Pages

Sunday, August 7, 2016

One in a Million Chances (Part 2)

By: Prince Zaire

Nagrarounds ako sa 3rd floor ng makasalubong ko si Dra. Cherry.
“Uyy, Mi Cherry Amor. Kamusta?”
“Yan nanaman tayo sa Mi Amor na yan. May asawa na ko no, di ka pa ba nakamove-on sa akin?”
“Loko to. Si Rain kumusta?”
“Gwapo parin, type mo parin ba asawa ko?”
“Hala siya, pero pwede bang mahiram kahit isang gabi lang?” pabiro kong tugon.
“In your dreams Cedric. Nga pala, balita ko mag-aasign na daw ng bagong Head sa Surgery ngayon eh bat wala ka sa Board Room?”
“Nagtaka ka pa, di ako qualified”
“Over qualified ang sabihin mo. Eh sa training sa Korea, sasama ka ba?”
Nagtaka ulit ako sa sinabi niya. “Anong training?”
“Hala Cedric san ka ba mundo galing at di mo yata alam ang mga nangyayari dito sa ospital.”
“Hayaan mo na Cher, bahala na sila basta ang akin lang magawa ko ng tama ang trabaho ko.”
Nagpaalam na nga siya matapos nun. Ako naman dumaan sa Board room at nakita ko dun sina Dr. Yuli at si Martin. Parang nasaktan ako sa nakita ko, dahil kung skills, track record at training lang naman ang usapan ay lamang ako sa kanila. Pero ganun talaga ang buhay, kung sino pa yung deserving siya yung di nabibigyang pansin. Na-frustrate ako kaya umakyat ako sa rooftop at nasindi ng yosi. Sakto namang tumawag si Samuel.
“Hello”
“Ba’t ganyan boses mo, ang tamlay?” tanong niya.
“Pagod lang bok, ba’t ka napatawag?”
“Kinakamusta ko lang baby ko, masama ba?”
“Bok, this is not the right time for your jokes. Di nakakatuwa”
“Ano ba problema, sabihin mo sa akin”
“Wala”
“Ano nga, ramdam ko meron”
“Am I not a good doctor? Di ba ako deserving para sa title na yun?”
“Sus, sinong may sabi niyan uupakan ko. Ikaw na ata ang pinakagwapo, pinaka-sexy at lovable na Doktor na nakilala ko. At saka magaling pa.”
“Bolero”
“Seryoso ako, kaya nga mahal ko yang doctor na yan eh. Doc, suture ka ba?”
“Hindi”
“Ako suture ako, I’m your suture. Your one and only”
Kahit corny ay medyo napatawa niya ako.
“Wag ka nang uulit ha?” pahayag ko.
“Nasa Manila na pala ako sa Linggo, sasama ka ba sa akin sa amin?”
“Siguro”
“Yan ka nanaman eh, kailangan ko ng assurance”
Di ako umimik, dahil ako kailangan ko din ng assurance sa kung ano talaga yung gusto niyang mangyari sa aming dalawa.

“Bok, andiyan ka pa ba? Yohooo, may kausap pa ba ako. Mukhang masama pakiramdam mo ah. Gusto mo ba ng Yakapsule at Kisspirin? O mas gusto mo ng Biogesex?”
“Next time ka nalang tumawag” saka ko binaba na yung phone. Nagtext naman ulit siya.
“Bok, I love you”
I just ignored it.
Umuwi ako ng bahay kahit di pa tapos ang shift ko.
“Oh hijo bat ang aga mo umuwi?”
“Inaantok na ko, sige Ma goodnight!”
“Hala, alas sais palang ah”
“Ma, not now. Please!”
“Yung pinsan mo di ka daw macontact, di mo rin daw nirereplyan. Labas daw kayo”
“Pakisabi busy ako”
Nagshower muna ako bago natulog. Di na ko nagdinner that time dahil nawalan ako ng gana sa mga nangyari.
Nang sumunod na araw ay naisipan kong mag-file ng indefinite leave. Tumungo ako sa unit ko sa The Fort at dun tumuloy. Wala akong inertertain na kahit na sino, pinatay ko din yung phone ko. Then suddenly on my 5th day ng pagmumokmok, may nagdoor bell sa unit ko. I’m not expecting someone. Pagkita ko sa peephole si Esang yung nasa door kaya pinagbuksan ko siya. Naka-boxers lang ako that time.
“Ano?” tanong ko sa kanya dahil nakatulala lang siya.
“Ahy shet. Ang hot mo ah, ano yang look na yan After sex look ba yan? Kaso wala kang glow eh, mukha kang drained”
“Wag mo kong ginaganyan wala ako sa mood”
“Nagkaroon ako ng idea para sa next issue namin. Ahy, shala. Bongga teh, pwede, pwede talaga. Kailangan mong pumayag. Now na”
“Wag mo nga akong dinadamay diyan sa mga kalokohan mo, oh bat ka nandito?”
“Teka lang, awra ka lang diyan. Picturan muna kita” nakasimangot ako sa kanya pero pinicturan parin niya ako. “Ay wait lang, isusulat ko lang yung storyline para di ko makalimutan- ayan perfect”
Nakasimangot parin ako sa kanya nun. “Ano bat ka nandito. At pano mo nalaman nandito ako”
“Hello, pag naglalayas ka san ka pa ba pupunta edi dito diba. Tanga lang teh, common sense lang pinagana ko. Oh ano nanaman this time?”
Kwinento ko nga kung anong nangyayari, sa pagitan namin ni Dad. Him being so cold to me, and not giving me enough attention. Pati yung kay Martin nakwento ko narin. And second ay yung kay Samuel.
“Sino ba tong Martin at Samuel na to. May picture ka ba diyan”
Kinuha ko yung phone ko at pinakita ko sa kanya yung picture nina Martin at Samuel.
“Ahy perfect, teh kailangan ko silang dalawa para dito sa magazine issue na to. OMG, naaamoy ko na yung bestseller scent”
“Si Martin ok pa, pero si Samuel ewan ko lang”
“Alam mo teh, parang may hawig ka kay Martin. Actually bagay kayo”
Inismiran ko lang siya. “Kilabutan ka nga sa sinasabi mo”
“So eto palang Samuel ang sundalo mong jowa?”
“Hindi ko siya boyfriend. Di ba nga ang complicated nung setup. Lalake siya, sundalo. May girlfriend, nabuntis niya pero di na niya daw mahal dahil mahal daw niya ako. Baka kasi lust lang yung nararamdaman niya sa akin at balak lang akong gawing parausan”
“So ang kaso?”
