Pages

Wednesday, August 17, 2016

Sigaw ng Pugad Lawin (Part 11)

By: Bobbylove

Kinakain na ng awa ang loob ko, pero natatakot din ako na baka isa na naman yun sa mga palabas niya. Alam ko hindi naging maganda yung una naming pagkikita ni Richard; may kasalanan ako, at hindi ko itatanggi yun, pero sobra naman ata yung parusang gusto niya. Akala ko rin kasi noong una ay okay na kami, nagkapatawaran na nga kami diba? Kaya hindi ko mawari kung ano’ng kasalanan pa ba ang gusto niyang pagbayaran ko…

Litung-lito ako… gusto ko siya, pero nasasaktan ako… naaawa ako sa kanya, pero hindi ko alam kung magtitiwala pa ako… gusto ko siyang amuhin, pero natatakot ako… gusto ko ibulalas sa harap niya yung tunay na nararamdaman ko, pero mali… Hindi ko alam… magulo… masyadong magulo… maybe its God’s way of telling me na kailangan ko ng i-end yung journey na yun… na hindi yun yung plinano niyang destinasyon para sa akin… na kailangan ko ng pumreno, at may U-turn… kailangan ko ng bumalik at kalimutan yung dead end na yun…

Hindi ko rin mawari kung bakit siya naroroon. Desidido at seryoso ba talaga siyang isakatuparan yung mga plano niya? pag binigay ko ba yung gusto niya, titigil na ba siya? at pag tumigil na ba siya’t nilayuan ako ay kakayanin ko ba?

Walang tigil sa pag-agos ang mga luha niya habang siya’y humihinge ng tawad sa harap ko.

“Pasensya… inaantok ako… gusto ko’ng magpahinga…” malamig ko’ng sabi sa kanya. Mabigat yung kalooban ko pero hindi ko alam kung bakit hindi ako naiiyak.

Hihiga na sana ako patalikod sa kanya, ng bigla niya ako’ng yakapin. “Please talk to me…. usap tayo Bob… please….” Bulong niya.

“Wala na tayong dapat pag-usapan…” pinipilit ko makawala sa mga bisig niya.

“Meron… magpapaliwanag ako… please…. Listen to me…. Bob…. Please….”

“Ano ba…? Inaantok ako… Gusto ko magpahinga…” pilit ko pa ring inaalis yung mga bisig niyang naka balot sa katawan ko.

“Bob… Please… makinig ka lang sa akin please…” mas hinigpitan niya yung yakap niya, noon ay naramdaman ko nalang yung pagdami nung mga labi niya sa leeg ko, at nag simula siyang halik-halikan iyon.

“Ano ba… Lasing ka Richard…” bulalas ko habang pinipilit na iiwas yung katawan ko sa mga labi niya. Mas Malaki siya sa akin kaya natural lang na mas malakas siya, ni hindi ko nga magawang kumawala sa pagkakayakap niya. Alam ko dala lang ng kalasingan yung inakto ni kumag, amoy na amoy ko kasi yung hininga niyang parang nagmumog ng alak.


“Hindi ako lasing!” mariin niyang sabi.

“Huwag…” yun lang yung tangi ko’ng nasabi. Binalot na kasi ako ng matinding takot, doon na bumuhos ang mga luha ko.

Hinila niya ako patayo noon, malakas siya kaya wala na akong nagawa. Tuloy-tuloy pa rin yung paghalik niya sa leeg ko… sa tenga… sa pisnge… natatakot ako noon, sobra… at tanging pag-iyak lang ang kaya ko’ng gawin noon. Gusto ko’ng sumigaw, ng magawa ko’ng gisingin si Patrick pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa, parang pinipigilan ng kaba yung paglabas ng boses ko.

Pinipilit niya ako’ng halikan sa labi, pero todo pa rin ang ginagawa ko’ng pag-iwas. Nagiging marahas na rin siya, yung mga halik niya kasi ay may halo ng mga mahihinang kagat. “Maawa ka…” halos pabulong ko’ng sabi sa kanya.

Tumigil siya sa kanyang ginagawa, saka niya ako malakas na itinulak sa sofa.

Nagtama yung paningin namin, naramdaman ko’ng natatakot siya, nakikita ko rin sa mga mata niya yung awa, marahil dahil sa nakita niya ako’ng umiiyak. Pareho kaming parang bigla’ng-bigla sa mga nangyari.

“Ang arte mo! bakla ka diba!?! Yun naman yung gusto mo diba!?!” mariin niyang naibulalas, garalgal yung boses niya at parang kinakabahan pa rin.

Alam ko sinabi niya na yun sa party pero mas masakit pala kung sa harap mo mismo sasabihin. Bakla nga lang yung tingin niya sa akin… at hanggang doon na lang…

Tumayo lang ako, saka marahang tinungo yung pinto. Balak ko kasing puntahan si Jude. Nasa harap na ako ng pinto ng bigla niya ako’ng harangin.

“Saan ka!? Iiwan mo rin ako ng basta-basta!? Ha?! Aalis ka rin!!!?” hinawakan niya ng sobrang higpit yung mga braso ko.

“Masakit… Richard…”

“Talagang masasaktan ka!!!! Malandi ka eh!!! Dapat lang na sinasaktan ang mga manloloko’ng katulad mo!!!”

“Hindi kita maintindihan…” giit ko habang sinusubukan pa ring makawala sa kanya.

“Ano’ng hindi!!? Pupuntahan mo yung tisoy diba? Bakit?! Mas masarap ba siya ha!?” mariin pero naiiyak niyang sabi.

“Ano ba Richard… tama na!!!”

“HOY!!! Masarap ba yung tisoy!?” sabay sampal sa kaliwa ko’ng pisnge.

“O-Oo..” halos walang buhay ko’ng sabi… gusto ko lang kasing matapos yun, ng makawala na ako. Natatakot ako sa kanya.

Nung marinig ang sagot ko’y bigla niya ako’ng binitiwan. “May nangyari na sa inyo?” straightforward niyang tanong.

