Pages

Sunday, February 5, 2017

Ang Tangi kong Inaasam (Part 4)

By: Confused Teacher

“Two things scare me. The first is getting hurt. But that's not nearly as scary as the second, which is losing. ” 

 Josh
"Kuya, ibig mong sabihin may motor ka na?" ang natutuwa kong tanong.
"Oo Pat, nabigla nga din ako kagabi pagdating ko, nakita ko na lamang sa bahay namin habang hinihintay ako nina Papa." Ang buong pagyayabang niyang kwento.
"Ang galing Kuya, tamang-tama, yung promise mo tuturuan mo akong mag motor diba sabi mo yun ha."
"Siyempre naman hindi ko makakalimutan iyon, pero bago iyon, maghanda ka muna, pagbalik ko aalis tayo, may pupuntahan tayo, ipapasyal kita, naipagpaalam na kita kay Ninang, kaya uuwi muna ako at maliligo pag balik ko dapat ready ka na ha."
Yumakap ako sa kanya dahil sobrang saya ko para sa kanya, ang tagal na niyang pangarap iyon at mabuti naman at binilhan na siya nina Tito.
Hindi ko alam sobrang natutuwa ako na nakikitang natutupad na ang mga pangarap ni Kuya Paul. Masaya ako pag nakikita ko siyang masaya. Kahit naman nag aasaran kami, gusto ko naman talagang nakikita siyang masaya. Kaya nga iyon din ang dahilan kung bakit ayokong mahalin siya sa paraang gusto niya dahil ayokong mahirapan siya sa amin ni Dianne. Alam kong masaya siya sa girlfriend niya at ayokong dumating iyong araw na masasaktan siya dahil kailangan niyang mamili sa aming dalawa. Tanggap ko naman na darating ang panahon na mag-aasawa siya kaya ngayon pa lamang dapat i-ready ko ang sarili ko na magiging magkuya lamang kami habang buhay. Kailangang ngayon pa lamang tanggapin ko na iyon para pag dumating ang araw na iyon wala na sigurong sakit o kung meron man hindi na ganoon kabigat ang epekto.
"Saan naman tayo pupunta Kuya Paul?" tanong ko nang paglabas ko ay nakita ko siyang nakasandal sa kanyang motor at hawak ang dalawang black na helmet.
"Basta trust me, ako ang bahala" nakangiti niyang sagot sa akin sabay abot ng isang helmet habang isinusuot naman niya ang isa sa kanya.
"Kuya Paul, pati sa helmet parehas na parehas, ano 'to kambal?" ang nang iinis ko namang biro sa kanya.
"Ganyan kita kamahal, Baby Pat." Bulong niya na halos buka na lamang ng bibig saka siya kumindat sa akin.
Nabigla rin ako sa sinabi niya first time nya ginawa iyon at medyo kinilig ako pero gaya ng dati kailangan huwag akong magpahalata.
Inabot din niya sa akin ang isang jacket, at nakita kong meron din sa kanya. Sa akin ay dark blue sa kanya naman ay black na may blue din.
 "Gamitin mo mainit, iyan pa namang balat mo napaka sensitive." Sabay talikod sa akin dahil sumakay na siya sa motor at inistart na.
"Ninang, aalis na po kami, mag-iingat po kami" malakas niyang sigaw dahil maingay ang motor.
"Oo, sige Paul mag enjoy kayo sa lakad ninyo Josh huwag pasaway sa kuya mo ha." Boses ni Mommy.
"Loko ka talaga Kuya Paul, inunahan mo si Mommy sa sasabihin niya binago niya tuloy." Sabay tapik sa balikat niya kung saan ako nakahawak.
"More than 12 years na niyang sinasabi yun, pano ba naman hindi ko pa mame-memorize." Natatawa niyang sagot.
Naisip ko oo nga, malapit na akong mag 15, sabi ni Mommy 2 years old lang daw ako inaalagaan na ako ni Kuya at laging ipinagpapaalam, so mga 13 years na palang nadidnig ni Kuya ang mga salitang iyon mula kay Mommy. Ang swerte ko talaga kay Kuya Paul.
Imagine 13 years na pero hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal niya sa akin. Sabi niya bata pa raw ako mahal na niya ako, ibig sabihin mga more than 10 years na niya akong mahal. Haist Kuya Paul. Sana hindi na lang kita Kuya, sana ibang tao ka na lang para madali lang para sa akin ang mahalin ka.
"Kumapit ka ng maayos Pat, baka mahulog ka at lumapit kang mabuti sa likod ko."
Narinig ko mula sa kanya bagamat hindi siya lumilingon. Hindi ko lamang masabi na gusto ko nga sana yakapin ko pa siya kaya lamang nahihiya ako. Ang bango talaga ni Kuya. Pakiramdam ko safe na safe ako pag siya ang kasama ko.
