagi at yun ang reaksiyon niya, susupladuhan at pagbabagksakan ako ng pinto. Kahit pangalan man lang ay di ko alam. 
Nakatanggap ako ng offer ngayong gabi to judge in a bikini pageant kaya bago ako umalis ay idinaan ko na ang ulam pero halos 5 minuto na kong kumakatok pero walang tao, kaya dinala ko na lang kasama paalis yung ulam.
Pagdating ko sa venue, the stage is set, kumpleto na daw ang 25 contestants at kami na lang judges ang kulang kaya nung makumpleto kaming  ay agad na nagumpisa ang pageant. Maganda ang production number nila by 5 pumapasok ang contestants, as usual they wearing skimpy bikini at bakat ang dapat bumakat, yung iba nga makikita mo pa kung saang direksyon nakapaling ang mga batuta.
Sa pagpasok ng last batch of contestants, napako ako sa pagpasok ng last contestant, ang ganda ng katawan niya, well chiseled, para siyang naglalakad na machete, yung mga mata niya nanlilisik kasabay na mapang akit niyang ngiti, mas lalo siyang naging seductive ng makita niyang isa ako sa judge. ang kapitbahay kong pogi sumasali sa ganitong pageant.
“Kung gusto mong uminit ang iyong gabi, halika sa aking tabi, Earl Cruz 26 ang kilabot ng Makati.”
“Grabe ang sarap talaga ni Earl walang kupas” sabi ng katabi kong judge sa may kaliwa na bakla din
“Titig na titig siya sayo oh, take out muna sulit siya. Daks yan, semi erect pa lang yan nakikita mo” sabi  naman ng katabi ko sa kanan.
Buong gabing di nawala sa isip ko si Earl, hindi ko alam na ito pala ang pinagkakaabalahan niya. Natapos ang pageant First Runner up lang si Earl, chukchakera kasi yung Champion. Hinanap ko siya after the pageant, namataan ko siya na pauwi na. Kaya hinabol ko siya.
“Earl, congrats kanina, sabay ka na sakin pauwi.”
He smirked at matalim ang mata bago sumagot.
“Paligoy ligoy ka pa, diretsahin mo na ko na gusto mo kong maka sex, 10k buong gabi ako sayo, saan mo gusto sa unit mo o sa akin, total magkapitbahay naman tayo.” Nagulat ako sa sagot niya, biglang bumaba ang tingin ko sa sarili, kaya nakailang lunok ako bago sumagot.
“Grabe ka naman, hindi ba pwedeng kawanggawa lang walang malisya.” Sinusubukan kong magbiro to lighten up the conversation.
“Suuus, pare parehas lang kayong katawan at titi ko ang habol kaya sabihin mo na kung gusto mo, basta alam mo na service fee ko.”
“Oo bisexual ako,pero hindi ako whore. Kung nasanay ka na lahat ng baklang nilalapitan ka eh gusto kang tikman, ibahin mo ko. From the start, I’m trying to be nice, pero ikaw itong sobrang suplado. Wala akong hidden agenda sayo. Oh heto pala yung ulam, wala ka kasi kanina, nadala ko, baka wala ka pang ulam. I’ve change my mind,I’m cancelling the offer, mag byahe ka na lang pauwi,baka kung ano pang isipin mo na gagawin ko sayo sa sasakyan. Ingat ka na lang.”
Nakakailang hakbang pa lang ako nung umalis.
“Sandali,….  hindi na ba pwedeng sumabay?.. sayang libre na din pauwi.” Kaya naman pala niya ang malumanay na boses mas masarap sa tenga.
“Hintayin mo na lang ako diyan, dadaanan na lang kita.” Pagalit kong sagot.
Tahimik kami sa sasakyan pinaramdam ko sakanya na naoffend ako sa sinabi niya kanina. Well maniwala siya at sa hindi, never akong nakipag one night stand, nag hire ng callboy o nagbayad para lang sa ligaya.. Kaya nga laking galit ko sa ex-boyfriend ko sa ginawa sakin. Ang ayoko ko sa lahat ay gamitin at lokohin ako.
Bumasag sa katahimikan ang pagtunog ng cellphone niya.
“Hello, may problema na naman ba?” sino kayang kausap niya..
“Ano?!! Dalhin mo sa ospital, dun na lang tayo magkita” mabilis niyang tinanggal ang seatbelt.
