Pages

Sunday, August 7, 2016

Sigaw ng Pugad Lawin (Part 9)

By: Bobbylove

Sinubukan ko’ng buksan ang pinto ng kotse niya, pero nabigo ako. Mautak si kumag, ni-lock niya yun dahil alam niyang pipilitin ko siyang ihinto ang sasakyan o di kaya’y tumalon habang tumatakbo ito. Kaloka!!! Desperado na yung anak ni hudas.

“Richard!!! Itigil mo na ito… please…”

“Sorry Bob… pero ‘di pwede eh…” pilit lumalabas sa boses niya yung tinatago niyang kaba.

“Alam mo namang may lakad ako diba? Pinaalam ko naman yun sayo diba?”

“I know… I know… tsk! Kahit dumaan ka lang… ihahatid din kita pabalik…”

“Richard naman eh!!! Ang hirap naman palang magtiwala sayo…” sinadya ko’ng maging tunog disappointed yung pagkakasabi ko, baka sakali kasing makonsensya siya.

Saglit niyang tinuon ang tingin sa akin, mukha siyang naiiyak. Marahil ay kinakabahan, nalilito at nakukulitan na sa akin si kumag, at nahihirapan na siyang i-handle yung halo-halo’ng feelings. “Bob…” pumiyok siya. “Date lang naman yun diba? Lagi niyo naman yung ginagawa diba? At maaari niyo pa rin namang gawin yun sa ibang araw diba?” garalgal yung boses niya, parang may halong kung anong sakit. “Trust me… iuuwi rin kita agad… matutuloy yung date niyo… daan ka lang Bob… daan ka lang…” nagbuntong hininga siya.

“Eh kasi…” napatigil at napayuko ako, hindi ko kasi alam kung ano pa yung maari’ng gamiting rason. Simple lang naman kasi yung hinihingi niya, at ayos lang naman talaga sa akin na pumunta. Kaso, nahampas na ako ng reality – nagising na ako at mas gusto ko yung totoo; pantasya lang naman kasi si Richard eh… at sa tuwing nakakasama ko siya nalulunod ako dun sa romantiko’ng imahenasyon, Oo masarap yung feeling… pero pagkatapos ng lahat ng yun… pag naglaho na ang magic… masakit na ulit… at yun yung katotohanan! Nasasaktan lamang ako.

“Eh kasi ano? Ayaw mo sa akin? Galit ka pa rin sa akin?”

“Hindi!!! Hindi ganon!”

“That’s how I feel…” disappointed siya.

“Promise wala na sa akin yun… okay na yun…”

“Just be honest bob… maiintindihan ko…”

“Haaayyyy… okay na nga yun!” pagpupumilit ko… “Naiilang lang ako…”

“Im sorry for making you feel uncomfortable…” ramdam ko’ng sincere siya. Masyado rin kasi yung visible sa mga kilos niya at pati sa spark ng kanyang mga mata.

“Pero hindi naman yun eh… nakapag commit kasi ako…”

“I know and I understand… alam ko rin na it’s hard for you to trust me, but please kahit ngayon lang maniwala ka… dadaan ka lang, pakita ka lang sa family ko… I’m sure they’ll be very very happy to see you… after nun, ihahatid kita sa date mo… ako na rin bahalang mag explain kina Mommy na kailangan mo umalis agad… Promise…”

Pinaniwalaan ko yung pangako niya kaya hindi na ako umangal pa. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa marating na namin yung bahay nila.

Pagkapasok namin ay bumungad na naman ulit sa aking paningin yung malawak na receiving area nung bahay. Medyo hindi ganon ang itsura nun nung una ko’ng makita, napuno kasi yun ng mga bar tables, hindi pa tapos ayusin yun pero halatang medyo sosyal yung party. Na isip ko’ng tama lang na umalis ako agad, hindi naman kasi ata ako bagay dun… lalo na sa suot ko nung araw na yun.

Kumuha si Richard ng isang upuan at iniabot ito sa akin. Nagpasalamat lang ako saka umupo. “I’m just gonna call them…” pagpapalam niya.

Maya-maya’y bumaba na si Ron at Jubie at mabilis na tinungo yung kinaroroonan ko. Sinalubong ako ni Jubail ng isang mahigpit na yakap. “You’re with kuya?” tanong niya na sinagot ko naman ng isang tango.

“Uyyy… bati na sila ng destiny niya…” panunukso ni Ron. Tiningnan ko lang siya saka sinabing, “Sira ulo ka... anong destiny destiny?”

“Uy! Maang-maangan mode!” sinabi niya yan in a robotic voice. “May ka-date kami mamaya kuya, yung destiny mo lang yung wala baka pwede mo namang i-date yun kawawa naman kasi…” yung mga tingin at ngiti niya ay sobrang nakakaloko… ganu’ng ganon pa rin siya simula nung una kaming mag kita, para siyang may tinatago.

Sasagutin ko sana siya ng biglang maunahan ako ni Richard na noon ay papunta na sa amin, kasama si ate Liz. Narinig niya yung panunukso ng kapatid niya. “Hindi pwede yun Badong (tawag nila kay Ron), aalis din agad yang kuya Bob niyo. May ibang i-da-date yan… pinilit ko lang yan na pumunta dito…” tinupad nga niya yung sinabi niya’ng siya na yung magsasabi sa family niya kung bakit kailangan ko’ng umalis agad.

Nawala yung saya sa mukha ni Ron. “Totoo kuya?” tumango ako saka ngumiti. “Ang daya naman kuya! Kagabi umuwi ka ng maaga, ngayon aalis ka rin agad?!” nagmamaktol na si Ron, nakakatuwa namang isipin na gusto nila ako’ng makasama pero hindi ko maintindihan kung bakit ganon nalang yung reaksyon niya eh dalawang araw pa lang kaming magkakilala at ‘di pa naman kami ganon ka close.

“Ron… be thankful na pumayag yang dumaan dito. May prior commitment yan eh…” inakbayan ni Richard ang kapatid na nagmamakatol.

“Pero…” napatigil si Ron, nag-iisip ng malalim. “Kuya Bob! Mag stay ka na please…” hindi ko maintindihan kung naiiyak ba siya o gusto’ng manuntok.

“Sorry Ron hindi talaga pwede eh… next time nalang promise…”

“Next time? Edi next year pa yun… Kuya Bob naman… hindi lang ito birthday ni kuya Rantty eh may special announcement din daw siya… importante itong araw na ito and we want you to be part of it.”