“Meron! At oo masarap!!!…” nilakasan ko yung loob ko’ng sabihin yun.

“Eh… Gago ka pala eh…”

“Bakit ba ganyan ka kung maka react ha? Malandi ako… ano’ng problema mo doon?”

“Niloloko mo yung Boyfriend mo!!!”

“O, ano ngayon? Ikaw ba yung boyfriend ko?!”

Bigla niya akong hinatak sa neckline ng suot ko’ng T-shirt saka umaksyon na manununtok. Napapikit ako sa sobrang takot, nung imulat ko yung mga mata ko ay kitang-kita ko yung nanginginig niyang kamao na anytime ay pwedeng tumama sa mukha ko.

“Ituloy mo!!!” sigaw ko. Doon naman kasi siya pinakamagaling eh, mangbintang… manakit… natatakot ako noon, sobra… kaya hindi ko alam kung saan ko nakuha yung guts na sumagot, sigawan at hamunin siya.

Nanggigigil yung mukha niya, mukhang gusto’ng-guto niya na akong suntukin. Ng biglang…

“Hoy ano yan?!” malakas na naibulalas ni Patrick, na mabilis na bumangon sa kanyang kama. “Stop that chard!”

Agad niyang pinigil si Richard at inilayo ito sa akin. “Bro lasing ka?” tanong niya kay Richard na noon ay tahimik ng nakaupo sa pangdalawang kama.

“Sorry Pat! Doon muna ako kina Jude!” pag-papaalam ko sa ka roommate namin ni kumag. Hindi ko na hinintay ang sagot niya agad ko’ng tinumbok yung pinto palabas. Wala nga ako’ng suot na tsinelas noon eh… isa lang kasi yung dala ko’ng slipper noon at na iwan ko iyon sa kwarto ni Ron.


******************************


Pinilit ko’ng ayusin yung sarili ko bago kumatok sa kwarto ng mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung pagbubuksan nila ako, o kung gising pa sila… pero sinubukan ko pa rin.

Hindi naman ganoon katagal ako’ng kumatok, binuksan kasi agad yun ni Jude. Naka sando at boxer shorts lang siya noon, at halatang puyat yung mga mata.

“Oh? Hindi ka pa natutulog? Ano na namang nangyari? Inaway ka na naman ng destiny mo? nasan siya? Sira ulo yun ah…” tuloy-tuloy niyang sabi. Ang cute cute niya.

“Ang OA mo!” niyakap ko siya. “Pag pupuntahan ba kita eh may nangyari agad? Hindi ba pwedeng miss lang kita?”

“Lokohin mo yung sarili mo! umiyak ka na naman eh…”

“Hindi ah… inaantok lang…” bumitaw ako mula sa pagkakayakap sa kanya upang magawa ko’ng tingnan siya. “Hindi mo ako papapasukin?”

Inakay niya ako papasok? “Dito ka matutulog?” tanong niya noong makarating na kami sa bandang kama.

“Sana…”

“hmmmm… gusto mo lang ulitin yung kiss eh….” Inayos niya yung isang unan, kung saan ako mahihiga katabi niya.

“Sira ulo!!!................ ikaw? Bat ‘di ka pa natutulog?”

“Hindi ako makatulog eh… na……… i…………. isip kita…” seryoso niyang tugon sa tanong ko.

“Loko! Tsk… matulog na tayo… magbubolahan na naman tayo nito eh…” sabay higa sa kama niya. noong maka higa na rin siya’y agad ako’ng tumagilid paharap sa kanya at niyakap siya gamit ang kaliwa ko’ng braso.

“Gusto lang pala ng kayakap… ang arte mo kasi kanina eh… sabing dito ka na matulog, pinaabot mo pa ng alas tres ng madaling araw…” natatawa niyang sabi, saka humarap din sa akin at yumakap.

“Hayaan mo na… ngayon lang naman eh…”

 “Sabi namang pwede mo’ng araw-arawin eh…. Para ‘di mo ma miss…” alam ko’ng biro lang yun ni Jude, kaya sinakyan ko na rin.

“Anong hindi? Sa sabado uuwi na ako ng Gensan, ikaw sa Cebu… panong hindi ko mamimiss?”

“Eh… after two weeks babalik rin naman tayo dito, para sa national competition… edi may unlimited hug ka ulit… kung gusto mo unli kiss rin eh…” nag grin siya.

“Eh… 5 days lang din yun… bitin….” Biro ko.

“Edi pupuntahan kita sa Gensan…. O kaya ikaw pumunta sa Cebu…”

“Ayos ah… tapos malalaman ng Girlfriend mo… tapos mag seselos, magagalit at papatayin ako…” natatawa ko’ng sagot.

“Buyag!!! Pero what if wala ako’ng Girlfriend? Papayag ka ba’ng maging tayo?” naging seryoso uli yung boses niya.

“Hindi ko alam…”

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin para tumihaya. Nakatingin lang yung mga bilog niyang mata sa kisame.

“Gusto mo nga siya…” bulong niya.

Natahimik lang ako… kasi oo, tama siya gusto ko nga si Kumag. Kahit na nasasaktan ako, pakiramdam ko siya lang yung may kakayahang hilumin ang pagdurugo ng puso ko. Alam ko namang malabo yung amin ni Richard eh… Nalilito at nahihirapan ako, pero sure ako’ng lilipas rin lahat ng yun… malilimutan ko rin yung sakit pati na rin yung nararamdaman ko sa kanya.

“Pag…. S-si… Richard ba…. Nan…ligaw sayo, sasagutin mo?” pautal-utal niyang tanong.

“Pag sure diha! Eh… mas possible pa nga na pumuti yung uwak kaysa dun eh…”

“ ‘di mo naman sinagot eh…”

“Kasi hindi naman dapat sinasagot yung mga tanong na kalokohan lang….”

Nagbuntong hininga lang siya. Nakatanga lang pa rin siya sa kisame, mukhang malalim yung iniisip.