“Itabi mo, bababa na ako”
“Eh sandali, ang dinig ko hospital, meaning emergency yun, ihahatid na kita kesa bumaba ka pa.”
“Huwag ka ngang makialam, ibaba mo na ko at sasakay na lang ako ng taxi.”
“Gabi na mahihirapan kang humanap ng taxi,matatagalan ka pa”
“Stop the car at bababa na lang ako, huwag ka nang mapilit! May libre kang chupa bukas”
“Fuck! Ano ba yang nasa isip mo.  I’m just trying to help, wala kong planong ikama ka!! JUST TELL ME WHERE IS THAT FUCKING HOSPITAL!!.”
“Saint Joseph Medical Center” agad niyang sagot napabuntong hininga na lang ako at pinaharurot ang sasakyan.
Andito na kami sa hospital ngayon, mabilis siyang tumakbo papunta sa loob, sa hindi ko malaman na dahilan sumunod ako sa kanya, nakita ko ang pag aalala sa mukha niya, kaya na intriga ako sa mga nangyayari. Lumapit siya sa binatang lalaki na nasa labas ng Emergency room. Yun marahil ang kausap niya kanina. Inabutan niya ito ng pera at naglalabas ang binata at sinalubong ko ito.
“Hi, kapatid ka ni Earl?”
“Nope,.pamangkin niya ko. Sino ka ba customer niya?”
“Naku, hindi kaibigan niya ko, nagpumilit lang ako na ihatid siya dito”
“Hahahaha, huwag ka ng mahiya, alam ko naman at naintindihan ko kung bakit ito ang trabaho niya, kahit ang talino at madiskarte siyang tao.”
“Bakit nga ba parang galit sa mundo yang Tito mo?”
“Huwag niyo na pong alamin, bawal at hindi pwedeng sabihin, ayokong mabugbog, sayang ang gwapo kong mukha” sabay kindat at haplos sa kanyang baba.
“Okay sige, here’s my calling card, tawagan mo lang ako kung sakaling kelangan niyo ng tulong.”
“By the way, ako po si Edward, ahmmmm Kuya or Ate Chris?”
“Loko ka! Kuya syempre”
Pag uwi ko sa bahay, buong gabi kong nasa isip si Earl, napaka misteryoso niyang tao. Andami kong gustong itanung sa kanya pero alam ko naman na hindi niya ito sasagutin. Hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit parang gusto kong malaman ang lahat tungkol sa kanya. Sa kakaisip ko ay tuluyan na nga akong nakatulog.
-----------------------------------------------------------
Gabi gabi ko pa din siyang dinadalhan ng ulam. Alam ko na kung bakit lagi siyang pawis na bumubungad sa pinto. Yun ay dahil may customer siya. Nasanay na ko at gabi gabi niya din akong tinutukso na threesome daw kami para doble kita niya. Kaya minsan para makaiwas, kumakatok na lang ako at iniiwan sa may pinto ang ulam.
Malalim na sa gabi, habang binabagtas ko ang kalsada ay may biglang unknown number na tumatawag.
“Yes, hello”
“Kuya Chris! Kelangan ko tulong mo hindi ko macontact si Kuya Earl eh, sinugod ko na naman sa hospital si Lola.” Boses pa lang alam kong s Edward na.
“Huh! Oh sige papunta na ko.”
Nadatnan kong umiiyak si Edward sa labas ng emergency room. Nalaman kong may ovarian cancer pala ang Nanay ni Earl, at madalas na itong mag vaginal bleeding, malaking pera ang kelangan sa gamutan kaya marahil ito ang dahilan niya kaya siya napasok sa ganitong maduming trabaho. Inilabas din siya nung gabing yun, kelangan lang daw ibalik ang chemotherapy, ako na ang sumagot sa bill. Tumanggi si Edward dahil magagalit daw si Tito Earl niya pero wala siyang nagawa at nabayadan ko din.
Habang nag aayos ako ng gamit papasok sa opisina,isang malakas na katok na halos masira ang pinto ang narinig ko. Pagbukas ko ng pinto, malakas niya itong sinara at mabilis sinakop ang aking mga labi, nanlaban ako kaya mabilis ko siyang naitulak.
“”Ano bang ginagawa mo!!”
Hindi siya sumagot, kalakip ng kanyang nanlilisik na mata ay halong panggigil na angkinin ako. Halos hindi ako makagalaw sa pagkulong niya sa kanyang naglalakihang braso habang nakadagan siya sakin sa sofa.
