Pages

Saturday, February 18, 2017

Little Mix’s Tape Too (Part 3)

By: Prince Zaire

[Shoutout to my Ex]
I was at the midst of my sleep ng parang may narinig akong umiiyak. Pinakiramdaman ko muna, I let my eyes half open. Parang habang tumatagal ay papalakas ng papalakas yung umiiyak.
Minulat ko na nga ang aking mga mata at tumitig panandalian sa kisame. Blanko yung kisame at kulay puti pero yung boses ng umiiyak ay papalakas ng papalakas. Ilang oras palang yung tulog ko kaya naman medyo naririndi na ako.
At habang naka-higa nga ako doon ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nito ang isang batang lalake na umiiyak. Halos abot bewang ko yung taas ng bata, mataba at malaki ang tiyan. Maputi at putok na putok ang cheeks pero umagang umaga ay umiiyak. Patuloy parin siya sa pag-iyak habang papalapit sa akin.
“Oh bakit baby-ik?”
“Daaaaaad!” patuloy niya sa pag-iyak at parang mas nilakasan niya pa.
“Bakit umiiyak ang baby biik ko?”
Nakasalampak na siya sa sahig at nagwawala na.
“Ike!” sigaw ko pero patuloy lang siya sa pagta-tantrums.
“Ike Stefan!” sigaw ko. Pero parang mas lumala pa yung topak niya. Hay naku, bakit ba kasi pinanganak ng Pebrero tong mga batang to. Tumayo na ako sa kama saka ko siya binuhat at sinubukang patahanin.
“Stop crying na baby-ik”
“I’m not biik”
“Pero ikaw ang baby-ik ko Teptep”
“Ike ang pangalan ko (pronounced as AYK)”
“Pero gusto ko kayo yung baby-ik ko, my two biiks. Asan yung isang biik, ha?” tanong ko.
“Inaway niya ako, he punched me”
“Ay bad yung biik na yun ah”
Bumaba na kami at nakita ko nga ang isa pang biik dun sa lamesa at kumakain ng hotdogs at pancakes. Naghalong ketchup at chocolate syrup na ang nasa mukha niya. Yung damit niya ay ang dumi dumi narin.

“Morning biik one” bati ko at ngumisi lang naman ito.
“Bastie, we need to talk. Bakit mo sinuntok si Teptep?”
Ngumiti lang ulit si Bastie na para bang nang-iinis.
“Bastie”
Tumakbo siya sa akin saka ako niyakap kaya naman yung legs ko ay nalagyan narin ng ketchup at chocolate.
“Bastie, explain”
“Tinago ni Tep yung Gundam ko” paliwanag ni Bastie
“Dad, pinutol niya yung wings ng akin” sagot naman ni Tep.
“Siya yung nauna”
“Ikaw, sinungaling ka”
“Gusto mo suntukan nalang tayo ha?”
“Dad oh, nang-aaway nanaman si Bastie”
“Sumbongero”
“Anong sabi mo?”
Kung titignan mo ay parang mga teen ager na yung nag-aaway sa harapan ko pero hindi. 5 years old palang sila. Meet my two biik – ang panganay na si Icarus Sebastian at si Ike Stefan. Kambal sila at parang pinagbiyak na bunga talaga. Magkaiba lang sila sa ugali. Si Tep yung mas masunurin, mabait, tahimik at pala-aral. Si Bastie naman yung kabaliktaran, siya yung madaldal, magaling magrason, malikot at pasaway. Si Bastie rin ang palaging nirereklamo ng teacher dahil malikot nga sa klase at pala-away. Gwapo yung dalawang bata, pero iba yung charisma ni Bastie. Mata niya palang ay parang nanghihipnotismo na, siya din yung malambing. Si Tep naman yung may malalim na biloy kaya naman maganda siya kung ngumiti.
Sa kwarto nila ay makikita mo na parang may Yin & Yang. Mahilig si Tep sa mga putting laruan at kahit ano man na puti. Malinis siya at maayos lahat ng gamit niya. Si Bastie naman ay mahilig sa mga itim, blue, kulay abo na mga laruan at gamit. Basta dark ay gusto niya. Makalat siya at di nagtatagal ang mga laruan niya. Magaling rin siya manira ng gamit. Nasira na niya yung doorbell at dahil sa kanya ay namatay yung alaga naming aso dahil may pinakain itong bawal dito. May mga alagang ibon si Tep noon pero namatay dahil kay Bastie. Yun yung matinding away ng kambal. Meron namang times na magka-sundo sila, pero mas marami yung nag-aaway sila. Kung MWF ay si Bastie ang umiiyak at gumigising sa akin, TTh naman kay Tep. Halos araw araw na ganun kaya naman nasanay na ako. Saka lang ako di nakakarinig ng iyak pag Sabado at Linggo dahil nga andun ang Daddy nila.
“Hep hep hep” pag-aawat ko sa dalawa at tinignan naman nila ako. “Gusto niyo dalhin ko kayo sa kapitolyo?” umiling lang ang dalawa. “Magbati kayo”
Walang gumalaw.
“Bastie hug mo si Tep”
Eto namang makulit na si Bastie ay yumakap sa kapatid at hinalikan pa ito sa pisngi.
“Ang baho mo” angal ni Tep sabay punas sa mukha niya.
“Oh ayan ha, bati na tayo. I love you biik” banggit ni Bastie
“Biik” saad ni Tep sabay belat sa kapatid. Nakaka-tuwa silang pagmasdan. Nakakawala ng pagod at pag nakikita ko sila ay hindi ko ramdam na puyat ako.
“Pakiss nga daw sa mga baby-ik ko” agad naman silang lumapit sa akin at hinalikan ako sa magkabilang pisngi. Nagpabuhat din ang kambal at saka ako niyakap.
Umupo na ulit kami saka kami nagsimulang kumain ng agahan. Bigla namang lumapit yung Yaya ng dalawa dala-dala ang telepono.
“Sir Dex, si Gov po tumatawag”
“Sabihin mo busy ako” ginawa naman ni Yaya Mela.
“Sir, urgent daw po” tinaasan ko ng kilay si Yaya Mela.
“Sabihin mo mag-antay siya”
“Sir?”
“Bakit?”
“Si Governor po ito?”
