Pages

Sunday, February 5, 2017

Bottom to the Top

By: Dream Catcher

Padilim-ng-padilim…palalim-ng-palalim….dahan-dahang napupuno nang tubig dagat ang aking mga baga....di na ako makahinga.. pero gusto kong mamatay. Gustong-gusto ko ng mamatay, ngunit….

Laking gulat ko nang buksan ko ang aking mga mata ay may isang lalakeng nakapaibabaw sa akin at hinahalikan ako.. mali.. sini-CPR ako. Alam nyo yon?!! Badtrip tung loko…gusto ko na ngang mamatay tapos ililigtas ka pa! bubuhayin ka! Tapos hahayaan ka na namang magdusa! Tang-ina pre! Sa gulat at galit ko… na tadyakan ko yung mokong.

“PWE! Ano ba pre?! Tang-ina mo!” galit kung sigaw, kahit medyo nabubulunan pa ako dahil sa tubig dagat na nalunok ko.
“Puta! Ikaw na nga tong nililigtas… ikaw pang galit!” reklamo niya habang hawak-hawak ang tiyan nyang na tadyakan ko.
“Eh sino ba kasing nagsabing iligtas moko?! May nagpapakamatay bang gustong iligtas?! Badtrip!” ganti ko sa kanya.
“Sa susunod kasi! Maglagay ka ng karatula na nagsasabing nagpapakamatay ka..para alam naming lahat!” galit nyang sinabi sabay tapon ng buhangin sa katawan ko.
“Puta! Naghahanap ka nang away? Iwan mo nga ako!” tumayo ako upang magtatangka muling magpakamatay.

Dumiretso akong muli sa dagat naglakad at dinadama ang tubig na magiging huling hantungan ko. Di sya tumayo at nung huli kong nilingon nakabuka yong bibig nya mukhang gulat na gulat.

“HOY GAGO!” sigaw nung mokong
“Ano?!” ganti ko habang yung tubig nasa bandang tyan ko na
“Wag mo nang ituloy hoy!” sigaw nya
“Pake mo!” diretso padin lakad ko..hanggang umabot na sa leeg ko ang tubig at hinahanda ko na ang sarili ko.

Sumunod ay tuluyan na akong nabalot ng tubig at halos wala na akong marinig. Inisip ko lahat ng problema ko..lahat ng taong minahal ko…at hanggang ngayoy mahal ko. Mga kaibigan ko… pero sensya na eto nalang ang paraan……. Paalam. At putang ina!!!!!!!!!!
“Hoy gago! Shit ka! Shit ka!” sigaw nung lalakeng nag CPR sakin kanina habang hinahatak nya ako papunta sa dalampasigan. Natataranta sya at di mapinta ang mukha
“Hoy epal kadin eh no?!” sigaw ko habang hinahatak nya ako
“shet ka! Ako pang ko-konsensyahin mo?! Ano sa tingin mo ang gagawin ko, panoorin ka nalang magpakamatay?” sabay tulak nya sa akin papunta sa buhangin.
“Edi pumikit ka!” galit kong sinabi. Akmang tatayo ako ay bigla syang pumaibabaw sa akin.
“Ano ba kasing problema mo?!” galit nyang sinabi at pinatong ang dalawa nyang kamay sa balikat ko upang di ako makagalaw
“Unang-una etong posisyon natin yung problem ko, ramdam kom yung etits mo!” habang nagpupumiglas ako.
“Fuck you! Kesa naman magpalunod ka! Tiisin mo yang etits ko! Ano ba kasing problema mo?!” nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata
“Wala! Wala!” sigaw ko…… pero bigla nalang akong napaluha “wala….. wala akong problema…..” mahina kong sagot… yun ang kauna-unahang nailabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko

Parang bombang sumabog sa dibdib ko… halos di ako makahinga.. wala ako sa tubig pero nalulunod ako. Di ko kilala ang lalakeng nakapatong sa ibabaw ko pero ibinuhos ko lahat nang luha ko. Niluwagan nya ang pagkakahawak sa mga balikat ko at umalis sya sa pagpapaibabaw sa akin. Humiga sya sa tabi ko ..di nagsalita…di tumitingin…pinapakinggan lang ang paghagul-gul ko. At dun ako nagsimulang mag-kwento.

“Kaka-break ko lang sa first boyfriend ko. Nalaman ko ding may girlfriend pala sya at ako ang ipinambubuhay nang puta! Nalaman ni Mama na boyfriend ko si Marco kaya’t pinalayas nya ako… kahit di na nga kami diba?!!! Walang ibang nakakaalam na bakla ako maliban kay Marco, kahit mga kaibigan ko nga di ko pinagsabihan! Pero nung naghiwalay kami ipinagsabi nya sa lahat kaya’t ngayo’y galit na silang lahat sa akin. Kahit workmates ko naging awkward nadin ang pagtrato sa akin dahil dun!” at umiyak pa ako nang sobra-sobra.