“Earl, anong bang problema mo, Earl pakawalan mo ko, bitawan mo ko!!” sa lakas ng pagpupumiglas ko ay nagawa ko siyang itulak. Tatakbo ako palabas pero nahuli niya ako at nagawang itrap sa pader.
“Sinong may sabi sayong, tulungan mo ang pamilya ko? Huh, huh,huh” sambit niya habang mariin akong hinahalikan.
“Earl, ano ba?!” patuloy kong pagtanggi sa ginagawa niya
“Huwag ka nang pumalag, I’m just returning the favor, hmmm hmmmm” masakit na ang kamay ko sa higpit ng hawak niya pati ulo ko dahil tumatama ito sa pader sa bawat pag iwas ko sa halik niya. Kaya wala kong nagawa kundi ang manlaban.
“Hmmmm,hmmmm,hmmmm” nanlaban ako sa mga halik niya itong nakita kong paraan para makawala sa kanya, kasabay ng pagtulo ng luha, inumpisahan kong pagapangin ang kamay ko sa mala adonis niyang katawan pero sa halip na sumabay sa akin at ipagpatuloy ang ginagawa niya natigilan at napako si Earl.
“Chris Stop” mahinahong turan niya.
“Ano! Hmmm, ano diba itong gusto mo ang bayaran ng katawan mo hmmm hmmm, ang lahat ng tulong ko sayo, hmmm.”
“I said stop”
*slap*
“Bakit ha” sigaw ko habang tinutulak ko siya at patuloy na pagbagsak ng luha ko. “Bakit napakababa ng tingin mo sa akin!,(*slap* )bakit kahit kelan hindi mo ko napakitaan ng maganda! Bakit laruan lang ang tingin mo sa kagaya ko! Ha, sumagot ka! Gago ka, binababoy mo na ko, sumagot ka.”sumbat ng garalgal kong boses.
“Dahil sa tatay ko!........Bakla ang Ama ko Chris! Nagising na lang ako isang gabi nakatali at hinahalay na tatay ko! Wala kong nagawa kundi itago ang lahat dahil Tatay ko siya, pamilya kami, ayokong mawasak pamilya namin, kaya kahit halos gabi gabi niya ko ginagamit, pinabayaan ko na lang, kasi akala ko walang mawawala sakin,  tapos ano! iniwan niya lang din kami at sumama sa lalaki niya. Matapos kong itago ang lahat ng panghahalay niya sakin, hahantong lang sa iiwan niya kami at sasaktan niya si Nanay. Kaya ngayon mo ko tanungin kung saan nanggagaling lahat ng galit ko sa mga katulad mo! Sarili ko ngang ama binaboy at inabando ako. Kayo pa kaya! Ikaw pa kaya!.”
“Kaya mo ba pinasok ang ganitong trabaho?”
“Oo, ito ang nakita kong paraan para makabawi sa tatay ko, ang paglaruan ang mga katulad niya, ang paikutin kayo, gamitin at perahan. Total hindi ko rin naman siya mahanap, eh di yung mga  kagaya niya ang gamitin ko, para buhayin kami ng nanay ko, sinwerte pa nga kami sayo kasi hindi ko na kailangan ng serbisyo kusa ka na nagbibigay ng pera o baka naman kasi ang pamangkin kong si Edward ang gusto mo, ayaw mo sakin kasi gamit na gamit na ko. Sabihin mo lang, papupuntahin ko siya dito.”
“Ilang beses ko bang sasabihin sayo na tumutulong ako, at ang pagtulong kahit kelan ay hindi humihingi ng kapalit. At tsaka pwede ba, kesa sa idamay mo sa mahalay mong mundo ang pamangkin mo, iiwas mo na lang siya, bigyan mo ng direksiyon ang buhay niya, huwag mo na lang itulad sayo!”
“Ilang beses ko din bang sasabihin sayong wag kang nangingialam.!”
“TALAGANG HINDI NA EARL! Huling huli na ito Nakakasawang tulungan ang taong hindi naman marunong mag appreciate ng ginagawa mo. At alam mo,isa lang nakikita ko sa dulo ng lahat ng ito, sa huli, IKAW PA DIN ANG TALO, dahil kahit kelan walang  magandang dulot ang paghihiganti, ang poot, ang galit. Now,Leave.”