Tahimik….

“Jude?” binasag ko yung katahimikan niya. “Bakit ba ang bait mo sa akin? Wala pa’ng one week tayong magkakilala pero, ganito na tayo ka close…” tanong ko. Hindi naman sa ayaw ko nung kabaitan na pinapakita niya; honestly eh, thankful ako dun… hindi ko nga alam kung ano ang mangyayari sa akin kung sakaling ‘di ko nakilala si Jude doon eh. Pero, nakakapagtaka rin na mayroong taong magpapakita sa iyo ng labis na kabaitan, kahit na ‘di ka naman niya ka ano-ano; at ibang level kasi yung pinakita at pinadama ni Jude eh, he helped me na i-accept yung totoong ako, at hindi lang yun, he showed me na possible’ng may magmahal sa akin despite of my preference. He makes me feel accepted and respected.

“Bakit naman ako magiging masama sayo?”

“Hindi ko alam… kasi… bakla ako?”

“Anong connect? Dapat ba saktan kita kasi bakla ka?”

“I don’t know… kasi………..” nagdadalawang isip ako’ng ituloy yung sasabihin ko.

“Kasi…?” pag mimimic niya sa sinabi ko.

“Kasi……. Hmmm…”

“Kasi… sinasaktan ka niya?”

“Hindi!!!” pagtanggi ko.

Nag smirk siya. “Sinabi ba niyang ayaw niya sayo kasi bakla ka? Minaliit ka ba niya kasi bakla ka?”

“Hindi…”

“Tsk! Ikaw bat ang hilig mo pagtakpan yun? Obvious naman na nasasaktan ka eh! Obvious din na gusto mo siya!!!” Hindi na niya napigilang sumigaw.

“Shhhh… tulog na si Jayson…” ni-remind ko siya, na siyang nagpakalma ulit sa kanya.

“Gusto’ng-gusto mo rin sinasaktan ka eh ano? Ano ba kasi yung nagustuhan mo dun?” medyo hinanaan niya yung boses niya, hndi yun bulong, yung para ba’ng volume na enough lang para magkarinigan yung taong magkadikit.

“Wala ako’ng gusto sa kanya… tulog na tayo…” kinakabahan ako sa mga tanong ni Jude.

“Tsk! Huli ka na nga eh… mag dedeny pa!” tumagild siya uli paharap sa akin saka binalot yung katawan ko sa mga bisig niya.

“Ayos lang naman na gusto mo siya eh… naiinis lang ako kasi sinasaktan ka niya! at… hinahayaan mo! tsk! Wag ko lang malaman na sinasaktan ka niyang pisikal, makakatikim siya sa akin…”

Napalulon nalang ako ng laway.

Ang totoo ay nakakatakot yung pagbabanta ni Jude. Mabait siya, pero nararamdaman ko’ng masama rin siyang magalit.

Doon natapos yung conversation namin, after kasi nun ay nakatulog na ako. Hindi ko alam kung paano ko nagawang ipahinga yung utak ko’ng litong-lito at yung puso ko’ng durog na durog. Basta alam ko secure ako pagkasama si Jude, panatag na panatag ako’ng walang mangyayri sa aking masama.


*****************************


Late kaming nagising ni Jude. Marahil ay dala ng sobrang pagod at puyat, napasarap din kasi talaga yung tulog ko… noon na lang kasi ako ulit nakatulog sa kama eh… (Y)

Pagkatapos niyang gumamit ng banyo’y ako naman yung sumunod. Nagmadali rin ako, dahil medyo late na nga kami. That was the fastest ligo na ginawa ko ever… probably mga 5 minutes lang yun… hehe.

Paglabas ko’y nakita ko’ng nagsusuot na siya ng sapatos. “Bilisan mo… bihis ka na… mag bi-breakfast pa tayo…” sabi niya.

“okay… hintayin mo ako ha…” isinuot ko muli yung mga hinubad ko’ng damit. Wala kasi ako’ng dalang pamalit, kaya kailangan ko pa’ng bumalik sa room namin nila kumag para magbihis.

“Wit wiw! Sexy ah…” si jude.

“Siyempre…” nginitian ko siya. Hinubad ko yung robe na naka balot sa katawan ko upang magawa ko’ng isuot yung T-shirt ko.

“Hala! Anong nangyari diyan sa braso mo?” bakas sa mukha niya yung pag-aalala nung mapansin yung blue violet na marka sa magkabila ko’ng braso. (Marahil dahil sa sobrang pagmamadali sa pagligo ay hindi ko na napansing may pasa pala ako.)

“Wala ah…”

Lumapit siya sa akin, para tingnan ng malinaw yung braso ko. Nag iwan kasi ng marka yung ginawa ni Richard nung gabi. Nagkapasa yung magkabila ko’ng braso. “Ayan oh? Anong nangyari diyan?”

“Wala…” agad ko’ng sinuot yung shirt para matakpan yung braso ko.

“Siya may gawa niyan nuh?!” medyo tumaas na yung boses niya.

“Hindi ah… baka nabangga lang kagabi, ‘di ko namalayan!” alam ko si Richard yung tinutukoy niya.

“Ang tanga mo naman! Nabangga.., magkabilang braso talaga?!’ nakakunot na yung kanyang noo at mukhang nagpupuyos na siya sa galit.

“Diyan ka lang! mag-uusap kami!” mabilis siyang lumabas at tinungo yung kwarto namin ni kumag! Mukhang mali ata na nakitulog ako sa kanya… malaking gulo kasi yung pwedeng mangyari. Sinundan ko siya upang subukang pigilin yung binabalak nya.

“Doon ka lang!” sigaw niya.

“Jude! Wag na kasi… okay lang naman ako eh…”

“Anong okay?! Hindi okay yung ginawa niya!”

“Pasa lang naman eh… walang namamatay sa pasa!”

“Sinaktan ka niya! hindi okay yun!”