Umupo ako nang tuwid at sumigaw nang napakalas halos sumabog na ang baga ko. “PUTA KAYONG LAHAT!!!!!!” at dun ako unang nakaramdam nang pagod.
“Oh, okay na?” mahinahon nyang tanong. “Tara kain tayo?” sabay abot nang kamay ko.
“Ahhh… yun din pala..umihi lang ako kanina bago sana magpakamatay tapos pagbalik ko dun sa bag ko bukas na…ninakaw yung laman ng wallet ko” nahihiya kong pag-amin. “Bad trip din tong magnanakaw…alam nya sigurong magpapakamatay ako..edi sana pati bag ko sinama nya narin!” reklamo ko

Napatawa ang mokong at dun ko nasilayan nang mabuti ang kanyang mukha….mapuputi at pantay na mga ngipin, mapulang labi, matangos na ilong, maypagka chinito na mga mata, maputi ang balat, at may toned abs. Grabe yung tawa niya…eh sa totoo lang bad trip na bad trip ako sa kanya kanina. Eh ang pangit nung tawa nya…parang asong ulol…napatawa nadin ako. Kaya’t nandun kami sa buhangin nakahawak sa aming mga tyan at humahagikhik sa pagtawa. Mga ilang minuto din kaming ganon..buti nalang naka recover pa. Sya ang unang tumayo at inalalayan ako.

“Oh sya tara, ako’ng bahala sayo” nakangiti nyang sinabi.
“Nako wag na, nakakahiya magpapakamatay nalang ako” biro ko sa kanya na nagpatawa na naman sa amin
“Promise, ako’ng bahala, basta ba’t wag kalang magapapakamatay, okay?!” paninigurado nya.
“Ewan…basta!” pagdadalawang isip kong sagot
“Pero bihis muna tayo. Tsaka kunin mo yung bag mong walang lamang pera!” sabay tawa nya.

Sinamahan nya akong kunin yung bag kong ninakawan. (NAKAKAHIYA!) Tapos sinama nya ako sa isang airconditioned villa na nakaharap padin sa may dagat. Inabutan nya ako ng tuwalya at mga di pa nabubuksang sabon.

“Oh bilis..ligo na” at dahan dahan nya akong itinulak papunta sa may banyo.

Dahan-dahan akong naghubad hanggang sa wala nang natirang saplot..nang biglang…

“HOY!” gulat kong sigaw nang bigla syang pumasok sa banyo na hubo’t-hubad.
“What?! Nakalimutan ko… ako nga pala si Lucas” sabay abot nang kamay nya.
“Xander” sagot ko, pero hirap akong mag con-centrate dahil nasa harap ko ang otin nya.
“Tara ligo tayo?” sabi nya..at binuksan ang shower… “Oh anong problema ba’t nakatalikod ka Xander?” tanong nya.
“ahh… teka Lucas.. baka kasi nakalimutan mo… uhmm ire-remind ko lang” pero nakatalikod padin ako “Kakahiwalay ko lang sa boyfriend ko…so..bakla ako…remember?” pagpapa-alala ko sa kanya.
“Eh ano ngayon?” ganti nya.
“Tang-ina.. ayoko kong humarap sayo” pag-aalala kong sagot.
“Bakit nga kasi?!” nag-aalala nyang tanong.
“Eh tinitigasan ako!” diretso kong pag-amin.
“Eh ako din kaya..tingnan mo!” sabay hatak nya sa balikat ko..at dahil sa bilis nang pagkakahatak nya ay nagtama ang mga otin namin na naghatid nang kuryente sa buo kong katawan…at mukhang sa kanya din.
“Woah! That was awkward” sabi nya habang di makatingin sa mata ko
“Sige na… tumalikod ka nalang sasabunin ko nalang likod mo…basta’t wag mo kong pag-iisipan ng masama” at sinabon ko sya sa likod.

Matangkad sya kesa sakin… 6’1 ang height nya, 5’11 naman sakin.

Ang ganda talaga ng hulma nya… ang lapad nang balikat at ang nipis ng tyan… ang firm ng abs..at ang umbok ng pwet. Parang porcelana at medyo pinkish ang ibang parts. Sinabon nya din ang likod ko matapos kong sabunin yung sa kanya. Ngunit mukhang natatagalan yung pagsabon nya sa umbok ng pwet ko.

“Uhm…. Uhmm excuse me lang Lucas… mukhang medyo natatagalan yata tayo sa pagsabon sa pwet ah?” pabiro kong sagot. Pero mukhang na tu-turn on na ako…
“Sarap kasi salatin ….ang umbok…at ang lambot” nung sinabi nya yun ay nilingon ko sya sa likod at nakita ko ang pamumula nang mukha nya.
“Nako Lucas delikado to, kelangan ko na bang mag-ingat?” pabiro ko na namang sinabi…
“a.. a… sorry” nauutal nyang sinabi at huminto na sa pagsasabon.

Pinaharap nya ako at sinabihang sha-shampoohan nya ang buhok ko. Nagpaubaya naman ako. Ngumingiti sya at mukhang tuwang-tuwa, parang batang naglalaro….ginawa pang shark fin yung buhok ko. Ako…kanina pa nagpipigil! Nakatingin ako sa pinkish nyang nipples at matigas nyang dibdib. Pinapanood ko ang pagdaloy ng tubig sa maganda nyang katawan. Dahil di ko na kinaya ay bigla ko syang niyakap nang madiin at sa kanyang leeg na ako huminga…. Ramdam ko ang pagkagulat niya pero di sya kumalas sa yakap ko bagkos ay hinayaan nya ako at patuloy parin sa paglilinis sa buhok ko. Binanlawan niya ang buhok ko… at buti nalang di ako tinigasan habang yakap yakap ko sya. CONTROL !!!!