“Anong so ang kaso? Di mo ba nagegets, kahit saang anggulo mo tignan ako yung talo. 1st forbidden love, 2nd magiging third wheel pa ako. Na magiging dahilan kung bakit mawawalan ng ama yung bata pag nagkataon? Ayoko ng ganun”
“Why not give it a try”
“I already tried that, and ako yung talo in the end”
“Ay tama, oo nga pala. Yung feeling na gusto mong sumama kay Jared nun at iwan ang pagmemedicine just to save the relationship. Tapos all this time, may long time girlfriend pala siya na asawa na niya ngayon at ina ng anak nila”
“Kailangan i-detail talaga? Tang ina.”
“Mahal mo parin ba?”
“Of course not”
“Kumusta na kaya yun ngayon?”
“May sarili na siyang Construction firm”
Parang biglang nagliwanag yung mukha ni Esang kaya naman naguluhan nanaman ako.
“Ano nanaman yan?”
“Wala. Wag ka nga”
“Ramdam ko may binabalak ka. Kung ano man yan, wag mo nang ituloy”
Ngumisi lang ang lokaret.
“Jessamine, ano yan. Ayoko yang mga ganyan mo”
“Teh, kailangan ko ng Doktor, Arkitekto, Inhinyero, Piloto at Abogado baka may mga kakilala ka” sabay nakakalokong ngisi.
“Nananadiya ka?”
“Luh, hindi ah nataon lang na may pinsan kang piloto, ex na inhinyero, arkitekto at abogado”
“Upakan kita gusto mo at nang maging permanent na yang pagka-red ng tuka mo”
“Ang harsh mo, bes sige na. May utang na loob ka pa sa akin tandaan mo yan. Para sa magazine to Cedric, nakataya kaluluwa ko dito. Tiyak na magiging best seller to talaga”
“Oh tapos”
“Ikaw ang photographer total diba kilala mo naman na si Shaira assist mo nalang siya. It’s your time to shine Doc”
“Pumayag na ba ko, ayoko yang idea baka marevoke lisensya ko. Mawalan pa ako ng pasyente”
“Ay tinitiyak ko pag lumabas tong isyung to maraming aatakihin sa puso at kinakailangan ng atensyon mo. Mag-momodel ka rin, ikaw yung centrefold feature.”
“Ba’t ako? Ayoko”
“Ang arte nito, basta Cedric sa Saturday yung photoshoot. Wag ka mawawala, pag di ka sumipot end of friendship na to. Kilala mo kong magalit”
“Is that a threat?” tinaasan ko ng kilay.
“Sige na bes, please. Kikiss kita ng torrid gusto mo?”
“Eaaaaaaw, pakyu ka. Di ako tomboy no. Get a life slut”
“I’m the best slut editor in town bitch”
Dumating yung araw ng photoshoot at nakita ko nga dun yung pinsan kong si Nate, si Dr. Martin, yung ex kong si Jared na Engineer, si Patrick na abogado, si Regie na Arkitekto. Naka-tattered jeans ako at sweat shirt nun. Naka-camou cap at aviator shades, ibang iba sa everyday na porma ko. Kaya naman natulala sila pagdating ko, pati si Esang di agad ako nakilala.
“Now what?”
“Teh, akala ko naka Doctors outfit ka pupunta. Ang taray ah, kabog ang porma”
“Start na natin. Ang daming satsat”
Mga casual wear yung una kong pinicturan, si Shaira ang naging assistant imbes na ako. Wala daw kasi siya sa mood, pag ako nalang daw ang sasalang dun na siya eeksena. Sumunod yung mga signature look ng bawat profession. Tapos dumating na sa medyo sexy part. Dahil Summer Special Anniversary issue siya ay pinakiusapan sila kung pwede medyo sexy o topless. Pumayag naman silang lahat. Eto namang pilyo kong pinsan gustong mag-brief nalang para daw cool. Pakitang gilas ang gago, palibhasa maganda ang katawan at may maipagmamalaki.
“Lakas ng loob natin pinsan a”
“CastaƱeda to insan, walang inuurungan. Gandang lalake ba naman usapan”
“Yabang parin insan”
“Syempre. Ui, you owe me a night out. Marami ka ng utang sa akin. Mamaya?”
“Call”
“Sige, sama natin silang lahat”
“What?” nabigla ako sa sinabi niya.
“Ayaw mo ba?”
“Hindi naman”
“Yun naman pala eh”
Para akong nakukuryente sa ginagawa ko dahil ang kikisig ng mga model na to. The fact that may Chemistry at History kami ng mga to. Mga subject na nauuwi sa Physical Education at Health (alam na). Iba parin sila makatitig, natutunaw parin ako. Pero di na bumibilis yung pintig ng dibdib ko. Nilapitan na ako ni Esang nung alam niyang patapos na.
“Teh ikaw na susunod ah, magpaayos ka na dun mamaya”
“Esang ayoko ng topless ah, wala sa usapan yun”
“Ang KJ mo, eh sa condo mo nga kulang nalang bare it all ka eh”
“Basta ayoko”
Binatukan niya ako. “Umayos ka, di ko ibibigay TF mo”
Inayusan na nga ako ng make-up artist. Ang tagal ng pag-aayos sa akin, parang inopera lang. Buhok pa lang, inabot ng halos trenta minutos. Nung matapos nagulat nalang ako sa itsura ko. Para akong Korean Rockstar na ewan.
“Ay ang galing talaga nitong si Bambi, pak na pak yang itsura at get up mo oh. Ewan ko nalang kung di sila maiinlove ulit sayo. Yung mga nang-iwan diyan, who you kayo ngayon.” Malakas niyang pahayag, kaya hinampas ko ang braso niya.
“Eskandalosa ka, di ako ang iniwan, ako ang kusang kumalas. Magkaiba yun”
“Kamukha mo yung sa Dream High 2 yung partner na guy ni JB dun” pahayag ni Esang.
“O siya, siya, awra na. Nangangati ako dito sa mga koloreteng to. Madaliin na natin yung photoshoot”
Andami nilang kinuhang shots, andaming anggulo, andaming change outfit at retouch na naganap.
“Shaira, ano ba yan. Wala pa bang pumapasok sa taste mo. Andami na nating shots ah”
“Shhhh, bawal madaming kyeme. Awra ka lang diyan girl”
“Cedric, hubarin mo na yang suot mo. Mag-brief ka lang” tugon ni Esang.
