Pages

Thursday, February 2, 2017

Little Mix’s Tape Too (Part 2)

By: Prince Zaire

[Shoutout to my Ex]
Ang love ay parang swhewapruashewrpshwrp…
Ang gulo noh, di mo maintindihan? Yun ang Love.
---
Dahil nga sa mga inaasal ko, na umuuwi ng late ay kinompronta na ako ni Daddy. Minsan pa nga lasing akong umuuwi dahil nag-inuman kami nina Aries at Greta na di alam ni Kayla. I tried smoking too, parang mas gumagaan kasi yung bigat na nararamdaman ko sa dibdib ko.
“Dex” sigaw ng Daddy ko habang naka-higa parin ako sa kama ko at masakit ang ulo.
“Dex, I said wake up”
“Uhhhhhm”
“Dex wag mong hintayin magalit pa ako lalo sayo”
“Ano ba”
“Nagiging suwail ka na ah. Yung rank 9 mo pinalampas ko anak, pero tong pag-yoyosi at pag-lalasing mo sobra na. Bakit ka ba nagkaka-ganyan?”
“Coz I want to die”
“You’re insane anak, terribly insane”
“Nagmahal lang ako Dad”
“Dex kaya kong tanggapin kung ano ka pa dahil anak kita at mahal kita. Pero yung nakikita kong sinisira mo ang buhay mo for an asshole like Santi. Masyado namang mababaw yun”
“Mahal ko siya eh”
“Tama na, move on”
“Daling sabihin”
“You’re grounded Dex, I will cancel all my schedule mabantayan ka lang. No ATM, No Cards, at 7:00 PM nakauwi na dapat sa bahay. Kung may group project dito sa bahay gagawin. And Dex pag sa 3rd quarter at rank 9 ka parin, magbalot-balot ka na. I’ll be sending you to you’re grandparents sa Madrid”
Nanlaki na yung mata ko sa sinabi niya. Bihira magalit si Dad, noon ko lang ulit siya nakitang ganun.
“Maliwanag ba?” di ako umimik.
“Dex Armand maliwanag ba?” sigaw na niya kaya nasindak ako.
“Opo” sagot ko nalang.
“Good, now kumain ka. Ang payat payat mo na, at pag sinuway mo ako alam mo na Dex”
“Dad”
“Di ka uubra sa akin ngayon, you need to win my trust back. No if’s or but’s. Ginagalit mo ako Dex, isa pa”
“I’m sorry Dad”
“Di ko kailangan ng sorry mo, I want to see the old Dex Armand hindi yung mukhang adik na ganito. Nakita mo na ba sarili mo sa salamin ha?”
Umiling nalang ako. “Then try to move on”
Ayokong pumunta ng Madrid, masungit yung grandparents ko. Ayoko dun sa Nanay ng Daddy ko parang nangangain ng tao. Mas gusto ko yung sa Mother side mas mabait sila at love na love nila ako kaso nasa SanFo sila. Natauhan ako sa sinabi ni Dad, parang nakaramdam ako ng kaba. Natakot ako sa mga banta niya, kasi pag sinabi niya. Gagawin niya.

Sinubukan kong kausapin yung Daddy ko kinaumagahan pero di niya ako pinapansin. Dinadaan-daanan niya lang ako.
“Dad naman oh”
Di parin siya umimik kaya naman umiyak na ako noon.
“Wag mo akong dinadaan sa drama Dex, kung gusto mong kausapin kita. Magbago ka, yun lang. Patunayan mong pwede kitang pagkatiwalaan muli”
Pinunas ko yung luha ko at nagpa-alam na. “Alis na po ako”
“From now on ihahatid at susunduin ka na ng driver ko. At si Kayla lang ang pinapayagan kong makasama mo”
“Dad!”
“Alis!”
Sumunod na nga lang ako. Ayoko ng ganun, mabigat na nga sa dibdib yung break-up namin ni Santi galit pa sa akin ang Daddy ko. Kaya naman natauhan na ako. Sinubukan kong i-distract ang sarili ko at bumalik sa dance troupe. Tuwang tuwa sila nung nagbalik ako, gusto ko maalis yung mga frustrations ko. Kaya lang sinabihan ko sila na bawal ako sa late practice.
“Ano ba yan, kakausapin ko si Tito” paliwanag ni Kayla.
“Not now pogs, galit pa siya sa akin”
“Magbago ka na kasi, grabe Pogs ang layo ng binagsak mo. Gusto mo tulungan kita makabawi?”
“Kaya ko to”
Pumunta si Kayla sa player at nagpatugtog ng music. Saktong Secret Love Song ng Little Mix ang nag-play.
“Old school, di na uso yan” sigaw ko.
“Ay alam ko na, may magandang kanta yung Little Mix ulit. Bagay sayo” tugon niya kaya ako nagkunot ng noo.
Plinay niya yung song, upbeat siya. Napamura nalang ako nung ma-realize ko yung music.
“Walang hiya ka”
Tawa lang siya ng tawa.
“Ano, ito sayawin natin sa Culminating Activity?” tanong niya.
“Pwede” sagot ko naman.
---
“Guess I should say thank you
For the "hate you's" and the tattoos
Oh baby, I'm cool by the way
Ain't sure I loved you anyway
Go 'head, babe, I'mma live my life, my life, yeah
Shout out to my ex, you're really quite the man
You made my heart break and that made me who I am
Here's to my ex, hey, look at me now, well, I
I'm all the way up, I swear you'll never bring me down
Shout out to my ex, you're really quite the man
You made my heart break and that made me who I am
Here's to my ex, hey, look at me now, well, I
I'm all the way up, I swear you'll never, you'll never bring me down”
---
Yan yung lyrics ng kanta, ang tapang nung message. Hey thank you for hurting me Santi – tang ina mo.
Sumisigaw kaming lahat habang sumasayaw. Natapos namin yung routine ng mabilisan, ginawa naming light lang yung steps. May mga konting lifts and turns. Pero ang swabe ng choreography ng si Sir Mark na ang nag-ayos.
“Welcome back Dex Armand” tugon ni Sir.
Ngumiti nalang ako at sinabi ko sa sarili ko. “Here's to my ex, hey, look at me now, well, I. I'm all the way up, I swear you'll never, you'll never bring me down”
Gaya nga ng napag-usapan ay maaga ako umuuwi, hatid sundo na ako, tapos kailangan ko nang aralin yung lessons ko. Naga-advance reading narin ako, at sinimulan narin asikasuhin yung mga papers for Madrid dahil yun ang utos ni Daddy. Pag vacant ay sa library ako tumutungo, minsan sa Press office o di kaya’y sa rehearsal room.
One time habang nasa Library ako ay doon ulit ako sa mga Physics section napunta. May naka-upo na noon sa spot na gusto ko kaya naman umupo ako sa kabilang dulo. Hindi naman nag-aaral yung taong andun, andaming libro sa desk niya pero natutulog naman siya at tulo laway. Natawa nalang ako sa itsura niya, lumapit nga ako at pinagtripan siyang picturan. Nang matitigan ko nang mabuti ay narealize ko na siya yung nakalaban namin sa badminton. Siya yung lumapit din sa akin noong lutang ako at kinakausap ang pader.
Ang tagal ko na palang naka-titig sa kanya at di ko na namalayan na gising na pala siya at nakatitig narin sa akin.
“Ok ka lang?” tanong niya. Dun na ako natauhan kaya dali-dali akong umalis dun.
“Wait” sigaw niya kaya sinaway ko.
“Keep Silence”
“Sorry” mahina niyang tugon. Lumapit siya sa akin at nagkakamot ng ulo. “Pwede bang makipag-kaibigan sayo?”
Tinaasan ko lang siya ng kilay saka ngumiti. Ang suplado noh?
“Dex Armand pangalan mo diba?”
Tumango lang ako.
“Cody nga pala” sabay abot ng kamay niya. Kinuha ko ito at nakipag-kamay rin, medyo magaspang. Halatang masipag sa mga gawain di tulad ko. Naka-ngiti siya noon, di ko alam kung bakit na-cute’n ako sa kanya kahit hindi naman ganun yung mga tipo ko.
“Wala kasing gustong makipag-kaibigan sa akin, una transferee ako. Tapos mahirap pa at bobo”
“Grabe ka naman sa bobo, mukhang mabait ka naman ah. Magaling ka rin kaya sa badminton”
Umupo na nga kami dun sa desk at nagkwentuhan.
“Ano palang buo mong pangalan?” tanong ko.
“Wag na, Cody nga lang eh”
“Sus, sige ka iiwan kita dito”
“Wag, sige na nga” sabay kamot ulit sa ulo niya. “Ako si Constante Diosdado Alegar Jr.” banggit niya.
Tumawa ako ng malakas, doon ko ulit yun nagawa after the break up. Tawang tawa talaga ako kaya naman nilapitan ako ng Librarian.
“Mr. Quijano, get out!”
“Ahy sorry po Ma’am”
Lumabas na nga ako at tawa parin ng tawa. Sumunod naman si Cody sa akin, halos maluha na ako at sumakit na yung tiyan ko sa kakatawa.
“Patawa ka eh noh” tugon ko.
“Pinapahiya mo naman ako”
“Di ah. Simula ngayon Constante Diosdado Alegar Jr, friends na tayo”
“Tsk Cody na nga lang eh” naiinis niyang banggit. Mas cute siya pag naiinis kaya tumawa nalang ako ulit.
“Ok Cody, tara kain tayo. Treat ko”
“Talaga?”
“Ahy teka lang tignan ko lang kung may pera ako”
“Yun lang”
Tinawagan ko nga muna si Kayla. “Pogs, asan ka?”
“Sa gym”
“Pa-utang naman” bulong ko.