“Oh.. Xander okay na” sabay abot nya sa towel at ipinatong sa ulo ko para punasan ito “Tara, bihis ka na” at dun lang ako kumalas sa pagkakayakap sa kanya.
“Salamat…at sensya kana…ang safe lang kasi nung feeling na kasama ka” pag-amin ko
“Eh nako lang… baka naman tsuma-tsansing kalang Xander” pagbibiro nya.
“Ganon nadin” sagot ko na ikinagulat nya “Oh!! Hoy! Di naman mabiro!” bawi ko.
“ahh.. okay” nakangiti nyang sagot

Matapos naming magbihis eh dumiretso kami sa restaurant ng resort na tinutuluyan namin. Naka sando lang ako kasi wala akong dalang t-shirts…at ang ginaw na po. Di ako makapili kung anong kakainin at nahihiya din ako kasi nga wala akong pambayad. Kaya nga desidedo na talaga akong mamatay kanina kasi wala nadin naman akong pera pauwi! Sya na ang pumili at gustong-gusto ko ang pagka kampante niya at ang self-assured vibes na meron sya. Habang kumakain ay nag kwentuhan kami.

“May kapatid ka?” tanong nya.
“Meron isa..babae… Jennie pangalan nya” nakangiti kong sagot.
“Mahal mo kapatid mo?” kasunod nyang tanong
“Syempre naman! Mahal na mahal!” proud kong sagot.
“Ba’t ka magpapakamatay kong mahal mo sya?” seryoso nyang tanong sa akin
“Wow! Iba ka din eh no? ang smooth mo…” sagot ko

Pero di ko alam ang sasabihin ko… mahal na mahal ko ang kapatid ko. Sya lang naman ang kaisa-isang taong nagtanggol sa akin. Naalala ko pa yung huli nyang sinabi bago ako pumunta dito “Alam mo kuya.. sarap sipain nung ex mo! Sa dami-dami ba naman yun pa naging first boyfriend mo? May pagka-bobo ka din eh no?” inabot ni Jennie yung kamay ko “Pero alam mo… mahal na mahal na mahal kita… kuya…ate… kahit anong piliin mo..okay na okay sa akin. Basta’t wag na wag mo ‘kong ipagpapalit, okay..tsaka never leave me alone okay?!” sabay yakap ni Jennie sa akin. Nang maalala ko yun ay bigla akong napaluha.

“Kita mo na…” bigkas ni Lucas sabay pisil sa balikat ko. “Oo alam ko andami mong problema, pero paminsan-minsan sarili lang natin ang iniisip natin…. Meron kasing iba na nag-iisip na sa pagpapakamatay lang gagaan ang buhay nila, pero paano ang mga taong iiwan natin…sa huli sila lang ang mahihirapan”
“Grabe ka din Lucas, ang hard mo din eh noh? Sakit mong magsalita” pabiro kong sagot ..pero tumutulo parin luha ko.

At dumating nayung mga ulam….sa tagal ko ba namang nag flashback eh naluto nayung ulam.

“Salamat sa dinner ha… babawi nalang ako sayo pagnagka-pera na’ko” pinangako ko kay Lucas.
“Sige ba, no problem” nakangiti nyang sagot “Tara Xander lakad tayo sa dalampasigan” pag anyaya niya

Nagdadalawang isip akong maglakad sa dalampasigan kasi gabi na, malamig, at madali talaga akong ginawin. Wala padin naman akong dalang jacket. Pero sige… dami kong utang na loob sa taong ito.

“Ikaw Lucas, how old are you, san ka nagta-trabaho, at bakit ka nandito?” mabilis kong tanong sa kanya.
“Ang dami naman…” nakangiti nyang sagot.. “just turned 23, meron din naman kaming businesses kahit papano… and nandito ako to unwined. Eh ikaw, how old are you, tsaka san ka nagtatrabaho?” bawi nya
“Ako din kaka 23 lang, at isang newly registered Architect” sagot ko
“Then tell me… ang ganda ganda ng trabaho mo tapos magpapakamatay ka lang? di mo din sinasayang ang halos 7 years mong pinag-aaralan para maging architect ka?” pag-uusisa nya

Tama sya…kasi kelangan mong mag-aral ng five years bago maka graduate, tapos dalawang taong apprenticeship bago payagang makapag take ng board exam, tapos magre-review ka pa. Aba! Andaming alam netong si Lucas.

“May punto ka dun, pinaghirapan ko kaya yun! Ilang taon akong nagsumikap para lang maabot to… kung di lang talaga dun sa putang-inang ex ko!” nag-init na naman ulo ko…pero kahit ang init nang ulo ko nilalamig na talaga ako. Siguro napansin nya yun kaya’t bigla nya akong hinatak pailalim sa braso nya….

“Woah!” gulat kong sigaw sa ginagawa nya
“It’s fine with me… just stay like this way for a while…baka manigas ka sa ginaw” at pinisil nya pa balikat ko
“Salamat” nahihiya kong sagot pero mas idinikdik ko pa sarili ko sa kanya.. kesa mamatay ako sa lamig diba? Pero sarap din nung pakiramdam na nasa bisig ka nya…dahil matikas sya, makinis, at napakabango

Naglakad kami na ganun ang sitwasyon hanggang sa maabot namin ang labas ng villa na ni-rentahan nya.