Mahigit dalawang oras tinakbo ng motor ang aming destinasyon. Pagbaba pa lamang namin, namangha na ako sa ganda ng paligid. Isa itong man-made lake na napapalibutan ng bundok. May malawak na pinong damo na parang green carpet pag titingnan mo sa malayo. Ang kulay blue na tubig at ang malamig na simoy ng hangin. Tapos may parang maliliit na islands sa gitna na may matataas na puno.   Ang sarap ng pakiramdam, parang nasa ibang mundo. Pag lumingon ka puro green ang makikita mo. Naupo siya sa damuhan at hinayaan akong patuloy na iniikot ang aking paningin. Wala akong masabi sobrang ganda ng paligid. Lumuhod ako sa tabi niya at bigla kong siyang niyakap.
"Thank you Kuya Paul, thank you at isinama mo ako dito, sobrang ganda dito Kuya Paul." Iyon lamang ang nasabi ko.
"Matagal ko na sanang gusto kang dalhin dito kaya lang mahirap itong puntahan kapag wala kang sariling sasakyan, kaya nang makita ko ang motor kagabi ikaw agad ang naisip ko, dahil alam kong magugustuhan mo ito." Sinasabi niya habang nakayakap pa rin ako sa kanya.
"Sayang Kuya Paul, hindi ko alam na pupunta tayo dito sana dinala ko ang camera ko. Gusto kong i-capture ang lahat ng parte ng lugar na ito. Napakaganda talaga Kuya.” nanghihinayang kong sabi sa kanya saka bumitiw sa pagkakayakap,
Tumayo ako at muling pinagmasdan ang mahinang pag-alon ng kulay blue na tubig. Naramdaman ko siyang lumapit mula sa likuran ko at yumakap sa akin.
"Huwag kang malungkot Baby Pat, naisip ko na iyan, saka itinapat sa muka ko ang aking camera." Sobrang tuwa ko talaga kaya pagka kuha ko sa aking camera ay humarap ako sa kanya at muling yumakap.
"Thank you Kuya, ang bait-bait mo talaga." Hinalikan ko siya sa pisngi niya saka tumakbo malapit sa tubig at nagsimulang mag take ng pictures.
Puros kami pictures gaya ng sinabi ko lahat na yata ng parte ng lugar na iyon ay pinicturan ko, marami din siyang pictures at siyempre ako din, pag may nakikita kaming tao, nakikisuyo kaming picturan kaming dalawa. Pero madalang ang tao, mangila-ngilan lamang na baka nag de date.
Sobrang saya ng mga sandaling iyon. Parang nang mga oras na iyon ang pakiramdam ko kami lamang ni Kuya Paul ang tao. Hanggang dumating ang tanghalian hindi ko alam na may baon pala siyang pagkain na nakalagay sa compartment ng motor niya. Sobrang sweet niya sinusubuan pa rin niya ako sa pagkain. Kahit naiisip ko ayoko sa ginagawa niya dahil ayokong tuluyang mahulog sa kanya dahil alam kong masasaktan ako at baka hindi na ako makaahon kapag dumating ang panahong iiwan rin niya ako. Ayokong sanayin ang sarili ko sa ginagawa niya dahil paniguradong hahanapin kong ang mga ito kapag wala na siya. Ngayon pa lamang sobra na akong nasasaktan ang isipin pa lamang na darating ang araw na titigil siya at hindi na gagawin ang ganito. Haist Kuya Paul, sana hindi na lang ikaw ang Kuya Paul ko, sana hindi mo na lang ipinaalam sa akin na mahal mo ako, sana hindi ko na lang sinabi sa iyo na mahal din kita, sana gaya pa rin tayo ng dati. Malaya nating nagagawa at naipapakita ko sa iyo kung gaano ka ka-importante sa akin. Gaya ng dati, hindi ako natatakot sabihan ka ng I love You at kahit i kiss kita sa harapan ng maraming tao, wala akong nakikitang masama. Ngayon Kuya Paul, iba na ang lahat, gustuhin ko mang sabihin sa iyo ang totoong nararamdaman ko hindi ko masabi dahil ayokong maging tayo, ayokong umasa dahil ayokong masaktan. Mamahalin na lamang kita sa paraang ganito, sa paraang alam kong tama. Kahit masaktan ako. Titiisin ko na lamang, dahil ayoko ring balang araw masaktan ako at lalong ayokong mahirapan ka. Naniniwala akong mahal mo ako, at nararamdaman ko iyon. Higit pa sa pagiging kapatid ang ipinapakita mo sa akin kaya alam kong masasaktan ka rin pag dumating ang araw na makikita mo akong umiiyak dahil nasasaktan ako sa ating sitwasyon. Ako na lamang Kuya Paul, kakayanin ko ito, titiisin ko na ngayon hanggang masanay na ako sa sakit at maging manhid na ang puso ko para pagdating ng araw na iyon, hindi mo ako makikitang umiiyak at hindi ka na masasaktan. Ngayon lamang ito, ngayon ko lamang mararamdaman ito.