Na touch ako sa sinabi ni Ron at aaminin ko’ng naisip ko noong mag stay na.

“Haaayyy… Badong I tried to convince him a lot of times pero wa epek eh… kaya wag mo ng pilitin mukhang importante rin yung date niya…” si Richard.

“Sino ba kasi yung ka date mo kuya?” mariin na tanong ni Ron.

“Ah… Mga kaibigan ko…” tipid ko’ng sagot.

“Mga!!!???” medyo gulat na tanong ni Richard.

“Oo… Si Jude at Jayson… bakit?”

Umiling lang siya, kasabay ng pagsibol ng ngiti sa kanyang mga labi.

Ilang sandali pa ay dumating na yung mga magulang nila. “Bob!!! I’m glad you’re here.” Malumanay na bati ng Mommy nila sabay naman beso sa akin. Ngiti lang ang tanging ganti ko.

“Aalis din agad yan Ma…” singit ni Ron.

“You’re not staying?” tanong naman nung Daddy nila.

“Ahmm… Hindi po eh… dumaan lang po ako para batiin po si kuya Rantty...”

Kasunod nun ay ang walang humpay na pag pilit sa akin ng mag-anak na mag stay sa bahay nila. Ayos lang naman talaga sa akin na mag stay, pero hindi ko alam kung bakit ang dami ko’ng agam-agam. Masaya naman kasama yung pamilya ni kumag at hindi naman nila hinahayaan na ma-OP ako, ang totoo nga ay feeling ko member na ako ng family nila sa sobrang ganda ng pakikisama na pinapakita nila sa akin.

Todo effort silang lahat sa pag pilit, kahit yung Daddy nila ay nakisali na rin.

Ang ending? Edi ayun… sumuko na rin ako… I decided to stay. Sa ginawa ko’ng yun ay ramdam ko ang tuwa nila lalo na si Richard na pigil na sumigaw pa ng ‘Yes!’

“Pero babalik nalang po ako, wala po ako’ng dalang damit eh… magbibihis lang po ako sa hotel…” paalam ko.

“Wag na kuya… baka mamaya magbago na naman yang isip mo… pahihiramin nalang kita ng damit, mukhang magka size naman tayo eh…” sabi ni Ron.

“Nako, wag na Ron. Babalik ako promise saka magpapaalam pa ako dun sa mga kaibigan ko…”

“Tawagan mo nalang kuya… sige na…”

At bumagsak na naman ang bandera ko. Ang lakas ng convincing power nung kapatid ni kumag.


**********************


Agad ko’ng tinawagan si Jude upang sabihing hindi na ako makakasama sa kanila. Nagui-guilty man ay nilakasan ko ang loob ko na ipaalam sa kanya, I know how excited he was pati na rin si Jayson at well planned na yung magiging lakad namin, kaya alam ko’ng disappointed siya; pero wala eh… napasubo na ako, hindi na ako maka-alis.

Pagkatapos ko’ng kausapin si Jude ay agad ako’ng inaya ni Ron sa kwarto niya. Binuksan niya ang kanyang cabinet at inutusan ako’ng mamili ng isusuot.

“Nakakahiya Ron… ikaw nalang pumili…”

“Hiya-hiya eh kami nga yung nang-abala sayo diba? Sige na pumili ka na…”

Nagkamot lang ako ng ulo. “Ikaw na nga lang… sayo naman yan eh… isusuot ko kahit anong ipahiram mo…”

Ngumiti siya na may kasamang malalim na hinga. “Kuya’s right… magkatulad nga kayo…” halos pabulong niyang sabi.

“Ano yun?”

“Wala…” nag giggle siya.

“Sino yung katulad ko?”

“Wala…” nag pakawala ulit siya ng ngiti. “Pili na tayo?” pag-iiba niya ng usapan. Lumapit siya sa cabinet at tiningnan isa-isa yung mga naka-hanger na damit. “Gusto mo complimentary tayo o kayo ni kuya Chard?”

“Sira ulo ka! Uuwi na nga lang ako…” pagbibiro ko. Sabay tayo at kunwaring lalabas na sa kwarto.

“Wag… malulungkot yung destiny mo…” tumawa siya.

“Sira ulo ka!!!”

“Ganyan din tawag niya sa akin sa tuwing kinukulit o ina-asar ko siya…” hindi ko makita ang expression niya dahil busy siya sa pag-pili ng ipapasuot sa akin.

“Sino ba kasi yan? Curious tuloy ako makilala yang kakambal ko…”

Narinig ko siyang nagpakawala ng mahihinang tawa saka sinabing “Wala…”, humarap siya sa akin saka inabot ang isang pink long sleeves at isang white pants “Ito kuya, okay lang ba ‘to sayo?”

“Ayos na yan…”

“Meron ako’ng perfect shoes para diyan kuya!” kinuha niya ang isang kahon sa may shoe rock niya saka inilabas ang isang pink leather shoes. That was the first time na nakakita ako ng leather shoes na iba ang kulay.

“Isukat mo na kuya…”

“Hindi na kailangan, kasya na ito…” nahihiya kasi ako’ng magbihis doon sa room niya.

Bumalik siya doon sa cabinet at namili na rin ng damit na isusuot. Habang ginagawa niya yun ay nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan ang kwarto niya. Halatang-halata na binata yung may-ari ng kwarto dahil hindi yun ayos na ayos; malinis naman yun pero hindi in an OC way. Natuon yung paningin ko sa study table niya, sa harap nun ay may string na ginawang sampayan ng mga pictures. “Patingin ako ng mga pictures ha?” pag-papaalam ko sa kanya habang lumalapit sa lamesa niya.

Isa-isa ko’ng tiningnan yung mga pictures na nakasabit dun. Marami dun eh pictures nilang magbabarkada, may picture ding may kasama siyang babae. “Girlfriend mo ‘to?” tanong ko sa kanya. “Opo kuya. Si Sarah po… papakilala kita mamaya.” Nakangiti niyang sagot. Nginitian ko lang din siya saka balik ng tingin sa mga pictures. Dun ko napansing madami din silang pictures ng kuya Richard niya, at pinapakita nun na sobrang close silang dalawa. Inalis ko sa pagkakasabit yung isang picture para matingnan ng mas malapit. “Close pala talaga kayo ng kuya mo ano?” pagbasag ko sa katahimikan. “Ay Sobra kuya… best friend kami nun eh… sakin lang yun nag shi-share ng secrets eh at ganon din naman ako sa kanya.” Full of passion niyang tugon. “Kaso… bigla siyang nag-bago eh…” kumawala yung lungkot sa boses niya.