“And? Kahit pa si Congressman yan, si Senator o ang Presidente I don’t care. Yaya 7:00 palang ng umaga at alam ng lahat na my public life starts at 9:30”
“Sir” nag-aalalang banggit ni Yaya Mela kaya naman kinuha ko na sa kanya yung phone.
“Mamaya ka na tumawag, busy ako” saka ko pinatay yung telepono. Nanlaki naman yung mata ni Yaya Mela at tawang tawa naman yung dalawang biik ko.
“Are you mad at him again?” tanong ni Tep.
“We are all mad at the Governor, aren’t we?” umiling lang ito.
“I’m mad at the Governor!” sigaw naman ni Bastie sabay high-five sa akin kaya naman tumawa nalang kami.
“Why is he always busy? Kelan tayo uuwi?” tanong ulit ni Tep.
“Gusto mo na bang umuwi?” tanong ko.
“Ayoko umuwi, dito lang ako. Ikaw nalang umuwi doon. Ampangit ng room natin dun hindi tulad dito kay Tito-Dad” sabat ni Bastie.
“Uuwi ako kung kasama kayo” saad ni Tep.
“Dito na tayo forever, yeeeey!” tuwang-tuwang banggit ni Bastie.
“Pero he’s lonely there, mag-isa lang siya” paliwanag ni Tep.
“Samahan mo kaya” si Bastie
“Hmmmmmft” naka kunot noong saad ni Tep.
“Baka kasi naghahanap yun ng bago niyong Mommy kaya busy pa. Gusto niyo ba ng bagong Mommy?”
“Our Mom’s dead” sabay nilang banggit.
“Kaya nga, bagong Mommy diba masaya naman yun”
Umiling lang ang dalawang biik ko.
“We have many Mommies. We have Mommy Mona, Mommy Agnes, Mamu Jin and Mommy Kayla” pahayag ni Bastie.
“At andiyan ka naman na Tito-Dad” dagdag ni Bastie.
“Pero iba parin pag may Mommy kayo mga biik ko”
“Ayaw” si Bastie.
“Ayaw ko rin” saad ni Tep.
Napabuntong hininga nalang ako. Ang hirap palang magkaroon ng anak, lalo na pag dalawang lalake. Grabe ang hirap palang maging magulang. Wala akong matres pero bigla akong nagkaroon ng dalawang biik. Napamahal na sa akin tong dalawang batang ito, kaya nga di ko maiwan iwan eh. I turned down the New York offer dahil sa kanila. Eh wala eh, mahal ko na sila.
“Si Daddy Raikko ba ang susundo sa amin mamayang uwian? O si Daddy Captain?” tanong ni Bastie.
“Ewan ko pa, bahala na baby. Kung kaya ko, ako nalang. Dali, go to Yaya at maligo na kayo. Male-late na kayo sa school, wag na maglaro ha lalo na ikaw Bastie. Ihahatid ko pa kayo”
“Yey!”
Kahit sabihin mong bawal na maglaro ay alam kong maglalaro parin yung dalawang yun sa loob ng banyo kaya naman sinabayan ko narin ng paligo. Saktong nasa sala na sila at inaantay na ako, suot na nila ang kanilang uniform ng bumaba ako ng hagdan.
“Taralets na mga baby-ik ko?” tumango nalang sila.
Hinatid ko nga sila sa school nila saka ako dumiretso para sa client meeting somewhere in Dasma. Nasa way to my meeting ako ng biglang tumawag yung Secretary ko.
“Yes Abi?” bungad ko.
“I need you to come here at the capitol this afternoon, 2:00 PM sharp” hindi yun si Abi, it was the Governor. Hay naku as usual, ganun siya pag nasa trabaho kala mo naman kung sino. Putang ina niya lang.
“At ginamit mo pa talaga ang sekretarya ko to make this call ano – GOV?”
“You’re not answering my calls & messages. Iniiwasan mo nanaman ako, what the hell Dex”
“Don’t you dare talk to me like that – GOV”
“Look, I need you here this afternoon. We will discuss the Capitol Complex Development and I need your expertise”
“I don’t want to drown myself in such political related projects”
“Please Dex, please. I need you”
“Ganyan ka naman eh, saka mo lang ako kilala pag may kailangan ka sa akin. I need to end this call I’m driving”
“Saan ka pupunta?”
“It’s none of your business – GOV”
And I ended the call.
It’s already 10:30 ng makarating ako sa meeting place at maaga ako para sa 11:00 na napag-usapan. On time dumating yung client at nabigla siya na nandun na ako ahead of the scheduled time. So nagpresent na nga ako ng proposal ko at mukhang nagustuhan naman niya. Meron lang konting irerevise and good to go na kami. Nagka-pirmahan narin ng kontrata at nagbigay narin siya ng unang cheke. Nag-aya siyang mag-lunch kaya pinaunlakan ko naman. 1:30 na nang matapos kami at andami nang calls from Gov & my Secretary. Nag-reply nalang ako na nasa meeting pa ako.
“Aantayin ka namin kahit anong oras ka dumating” sagot ni Gov.
“Please don’t, just proceed without me” reply ko.
“No, I need you here”
“Bahala ka”
“ILY” huling reply niya kaya naman I deleted the whole convo.
Naka-simula na sila nang dumating ako, nasa kalagitnaan na sila ng pagpa-plano when I sneeked into the conference room. Tumingin silang lahat sa akin, I just smiled at them. Yung iba tumingin pa sa kanilang orasan.
“I’m sorry, I’ll just wait outside” tugon ko.
“No, sitdown” utos ni Governor kaya naman umupo nalang ako at nakinig. The presentation was awesome, pero di ko type. Gusto nila na maging modern daw ang disenyo ng kapitolyo at ang mga nasa paligid nito. Pagandahin ang parke at auditorium para daw mas maka-attract ng tourist. Maglagay daw ng mga mall strips at iba pang boutique hotel sa sentro ng probinsya at para namang umaayon ang lahat ng nandoon sa room na iyon maliban sa akin.
“Amenable ba ang lahat sa proposal?” tanong ni Gov at tumango-tango naman ang lahat.
“I object” tugon ko. “The proposal is insane” nakarinig ako ng bulungan at tawanan sa loob ng conference room.