“Hala, wala sa usapan yan kay Nate lang yan”
“Ano ba yan insan. Ang arte mo, hubad na parang di ka CastaƱeda” dagdag ni Nate.
“Lisensya ko nakataya dito no. I don’t like”
“Ok kung ganun, topless nalang tapos ilow-waist natin yang pants mo para makita yang lining ng Calvin Klein undies mo. Payag ka ba dun?” suhestiyon ni Shaira.
“Call”
“Pero babasahin ka namin para may effect”
Nanlaki ang mata ko, pero pumayag narin ako para matapos na.
Natapos yung photoshoot at basang basa ako, na siyang kinasaya naman nina Shaira at Esang. After nun ay nagtungo kami nina Nate sa isang bar at doon uminom. Ang awkward talaga, dahil nasa iisang table lang kami at kausap ko pa ang mga taong naging parte ng nakaraan. Andiyan yung tititigan nila ako, magpapacute. O di naman kaya’y sasadyain nilang idikit yung mga binti nila sa akin. And worst, hahawakan nila yung kamay ko sa ilalim ng lamesa na di napapansin ng pinsan ko. Buti nalang at isa isa na silang nagpaalam. Nakareceive ako ng text galing sa kanilang tatlo, nagsasabing masaya silang nakita muli nila ako. Nag-aaya na manood ng sine next time, magkape, nag-aaya na bumisita daw ako sa unit nila. WTF men, past is past.
“So couz, anong atin. May bago ba? Wala ka pang pinapakilala ah”
“Kelan ba ko may pinakilala. Walang bago, oh anong ganap sayo?”
“Eto YOLO, nag-leave muna ako sa Airline company. Gusto ko muna mag enjoy, nakakasawa rin kasi na puro stewardess nalang nai-slay ko”
“Loko ka talaga”
“Salamat pala sa opportunity na to ah”
“Opportunity ba tawag mo dun, coercion yun”
“Grabe ka naman. Ui, may seafood pala ako sa unit. Ano dating gawi?” sabay ng nakakalokong ngisi.
“Gago, graduate na ko sa ganyan”
“WTF men, seryoso? Walang ganun men. Tara na YOLO brad, YOLO. Maganda siya. I met her in Valk last night, we smoke weeds and have awesome sex. Come join us, na-miss ko yung threesome & DP. Shet cool nun”

“Ang libog mo parin, ayoko na sa ganyan. Good boy na ko”
“Sus good boy daw. Ced, namiss ko yung bj mo. Pati yang ass hole mo, damn I missed the tightness pre”
“Pakyu ka, past is past. Lasing at High lang tayo nun. Tsaka magpinsan tayo no”
“So what diba, atleast we’re enjoying”
“Ah basta, wala wala wala, ayaw ayaw ayaw”
“Ced naman eh, yun pa naman pinunta ko dito sa Pinas. Kahit sa kotse nalang, quickie lang please” sabay puppy face.
“Ang kulit, NO!”
Kinuha niya yung kamay ko sabay dantay sa crotch niya. Tigas na tigas na nga ang mokong. Agad ko namang inalis ang kamay ko. Ngumingisi lang ang gago sabay kindat sa akin.
“NO NATE, I have to go. May pasyente pa ko”
“Bad trip oh.”
Pinandilatan ko lang siya.
Sa lahat ng pinsan ko, si Nate yung pinaka-close sa akin. Mayaman sina Nate at sa San Francisco na sila nakatira. Nate is a head turner, medyo blonde yung buhok na pabrush-up. Mas matangkad siya kesa sa akin, gym fit, may mga stubbles,firm jawline, facial hairs & chest hairs. Parang mga hulmahang Brazilian Models. Matambok ang pwet niya at may maipagmamalaking sandata. Straight siya, playboy at very liberated. He smoke weeds occasionally, dahil sa kanya I also tried it once. Yun yung dahilan kung bakit may nangyari sa amin. As I said, Nate is an Airline Pilot.
The next day ay pumunta sina Shaira at Esang sa unit ko for the interview.
“Ba’t kailangan pa nito eh kilala niyo naman na ako”
“Wala nang maraming tanong, basta umupo ka diyan at sagutin mo yung mga tanong namin. Maliwanag ba?”
“Maliwanag”
Si Shaira yung unang nagtanong.
“Spit or swallow?”
“Seryoso ka yan yung tanong mo?”
“Spit or swallow?”
“OR”
Pinandilatan niya lang ako.
“Top or Bottom?”
Pinandilatan ko din siya.
“Wag kang mag-alala teh, ice breaker lang to” pahayag niya.
“OR”
“Gilitan ko kaya yang leeg mo Cedric” banta ni Esang
“Eh kung putulin ko kaya yang esophagus mo”
“Cedric, boxers or briefs” tanong ulit ni Shaira
“Wala na bang mas unique na mga tanong?”
“Ang kyeme mo talaga”
“Spit if hook up, swallow if you love. Always bottom, but if requested can be top. I prefer both boxers & briefs. So ok na?”
“Why becoming a Doctor instead of something else?” seryosong tanong ni Shaira.
“I want to become a superhero in that clean white robe. Isang factor din na galing ako sa pamilya ng mga doctor”
“Do you find yourself sexy even inside the operating room?”
“Everybody is sexy in their own way. Yes, I find myself sexy in a scrub suit. Someone also said that to me”
“If not medicine, what course you should’ve taken?”
“Law maybe or Architecture. But I’m not good at both, maybe Modelling course”
“What’s the hardest case you’ve encountered in the operating room so far”
“It happened during my 1st year of residency in a Hospital in Boston. It was a by-pass operation. I nearly fainted even if I’m just assisting the surgeon. It was really nerve wracking”
“Ako na magtatanong” pahayag ni Esang, I just nod.
“Cedric, you are one of the big names in your hospital. What are your plans? Next moves? Are you going to be the next C.O.O or Hospital Director?”
“Next C.O.O- No. Hospital Director- NO. I’m just planning to elevate the the capacity of Doctors here in the country particularly those who are cardio-thoracic surgeons. I’m planning to have another comprehensive training abroad, maybe Seoul this time”
“You took good care of the hearts of your patients. Is there someone who is taking care of your heart Doc?”
Tinaasan ko siya ng kilay. “Is it necessary?”
“Sagot Cedric, naka-record ka”
“Oh sorry. Taking care- none. But making it beat that fast- yes there is.”