Pumasok siya sa kwarto namin ng hindi man lang kumakatok. Papasok din sana ako ng… “Diyan ka lang!!!” sigaw niya, bago tuluyang isara yung pinto.

Naiwan ako sa labas na hindi man lang alam kung ano yung nangyayari sa loob. Kinakabahan ako kung ano yung gagawin niya, ang tangi ko lang na hiniling noon ay sana’y naka alis na si kumag at hindi na sila nag abot pa. Pero mukhang hindi effective yung hiling ko eh, sobrang tagal lumabas ni Jude kaya for sure naabutan nga niya si kumag sa loob.

Pagkatapos ng ilang minuto ay bumukas na ang pinto, iniluwa nun si Jude na noon ay bakas pa rin sa mukha ang labis na pagkainis.

“Wala naman pala yung destiny mo eh… hindi naman marunong lumaban!” pagyayabang niya. kinabahan ako dun sa inasta niya, mukha kasing agrabyado’ng-agrabyado si Richard.

“Ano ba kasi yung ginawa mo!?” tanong ko na may pag-aalala.

“Tinuruan ng leksyon yung hambog na iyon!”

“Jude naman eh… hindi naman na dapat umabot sa ganito…”

“Edi sana hindi ka niya sinaktan! Kung mahina pala siya at hindi marunong lumaban edi sana pinag-iisipan niya yung mga ginagawa niya!” kunot noo niyang naibulalas.

“Ayos na naman kasi eh… hindi mo na dapat siya kinompronta…”

“Tsk… basta!!! Mali siya!!! mamaya mag impake ka, lilipat ka doon sa amin!”

“Jude naman eh… Mali rin yung ginawa mo eh…” mas dominante si Jude kaya tunog nag mamakaawa yung bawat salitang binibitawan ko.

“Ako pa talaga yung mali?! Hindi pwerke may gusto ka sa kanya, ay pwede ka na niyang saktan… sabihin mo diyan sa taong gusto mo! Ulitin pa niya yung ginawa niya sayo PAPATAYIN KO SIYA!!!” Mariin niyang sabi.

Napayuko nalang ako, mukhang wala naman kasi ako’ng pag-asang Manalo sa kanya.

“Bihis ka na! bilisan mo!” utos niya, saka tumalikod at bumalik sa kanilang kwarto.

Dahan-dahan ako’ng pumasok sa nakabukas na pinto. Alam ko narinig ng tao sa loob yung confrontation namin ni Jude.

Agad ko’ng nasilayan yung kaawa-awang imahe ni kumag. Nakaupo siya sa kanyang kama, nakayuko at tila umiiyak.

Hindi ko alam kung pano sisimulan yung paghingi ng tawad, alam ko hindi ako yung may gawa nun, pero feeling ko ako yung may kasalanan eh… sinaktan niya ako nung nakaraaang gabi, (actually araw-araw) pero na gi-guilty ako, hindi ako sanay na may nasasaktan ng dahil sa akin.

Tinoon niya yung tingin sa akin, nakatayo lang kasi ako sa harap niya. Mas kinain ako ng guilt nung makita yung putok niyang labi. “Goooooossshhhhhh….” Naibulalas ko sabay takip ng mga kamay sa aking mukha at pikit ng aking mga mata.

“Im sorry… sorry…”

“No! Im sorry…” minulat ko yung mga mata ko nung marinig ko’ng sabihin niya iyon. “It’s my fault…” pagtutuloy niya.

Hindi ko alam kung bakit ko ginawa, pero mabilis ako’ng dinala ng mga paa ko sa harap niya, yung kamay ko nama’y parang may sariling isip na hinipo ang sugat niya sa labi. “Masakit ba?” kusa nalang din yung lumabas sa bibig ko.

Feeling ko ako yung responsable sa nangyari sa kanya, kahit na hindi ko naman talaga yun ginusto. Sinaktan niya ako Oo, at sobra ako’ng natakot sa kanya pero kinain na rin ako ng awa eventually nung makita yung itsura niya.

“Bakit hindi ka lumaban?”

“Because… I know, I deserve it…”

“Hindi dapat nangyari ito eh… sana man lang umiwas ka, para hindi ka nasaktan ng ganyan…”

“Wag ka’ng ma guilty Bob… ako ang may kasalanan nito… ako yung dapat mag sorry sayo…”

Hindi ko na masyado pinakinggan yung sinabi niya, I was so worried sa sugat ni kumag.

“Gagamutin ko…” sabay tumbok sa maleta ko kung saan nakalagay yung dala ko’ng first aid kit. (Lagi akong may dala nun, pabaon kasi yun ng Mama ko everytime na aalis ako.)

“Wag na… matatagalan ka… baka hinihintay ka na niya!”

“Gagamutin ko!” pagpupumilit ko.

Agad ko’ng nilinis yung sugat niya gamit yung mga basic na gamot na dala ko. Pinahiran ko iyon ng betadine gamit ang bulak.

“Aray!” medyo naiidiin ko kasi yung pag lagay.

“Bob? Makikinig ka na ba sa akin?” simula niya, tuloy tuloy lang ako sa ginagawa ko. “Bob… it’s not my intention na saktan ka… naka inom lang ako kagabi kaya nadala nalang ako ng emosyon ko…” pinilit ko pa rin siyang i-ignore. “Nung sa party… ma i-explain ko yun… sinabi ko yung mga yun, to protect you... hindi kita kayang saktan Bob… maniwala ka…”

“Andito ako, kasi gusto ko’ng gamutin yung sugat mo… na gi-guilty ako kasi dahil sa akin kaya nangyari yan sayo! Kaya tigilan muna natin yung lokohan Richard!”

“Sorry…” bulong niya, yumuko siya para ikubli sa akin ang pagpatak ng kanyang luha.

Tinuloy ko lang uli yung paggamot sa sugat niya… wala na kaming imikan.

Tahimik…

“Masakit pa ba?” pagsisimula ko ulit.