“Come again Mr. errr? Who are you?” tugon ng presenter.
“No one! I’m just telling everybody about the truth. Do you think that putting such modern buildings in the City Core will attract tourist? Do you think all those things you enumerated will bring glory to this Province? I don’t think so, it’s stupid”
“Baka di mo alam ang sinasabi mo Mr.” nakita kong tumatawa si Gov kaya naman inirapan ko ito.
“Ikaw alam mo ba ang sinasabi mo?”
“Of course, I’m an Engineer and I graduated from a prominent University”
“So alam mo na ang lahat ganun?”
“Bakit, sino ka ba?”
“Everyone calm down, chill lang ok? Ah di ko pa pala naipapakilala ang consulting Architect ng Province – meet Ar. Dex Armand Quijano. For so you know guys, Architect Quijano is a graduate of the AA London at expertise niya ang Urban & Regional Planning as well as Heritage Conservation. He already took his Masteral in Universidad Politecnica in Madrid. He speaks 8 languages and definitely he knows what he’s doing & what he’s saying” paliwanag ni Gov kaya natigilan ang mga tao pati na yung Engineer.
“So what do you suggest Architect?” tanong ng isang board member.
“Design Competition. Let the best Architect win” nakita kong tumango yung iba at yung Engineer naman ay umiling iling nalang.
“Hindi ba ito waste of time & money pag nagpa-design competition pa tayo?”
“I already said what’s in my mind & it’s up to you. Kayo parin naman ang magdedecide eh”
“Kung sakaling mag-decide kami na magpadesign competition, sasali ka ba Architect?”
“No, I’m already loaded”
“So pano yun?”
Nagkibit balikat nalang ako. “I have to go, let the governor decide. Please excuse me” banggit ko saka ako umalis doon.
Dumiretso ako sa Parking lot saka ako nag-drive na papunta sa school ng mga bata. Habang nasa biyahe ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay Gov. Sinabi niyang tuloy na ang design competition at ako ang gagawa ng criteria at guidelines at isa rin ako sa magja-judge at bahalang maghanap pa ng magiging hurado.
“Just make sure to give the check to my secretary first hour in the morning” reply ko.
“See you laters baby, dinner tonight. Isama mo ang mga bata. Ok?”
Di na ako nag-reply pa. At wala ako sa mood mag-dinner kasama niya.
Malapit na ako sa school nang tumawag si Raikko informing me na sinundo na niya yung mga biik ko at mamamasyal daw sila. Sinabi ko nalang na iuwi niya before 7 dahil may dinner sila kasama ang tatay nila. Nag-yes naman si Raikko kaya kampante ako. Bumuwelta na nga ako at bumalik sa opisina ko dahil marami pa akong naka-tenggang mga gawain. Di pa umiinit yung upuan ko pero andami nang nagpapa-sign ng kung ano ano sa akin. Panay din paalala ng sekretarya ko sa mga susunod kong meeting at site visits.
Eto ang dahilan kung bakit ako napupuyat lagi, maliit lang ang firm ko pero andami naming hawak na projects at gusto ko kasi ay hands-on ako sa lahat ng bagay. Meron akong dalawa pang kasamang Arkitekto, dalawang ID at dalawang Engineers. May lima rin kaming Staff at mga apprentice, isang HR, isang accountant, dalawang messenger. Isa rin yang si Governor eh kung bakit sumisikip yung mundo ko, panira kasi siya ng buhay ko.
Di ko namalayan ang oras at nacarried away na ako sa dami ng trabaho. Nagkaroon din kami ng deliberation sa design ng Hotel project namin sa Boracay kaya naman inabot na kami ng 8:00. Bago pa ang meeting ay na-instruct ko na si Raikko sa kung saang restaurant dadalhin yung mga bata kaya ayos na. Ayoko lang talaga sumipot doon kasi nga hanggat maari ay ayoko siyang makita.
May mga tinapos pa akong paperworks at 11:00 na nang makarating ako sa bahay. Agad akong dumiretso sa kwarto ng mga bata at nakita ko nga silang himbing na himbing na. I closed the door at pumunta narin ako sa kwarto ko. Laking gulat ko nang may nakahiga na sa kama ko. Naka boxers lang ito at nakadapa. Naririnig ko narin na naghihilik siya.
Niyugyog ko siya at sinubukang gisingin.
“Hey, wake up”
“Hmmmn”
“Gising!”
Kumuha siya ng unan at itinakip sa ulo niya.
“Gisiiiiiiiing!” sigaw ko saka ko hinatak kaya ayun bumangon na siya. Pinandilatan ko siya habang nakapa-mewang ako.
Ngumuso naman yung lalake saka nagpa-cute.
“Get out!” tugon ko kaya nagkunot siya ng noo.
“Get out of my room, I need to sleep. Ilang araw na akong sleep deprived”
“Ba’t di ka sumipot sa dinner?”
“Pinapunta ko naman yung mga bata ah, yun ang importante dun”
Bigla siyang tumayo saka ako niyakap, ramdam ko yung hininga niya sa batok ko. Ramdam ko rin yung tumitigas niyang pagkalalake sa likod ko.
“I miss you”
“Stop, go home!”
“I’m already home”
“Baka nakakalimutan mong may TRO ka parin, di parin tayo bati gago ka. So get out & go home”
“Sorry na kasi, ano ba kasing kasalanan ko”
“Marami, gusto mo i-enumerate ko?”
“Sorry na. Ano bang gusto mong gawin ko?”
“Quit your job” diretso kong sagot.
“You know I can’t do that”
“Then have time for your kids, napapabayaan mo na sila. Puro ka nalang trabaho trabaho, ganyan ka nalang ba? If you can’t quit your job eh mas mabuti pang humanap ka ng bagong Mommy nila”
“You’re insane Dex”
“Kapakanan lang ng mga anak mo ang iniisip ko”
“Anak natin”
“Ramdam ko na mahirap magpalaki ng anak lalo na pag lalake. Kaya nararapat lang na kumuha ka ng katuwang sa buhay. Iba parin yung motherly love”
“Eto nanaman tayo Dex eh, lagi nalang natin tong pinag-aawayan. Ayaw mo na ba sa akin?”