“Palista mo muna dun kay Manang Len, lakas mo kaya dun”
Yun na nga ginawa ko, kinausap ko si Manang Len. Naintindihan niya naman, nagtaka nga siya kung bakit wala akong pera eh dati rati naman ay buhay hari ako. Sinabi ko nalang na iniwan na ako ng boyfriend ko kaya tag-hirap na. Natawa siya sa akin kaya naman binigyan niya ako ng spaghetti, siopao at soft drinks.
“Ang dami naman nito, kala ko ba wala kang pera?” tugon ni Cody.
“Ayaw mo?”
“Gusto syempre, aarte pa ba?”
“Yun naman pala eh”
Nakwento nga ni Cody yung buhay niya, dalawa lang silang magkapatid. Yung tatay niya ay construction worker at kung minsan naman ay nagba-banda. Yung nanay naman niya ay labandera. Lumipat sila dito sa lugar namin dahil dito nakakuha ng trabaho yung tatay niya. Yung kapatid niya naman ay babae at nasa kinder pa lang. Kung weekend daw ay tumutulong siya sa nanay niya maglaba o di naman kaya sa tatay niya sa construction kaya ganun nalang ka-gaspang yung kamay niya.
“So may abs ka?” out of nowhere kung tanong.
“Ha?” sagot niya habang papa-kagat sa siopao.
“Sabi mo sa construction ka, batak yung andun. So may abs ka?”
“Gusto mo ba ng may abs?”
“May abs ako noh”
“May abs din naman ako, gusto mo hawakan mo pa eh”
“Sira”
“Pwede mo ba akong turuan?”
“Saan naman?”
“Mahina talaga kasi utak ko eh, gusto ko sana matuto kaso lang di ako makasabay dun sa mga ka-section ko. Nilagay ako sa Pilot section ng regular”
“Dapat dun ka sa SPA, maganda dun”
“Di ko yun alam eh”
“May entrance exam nga lang, tapos audition. Pero pwede kang mag-apply, gusto mo i-recommend kita? Ano ba talent mo?”
“Talent? Kaya kong mag-drums, trumpet, gitara at kumanta”
“Macho dancing kaya mo?”
“Lah sira ulo, di ako callboy”
“You look like one” saka ako naglip-bite. Nakita kong napalunok siya at uminom ng sofdrinks.
“Sira, di ako ganun no”
“Sige tutulungan kita, dapat sa SPA ka. Maiba ako, bakit Cody. Ba’t di nalang Tante o Dado”
“Kasi eh, para naman kahit papano tunog mabango naman yung palayaw ko. Tante na yung tatay ko. Dado yung lolo ko, eh ayoko naman yung JunJun parang ang bastos”
Natawa ulit ako sa inasal niya. Ang kwela niya, kahit kaka-kilala ko palang sa kanya ay ang gaan gaan na ng loob ko.
Nagsimula nga yung tutorial session namin ni Cody, inaya ko rin siya sa barkada namin kahit na lower year siya. Ka-edad niya yung ex ko kung tutuusin. Naging kasundo ng barkada si Cody, at itong si Aries nilalandi pa talaga. Nag-volunteer na nga si Aries na siya nalang mag-turo kay Cody ng Math dahil nga magaling siya doon.
“Ay wag mong gayumain yan baka patulugin mo saka isubo mo yang ano niya” banta ko kay Aries.
“Ateng naman kasi, type ko tong bata mo. Kahit one night stand lang” bulong niya.
“Para-paraan ka rin noh, Aries wag naman. Mabait siyang tao, wag kang mag-take advantage”
“Sabagay, gusto niyang matuto”
“Behave, Aries”
“Kelan ba ako ulit makaka-apak sa bahay niyo. Na-miss ko na si Papa Drake”
“Alam mo namang di kami bati ng Tatay ko diba?”
“Ay oo nga”
“Mga bubuyog ba kayo kanina pa kayo nagbubulungan ah” inis na saad ni Kayla na noon ay tinuturuan si Cody sa Chemistry.
“Pogs, maiba ako. Nagawa mo na yung experiments, tsaka yung sa Stat?”
“Di pa, busy ako sa training. Ikaw ba?” sagot ni Kayla.
“Oo”
“Aba, bagong buhay. Uy Cody salamat ha”
“Ha, para saan” sagot naman nung isa.
“Napabago mo yang brokenhearted naming kaibigan”
Di nalang kami umimik. Di mo naman talaga mapipigilan yung bunganga ni Kayla. Since di nga ako pwedeng gabihin at tanging simbahan lang ang pwede kong puntahan sa Linggo ay kung ano ano na ang ginagawa ko. Nagbasa ako ng kahit ano, nanood ng mga series.
Dumating ang 3rd quarter exams at puspusan ako sa pagrereview. Mahirap bumawi no, ang baba ng binagsak ko. Pag sa school ay kasama ko si Cody pag vacant. Tinutulungan ko siya sa pag-aaral niya at mukhang gumagaling naman siya lalo na sa Math.
“Matanong ko lang, may ginagawa ba sayo si Aries na di maganda?”
“Ano?”
“I mean, yung alam mo na”
“Lah, wala noh. Mabait naman siya ah, magaling magturo at di ko type yun. May iba akong gusto”
“Uyyy sino?” pangungulit ko.
“Mag-aral ka nalang”
“Maganda ba?”
“Oo”
“Uyyy, si Greta noh?”
Ngumiti lang siya. “Hindi, iba”
“Sinungaling, Constante sino nga?”
“Yan ka nanaman eh”
“Sino?” pangungulit ko.
“Basta”
“Sige ka”
“Ang kulit mo, halikan kita jan eh”
Dun na ako tumigil, tama ba yung narinig ko? Di ko nalang pinansin at tinapos ko na yung ginagawa ko.
Natapos yung exam week at napansin kong parang dismayado sina Kayla, Aries at Greta. Ako naman ang laki ng ngiti ko sa labi.
“Ba’t parang biyernes santo naman yang mga mukha niyo?” tanong ko.
“Banggag ka ba? Ang hirap nung exam, di ko natapos yung Stat” sabi ni Kayla.
“Ako din ate, bigti na this. Ang hirap naman nun. Shet yun namang sa Literature saang planeta naman galing yung passage. Bolshet na yan ah” pahayag ni Aries
“Ang hirap din nung sa Logic, ang sakit ng ulo ko dun” tugon ni Greta.
Di nalang ako umiimik, medyo kinabahan nga ako. Mukhang tinake for granted ko nanaman yung exam. Yung kaninang masaya kong mukha ay napalitan ng kaba at panghihinayang.
“Oh napano ka Pogs” pag-aalala ni Kayla.
“Mukhang bagsak nanaman ako ah, nadalian ako sa exam eh gaya nung 2nd quarter. Tapos yun, shet pasang awa pala. Lagapak”
Pinagmasdan nila akong lahat, dismayado. “Naku Dex, tinatakot mo naman kami. Isa lang ibig sabihin niyan pag bumagsak ka pa ulit sa ranking” paliwanag ni Kayla.
“Eh wala tayong magagawa, ganun ata talaga”
“Dex, anong nangyari?”
Nagkibit balikat nalang ako. Sa buong week na sumunod ay kabadong kabado talaga ako. Napapansin din iyon ni Cody pag magkasama kami.
“Dex may problema ka ba?”
“Kinakabahan ako eh. Ready na kasi yung mga papers ko pa-Madrid, konting mali ko nalang Cody itatapon na nila ako dun”
“Grabe naman yang itatapon, ayaw mo yun? Spain kaya yun”
“Basta”
“Think positive”
Mas natakot pa ako ng sabihin ng adviser namin sa klase na sa Monday na daw yung Card day at kailangang pumunta ang parents. Dun din daw sa araw na yun malalaman ang over-all ranking, from SSC, SPA at Regular. Dun din malalaman kung sino yung lucky exchange student na ipapadala sa Korea. Sinabi din ni Maam na malaki yung pagbabago sa ranking ng SSC. Marami daw yung bumaba ang rank, nawala sa rank at may mga tumaas. Tinignan ko na si Kayla noon at umiling.
“Pogs, pakamatay nalang kaya ako bago ako patayin ni Dad”
“Siraulo, kaya mo yan noh. Malay mo ikaw pala rank 1”
“Patawa ka noh, from 9 to 1? Pwede ba yun?”
“Pwede, konti lang naman epekto ng 2nd quarter ah. Yun ay kung nasa 95-98 grades mo”
“Yun lang, ano ba 2nd quarter ko 93 pinaka-mataas at 85 pinaka-mababa. Diba, kailangan ko ng himala. Sana kainin na ako ng lupa”
Hindi ko sana sasabihin sa Daddy ko na card day sa Monday. Kaya lang pagdating ko sa bahay ay agad niya akong kinausap.
“Tumawag si Mareng Wilma (Math Teacher namin), card day daw sa Monday. Expect me there son”
Nanlaki yung mata ko, taena nalintikan ka na Dex. “Naka-ready na ba maleta mo?” tanong pa niya. Umiling nalang ako.
Dumiretso ako sa kwarto ko noon at umiyak na ng umiyak. Ayoko umalis, pero parang ganun na nga ang mangyayari. Matagal nang plano nina Daddy yun. Matagal nang naka-process yung papers namin pero di matuloy tuloy dahil sa work ni Dad. Pero parang ngayon na matutuloy yun.
“Dex di ka pa kumakain, baba ka na diyan” sigaw ni Dad.
Pinunas ko yung mga luha ko. “Opo” sigaw ko nalang. Para na akong preso, well kasalanan ko naman ang lahat kung bakit naging ganun si Dad sa akin. Kailangan ko yung pagbayaran. Matapos nga akong kumain ay inutusan pa ako ni Dad na maghugas ng pinagkainan. Hindi niya yun pinapagawa dati dahil bine-baby niya ako. Pero ngayon para na akong wala lang sa kanya. Sumunod nalang ako.