“Huh? Anong nag bago?”

Huminga siya ng malalim. “Approximately three months ago… nawala ang kuya ko…” sobrang seryoso ng itsura niya na nagbigay sa akin konteng pangamba.

“Ang lalim naman Rony boy… pwede ba’ng maging direct to the point tayo….?”

Nanlaki yung mga mata niya. “Isang tao lang yung tumatawag sa akin ng Rony boy ah…”

“Pwes ngayon dalawa na kami… sige na i-kwento mo na… pano’ng nawala? Make it more understandable!” pangungulit ko.

“Pareho nga kayo…” bulong niya pero hindi ko na masyado pinansin dahil ang ibig ko lang naman ay i-kwento niya yung nangyari kay Richard.

“Partners in crime kami nung kuya ko’ng yun eh… Pareho kami mostly ng interest… very supportive, loving, understanding at generous nun. Aware ka naman na single siya diba?”

Tumango lang ako.

“Three months ago nung iwan siya ni ate Kaye… She was kuya’s first love, after nun ay never pa siyang nagkaka-girlfriend ulit.”

“Ayos lang naman yun! Three months palang naman kasi…” pag interrupt ko.

“At hindi din naman yun ganon kadali sa kanya. Mahal na mahal niya si ate kaye… at I know na mahal rin niya si Kuya. It was a perfect love story kuya bob, at I know na they had both dedicated their lives for each other. Kulang na nga lang ay kasal eh...” nag buntong hininga siya. “Nung iwan siya ni ate kaye eh… halos mabaliw si kuya. Since then ay nagbago na siya… hindi na kami halos nag-uusap, puro nalang aral ang ginagawa niya… naging bugnutin din siya, hindi na halos yan ngumingiti o tumatawa, halos gabi-gabi din yan kung umiyak lalo na pag naaalala niya yung monthsary nila……….. Na mi-miss ko yung mga usual na ginagawa namin together, alam ko iniiwasan niya yun dahil feeling ko naaalala niya si ate kaye; nakakalungkot… but we tried to understand him kasi alam naming nasaktan siya.”

“Ganun pala yun? Kawawa naman pala siya, he had given all his heart sa taong lolokohin lang siya…”

“Lolokohin? Yun ba yung sinabi ni kuya sayo?” may kung ano’ng kirot sa mga mata ni Ron.

Tumango lang ako.

Tahimik…

“Bakit hindi ba? Ano ba talaga yung nangyari?” pagsisimula ko ulit.

“Siya nalang yung tanungin mo…” malumanay niyang sagot. Batid ko pa rin yung lungkot sa boses niya kahit pinipilit niyang ngumiti. Mukhang mahal na mahal nga nila si Kaye, mukhang pati siya eh affected din sa paghihiwalay ng kuya niya at ni kaye eh.

“Pero kuya salamat sayo ha…” binaling niya yung mga tingin sa akin.

“Salamat saan?”

“Salamat kasi nakilala ka ni kuya… feeling ko angel ka eh, binalik mo sa amin yung kuya ko…” nag smirk siya pero ramdam ko’ng seryoso siya.

“Nakakalunod ka na naman Rony boy ha… hindi kita naiintindihan…” medyo asiwa ako dun sa inaakto niya.

“Simula kasi nung magkabanggaan kayo, at simula nung awayin mo siya… (Tumawa siya) eh… araw-araw na niya ako’ng tinatawagan… unti-unti na siyang bumabalik…”

“Kinuwento niya sa iyo?”

Nag smirk siya “Lahat…”

“Haay nako. Kung ano man yung mga kinuwento niya, kalimutan mo na yung mga yun… majority dun, eh hindi totoo...”

“ ‘Bat ko naman kakalimutan? Because of you, bumalik na yung kuya ko… I saw him smiling again, laugh, do those stuffs he usually does… tell me kuya bakit ko kakalimutan yun?”

Natahimik lang ako. May point naman kasi siya.

“Masaya ako kuya Bob… and its all because of you… salamat…” tinap niya yung braso ko which made me look sa direksyon niya. “Kung magiging kayo ni kuya, hindi ako tututol…”

“Ano ba yang pinagsasabi mo Ron!? Kilabutan ka nga!!!” bulyaw ko sa kanya dahil sa labis na pagka bigla.

“Halata namang you’re not in good terms, pero Im hoping na intindihin mo siya kuya… ikaw lang yung nakapagpabago sa kanya eh… He needs you…” ramdam ko yung lungkot sa boses niya, naantig ako pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mailto. Hindi ko naman kasi alam kung ano yung nagawa ko sa kuya niya para sabihin niyang nagawa ko’ng baguhin ito. Ilang araw ko palang siyang nakikilala at feeling ko ay hindi pa naman kami ganon ka close… oo, aaminin ko may strange feeling ako towards him, something na hindi ko pa rin kayang lagyan ng label pero sa akin lang yun… alam ko kasi ramdam ko’ng ayaw sa akin ni kumag, kaya sobrang ironic nung sinasabi ni Ron na kailangan ako ng kuya niya.

Natahimik kami pareho. Kinuha niya yung gitara’ng naka patong sa kama niya, saka sinimulang tipain ito. Nag sta-strum lang siya paulit-ulit pero hindi naman kumakanta.

“Ang galing mo ah…” Bati ko sa kanya.

“Hindi naman kuya… marunong ka nito?” tiningnan niya ako kaya naitigil niya yung pagtug-tog.

“Hmmmmm….. Medyo…”

Inabot niya sa akin yung gitara. “Tugtog ka kuya…”

Sinunod ko naman yung gusto niya at sinimulang tugtugin yung Power of two na version ng MYMP. Mas magaling ako’ng mag gitara kaysa piano… limited lang kasi yung skill ko dun sa huli. Sinabayan ko na rin yun ng kanta, favorite song ko kasi yun eh.