"Pat, Pat, bakit ka umiiyak, may nasabi ba akong masama o mali sa iyo?" nahimasmasan ako sa malalim kong pag-iisip.
"Hindi ka na ba masaya? Gusto mo na bang umuwi, sumasakit ba ang ulo mo?" Sunud-sunod niyang tanong habang pinupunasan ang mga luha ko. Umiling lamang ako.
"Hindi po Kuya, masaya lamang ako, masayang-masaya lamang ako kasi kasama kita."
Iyon lamang ang nasabi saka ako tumayo binitbit ang camera at nagsimulang magpicture ulit. Hindi ko na siya hinayaang sumagot. Ayokong malaman niya ang totoong dahilan, ayokong mag-alala siya sa akin. Sigurado na ako sa aking sarili mahal ko si Kuya Paul. Alam kong balang araw maiintindihan din niya ako at magpapasalamat sa aking ginawa. Pero hanggang hindi pa dumarating ang araw na iyon, sasarilinin ko na lang muna ang lahat. Kakayanin ang lahat ng sakit at tatanggapin ang katotohanang magkapatid kami hindi man sa dugo pero sa mata ng mga tao, magkapatid kami kaya kami nagmamahalan.
Abala ako sa pag pipicture, gusto ko lubusin ang pagkakataong ito dahil hindi ko alam kung mauulit pa ito. Gaya ng sinabi niya mahirap puntahan ang lugar na ito. Bigla siyang lumapit mula sa likuran ko at yumakap. Naramdaman kong inilapit niya sa dibdib ko ang tatlong pulang roses. Nilingon ko siya. May luha ang kanyang mga mata.
 "Pat, sorry hindi ko sinasadyang mahalin ka, sinubukan kong pigilan pero wala ring nangyari. Mahal na mahal kita. Sa iyo ko lamang naramdaman ang ganito. Maaring mali dahil itinuring mo akong kuya, pero Pat hindi ko kayang dayain ang sarili ko. Puso at utak ko ang sinasabi ikaw ang mahal ko. Kahit ayoko wala akong magawa. Sorry Baby, sana patawarin mo ako ayokong nasasaktan ka, alam kong nahihirapan ka na rin sa sitwasyon natin kaya naiintindihan kita, hindi kita pipiliting tugunin ang nararamdaman ko, masaya na akong kasama ka, pero kung dumating ang panahon na kaya mo akong mahalin, maniwala ka Patrick mamahalin kita ng buong-buo ibibigay ko sa iyo ang buong pagkatao ko. Maghihintay ako hanggang dumating ang pagkakataong iyon. At tuluyan na niya akong niyakap. Napaiyak na rin ako, hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya. Mahal ko siya at mahal niya ako, sapat na iyon para maging masaya kami. Sapat na iyon para makuntento ako sa nararamdaman ko. Sana ganito na lamang kasimple ang buhay.
Nang maghiwalay kami sa pagkakayakap. Muli niyang pinunasan ang mga luha  ko.
 "Sorry Pat, nanghihina ako kapag nakikita ko ang mga luha mula sa iyong mga mata, hindi ko maisip na ako ang dahilan ng mga luhang iyan. Natatakot ako Pat, na dumating ang araw na muli kong makikita ang mga luhang iyan na ako pa rin ang dahilan. Natatakot akong dumating ang araw na masasaktan ka dahil sa akin. Pat hindi ko kayang makitang nahihirapan at lalong hindi ko kayang makita na nasasaktan ka dahil sa akin. Parang pinapatay ko ang sarili kapag naiisip ko ang ganon. Mahal na mahal kita Pat" nakatitig siya sa mga mata ko habang pinupunasan, hindi ko alam parang hindi ako makagalaw habang pinagmamasdan siya. Hanggang naramdaman ko na parang papalapit nang papalapit ang mukha niya sa akin, gusto kong iiwas ang mukha ko sa kaniya, pero para naman akong nahypnotize, natatakot ako sa pwedeng mangyayari, pero na eexcite din ako parang bumagal ang ikot ng mundo, ang lahat ay nag slow motion. Napapapikit ako hanggang maramdaman ko ang mainit ngunit malambot niyang labi na dumikit sa mga labi ko. Napakasarap nga pakiramdam, parang may kung anong malamig na bagay ang bumalot sa buo kong katawan samantalang mainit ang nararamdaman ko sa loob. Parang sasabog ang aking dibdib, sobrang lakas ang aking kaba, humihingal ako pero kakaiba ang pakiramdam. Kakaiba ang saya, hanggang naramdaman kong dumiin ang labi niya sa akin samantalang ang mga kamay niya nakahawak sa aking pisngi ay inilipat niya sa aking batok upang mas ilapit ang ulo ko sa kanya. Gumalaw ang labi niya, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, pero parang kusang alam ng mga labi ko ang gagawin hanggang sumabay siya sa paggalaw ng labi ni Kuya Paul. Sobrang sarap ng pakiramdam. Parang ayaw ko nang matapos ang lahat ng iyon. Parang nasa ibang dimension ako kung saan hindi umiikot ang mundo ang lahat ay tumigil, lahat ay nakatingin sa aming dalawa. Nang bigla akong natauhan, nagmulat ako ng mata at nagtama ang aming paningin. Itinulak ko siya saka ako tumakbo palayo sa kanya.
