Pages

Sunday, February 19, 2017

A No Ordinary Lover Story (Part 1)

By: Hopelezzzz_Romantic

Author's Note: With all due respect sa lahat. I made this story na walang sex scenes. This story is more on kilig, and somewhat reality in LOVE. If you liked the story, please comment down below and promise to continue it if maganda ang kalalabasan. Thanks and enjoy reading guys! XD

Prologue

Flint’s POV

        Ilang buwan na rin… Hindi pa rin kami nagpapansinan ni Marc. Matagal ko na sanang gustong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko kaso… palaging wrong timing eh! Kung mag-uusap man kami, palaging may kinalaman sa acads, lahat! Ngayon ako nalang ang mag-isang tumatambay dito sa A-walk. Pero buti na lang dumating ang friend ko na si John.

        “Uie! Pre! Ba’t ikaw lang mag-isa dito sa a-walk? San na si Marcia?” Tanong niya sa akin. Marcia ang tinatawag ko kay Marc pag tini-tease ko siya. Ewan ko ba kung bakit ayaw niya na ginaganyan siya. Pero ramdam ko naman na gusto niya.

        “Nandun na naman sa office ni Mother Fox. Di na rin iyan surprise. Dean’s lister eh! Siyanga pala. Wag na wag mong tawaging Marcia si Marc. Ako lang dapat ang tatawag niyan sa kanya.” Babala ko.

        “Hehe...Seloso! Alam ko. Mahal mo kasi yun eh! Di mo nga lang inaamin sa amin, pero kitang-kita ko naman sa mata mo. Ang problema nga lang... may girlfriend ka.”

        Tama si John. May girlfriend ako at 5 years na kami. Naging masaya naman kami. Pero habang tumatagal, parang umiiba ang ihip ng hangin. Hindi ko maintindihan. Normal lang naman sa amin na maging busy dahil pareho kaming graduating pero bakit ganun? Ibang klase ang pagiging busy niya? Kung magkasama kami, palaging wala sa aming dalawa yung attention niya.

        “Oo nga pre eh! Hindi nga ako makapaniwala na na-inlove ako sa isang bakla. Oo inaamin ko na dati sinasabi kong hindi ako maiinlove sa isang bakla. But look at what happened to me? Kinain ko lang pala ang sinabi ko. Totoo nga iyong sinasabi ng karamihan – ‘wag magsalita ng patapos.’”

        “Kaya pala alagang-alaga mo siya nung first year pa tayo. Ikaw talaga, ayaw mong may magti-tease na iba sa kanya. So anong plano mo ngayon? Mag-aantay ka na lang na ga-graduate tayo na hindi mo nasasabi ang nararamdaman mo sa kanya? O tatayo ka diyan at gagawa ng paraan na magkausap kayo”

        “Actually... I’m planning to tell him.” Tumingin ako sa kanya ng masinsinan. “And this is where you come in.”
       Excited siyang nagsabi sa akin ng...

“How?...”

Marc’s POV

        Haaaaay... Nakakapagod. Napakaraming tanong si Mother Fox! Sino ba ang magsasabit ng special awards ko. Sino ang isasama ko sa upuan. Haaaaay... (-__-) Hindi ba nila napansin na nagpadala ako ng sulat sa office niya? Ayoko kasi ng hassle. May thesis pa. Tapos narito pa ang magulo kong lovelife. Woooh!!! Ang hopeless romantic na baklang si Marc in love sa may girlfriend! Ang galing! Ilang taon ko ring tinago sa mga ka-block namin ang nararamdaman kong ito. Buti naman nakaya ko. Kaso parang tinitusok ng espada ang puso ko. Ang sakit!

        Ilang gabi na rin akong umiiyak dahil sa nararamdaman ko kay Flint. Ilang taon na rin akong nagtitiis. Hindi ko nga alam kung kaya ko pa. Buti na rin ‘tong ganito, at least nabibigyan ako ng urge na magsumikap sa pag-aaral ko. Sabagay, sino rin ba ang papatol sa bakla? 10 % out of 100% lang siguro.

        Nasa labas na ako ng gate nang biglang nakita ko sina Flint at John. Iiwas sana ako kaso tinawag ako ni crush.

        “Ano na naman, Flint?” pataray kong tanong. Para hindi halata syempre =D

        “Marc kain tayo ng dinner? Treat ko.”

        “Ayoko.” Matigas kong sagot.

        “Sige na, please?” Pagmamakaawa niya. “One week na lang o? Sige na?” May pa-cute pang nalalaman ang kumag na ‘to.

        “Sige na Marc. Pumayag ka na, please?” At kumuha pa ng back-up. Ang galing mo din Marc noh?

        “Sorry but... I decline. May thesis pa tayo na kailangan tapusin. Buti pa iyon na lang ang atupagin niyo. May oras tayo para diyan. Next time na lang.”

        Iyon lang ang sinabi ko. Tumalikod na ako at nagmamadaling maglakad para umuwi. Hindi ko kasi matagalan itong nararamdaman ko pag kaharap ko si Flint. Kahit nung araw na naging close kami talagang hindi ko matagalan to. Pero anong magagawa ko? Tao lang din ako, nagmamahal... nasasaktan... At sabi nga nila, kapag nagmahal ka nagiging tanga ka. Well, obviously totoo naman. Eto nga ako o! Nagpapakatanga para sa isang taong alam kong hindi ako mamahalin kailanman. Na may mahal nang iba. Na hindi pumapatol sa bakla.