Now the parking lot is empty
Everyone’s gone some place
I pick you up and in the trunk I’ve packed
A cooler and a two day suitcase
Cause theirs a place we’d like to drive
Way out in the country
Five miles out of the city limit we’re singing
And your hands upon my knees

So were okay
Were fine
Baby I’m here to stop your crying
Chase all the ghost from your head
I’m stronger than the monster beneath your bed
Smarter than the tricks played on your heart
We look at them together then we’ll take them apart
Adding up the total of a love that’s true
Multiply life by the power of two

You know the things that I am afraid of
Im not afraid to tell
And if we ever leave a legacy
It’s that we loved each other well
Cause I’ve seen the shadows of so many people
Trying on the treasures of youth
But a road that fancy and fast
Ends in a fatal crash
And Im glad we got off
To tell you the truth

So were okay
Were fine
Baby I’m here to stop your crying
Chase all the ghost from your head
I’m stronger than the monster beneath your bed
Smarter than the tricks played on your heart
We look at them together then we’ll take them apart
Adding up the total of a love that’s true
Multiply life by the power of two

All the shiny little trinkets of temptation
Something new instead of something old
All you gotta do is scratch beneath the surface
And its fools gold
Fools gold
Fools gold…

Now were talking about a difficult thing
And your eyes are getting wet
I took us for better and I took us for worst
Don’t you ever forget it
Now steel bars between me and the promise
Suddenly bend with ease
The closer that I bound in love to you
The closer I am to free

So were okay
Were fine
Baby I’m here to stop your crying
Chase all the ghost from your head
I’m stronger than the monster beneath your bed
Smarter than the tricks played on your heart
We look at them together then we’ll take them apart
Adding up the total of a love that’s true
Multiply life by the power of two

“Ang ganda ng boses mo kuya parang pambabae…” bati niya nung matapos ko ang kanta.

“Thanks… Compliment ba yun?” yun lage ang sagot ko sa tuwing sasabihing pambabae yung boses ko. Nakakalito kasi minsan unawain if compliment o binubully ka na; alam niyo na, madalas tampulan ng tukso yung sexuality ko… madalas sabihing malambot at binabae ako… kaya pag sinabing maganda at tunog babae yung boses ko eh feeling ko nanunukso.

“Naman!!! Alam mo, magaling din kumanta si ate kaye… song leader nga yun sa church eh…”

“Wow naman… sa pagkakasabi mo mukhang sobrang galing nga niya ah…”

“Magkasing-galing kayo kuya… sa tuwing nag ka-karaoke nga kami eh laging siya yung bida… paulit-ulit naman yung kinakanta… Only hope…” masaya niyang kwento.

“O-only hope?” medyo nabigla ko’ng tanong.

“Oo yung kay Mandy Moore… favorite niya rin kasi yung ‘a walk to remember’ eh…”

“Kaya pala…” pabulong ko’ng sabi.

“Kaya pala ano kuya?” tanong ni Ron.

“Kaya pala favorite niya… kasi maganda talaga yung movie eh…” pagdadahilan ko. Kahit na ang gusto ko naman talaga sabihin eh… kaya pala umiyak si kumag nung umaga, narinig niya ako’ng kumakanta ng only hope at naalala niya si kaye.

Hindi ko alam kung bakit may kirot ako’ng nadarama sa aking dibdib. Para’ng tinutusok yung puso ko sa tuwing na iisip ko kung gaano niya kamahal si kaye. Hindi ko lubos maintindihan, pero inisip ko nun na, baka nakakarelate lang ako sa kanya pareho kasi kaming galing sa heart break.

Dahil sa kwento ni Ron ay mas naiintindihan ko na si Kumag, mahirap nga yung pinagdadaanan niya; pero hindi ko pa rin maintindihan kung sa paanong paraan niya ako kailangan.


***************************


Sabay kaming bumaba ni Ron, naka sabit sa leeg niya ang isang DSLR camera at click siya ng click habang kami ay naglalakad. Alam ko yun, dahil lage akong nasisilaw sa flash ng dala niyang camera.

Marami-rami na ang bisitang dumating, at marami rito ay mukhang yayamanin. Nilapitan ko si kuya Rantty na noon ay kasama ang mga office mates niya. Binati ko siya saka huminge ng paumanhin dahil wala ako’ng dalang regalo na naintindihan naman niya. Pinakilala niya ako sa mga kakilala nila puro lang ako Hi, Hello, smile, tango at bow… na realize ko hindi ako bagay sa mundo nila.

Tinawag ako ni Ron upang ipakilala sa sa girlfriend at mga kaklase niya. Nung gabing yun eh para ako’ng kakandedato. Maganda yung girlfriend ni Ron at mukha ring mabait. “Kuya Bob, si Sarah Girlfriend ko.” at inisa-isa rin niyang inintroduce yung mga kaklase niya. “Guys… si kuya Bob syota ni kuya Richard…”

“Hoy Abnoy!!! Anong syota??? Hindi ah!!!” bulalas ko dahil sa pagkagulat.

“Hindi pa sa ngayon… pasasaan ba’t mangyayari rin yun!” nagtawanan silang lahat.

“Hindi… malabo… hindi’ng hindi yun mangyayari…”

“Asus… Kung kailangan pati ako manligaw gagawin ko, sagutin mo lang yung kuya ko… kailangan ka nun…” naging seryoso yung boses niya.

Sa totoo lang musika sa pandinig ko yung sinabi ni Ron, at parang ang sarap-sarap paniwalaan. Pero tanga ako kung umasa ako’ng mangyayari yun, alam ko naman kasing malabo yun eh, sigurado ako’ng hindi kahit kailan manliligaw si Richard… una dahil bakla ako, eh kahit ako nga ay hindi alam kung dapat ba’ng ligawan ng lalake yung bakla, usually kasi yung mga kaklase ko’ng beks ang nanliligaw sa mga jowa nila. Pangalawa, hindi niya ako gusto... Oo may mga times na ramdam ko’ng nagseselos siya… pero malay ko ba kung tama yung feeling ko, baka nagiimagine lang pala ako nun at ang totoo eh nandidiri siya. Pangatlo… Eh..., ano nalang sasabihin ng mga magulang nila? O ng mga magulang ko? si Ron lang naman yung nagsasabing boto siya sa amin ng kuya niya, pero ang dami pa kasing mga individuals na kailangang i-consider… at Huli…kasi ayaw ko… kasi alam ko at sure ako masasaktan lang ako… ngayon pa nga lang ay nasasaktan na ako eh… ayaw ko’ng ako mismo yung kumuha ng bato na ipupukol sa ulo ko…

“Ewan ko sayo!!! Guys nice meeting you all, CR lang ako…” Pagpapaalam ko sa grupo nila. Baka kung anu-ano pa kasi ang sabihin nung kapatid ni kumag.