“Are you in-love?”
“Yes”
“If you fall in love again, what profession suits your taste?”
“It’s not about the profession, it’s about the person. But to answer your question, I love men in uniform – a soldier perhaps.”
“If time travel do exists, and you have one in a million chance to go back. What particular event in your life will you want to go back to”
“It’s hard to fight with time. What’s done is done. I don’t want to go back. I’m happy on what I’ve done and even those that I failed to do”
“Last, describe Cedric outside the operating room”
“I’m a half weird, half crazy diesel fuelled son of a bitch. Loves to eat, to travel, to read, to write. I love to take photos. I usually spend day-off in my room watching movie series. Doing nothing but eat sleep and listen to good music”
“What about sex?”
“Lets not talk about it”
After the interview kumain kami sa labas, kwentuhan at tamang inom lang naman. Inabot kami ng gabi kaya naman hinatid ko sila pauwi. Sakto namang may nadaanan kaming banggaan ng isang Truck at Taxi, kaya hininto ko ang sasakyan at naki-usyoso. Wala pang mga medics nun, kaya nakiusap ako dun sa pulis at nagpakilalang doctor at baka kako malapatan ko na ng paunang lunas. Pumayag naman sila.
Pagkakita ko dun sa driver, mukhang malala ang tama kaya naman tumawag na agad ako sa hospital. Maliit yung chance na ma-survive niya yung impact. Yung mga sakay niya, swerte namang mga cuntusions lang at bruises ang tinamo. Ngunit yung isang babae, umiiyak na dahil dinurugo na siya.
“Miss buntis ka?”
Tumango lang yung babae. Makalipas ang 15 minutes ay dumating na ang ambulansiya ng ospital kaya naman tinakbo na agad yung mga biktima. Sasama sana ako nun eh, kaya lang pinigilan ako ni Esang.
Bago ako natulog ng gabing iyon ay nag-check ako ng phone. Inaantay ko na tumawag si Samuel. Tatlong araw narin kasi siyang di nagpaparamdam. Nag-aalala man ako, pero wala naman talaga akong karapatan para maging ganun.
“Ano na kayang nangyari dun?” tanong ko nalang sa sarili ko.
Kinabukasan di ko na talaga natiis, tawag ako ng tawag. Text ng text pero wala siyang response.
“Damn, why aren’t you picking up”
Tinuloy ko nalang yung usual kong ginagawa sa ospital, magra-rounds bago ang OPD Check-up. Napag-alaman kong DOA yung taxi driver na tinakbo sa ospital kahapon at na-admit naman yung girl pero di nasalba yung bata. She had a miscarriage.
Pagbaba ko ng lobby, nakita ko si Samuel na naglalakad papalapit sa direksiyon ko. Diretso ang tingin at parang seryoso. Parang nagliwanag yung mukha ko nung makita ko siya. “Man of surprises talaga tong taong to”
Ng malapit na siya, nagsalita ako. “Bok, nasorpresa naman ako. Di ka nagpaparamdam tapos nandito ka. Naks gwapo parin ah” Pero di niya ako pinansin, tuloy tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makalayo na siya sa akin.
“Captain Singson” sigaw ko kaya nagtinginan ang mga tao sa akin. Di siya lumingon, patuloy lang siya sa pag-akyat sa hagdan. Parang nasaktan ako sa ginawa niya. Parang napahiya ako dun. Ano ako hangin? Estatwa, dinadaan daanan lang? Andami kung tanong kung anong nangyari, kung anong nagawa kong masama. Kaya naman buong araw akong balisa, dahil ang bigat ng pakiramdam ko nagyosi nanaman ako.
Naglalakad-lakad ako sa hallway na tulala at di ko napansin na nakasalubog ko pala si Dad.
“Dr. Castaneda, you look weird. Are you ok?” tanong ni Dad.
“Don’t mind me, I’m just tired”
“We have a surgery today, can you assist”
“No, kaya mo na yan. Matanda ka na Dad”
“Loko to, oh sige pahinga ka muna”
Nagmukomok ako sa office ko, just staring at the blank stupid white ceiling. What happened between the two of us. Saka ko narealize.
“Ay oo nga pala, di nga pala tayo. Hay naku Moonstar 88 buti pinaalala mo”
Tumunog yung paging system.
“Paging Doctor Cedric Castaneda, Dr. Cedric Castaneda, please proceed to the ER now”
Dali dali naman akong bumaba sa ER, at nakita ko ang isang batang lalake na tirik na ang mata at bumubula ang bibig.
“Bakit ako yung tinawag niyo, asan yung mga ER doctors?”
Di na sila sumagot. Nang malapatan ko na siya ng lunas ay saka naman ako nakareceive ng phonecall mula sa Hert Center.
“Dr. Cedric Castaneda Speaking”
“Cedric, this is Dr. Robert Aguirre. We have a patient here with hypertrophic cardiomyopathy. We need you here, we need your expertise. We need to perform an immediate operation. I’ll send you the chart.”
“Seryoso as in now na? I also have patients here”
“Please Cedric, Dr. Chu & Dr. Pineda are out of the country, you are our last resort”
“Robert, Septal Myotomy takes hours at di natin alam kung masusurvive ng pasyente yung temporary na pagtigil ng puso niya”
“That’s why we’re importing you. You know what to do”
Habang nasa biyahe ay nirereview ko na yung chart ng pasyente, pati yung mga tests. Mukhang mahihirapan talaga kami.
Nakakabingi yung katahimikan sa loob ng operating room. Bukod sa mga humihingang aparato at mga beeping sounds at wala nang nagsasalita.
“Let’s begin, I’ll do the incision on the chest” tumango lang sila.
“Robert insert the cannula in the aorta please”
He just nod.
“Kindly check pressure gradients-needle”
“Cedric, increase pressure gradients”
“Ok, now administer IV”
Mukhang umaayon pa ang tadhana sa amin noon at wala pa namang nagiging problema.
“Doc, what about the aneurysm”
“Maybe later, ECG”
“Doc pano yan, mahina heartbeat niya”
Napatanga nalang ako at parang ayaw gumana ng utak ko.
“Put the patient under cardio-pulmunary by-pass”
Tinignan lang nila ako lahat, na parang gulat na gulat.
“What if….” Pinutol ko na yung sasabihin ni Robert. Ako nga din eh kinakabahan baka kasi permanently na yung paghinto ng puso niya.
“Stop there, this is a part of the process. You can’t examine the left ventricle tract & the mitral valve if the heart is not still.”