“I miss the old you”
Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ako sa pisngi, tinitigan niya ako sa aking mga mata. “Look, malalampasan din natin to. Kakayanin natin to, and I’ll make it up to you, to Icarus & Ike”
“Wag mong sabihin, gawin mo” saad ko saka ako tumayo at pumunta sa study table ko.
“Oh akala ko ba matutulog ka na, eh bakit bubuksan mo pa yang laptop mo? Let’s make out babe, I really miss you”
“Pagod ako, at saka di tayo bati”
“Dex”
“Please, wag kang makulit ok?”
“Dex naman, namiss ko yung ano” saka siya ngumisi.
“Magdusa ka diyan, kung di ka makatiis kamayin mo nalang”
“Ganun ba kabigat yung kasalanan ko ha?”
“Hindi naman, hindi mabigat. Nakalimutan mo lang naman na may dinner date tayo nung anniversary natin. Pinag-antay mo ako dun sa restaurant hanggang sa magsara na ito. Umuulan pa at wala akong dalang kotse – ang saya diba. Basang basa akong dumating ng bahay at ayun pag-check ko ng Facebook andun na yung picture niyo ng mga kumpare mo, andaming chicks, andaming alak. Nawala sa isipan mo na anniversary natin – ano naman kasing laban ko dun sa mga may boobs at matres diba? Anniversary lang yun, si Dex lang naman to kaya wag nalang. Sinabi mong susunduin mo ako sa airport nung isang linggo, alas tres ng hapon andun na ako, 7:00 na ng gabi wala ka parin. Nakalimutan mo lang naman umaattend sa School Activity ng mga bata. May importante akong kliyenteng imi-meet noon pero nag-cancel ako dahil ayoko madisappoint sina Bastie at Tep. At eto pa ha, ngangako kang ipapasyal mo sila nung weekend pero nasaan ka? Ayun nag golf tournament, aba ang husay. Hindi mabigat diba?” paliwanag ko saka ko tinitigan ng masama”
Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig sa mga narinig niya. Totoo naman kasi na marami na siyang napapabayaan dahil sa trabaho niya. Alam ko naman at naiintindihan ko na di madali na maging ama ng probinsya pero utang na loob naman maging ama naman siya sa sarili niyang anak. Palibhasa kasi ay isip bata kung minsan at buhay binata ang loko kaya ganun. Di ko nga alam kung bakit napunta ako sa kanya, di ko alam kung bakit sinagot ko siya. Kung tatanungin mo ako kung mahal ko siya – di ko na alam. Noon oo, grabe yung tibok ng puso ko para sa kanya. Pero mas mahal ko na yung mga anak niya at pag nakikita ko siya ngayon ay nai-stress ako at nabibwisit. Kahit ilang buwan ko siyang di makita basta ba may mga baby-ik ako sa tabi ko ay ayos na ako. Sapat na sa akin sina Bastie at Tep total kamukha niya naman ang mga ito. Mas madali ngang pakisamaan yung mga bata eh kesa sa kanyang isip bata. Narinig ko nalang na parang may umiiyak ulit. Mga ilang minuto nga ay bumukas na yung pinto sa kwarto at andun si Bastie umiiyak.
“Baby what’s wrong?”
“There’s a monster, monster”
“Oo baby meron talagang monster dito sa harapan natin kaya paalisin na natin”
“Monster, monster” sigaw ulit niya saka umiyak.
“Tahan na baby, aalis na ang monster. Go back to sleep na”
Sinenyasan ko yung tatay niya na lumabas na kaya naman nag-kamot ito ng ulo. Kinuha nalang nito yung comforter saka lumabas na nga kaya naman napa-ngiti na ako. Ang galing ko no, yung gobernador mismo ng lalawigan yung nauuto ko. Nakatulog nga si Bastie sa balikat ko kaya naman ibinalik ko na siya sa kwarto niya. Nakaramdam ako ng uhaw kaya nagpunta ako ng kusina para uminom. Nadaanan ko ang mokong na tatay ng mga biik ko sa sala na nooy naghihilik na sa sofa. Napangiti nalang ako dahil kahit tumanda na kami ay ang gwapo parin niya at parang anghel kung matulog.
Kinaumagahan ay walang gumising sa aking iyak o nag-aaway na kambal. Ang tahimik ng paligid at ang ganda ng gising ko. It’s a Saturday kaya naman walang work. Bumangon na ako at nag-ayos at nagmumog. Bumaba na ako ng hagdan at dumiretso ako ng kusina. Nakita ko ang tatay ng mga bata na tanging boxer at apron lang ang suot.
“Good morning sa aking Happy Family” bati nito kaya tumawa yung kambal, ako naman nagtaray na.
“Hubaderong gobernador, magdamit ka nga may mga bata oh”
“Bhie, ang aga aga” angal niya.
“Ano bang niluto mo ha?”
“Wait ka lang diyan Bhie, masarap to” pumunta na nga siya doon sa lutuan at kinuha yung niluto niya.
“Yan lang kakainin natin? Itlog?”
“Uy, masarap kaya itlog ko” saka nagtaas yung kilay niya na parang nanloloko na ewan.
“Dad, where’s the sausages, the pancakes, waffles” tanong ni Tep.
“And cereals, and breads and tuyo and itlog na pula & sinangag” dagdag ng makulit na si Bastie.
“Ha?” pagtataka nung Tatay nila.
“Tito-Dad used to prepare all those here, we don’t eat sunny side up only omelettes” paliwanag ni Tep kaya napa-nganga nalang ang Tatay nila.
“Sayang naman yung itlog ko, pinaghirapan ko pa yan. Gumising pa ako ng maaga para diyan” drama ng macho gwapito nilang tatay.
Tumawa nalang ako, nakakatawa naman kasi yung itsura nung itlog.
“Basag naman yang itlog mo kasi” tugon ko.
“Masarap yan kahit basag”
“Who wants Champorado?” tanong ko.
“Meeeeee!” sabay nilang sagot.
“Ako din gusto ko din ng Champorado” tugon ng tatay nila na parang batang lumiwanag yung mata.
“Magdamit ka, let’s eat outside”
Lumabas na nga kami at naghanap ng makakainan ng Champorado at di naman kami nabigo dahil meron nun sa food park. Matapos naming kumain ay nagpasya kami na pumunta sa dagat. Ginawa kong driver si Gov, kami ng mga bata ay nasa likod ng sasakyan.