Natulala si Earl, hindi siya makatingin ng diretso sakin.
“I said leave!” tahimik siyang lumabas ng kwarto.

Halos buong gabi akong umiyak. Masakit aminin sa sarili ko pero Mahal ko na si Earl, ang akala ko na kaya niya ginagawa ito dahil sa Nanay niya pero hindi, paghihiganti pala ang ugat ng lahat ng ito. Sa nakikita ko, walang pag asa mahalin niya ko, masyadong malaki ang galit niya sa katulad ko. Maybe, I will just start unloving him, bago pa ko sobrang masaktan.
After two weeks……..
Papasok na ko ng unit pero iniisip ko na kalat na lilinisin ko. Dalawang linggo din hindi ako umuwi dito matapos ang confrontation namin ni Earl. Iniiwasan ko na siya kasi alam ko naman na yun ang mas makakabuti sa akin. Bubuksan ko na ang pinto ng biglang….
“Hi ikaw yung nakatira sa unit na yan” tanung ng isang babae maputi, may kulay ang buhok at medyo chubby na nasa 5’2 ang height.
“Yes, ako po.”
“Naku sabihan mo naman yung katabi mong unit, gabi gabi nagiingay diyan sa labas ng unit mo, hinahanap ka, isang linggo na siyang istorbo sa tulog namin. Kung hindi pa kami tatawag ng security hindi siya papasok. May mga anak ako and everyday na lang silang puyat dahil sa kanya.”
“Ah ganun po ba, naku pasensya na po kayo,ngayon lang din po kasi ako nakauwi dito.”
“Ah ganun ba, siguro naman hindi na siya magiingay diyan kasi andiyan ka na. O sige, I’ll have to go.
“Sige po bye.”
Kababalik ko lang pero pinapaisip na naman ako ni Earl, kaya sa halip na paputukin ko ang utak sa kaiisip sa kanya, pumunta ako sa bahay nila, alam kong wala siya doon sa unit dahil sa gabi lang naman siya nandoon.
Pagdating ko sa kanila, nadatnan ko si Edward, pinapakain si Tita Elisse, anlaki ng pinagbago ng hitsura niya. Mas pumayat siya at parang hinang hina na ang katawan niya.
“Kuya Chris” masayang bati ni Edward.
“Hi,kamusta? Si Tito Earl mo?”
“Wala po siya dito, umalis eh.”
“Ah ganun ba. Sige alis na din ako, Tita binilhan ko nga po pala kayo ng prutas.”
“Salamat, Chris pwede ba kitang makausap kahit sandali lang.” mahina niyang sambit.
“Oo naman po.”
“Edward pwede bang maiwan mo muna kami” pag alis ni Edward isa buntong hininga ang pinakawalan niya bago magsalita.
“Malaki ang pasasalamat ko sa Diyos na dumating ka sa buhay namin lalo na sa buhay ng anak ko, matagal ko nang dalangin na sana dumating yung tao na makakapagpabalik sa dating Earl,yung mabait, palabiro at mapagmahal, nararamdaman kong ikaw ang sagot sa dasal ko Chris, kaya sana huwag mo siyang layuan tulungan mo akong bago mawala sa mundong ito, makapiling ko muli yung totoong pagkatao ng anak ko, ilayo mo siya sa kung anung mundo ang meron siya ngayon.”
“Tita Elisse, siya lang po ang makakagawa ng hiling niyo sakin. Masyado pong masakit ang pinagdaanan ni Earl sa Tatay niya naging bunga po ito ang malaking galit niya sa mga kagaya nito,katulad ko.Bulag na po siya sa kabutihan ng iba sa kanya, minamasama niya po lahat ng ginagawa ko, pagod na po ako. Patawad po pero hindi ko po magagawa ang nais niyo. Huwag niyo pong ipagdasal ang taong babago sa anak niyo, ipagdasal niyo po na siya mismo ang magbago at mahanap ang kapatawaran sa kanyang puso. Mauna na po.” halos hindi ko na makita ng ayos si Tita dahilan sa luhang umaagos sa mata ko. Mas pinili kong hindi na patagalin ang pag uusap namin dahil nadudurog ako habang nakikita siyang kasabay ng pagdurusa sa sakit niya ay ang pighati sa anak niya.
Nakakatalikod pa lang ako ng muling magsalita si Tita.