“But chances are?”
“Thin I know, but I don’t care if we only have one in a million chance in here. God will provide as always. Theres no such thing as 100% chance in Medical Science.”
Nag-undergo na yung pasyente under the heart-lung machine. I started examining the left ventricle & the mitral valve para makita ko yung hypertrophic muscle. Ingat na ingat ako sa mga obstructive fibrous tissues.
Napaka-ironic talaga ng buhay, puso- ang liit na parte pero napaka delicate niya. Napaka-importante niya, ma-wrong move ka lang sa gagalawin mo sa kanya iba na ang kahihinatnan. Tagaktak parin ang pawis ko lalo pa at lumalalim na yung napupuntahan ko, lumalapit na sa apex ng ventricle. Nanginginig man at natatakot sa pwedeng maging kahihitnatnan tinuloy ko parin sa abot ng aking makakaya.
Matapos ang mabusising procedure na yun ay inutusan ko silang tanggalin na yung heart-lung machine.
“So what do we do now?” tanong ni Robert.
“We wait” napabuntong hininga nalang kaming lahat.
“5 seconds” sabay iling ni Robert, pagkasabi niya nun tumunog yung monitor at pumintig ulit yung puso ng pasyente. Parang kung anong bagay na nagliwanag ang aming mga mukha.
“Cedric it works”
“Now lets deal with the aneurysm”
Gabi na nung matapos ang operasyon at talaga namang pagod ang katawan at utak ko. Nagawa ko pang bumalik ng ospital dahil may kailangan pa akong asikasuhin. Para akong pupungas-pungas sa paglalakad papasok sa hospital lobby. Tulala at parang malayo ang iniisip. Natunugan ata ang pagdating ko at narinig ko ang alingawngaw ng intercom.
“Paging Dr. Castaneda, please proceed to Operating room 3 immediately”
“Tatlo kaming Castaneda dito, which is which” tugon ko, pero common sense nalang ang umiral kaya naman nagtungo ako sa scrub room at nagpalit saka dumiretso sa OR.
Pgkadating ko dun di na magkamayaw ang mga medical staff at di narin mapipigilan ang mga aparato sa pag-iingay. Nakita ko dun si Martin na parang nagpapanic at di nanaman alam ang gagawin.
“What the hell!” bulyaw ko.
“Doc, patient under hypovolemic shock. We’re loosing him”
“Nurse Ja, anong nangyari dito”
“Trinansfer po from other hospital dahil di nila ma-cater ang ganitong trauma case. Nabagsakan po ng crane at nabuhusan ng semento’t mga bakal from 3rd floor slab”
“Damn at di niyo alam ang SOP for such cases? Pinapanood niyo lang?”
Sumagot si Martin. “I’ve tried responding to the more critical aspects Doc. But…”
I cut him short.. “Shut up & do your job”
Umiling lang siya na parang naiiyak na. Tinignan ko ang pasyente pati ang mga monitor na nasa paligid.
“Initiate IV, we need to obtain percutaneous access in the antecubital veins” utos ko.
“Yes Doc”
“Nurse, Isotonic Crystalloid”
“Lactated Ringer solution po ba?”
“Yes, fast. 1 Litter”
Matapos ang ilang minuto. “Doc no improvement. Bagsak parin po ang vitals niya”
Tinitigan ko lang si Martin kaya nagsalita siya. “The patient is hypotensive”
“Nurse Ja, ikuha mo ko ng Type O Negative RH Blood sa Blood bank. Others, continue the crystalloid”
“Ok”
Lumapit naman si Martin at iniangat ang paa ng pasyente na halatang namamaga.
“May diabetes ang pasyente?”
He just nod.
“Start the transfusion simultaneously with the solution”
Sumunod lang sila sa utos ko.
“Doc, medyo bumabalik na ang vitals”
“But still ba’t ganun. I’m missing something”
“He has hemothorax” tugon ni Martin.
Inirapan ko siya. “And you did nothing? Then perform thoracostomy”
“Ok Doc”
“Nurse, Pakuha ako ng Dextran 70”
Napaka-critical ang lagay ng pasyente, ang bigat na trauma ang sinapit ng katawan niya. Maingat kong nilapatan ng lunas ang mga critical parts ng katawan niya. Nang matapos ay bumuti naman ang lagay ng pasyente pero unconscious parin at kailangang mag-undergo ng iba pang tests.
Nang matapos ang operasyon at trinansfer na ang pasyente, kinausap ko silang lahat. “All of you, to my office now”
Parang silang mga basang sisiw na hirap makalakad papunta sa opisina ko.
“Who gave you the permission to initiate operation in such case like that?” tanong ko.
“Doc sorry po, napilitan po akong mag-opera dahil kulang po tayo ngayon sa surgeons. Kaya binigyan po ako ng permiso ni Dr. Albert at Dr. Leon Tan-Gan to do it. Meron din po kasi silang on-going surgery kanina.”
“And you panicked? Di niyo alam i-settle ang ganung sitwasyon? What the hell, pano kung namatay yung pasyente?”
Si Nurse Ja na ang sumagot. “Doc, mawalang galang na po ah pero ginawa naman po lahat ni Dr. Abrahano ang makakaya niya kanina. Kaya lang po nung sa may cardio-thoracic area na po, medyo nag-aalangan na siya. Sakto naman pong dumating kayo”
“But still, di na kayo estudyante para di alam ang SOP for such trauma cases”
Sumagot naman ang isang bagong Nurse. “Sir nagpanic lang po talaga kami”
“Don’t call me Sir, I’m not a teacher”
“Sorry po Doc”
“You all really did your part but it’s not enough. Ayoko nang mangyari to. The patients almost died in the operating table. He suffered from hypovolemic shock at di niyo alam ang tamang procedure?”
“Marami po kasing complications Doc” tugon ni Nurse Ja.
“That’s not an excuse”
“Ok, Doc Cedric, it’s all my fault I’m sorry. Nadamay lang sila” tugon ni Martin.
“Sorry po Doc di na po mauulit. Nagpanic lang po talaga kami dahil napaka-critical po ng case na yun. Lahat po kasi kami dun kanina ay mga baguhan at kulang pa sa skills” paliwanag nung bagong Nurse na tinawag akong Sir kanina.
“What’s your name again?” tanong ko.