“Ayaw mo ba akong katabi dito Bhie?”
“Magdrive ka na nga lang diyan”
“Icarus, Ike, galit si Tito-Dad sa akin oh. Baka pwede niyo siyang paki-usapan para bati na kami”
“We’re all mad at the governor” sabay na banggit ng kambal. Tumawa nalang ako at natahimik nalang yung ama nila.
“Yan ba tinuturo ng Tito-Dad niyo ha?” tanong ng Tatay.
“Excuse me ha, don’t you dare. Baka nakakalimutan mong marami ka pang kasalanan sa amin kaya please shut up kung ayaw mong dagdagan ulit”
“Sabi ko nga eh magda-drive na nga lang ako kamahalan”
“Good!”
“Hay naku, kundi lang talaga kita mahal Dex”
“We hate the governor!” sigaw naming tatlo nina Bastie at Tep saka kami tumawa. Umiling iling nalang din ang ama nila pero pansin kong ngumingiti rin siya.
Panay parin ang kulitan nang kambal, ako naman ay nagtitingin ng mga IG stories.
“Nasa bansa pala yung ex mo” sabi ko sa ama ng kambal.
Di siya umimik, patuloy lang siya sa pagda-drive.
“Mukhang single siya ah. Hmmmmft, I smell something”
Wala parin siyang imik.
“Siguro nagkikita kayo lately noh”
“Of course not, ano ba Dex”
“Looking good din tong si Yana ah, perfect wife. Diba ex mo rin to, single parin ata eh”
“Dex stop. Nagsisimula ka nanaman ba ng away?”
“And heres another one, I just saw him the other day sa QC. He told me to say hi to you”
Huminto siya, tinanggal ang seatbelt at binalingan kami.
“Ba’t tayo huminto? Dito na ba yung dagat Daddy?” tanong ni Tep.
“Walang dagat Tep, damo yung nakikita ko” sagot naman ni Bastie.
“Dex, pwede bang wag muna tayong mag-away?”
Di ako umimik. “Please” dagdag niya. “Wala ka namang dapat ikaselos eh”
Pinakita ko naman yung IG post ng ex niya. Groupie nila at ang sweet nila dun. Actually di naman ako nasaktan, gusto ko lang talaga ng away. Tinaasan ko siya ng kilay at siya naman ay napanganga nalang.
“Bakit mo ba kasi sila pina-follow?”
“Eh gusto ko, ika nga nila keep your enemies closer”
“Dex, not now please”
“Nag-aaway nanaman ba kayo?” tanong ni Bastie.
“Hindi!” sabay naming sagot.
“Ay Bastie, nag-aaway nga sila” sabi ni Tep saka sila tumawa.
“Daddeeeh! Kantahin natin yung themesong para masaya na ulit si Tito-Dad”
Kumunot yung noo ko, yung tatay naman ng kambal na biik ko ay parang nagliwanag yung mukha.
Gov: Do you wanna build a snowman?
Bastie: Come on let’s go and play.
Tep: I never see you anymore, come out the door, It’s like you’ve gone away.
Gov: We used to be best buddies and now we’re not.
Bastie & Tep: I wish you would tell me why!
Gov: Do you wanna build a snowman?
At sabay sabay na silang lahat sa huli “It doesn’t have to be a snowman”
Ang cute cute cute lang nilang tatlo. Di ko mapigilan na di mapangiti. Yumakap ang kambal matapos ang kanta.
“Wag ka na po magalit kay Dad” pakiusap ni Tep.
“We hate the governor diba?”
“Just today Tito-Dad, pagkatapos natin sa beach magalit ka nalang po sa kanya ulit” tugon naman ni Bastie kaya tumango nalang ako.
“Yeeeeey!”
“Wala ba akong kiss diyan mahal?” banggit ng tatay nila.
“Mahal? You never called me that, wait lang diba yan ang endearment niyo ni…” di ko natuloy yung sasabihin ko dahil bigla nalang niyang binusalan ang bibig ko.
“Icarus, Ike, turn around. Takpan niyo ang mga mata niyo” utos niya kaya sumunod naman yung dalawang bata. Bigla nalang akong hinalikan ng hinayupak nilang tatay.
“Mahal na mahal kita alam mo ba yun?” tugon nito.
Pinandilatan ko nalang siya saka ko sinabunutan. “Mag-drive ka na Gov. anong petsa na oh”
“Pwede na po ba kaming lumingon at magmulat ng mata?” tanong ni Bastie.
“O yes baby” sagot ko kaya naman pumirme ulit sila ng upo.
“Nag-kiss kayo noh?” naka-ngising tanong ni Tep. Kaya naman namula ako at umiling nalang.
“Nag-kiss sila” sigaw ni Bastie.
“Hoooy, stop!” sigaw ko.
“Nag-kiss sila!” sigaw nilang dalawa kaya pinabayaan ko nalang, tawa naman ng tawa ang tatay ng dalawa.
“Bati na sila!”
“Nag-kiss sila”
“Icarus, Ike – behave” utos ko. Yumakap nalang sila sa akin, binigyan ko sila ng tig isang chocolate para matahimik na.
Nagpunta nga kami sa resthouse nina Gov. Yun yung malapit sa dagat, giliw na giliw yung mga bata sa paglalaro dun sa gilid ng dalampasigan habang kami ni Gov ay nasa may kubo at nakahiga. Malayo ang distansya ko sa kanya. Lumalayo ako sa tuwing lumalapit siya sa akin.
“Bantayan mo yung mga baby-ik ko ah, iidlip lang ako kulang ako sa tulog” utos ko.
“Andun yung mga tauhan ko, hayaan mo sila. Mag-cuddle nalang tayo dito” lumapit siya sa akin at yumakap. Tumayo naman ako at lumipat sa ibang higaan.
“Please, wag kang makulit ha isa pa”
“Nangako ka sa mga bata na di mo ako aawayin, tumupad ka naman Dex”
“At wala akong natatandaan na sinabi kong pwede kang tumabi sa akin at pwede mo akong yakapin”
Napanganga nalang siya, nagkamot ng ulo at wala nang nagawa.