Dumating ang Monday at halos lumabas na sa ribcage ko yung puso ko sa kaba. Grabe na, gusto ko na talaga matunaw. Di ako mapakali habang nagmi-meeting sila dun sa room namin. Andun nga si Daddy, bihira lang yun umattend ng mga ganun. Maya maya pa ay tinawag na isa isa yung mga classmates ko papasok sa room. Di pa sinasabi ni Ma’am yung ranking. Si Kayla ang unang tinawag hanggang sa matawag na lahat nang nasa ranking maliban sa akin. Dun na tumigil yung mundo ko, nanghina na ako. Bakit ganun? Umalis ako sa lugar na iyon at nagpunta sa Library, doon ako mahinang umiyak. Sinisisi ko ang lahat, sinisisi ko si Santi, si Neil Justin, everyone na nanakit sa akin.
Di ko na alam kung ilang minuto na akong umiiyak ng may biglang humawak sa balikat ko. Pagtingin ko si Cody pala, naka-ngiti pa ang mokong. Di ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at bigla ko siyang niyakap at humagulgol. Hindi man siya huggable katulad ni Santi pero ok narin. Atleast andun siya nung kelangan ko ng mahihingaan at ng makaka-usap.
“I failed, I failed” sabi ko.
“It’s ok, ako nga pasang-awa lang pero masaya parin ako. Tignan mo oh”
Pinakita niya sa akin yung report card niya at nag-improve na siya. Wala na siyang palakol na grado, 83 nalang pinaka-mababa niya.
“Proud ako sayo Cody” tugon ko nalang saka ako yumakap ulit.
“Para namang namama-alam yang yakap mo”
“Baka di na kasi tayo mag-kita”
“Edi aantayin ko yung pagbabalik mo. Pangako ko yan, sa pagbabalik mo andito parin ako. At mas deserving na ako that time. Yun ay kung makakapag-patuloy ako sa kolehiyo”
“Ano bang gusto mo maging?”
“Piloto sana, kaso may bobo bang piloto?”
“Naku may kilala rin akong gustong mag piloto. Hindi lang isa, dalawa. At alam mo ba, mga manloloko sila. Sana hindi ka nila kaparehas”
“Ibahin mo naman ako, pinalaki ako ng maayos ng mga magulang ko. Kahit mahirap kami ayoko ng nanloloko, mahirap makarma. Mabuti na yung hirap kami, malinis naman hangarin namin”
“Naks, pinapabilib mo ako ah”
“Posible bang ano?”
“Ano?”
“Ano eh”
“Ano nga. Puro ka ano”
“Ano nakakahiya”
“Ano nga?”
“Posible bang magustuhan mo ako?”
“What?” gulat kong bigkas.
“Ikaw, possible bang magustuhan mo ako? Kasi nalilito ako eh, nung una alam ko lalake ako. Nagka-syota naman na ako ng babae, pero bakit nung makilala kita iba na ang tama ko”
“Naku Constante, wag kang ano diyan. Umbagin kita”
“Totoo nga, di ko maipaliwanag pero parang gusto kita”
“Patay tayo diyan. Kaibigan nalang mas mabuti yun”
Natigilan muna siya noon. Naka-kunot noo na parang may gustong ipahiwatig. Matapos nun ay ngumiti nalang siya saka sumagot. “Sabi mo eh. Sige”
Nakita kong medyo nalungkot siya. Kaya lang kasi mahal ko parin yung Sans Rival ko at di ko alam kung hanggang kelan ko siya mamahalin. At kung gusto mong malaman kung hanggang kailan ko siya mamahalin, punta ka sa wattpad at malalaman mo ang kasagutan dahil mas updated yun, promise nasa part 6 na yun with exclusive behind the scenes lol. Just follow and vote & comment. Hindi lang si Prince Zaire ang nandun, pati narin yung ibang authors dito sa KM. Yung mga JPAT’ers diyan tulad ko, kaway kaway na (lol, nag-promote. Pero seryoso nga KM readers, andun si Maldita [kamalditahan] with his awesome creations). Medyo nagiging picky na kasi dito, di gaya ng dati na every week napopost works namin, now it took f* MONTHS bago ko makita pangalan ko sa weekly updates ng KM. May mga instances narin na may parts sa story ko na putol (just like dun sa A PEPpery, may pinutol siya). Nagiging trend narin yung same author sa every update. Though napasa ko naman na lahat ng dapat ipasa, pero wala di na ako pasok sa standard ni KM Admin, just a filler nalang. Kaya etong part 2 ng story na to ang magiging complimentary close ko for now. Medyo disappointing just like Santi. Kidding! Now back to my story. Mabait si Cody, pero wala talaga akong maramdamang something romantic sa aming dalawa. Parang kapatid lang yung turing ko sa kanya.
Habang nag-uusap kami ay biglang tumawag yung Daddy ko. Mas nanginig naman ako, ayaw ko sanang sagutin yung phone.
“Tumatawag Daddy mo” tugon ni Cody ng mapansin ito.
“Natatakot ako sa kanya”
“Tatay mo yun noh, bakit ka matatakot?”
“Baka mapatay niya ako”
“Mahal ka nun, bakit ka niya papatayin?”
Sinagot ko nalang yung tawag, garalgal yung boses ko. “He-hello po”
“Asan ka?” galit niyang tanong.
“Po?”
“I said asan ka?” sigaw niya. “Puntahan mo ko dito sa Parking Lot, I’ll be waiting for you”
Binaba ko na yung phone, nagpa-alam na ako kay Cody.
“Hatid na kita dun”
“Wag na, mainit ulo ng Daddy ko baka ikaw pa pagbuntunan”
Naglakad na nga ako papunta sa parking lot, at malayo palang ay nakita ko na yung Daddy ko dun. Inaantay niya ako, seryoso ang mukha.
“Dad” bati ko. Tumango lang ito at pinasakay ako sa loob ng kotse.
“Saan po tayo pupunta?”
“Uwi na tayo”
“Pero di pa po….”
“Don’t worry pinagpa-alam na kita sa Teachers mo”
“Pero”
“Dex”
“Sorry Dad, I failed”
Bigla siyang tumawa ng malakas at mas kinabahan ako. Kaya naman umiyak nalang ako noon dahil di ko na kaya yung tindi ng nararamdaman ko.
“Congrats anak”
“Po?”
“You toppled Kayla”
“What?”
“Ikaw rank 1, nasa pangatlo si Kayla naungusan ni Andrew” iniabot sa akin ni dad yung report card ko. Umuulan ng line of 9, 95 yung pinakamababa ko, the rest 96 at 97 na.
“Seryoso ba to?” di talaga ako makapaniwala, gusto ko nang lumundag sa saya.
“Dad so meaning di na ko tutuloy ng Madrid?”
“Uhhhhm, that’s why we need to talk”
Nang makarating kami sa bahay ay agad kong tinawagan si Kayla. “Pogs I’m sorry”
“Aaaaaaaaah, Pogs ang saya saya ko. Aaaaaaaah, pwede na akong mamatay”
“Kayla number 3 ka”
“Eh ano naman”
“So masaya ka pa?”
“Gago pupunta na akong Korea. Waaaaaaah, dream come true ate. Korea na this ang saya saya ko”
“Di kita gets”
“Ako ang napili sa exchange program dahil sa Taekwondo skills ko at nakita nila na nakapunta na ako dati sa Seoul para sa isang competition. I got the scholarship, yes 6 months ako dun sa Korea at pwede ko pa isama si Mommy. Ang saya namin”
“So ok lang sayo na hindi ikaw ang rank 1?”
“Syempre hindi pero ayos lang ikaw naman yun eh, sabi na nga ba kaya mo. Next grading period nalang ako babawi. Pero pogs, Seoul to. Korea to ate, mage-emote pa ba?”
“Iiwan mo ko?” tanong ko.
“Iiwan mo rin naman kami ah, mauuna ka pa nga. Next quarter wala ka na kaya”
“What do you mean?”
“Basta, bye na. Kakausapin pa kami nung mga opisyal from Seoul”
Di ko nun alam kung bakit nandun sina Mommy at yung dalawang ate ko. Aba may salo-salo pero bakit parang malungkot sila?
“Anong okasyon?” tanong ko.
“Edi i-celebrate natin pagbabalik mo bunso. Inom ka pa ah, tapos yosi. Tapos drugs para maganda” sarkastikong pahayag ni Ate Dana kaya sinaway ni Dad.
“Stop, ang mahalaga matino na tong dalaginding natin. So mahal mo pa ba yung anak ng pulitikong yun?”
Tumawa nalang ako ng malakas kaya naman napatawa kami lahat. “That’s my boy, he’s back. Bawal muna mag-boyfriend ha” pahayag ni Daddy.
“Dad, I’ve learned my lessons”
“Good”
“Pero Dex, we need to fly to Madrid next next week”
“Dad akala ko ba”
“No, hindi yun tungkol sa deal this time. We need to go there for two reasons. One, Grandma Bennie is ill kailangan niya tayo dun. Two, your Mom got a deal sa isang European investor and she needs 3-6 months there”
“Sasama kayo?” tanong ko kina ate pero umiling lang ang mga ito. “Maiiwan nalang ako Dad”
“Dex, ikaw yung di pa nakikita ni Lola. At sa ating magkakapatid, ikaw palang ang di nakaka-punta ng Madrid” paliwanag ni Ate Dreza.
“You need it” dagdag ni Ate Dana.
“Paano yung studies ko dito?”
“Itutuloy mo dun” tugon ni Mommy.
“Pero, andito yung buhay ko”
“Can you please do this for me anak? Minsan lang akong mag-request” Nilapitan ako ni Mommy at niyakap, tumango nalang ako. Ayoko kasing magalit pa siya baka mahigh-blood mahirap na.
Di ko ma-imagine yung magiging takbo ng buhay ko, igi-give up ko yung studies ko dito. Yung mga friends ko and everything. Parang magsisimula akong muli. Di ko ma-imagine kung paano ko pakikisamahan yung mga tao dun, di ako marunong mag Spanish – basic lang. Mas kaya kong mag French dahil fluent dun si Mommy at tinuruan niya ako nun. Pero dahil nga di ko pa kayang tumayo sa sarili kong paa ay wala na akong magagawa kundi sumunod sa Daddy ko.