“Alam kong may hindi kayo pagkakaunawaan ni Earl, ilang gabi siyang dito natulog at parati niya nababanggit ang pangalan mo, humihingi siya ng tawad, kaya sana mapatawad mo siya.” Nagulat ako sa sinabi ni Tita Elisse marahil yun din ang dahilan kung bakit niya ko hinahanap sa unit.
Paglabas ko ng pinto, nandun si Earl nakayuko  at matalim ang mata, siya ang dahilan kung bakit ako pumunta sa bahay pero bakit parang biglang ayaw ko na siyang kausapin kaya naman nilampasan ko na lang siya bago pa man ako makalayo ng tuluyan sa kanya ay nahagip niya na ang braso ko.
“Bakit ba ang kulit mo ha! Sinabi ko naman sa yo na hindi mo kailangang tulungan ang nanay ko pero bakit patuloy ka pa din ha, sagutin mo nga ako, bakit Chris ha bakit!...”
“Kasi mahal kita, nakakatuwa diba,minahal kita sa kabila ng trato mo sakin, sa mga katulad ko. Ang buong akala ko kapag tinulungan kita lalayuan mo na ang mundong ito pero akala ko lang yun kasi hindi pala ito ang dahilan kung bakit mo pinasok ang mundong ito.”
“Ginagawa mo ito kasi Mahal mo ko. Hmmm ngayon tingnan mi ko ng diretso Chris. Pakinggan mong mabuti ang sasabihin ko sayo. HINDI KITA MAHAL AT HINDI KITA KAYANG MAHALIN.”
“Alam ko Earl, mas mabuti pa din siguro na kalimutan na lang kita ang hirap mahalin ng taong nabubuhay dahil sa galit. 10 taon ang lumipas sa halip na gugulin mo ang bawat oras mo sa mabuti, sa kung paano mo siya mapapatawad mas pinili mong magpadala sa galit, mas pinili mong maghiganti. Earl naman,gumising ka napag iiwanan ka na, tumatakbo ang oras, lumilipas ang mga araw, natatapos ang mga taon, umiikot ang mundo pero ikaw nasan ka, andun hindi makaalis sa nakaraan.”
Sa pangalawang pagkakataon iniwan ko siyang nakatulala. Paulit ulit kong naririnig ang mga sinabi niya “HINDI KITA MAHAL AT HINDI KITA KAYANG MAHALIN.” Halos hindi ko makita ang daan, hindi ko alam kung paano ako nakarating ng ligtas sa unit ko.

…….After three months……..
Birthday ko ngayon, mas pinili kong magcelebrate ng simple kasama ang pamilya ko at si Edward. Dala dala ko pa din yung sakit kay Earl pero masaya naman ako sa nabalitaan ko na hindi na daw ito callboy, ibinalik na din nito ang unit niya sa customer na nagbigay sa kanya. Ayon kay Edward, bago namatay si Tita Elisse nasaksihan niya ang pagtalikod ng kanyang anak sa mundong ginalawan nito.
 Alam din pala ni Earl kung nasaan ang Tatay niya, pinuntahan niya ito sa isang Home for the Aged at dun niya nalaman na may satyriasis ang Tatay niya dahilan para malulong ito sa droga,alak at sigarilyo. Napagtanto ni Earl na biktima lamang siya ng sakit ng kanyang ama, kaya bago pa mahuli ang lahat ay nagawa niya itong patawarin sa katunayan daw ay ilang linggo pang itong bumibili ng kailangang gamot ng kanyang ama. Sa huli, binawian din ito ng buhay.
Alam ni Edward na mas makabubuti sa mapag isa muna ang kanyang Kuya Earl, simula ng malaman niyang ampon siya, Kuya na ang itinawag niya dito. Kaya heto at halos isang buwan na siyang sa akin nakatira. Masaya ako para kay Earl, pero nalulungkot ako na sana sa mga ganitong panahon ko na lang siya nakilala.
“Kuya alis na kami.” Sabi sakin ni bunso.
“Huh? Akala ko dito kayo matutulog.”
“Anak, walang tao sa bahay natin ang mga kayamanan ko baka mawala.”
“Nay naman, o sige na ingat kayo. Eh teka hoy Edward! Kasama ka?”
“Oo anak, ang bigat kaya ng mga dala namin kelangan ng tagabuhat.”