Ayoko, hindi pwede. Ito na nga ba ang sinasabi ko e, ayokong tuluyang mahulog sa kanya. Hindi pwede ang ganito. Kapwa lamang kami masasaktan. Pero ang isang bahagi ng utak ko ay pumipigil sa aking pagtakbo. Gusto niyang balikan ko si Kuya Paul. Gusto niyang yakapin ko si Kuya Paul at tuluyan ng ipadama sa kanya ang aking pagmamahal. Sobra na akong naguguluhan, ano ang gagawin ko?
"Putek na pagmamahal ito, bakit sa Kuya ko pa naramdaman, ang dami namang pwedeng mahalin, ang daming mga tao ang alam kong maaari kong pag-alayan ng aking nararamdaman na alam kong hindi ako mahihirapan. Pwede naman akong maging masaya, pwede kong ipahayag ang pagmamahal ko ng walang pag-aaalinlangan. Bakit sa Kuya Paul ko pa, kung kanino pa hindi na pwede at alam kong masasaktan lamang ako kung ipipilit ko. Napakahirap ng pakiramdam na ganito. God ang bata ko pa para mahirapan ng ganito. Yung mga kasing edad ko ang problema ay kung paano pagkakasyahin ang baon sa dami ng mga gustong pagkagastusan, o kung saan pupunta pagkatapos ng klase, pero bakit ako ang pinuproblema ko  ay mga bagay na pang matured na at ang mahirap pa hindi ko alam ang sagot. Hindi pa kaya ng utak ko na iprocess ang ganito. Napaupo ako sa isang bato nang mapako ang paningin ko sa dalawang ibon na nakadapo sa sanga ng isang mababang puno. Magkaharap sila at para bang masayang nag-uusap. Maya-may ay inilapit ng isang ibon ang tuka niya sa tuka ng isang ibon. Lumipad yung tinukang ibon at sumunod sa kanya yung isa. Nag-usap ulit sila at bumalik sa dati nilang pwesto malapit sa akin. Maya maya ay parang masayang-masaya silang kumanta habang sabay na ibinubuka ang mga pakpak kung hindi man ay nagpapalipat-lipat sa sanga at muling babalik sa dati nilang pwesto.
"Nakakainggit naman kayo, sana gaya na lang ninyo ang mga tao. Malayang naipapahahayag ang nararamdaman at masaya na sa kung ano man kayo. Sana ang buhay ay gaya lang sa inyo, walang problema walang alalahanin at wala ring sakit. Basta kasama ang mahal mo lahat ay okey. Kaya mga ibon magpasalamat kayo sa lumikha sa inyo dahil maswerte kayo. Maraming bagay kayong dapat ipagpasalamat sa kaniya pero higit sa lahat magpasalamat kayo dahil kasama ninyo ang inyong minamahal at malayang naipapahayag ang pagmamahal sa kaniya. Hindi gaya ko kasama ko nga siya pero kailangan kong pigilan ang anumang nararamdaman ko dahil hindi pwede."
Sabi sa school ang tao ang pinakamataas na uri ng nilikha, pero bakit ganon, mas masaya pa sila kesa sa mga tao? Haist, ano ba namang buhay ito, pati mga ibon kinakainggitan ko, Nababaliw na yata ako. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin. Masaya dapat ako dahil mahal ako ni Kuya Paul, pero bakit sa halip na maging masaya natatakot ako, sa halip na magpasalamat ako, nasasaktan ako at iniisip na sana hindi na lang siya. Ayoko na, ayoko ng isipin ang mga iyon. Pagkatapos kong punasan ang mga luha ko, pinicturan ko na lamang ang nagmamahalang mga ibon nang sa ganon ay mabaling sa iba ang aking isipan. At para namang nakakaintindi ang dalawang ibon na iyon at humarap pa sa akin. Pagkatapos ng ilang shots, nakita ko silang masayang lumipad hanggang hindi ko na sila matanaw. Hayy, maswerteng mga nilalang. Iyon lamang ang naibulong ko sa aking sarili. Paalam at sana kayo pa rin hanggang sa huli. Sana may forever kayo. Para na nga akong nababaliw, may forever na mga ibon? Kahit na at least alam kong may masaya dahil nagmamahalan sila. Tumayo ako at muling naglakad-lakad. Picture, dito, picture doon, kahit siguro araw-araw akong mag change ng profile pic ko. Hindi ako mauubusan, ang dami kong pagpipilian.