Nang sumunod na linggo ay pag-aayos ng mga papeles yung inatupag namin. Naging maluwag na si Daddy sa akin, pinayagan niya akong gumala o late umuwi basta wag lang maglalasing o magyoyosi. Kung magyaya man ng inuman ay sabihan ang driver para alam ang gagawin.   
Di parin makaget-over yung mga classmates ko sa nangyayari. Una nagulantang ang lahat sa pagbabago ng ranking. Pero sinabi ko sa kanila na next grading period ay wala na yung pangalan ko dun. Di ko akalain na makakaramdam pala sila ng lungkot nung malaman nilang aalis na ako. Pati yung mga guro ko lalo na yung mga advisers ko sa school paper ay umiyak pa noong nagpa-alam na ako sa kanila. 2 weeks nalang akong papasok sa school na yun na naging tahanan ko narin ng ilang taon. Nakakalungkot isipin na hindi ako magtatapos dun. Dun sa eskwelahan na yun una kong natutunan magmahal at doon din ako unang na-heartbroken. Ang daming ala-ala at kalokohan at ngayon ay iiwan ko lahat. Una para sa family ko, 2nd I need to seek my self. Masyado na akong frail and any time pwede akong magbreak down.
Isinaksak ko nalang sa isip ko na siguro Madrid will be the answer for everything. Siguro matututunan ko dun mahalin ang sarili ko, matututunan kong kalimutan si Santi. Sinabi ko sa sarili ko na all is well. Madrid will bring the best in me. Tutulungan nga ako ng kakilala ng Mommy ko doon. Total pag-andun na kami ay pa-start pa lang ng 2nd term kaya makaka-abot ako. European Languages & developmental communication courses daw muna tapos mga basic arts. Para maging strong yung foundation ko para sa Architecture program in the coming years. Sa pananalita nina Mom & Dad ay parang dun na ako titira at magbabakasyon nalang sa Pilipinas pag break. Kung mangyayari man yun ay wala na akong magagawa, dapat pagbalik ko ng Pilipinas ay buong-buo na ako.
Sa buong week na iyon ay magkasama kami ni Cody, di ko parin siya pinapabayaan sa pagtu-tutor sa kanya. Ang laki na ng improvement niya. Pero medyo mahina talaga siya sa Language and Literature. Nahihirapan siya sa pag-compose ng isang paragraph na straight English. Pero di ko siya sinukuan, inuulit ulit ko sa kanya at pilit na ipinapaintindi hanggang sa makaya na niya.
“Paano nalang ako kung wala ka na” pahayag niya.
“Sus nagdrama”
“Magkano ba yung pamasahe papuntang Madrid?”
“Six figures, 5 zeros”
“Ang mahal naman, kaya gusto kong maging Piloto eh. Para kahit saang lugar pwede kong puntahan. Alam mo dapat yung unang lipad ko ikaw ang pasahero ko”
“May nagsabi na rin sa akin niyan, hindi ikaw ang una. Ikaw ang pangatlo. Sabi nila, ililipad nila ako hanggang sa marating na namin yung mga ulap. Di nila ako bibitawan, walang iwanan. But now, it’s gone”
“Tutuparin ko yung sinabi ko, mag-iipon ako para maging Piloto”
“Aasahan ko yan, susuportahan kita diyan sa pangarap mo kid”
“Pag pumunta ka na ba doon hindi ka na babalik?”
“Wala naman akong babalikan”
“Ako”
“Grabe siya oh, wag kang ganyang Constante di bagay sayo”
“Yan ka nanaman sa Constante”
“Mas gusto ko kaya yung Constante Diosdado, tunog Presidente”
“Loko loko, tamo to”
“Kaltukan kita diyan eh”
“Mahalin kita diyan eh”
“Hmmmmft. Sipain ko betlog mo, namo ka”
“Namo rin”
Saka kami nagtawanan. “Bago ka umalis, pwede ba kitang ayain mag date? Pero sa simple lang yung kaya lang ng bulsa ko”
“Sige ba, kelan at saan para makapag-paalam ako”
“Sa Sabado?”
“Sure”
Dumating nga ang sabado at gaya ng napag-usapan ay nagkita kami ni Cody sa park. Pagdating ko dun ay parang inis na inis siya kasama niya kapatid niya.
“Dex sorry ah, wala kasing magbabantay dito sa kapatid ko eh. May hinatid kasing labahan si Nanay kaya ako pinag-bantay, eh ayoko namang indianin ka kaya sinama ko nalang”
“Awwwww, ang bait mo namang kapatid” banggit ko pero parang nahiya siya at nagkamot ng ulo.
Cute yung kapatid ni Cody, medyo chubby at makinis yung kutis.
“Kapatid mo ba talaga tong si Cristina? Ba’t maputi siya ikaw maitim”
“Grabe ka naman sa maitim, eh masipag po kasi ako at nababad na sa araw kaya ganun. Kahit maitim ako gwapo naman ako ah, masarap pa”
“Hala san galing kaya yun?”
Nagkatinginan nalang kami, walang may balak na alisin yung tinginan.
“Mag-asawa ba kayo?” tanong nung kapatid niya kaya naman tumawa nalang kaming dalawa. Giliw na giliw ako dun sa kapatid niya, ang kulit, madaldal at ang cute cute. Minsan nga ako na kumakarga dito eh, sabi ni Cody bagay ko na daw maging Mommy.
“Mommy talaga?”
“Oo, tapos si kuya yung Daddy. Ayaw mo ba si Kuya?” tanong ni Tina.
“Mabaho eh” tugon ko saka kami tumawa. Inamoy naman ni Cody yung sarili niya.
“Ulol mabango naman ako ah” saka niya inamoy ulit sarili niya kaya tumawa nalang ako. Ewan ko ba, ang saya saya ko pag kasama ko siya. Nakakalimutan kong brokenhearted pala ako.
“Gusto kong manood niyan” tugon ko ng makita ko ang poster ng trolls. Sabay sana namin yun papanoorin ni Santi kaso nga lang wala eh – iniwan niya ako.
“Dex, ano kasi eh. 200 lang budget ko para sa date natin”
“Ako na bahala”
“Nakakahiya, ako nag-aya tapos ikaw gagastos?”
“Walang pero pero, eh gusto ko manood eh. Ikaw Tina gusto mo manood?” tumango naman yung bata at ang laki ng ngiti.
“Oh Constante, ano?”
Umirap lang siya sa akin at napapayag ko naman. Nanood nga kaming tatlo at tuwang tuwa si Tina at Cody. First time pala nila makapasok sa sinehan. Dahil nga sa katayuan nila sa buhay ay di na nila nararanasan yung mga yun. Mas humanga pa ako nun kay Cody, mabait siyang anak. Kung ibang bata yun iniwan niya nalang yung kapatid niya doon. Pero siya isinama niya sa date namin. Ang astig lang, para kaming one happy family – nag-feeling.
Matapos naming manood ay kumain na kami. Sabi niya siya na daw bahala dun nakakahiya na daw sa akin kung ako parin yung gagastos. Tinanong niya ako kung anong gusto ko, sa Jollibee ba o sa Mcdo.
“Gusto ko ng Lomi”
“Sigurado ka?” tanong niya.
“Oo, sa halagang 100 mabubusog na tayo. May alam ako” pahayag ko.
Naglakad-lakad nga kami at napadpad kami sa isang karinderia na nagse-serve ng special lomi. Nagulat siya sa inasta ko, ang akala niya siguro sa akin ay maarte.
“Kumakain ka sa ganito?”
“Oo naman anong akala mo sa akin?”
“Diba mayaman ka?”
“Sinong nagsabi? Hindi ako mayaman no, nasa public school nga ko eh. Nagji-jeep papasok at pauwi, tricycle papunta sa bahay namin”
“May humahatid sundo kaya sayong Montero, minsan nga Audi, minsan BMW”
“Aba kabisado mo mga brand ah, nakikisakay lang ako”
“Niloko mo pa ko, nakakahanga ka Dex”
“Bilib din ako sa yo pards, magiting kang anak at kapatid”
Matapos naming kumain ay nagpasya na kaming umuwi dahil mag-gagabi na. Nagtricycle kami at nagpunta sa bahay nina Cody. Andun na nun yung Nanay niyang si Aling Thelma. Pinakilala niya ako sa Nanay niya.
“Pasensya ka na sa bahay namin iho”
“Ayos naman po ah, ang mahalaga po kumpleto kayong pamilya at masaya. Nga po pala may salu-salo po sa bahay sa susunod na Linggo, sana po makadalo kayo”
Tumango nalang si Aling Thelma. Nagpaalam nalang akong uuwi na.
“Hatid na kita sa bahay niyo Dex, kaso wala akong kotse ah”
“Aanhin ko yung may kotse kung di naman ako mahal diba. Edi maglakad tayo kung gusto mo”
“Ok, I’ll walk you home my prince”
“Aba aba, saan galing yung my prince”
Nagkamot nalang siya ng ulo niya saka ngumiti. Shit bakit ganun, bakit gwapo na siya sa paningin ko. Ang kaso lang, di ko nararamdaman yung mabilis na tibok ng puso.
“Seryoso ka bang maglalakad tayo papunta sa inyo?”
“Oo naman, para exercise na din. At para mas makapag-usap pa tayo. Malapit lang naman eh. Noon nga mula sa bahay ng ex ko pauwi sa bahay namin nilakad ko, ilang kilometro din yun. Tang ina mukha akong ginahasa nung nakauwi ako. Tirik na tirik yung araw nung naglalakad ako ah, may hawak hawak pa akong box na puno ng cupcake. Yung cupcake na yun pinag-puyatan ko, nilagyan ko pa ng design. Tapos pinagtabuyan niya lang ako, napudpod pa yung tsinelas ko. Muntik pa akong habulin ng aso”
Nagtawanan kami, sa tuwing maaalala ko yung mga kagaguhan ko nung time na di ko matanggap na break na kami ni Santi ay tinatawanan ko nalang.