“Teka dito ka lang” tsaka pumasok sya sa villa at iniwan akong giniginaw. Grabe mamatay napo ako gusto ko nang pumasok. Kung di ako mamamatay sa lunod sa ginaw din naman!
“Hoy Lucas!! Antagal mo din eh no?!” tinatapik ko ang bintana habang nanginginig yung mga kamay ko
“Malapit na” at bigla niyang binuksan ang pinto…may hawak-hawak syang tent at comforters…at pinasuot nya sa akin ang isang gray na jacket na agad ko namang sinuot
“Ang cute mo din eh no?” sabi nya nung nagdali-dali akung suotin yung jacket
“eh akala ko kaya mamamatay na ako sa ginaw” pag-amin ko
“Tara gusto kong mag bonfire” nakangiti nyang sinabi
“Nako Lucas mag-isa ka….sa kwarto ako matutulog” naglakad na ako papuntang kwarto pero bigla nyang hinatak yung bewang ko at idikit sa katawan nya. Nahulog nya yung hawk nyang tent.
“Ayoko ko nga” bulong nya sa tenga ko. Puta nakuryente ako kaya’t di ako nakagalaw “Hoy okay ka lang?”
“Shit!” nahiya ako sa nangyari kaya’t naitulak ko sya nang kaunti na nagpangiti sa kanya.

Wow! Promise …dito sa resort ako mamamatay..etong si Lucas ang ikakamatay ko!

Itinayo na nya ang tent at tinulungan ko nalang sya… titiisin ko nalang muna tung malamig na gabi. Nakapagkolekta nadin kami nang kahoy na agad nyang sinilaban, kaya’t dali-dali akong umupo malapit sa apoy para magpa-init. May dala din syang beer at pagkain kaya’t may pinapapak kami. Nagsimula nadin syang mag-kwento. Nagpalitan kami ng mga nakakatawang experiences….nalaman kong soccer player siya sa school nya dati, madalas sya sa gym kasi health conscious sya. Family oriented sya at mahal na mahal niya yung dalawa nyang kapatid na babae.

Lumalalim na ang gabi at medyo tinatamaan na kami….pero mas grabe yata yung tama ko kaya’t huminto na ako sa pag-inom. Humilata nalang ako sa buhangin at pinagmasdan ang umiikot na mga bituin… eh lasing ako! Umiikot talaga! Naramdaman ko dahan-dahang paghiga ni Lucas sa bandang tyan ko. Ginawa nyang unan yung tyan ko at tumingin din sa kalangitan. Mangangalahating oras na kaming nananatili sa ganung posisyon at nakakaramdam na ako ng antok pero mukhang gising na gising pa si Lucas.

“Hoy Xander gising ka pa?” sabay alog sa akin ni Lucas pero di ako nag react kasi pagod na pagod na ako kaya’t binalewala ko lang yung mga ginagawa niya “Hoy” pero di talaga ako gumalaw “Andaya mo tinulugan mo ako…may gusto pa naman akong sabihin” narinig ko ang malungkot nyang boses, pero di padin ako gumalaw. At bigla syang nag-kwento sa pag-aakalang tulog na talaga ako…

“Pumunta din ako dito para magpakamatay” pag-amin nya na ikinagulat ko pero kinontrol ko talaga sarili ko at hinayaan lang syang magsalita “but you know what… di lang ikaw yung niligtas ko….nasagip ko din pati sarili ko” at napalunok siya sa sinabi nya at dinig ko ang mahina nyang pag-iyak… “Yung kagustuhan kong mabuhay ka ang mismo ding bumuhay sa akin” at nagpatuloy pa sya sa pag-iyak hanggang sa nakatulog…at nakatulog din ako na nananakit ang dibdib dahil sa mga sinabi nya.

Hindi ko alam kong anong oras yun pero madilim padin ang paligid nang naramdaman ko ang pagbitbit sa akin ni Lucas papunta sa tent. Kandong niya ako sa malalakas nyang braso at dahan-dahang inihiga sa tent. Nilagyan nya din ako ng kumot. Panalo na yata ako sa pagtutulog-tulogan. Matapos nya yung gawin ay isinara na nya ang tent at humiga sa tabi ko.

Napansin ko ang pag-galaw ni Lucas upang umupo sa tabi ko. Ewan pero hirap na akong matulog, pero nakapikit parin at pilit pinapatulog sarili ko. Bigla ko nalang naramdaman ang paghinga ni Lucas na palapit-na-palapit sa mukha ko. Nung akmang didikit na yung labi nya sa bibig ko ay huminto sya at nagdalawang isip at inilayo ang sarili nya. Pero ilang minuto ang lumipas ay muli ko na namang nadama ang malalim nyang paghinga at naamoy ang pawisan nyang katawan. Ang lapit-lapit na ng mukha niya pero di parin nya tinutuloy….dahan dahan nyang hinaplos ang mga pisngi ko at parang tinitingnan nang maigi ang bawat detalye nang mukha ko. Bigla syang huminto pero di parin nya nilalayo yung mukha nya sa mukha ko. Naglakas loob na ako at sinunggaban sya.. akalain nyo yun sapol nang labi ko yung labi niya kahit nakapikit ako. Nagulat sya sa nangyari kaya’t di agad nakagalaw…. Nung minulat ko yung mata ko ay nanlaki ang mata nya…

“Lucas, pwede bukas nalang” nakangiti kong sinabi at sinunggaban pa siya nang isang halik
“Di ko alam na gising ka” nahihiya nyang pag-amin
“Di ko alam na trip mo’ko” nakangiti kong sagot
“a…a..h” nauutal nyang sagot at napakamot sya sa kanyang ulo
“Tara Lucas, tulog na tayo..alam kong pagod ka” pinahiga ko sya sa tabi ko na ginawa din naman nya

Nung makahiga na sya ay binalot ko sya sa yakap ko..kahit mas matangkad sya sa dibdib ko sya pinatulog at niyakap hanggang sa makatulog kaming dalawa.