Hanggang natanaw ko si Kuya Paul, papalapit sa akin.
"Pat, tara na umuwi na tayo, mahirap dito pag inabot ng dilim." Iyon lamang ang sinabi niya. Lumapit naman ako at sabay kaming naglakad kung nasaan ang motor niya. Hindi na namin pinag usapan ang nangyari kanina. Mabuti nga iyon para hindi kami magkailangan. Tahimik lamang kami habang nagbibiyahe.
Pagdating sa bahay. "Kuya dito muna ako matutulog ha, may gagawin kasi akong assignment, kung gusto mo dito ka na rin matulog." Sinabi ko habang iniiabot sa kanya ang helmet.
"Okey lang Pat, magpapahinga rin muna ako, pero bukas basketball tayu ha. Ikaw na magtabi ng helmet sa iyo naman talaga iyan." Sabay tapik sa balikat ko at inakay ang motor palabas. Kung pwede ko lamang sabihin sa iyo kung ano ang nararamdaman ko Kuya. Ayokong nakikita kang nahihirapan pero wala akong magagawa kailangang ito ang ipakita ko sa iyo. Pumasok ako sa tindahan para ibigay kay Mommy ang pasalubong ko sa kanya. Buko pie at ube-macapuno pie na alam kong gustong-gusto niya.
"O anak nag enjoy ka ba sa pamamasyal ninyo ng Kuya Paul mo. Hinalikan niya ako sa pisngi. Hay! ang Mommy ko talaga sabi nang huwag akong hahalikan kapag may nakakakitang iba. Eto pa namang si Ate Carol mukang ewan kung makangiti parang hindi mapagkakatiwalaan. Hindi na nga bale wala akong pakialam sa kaniya.
"Oo Mommy, ang ganda doon, sana isang araw makapunta ka rin doon, panigurado mag-e enjoy ka." Ang pagyayabang ko.
"Talaga, sige pag may pagkakataon sasama kami, thank you nga pala dito sa pasalubong mo ha, Carol kumuha ka ng pinggan at kutsilyo para makakain tayo. Tumango naman si Ate Carol at lumabas ng pintuan.
"Ma, magpapahinga lang muna ako ha." Sabay talikod kay Mommy.
"Kung gusto mong kumain, may nakahanda na riyan, baka hindi na ako makapaghapunan dahil mabubusog ako dito sa pasalubong mo." Diretso lamang ako at hindi na siya sinagot.
Kinabukasan, as usual nagsimba si Mommy, pagbalik niya nadatnan niya ako sa kusina habang kumakain.
"Ma, kain ka na" wala sa loob kong bati sa kanya. Kumuha lamang siya ng tubig sa ref saka uminom. Nakaupo siya sa harap ko pero hindi naman nagsasalita. Mga ilang minuto na siguro nang tanungin niya ako.
"Josh, may problema ka ba?" nabigla ako sa tanong niya kaya napaangat ang tingin ko sa kanya.
"Wala po Ma, bakit mo po natanong?" patanong ko ring sagot sa kanya.
"Kanina pa kita pinagmamasdan, hindi ka naman kumakain, pinaglalaruan mo lamang ang pagkain mo, kanina ka pa parang wala sa sarili." Saka ko lamang napagmasdan ang aking pinggan, halos durog na ang ham maging ang fried egg. Wala pa akong nalalagay na kanin ganong matagal-tagal na rin akong nakaupo.
"Hindi ko alam Ma, baka masyado lang sigurong advance ang isip ko, pinoproblema ko yung hindi pa nangyayari." Wala pa rin sa loob kong sagot, sana naman hindi na magtanong si Mommy kasi hindi ko naman alam pano siya ipapaliwanag.
"Tungkol ba iyan sa Kuya Paul mo?" makahulugan niyang tanong. Nang tumingin ako sa kanya, nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko.
"Ma, bakit si Kuya Paul, ang dami kong pwedeng problemahin, bakit naman siya ang naisip mo?" ang kunwaring tanong ko sa kanya.
"Makikinig ako anak, kung may gusto kang sabihin." Hindi ko alam pero naramdaman ko na lamang na tumulo ang luha ko. Lumipat si Mommy sa bangkong katabi ko at inakbayan ako.
"Anak minsan yung bigat sa dibdib na nagpapahirap sa atin ang kailangan lamang may mapag sabihan, kahit gaano iyan kabigat anak, handa akong makinig, narito lamang ako sa tabi mo, anuman ang dinadala mo tatandaan mo lagi, karamay mo ako." Hindi ko alam basta hinayaan ko na lamang tumulo ang mga luha ko, naramdaman ko humigpit ang pagkakaakbay niya sa akin, gusto niya akong yakapin kaso parehas kami nakaupo.