“Pero mahal mo parin ano?”
“Oo naman, mahirap kayang kalimutan yun. Lakas ng tama ko dun sa batang yun. Pero darating siguro yung araw na wala na akong maramdaman sa kanya. Wala nang galit o panghihinayang. Yung araw na hindi na titibok ng mabilis yung puso ko para sa kanya”
“Kelan kaya yun?”
Nagkibit balikat ako saka ko siya tinignan at nginitian.
“Kaya ikaw kung magmamahal ka Constante, wag mong ibigay lahat. Magtira ka para sa sarili mo. Tignan mo ako, binigay ko lahat. Ngayong wala na siya, ang hirap tuloy bawiin yung binigay kong pagmamahal sa kanya”
Panay parin ang kwentuhan namin at di namin namalayan na nakalagpas na kami sa gate ng bahay namin. Tawang tawa kami ni Cody ng sitahin na kami ng guard kung saan kami pupunta. Ang saya lang ng gabing iyon, di ko naramdaman yung pagod. Pinapasok ko muna siya sa bahay para mag-merienda muna. Umayaw pa siya noon pero sinabi kong di ko na siya papansinin pag tumanggi kaya ayun nasindak ko. Sinabihan ko narin siyang ipapahatid ko nalang siya sa driver namin. Pumayag nalang ito. Nagtungo ako sa kwarto ko at kinuha lahat ng mga stuff toys na bigay sa akin ni Santi. Nagpatulong ako kay Cody na ibaba ito at ilagay sa sasakyan.
“Saan mo naman to dadalhin ang dami ah at mukhang mamahalin”
“Regalo ko yan kay Tina, maagang pamasko. Balak ko sanang sunugin kaso napansin kong walang laruan yung kapatid mo kaya binibigay ko na sayo”. Lahat ng mga T-shirts na binigay ni Santi, lahat ng libro, mga chocolates na di ko pa binubuksan. Lahat ng bagay na magpapa-alala sa kanya maliban dun sa mga letters at kay Mandi ay ibinigay ko kay Cody.
“Dex naman, sobra sobra na to”
“Gusto mo ba talaga akong tulungang makalimot?” tanong ko at tumango naman siya “Pwes, tanggapin mo tong lahat. Kesa sunugin ko dapat mapakinabangan mo”
Yumakap siya sa akin at nagpa-alam na. Hinatid na siya ng driver namin papunta sa bahay nila. Pag-pasok ko sa kwarto ko ay parang ang aliwalas na. Natanggal ko na yung mga pictures namin ni Santi at tanging si Mandi nalang ang nagpapa-alala sa akin sa kanya.
Kinabukasan ay tinawagan ko si Raikko, nagpasama ako sa kanya para puntahan si Neil Justin. Maaga niya akong sinundo sa Batangas, before lunch na kami nakarating sa Manila noon. Dinala ko si Mandi para naman maibigay ko sa bagong magmamay-ari sa kanya. Nakarating nga kami sa unit ni Neil, at si Raikko na yung nag-buzz. Pinagbuksan naman kami nito at parang ang saya niya nung makita si Raikko pero ng magsalita na ako ay nag-iba yung timpla niya.
“Is Santi there?” tanong ni Raikko, umiling lang si Neil. “Eh sino yung naka-higa sa kama mo?”
“Pinsan ko” sagot niya.
“Pwet mo, di nga”
“Bakit ba kayo nandito?”
“Ayaw mo ba?” panlalandi ni Raikko na parang nagugustuhan naman ni Neil.
“Ah Neil, I just want to apologize dun sa dinner noon. Dapat wala talaga ako dun eh sorry. And here, binibigay ko na sayo si Mandi. Sana maalagaan mo siya”
“Oooh, sorry I hate dogs. Allergic ako sa balahibo nila” matabang niyang sagot.
“Ah ganun ba, sorry. Sige, mauna na kami”
“Ok”
Umalis na nga kami ni Raikko dun at inaalala ko kung kanino ko ngayon ibibigay si Mandi.
“Ako nang bahala dumispatsa dito sa asong ito” pahayag ni Raikko na tatawa tawa pa habang nagda-drive.
“Sadista ka pala eh. Killer”
“Isosoli ko kay Santi para masaya”
“Bahala ka”
“Nakita mo yun kanina? Kung paano maglaway si Neil sa kagwapuhan ko? Type ako nun, di mo ba napansin? Malas ni Santi pinakawalan ka niya, tarantado yung si Neil eh, isa ring fuck boi. Sex lang habol nun kay Santi, plus the money & fame”
“Stop it, let’s not talk about them. Ok na ako”
“Di na ba kita mapipigilan Dex? Magwewelga ako ng hubot hubad para di ka lang umalis”
“Mahiya ka naman, final na to Raikko. Tuloy na tuloy na ako sa Madrid”
“Kumbinsihin ko kaya yung Daddy ko na sa Madrid na ako mag-aral ng business course. Para naman makita kita, malay mo tayo pala talaga yung para sa isat-isa”
Pinandilatan ko nalang siya. “Wag kang mawawala sa despedida ko ah”
“Of course ako pa ba”
Hinatid nga ako ni Raikko sa bahay at siya nalang ang nagdala kay Mandi sa bahay nina Santi. Mas magaan na nga ang pakiramdam ko dahil wala na yung mga bagay na nagpapa-alala sa akin kay Santi. Binura ko na yung mga uploaded pictures namin sa IG at FB. Sinunog ko narin yung mga pictures namin sa intax film. All the messages ay deleted na mapa-viber, messenger or text. Wala na lahat, binura ko na number niya, blinock ko narin siya – this is my way to move on.
Nung gabing iyon ay nagsulat ako ng isang letter just to express what I’m feeling. Sa wordpress ko siya ginawa.
Shoutout to my ex:
First of all I want to thank you for all the goodtimes we had. For all the memories we shared, the love and the laughters. Kahit papano naman ay na-enjoy ko yung 6 months na yun. 6 months na ang alam ko ay nag-iisa lang ako sa puso mo pero hindi pala. Thank you! Maraming salamat sa pagpapa-ramdam sa akin ng pagmamahal. Salamat sa pagmamahal mo sa akin despite my tantrums, yung pagiging topakin ko at matampuhin. Ikaw yung naging inspiration ko, you brought me to every edge of happiness.
You’re the sweetest boy I met, walang makakapantay sayo. Mananatili kang pinaka-gwapo sa paningin ko. The cutest & bravest boy I met. Di ka natakot na ipadama yung pagmamahal mo, di ka nahiyang hawakan yung kamay ko at ipahayag sa mundo na ako yung boyfriend mo. You’re the boyfriend everyone dreams to have. At ang swerte ko, ang swerte ko na kahit papano ay naging parte ako ng buhay mo. Nabigyan ako ng chance na mahalin ng isang tulad mo. Though hindi ko naman talaga alam kung totoo ngang minahal mo ako.
Now tanggap ko na, wala na talagang chance na maging tayo ulit. Dahil sabi mo nga, you need a better partner. Sana maging masaya ka sa kanya. I wish you all the happiness in the world. Makakaya ko yung pain basta ba makita lang kitang masaya, tumawa, maging successful at maging isang well rounded & faithful guy. Sana pag nag-krus ulit yung landas natin ay piloto ka na. Hindi man ako yung isasakay mo sa unang lipad mo. Sana makasakay ako sa ibang mga flights mo.
I hope that one day pag nakita kitang muli, ngingitian nalang kita. Wala na akong maramdamang pain at panghihinayang. I hope one day magiging ok narin ang lahat. I still love you and I will always love you. You brought me closer to the edge of the beautiful, you became my lifeline. Kaya nung time na things fell apart – natangay ako ng agos, di ako nakakapit pa. There will come a time na magpapasalamat nalang ako na pinakawalan natin ang isat-isa. At tatawanan nalang natin yung mga nakaraan natin.
Binabawi ko na yung puso ko, I’m bringing it with me in Madrid.
Goodbye!
Todo agos nga ng luha ko nung sinusulat ko yun, damang dama ko ang lahat ng nilalagay ko doon. Pero matapos kong masulat yun at mapublish, ang gaan na ng pakiramdam ko.
Kinabukasan ay nag-aya ang barkada ng inuman at kantahan. Dahil nga malakas si Kayla sa Daddy ko ay siya na ang nagpaalam sa akin at ang gaga humingi pa ng pantoma. Ganun siya ka close sa Dad ko, tropa tropa sila.
Nagpunta nga kami sa isang karaoke bar. Solo namin yung isang kwarto, nag-order na rin kami ng pulutan, San Mig Apple may Tequila din noon. Kasama namin yung boyfriend ni Kayla na si Neil (not Neil Justin na BF ni Santi. Nagkataon na parehas sila ng pangalan), Aries kasama si Andrew (ewan ko nga ba’t andun yung Andrew na yun), si Raikko andun din, si Greta at syempre si Cody. Kantahan nga kami at inuman isa-isa kaming kumanta kahit hindi naman talaga kami singer. Nang ako na yung kumanta ay Jessa Zaragosa yung binanatan ko.
“Bakit ka pa nakita
Bakit pa na kilala
Kung ang puso ko ay iiwan mo lang at sasaktan
Kung si'yay higit sa akin
Naro'n man ang pagdaramdam
Ito ay aking kakayanin”
“Hooo tang ina mo Santi” sigaw nina Kayla.
“Hooo wala kang bayag, liit ng titi mo gago ka” pahayag naman ni Aries.
“Ay, wag ka. Nagkakamali ka diyan sa sinabi mo” pagko-korek ko kaya tumawa nalang kami.
“Malaki ba?” tanong ni Raikko.
“It’s none of your business” sagot ko, lumapit naman siya sa akin saka bumulong. “It’s my business, mas malaki tong akin” pahayag niya.