Nag sinungaling lang ako nung sabihing pupunta ako sa CR, hindi naman talaga ako naiihi eh! Gusto ko lang umiwas sa panunukso nila. Ayaw ko lang kasi na ma link pa kay Richard, mukhang wala naman kasing patutunguhang maganda yun eh.

Pumunta ako dun sa maliit na receiving area malapit dun sa back door ng bahay. Noong bumaba kasi kami ni Ron ay napansin ko’ng walang tao sa parte ng bahay na iyon… doon kasi ay maaari ako’ng magtago… pwede ako’ng makapag-solo…

Umupo lang ako sa sofa, naka sandal ang likod sa sandalan habang nagmumuni-muni. Iniisip ko yung lahat ng nangyari between Richard and I… wala pa’ng isang lingo pero sobrang dami na ng nangyari. Ang laki ng impact sa akin ng journey na iyon, lalo na sa pagkatao ko… binigyan ako nun ng maraming sama ng loob at confusion. Hindi ko na alam kung ano yung totoo at hindi, at dahil doon kahit yung sarili ko ay nahihirapan na rin akong pagkatiwalaan.

Ang dami din kasing sinabi ni Ron eh, una yung about sa one true love ni kumag na kahit niloko siya at iniwan ay hirap pa rin siyang kalimutan. Pangalawa ay yung thankful silang nagkakilala kami ni kumag… Angel daw ako na binalik yung kuya nila sa dati…? eh araw-araw nga’ng ginagawang impyerno nung mokong na yun ang buhay ko. Huli, ay yung kailangan daw ako ng kuya niya? Ano yun kailangan niya ba ng sasaktan araw-araw? Kailangan niya ba ng mamaliitin at kukutyain? Haaay… Ang gulo…

Tahimik lang ako’ng nag-iisip noon ng biglang bulabugin ang diwa ko ng lalake’ng kanina pa ikot ng ikot sa isip ko. “Ano’ng ginagawa mo diyan? Doon tayo…” malumanay niyang pagbasag sa katahimikan ko. Natuon yung paningin ko sa staircase kung saan siya naroroon, bumababa. Naka pink long sleeves rin siya tulad ko, nakangiti… na miss ko yung ngiting yun eh… mabilis siyang bumaba, pero sa paningin ko dahan-dahan iyon. Sobrang bagal na nagkaroon pa ako ng pagkakataong makita ang bawat paghakbang na ginagawa niya, ang bawat pagdampi ng hangin sa kanyang buhok, ang bawat pag twinkle ng mga mata niya. “Ano ba itong nararamdaman ko???” sigaw ng utak ko. Mabagal din ang pagpintig ng puso ko, at halos sabay ang tibok nun sa bawat pag galaw niya. (Seryoso yun, feeling ko talaga nun eh bumagal ang pag-ikot ng mundo.)

Maya-maya pa’y nasa harap ko na si Richard. May ngiti pa rin sa mukha niya at nagulat ako dun, madalas kasi ay ang bilis ng expiration date nung smile na yun eh. “Halika ka na?”

“Huh? Anong halikan?” kumunot yung noo ko.

Tumawa siya ng sobrang lakas… as in super tawa siya, yung tipong kulang nalang ay magpagulong-gulong siya. “Sabi ko HA-LI-KA na… tayo na… lets go….” Sabi niya na sinisingit sa mga malulutong na tawa.

Natahimik lang ako at nahiya sa aking sinabi. Ang dami kasing tumatakbo sa utak ko kaya mali yung pagkakarinig ko sa sinabi niya.

“Ikaw ha… kung anu-ano yang iniisp mo… gusto mo atang maka isa eh…” panunukso niya.

Inismiran ko lang siya nun. Hindi ko kasi alam ang isasagot, mali naman talaga kasi ako ng pagka rinig.

“Joke lang yun…” nung tingnan ko siya ay sobrang nakakaloko pa rin yung mga ngiti niya. “Lets go…?” pagyaya niya ulit sa akin.

“Dito muna ako…”

“Hindi pwede. Bisita ka, kailangan mag enjoy ka….” Sabi niya.

Umupo siya sa tabi ko. Hindi ko ma-explain yung feeling, parang binalot ng kuryente yung buo ko’ng katawan. Halos hindi ko ma control yung pagnginig ng mga muscles ko.

“Pasensya ka na ha… nasira yung date mo…” ngumiti siya. Para na naman akong na hi-hypnotize nung mga ngiti’ng yun… masyado’ng nostalgic ang dating nun sa akin… parang ang tagal ko’ng hinitay na masilayan yun ulit.

“A-ayos lang yun… maiintindihan naman yun ni Jude eh…” natatakot ako’ng tingnan siya baka kasi malunod na naman ako sa charm niya. Kaya pinilit ko’ng ituon sa iba yung mga mata ko.

Tahimik.

Nakayuko lang ako at hinihintay na iwan niya ako. Paulit-ulit ko yung dinasal na umalis siya at iwan ako’ng mag-isa doon. Maya-maya pa’y naramdaman ko ang paglapat ng mga kamay niya sa kamay ko. Sinisigaw ng utak ko na pakawalan yung mga kamay ko sa pagkakahawak niya pero parang wala ako’ng lakas na gawin yun.

Nakiliti yung kaliwa ko’ng tenga sa hininga niya. May kakaibang magic na dala yung kiliting yun, magic na noon ko lang naramdaman. “Bob… uncomfortable ka pa rin sa akin?”

“Huh?” yun lang ang nasabi ko kahit na ang nais ko naman talaga ay sabihin yung totoo na Oo… naiilang ako at hindi ko alam kung paano ko aalisin iyon.

Huminga siya ng malalim. “Okay lang… I got bothered by it these past days eh… I don’t know how to make things right… Sorry talaga bob…”

“Sorry ka ng sorry eh… sabi namang okay na yun diba?” na gi-guilty rin kasi ako, I made him feel bad dahil lang sa pagka asiwa ko sa kanya. Dapat nga iniintindi ko siya specially ngayon na alam ko na yung masakit na pinagdaanan niya; pero hindi rin kasi ganon kadali yun sa akin eh, what happened between us is like a dangerous ride for me, I don’t want him to feel that way pero hindi naman ako pwedeng magpanggap na ayos lang ako atsaka hindi ko talaga alam kung paano alisin yung pagka ilang ko sa kanya.