“Matulog ka na nga muna diyan, makikipaglaro lang muna ako sa mga bata. Yang eyebags mo ang kapal kapal na, you look older”
“Kaya mo ako ipinagpapalit ganun ba?”
“That’s not what I mean”
“Sinasabi mo na pangit ako at di mo lang alam yung tamang strategy kung paano ako iwan”
“Mag-aaway nanaman ba tayo? Dex naman, wala na bang araw na di tayo mag-aaway?”
“I was already planning to call it quits. What if tinanggap ko yung New York offer ano? Siguro mas maganda na yung buhay ko, siguro hindi na ako losyang. Siguro nakahanap ako ng mas magmamahal sa akin, yung tanggap ako sa kung ano yung itsura ko, sa kung ano yung ugali ko. Siguro masaya na kami, nagpaplano nang magsettle down. Pinplano na yung kasal at mag try ng surrogacy to have our own biiks”
“Dex, stop please”
“Kung sana nakahanap ako ng lalake na tulad ng ex ko, siguro masaya na ako. I miss my Sans Rival so much, pero expired na siya eh – gone. Ganun yung gusto kong magmamahal sa akin.”
“Dex!” sigaw niya.
“Paano kaya noh? Paano kung di nag-krus ang landas natin sa London edi masaya sana”
“Ewan ko sayo, diyan ka na nga” saka siya umalis. Nakita ko pa yung pag sipa niya sa mga buhangin.
 Magulo na nga yung namamagitan sa aming dalawa. Mas madalas na nga na nag-aaway kami. Wala na kaming time para sa isat-isa dahil nga sa pagiging gobernador niya. Nagpapatintero na kami, halos di na kami magkita at matagal tagal narin nung last kaming nagsex. Ang dami kong kaagaw sa atensyon niya, ang buong lalawigan at isama mo pa yung mga babae niya at yung mga lumalandi sa kanyang social climber na paminta. Kundi lang dahil kina Bastie at Tep ay di ko siya sasagutin noon. Nangako rin kasi ako sa Nanay ng mga bata na kahit anong mangyari ay di ko iiwan at pababayaan ang mag-anak niya. Even if it means na isantabi ko yung personal kong kagustuhan at kaligayahan. Marami na akong sinakripisyo para sa kanila. Nakipag-hiwalay pa talaga ako sa aking boyfriend noon na si Russel just for them. Sumugal ako kahit na walang kasiguraduhan. 3 years kami ni Russel noon, minahal ko naman siya at kung ikukumpara ko kay Gov ay di hamak naman na mas better lover siya. It was just that my heart still belongs to Sans Rival – now & then. Walang nagbago, siya parin talaga.
Eto na nga ang nangyayari makalipas ang sampung taon. All the things I wrote back then ay walang nagkatotoo bukod sa mga propesyon namin at mga pinagkaka-abalahan. Parang ang bilis ng mga pangyayari, parang ihip lang ng hangin at tinangay ang lahat sa bagong kabanata. Andaming ganap, andaming mga bagay na gumulantang sa amin. I was still hoping na bumalik siya. I was still hoping na dumating na siya. I’m still hoping na pagbalik niya – everything is reset. Na ako parin yung baby boi niya – at walang iwanan dahil to infinity & beyond kami. Pero habang kumakapit ako sa pag-asa na yun ay unti unti kong nare-realize na parang nag-aabang ako na dumapo ang buwan sa Luneta. Malabo nang mangyari yun dahil nagbago na nga ang lahat.
Ang layo na ng tingin ko at di ko namalayan tanghalian na. Andami ko nang iniisip at di ko napansin na umiiyak na pala ako. I miss Mom & Dad, gustong gusto ko na samahan sila sa America pero di ko magawa. Pinagmamasdan ko lang ang karagatan, inaamoy ang hangin at dinidinig ang ihip nito.
“Umiiyak ka nanaman” tugon ng isang pamilyar na boses.
“Anong ginagawa mo dito?”
“The governor texted me, kausapin daw kita dahil inaaway mo nanaman daw siya. What is it again this time ha Dex”
“I was just planning to escape all these things, all this bullshits. Sa totoo lang Raikko suffocated na ako”
“Kakayanin mo ba na iwanan sila?”
“Yung mga bata hindi – it will terribly break me into pieces”
“Iniisip mo parin ba na babalik siya? Na everything will be alright? Miss na miss mo na ba siya?”
“I miss the old him”
“We all miss the old him. Pero anong magagawa natin, what’s done is done. We just need to do a little sacrifice”
“And I thank you for that, malaki narin ang sinakripisyo mo”
“That’s what friends are for. And besides, kadugo ko yang sina Bastie at Tep kaya di ko sila pwedeng pabayaan”
“Kumusta na kayo ni Khel?”
“Ayun, busy siya at kasalanan mo yun Dex. Andami dami niyang projects na nakuha sayo. Halos di na nga kami magkita sa bahay eh, di narin kami nag-sesex regularly, quickie nalang lahat and I hate you for that”
Tinawanan ko nalang siya. Ako kasi yung nag-push sa love story nila at nasubaybayan ko yun. Nung una para silang aso’t pusa hanggang sa magka-inlove’n na nga.
“Buti nga kayo may quickie pa eh”
Nagkunot naman siya ng noo saka ako nginitian ng nakakaloko. “Seryoso?” tanong niya kaya tinanguan ko nalang. “Malala yan, kaya ka pala ngarag”
“It’s because of him too, andami dami niyang pinapagawa sa kapitolyo at dinadamay pa niya ako sa mga problema niya. Mahirap din magpalaki ng dalawang biik no lalo pa at araw araw kung mag-away yan at araw araw na gigising kang may umiiyak. Hay ewan ko na”
“Kaya mo yan, ano ba kasing napag-awayan niyo lately?”
“Bukod sa mga infidelity issues niya at yung mga di niya pagsipot sa mga special occasions, I really want him to quit his job. Yun lang naman ang hinihiling ko sa kanya”
“Na malabo ngang gawin niya”
Nag-lunch na nga muna kami dun sa resort saka kami umuwi na sa bahay. Nauna naring umuwi si Raikko dahil luluwas pa siya ng Manila. Habang nasa biyahe kami ay kinausap na ako ni Gov. Mukhang nakalimutan na niyang magtampo. Panay tanong na niya ng kung ano-ano. Yung dalawang biik kasi ay nakatulog na at naka unan sila sa lap ko. Tinanong niya kung kelan daw ako babalik sa bahay namin.