“Medyo… pero okay lang, kaya ko… pero ito (Sabay hawak sa dibdib niya, sa bandang puso) masakit… sobrang sakit… nakakamatay yung sakit… mukhang ikaw lang yung makakagamot eh… gagamutin mo ba?”

Natigilan ako sa aking narinig. Nakatitig lang ako sa mga mata niyang patuloy sa pagluha. Naaawa ako sa kanya pero noon tumubo din yung galit sa puso ko, pakiwari ko kasi’y nagsisimula na naman siyang paglaruan ako. Mukhang ‘di pa nakontento sa lahat ng ginawa niya sa akin at gusto pa atang makitang durog na durog ako.

“You know what… pasensya na, pero im not buying it!” inabot ko sa kanya yung bulak na pinapahid ko sa labi niya. “Ituloy mo! magbibihis na ako…”

“Sorry…” bulong niya ulit, kasunod nun ay ang mga mahihinang hikbi mula sa kanya.



**************************


Mabilis ako’ng nagbihis sa banyo. Pagkalabas ko’y naroroon pa rin si kumag, ganoon pa rin yung ayos niya, mukhang hindi nga siya gumagalaw eh, iyak lang siya ng iyak.

Umupo ako doon sa sofa’ng tinutulugan ko para masuot ng maayos yung sapatos ko. Naawa ang puso ko sa kanya pero pilit na nagmamatigas ang isip ko. sa tuwing nararamdamn ko yung guilt ay siya namang pag reremind ng utak ko sa mga ginawa niya, sinasabi rin nito na kung sakaling paniwalaan ko ulit si kumag ay baka saktan niya ako ulit… kaya noon nag decide ako’ng putulin na ang kahit anong connection kay kumag, pareho lang naman kaming nasasaktan eh… hindi na kami nagiging healthy para sa isa’t-isa.

Palabas na ako ng kunin niya yung atensiyon ko. “Bob? Usap naman tayo oh… I don’t need you to believe me, all I want is a chance to explain my side…”

“Mamaya! After orientation, dito… ibibigay ko yung gusto mo!!!” malamig ko’ng sabi.

“Salamat… ahmmm… Bob??”

“Yes?!”

“Narinig ko kayo kanina ni Jude… Totoo ba?”

“Totoo ang ano?”

“Na…….. you like me?”

Nag bigay lang ako ng pilit na tawa. “Naniwala ka naman sa kanya?”

“So hindi totoo?” parang nalungkot bigla yung boses niya.

“Una na ako… late na eh!!!” iniwasan ko yung tanong niya, natatakot ako’ng baka madulas ako’t maibulalas ko ng wala sa oras yung nararamdaman ko. Mas magiging masakit yun sa akin kung nagkataon… mas magiging madali kasi sa kanya na saktan ako.


**********************


Pagkalabas ko ng kwarto ay naroroon na si Jude, matiyagang naghihintay.

“Tagal mo ah…” medyo irritable pa rin siya.

“Sorry… hmm… tinulungan ko pa kasi si Richard eh…”

“Tinulungan mag?!” parang nagulat siya.

“Gamutin yung sugat niya…” malumanay ko’ng tugon.

“Bob naman!!! Pinapahiya mo naman ako eh… ginawa ko yun para sayo, tapos tutulungan mo siya na parang siya pa yung kinakampihan mo!!!”

“Wala naman ako’ng kinakampihan eh… nasaktan kasi siya….”

“Sinaktan ka niya!!!”

“Pero hindi naman kailangang masaktan rin siya Jude…”

“Kailangan! Kung kailangan nga’ng lumpuhin ko yang gago’ng yan, gagawin ko!”

Nagkamot nalang ako ng ulo. Mukhang imposoble kasing maintindihan ako ni Jude eh, kinain siya ng galit.

“Nakita mo na ba yang pasa sa braso mo? tanda yan na wala siyang ginawang tama sayo! Dapat nga ireport yan sa pulis eh…”

“Huminahon ka Jude… okay na ako… okay na…”

“Anong huminahon? Pinangako ko na ako yung magtatanggol sayo, at yun yung ginagawa ko! kaso mukhang ‘di mo na a-appreciate eh… sorry ha kung pinagtanggol kita…” may sarcasm niyang sabi.

“Jude naman eh…”

“Jude naman eh… (Inulit niya yung sinabi ko.) Wag ka nga magpaka tangga! Gising Bob! Binubulag ka ng nararamdaman mo eh…”

“Wala namang kinalaman yung nararamdaman ko eh…” pinilit ko pa ring maging kalmado.

“Ah ewan Bob… magsama kayo nung Gagong yun!!!!” sabay talikod. Mabilis siyang naglakad palayo sa akin. Paulit-ulit ko siyang tinawag pero hindi niya ako nilingon. Natatakot din kasi ako’ng sumunod sa kanya at baka hindi naman makatulong yun sa sitwasyon namin.

Napaiyak nalang ako sa inasta ni Jude. Hindi ko kasi ma-imagine na magiiwasan kami. Si Jude na nga lang yung naaasahan ko doon eh… alam ko nasaktan ko siya kahit na hindi naman yun yung intension ko, at hindi ko alam kung pano ako babawi sa kanya. Thankful naman ako sa ginawa niya for me eh, ang ayaw ko lang naman eh yung manakit siya ng iba. Hindi naman kailangang may masaktan para makaganti eh, at honestly ay hindi ko inisip na gumanti at all.

Nakatayo lang ako kung saan niya ako iniwan. Late na kami sa orientation pero ang dami kasing nangyari na hindi ko naman pwedeng ipagsawalang bahala. Balat sibuyas as I am, I just stand their and cry my heart out.

Maya-maya pa’y naramdaman ko nalang yung mga brasong yumakap sa akin. Si Jude, hindi ko namalayang bumalik siya, dahil nakatakip yung mga kamay ko sa aking mukha.

“Sorry… Sorry na…” bulong niya.

Binalot ko nalang din ng yakap yung katawan niya.