Pagkagising ko eh nakaakap padin ako sa kanya, at sya nama’y nakatanday sa akin…pero syempre umaga kayat tinigasan ako pero yung hita nya nandun talaga sa galit kong otin. Ramdam ko din yung galit nyang ari na tumutusok sa bandang beywang ko, kaya’t hinayaan ko nalang.

Nagising sya nung hinahaplos-haplos ko ang buhok niya. Kahit bagong gising ang gwapo talaga. Kahit ramdam nya yung ari ko di talaga umalis sa pagkakatanday at mas ikinikiskis pa niya yung hita nya sa otin ko.

“Lucas…..” nakangiti kung sagot “Ano yang ginagawa mo?”
“uh… wala naman nag st-stretching lang” at lumingon sya sa mukha ko at ngumiti
“Si Junjun mo din oh…gustong mag stretching” sabay abot ko sa oten nya na ikinakuryente nya.

Para di na tuluyang magkarambolan sa loob nang tent ay ako na ang nagpigil…kasi tirik na ang araw at umiinit na sa loob at malamang madami nang tao sa labas. Matapos mag almusal ay napag desisyunan naming maligo sa dagat…ang pinagkaiba lang ay wala na kaming kagustuhan magpakalunod. Di ko padin inamin sa kanya na narinig ko ang sinabi nya kagabi.

Kaya’t ngayon habang tumitingin ako sa mga ngiti nya ay nakakaramdam ako ng sakit. Di man lang ako nag-isip sa kung ano ang tumatakbo sa isip nang lalakeng nasa harap ko…. Puros sarili ko lang inisip ko. Pero di na ngayon… iisipin ko nadin pati ang sa kapakanan niya. Naglaro kami habang naliligo sa dagat…naghabulan, gumawa ng sand castle, inilibing sya sa buhangin, ginawan nya ako ng mermaid tale galing sa buhangin, nagtapunan ng buhangin na umabot sa bibig nya. Pag sa malalim na ay umaakbay na ako sa kanya o sumasakay sa kanyang likod. Ngayon lang ako sumaya ng ganito… sa lugar na walang manghuhusga sayo at puros tuwa at ligaya lang ang iisipin mo.

Habang nakasakay ako sa likod nya ay bigla nya akong hinatak papunta sa harap niya…. Syempre di ko na gaanong abot yung buhangin sa ilalim kaya’t nagpalutan-lutang ako sa harap nya. Ang mas ikinagulat ko ay nung bigla nya akong hinatak pailalim sa tubig at hinalikan ng madiin. Naghalikan kami hanggang sa pareho kaming naubusan ng hininga.

“wow” habang naghahabol padin ako ng hininga
“what?” sabay ngiti nya
“ulit” nakangiti kong sinabi at muli na naman kaming nag underwater kiss

Matapos mag lunch ay dun naming napag-isipang umuwi. Oo di ako handa, pero ano ba namang mangyayari kung di namin haharapin ang mga problema namin. Pero ang pinagkaiba lang….may Lucas ako sa tabi ko at maglalakad ako ng taas noo.

Habang nag-aabang kami nang bangka na maghahatid sa amin sa Davao City….ay may nakita kaming yate..

“Sa totoo lang Lucas gusto kong makasakay sa yate” natutuwa kong pag-amin

At biglang lumapit ang yate sa direksyon namin

“Good, kasi yan talaga service natin” sabi nya…na ikinagulat ko!
“What the! Walang biro?!!!!” pasigaw kong sinabi sa kanya
“Oo nga diba” sabay pisil nya sa pisngi ko
“Ano bang ibig sabihin mo dun sa businesses na pinagsasabi mo?” pag-usisa ko
“who cares” at inalalayan nya ako papasok sa yate

Ang sosyal talaga nung yate, pero ang humble talaga ni Lucas. Nakangiti akong nagmasid sa loob ng yate at sa malawak na dagat na bumabalot sa amin. Nang maabot na namin ang pier ay may tumawag na kay Lucas at sinabing may sasakyan ng nag-aabang sa may dulo.

“Tara Xander, hatid na kita” sabi nya at binitbit pa ang bag kong walang lamang pera
“Nako wag na nakakahiya” pag-amin ko
“Nako naman, mas nakakahiya kaya kung sasakay ka ng jeep tapos wala kang pambayad” pagbibiro ni Lucas
“Ang hard mo din talaga eh no?” sabay suntok ko sa balikat nya
“Aray, pero halika ka na…ngayon ka paba mahihiya?” nakangiti nyang sinabi

Sinabihan nya yung driver na sya na mismo mag da-drive at maghahatid sa akin.

Di pa akong handang makaharap ang mga magulang ko lalong-lalao na si mama. Nung marating namin ang bahay ay nagpaalam nadin ako kay Lucas at hinalikan sya sa huling pagkakataon…

“Punta ka lang dito kung gusto mo akong makita.. okay, or text maybe?” sabay halik ko sa kanya.

Isinara ko na ang pinto ng sasakyan nya, humarap sa gate namin, nagbuntong hininga at handa ko nang buksan ang pinto ng bahay…..nang biglang…. may pumindot sa doorbell! PUTA!!!! Nataranta ako at nakita kong nakatayo si Lucas sa harap nang doorbell at muli pang pinindot ito. Nakangiti nya yung ginawa.