Nag-aalangan pa siya noon na sumagot pero sinabi niya din ang pangalan niya. “Renz po Doc”
“Well Renz I don’t need skills I need attitude & common sense Ok? We don’t hire 2nd best, if you’re hired here you’re one of the best. Maliwanag ba? Hindi sa tagal yan eh, it’s about passion and dedication sa work”.
“Opo Doc, noted”
“Nag-dinner na ba kayong lahat?” umiling lang sila.
“Tara, kain tayo my treat”
Agad naman silang nagalak.
Balisa parin si Martin habang nagdi-dinner kami kaya naman matapos kaming kumain ay inaya ko siyang magkape para makausap narin.
“I’m sorry for being stubborn kanina, I’m just exhausted and not on the mood” pahayag ko.
“Ok lang, tatanga tanga naman kasi ako eh. Sorry Cedric ah, masyado na akong pabigat”
“Don’t say that, hindi ka tatanga tanga. Well I admit it, minsan. You’re just afraid, you have skills pero mas dinadaig ka ng takot mo, mga what if’s mo”
“Siguro I’m not really deserving to be called a Doctor”
“Nagreresidency ka palang naman, lahat tayo dumaan diyan. You’ll learn along the way”
“You know what kung bakit ako laging takot, because I don’t want to see another man dying in-front of me”
“Go on, I’m listening” sabay sip sa Macchiato ko.
“It was two years ago pero iniiyakan ko parin pag naalala ko. Naka-duty ako nun sa ER, at isinugod dun yung Mama ko na nag-aagaw buhay dahil nabangga yung sinasakyan niya. Wala akong magawa kundi panoorin ang mga ibang doctor para irevive ang Mama ko. Wala akong nagawa kundi umiyak imbes na tumulong para siya ay mabuhay. Ganun ako lagi, bakit ganun. Pinanood ko lang siyang mamatay.”
Parang nakaramdam ako ng guilt ng marinig ko ang story niya. He is a good son, a good person and a good Doctor. I just hate him because I’m jealous & I’m such a brat. Instead of mentoring him what I did is push him away. All of a sudden niyakap ko siya, di ko alam kung bakit ko ginawa yun. Nabigla man kaming parehas pero wala na kaming nagawa.
“I envy you Cedric. I envy your skills, I envy you having a perfect life & a perfect family. You’re my idol. I like you, I want to be like you”
“Be who you are, don’t be a son of a bitch replica”
“So are we friends now?”
Tumango lang ako at nakita ko yung gumuhit na ngiti sa gwapo niyang mukha.
“Tang ina gwapo talaga tong mokong na to” tugon ko sa sarili ko. Tinuloy kung pinagmasdan ang mukha niya at parang ini-scan ko ang buo niyang kaluluwa.
Medyo nailing siya sa ginawa ko kaya nag-iiwas siya ng tingin.
Malalim na ang gabi kaya naman nagdesisyon akong sa Director’s Quarter nalang ako matulog. Pagbalik ko ng ospital ay sakto namang nakasalubong ko si Samuel, pero as usual kahit na naka hinto na ako ay di parin niya ako pinapansin. Para lang akong hangin, direderetso lang siya sa paglalakad.
“Manong guard pakisabi naman po diyan sa lalakeng yan kung anong problema niya ba’t di niya ako pinapansin, pakisabi miss ko na siya.” Sigaw ko.
“Eto po ba Doc?” sabay turo kay Samuel, tumango nalang ako.
“Oh miss ka na daw ni Doc. Wag kang pabebe diyan, siya lang naman may ari ng ospital na ito” malakas na pahayag ni Manong Nestor. Wala paring reaksiyon si Samuel, tuloy tuloy lang siya sa kung saan man niya gustong pumunta.
“Goodnight Bok” sigaw ko, pero para lang humalik sa hangin yung boses ko.
Kinaumagahan ng pauwi na ako, nakasalubong ko ulit si Samuel. Mukha siyang may dinadalang mabigat na problema maliban sa bitbit niyang mga prutas at mga gamot. Kaya naman nagtaka na ako kung sino yung pasyente niya.
“Kung kailangan mo ng makakausap andito lang ako. Pero kung mas mabuting di nalang din kita papansinin at kalimutan nalang natin ang isat isa sige kahit mahirap gagawin ko” sigaw ko.
Napag-alaman ko dun sa mga Nurse na ang pasyente pala ni Captain Singson ay yung babae nun na tinulungan ko, yung nakunan.
“Nurse kaano-ano daw ni Captain Singson yung babae?”
“Asawa daw ata doc”
“Ah ganun ba” matipid kong sagot. Tinignan ko yung record nung babae “Micaela Janine Cruz” siya nga yung girlfriend ni Samuel. That night nakasalubong ko ulit si Samuel.
“Now this is goodbye. Thanks for the company” tugon ko. Dun lang siya huminto at lumingon sa akin, sakto namang naglalakad papunta sa direksyon ko nun si Martin.
“Cedric, dinner tayo?”
“Sure” sumama nga ako sa kanya.
Simula nun wala nalang sa akin kung makita ko man si Samuel, umiiwas nalang ako. Umiiwas rin akong mag-rounds sa ward na yun. Masakit man sa akin pero kailangan ko yun tanggapin, ano naman laban ko sa girlfriend niya diba. Wala! Nang sumunod na araw na-discharge narin ang paysente.
Naging close kami ni Martin matapos ang insidenteng yun sa OR. Siya palagi kasama ko mag lunch, mag-meryenda or mag-dinner. Nang makita kami ni Dad na mag-kasama, inasar niya ako.
“Anong hangin umihip sayo?”
Inirapan ko lang siya.
Nang minsan umuwi ako sa bahay matapos ang gimik kasama si Martin ay agad akong kinausap ni Dad.
“Cedric, bawal kang mainlove kay Martin. Iba nalang, basta wag lang siya”
“Why are you telling me that? Malisyoso nito, kaibigan ko lang siya no? Bakit type mo rin ba?”
“Gago to napaka pilosopo mo talaga. I’m warning you, wag si Martin”
“Why not? And who cares?”
“Please Cedric, promise me”
Binigyan ko lang siya ng isang salute.
Pag-akyat ko sa room ko nakita ko si Mama na nag-aayos ng mga tulips sa jar.
“Gabing gabi na ah, kanino galing naman yan?”
“Kay Captain Singson, di mo alam?”
“Sino yun?”
“Hay naku anak, eh sino pa edi yung manliligaw mo. Nililigawan din daw niya ako”
“Sayo na yun Ma, he’s just nothing to me now”
“Hala siya”
Papatulog na sana ako ng may unregistered number na tumatawag sa akin. Sinagot ko naman ito.