“Ikaw naman kasi eh! Hindi mo ako na a-appreciate eh…” malambing niyang sabi.

“Who told you?”

“I just feel it… mas importante ba talaga siya kaysa sa akin?”

“Hindi naman…”

“So mas importante ako kaysa sa kanya?”

“Ano ba Jude…”

Nag buntong hininga siya. “Haaayyy…. Ayos lang….” hinalikan niya ako sa noo. “Mahalaga ba ako sayo?”

Kumawala ako sa pagkakayakap niya. “Oo naman! Bakit mo ba natatanong yan?”

“Hindi ko alam… I tried my best para ma feel mo na espesyal ka sa akin, nalulungkot lang ako na I didn’t get the same feeling from you…”

“Jude…”

“Ayos lang… don’t think na naghihintay ako ng kapalit or anything… okay lang ako, as long as okay ka…” pagputol niya sa sasabihin ko.

“Wag ka nga’ng emotero… mahalaga ka sa akin, ang laki nga ng utang na loob ko sayo eh…”

“Mahalaga ako sa iyo dahil may utang na loob ka?”

“Hindi… mahalaga ka kasi kaibigan kita… at mahal kita kasi kaibigan kita…”

“hmmmm… that’s better….” Maikli niyang tugon.

“Thank you sayo… hindi ko alam kung anong mangyyari sa akin dito kung hindi kita nakilala. At trust me, na appreciate kita at mahalaga ka sa akin…”

“Okay… salamat… pero sana…. Ipa…ramdam mo naman minsan….” Nag smirk siya. “Tahan na… alam mo namang ayaw ko’ng makitang umiiyak ka diba? Seryoso ako nung sabihin ko’ng mas nasasaktan ako sa tuwing nasasaktan ka…”

Nagbuntong hininga lang ako. Na gi-guilty ako ulit… sobra-sobra na yung ginawa ni Jude for me, hindi ko nga alam kung deserve ko pa iyon eh… nakakaguilty kasi hindi ko alam kung paano siya masusuklian…

Hinalikan niya ako ulit sa noo, saka ako inaya na bumaba na.


***********************


Late na kami ni Jude sa last day ng orientation kaya hndi na kami nag breakfast, sumaglit lang siya sa kwarto kung saan kami kumakain upang kumuha ng pwede naming papakin. Pagbalik niya sa akin ay may bitbit na siyang dalawang mansanas at dalawang sandwich.

Halos wala na rin naman kaming ginawa sa orientation, na discuss na naman kasi lahat ng kailangan sa mga nagdaang araw. The speaker just reminded us about the things na we needed to do for the upcoming competition. After nun ay he just asked us by pair na mag kwento about sa mga best experiences, realization etc. namin sa whole duration ng orientation.

Noon naisip ko na mukhang mag shi-share ako mag-isa. Hindi pa kasi dumadating si Richard, at hindi ko alam kung mag aatend pa ba siya.

Isa-isa ng tinatawag yung mga team, at lahat sila ay may masasayang kwento tungkol sa mga activities na ginawa namin, tungkol sa mga natutunan nila pati na rin sa kanilang ka partner. Napaisip ako, kung ano yung ikwekwento ko tungkol kay kumag, wala kami masyadong memory na masaya… meron pero hindi ko alam kung totoo…

Maya-maya’y tinawag na ako ng speaker para magbahagi naman ng aking kwento.

“Nasaan ang destiny mo?” tanong ng speaker na naging reason para muli ako’ng tuksuhin ng mga kasama ko.

“Hindi ko po alam sir eh… sorry po…”

“Nako, mukhang nagseselos yun, panay kasi ang lapit mo kay Mr. David (surname ni Jude).

Natahimik lang ako.

“Siyempre sir, syota ko po yan sir eh… sakin po talaga yan lalapit!” bulalas ni Jude.

“Totoo ba yun Mr. Aragon?”

“Sir hindi po…”

“Hindi pa sir… pero coming soon po….” Mabilis niyang singit. Tawanan ang lahat.

“Mr. David, Mahirap kalabanin ang destiny.”

“Parang hindi naman sir… hindi nga makalaban eh, diba Bob?”

“huh?” klaro naman ang sinabi ni Jude, at klaro din sa akin ang pinupunto niya. Ang tinutukoy niyang destiny ay si Richard na hindi lumaban ng komprontahin niya. Nautal lang naman ako dahil naalala ko na naman si Richard, naisip ko rin kung bakit ‘di pa siya dumarating.
“Sabi ko, Hindi ako kakayanin ng tadhana…” nakangisi niyang sagot.

“Ay opo! Takot po sa muscles niya…” tawanan ulit.

Nagsimula na rin ako’ng mag share ng experiences ko, almost the same din yun sa mga binahagi ng iba. Yung mga lessons na natutunan ko, yung mga activities namin etc… etc… maya-maya’y sinabihan ako ng speaker na mag bahagi tungkol sa kapartner ko.

“Si Richard po?” natahimik ako. Huminga ng malalim, saka pinakinggan ang sigaw ng loob ko. masyadong persistent ang utak ko na ibulalas lahat ng masamang ginawa niya sa akin, pero mas pinakinggan ko noon ang puso ko… gusto ko i-share sa kanila yung Richard na nakilala ko, hindi yung lalaking nagpapanggap na matapang, yung lagi ako’ng sinisigawan, minamaliit at sinasaktan, in short yung Richard Oquendo pag kaharap ko. I want them to know yung Richard na kilala ng pamilya niya, yung Richard na kinuwento sa akin ni Ron, yung Richard ni Kaye.