Nagpakawala lang siya ng isang pilit na ngiti, feeling ko hindi pa rin siya na niniwala na okay na talaga ako. “Anyways… thanks for staying… at Bob…. I have something to tell you… I don’t know if this is the right time pero… bahala na… I just thought na I badly need to tell you this…” Pero bago pa man niya matapos yung sasabihin ay bigla kaming binalot ng nakakasilaw na liwanag.

Sa harap namin ay nakatayo si Ron, hawak-hawak niya ang kanyang camera na nakatutok sa amin. Ang liwanag na bumalot sa amin ay sinundan pa ng ilang beses pa’ng flash. “Uyyyy… Getting to know eachother???” panunukso ulit ni Ron… tahimik lang kami ni kumag, pero hindi tulad ko naka ngiti siya. Mukhang natutuwa sa ginagawang panunukso ng kapatid. Nag flash ulit yung camera. “Uyyy… Holding hands…” si Ron ulit. Mabilis ko namang binawi yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

Lumapit si Ron sa amin saka pinilit kaming magpakuha ng litrato. Aayaw sana ako ng bigla akong hawakan ni Richard at piliting magpakuha. “Closer…” hirit ni Ron. Naramdaman ko nalang ang pag-akbay ni Richard sa akin, saka kami binalot ulit ng liwanag mula sa camera. Hindi ko alam kung maayos ba yung itsura ko doon, at wala na ako’ng time nun na isipin pa yun, masyado kasi ako’ng nabigla sa paglapat ng katawan niya sa katawan ko.


****************************


Isa-isa’ng ipinakilala ni Richard sa akin yung mga pinsan niya, nakilala ko rin yung ibang tito at tita nila. Mabait naman sila at very accommodating kaso english din sila ng english. Hehe

Maya-maya pa’y lumipat kami dun sa table ng mga kaibigan niya. Doon nakilala ko sina Lenard, Benjo, Karl, Hiro at Frank. May mga itsura naman sila kahit na medyo may katabaan si Karl at medyo pandak si Hiro. Pero I must say na sa kanilang lima eh angat sa itsura si Frank. Very manly kasi yung dating niya, mukhang sosyal na basagulero. Kamukha niya yung anak na lalake ni Gloria Diaz na model before ng bench, ‘di ko maremember yung name. (Sorry (y) )

“Bro… siya yung kinukwento mo sa akin kahapon?” hirit ni Frank na noon ay may kakaibang ngiti. Ayaw ko dun sa ngiti niya, parang laging may masamang balak.

“hmm… Yah…” medyo hesitant niyang sagot.

“Ano ba yung kinuwento niya sayo?” deretso ko’ng tanong kay Frank na noon ay nakatitig lang sa akin, naroroon pa rin yung nakakainis niyang ngiti.

“Ahhhh… just random things… how we met…. And things like that….” Singit ni kumag na hindi magawang tumingin sa akin.

Nakakapagtaka yung reaction ni Richard pero mas nakakapagtaka yung mga ngiti nung mga kaibigan niya.

“Okay… sana naman hindi masama yung mga kinuwento niya sa inyo….”

“Nah… trust us… lahat maganda…” sagot naman ni Frank.

Marami-rami rin kaming napagkwentuhan. Actually na ikwento nga nila sa akin yung buong history ng pagkakaibigan nila. May mga times din na nababanggit nila si kaye, pero agad iniiba ni Richard yung topic. Pati sa mga kaibigan niya ay close si kaye. Mukhang sa kanya lang umiikot yung mundo ni kumag – ganoon niya iyon ka mahal.

“Excuse me… kuha ko lang kayo ng drinks…” paalam ko sa mga kasama.

“Wag na…” si Richard.

“Ano? Alangan namang hindi mo painumin yan? Atsaka nauuhaw na rin ako…”

“Samahan na kita…”

“Wag na… kaya ko na! i-entertain mo nalang yang mga bisita mo…”

“Sure ka?” sabi niya, na sinagot ko naman ng ngiti at tango.

Hindi pa naman ako ganon ka layo sa kanila nung marinig ko si Frank. “He’s the one who pissed you off right?”

Sinadya ko’ng bagalan ang paglalakad, gusto ko marinig yung pag-uusapan nila. Nakatalikod sa akin si Richard at busy sila sa pag-uusap kaya alam ko’ng hindi nila kita’ng naroroon pa ako.

“Yah…” tipid niyang sagot.

“Halatang may gusto sayo pre… pagbigyan mo na kasi… one night stand lang katapat niyan, tapos titigil din yan…” nagtawanan sila.

“Paano kung hanap-hanapin?” hirit ng isa. Tawanan ulit.

Nagmadali na ako’ng kumuha ng maiinom. Gusto ko sanang marinig yung pinaguusapan nila pero naisip ko rin na hindi yun ang right time for me para masaktan na naman. Ihahatid ko lang yung mga inumin sa kanila tapos lilipat nalang ako sa table nila Ron, yun yung naisip ko noong paraan para maka iwas.

Bitbit ko ang isang tray na ginamit ko upang madala yung pitong baso ng iced tea. Habang papalapit sa kanila ay sinadya ko’ng bagalan ang paglalakad.

“Looks can be very deceiving bro… right! He looks so gentle pero hindi natin alam kung ano ang kayang gawin niyan. Do you know that he tried to kidnap Jubie..? I think member yan ng sindikato eh, kaya he was able to fool my family…. Baka gusto’ng magnakaw…” narinig ko’ng sabi ni Richard, at alam ko’ng ako yung tinutukoy niya. Ang labo niya, akala ko naniniwala siyang wala ako’ng ginawang masama sa kapatid niya; at ano daw yun? Sindikato? Magnanakaw daw ako?

“I don’t think so bro… I think he just wants you… pagbigyan mo na kasi…” tawanan sila.

“If you want bro… ako na yung gagawa… one time lang, turuan natin ng leksyon…” Seryoso’ng sabi ni Frank.

“Eh baka hindi naman matuto… baka mag enjoy lang yun…” tawanan ulit.

“Ano bro? game? Mamaya ako na ang bahala diyan.” Nakaramdam ako ng takot sa narinig ko kay Frank. Pero mas natakot ako nung marinig yung sagot ni Richard. “Leave it to me bro… ako na bahala’ng gumawa nun… malandi yan kaya alam ko madali lang yan….”

Para ako’ng pinagsakluban ng langit at lupa noon. Nakaramdam ako ng labis na takot para sa sarili ko, nag-aalala ako para sa kaligtasan ko at higit sa lahat nasasaktan ako… hindi ko inaasahan na kaya niyang sabihin yun. Kaya ayaw ko’ng umaming bakla eh… kung bakla ka kasi ay parang ang dali mo’ng maliitin… hamakin… paglaruan… pero wala eh, tinanggap ko na ito, kaya wala ako’ng magagawa kundi pagdusahan yung consequence.