“Hello, sino to?”
“Bok, kamusta?” pagkarinig ko palang sa boses na yun alam ko na si Samuel yun. Namiss ko yun, kaya lang dahil nga galit ako sa kanya I ended the call saka ko blinock yung number.
Palagi ko siyang nakikita sa ospital at inaantay ako pero di ko siya pinapansin at iniiwasan ko siya. Minsan na maglalunch kami ni Martin at nandun siya nakaupo sa Lobby ay nakaisip ako ng paraan para gantihan siya.
“Martin yakapin mo ko”
“Luh bat ko naman gagawin yun”
“Dali na, ililibre kita ng lunch”
“Sige, pero yakap lang ba?”
“Oo nga”
Inakbayan nga ako ni Martin habang naglalakad kami, yung kanang kamay niya nakapulupot sa bewang ko. Nagulat ako nung nasa harapan na kami ni Samuel bigla niya akong hinalikan sa noo. Kaya naman hinampas ko siya sa braso. Siya tawa lang ng tawa. Kita ko naman sa mukha ni Samuel ang pagkadismaya.
Nung meryenda andun parin siya, yung mga babaeng doctor naman ang kasama kong lumabas.
“Manong Guard pakisabi po diyan sa doctor na yan, mahal na mahal ko yan” sigaw ni Samuel.
Nagkamot lang ng ulo si Manong Nestor. “Sino ba dito Sir sa mga magagandang dilag dito”
“Manong yang pinakagwapo pong may-ari ng ospital”
Nagulat kaming lahat pati si Manong Guard. “Oh Doc Cedric ikaw pala gusto ng kumag na to, wag mo nang pakawalan Doc magandang lalake o” pahayag ni Manong Nestor.
“Manong Guard may sakit po sa utak yang tao na yan. Kaya pauwiin mo na at nag-aantay na yung misis niya”
“Oh narinig mo naman na yun Sir diba hindi ko na uulitin”
“Kung baliw man ako, yun ay dahil sayo. Bok, balik ka na sa akin. Please”
“Yihiiiiiii, kissing scene, kissing scene” kantyaw ng mga kasama ko.
“Bat kissing scene pa kung pwedeng bed scene na” banat ni Samuel na ngingisi ngisi na. Nainis ako kaya ako nagwalk-out. Saktong nakasalubong ko si Martin at may dala dalang ice cream. Hinatak ko siya papuntang parking lot.
“Oh anong gagawin natin dito?”
“Wala”
“Weird mo talaga, o eto ice cream”
Ilang araw din ganun yung eksena panay padin ang dalaw ni Samuel sa ospital, parang wala siyang kapaguran. Ngayon time ko naman para daan daanan lang siya.
Hinatid ako ni Martin sa bahay kinagabihan at sakto namang pag-alis niya ay bumuhos ang malakas na ulan. Dahil di ako makatulog ay nagbasa nalang ako ng libro. Narinig ko na may nagdoorbell sa labas, sunod sunod.
“Galit lang sa doorbell?” tugon ko.
Bigla namang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. “Bukas yan”
“Yung manliligaw mo basang sisiw na, nasa baba. Papasukin ko ba?”
“Paalisin mo na Ma, nag-aantay na sa bahay nila yung misis niya”
“Sigurado ka?”
“Oo naman”
Mga ilang minuto din matapos makaalis si Mama ay bigla akong nakarinig ng sumisigaw. At kilala ko kung kaninong boses yun.
“Cedric lumabas ka diyan. Harapin mo ko wag kang duwag, kung tunay kang lalake kausapin mo ko. Lumabas ka diyan gago ka. Mahal na mahal kita, lumabas ka diyan”
Bigla akong nagulat sa narinig ko, patuloy parin siya sa pagsigaw at pagkalampag sa gate namin. Dali dali akong bumaba bago pa ako maunahan ni Daddy. Nakita ko naman si Dad na papalabas ng bahay kaya pinigilan ko siya.
“Hep hanggang diyan ka nalang. Ako na bahala, go back to sleep”
“Paalisin mo yan kundi papadampot ko siya sa mga pulis”
“Ssssssh, akyat ka na. Patatahimikin ko lang tong aso ko”
Kumuha ako ng payong saka lumabas at binuksan yung gate. Nakita ko dun si Samuel nakaupo sa may gutter ng kalsada. Basa sa ulan habang may hawak siyang stuff toy na malaki na naka camou vest at beret hat.
“Di ka maan lang ba marunong magdala ng delikadesa or payong man lang?”
“Di ko kailangan ng payong, ikaw lang sapat na”
Pansin kong lasing ang mokong at pansin kong yupi yung motor niya.
“Umuwi ka na Captain Singson”
“Come back to me please”
Lumapit siya sa akin na may nangingilid na luha sa kanyang mga mata, akmang yayakapin na niya ako ng mapansin kong may tumutulong dugo mula sa balikat niya. Andami niyang sugat at mga gasgas.
“What the fuck happened to you again, lapitin ka ng disgrasya”
“Malayo to sa bituka”
“Lagi mo yang sinasabi, gusto mo ilapit natin. Tara sa loob ng magamot kita.”
Pumasok kami sa bahay at pinaligo ko muna siya at binigyan ng pamalit bago ko siya ginamot.
“Napano to?” sabay diin ng bulak sa may sugat niya.
“Mahapdi aray tang ina”
“Nakakadama ka rin pala ng hapdi akala ko manhid ka na. Napano nga to”
“Na-slide ako kanina patungo dito. Medyo nahilo kasi ako, buti nga umulan eh”
“Ba’t ka naglasing?”
“Di ako lasing no, nakainom lang” diniin ko ulit yung bulak sa sugat niya kaya nagreklamo ulit siya.
“Cedric naman eh”
Binatukan ko lang siya.
“Nakakarami ka na ah, anong problema mo?”
“Ikaw, anong problema mo?”
Biglang natahimik bigla.
“Medyo malaki tong isang sugat mo, tahiin natin kaya wag kang magulo”
“Pucha Ced, seryoso ka walang anaesthesia masakit.”
“Nararapat lang na paminsan minsan ay makaramdam ka rin ng sakit hindi yung puro nalang kaming mga nasa paligid mo ang nasasaktan”
May anaesthesia naman talaga kaya lang mas nanaig yung alcohol sa katawan niya kaya ganun. Pansin ko ang pagtitiis niya sa sakit kaya naman dinahan-dahan ko ang pagtahi.