Tumayo naman si Cody at pinaupo si Raikko. “Lasing ka na pre”
“Men, pinopormahan mo ba tong si Dex?”
“Pinoprotektahan ko lang pare”
“Stop kung ayaw niyong pag-umpugin ko kayo. Nandito tayo para magsaya, di mag-away” awat ko.
“Greta, baka naman pwede kayong mag-duet ni Raikko. Kantahin niyo naman yung Secret Love song” tugon ni Aries.
“Ba’t di nalang kayo ni Andrew ang kumanta total secret love naman yang sa inyo”
“Hala siya, excuse me. Friends lang kami”
“Friends, utot mo. Nakita ko kayong naghalikan sa CAT Office. At ang tagal niyo dun anong milagro yung ginawa niyo?” pambubuko ni Greta.
Pulang pula naman si Andrew at eto namang si Aries ay pinuntahan si Greta at sinabunutan. Para silang bata na naghabulan sa loob ng room. Kumanta nga si Raikko ng EHeads song “Huling El Bimbo” ata yun, pero yung mata ko ay nakatitig kay Cody. Mukhang malungkot siya, nahuli niya akong nakatitig sa kanya.
“Bakit?” tanong niya kaya umiling nalang ako.
“Kanta ka, gusto ko marinig boses mo”
“Sige ba”
Nang matapos si Raikko ay pumili na si Cody ng kakantahin. Against All Odds yung pinili niya. Nung nakita ni Greta ay sinabi niyang mag-duet sila. Pumayag naman si Cody, akala ko noon ay bababuyin ni Greta yung kanta pero hindi. Sineryoso niya ito at damang dama niya talaga. Ang taas ng ginawa niya kaya naman kinabahan ako sa pagpasok ni Cody baka di niya kayanin. Nakatingin si Cody sa akin noon at nagsimula siyang kumanta.
“How can you just walk away from me
When all I can do is watch you leave
'Cause we've shared the laughter and the pain
And even shared the tears
You're the only one
Who really knew me at all”
Nagsabay na nga sila ni Greta, nganga kaming lahat sa lamig ng boses nilang dalawa. Ang perfect ng blending, yung boses ni Cody kakaiba.
“So take a look at me now
Oh there's just an empty space
And there's nothing left here to remind me
Just the memory of your face
Take a look at me now
'Cause there's just an empty space
And you coming back to me is against all odds
And that's what I've got to face”
Nang matapos ang kanta ay nagpalakpakan kaming lahat, lumapit ako kina Greta at Cody saka ko sila niyakap. Kumalas si Greta at si Cody nalang ang niyakap ko. Ang higpit na pala nun at ang tagal.
“Awat na, awat na. Baka may madevelop pa. Kinantahan lang eh, nainlove agad?” pahayag ni Raikko na noon ay parang naiinis.
“Inggit ka lang kasi” pang aalaska ni Kayla na nooy prenteng prente sa position nila ni Neil.
“Mas gwapo kaya ako dito sa Cody na to” depensa ni Raikko.
“Di ah, gwapo kaya si Constante ko” sabi ko kaya napatingin si Cody sa akin at ngumiti.
Dahil tipsy na nga kaming lahat at 11:30 na noon ay nagpasya kaming sa bahay nalang namin kami matulog lahat. Sinabi ko na matulog sina Neil, Raikko at Andrew sa isang guest room. Sa iisang guest room naman sina Greta at Aries. Si Kayla ay umuwi sa bahay nila dahil yun ang bilin ng Mommy niya. Sinabi kong sa kwarto ko matutulog si Cody kaya napatingin silang lahat. Di pa nun sumang-ayon ang lasing na si Raikko. Pero wala na siyang nagawa sa desisyon ko. Malaki yung kama ko pero sinabi ni Cody na mas komportable siyang humiga sa lapag. Di ko na siya pinilit pa dahil mas matigas pala ulo niya pag lasing (both heads, matigas). Naglagay nga ako ng comforter sa sahig at dun na nga siya natulog. Nagising ako kinabukasan na may nakayakap sa akin, pagtingin ko si Raikko. Inalis ko yung pagkakayakap niya dahil ramdam na ramdam ko yung matigas na bagay sa pwetan ko. Tayung tayo yung ari niya at talaga namang masasabi mong gifted rin ang loko dahil todo kung tumulak yung ari niya sa boxers nito. Tent na tent, flag ceremony on going. Di ko na yun pinagdiskitahan, tinignan ko kung tulog pa si Cody pero wala na ito dun. Naka-tupi narin yung comforter.
Kahit masakit pa yung ulo ko ay bumangon na ako, nagmumog at nag-ayos. Bumaba ako papuntang kusina at nakita ko nga doon si Cody na tumutulong sa kasambahay namin sa pagluluto. Giliw na giliw sila kay Cody dahil magalang at masipag na bata. Nang makita ako ni Cody ay nginitian niya lang ako. Sakto namang dumating na si Dad mula sa pagjojogging niya.
“Ayos ba gimik niyo kagabi? Buti nalang kilala ko yung may-ari ng bar na yun”
“Thanks Dad, ah Dad I need you to meet someone” tinawag ko si Cody at lumapit naman ito.
“Dad si Cody po, Cody meet my Dad”
“Naka-usap ko na siya kanina before ako mag-jogging” tugon ni Dad. At bumulong pa ito sa akin. “Mas matino pa ata to kesa dun sa tukmol na Villareal, gusto ko siya para sayo” bulong niya saka niya ako sinundot sa tagiliran kaya napaigtad ako. Sinuntok ko nalang siya ng mahina sa tiyan.
“Abs ko pa talaga hinamon mo ah, kahit lakasan mo suntok diyan anak di ka kakasa”
“Gustong maging Piloto ni Cody dad, baka naman pwede mo siyang ihanap ng scholarship. Yung mga kumpare mong may-ari ng Aviation School”
“Why not, basta ba masipag siya mag-aral at pagbubutihan niya. Ako na mismo magpapa-aral sa kanya”
“Oh narinig mo yun ah, sinabi niya. Pag di siya tumupad, papatanggalan natin tong tatay ko ng bayag”
“Grabe ka naman sa Daddy mo anak”
“Joke lang”
Ginising na nga namin yung mga kasamahan namin para kumain na. Eto namang si Kayla mukhang naka-amoy, umagang umaga ay nambubulahaw sa bahay namin.
“Anong ginagawa mo dito? Wala bang pa-almusal sa bahay niyo?” tanong ko.
“Ayoko yung pandesal ni Kuya Aki, yun lang nakita ko kanina”
“Talaga?” sabay naming saad nina Greta at Aries.
“May pandesal naman kami dito ah” sabat ni Neil sabay taas ng shirt niya.
“Huy, baba mo yan. Sa akin lang yan” saway ni Kayla at sumunod naman ang boyfriend nito.
“Meron din naman ako a” pagyayabang ni Andrew, eto namang si Aries halatang namumula.
“Labanan to ng abs ganun? Oh wala kayo dito” pagyayabang ni Raikko na nooy inalis na talaga yung sando niya at naka-boxers nalang. Nag-flex pa yong mokong, at yung bukol niya nakakasilaw.
“Ano ba yan ang laswa naman” tugon ni Greta. “Nakakawala ng gana naman” dagdag pa nito.
“May galit ka ba kay Raikko?” tanong ko.
“Wala no, malaswa lang talaga siya”
“Magpapatalo ata ngayon yang manok mo ah, wala atang abs” pag-iiba ni Raikko sa usapan.
Nahihiya na noon si Cody. “Wag niyo nga asarin, ano ngayon kung wala siyang abs” pagtatanggol ko.
“May abs ako” saad nito.
“Oh sige nga daw pakita” kantyaw nung girls kasama si Aries.
Hinubad na ni Cody yung suot niyang shirt. Pantay yung kulay niya, may mga cuts siya sa katawan, may abs nga siya at parang ang tigas ng katawan niya. Perfectly sculpt kumbaga, parang pag hinawakan mo ay ang tigas tigas. Yung utong niya nakaka-libog.
“Wow” tugon ko nalang ng makita ko ito, napanganga din sina Kayla at Greta.
“Ensherep nemen neng morning ano ba yan. Parang gusto kong matira ulit” pahayag ni Aries kaya binalingan namin siya ng tingin. Huli ang bakla, kaya si Andrew ang tinignan namin – namula din ito. Tinawanan namin silang dalawa, may ginawa palang milagro. Kiss & tell kasi tong si Aries eh.
“Yung ex mo ba may abs din?” tanong ni Neil sa akin.
“Don’t say bad words kumain nalang kayo. Last niyo na yan dito sa bahay namin”
Matapos ang almusal ay umuwi narin sila sa kani-kanilang bahay. Natira nalang si Kayla at nagdrama sa akin. Umiyak na siya noon, 1st time kasi namin na mawawalay sa isat-isa ng ganoong katagal. Mula bata kami ay kami na yung magkasangga. Partners in crime at ang magkaribal sa academics. Isa lang yung lalakeng pinag-agawan namin, at natawa nalang kami pag naiisip yun.
On a Saturday Night, nagkaroon nga ng salo-salo sa bahay. Invited lahat halos ng mga classmates ko at teachers. Andun din yung mga kamag-anakan namin. Syempre di mawawala ang tropa, sina Raikko, Greta at Aries. Andun din sina Kayla at Neil, si Cody at ang pamilya niya. Nagsimula yung simple program, may mga messages sila para sa akin kaya naman di ko napigilang umiyak. After nun ay kumain na kami, nagkaroon ng games, sayawan at inuman. Nasa table kami noon, may kanya kanya kaming drink from the mobile bar. Nang biglang masamid si Kayla at magsalita.
“Who invited him?” malakas niyang bigkas. Tinignan namin kung sino yung sinasabi niya at nakita ko ngang nakatayo dun si Santi. Naka white shirt at navy blue blazers. Di ko nalang pinansin dahil may ibang nasipat yung mata ko.