Marahan ako’ng lumapit sa kanila, inilapag ang tray sa lamesa. Hindi ko sila magawang tingnan, nahihiya ako. Namumuo na naman yung mga butil ng tubig sa mga mata ko, at pinipigilan ko na namang huwag mahulog yung mga iyon.

“Kanina ka pa?!” gulat na naibulalas ni Richard.

Tumango lang ako, pero hindi ko pa rin siya tinitingnan. “D-drinks niyo… wa-wala’ng lason yan…” halos walang buhay at nauutal ko’ng sabi, ininuman ko pa yung isang baso para patunayan na wala ako’ng nilagay na lason. Naramdaman ko nalang yung dahan-daha’ng pagdulas ng mga luha sa pisnge ko. Pinunasan ko yun, dinampot ang aking cellphone sa table saka nag paalam, “excuse me…”

Pumunta ulit ako dun sa maliit na receiving area saka ko tinawagan si Jude para sunduin ako. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun pero naramdaman ko nalang na kailangan ko siya nung mga panahong iyon. Pinilit ko’ng huwag iparinig sa kanya yung pag-iyak ko.

Patuloy lang ako’ng umiiyak noon. Sobrang sama ng loob ko… alam ko namang ayaw niya sa akin, pero hindi ko pa rin inasahan na marinig yun sa kanya. Nagtiwala ako na hindi mangyayari yung naganap the night before, pero ayun mas malupit pala yung kinasadlakan ko. Na pi-pissed off pala siya sa akin, eh ‘bat inaya pa niya ako na pumunta doon? Hanep nga naman talaga yung mga plano ni kumag nuh? Nakakaasar… kasi ang tanga ko…

Dumating yung Mommy nila na halatang nabigla at nag worry nung makita ako’ng umiiyak. “Bob? What happened?” agad ko’ng pinahid yung mga luha ko at nagpanggap na wala lang nangyari.

“Si Richard ba?” tanong niya.

“Ma’am hindi po…” iniwas ko yung mga tingin sa kanya, ayaw ko’ng mahuli niyang nagsisinungaling ako. Pero mukhang hindi rin umubra, agad siyang bumalik dun sa party at tinawag si Richard. Pagbalik niya’y kasama na niya yung dalawa niyang anak (Ron at Richard).

“Now tell me what happened bob?” tanong nung mommy nila sa akin, yung mga mata ay tila kinikilatis kung ano talaga yung tunay na nangyari.

Nagkatinginan lang kami ni Richard. Straight-face siya at mukhang walang balak na magsalita.

“Wala po Ma’am… May emergency lang po kaya kailangan ko na po’ng umalis…” tugon ko, ngunit hindi ko pa rin inalis yung tingin kay Richard.

“Bob… you’re not good at lying… ano ba talaga yung nangyari…” tanong ulit nung mommy nila.

Tahimik…

“Chardy? Ano ba yung nangyari?” pangungulit niya ulit. Pero wala pa ring sagot si kumag.

“Wala po talaga Ma’am… kailangan ko lang po talagang umalis…”

“Sure ka ba talaga Bob?” tumango lang ako. “Okay… kung ganon, eh ipapahatid na kita kay Richard…”

Natahimik lang kami, hanggang sa tuluyan na kaming iwanan ng Mommy nila. Nilapitan ako ni Ron saka umupo sa tabi ko. “Ano ba talaga yung nangyari kuya?” bakas din yung pag-aalala sa boses niya.

“Wala nga… isa ka pa eh…” tumawa ako, pero hindi ko alam kung kapanipaniwala, hindi ko kasi mapigilan yung mga luha ko eh.

“Paulit-ulit mo mang sabihin yan kuya… iba pa rin yung sinasabi ng mga mata mo! At mas naniniwala ako sa kanila.”

Alam ko’ng wala akong takas sa paningin ni Ron. Mahuhuli at mahuhuli niya pa rin ako, ano mang pagsisinungaling yung gawin ko; kaya hindi na ako nagpanggap pa sa harap niya, humagulgol na ako ng tuluyan, umaasa na mapapagaan nun ang damdamin ko.

“Badong? Can you leave us for a while?” narinig ko’ng sabi ni Richard.

Nakatakip nun yung mga kamay ko sa aking mata, pero naramdaman ko yung pagtayo at pag-alis ni Ron. Noon nga ay naiwan kami ni kumag.

“Can we talk?” expressionless niyang sabi.

“Hindi na kailangan! Aalis na ako, promise hindi na mag ko-krus yung landas natin… last na ito…” pinilit ko’ng i-compose yung sarili ko, ayaw ko’ng pagsalitaan siya ng masama eh.

“Bob… I can explain… this is just misunderstanding.”

“Hindi… ayos lang talaga… balik ka na doon… baka hinahanap ka na nila… aalis na rin ako maya-maya…” I tried to say it as clear as possible.

“Hatid nalang kita kung ayaw mo na dito… basta mag e-explain ako ha?”

“Explain explain eh kasinungalingan na naman yang sasabihin mo…” sa utak ko… “Wag na… nagpasundo na ako kay Jude…” pagtanggi ko sa alok niya.

“Si Jude na naman…” halos pabulong niyang sabi. Hindi ko na siya sinagot at nanatili kaming tahimik na dalawa. Tahimik lang ako’ng umiyak, hindi ko alam kung ano yung ginagawa niya o kung ano yung expression niya dahil sa nakayuko ako at itinago yung mga mata ko’ng lumuluha sa mga nakalahad ko’ng palad.

After 20 minutes naka receive ako ng text mula kay Jude. Malapit na daw siya, hindi naman ganun kahirap hanapin yung bahay nila Richard lalo na kung naka taxi ka. Hindi din naman yun ganoon kalayo mula sa hotel na tinutuluyan namin.

Tumayo na ako upang kunin yung bag ko sa kwarto ni Ron.

“Saan ka?” tanong niya.

“Malapit na daw si Jude…” nangangatog ko’ng sabi.

“Alis ka na?”

Tumango ako. “Kunin ko lang yung gamit ko sa kwarto ni Ron…”

“Samahan na kita…” tumayo na rin siya.

“Wag na… kaya ko na….” saka ako tumalikod upang tahakin yung hagdan.