“May bahay ako” sagot ko.
“Dex, balik na kayo sa bahay. Ang lungkot na doon, mag-isa lang ako”
“Not now, I need space”
“Kung ayaw mo, ako nalang ang lilipat sa bahay mo”
“Don’t you dare do that, naiintindihan mo ba ako?”
“Tssssk, ok fine!”
Nang sumunod na linggo ay di ako kinulit ni Gov. Wala siyang mga special tasks sa akin mula sa kapitolypo. Siya narin ang nagkusang maghatid-sundo sa mga bata. Nadatnan ko nga minsan na tinuturuan niya ng assigments yung mga bata. Pero wais kasi yung isa- si Tep. Pinapa-check niya sa akin kung tama yung sagot nila. Tama naman, kung tutuusin naman kasi ay may kakayahan yung ama nila. Kaya lang may doubt talaga si Ike Stefan sa lahat ng bagay lalo na pag score niya ang nakasalalay. Si Bastie kasi ay walang paki-alam kung mas matalino ang kapatid niya o mas mataas ang score ni Tep sa mga assigments. Siya kasi yung tipo ng bata na basta may assignment ay ok na – mana sa Tatay. Wala kaming imikan ni Gov, casual lang ang lahat. Kung may importante kaming sasabihin sa isat-isa ay dun lang kami mag-uusap. Mas nakapag-isip ako noon at mas nakatulog ako. Parang isang buong linggo na yun na payapa ang lahat. Nagagawa ko ang mga out of metro kong mga site visits dahil alam kong andun siya para sa mga bata. Mukhang nagpapa good shot si kolokoy. Nagawa ko na yung CDO at Bohol Site visit ko kaya naman nabawasan na ako ng mga gawain. Supervision nalang at yey, free na ako.
I was in the midst of a seminar noon sa Cebu, kaka-start lang ng program for the 2nd day. Kasalukuyang naglelecture yung speaker when my phone rang. Yaya Mela is calling at di ko alam kung bakit. Nung una I tried to ignore it pero dahil ring nga ng ring at pinagtitinginan na ako ng mga katabi ko kaya naman umalis na ako sa venue at sinagot ang tawag ni Yaya.
“Sir Dex yung kambal po may sakit. Nag-tatae at nagsusuka po sila”
“What? Bakit ako ang tinatawagan mo? Nasaan yung tatay nila?”
“Out of town po si Gov may dinaluhan pong fiesta sa Lucban”
“Damn it, sinabi mo na ba ito sa kanya?”
“Di ko po ma-contact Sir, ano pong gagawin ko Sir?”
“Dalhin mo sila sa ospital, I’ll call Andrew to assist them. I’ll fly to Manila as soon as I can”
“Sige po”
Agad ko ngang tinawagan si Andrew at sinabi ko nga yung situation ng kambal, sinabi naman niyang wag na akong mag-alala at siya na ang bahala. Sinabihan ko rin siya na i-update niya ko from time to time para naman alam ko ang nangyayari sa mga baby-ik ko. Sobrang alalang-alala ako sa kanila noon, kung kaya ko lang lumipad ay lumipad na ako. Mabuti nalang at nakapag-book agad ako ng flight pabalik sa Manila. Di ko na tinapos ang seminar dahil mas importante ang kambal. The flight back to Manila was smooth pero yung biyahe ko pauwi ng Batangas ay haggard ang traffic pa. Gabi na nang makarating ako sa ospital at nadatnan ko nga si Yaya Mela doon at yung kambal. Sinabihan niya ako na ok na daw yung mga bata at may nakain lang daw na nakasama sa tiyan nila. Pero pwede na daw maka-uwi ang kambal pag naubos na yung dextrose. Napanatag lalo ako nang sabihan ako ni Andrew na ok na yung mga bata. I tried calling the Governor pero cannot be reached ang phone niya kaya naman mas nagalit nanaman ako. Ganun siya kaya nakaka-bwisit, kung kelan mo siya kailangan na kailangan ay dun siya nawawala.
“Bwisit ka, naku pag nakita kitang lalake ka humanda ka sa akin”
Kinaumagahan ay naka-uwi na kami at ni anino ng ama ng dalawa ay wala akong nakita. Nakita ko nalang ulit sa FB yung mga pictures niyang ang saya saya na umattend ng fiesta. Di ko maiwasang di umangat yung kilay ko. Naiinis ako sa kanya, inuna pa talaga yang puchang fiestang yan.
Wala pa akong tulog at pagod na pagod na yung katawan ko. Pero para sa kapakanan nina Bastie at Tep ay kakayanin ko ang lahat. Tumawag ako sa bahay nina Gov at sumagot naman si Manang Lucile.
“Call me when the Governor arrives” bilin ko dito.
Halata naman magaling na yung dalawa dahil naghahabulan na sila sa sala. Sinaway ko sila dahil baka mabinat sila.
“Where’s Dad?” tanong ni Tep.
Nagkibit balikat nalang ako.
“You look tired, lets sleep” tugon ni Bastie saka nila ako hinila papunta sa kwarto. At dun nga ay natulog kami. Naalimpungatan nalang ako ng biglang may humalik sa noo ko. Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko doon ang mukha ng tatay nina Tep at Bastie. Nginitian niya ako na parang walang nangyari. I smiled back, bumangon ako saka ko siya hinawakan sa batok niya. I teased him at nang malapit na siyang bumigay ay dun ko siya inihiga at sinakal.
“Wait Dex, di ako makahinga” angal niya.
Binitawan ko siya saka ako tumayo.
“I’m sorry, it’s my fault again”
“Lagi nalang ganito, puro ka nalang sorry di ka na ba magbabago?”
Lumapit siya sa akin saka siya yumakap. “Sorry na”
“Parang awa mo naman oh, kung di mo ko kayang pahalagahan sana naman yung mga anak mo nalang. They need you more than ever. They need a father at mukhang nakakalimutan mong hindi ka na binata pa”
“I’m so sorry, lowbat yung phone ko at mahina ang signal”
“What an excuse, dalawa lang eh. Quit your job or be a good father”
“I’m sorry Dex please”
“Ayoko na, sawang-sawa na ako. Sawang sawa na ako sa mga excuses mo, ayoko na”
Mas hinigpitan pa niya ang yakap sa akin, naramdaman ko rin na tumutulo narin yung luha niya.