        Nasa kalagitnaan ako ng pamunimuni – habang naglalakad – nang biglang may dalawang taong hinawakan ako sa magkabilang braso.

        “Flint! John! Bitawan niyo ako!” sigaw ko. Wala akong paki-alam kung pinagtitinginan kami ng iba pang estudyante.
        Sigaw ako ng sigaw pero parang wala lang sa kanila. Nang marating namin ang kotse ni Flint, pilit nila akong isinakay at nagtagumpay naman sila. Habang nasa loob ng kotse...

        “Flint! Ano ba!?” Inis kong sambit.

        Pilit kong binubuksan ang passenger door pero naka-auto lock ang pinto. Sinuntok ko siya pero nakailag siya. Sesegundahan ko sana kaso nahawakan niya yung braso ko.

        “Try to use your other fist. I’ll really kiss you!” Seryoso niyang sabi.

        “OMG! He caught me off guard!” sambit ko sa isip ko. Di talaga ako nakaimik sa sinabi niya.

        Unti-unti niyang binitawan ang braso ko at binuhay ang makina. Habang nasa biyahe. Biglang may binulong si John sa akin.

        “I saw you blush, Marcia. Akala ko babae lang ang may ganung reaction. Pati sa kagaya mo rin pala.” Sabi niya na may makahulugang ngiti.

        “Natural! Tao rin kasi ako eh! At isa pa, galit ako kanina kaya namumula ako at alam mo yan dahil nakita mo na akong nagalit one time.” tanggi ko habang binubulong sa kanya.

        “But not at this situation.” at tumawa ang kumag.

        “Hmph! Bahala ka kung ano ang iisipin mo. Basta, inis na inis talaga ako sa inyong dalawa.” Iyon na lamang ang sinabi para tumahimik na ang kumag. Ayaw ko kasing humaba ang usapan namin.

        Tumigil ang sasakyan sa labas ng Mr. Steak. Doon kami kumain, nagkwentuhan rin kami ng kung anu-ano. Baka kasi isipin ng dalawa na KJ ako kaya go with the flow na lang ako. Pagkatapos kumain, umuwi na kami. Hinatid muna ni Flint si John then ako.

        While outside sa house (Buti na lang wala parents ko. Nasa US sila at ako na lang ang inaantay nila na sumunod dun. Uuwi naman sila dito sa Pilipinas for my graduation), bababa sana ako kaso pinigilan ako ni Flint.

        “Marc, stay here for a few minutes. May sasabihin ako sayo.”

        “Ano yun?” Then I looked at him. This is the first time na may sasabihin siya sa akin na seryoso.

        He took a deep breath and said. “I like you.” He looked at me eye to eye. “And I love you.”
        And it hit me! Biglang tumulo ang luha ko. I can’t believe na sinasabi niya ‘to sa akin. Dapat sana magiging masaya ako, pero mas nasasaktan ako sa sinabi niya sa akin.

        “Good night.” sambit ko at bumaba na ako sa kotse.

        Papasok na sana ako ng gate nang hinawakan niya ako sa braso. Hinarap ko siya at nakita ko sa mga mata niya ang pagsusumamo na sasagutin ko rin siya pabalik.

        “Flint...”

        “Marc, sorry. Oo alam ko may girlfriend ako. Pero iba ‘tong nararamdaman ko sa iyo eh. Iyong sinabi ko kanina, totoo iyon. First year college pa lang tayo attracted na ako sayo...” hinawakan niya ang mga kamay ko. “... at alam ko rin na ganito rin ang nararamdaman mo para sa akin.”

        “Flint. Sorry.” Nagsisimula nang dumaloy ang mga luha ko at ganun din si Flint. “Pareho tayo ng nararamdaman pero... mali eh! Sa sinabi mo kanina, imbes na magiging masaya ako, mas nasasaktan ako. May girlfriend ka kasi, at alam kong hindi tama ‘to.” Umiiling na bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko. “Sorry Flint.”

Tumalikod na ako sa kanya pero bigla niya akong niyakap ng patalikod. Humarap ako sa kanya pero bigla niya akong hinalikan. Pakiramdam ko tumigil ang mundo ko. Na nakayakap lang ako sa bisig niya. Sana ganito na lang lagi, pero hindi tama eh! Nang pinutol niya ang halik, niyakap ko siya. Bago ako kumalas sa pagkakayakap sa kanya, I looked at his face first at hinawakan ko ‘to. Mas napaluha ako dahil aalis ako sa bansang ito na wasak ulit ang puso, at may mami-miss akong ganito kabait na tao, at wala ring kasiguraduhan kung babalik pa ba ako. Sana hindi na para hindi na ako masasaktan pa, lalo na kapag nakikita ko siya.
        “Good night.” “And goodbye Flint.”

        Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at pumasok sa aming tahanan dire-diretso hanggang sa pinto. Pagkapasok, napasandal na lamang ako sa pinto at pinadaloy pa lalo ang mga luhang kanina pa lumalabas.

        “Goodbye Flint. That will be the last time that I’m going to see your face. Mahal kita, but you deserve better. I’m so sorry. I wish for your happiness with Claire, at sana maging successful ka after we graduate.”

        Yan na lamang ang sambit ko sa isip ko. Alam ko makakahanap ako ng mas better pa kay Flint. Alam ko makaka-move on rin ako... Or can I?

To be continued....

No comments:

Post a Comment

Read More Like This