“He’s… a sweet guy… yah, very very sweet… isa po siyang mapagmahal na anak at kapatid… he would actually do anything para sa pamilya niya, lalo’ng lalo na sa sister niya… makikipagpatayan yun para kay Jubail. (Napangiti ako, naalala ko yung nangyari sa recital). Very very generous din po siya, lalo na sa food… lagi po kasi yung sobra-sobra, I think ugali po yun ng family nila… lagi po’ng parang fiesta sa hapag nila eh. (Tawanan ang lahat) He’s very smart at sensible… he can actually talk like half day or probably whole day with just a topic. Give him a specific word and he can make a thousand ideas from it. Alam naman nating mukha siyang CEO na nagmamayari ng company na affected ng recession diba? Sa sobrang serious nung look niya… you would be surprise na he can actaually crack a good joke… I don’t know if effective yun for everyone but hell, its sometimes corny but I don’t know… natatawa ako sa kanya eh… He’s also very romantic, at sobra po siya kung magmahal. (Naisip ko na naman kung gaano niya kamahal si Kaye at may kung anong kumurot sa puso ko.)” Tumigil ako.

“Paanong sobrang magmahal…?” yung speaker.

“Hindi ko rin po alam sir… basta nararamdaman ko po…” ayaw ko na kasing ituloy… I don’t know why… basta nasasaktan ako…

“ang lalim ah… mukhang effective yung consequence mo ah…”

Ngiti lang ang naging tugon ko.

“Sayang wala yung destiny mo… upo ka na Mr. Aragon!”

I handed him the microphone ng bigla kaming napatigil lahat ng dahil sa isang boses.

“Sir… Sorry Im late…”

Halos sabay kaming lahat na tinumbok ng paningin yung entrance, nasilayan ko si Richard na mabilis na tinutungo ang kinaroroonan ko. Halos hindi ko namalayan na nakarating na siya sa harap ko.

Nagkatinginan lang kami, as if kami lang yung tao doon. Mas maliwanag na yung mga mata niya, hindi ko alam kung paano naglaho yung lungkot doon. Putok ang labi niya, pero hindi yun nakabawas sa kagwapuhan niya.

“Yung mic…”

“Huh?” nakatanga lang pa rin ako sa kanya.

“Yung Mic…”

“Ahh,,, Oo… ito…” sabay abot sa kanya ng mic, saka ko tinumbok ang aking silya.

“Mr. Oquendo, anong nangyari sa labi mo?”

“Ahhh… nadulas po ako sa banyo sir, tumama po sa sink…” pagsisinungaling niya.

“Nagamot na ba yan?”

“Yes sir… ginamot po ng Angel ko…” tumingin siya sa akin, saka ngumiti nung makitang nakatingin rin ako sa kanya.

“Sino ba yang angel na yan? Mukhang magaling manggamot ah…” pagbibiro ng speaker. (Masyado talagang mapagbiro yung speaker namin, he’s in his Mid-thirties pero bagets na bagets siya kung umasta and it made the whole orientation enjoyable.)

“Magaling po talaga sir! Pero may sakit pa po ako’ng gustong ipagamot sa kanya eh… sana po pumayag siyang gamutin…” nakatingin pa rin siya sa akin, yung mga mata niya’y parang nakikiusap.

“Natanong mo na ba?” I don’t know if napansin na ni Sir Mike na ako yung tinutukoy ni kumag.

“Opo eh… hindi po pumayag…” nagbigay siya ng pilit na ngiti.

“Aaaaayyyyyyy” halos sabay na bulalas ng lahat. Yung para ba’ng nanghihinayang, hindi ko rin sure if alam nilang ako yun.

“Pero… persistent ako by nature eh… hindi ako ganon kadaling sumuko…”

Nagpalakpakan yung mga kasama namin, marami yung kinikilig sa sinabi niya, may ilan ding nag claim na sila nalang yung magiging Angel ni kumag… pero ang mas kinabigla ko ay ang narinig ko’ng sigaw ng mga kasamahan namin. “RichBob! RichBob! RichBob! RichBob!” paulit-ulit. Kinumperma nun na batid nila’ng ako yung tinutukoy ni Richard.

Unlike others na magulo at natutuwa, mas lalo lang ako’ng na confuse… hindi ko alam kung anong drama na naman ang ginagawa ni kumag… nakakakilig yun, pero mali eh… malabo eh… sigurado ako’ng hindi totoo yun… I don’t know kung ano’ng plano niya, o binabalak niya kung bakit niya sinabi yun, pero sure talaga ako eh, na imposible at pawang kalokohan lang ang pinagsasabi niya.

Na break lang ang katahimikan ko nung tumayo si Jude at mag isang nag sisigaw ng “JudeBob! JudeBob! JudeBob! JudeBob!” yung mga kamay ay tinataas-taas pa, (Yung parang action pag sinasabing party-party) pilit dinodomina ng sigaw niya yung boses ng mga kasama namin. Nakakatuwa siyang tingnan, para siyang tanga’ng nagwewelga. (kidding)

“Wow… Haba ng hair Mr. Aragon ah…” hirit ng speaker, na siyang kinahiya ko na naman ulit. “Stop na guys… lets hear what Mr. Oquendo has to say about his destiny…” halatang kinikilig rin si Sir Mike.

“Good Morning Guys… Bob is one of the loveliest person I’ve ever met… (Tumingin siya sa akin, saka ngumiti) He’s the type of a person na hindi mo kayang tiisin; when you got the chance to know him, surely you’ll just fall on his charm instantly, at mahihirapan ka ng tumakas… I like it when his Mad, nakakatuwa siya… (nag giggle siya) He’s really really cute… Natuturete ako sa tuwing nakikita ko yung mga labi niyang nagdadahilan o ‘di kaya’y hindi alam yung sasabihin. When his happy, Im the happiest… When his sad, Im the gloomiest… When he cries, ‘gosh’… its tearing me apart…” yung mga tingin niya sa aki’y parang pinapakiusapan ako’ng paniwalaan yung sinsabi niya.