“Please let me go” pahayag ko.
“No, no, please NO, not again”
“Mas maganda yung buhay natin nung ako lang to at ikaw lang yan. Pag pinakawalan natin yung isat-isa mas magiging malaya tayo ulit. You can do anything you want, marry a girl you like, have a real family, magkaroon ng kapatid sina Bastie at Tep. You can continue your political career. Just like that, at ako I can go back to Europe or New York”
Lumuhod na siya at yumakap na sa mga tuhod ko habang patuloy siya sa paghagulgol. “I can’t, youre mine. Ikaw na ang pamilya ko, I can’t let you go again. No, no” tapos bigla siyang tumahimik. Dun na ako kinabahan.
“Hey are you ok?” tanong ko, di siya gumalaw or umimik. Nakayakap lang siya sa tuhod ko. Bumaba ako at tinitigan siya, blanko, diretso ang tingin.
“Are you ok?” di parin siya umimik. Tulala siya at diretso ang tingin habang patuloy parin ang pagpatak ng mga luha niya.
“Santi, are you ok? Are you with me? Santi?” nagpapanic na ako nun, matagal na kasi bago yung huling attack niya. Nagulat nalang ako ng bigla siyang nagsusumigaw at iniinda ang sakit ng ulo.
“Santi, andito ako. Di kita iiwan, andito ako” niyakap ko na siya at patuloy parin niyang iniinda ang ulo niya, nagsusumigaw siya. Kinuha ko yung cellphone ko and I called Raikko, tinawagan ko rin si Andrew at pinapunta sila sa bahay. Ilang minuto rin bago sila dumating at nang dumating sila ay nasa sulok si Santi naka-tungo at umiiyak habang sinasambit ang pangalan ko.
“What happened?” tanong ni Andrew.
“He broke down” sagot ko.
“Nag-away nanaman ba kayo?” tanong ni Raikko na tinanguan ko naman.
“This is his 2nd attack, kailangan na natin siyang dalhin sa Manila. Sana noon pa nila tinanggal yung bala sa utak niya” pahayag ni Andrew.
“Too risky Andrew, kaya di nila tinuloy noon. And that’s what makes him alive now” paliwananag ni Raikko.
“Pero kakayanin niyo bang ganito nalang siya palagi, wala siyang maalala sa past niya at may mga times na nahihirapan siyang gumawa ng bagong memories. Nawawala siya sa focus and he can’t even control his emotions and heart well” sagot ni Andrew.
“Better that way, than nothing at all” sagot ko. Lumapit na si Andrew kay Santi saka nito tinurukan. Inalalayan na nina Raikko at Andrew si Santi at inihiga sa kama.
“I really miss the old him” tugon ko.
“It will never be the same again” sagot ni Raikko saka nila kami iniwan. Nilapitan ko ang natutulog na si Santi at hinawi ang buhok niya. Hinawakan ko ang kamay niya saka ko siya hinalikan sa noo.
“I miss the old you Sans Rival ko, miss na miss na kita”
Di ko napigilan ang luha ko at umunan nalang ako sa dibdib niya. Rinig na rinig ko yung tibok ng puso niya. Di ko man marinig ang pangalan ko dun, di ko man maramdaman na mahal na mahal niya ako gaya ng dati. Humawak parin ako sa pag-asang magiging ok din ang lahat. Bigla namang may narinig akong music somewhere.
“I met you in the dark
You lit me up
You made me feel as though
I was enough
We danced the night away
We drank too much
I held your hair back when
You were throwing up
Then you smiled over your shoulder
For a minute, I was stone cold sober
I pulled you closer to my chest
And you asked me to stay over
I said, I already told ya
I think that you should get some rest
I knew I loved you then
But you'd never know
Cause I played it cool when I was scared of letting go
I knew I needed you
But I never showed
But I wanna stay with you
Until we're grey and old
Just say you won't let go
Just say you won't let go”
Nang makita ko kung saan galing yung tunog ay napangiti nalang ako. I saw Ike & Icarus there at the door. Lumapit sila sa akin at yumakap.
“Is Dad alright?”
Tumango nalang ako.
“Tito-Dad, don’t leave us ok?” banggit ni Bastie. Di ako makasagot.
“Tito-Dad, mahal na mahal ka po namin. Nagpa-practice kami nina Dad & Bastie ng kantang yan, kakantahin sana namin yan sa Birthday mo. Tito-Dad, wag mo kaming iiwan ha”
Paano ba tumanggi sa mga batang ito. Paano ba kumalas sa mga taong mahal na mahal mo na. Yung suko ka na talaga at wala nang natira pa sayo pero patuloy ka paring lumalaban. Andun parin yung pag-asa mo na babalik ang lahat. Na magiging ok ang lahat. Yumakap sila sa akin at dun na ako napahagulgol. Ayoko sana na makita nila akong umiiyak pero di ko na napigilan.
For the nth time isasantabi ko nanaman ang lahat. Isasantabi ko ang pansarili kong interes and embraced everything. Lahat ng flaws ni Santi and all things na kaakibat nito, para narin sa mga bata. Even if it means that doing so will break me again and again. Wala na akong paki-alam sa sarili kong kaligayahan, dahil ganun ko sila kamahal. Ganun ko kamahal si Gov. Ibahn Santi Villareal.
Santi will always be my Santi….
He will always be my baby…
But honestly, seeing him at his present state. My heartbeat is never the same again as the heartbeat my heart did 10 years ago. Parang lahat na nang ginagawa ko ay hindi dahil sa mahal ko siya kundi dahil yun yung nararapat. Nagbitaw ako ng pangako sa Nanay nina Tep at Bastie and I also made a promise not to let go and to stay by their side no matter what.
I'm still waiting for the time na ibigay na niya mismo ang kalayaan ko. It such that hindi ata kami para sa isat-isa talaga. Kung pwede ko lang balikan ang nakaraan, babalik ako sa panahon na hindi pa muli nagku-krus ang aming landas.
Itutuloy….

No comments:

Post a Comment

Read More Like This