"So si Paul nga ang pinuproblema mo?" hindi pa rin ako sumagot,
"Ano ba ang inaalala mo mahal ka ng Kuya Paul mo, alam mo kahit kailan hindi ka niya hahayaang masaktan" Hindi ko alam kung tama ang narinig ko kaya tiningnan ko siya sa kanyang mga mata.
"Nagtataka ka ba bakit alam ko?" nakangiti niyang tanong. Tumango ako.
"Noong gabi na maabutan mo siya sa kwarto mo, noong mga panahon na pinagtataguan mo siya, bago siya umakyat don, kinausap muna niya ako at inamin niya sa akin ang lahat, inamin niya ang nararamdaman niya para sa iyo?" pagtatapat ni Mommy.
"Hindi ka nagalit Ma?" hindi ko pa rin mapaniwalaan, humanga ako sa tapang ni Kuya Paul, nagawa niyang ipagtapat kay Mommy ang nararamdaman niya, alam naman niyang napaka relihiyosa ni Mommy at paniguradong magwawala ito pag nalaman niya ang ganon. Pero bakit ganon parang napaka cool niya parang wala siyang naging masamang reaction.
"Noong una siyempre, nabigla ako, hindi ko inaasahan ang sinabi niya, pero nang ipaliwanag niya kung gaano ka niya kamahal at wala naman siyang masamang hangarin sa iyo, naintindihan ko ang punto niya." Muli ay nakangiti niyang paliwanang.
" Sa gwapo mo ba namang iyan hindi nakapagtataka na babae man o lalake ay matutukso sa iyo." Napangiti naman ako kasi alam ko pinapagaan lamang ni Mommy ang pag-uusap namin.
"Pero Ma, natatakot ako hindi ko po alam ang gagawin ko." Iyon lamang ang nasabi ko,
"Mahal mo ba ang Kuya Paul mo, ang ibig kong sabihin bukod sa pagiging kuya niya sa iyo may iba ka pa bang nararamdaman?" Balik na tanong ni Mommy.
"Oo Ma, sigurado akong mahal ko siya pero kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko unang-una parehas kaming lalake pangalawa kuya ko siya, at higit sa lahat may girlfriend siya. Naguguluhan ako Ma hindi ko alam ano ba ang gagawin ko Ma" Muling tanong ko sa kanya.
"Alam mo Josh, malaki ka na, kung mapapansin mo hindi na kita tinatawag na baby dahil alam kong big boy ka na, mas matangkad ka yata sa Daddy mo kaya hindi ako ang makakapagdecide para sa iyo. Ikaw lamang ang makakasagot sa mga tanong mo. Dapat maisip mo na accountable ka sa magiging desisyon mo kasi kung ako ang magsasabi ng dapat mong gawin baka masisi mo ako kapag nagkamali ka, pero kung alam mong ikaw lamang ang may pananagutan sa desisyon mo alam kong pag-iisipan mo iyan ng mabuti at iko-consider mo ang lahat ng dapat i consider."
"Natatakot po kasi akong magkamali, Ma, ayoko kasing masaktan," pagputol ko sa sinasabi niya.
"Anak, ka package ng love ang sakit, hindi natin maiiwasan iyon, kaya lamang lalong nagiging matibay ang love kapag nalampasan mo ang sakit." Makahulugan niyang paliwanag.
"Bakit kasi siya pa, Ma, bakit sa kanya pa?"
"Hindi kasi natin kontrolado ang plano ni kupido, hindi natin alam kung sino ang inihahanda niya para sa atin. Kaya kapag nangyari iyon hayaan na lamang natin pero be ready sa anumang mangyayari. Sabi nga hope for the best but prepare for the worst"
"Ma, paano mo malalaman kung siya na nga talaga ang inihanda ni kupido para sa iyo, ang hirap naman kasi, gusto kong magtake ng risk but how if hindi naman talaga siya ang para sa akin, baka kasi para siya sa iba tapos eeksena lamang ako, ayoko naman maging kontrabida sa love story ng iba."
"Alam mo ang Daddy mo first year college pa lamang ako crush ko na siya, lahat ng laro niya sa basketball pinapanood ko kahit practice lamang. Kahit nasa malayo lagi ko siyang tinitingnan, pero sinarili ko lamang ang lahat dahil hindi kami magkakilala at ayokong gumawa ng first move, yes nasasaktan ako, kahit papaano umaasa akong mapapansin niya ako. Pero walang nangyari, nagka girlfriend siya, at hinayaan ko na rin ang sarili ko na magmahal ng iba. May naging boyfriend din ako before your Dad. But only when we were in 4th year saka lamang niya ako napansin at niligawan. At bilang parusa isang taon ko siya bago sinagot, Kahit pa mahal ko siya at sigurado ako don I have to be sure malay ko ba nabalitaan lamang niyang crush ko siya dati kaya niya ako niligawan. Pero nagtiyaga e, kaya eto kami ngayon." Mahaba niyang kwento
"Ang ganda pala ng love story ninyo, ang naalala ko lang nakwento ni Daddy sa akin noon e yung crush mo siya at patay na patay ka raw talaga sa kanya dati." Nagingiti kong sabi kay Mommy.