“He has a huge huge huge heart… sa sobrang laki nun, there is an enough space for everyone. There is this kid, a little girl na hindi niya kilala, umiiyak… marami siyang importatnte’ng gagawin but he never leaved that girl, pinatahan niya, minotivate at tinulungan na mahanap yung family niya. He’s Heart is also very forgiving… that same day, someone accused him na kinidnap niya yung bata, madaming sinabi sa kanyang masama, sinaktan siya, physically at emotionally, but at the end, he still managed to forgive. He’s heart is very understanding… siya na yung nasaktan, siya pa rin yung hihingi ng tawad… I am so lucky to got the chance to know him… to be with him… Bob! Knowing you is the happiest thing happened to me in this orientation. Salamat…”

Maraming kinilig, may ilang naiiyak… pero ako ay nanatili lang tahimik… I know kasinungalingan lang yun, bakla lang ang tingin niya sa akin eh… bakla lang ako para sa kanya.

Naupo siya sa tabi ko, pareho kaming nagkakailangan. Ni hindi ko siya magawang tignan, hindi ko talaga ma gets ang trip niya eh… pareho naman naming alam na mababa ang tingin niya sa akin eh, “Ang arte mo! bakla ka diba!?! Yun naman yung gusto mo diba!?!”  Paulit-ulit na ni-reremind ng utak ko yung sarili ko sa sinabi niya kagabi. Pero ang mas magulo ay yung puso ko, para kasing naniniwala siya sa mga pautot ni kumag eh…

“Usap tayo mamaya ha…” simula niya.

“Totoo ba yung mga sinabi mo tungkol sa akin kanina? Ganon ba talaga yung tingin mo sa akin?” tanong niya.

Tiningnan ko siya with a blank expression, “Yun yung gusto marinig ng lahat eh…”

“Oo nga naman… kasi kung siseryosohin mo yun for sure, lahat ng sasabihin mo ay yung mga kagaguhan ko… yung mga pananakit ko sayo…”
Natahimik lang ako.

“Pero yung mga sinabi ko… totoo lahat ng yun… maniwala ka…”

Itinuon ko lang ang atensiyon ko sa taong nagsasalita sa harap, ayaw ko kasing maniwala sa kanya. Pag nangyari kasi yun ay siguradong magkakaroon na naman siya ng pagkakataong saktan ako. Ganoon kasi lage eh… paulit-ulit lang…

Hinawakan niya ang kamay ko, “Usap tayo mamaya ha…? Please…”

Tiningnan ko siya saglit saka tumango. “Ibibigay ko yung gusto mo…”

Tahimik…

Noong matapos ng magbahagi ang lahat ng estudyante ay bigla na namang kinuha ni Sir Mike ang atensiyon ko. “Bob! Kanta ka naman…”

“Sir… sorry po, masama po pakiramdam ko eh…” ang totoo ay inaantok talaga ako eh.

“Sige na Bob… last meeting na naman natin eh…” pagpupumilit niya. “Guys… do you want to hear him sing?” tanong niya sa mga participant na agad din namang tinugon ng Oo at ng nakakabinging sigawan. Kasunod pa nun ay ang walang tigil na pagpilit sa akin ng mga kasama.

Nung tumayo na ako’y nagpalakpakan naman silang lahat kasama si Richard na sobrang laki rin ng ngiti.

“Ano ba’ng gusto niyong kanta?”

“Kahit ano Bob…”

“Wala po ako’ng maisip eh…”

“Ay… kung ano nalang yung awit ng puso mo… sige na!!!”

“Awit ng puso?” saglit akong nag-isip kung ano yung pwede ko’ng awitin. Sa Roller coaster ride of emotion na pinagdaanan ng puso ko sa buong lingo, isang kanta lang ang pumasok sa isip ko “Talaga naman ng MYMP”.

Talaga namang, nakakabighani
Talaga namang, nakakagulat
Nakapagtataka, ba’t ka nasa isip
Nakakapanghinayang, sanay maulit

Talaga namang nakakabigo
Talaga namang nakakalungkot
Kung kailan pa’ng malapit ng
Mahulog ang loob
Saka ka lumisan
Sa aking pagtulog

Panaginip, nakakabaliw
Nakikita nga ‘di naman natatanaw
Talaga namang
Hanggang doon na lang
Ang pag-ibig na sanay alay sayo’y
Talaga namang ‘di na matutuloy

Nakapikit lang ako’t ninanamnam ang bawat titik ng awit. Ramdam ko ang bawat hagugol ng aking sugatang puso, maya-maya’y pay ang mga hikbi niya’y nadama na rin ng aking mga mata.


Talaga namang pinapangarap
Talaga namang gusto kang mayakap
Muling mahawakan ang iyong mga kamay
Kahit na alam ko’ng ito ay ‘di tunay

Talaga namang nakakabigo
Talaga namang nakakalungkot
Kung kailan pa’ng malapit ng
Mahulog ang loob
Saka ka lumisan
Sa aking pagtulog

Panaginip, nakakabaliw
Nakikita nga ‘di naman natatanaw
Talaga namang
Hanggang doon na lang
Ang pag-ibig na sanay alay sayo’y
Talaga namang ‘di na matutuloy

Panaginip, nakakabaliw
Nakikita nga ‘di naman natatanaw
Talaga namang
Hanggang doon na lang
Ang pag-ibig na sanay alay sayo’y
Talaga namang ‘di na matutuloy

Noong matapos ko ang kanta at iminulat ang aking mga mata ay tumambad sa aking paningin ang mukha ni Richard, umiiyak rin siya sa ‘di ko malamang dahilan.

To be continued…

Note: I got so touched with Gandang Gabi Vice’s last Sunday’s episode… nakakarelate ako dun sa “Next week nalang!”  kakainis… hahaha

Anyways salamat po sa pagbabasa  Mahal ko po kayo 

I got so bothered by the pink leather shoes comment… pasensya po… it looks like my school shoes na leather eh… and its pink kaya pink leather shoes… hahahaha you know…. Cheapipay problem…. Hahahaha (Kakahiya) patawarin niyo na po yun, hindi ko talaga alam yung tawag dun eh… hahaha PEACE Po… I love you

No comments:

Post a Comment

Read More Like This