“Hindi samahan na kita…”

Napatigil ako… inisip ko na wala siyang tiwala sa akin… naninigurado na hindi ako gagawa ng masama… iniisip nga ata niya na magnanakaw ako… nilingon ko siya, nagpahid ng luha saka itinuloy yung pag-akyat sa hagdan.

Pagkapasok sa kwarto ay agad ko’ng kinuha yung bag ko, nasa may pinto lang siya at pinagmamasdan yung bawat gagawin ko. Mabilis ako’ng lumabas, naiiyak na naman ako pati kasi ako ang baba na ng tingin ko sa sarili ko.

“Oh!!!” sabi ko sabay abot nung bag sa kanya.

“Huh?”

“Check mo na!!!” mariin ko’ng sabi.

“Hindi… hindi na…” walang buhay yung boses niya.

Mabilis ko siyang tinalikuran at halos talunin ko na yung hagdan pababa. Pagkadating ko dun sa sofa ay agad ko’ng binuksan yung bag at isa-isang nilabas yung mga laman nun.

“Ano’ng ginagawa mo?”

“Ahmmm…. Wala akong ninanakaw chard…”

Tinuloy ko lang yung paglabas ng mga laman ng bag ko, pati yung laman ng wallet ko ay nilabas ko na rin. “Wala ako’ng ninanakaw… wala ako’ng ninanakaw… wala ako’ng ninanakaw…” paulit-ulit ko’ng sinasabi habang pinapakita yung mga laman ng bag ko. Iyak pa rin ako nun ng iyak. Ganun lang yung ginagawa ko ng bigla niya ako’ng yakapin mula sa likuran. “Enough… Bob enough…” bulong niya sa tenga ko.

Kumawala ako sa mula sa yakap niya at nung magtama yung mga mata namin ay nakita ko’ng umiiyak rin siya. Wala na ako’ng ibang makita dun sa mukha niya kundi puro sakit… Oo… nasasaktan siya… pero may mas sasakit pa ba sa nararamdaman ko nun?

Hinawak niya ako sa magkabila ko’ng pisnge, ramdam ko ang panginginig ng dalawa niyang kamay. “Im Sorry… Sorry…” bulong niya kasabay ng pagbagsak ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Nagkatitigan lang yung mga mata naming balot ng mga luha, noon hindi na ako nalunod sa mga titig niya, malamang dahil sa nadala na ako sa mga titig na yun… sa mga sinungaling at mapaglarong titig.

Inayos ko yung bag ko. “Alis na ako!!!” sabi ko, sabay talikod at tumbok sa back door.

“Bob!!!”

Lumingon ako sa kanya. “Yung mga damit ni Ron palalabhan ko nalang, bago ibalik….” Huminga ako ng malalim sabay hubad nung sapatos. “Itong sapatos, lagay ko nalang dito ha… hindi naman mabaho yung paa ko eh…” nilagay ko yun sa gilid nung pinto. Saglit ako’ng napatigil sa kinatatayuan ko, upang basahin ang text na natanggap ko, si Jude ulit – nasa labas na daw siya ng bahay.

“Kuya Bob!!! Keep it…” sigaw ni Ron, lumapit siya sa akin, sabay pulot at bigay sa akin ng sapatos.

“No need Ron…” tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng luha ko.

“Pero gusto ko…”

“Thanks… alis na ako… ipaalam mo nalang ako sa family niyo…”

“Tawagin ko muna sila…”

“Wag na… nandyan na sundo ko eh… thanks ha… alis na ako…” saby talikod at tumbok nung daan palabas, bitbit ko noon sa isang kamay ang sapatos ni Ron.

Sa likod na ako dumaan, siyempre ayaw ko naman gumawa ng eksena. Naka sunod lang si Richard sa akin, malamang iniisip pa rin niyang gagawa ako ng masama.

Wala ako’ng suot na sapatos, kaya ramdam ko yung pagtusok ng matutulis na pebbles sa mga paa ko, masakit pero wala ng mas sasakit pa sa tumutusok sa puso ko.

“Bob!!!!” tinawag niya ako ulit. Tumigil ako, pero hindi ko na siya nilingon.

“Yung shoes mo…” hindi ko gets if he wants me to leave the shoes their o he wants me to wear it. Ayaw ko naman siyang tanungin kaya iniwan ko nalang dun sa gilid.

*****************

Mula sa malayo ay natanaw ko si Jude. Kalikot siya ng kalikot sa phone niya kaya hindi niya ako napansin. Tinakbo ko yung kinaroroonan niya saka siya niyakap.

“Oh…” narinig ko’ng sabi niya malamang dahil sa pagkagulat. Naramdaman ko nalang yung pagbalot ng mga kamay niya sa katawan ko.

“Umiiyak ka na naman…. Bakit?”

“Wala… miss lang kita…”

“Asus… kanina pa ako tumatawag hindi mo naman sinasagot….”

“Talaga? Sorry… naka silent phone ko eh… (Kahit hindi naman) Kanina ka pa?” nilagyan ko ng lambing yung boses ko, nagbabakasakali na hndi niya mapansin yung pain na nasa dibdib ko.

“Medyo… buti na nga lang pinapasok ako nung guard eh… tara na… naghihintay yung taxi eh…” tutumbukin na sana namin yung daan palabas ng…

“Bro kain ka muna…” biglang singit ni Richard sa likuran namin ni Jude.

“Thanks pero, hinihintay na kami ng taxi bro…”

Natahimik lang si Richard, narinig ko nalang na nagpaalam sa kanya si Jude, saka kami ulit naglakad.

Napansin siguro ni Jude na nahihirapan ako’ng maglakad dahil sa wala ako’ng suot na sapin sa paa. Bigla siyang umupo patalikod sa akin, “Aba…” (Aba/Baba means sampa o sakay sa likod in tagalog).

“Huh?”

“Sakay ka sa likod ko!”

“Wag na… loko ka, nakakalakad ako…”

“Pero masasaktan yung paa mo… sakay na!” pag-aaya niya ulit.

“Ayaw ko… mabigat ako…”

“Sasakay ka ba o bubuhatin kita?” sabi niya’ng ang boses ay may sense of command.

Wala na akong nagawa, mas safe naman kasi na sumampa ako sa likod niya kesa buhatin niya ako. Kinuha niya rin yung bag ko bago ako sumampa saka sinukbit yun sa harapan niya.

To be continued…

No comments:

Post a Comment

Read More Like This