Tumakbo ako papalapit kay Lucas at hinawakan sya sa bandang dibdib upang sakmalin sya nang biglang bumukas ang pinto nang bahay at nakita ang mukha ni Mama na may namamagang mata na parang galing lang sa pag-iyak.

“Xander.. anak!” sabay takbo sa akin ni Mama at niyakap ako nang napakahigpit…at umiyak si Mama kaya’t napaiyak nadin ako. Nakita ko din ang kapatid kong si Jennie kumakaripas sa takbo.
“Kuya Xander!” at tumalon pa ito at sumali sa yakapan namin ni Mama

At ang mas nakakagulat…. pati si Lucas nakiyakap! Aba, anak nang!!! At may paluha-luha din yung mokong kaya’t mas nagulat si Mama at Jennie…

“Oh ijo, okay ka lang?” tanong ni Mama kay Lucas
“Okay lang po ako tita..natutuwa lang” sagot nang mokong
“Kuya Xander, boyfriend mo?” sabay turo ni Jennie kay Lucas
“Anak, boyfriend mo to?” gulat na tanong ni Mama
“Opo, boyfriend po ako ni Xander… Lucas Rivera nga po pala” sabay abot ni Lucas sa kamay ni Mama at tapik sa ulo ni Jennie
“Teka….” Sabay tutok ko kay Lucas..
“Let’s go with the flow nalang” sabay ngiti sa akin ni Lucas

Iba din tung si Lucas..mapapel. Pero sa kabila nang iyakan namin di ko nakita si Papa pero nadun lang pala sya nakatayo malapit sa pintuan at nung matapos naming mag-iyakan ay bigla syang nagsalita…

“Oh ano tapos naba ang telenovela dyan? pasok na kayong lahat…kain na tayo” pag-iimbita ni Papa “Ikaw din Lucas ijo, tuloy na”
“Nako wag na Pa..” sabi ko “busy po si Lucas” pag-aalala ko
“Ah hindi po ako busy….tara po” at dumiretso nang tuloy-tuloy si Lucas

Ang kapal talaga. Ramdam ko ang pag-usisa nila Mama sa akin at lalong-lalo na kay Lucas. Nagki-kwentuhan kami habang kumakain at mukhang madaling nagkasundo si Papa at si Lucas. Pati si Mama natutuwa nadin kay Lucas…. Lalong-lalo na si Jennie kasi gwapong-gwapo sya kay Lucas. Nakitulong pa si Lucas sa pagligpit nang lamesa at gusto pang maghugas nang pinggan pero pinigilan na ni mama kasi bisita.

Nagpaalam na si Lucas kay Mama, Papa, at Jennie…na inimbita pa nilang muli kung kahit kelan ni Lucas gustong pumunta ay welcome sya… magpasabi lang para mapaghandaan ng masarap na pagkain. Tuwang-tuwa naman ang mokong. Ewan ko ba kung anong nangyari, kung bakit mas naging understanding sila Mama, kung anong nagpabago sa isip nila. Pero habang tinitingnan ko silang tuwang-tuwa kay Lucas ay mas kinikilig ako. Kung ganito lang kasaya…di talaga ako magsisisi..kung ganito lang sana sa simula palang. Salamat Lucas…yun ang nasa isip ko.

“Oh sya…sa susunod muli Xander, okay?” pagpapaalam niya sabay yakap sa akin nang mahigpit at hinalikan nya ako sa pisngi
“Salamat Lucas… salamat… Salamat dumating ka sa buhay ko” at niyakap ko din sya nang mahigpit bago siya umalis at umuwi sa kanila

Nung gabing yun nag-usap kami nila Mama at Papa sabi nila okay lang naman sa kanila basta’t di lang magsisinungaling sa kanila. Naging kundisyon din nila na ipakilala ko ang boyfriend ko na ngayong daw ay pasadong-pasado na sa kanila, basta’t di lang daw ako sasaktan. Si Jennie daw talaga ang nagtanggol sa akin..sya ang nagpaliwanang kina Mama at Papa..at halos buong araw daw syang umiyak kasi pinalayas ako. Humingi din nang tawad si Mama kasi dahil sa galit nya ay pinalayas nya ako. Sabi ni Papa medyo napansin nadaw niya yung sekswalidad ko kaya’t di na sya gaanong nagulat at mas madali nya akong natanggap kasi naghihintay lang sya na umamin ako. Si Mama lang talaga yung walang hinala sa bahay.

Tinawagan ko din mga kaibigan ko at kumain kami sa labas… inamin ko sa kanila ang lahat lahat at galit na galit sila dun sa ex ko… uupakan daw nila pagnakita nila. Halo-halo naman yung barkada, may mga babae, mga lalake, tomboy, at eto…ako. May nanghinayang pa ngang mga babae kasi ako daw yung type nila mag-iilang taon na.

Isa lang masasabi ko, kung mas naging bukas ka sa mga taong mahal mo..mas matatanggap ka nila. May ibang tao na di ka kayang tanggapin, mahalin, pero ang importante alam mong may nagmamahal sayo, kakaunti man, pero mamahalin ka parin nila ng buo.

Makalipas ang tatlong araw, biglang bumisita si Lucas sa bahay. Medyo natagalan raw siya kasi madami syang inaasikaso..pero okay lang..ang importante nandito sya. Nakapormal ang suot niya, suit and tie, gwapong-gwapo! Napakayaman tingnan. Samahan pa nang matikas nyang tindig hulog lahat nang panty.