“Wala na yung baby ko” tugon niya.
“Alam ko”
“Nakipaghiwalay narin sa akin si Micah. Wala daw akong kwentang lalake.”
“Tama naman siya”
Tinignan niya lang ako ng masama.
“Galit ka ba sa akin?”
“Hindi” sabay hila ng medyo madiin sa suture para gupitin na. Umangal naman siya.
“Ba’t mo ko iniiwasan, ba’t mo ko pinagseselos?”
“Hindi ako ang unang umiwas alam mo yan. Sinisigaw ko kung gaano kita gustong kausapin nun, kung gaano kita na-miss pero para lang akong hangin na di mo nakikita. Narealize ko lang talaga na may mga bagay na dapat ilet-go. Mga bagay na walang kwenta.”
“Bok, sorry na” sabay yakap sa akin sa likuran ko.
“Samuel ok na yang sugat mo medyo tumila narin yung ulan makaka-alis ka na”
Di parin siya bumitaw sa pagkakayap niya at hinalikan pa talaga ako sa batok.
“Wag mo kong dinadaan sa ganyan sisipain kita, kilala mo kong magalit” pagbabanta ko kaya naman bumitaw siya.
Kinuha niya yung dala niya kaninang stuff toy na basa na. “Oh para sayo peace offering ko. Alagaan mo yang mabuti.”
“Ang pangit mukhang unggoy parang ikaw” nagmake face lang siya.
“Bok, bati na tayo?”
“Hindi kaya umalis ka na”
“Sige na, please.” Para siyang batang lumapit ulit sa akin at hinatak ang laylayan ng t-shirt ko saka nagpapacute. Medyo kinikilig na ako sa eksena nun.
“Dagdagan natin yang sugat mo gusto mo. Alis na” pero ayaw ko naman na talaga siyang paalisin.
“Cedric!” sabay nguso sa akin at nagrerequest ng kiss.
“Mukamo”
“Alam mo naman ang sitwasyon nun diba kaya di kita pinapansin mahirap na. Siguro naiintindihan mo naman.”
“Hindi parin”
“Ced naman eh, sorry na nga please. Ano ba gusto mong gawin ko?”
“Lunurin mo yang sarili mo gamit yang Betadine na yan”
“Di na kailangan ng Betadine Cedric, ngiti mo palang lunod na ako” napangiti ako sa sinabi niya. “Yes ngumiti siya, yohoooo” kaya naman umirap ako ulit sa kanya.
“Buti tumila na yung ulan, makakauwi ka na Captain Singson” bigla namang kumulog at kumidlat at bumuhos uli ang mas malakas na ulan.
“Ayyy, umulan ulit di ako makakauwi niyan baka magkasakit ako pag nagpaulan ako. Pwede dito nalang ako matulog?” pagpapacute niya.
“Sana naisip mo yan bago nagpaulan kanina no. Hindi, umuwi ka na”
Nakita kong nalungkot siya at nagpapacute nanaman sa akin. Ang lakas talaga ng epekto ng mokong na to sa akin. Sa tuwing gagawin niya yun ay lumalambot ang puso ko.
“Dito ka na matulog” pahayag ko.
Nagliwanag naman ang mukha niya. “Talaga?” sabay ngingisi ngisi.
“Oo, dun ka sa bodega”
“Tabi nalang tayo malawak naman siguro kwarto mo”
“Ayoko ng may katabi” pagsisinungaling ko, pero sa totoo lang mas gusto ko yung may ka-cuddle. Ganun kasi kami ni Jared, ni Patrick, ni Regie nung kami pa. Pati si Nate ganun siya sa akin kahit ayaw ko sana.
Meron kaming guest room na dalawa pero di ko na inoffer kay Samuel di naman namin siya bisita. Ang harsh lang no. Naglatag nga ako ng comforter sa sahig at dun siya humiga.
“Good night baby ko”
“Di mo ako anak kaya wag mo kong tawaging ganyan”
“I love you Cedric ko”
“I love….. Oh damn, fuck it” nadulas ako dun.
Bumangon siya at ang laki ng ngiti sa labi niya. “Narinig ko yun, ano yun? Ituloy mo nga, narinig ko.” Sabay sundot sa tagiliran ko, may kiliti pa naman ako dun.
“Stop it or I’ll kill you”
“Uiii love din niya ako, I love you Cedric ko. Sige na sagot na”
“Upakan kita diyan. Tulog ka na baka bukas di ka na magising”
Dali-dali siyang lumapit sa akin at nagnakaw ng halik sa labi ko. Kinutusan ko naman siya at sinabunutan narin. Tawa parin siya ng tawa.
Kinaumagahan nagising nalang akong magkatabi na kami at magkayakap. Nakapulupot yung braso niya sa katawan ko at humihinga siya sa batok ko. Sa pagkabigla ko ay naitulak ko siya at nahulog sa kama.
“Tang inang yan ah, sakit”
“Sorry”
“Ok lang love naman kita eh”
“Gago” at napatitig nalang ako sa morning wood niya, flag ceremony on going. Ang mamatay ng dahil sayoooooot!
Napansin niya naman ang pagtitig ko dito. “Gusto mo?” sabay kindat niya sa akin at ngisi ng nakakaloko at nakuha pang sumayaw na mala macho dancer.
Inirapan ko lang siya. “No thanks”
Buti nalang at nakaalis na sina Mom & Dad ng magising kami kaya naman dun na kami nagbreakfast ni Samuel.
“Ang yaman niyo talaga”
“Di naman. Bilisan mo kumain at ng makaalis ka na”
“Bat mo ba ako pinapaalis di mo ba na-miss ang kagwapuhan at kakisigan ko?”
“No” matabang kong sagot sabay subo ng pasta. Pag Carbonara kasi madalas kong laruin yung noodles yung talagang isi-sip mo siya from the plate. Napansin ni Samuel ang ginagawa ko, bigla siyang lumapit sa akin at biglang inagaw yung noodles gamit ang bibig niya nung malapit ko ng mahigop lahat. Ayun dumampi yung labi niya sa labi ko.
“Sarap”
Sa pagkapahiya, I just bitted my lower lip. Namumula na talaga ako nun.
“Wag ko kong akitin baka makantot kita dito sa dining table niyo”
“Manyak”
“Bukas pala ang luwas ko pa-probinsya. Sama ka?”
“I’ll think about it”
“Please”

No comments:

Post a Comment

Read More Like This