“Raikko, samahan mo yung bestfriend mo. Asikasuhin mo muna, pakainin niyo. I need to check on someone” banggit ko.
“Dex ok ka lang?” tanong ni Kayla. Noon ay papalapit na nga si Santi sa table namin kaya naman tinitigan ko na si Raikko at nagets niya naman ito.
Binalingan ko si Kayla at sinagot. “Yeah I’m fine, para kasing nakita ko si….” Ilang hakbang nalang si Santi sa akin ng makita ko si Ryan.
“Ryan!” sigaw ko, tumakbo ako papunta sa kinatatayuan niya. Nilagpasan ko si Santi at agad yumakap kay Ryan.
“Buti nakapunta ka, ano ayos ka na ba?” bati ko.
“Na-miss kita fur, ikaw ayos ka na ba?”
“Oo naman, na-miss din kita” saka ko siya ulit niyakap ng mahigpit. Maya-maya ay lumapit narin sina Kayla, Greta at Aries at niyakap din si Ryan. Magaling na siya at bumalik narin yung dating kagwapuhan niya, medyo chubby na nga lang siya. Bumalik kami sa table at ako nalang ang kumuha ng pagkain para kay Ryan. Na-miss namin siya kaya andami naming tanong. Pinakilala ko din siya kay Raikko at Cody.
“Cody si Ryan pala, gusto din nito maging Piloto”
“Ah siya pala yun?” banggit ni Cody kaya tumango ako. Nagkamayan naman silang dalawa.
“Baka kung ano-ano na kinikwento mo dito kay pareng Cody ah” saad ni Ryan.
“Sinabihan ko lang naman siya na wag kang tularan. Ultimate Fuccboi ng taon” pahayag ko at biglang umubo kunyari si Raikko.
“Problema mo?”
“Andami ko namang karibal. Kelan ko ba makukuha yang puso mo ha Dex. Malala yang infidelity issues mo ah”
“Excuse me hindi kaya ako yun, ako kaya yung iniiwan at pinaglalaruan”
Natahimik ang lahat, tumingin ako ng deretso kay Santi pero umiwas siya ng tingin. Tumingin din ako kay Ryan.
“Uyy, past is past”
Tumingin din ako kay Cody. “Ang sama ng tingin mo sa akin, wala naman akong ginagawang masama sayo. Hindi naman ako yung two timer ah” saad niya kaya nagtawanan kami. Parang ang awkward ng situation ni Santi tuloy, di ko nga alam kung bakit andun siya eh. Tinext ko si Raikko kahit magkaharap lang yung upuan namin.
“Bakit andito yan?”
“Malay ko” reply naman niya.
“Dex, pwera biro. Kunyari lang ah manliligaw kami sayo ngayon, si Cody, si Ryan at ako. Sino yung sasagutin mo?” tanong ni Raikko.
“Ayoko sa inyo”
“Katuwaan nga lang eh”
“Wala nga”
“Kunyari nga lang, tatlo lang yung pagpipilian mo”
“Edi kung sino yung makakapunta ng Madrid edi yun na”
“Naka naman, bukas na bukas din mahal magbo-book na ako ng ticket. Kasado na rin pati honey moon ano ayos ba?” banat ni Raikko.
“Asa pa tong fuck boi na to. Basta makapal ang kilay, fuck boi yan”
“Baka pwede ko nang hingin yung kamay mo sa Tatay mo?” banat ulit ni Raikko.
“Goodluck, yung iba nga diyan takot sa tatay ko. Ikaw pa kaya?”
“Ibahin mo ko”
“Si Cody yung gusto ni Tito Drake” saad naman ni Kayla kaya natigilan kaming lahat. Tinitigan namin si Cody, dahil sa hiya ay nilagok niya lahat yung laman ng bote niya kaya tinawanan namin ito.
“May naisip akong pakulo ngayong gabi, mag-Mannequin Challenge kaya tayo” suhestiyon ni Aries.
“Eh sinong tiga-video?” tanong ko naman.
“Ako nalang” pagpipresenta ni Neil.
Ginawa nga namin, plinano muna namin kung ano yung story line, ilang scenes & frames. Matapos nun ay nagsimula na kaming mag-shoot. Nagtataka yung mga nakaka-panood sa amin noon, pero nung nagets nina Ate, Mommy at Dad ay nakisali rin sila – mga panggulo. Sumali narin sina Kuya Aki, at yung Mommy at Daddy ni Kayla. Gusto ko yung moment na nakayakap si Kuya Aki sa akin ng matagal tapos yung reaction nina Aries at Greta ay nakakatawa. Andun din yung binuhat ako nina Ryan at Cody, Sumampa ako sa likod ni Raikko. Yung nilift namin ng matagal si Kayla. Di ko inaasahan yung ending nun, niyakap ako ng mahigpit ni Santi. Antagal nun, di kami pwedeng gumalaw. Pero nung matapos dumaan yung Video sa amin ay nagsalita siya. Ramdam ko rin na umiiyak na siya noon.
“Dex, I’m so sorry. I shouldn’t have let you go”
Kumalas na ako saka ko siya nginitian. Nag-sigalawan narin yung mga participants doon. Iniwan ko si Santi dun at nagtungo sa loob ng bahay. Sinundan pala ako ni Cody.
“Ok ka lang?”
“Oo naman”
“Yung totoo?”
Nagbuntong hininga muna ako. Yumakap nalang ako sa kanya. “Hindi, I’m still not over him. On the process parin yung pagmomove-on ko diba. Tapos magpapakita siya ngayong gabi at sasabihin niyang I shouldn’t have let you go”
“Gusto niyang bumalik sayo?”
“Di ko alam”
“Why not give him a chance?”
“Teka nga lang, diba sabi mo gusto mo ako? Bakit sa pananalita mo ok lang sayo na bumalik ako kay Santi”
“Dahil gusto kitang maging masaya. Ganun yung totoong pagmamahal Dex. Ibibigay mo sa mahal mo yung magpapasaya sa kanya. Kahit pa ibig sabihin nito ay mapalayo siya sayo.”
“Di kita gets”
“Basta, mage-gets mo rin ako”
Yumakap ulit ako sa kanya. “Ikaw na ngayon yung boy bestfriend ko”
“Mami-miss kita”
“Ako din naman”
“May gagawin ka ba bukas ng gabi, aayain sana kita sa gig namin. Hayaan mo ipagpapa-alam kita kay Sir Drake”
“Sige ba”
Pagbalik namin ni Cody dun sa party ay agad akong nilapitan ni Santi at hinawakan ako sa braso.
“We need to talk, I will not let you go”
Di ako umimik at inalis ko yung pagkaka-hawak niya sa braso ko.
“Diba walang iwanan? I will not let you go” tinitigan ko lang siya.
Yumakap siya sa akin at naamoy ko na yung alak sa kanya. “Mahal parin pala kita, so please stay”
“Lasing ka na Santi, umuwi ka na”
“No, I’m not drunk. What the fuck Dex, mahal parin kita”
“Pre” pag-aawat ni Cody pero pinigilan ko. Kinuha ko yung kamay ni Santi saka kami lumabas ng bahay. Akmang lalapit siya sa akin at hahalikan ako sa labi ng bigla ko siyang sapakin. Putok ulit yung labi niya.
“Tang ina mo, matagal ko na sanang ginawa sayo yan gago ka. Alam mo ba kung ilang beses mo akong pinagtabuyan ha? Ilang beses akong naki-usap noon sayo, pabalik balik ako sa bahay niyo noon para lang maayos yung relasyon natin. Nilunok ko yung pride ko, yung katinuan ko isinantabi ko na just to win you back. Gusto ko akin ka lang, pero ano ginawa mo?  Paulit-ulit mong pinamukha sa akin na I’m not good enough, hindi ako yung partner na hanap mo. Dahil may nahanap kang better version ko. Yung kayang makipag-sabayan sayo, yung handang higitan yung pag-ibig ko. Santi kung tatanungin mo ako kung mahal parin kita – OO tang ina mahal parin kita”
“Come back then, please don’t go. Please I love you”
“I’m trying to unlove you Santi. I’m trying my very best to teach my heart to forget you. That’s why I’m leaving this country to gain new happy memories. Masyado akong na-attach sayo, binigay ko yung puso ko. Binuhos ko ng buong-buo yung pagmamahal ko, pwes ngayon. Binabawi ko na Santi. Null & void na yung rights mo sa puso ko. At simula ngayon wala ka nang karapatan pang saktan ako”
Lumuhod siya sa harap ko at yumakap sa mga binti ko. “I’m so sorry, please give me another chance. Please naman oh” iyak na siya ng iyak noon. Pinatayo ko siya saka pinunasan yung mga luha niya. Hinawakan ko siya sa pisngi niya at tinitigan sa mata. Napapikit siya ng halikan ko siya sa noo.
“Dex?” banggit niya.
“Everythings gonna be alright Santi, ok? Uwi ka na muna, mahalin mo si Neil Justin. Iparamdam mo sa kanya yung pagmamahal na deserve niya”
“Dex, he broke up with me”
Nginitian ko nalang siya. “Sorry”
“No ako dapat ang mag-sorry”
Wala kaming imikan, kaya naman tinawagan ko si Raikko at naki-usap na ihatid na si Santi sa bahay nila. Matapos maihatid ni Raikko si Santi ay kinausap niya ako.
“Mukhang dibdiban yun ah, may closure na?”
“Hiwalay na sila?”
Ngumiti si Raikko.
“Alam mo?” tanong ko.
Tumango lang si Raikko.
“Wait, may kinalaman ka ba sa break-up nila?”
“Wala no, remember the time na pinuntahan natin siya para ibigay sana si Mandi?” I just nod. “At nung tinanong ko kung si Santi ba yung natutulog sa kama niya pero sabi niya pinsan daw niya?”
“Oh ano?”