Kinamusta nya sina Mama at ipinaalam ako sa kanila kasi mag di-date daw kami. Sila Mama at Papa tuwang-tuwa. Pinaupo muna nila si Lucas sa may sala at si Jennie talaga ang umupo tabi ni Lucas at nagtanong ng ano-ano. Si Mama sinamahan ako sa kwarto pati si Papa, sila naghalungkat ng mga gamit ko na dapat kung suotin para sa date namin. Si Mama ang pumili ng suit at pinahiram naman ako ni Papa ng necktie.

Bago kami umalis ay kinunan pa kami ng litrato. Parang prom lang! ewan ko ba! Basta ang saya ng palibot..ang gaan sa pakiramdam.

Inihatid ako ni Lucas sa isang mamahaling restaurant at may na reserve na na table for two. Masarap ang pagkain pero sa gabing iyon si ay mas masarap tingnan si Lucas. Di pa nga namin napag-uusapan yung sinabi nya kina Mama at Papa na mag-syota kami, kasi di naman talaga namin yun napag-usapan. Kung ako lang, okay sakin yun, ako pabang aarte? Nangamusta sya sa mga nangyari sa akin matapos kung umuwi, natuwa siya tungkol dun sa pamilya ko at mga kaibigan ko. Ngumingiti sya pero parang may bumabagabag sa kanya. Nag de-dessert na kami nun nang may biglang naglakad papalapit sa table namin….

“Oh, ba’t nandito ka?” sabay beso nung babae kay Lucas “At sino naman tung kasama mo? Your bestfriend?” humarap yung babae sa akin at inabot yung kanyang kamay “Hi, I’m Angelique, Lucas’ fiancée” nakangiti nyang sinabi
“Xander, Nice meeting you Angelique” sabay abot ko sa kamay nya… mukhang mabait naman kasi yung babae

Habang kinakamayan ko si Angelique ay nilingon ko si Lucas, si Lucas na di mapinta ang mukha, si Lucas na konting-konti nalang iiyak na.

“Angelique, we’re actually done…like really done… and I have to go now” pagpapadinig ko kay Lucas na mas ipinag-alala niya base sa mukha nya “why not sit here with your fiancée and enjoy the night together” inalalayan ko pa si Angelique sa pag-upo
“Thank you Xander, di kalang gwapo ang bait mo pa” sabay ngiti nya sa akin…mabait nga
“Sige, see you guys… again, nice meeting you” ngiti ko kay Angelique “bye….. bestfriend” pagpapaalam ko kay Lucas

Ang alam ko kelangan kong umalis dun, kelangan kong magpakalayo, kelangan na kelangan kong sumigaw! Umiyak! Di paman ako tuluyang nakakalabas sa restaurant eh tumulo na ang luha ko kaya’t pagkalabas na pagkalabas ko ay kumaripas na ako ng takbo. Di ko alam kung saan na ako nakarating basta’t tumakbo lang ako hanggang sa napagod ako sa pagtakbo at sa pag-iyak…. Nung nakarating ako sa harap ng isang simbahan eh basta napahinto nalang ako…pumasok sa loob at umiyak. Sinusubukan kung magdasal pero di ako makapag-isip ng maayos.

Nakaramdam nalang ako ng mainit na yakap mula sa likod ko at ang tunog nang lalakeng umiiyak kasabay ko.

“Xander…sorry…xander sorry…. Sorry…xan…der.. sorry” pagsusumamo niya

Di ako nagsalita. Walang ibang tao sa loob ng simbahan kaya’t nabalot lang ito ng mga hinagpis naming dalawa. Nakayakap padin sya likod ko nakasandal sa leeg ko at patuloy sa pag iyak at ako nakaluhod parin at humahagulgol. Sa bawat luhang pumatak ay nadama ko na mahal nya ako..na mahal ko sya. Pero bakit? Anong nangyari? Ba’t ikakasal na sya?

Di parin sya tumitigil sap ag iyak at ako din naman pero hinarap ko siya, hinawakan sa magkabilang pisngi at hinalikan ang kanyang matang nakapikit sa pagluha.

“Now tell me… what happened?” mahinahon kong tanong

Di pa sya makasagot ng maayos pero nagkwento sya kahit patuloy padin sya sa pag iyak. Pinilit raw sya nang family nya at sinabihang wala syang karapatang tumanggi, na sa kanya nakasalalay ang reputasyon ng buong pamilya. Di din alam ng pamilya nya na bakla sya kasi alam nyang di nila matatanggap kasi sya lang ang panganay at nag-iisang lalake. Kaya raw sya nagtangkang magpakamatay. Ikinuwento ko narin na narinig ko yung sinabi niya sa resort. Niyakap niya ako nang mahigpit at hinalikan.