"Kapal talaga niyang tatay mo, siya nga ang pinapauwi ko na sa gabi dahil galit na ang Lolo mo pero hindi pa rin umaalis at nangungulit na sagutin ko na siya. Pero maiba ako anak, iyon ang sinasabi ko, kung kayo, kayo talaga gagawa ng pagkakataon ang mga sarili ninyo na hanapin ang isat-isa dapat lamang maging matalino kayo at huwag pabigla-bigla ng desisyon."
"So Ma, ano pong gagawin ko ngayon?" naguguluhan ko pa rin tanong.
"When making a decision, isipin mo kung ano talaga ang gusto mo, gamitin mo ang puso mo para maramdaman iyon pero gamitin mo ang utak mo para maintindihan kung iyon ba talaga ang gusto mo."
Nakatingin lamang ako sa kaniya.
"Huwag kang magmadali, hayaan mong maintindihan mo ang lahat at makita kung ano ba ang dapat mong gawin. Gaya ng sinabi mo baka nga pinoproblema mo iyong hindi pa nangyayari o dumarating, live for today, hindi mo naman alam kung ano mangyayari bukas, Hindi ka magiging masaya kung ang isip mo ay puno ng pag-aalala, hindi mo makikita ang ganda ng mga bagay na nasa harapan mo kung ang isip mo ay nasa malayo."
"Ma kasi ayokong magaya sa iba na nasaktan lamang"
" Kung may nakita kang mga taong nasaktan at nabigo, gamitin mo ang mga pangyayaring iyon para ka matuto, hindi kailangang maranasan mo ang lahat ng bagay para lamang maintindihan, may mga bagay na natutunan kahit sa karanasan o pagkakamali ng iba. Maging matalino ka lamang at mapag matyag pero huwag mo namang kakalimutan na hindi lahat ng nangyari sa iba ay mangyayari din sa iyo." Ang lalim ng sinabi niya pero isa lamang ang naiintindihan mahirap ang sitwasyon na gusto kong pasukin,
"Huwag kang mag alala anak narito lamang lagi ako  kung kailangan mo ng kausap, magsabi ka lamang lagi akong nakahanda," tumayo siya at niyakap niya ako.
Walang maliwanag na sagot si Mommy sa mga tinatanong ko pero sapat na ang mga sinabi niya para maintindihan ko na normal lamang ang aking pinagdadaanan. maaring tama nga siya, ang kailangan ko lamang ay tanggapin kung ano man ang pwedeng mangyari. Bahala na nga, basta dapat masaya na akong mahal ko si Kuya Paul, mahal niya ako.
Sinunod ko si Mommy, hinayaan ko si Kuya Paul na iparamdam sa akin ang pagmamahal niya. Hindi ako nagtatanong kung bakit ginagawa niya ang mga bagay na iyon. Pinilit ko na ring maging matured sa paningin niya. In my own little way pinaparamdam ko rin sa kanya na mahalaga siya sa akin at kahit hindi ko direktang sabihin sa kanya, alam ko nararamdaman niyang mahal ko siya. Iyong mga mata talaga ni Kuya Paul, ang hirap tanggihan lalo na pag ngumiti siya. Grabe nakakatunaw ng katinuan. Bakit ba sa araw-araw parang lalo siyang nagiging gwapo. Ganon ba talaga kapag in love? Putek kapag gabing natutulog kami at nagising ako hindi ako nagsasawang titigan siya. Dahil hindi ko magawa iyon kapag araw, sinasamantala ko naman iyon habang tulog siya. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang pangyayari ng una niya akong hinalikan. Ang lakas ng tibok ng puso. Ang kakaibang init na hindi ko alam kung saan nanggagaling at ang lamig na parang nagpapamanhid sa aking kamay at mga paa. Haist, what a weird feeling pero kahit weird gusto ko ang pakiramdam na iyon.
Subukan ko kayang halikan siya, ganon pa rin kaya ang pakiramdam? Ayy ayoko, muka naman akong ewan non, saka baka mahuli niya ako magalit pa sa akin. Ang saya na nga ng pakiramdam na ilang weeks na hindi niya ako sinusungitan.