“Sige na, pero bantayan niyo yang dalawang yan ni Trixie baka kung anung gawin ng dalawang iyan.”
“Grabe ka Kuya! Hindi ako papatol sa lalaking walang kasing yabang.!”
“Lalo naman akog hindi papatol sa babaeng suplada pa kay Lavinia.”
“Hahaha, O siya bye na. Salamat kahit buong maghapon kayong nag away.”
Umuwi na nga sina Nanay, napasaya naman nila ako ngayong birthday ko. Sinubukan ko kasing imbitahin si Earl, pero natapos ang araw hindi naman siya nagpakita.
Pagkatapos kong maglinis at maligo, naghahanda na ko sa pagtulog pero laking gulat ko ng may kumatok sa pinto, medyo malalim na ang gabi kaya naisip ko na baka naisip ni Edward bumalik at dito na lang matulog.
Pero halos lumuwa ang mata ko at mabingi ang tenga ko sa pintig ng puso ko ng makita ko kung sino ang nasa labas ng pinto.
“Earl.”
“Happy Birthday.” Isang matamis na pagbati at ngiti bigay niya sakin, ilang segundo bago ako sumagot.
“Salamat.” Para kong istatwa na napako sa labas ng pinto.
“Bakit ba gulat na gulat ka, diba imbitado naman ako, o anu pakakainin mo ba ko o dito na lang tayo sa pinto.”
“Halika, pasok, maupo ka muna at maghahanda lang ako ng pagkain. “
Habang naghahanap ako ng natirang pagkain sa fridge.
“Chris, I’m leaving.”
“Huh? Kadarating mo lang aalis ka na agad, mamaya na kumain ka muna.”
“Not like that, I’ll be working abroad for 4years contract.” Natigilan ako, kung kelan ayos na kami balak niya naman umalis. Napabuntong hininga ko bago nagsalita.
“So anu, you showed up on my special day, just to say goodbye. Great! You’re so fucking great! You just ruin my birthday.” Sambit ko habang nagpipigil ng luha.
“Hindi sa ganun Chris, I’m here to say sorry, for everything. Ive been blinded by hate for the past 10 years and because of you I was able to see things clearly again. I know you’ve hated me so much but its because I have to feel you that way. I’m sorry, Chris please, patawarin mo ako.” Nagugulat ako sa mga binibitawang salita ni Earl.
“Ang tagal kong hinintay na marinig sayo ang salitang yan. If you just  came here to ask  for my forgiveness  well, you’ve forgiven. Have a safe trip.” Tatalikuran ko na sana siya dahil ayokong makita siyang aalis pero hinila niya ko pabalik.
“Buong buhay ko, punong puno ako ng pagsisisi, mas pinili kong sundin ang utak ko kesa sa puso ko. Kahit ilang beses kong gustong talikuran ang mundong yun hindi ko nagawa, hanggang sa lumipas na ang mga taon at tuluyang nawalan ng direksiyon ang buhay ko. Ngayon, ayoko ng lumipas na naman ang taon na pagsisihan ulit ang bagay ng ito, kung hindi ko ipagtatapat sayo ang nararamdaman ko. I LOVE YOU CHRIS, I LOVE YOU MORE THAN YOU LOVE ME, this time, I’m not expecting you to love me back, I cause so much wounds in your heart and I don’t care if you’ll hurt me more than that but I can take the pain more than the pain you got from me. I will be patiently waiting just give me a chance to make you feel my love for you. Please.”
“Pero sabi mo noon….”
“Alam ko, its because I don’t deserve you. I’m not the right man for you, you deserved someone better.” Sobrang naiiyak ako sa tuwa sa mga naririnig ko sakanya. Mga bagay na noon ko pa sana gustong marinig.
“Earl. I don’t need a billionaire to love me, I need man who will love me purely. I’ve been to so much pain when I’m so inlove with you and to tell you, until now I’m still hurt.” Muli na naman niyang pinutol ang sasabihin ko. Hinawakan niya ko sa pisngi at sinabi
“I’m here to redeem myself, to bring back your love from me. Kahit ano gagawin ko, maalis ko lang yung sakit na dulot ko sayo. Please, Chris, hayaan mong ligawan kita. Kahit nasa malayo ako, papatunayan ko sayong ikaw lang ang laman nito(sabay turo sa puso niya). Answer me Chris, can you give me a chance?

To be continued………

No comments:

Post a Comment

Read More Like This