“I love you Xander…oo bago palang tayo nagkakilala pero alam kong mahal kita” pag-amin nya “I’ve been with a lot of people, pero ikaw lang ang nagpasaya sa akin, and your family accepted me like whole-heartedly” nakangiti nyang sagot at pinupunasan ang mata nyang luhaan
“Lucas .. I love you more than anything, pero kelangan mong harapin to” habang hinahaplos ko ang pisngi nya “Marriage is a life long decision, ayokong mapunta ka sa iba… pero ayaw kong panghimasukan ang desisyon mo. Ipaglalaban kita kung yan ang gusto mo, pero kung mas pipiliin mong sundin ang kagustuhan nila… mananatili parin ako sa tabi mo, pero may pagbabagong dapat pareho nating tanggapin”
“Pero Xander..ikaw ang gusto ko” sabay lapat nang noo niya sa noo ko
“Ako din Lucas..ikaw ang gusto ko” sagot ko “Pero kelangan mong pag-isipan to…basta’t lagi mong tatandaan…maghihintay ako, palaging magmamahal sayo…Lucas…. I love you” pagpapaalala ko sa kanya.
“Okay…thank you Xander… I love you too” at hinalikan ako ni Xander sa labi

Ilang linggo akong naghintay mas mabilis na ang bawat oras, halos di na ako makatulog sa kakaisip sa kanya. Naikwento ko nadin kela Mama at Papa at naintindihan din naman nila ang sitwasyon at ngayon sila din nag-aalala na at laging nagtatanong sa mga updates. May mga gabing iiyak nalang ako dahil sa pag-aalala buti nalang nandito si Jennie para tabihan ako. Nandyan din ang friends ko.

Paminsan pag may nag do-doorbel eh napapatakbo kaming lahat para tingnan kung nandyan naba si Lucas pero wala talaga.

Hanggang lumipas ang isang buwan at napagod na kaming umasa… kinausap na ako nila Mama. Sumuko na kaming lahat pero biglang tumunog ang doorbell. Wala nang gustong magbukas nang pinto pero tumayo ako at dahan-dahang binuksan ito at nakita si Lucas sa may gate. Tumakbo ako at halos matumba-tumba na…di na ako nakapag tsinelas…tatalon na sana ako sa bisig nya kaso biglang lumabas si Angelique sa sasakyan…

Nung Makita ko palang si Lucas eh naiiyak na ako…pero nautal at nanigas ang katawan ko nang makita ko si Angelique…

“Xander…” naiiyak na sabi ni Lucas
“Xander..it’s okay” sagot ni Angelique “You can hug him if you want to.. di tuloy ang kasal.. he told me everything” nakangiting sabi ni Angelique
“Xander….ikaw pinili ko” tuluyan na syang naiyak

Di ko na napigil sarili ko at imbes na yakap ay sinunggaban ko sya ng halik sa labi

“Matagal na kitang pinili Lucas” sagot ko
“Ooops teka lang.. wala bang kwarto dyan? Dito talaga sa labas maghahalikan?” nandidiring sabi ni Angelique
“Sorry…” nahihiya kong sinabi kay Angelique

Pati sila Mama tuwang-tuwa at nagsisitalon pa…si Papa nagpipigil kaya’t naluluha, si Jennie ayun umiiyak pero pinapasok si Angelique kasi sila nadaw magbagong bestfriend.

Pa dinner palang nun kaya’t kumain kami kasabay sina Angelique at Lucas… syempre kami ni Lucas magkatabi. Boyfriend ko kaya to! Akin to!

Nagkwento sila… lasing daw nung biglaang binisita ni Lucas si Angelique at sinabi lahat lahat nang saloobin nya. Ikinuwento pa kung paano kami nagkakilala ni Lucas at kung paano namin sinagip ang isa’t-isa. Ikinagulat eto nila Mama kasi di nila alam na nagtangka akong magpakamatay..medyo nagalit sila pero pinkalma sila ni Angelique. Ngayon mas naintindihan pa nila kung bakit ganun ko nalang kamahal si Lucas. Matapos daw yung pag-amin ni Lucas kay Angelique ay nagplano sila kung paano ihihinto ang kasal dahil di din naman daw gusto ni Angelique magpakasal. Nagalit pa raw ang both family pero nagkasundo rin…

Kaya nga pala magkasama sila ni Angelique ngayon ay dahil inamin na ni Lucas sa pamilya nya na bakla sya. At eto sya ngayon… PINALAYAS! Pero ano ba namang problema dun… bubuhayin ko sya hanggang sa makabangon siya. Matalino at masipag si Lucas alam kong maaayos nya ang buhay nya.

Naging matiwasay ang gabi at nangako si Angelique na bibisitahin kaming dalawa ni Lucas, tsaka si bestfriend Jennie. Mabuti talagang tao si Angelique at ngayo’y…very supportive pa.

Hulaan nyo kung sino ngayon ang magka live-in?! KAMI! KAMI NI LUCAS! Bad trip lang kasi sa guest room sya pinapatulog nila Papa! Pero meron paring tumatakas pagsapit ng gabi para magyakapan at maglambingan hanggang umaga.

Halos mag-iisang taon bago sya natanggap ng mga magulang niya.. at ngayo’y sinasama na niya ako sa bahay nila. Kahit medyo asiwa padin yung Papa niya pagnakikita kaming magkatabi..ay tinitiis nalang nya. Naging malapit ako sa mga babaeng kapatid ni Lucas na matagal na naming palihim na binibisita at sinasama sa mga lakad namin. Ganun din si Tita…Mama ni Lucas.. alam ko kasing mahilig syang mag bake..hulaan niyo kung sinong nag enrol sa isang baking school?

AKO! Kaya’t mabilis kami naging malapit ni Tita.

Sa totoo lang andaming bagay na pinagdaanan namin ni Lucas pero kung iisipin mo…PAREHO KAMING NAGTANGKA’NG MAGPAKAMATAY DATI! Wala nang tatalo dun! We started from the bottom…now we’re here.

Love is worth living for, fight for it.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This