“Yung pinsan ko yun, si Jace. Nag-aaral sa Xavier yun, eh kiss & tell din yung mokong na yun. Matagal narin palang may ganap sa kanila. At alam mo ba kung bakit kay Santi at Jace kumapit si Neil?”
“Bakit?”
“Para mapalapit sa akin, ako yung type ni Neil. Matagal na siyang nagpaparamdam sa akin. First time ko siya makita nung debut ng common friend namin na si Aina. Dumada-moves na siya noon pero di ko talaga siya type. Kaya ayun, naging desperate kaya si Santi ang napagbalingan, tapos si Jace”
“Poor Santi”
“Sabi ko nga sayo eh, tanga niya sinayang ka niya. Eh ako nga antagal nang pomoporma walang pag-asa”
“Gago to. Ikaw kaya boy bestfriend ko”
“Sabi mo yan ah, pero pupuntahan kita dun sa Madrid. Papakasal tayo sa Sagrada Familia”
“Sa Barcelona yun tanga”
“Eh basta Espanya”
Tumawa nalang kami. Natapos din ang party at nagsi-uwian na yung mga bisita. Inaalala ko parin yung inasal ni Santi, quits na kami ngayon. Kaya move on na.
Kinabukasan ay sumama nga ako kay Cody sa gig nila. Pinakilala niya ako sa Tatay niya. Dun pa ako lalo humanga kay Cody, ang galing niyang mag-gitara at mag-drums. Tapos nung kumanta na siya ay parang tinatangay niya ako sa ibang dimensyon. Tutok na tutok ang kanyang mga mata habang binibitawan ang bawat lyrics sa kanta ng Coldplay.
“Tell me you love me
Come back and haunt me
Oh and I rush to the start
Running in circles, chasing our tails
Coming back as we are
Nobody said it was easy
Oh it's such a shame for us to part
Nobody said it was easy
No one ever said it would be so hard
I'm going back to the start”
Hinatid pa niya ako sa bahay namin, at nung time na yun ay pinapasok ko muna siya. Pinaunlakan niya naman ito. Binigay ko sa kanya yung lumang phone ko na di ko na ginagamit tapos yung laptop ko na luma dahil di ko naman na yun madadala.
“Sobra na to Dex”
“Tanggapin mo yan para regular tayong magkamustahan, makakatulong din yan sa studies mo. Wag ka lang magda-download ng porn palagi”
“Gago”
Niyakap na niya ako saka nag-paalam.
“Mag-ingat ka Constante”
“Ikaw din, mami-miss kita. Balik ka ah”
“I will”
---
Nobody said it was easy
No one ever said it would be so hard
I'm going back to the start
---
Pinilit kong maging bakal ang puso ko, di ko naman alam Magnet yang sayo. Kaya ayun na-attract ako, kapit na kapit at dikit na dikit. Kaya nung nawala na yung spark sa ating pagitan, ay naiwan akong hingalo at luhaan.
Santi you make me feel alive when I met you. But you killed me when you broke my heart in pieces. 
Nagmahal, nasaktan, di makamove-on.
Di pa nakakamove-on.
Walang balak magmove-on.
You can’t just obliviate a heart that fell in love with an adorable guy. Kung pwede lang i-obliviate, ginawa ko na.
Pumunta ako ng Madrid na dala-dala ang puso kong pira-piraso. Masyadong madrama yung airport scene. The day before the flight at pumunta pa si Santi sa bahay para maki-usap na mag-stay ako. Naka-suot siya noon ng buzz lightyear na t-shirt, aquamarine colored short at beanie. Yung t-shirt na yun ay regalo ko, kasi akala ko noon ay to infinity and beyond kami. Napansin ko rin na suot suot niya yung kwintas na bigay ko. I saw him crying, umangal siya nung binawi ko na sa kanya yung kwintas. Sinabi ko na masyadong mahal iyon para lang mapunta sa maling tao. Sinabi niya na gagawin niya ang lahat just to win me back. Sinabi niya rin na hahanapin niya ako saan mang sulok ng Europa, makuha lang muli ang tiwala ko at ang puso ko. But I told him not to. I told him to seek for his one true love. Yung bibigyan siya ng normal na buhay at pamilya. Bibigyan siya ng mga little Santi.
“Santi binabawi ko na yung puso ko. I’m bringing it with me in Madrid. Thank you Santi, but goodbye”
Hinatid ko nalang siya ng tingin noon. And that was the last time I saw him, the last time I heard his voice.
Ang hirap kong nag-adjust ng makarating kami sa Madrid. At nang dumating kami ay medyo malala narin ang lagay ni Grandma Benie. Parang kami lang ang inaantay niya talaga. 3 weeks ang nakakalipas ay tuluyan na siyang binawian ng buhay.
I started schooling, and I took up European Languages. Nag-enroll din ako sa mga Art & Dance courses para naman may pagka-abalahan ako. Kumuha rin ako ng part time job kahit ayaw nina Mommy. Nagpumilit ako dahil gusto ko matutunan ang maging independent. Ganun kasi karamihan ng mga Pinoy sa Europa. Kabi-kabila ang mga trabaho, hindi pwede ang petiks. Wala silang kinikilala kahit na degree holder ka pa. Kundi ka nag-aral dun ay bale wala yang degree mo kahit na Magna cum Laude ka pa. Inaral ko yung pamumuhay dun at talaga namang ibang-iba sa naka gisnan ko. Mas open din sila sa mga gender orientation at mas liberated ang mga tao. Meron pa nga akong napuntahan na beach noon na kung saan ay pwede kang mag all out without any malice.
Mabilis na lumipas yung oras, unti-unting nakalimot yung puso ko. Days turned to weeks, then months hanggang sa years. Naging ok na yung Spanish ko, natuto na ako ng German at iba pang lenggwahe. Mas gumaling narin ako sa pag-drawing. Until nag-try ako sa AA at pinalad naman na makapasok. Umuwi sina Dad sa Pilipinas after a year at ako naman ay lumipat ng London para dun na mag-aral ng Architecture.
Sa duration na yun ay never akong pumasok sa anumang relasyon. Though di maiiwasan ang flings or hook ups. Never akong nagseryoso sa relationship. Ayoko sa commitment dahil takot akong mapunta nanaman sa maling tao. Takot akong masaktan at maloko muli.
Panay ang kamustahan namin nina Kayla at halos araw araw kung magchat kami. Going strong sila ni Neil. Marami narin ang nagbago sa kanila at sa tuwing magkwe-kwento siya tungkol dun sa Ex ko ay inaawat ko siya. Dahil hanggat maaari ay ayoko na makarinig ng kahit ano sa kanya. Madalas ko din ka-chat sina Constante at Raikko. Cody is now pursuing Greta, Aries & Andrew ay opisyal nang mag-jowa. Rachel & Ryan is back in each others arms at na-meet ko sila months ago dito sa London. Si Raikko naman ay dating gawi, pabago-bago ng girlfriend at parang di pa niya nakikita yung katapat niya. I just heard from him na lalake pala yung new partner niya. He’s taking business course at abala rin sa kumpanya ng Daddy niya. Cody is now in his 1st year sa Aviation school at scholar siya ng Daddy ko. Nasa College narin sina Kayla taking up Accountancy parehas sila ni Aries. Greta is taking up Tourism. Nadulas naman si Kayla nun at nagsabi ng mga info tungkol sa ex ko. Well I don’t care, kahit tumakbo pa siyang Presidente ng Pilipinas o magpasagasa sa EDSA. May girlfriend na din daw siya, pinakita ni Raikko sa akin minsan sa chat yung pic nung girl at talaga naman na maganda. Mukhang modelo yung babae kaya perfect sila. And by the way, pinsan ni Raikko yung si Dianne na girlfriend na ngayon ng Ex ko.
At ako? Ganito parin, ako parin yung Dex Armand na kilala ng lahat. Zero sa lovelife.
Dahil nga, nagmahal, nasaktan, natuto, nag-Madrid, nagseryoso sa pag-aaral at ngayon nga ay malapit nang maging Arkitekto.
Itutuloy….
Author’s Note:
Hi KM Nation, it’s me. Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng nagbasa at tumangkilik ulit ng stories ko. Maraming nagulat na may Book 2 pala ang Little Mix’s Tape, you should thank Kench977 for that dahil he somewhat convinced me to write again considering my busy sched balancing my work plus those brain draining time to read so many articles & case decisions & other school stuffs. I dedicate this story to all millenials out there who at the young age tends to be hopeless romantic just like me, mga biktima ng heartbreak, malamig ang pasko at itim ang kulay ng damit sa Valentines. To the likes of Lord Iris & Bobbylove, to all my avid readers this is all for you. And even to Kier Andrei & J.S, who I look up to with regards to creative writing. Gusto ko lang ding sabihin na yung pinasa kong story nung December (A PEP-pery Christmas Carol) was a story I penned based on the narrative coming from a random “friend”. He asked me to write his story at ipasa ko dito. Totoo siya, nangyari siya in real life, though may mga parts na eksaherada at binago ng konti para mas intense at para narin malihis yung identity ng mga tauhan. May nagsabi kasi sa akin na may kaparehas siyang confession dun sa FEUSF Page. Back to this! Siguro, bibitinin ko kayo sa Chapter na to because I’m really pre-occupied right now. Medyo mahirap pagsabayin ang pagiging hands on sa construction plus schooling plus writing – NKKLK. Sa mga nag-aabang ng karugtong ng One in a Million Chances, malapit na po under construction na siya. A Beautiful Disaster Book 2 (Beautiful Redemption) is on its way, yun ay kung ipopost siya ng admin ng blog na to, it’s their prerogs parin naman. Patuloy nating suportahan ang blog na ito and believe in the power of our imagination. Thank you KM for serving as an outlet for the creative expression of emotions coming from the deepest valve of the writers’ heart. Namaste! Love all kinds of love.
Always…
Zee…  

No comments:

Post a Comment

Read More Like This