Dumating ang aming JS Prom. Third Year ako kaya excited, ang partner ko pa naman sa cotillion ay si Joyce ang muse ng section namin. Bagay kami diba Josh at Joyce. Baka nga kami ang destiny. Haha. Alam ko naman matagal ko na siyang crush, kaya lamang pangako ko kay Kuya Paul na hindi ako mag gi girlfriend hanggang hindi tapos ng high school. Medyo mahirap, pero nakaya naman ni Kuya Paul e, kaya kaya ko rin iyon, ayus na yung crush, sabi ng teacher namin sa High School daw cute pag may crush pero pag nagka relasyon na hindi maganda. Naniniwala ako don, ang daming broken relationships sa high school. Sayang ang friendship na nasimulan nauwi lamang sa wala. Kasi parehas naman na hindi pa ready mag handle ng relationship. Kaya ako ayus na ako sa crush, saka na ang siyota-siyota. Saka love ko naman si Kuya Paul, unfair sa magiging girlfriend ko ang gagawin ko lalo na kay Joyce. Pag dumating ang araw na hindi ko na love si Kuya Paul pero teka darating ba iyon? Parag hindi yata mangyayari iyon. O sige yung araw na tanggap ko na hindi talaga pwedeng maging kami, saka ko na lang iisipin ang manligaw sa iba. Sa panahon na iyon ready na siguro ako na harapin ang katotohanan.
"Anak, hindi ka pa ba tapos diyan, naghihintay na ang Kuya Paul mo sa baba. Ang tagal mo naman" Tanong ni Mommy pagkabukas ng pintuan ng kwarto ko.
"Ayos na ba Mommy, kinakabahan kasi ako e." iyon lamang ang naisip ko, nawala sa loob ko na kailangan ko ng lumabas. Na carried away na naman ako sa kakaisip. Napansin ko talaga nitong mga huling araw nagiging malalim na akong mag-isip.
"Ayus na iyan anak, teka ayusin ko lang itong necktie mo. Huwag kang kabahan anak, ang gwapo-gwapo mo talaga. Kailan lamang ang Baby Josh kong iyakin na hindi ko malaman kung ano ang gusto ngayon binatang-binata na. Anak para kang artista. Pwede ba kitang mayakap, ayoko kang i kiss kasi alam kong ayaw mo na iyon, saka masisira iyang foundation mo. Yakap nalang."
 Tumayo ako at niyakap siya.
 "Mag enjoy ka anak ha, huwag mong sayangin ang pagkakataon, lagi mong tatandaan, minsan mo lamang madadaaan ang ganitong mga okasyon kaya samantalahin mo na. Mahal na mahal kita anak at kailan man hindi ko pinagsisihang itinuloy ko ang pagbubuntis sa iyo kahit pa sinabi nila na delikado dahil sa age ko, kung nakinig ako sa kanila, wala ka sana at hindi ako ganito kasaya ngayon." Ang OA na sabi ni Mommy.
"And the best actress award goes to Mommy Sandra... ikaw talaga Mommy kung may award lang talaga sa pinaka OA na mommy lagi ka sigurong awardee." Sinimangutan naman niya ako pero nakahawak pa rin sa dalawang kamay ko.
"Ganon ha, OA pala sige wala kang baon ngayon, bahala ka." Kunwaring pagtatampo niya.
"Pero kahit na OA ka, ikaw pa rin ang pinakamaganda at the best Mommy sa buong universe." Ang pambobola ko.
"Ilang ulit mo na iyang sinasabi wala na bang bago anak?" ang patuloy niyang pangungulit.
"Next time Mommy, for now, bitawan mo muna ako at nang makababa na tayo baka nakasimangot na don ang masungit na mama, sasabihin ako na naman ang mabagal kumilos." Nagkatawanan kami habang sabay na bumaba. Nadatnan naman namin si Kuya Paul sa salas na parang nakatulala.
"Hoy Kuya Paul, muka ka pong tanga, bakit ka nakanganga?" Saka lamang siya parang natauhan.
"Ah, wala, ang gwapo mo Pat, bagay na bagay sa iyo ang suit mo?" parang wala pa rin sa sariling sagot niya. Nakangiti naman ng makahulugan si Mommy. Nakasuot ako ng dark blue na coat may katernong vest saka off white na long sleeve. Hindi ko kasi ipinakita sa kanya ang damit ko gusto ko siyang i-surprise. At kita ko naman sa mukha niya na talagang na surprise.
Paglabas namin, nakita ko ang isang kotseng kulay black sa labas. "Kuya Paul, kanino pong kotse iyan?" tanong ko agad.
"Kay Tito, hiniram ko muna kasi mahirap mag commute nakakahiya sa iyo, lalo namang hindi tayo pwedeng magmotor masisira ang ayus ng buhok mo e 3 oras mo yata iyang inayos. " Nakangiti niyang sagot. Napakagat ako ng labi. Pero hindi na ako nagsalita.
"Ninang alis na po kami." Nakangiti niyang paalam kay Mommy.
"Enjoy kayo mga anak" Kumaway pa si Mommy habang ngiting-ngiti.
 Aba at pati signature line ni Mommy bago na. Wala na ang "sige mag-iingat kayo" At may mga anak pa, ano na naman kaya ang drama ni Mommy. Si Mommy talaga minsan hindi ko alam kung ano ang nasa isip. Ay hayaan na nga siya, moment ko to dapat maging masaya ako. Nang mapansin ko si Kuya Paul na nakangiti na nakatingin sa akin.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This