Pages

Sunday, February 26, 2017

Acid Town (Part 2)

By: Mhei

Marami pong salamat unang-una sa KM admin sa pagpost ng kwentong ito.  Akala ko nung una ay di na mailalabas sa website na ito. Nagpapasalamat rin ako sa nakabasa at naka-appreciate ng kwento especially si Ronnie23. Inuulit ko po isa po itong adaptation ng Manga series na sinubaybayan ko at di ko pag-aari. Isinalin lang sa panulat at wikang tagalog. Nawa'y magustuhan nyo ang Part 2.

Yuki’s POV

Nandito ako sa pribadong kwarto katabi lang ng opisina ni tatang. Hahaha! Hindi naman sya mukhang uugod na matanda si Mr. Salvador Gusto ko lang syang asarin. Kaso wa-epek sa kanya. Lagi syang seryoso at palaging blangko ang mga reaksyon. Sa edad na mid-30’s ay matikas pa rin sya at napakadesente tingnan sa amerikana niyang suot. May balbas sya ng parang sa kambing kaya minsang tawag ko sa kanya Tatang Kambing. Hehehe!

“Hoy! Bata tumira ka na. Tatlongpu minuto na kaming nakatanga sa iyo.” Bulyaw ng kanang kamay ni Mr. Salvador. Buong oras nakatayo sa likod ng kanyang amo.

“Hoy! Tatang Matsing. Manahimik ka at hindi ako makapag-isip.” Pasigaw kong balik sa kanya. Mukha kasi syang unggoy kaya naaasar ako sa kanya lalo na kapag nagbubunganga na sya.

Maalam naman ako maglaro ng chess dahil naturuan ako ng aking yumaong ama kaso lagi akong talo. Para syang tatay ko sa galing mag-chess at naalala ko siya sa kanya.

Nabo-boring na talaga kaya sa asar ko hinampas ko lamesita na kinabagsak ng mga piyesa.

“Ano ba talaga intensyon mo sa kin?” Pasigaw ko kay Mr. Salvador.

“Aba’y bastos ka talagang bata ka! Pasalamat ka ayan pinapagawa ni amo sa iyo sa kabila ng panggagago nyo sa amin.” Pasigaw rin sabi ni Tatang Matsing. Samantalang si Mr. Salvador ay prente parin nakaupo at nakatitig sa akin.

“Alex, shus…” Pagsaway ni Mr. Salvador sa kanyang tao. “Mukhang di mo pa rin alam kinalalagyan mo, bata.” Balik atensyon nya sa akin.

“Hanggang kailan kailangan gawin mga walang kwentang bagay na ito, Tatang Kambing?”

“Hanggang magsawa ako kaya ngayon wala kang mapagpipilian. Wala mang kwenta sa iyo, nasa akin pa rin ang desisyon. Naintindihan mo ba?”

“Bwisit.” Wala ako magawa kung hindi bumalik sa kinauupuan ko. Inayos na ni Tatang Matsing ang natumbang piyesa.

“Tatlong beses ko nang tinutupad kasunduan natin at tanging ginagawa natin ay maglarong chess.” Tumira na ako. “Kung may balak ka pang patayin ako, gawin mo na.”

“Bakit hindi ka na lang maglaro ng maayos?” Si Mr.Salvador na agad tumira. Nabasa niya yata diskarte ko. Kaasar.

“Ito ba talaga gusto mo Tatang Kambing? Pwede ka naman kumuha ng tao sa labas para yayain mo makapaglaro. O di kaya mga tauhan mo. Bakit ako pa? O baka naman may binabalak ka sa kin.”

“Hindi mo talaga alam ang salitang takot, bata? Kung ibang tao ang nasa kalagayan mo baka nanginginig na sila. Sabagay, ayun naman talaga ang gusto ko sa iyo noong una pa lng kita nakilala.”

“Ano ba pinagsasabi mo?” Nainis na talaga ako at nabigla sa huli niyang sinabi. Agad ako tumayo. “Ayaw ko na. Talo na naman ako sa laro kaya mauna na ko.”

Nag-walkout na ko. Padabog kong isinara ang pintuan.

“Hoy. Hindi pa tapos laro ninyo.” Rinig ko galing kay Tatang Matsing. May balak pa yatang habulin ako pero parang pinigilan na sya ni Mr. Savador.

Binilisan ko takbo. Bumabalik sa alaala ko ang gabing iyon kung paano napasok ako sa ganitong kasunduan.

Sa isang madilim na silid…

Nakagapos kami ni Kent at iniinda ang sakit sa buo naming katawan.

“Kailangan ninyo ba talaga ng pera? O laro-laro ninyo lang ito, mga bata?” Tinig ng isang lalaki sa aming harapan. Mahinahon ngunit nababakas ng galit. “Pasalamat kayo at may gana pa kong pakinggan sa mga sasabihin nyo.”

“Patayin mo na lang kami.” Nakaipon ako ng lakas para makatayo at tangkaing lumapit sa kanya. “Hindi namin kailangan awa mo.”

“Yuki, huwag!” Si Kent na pilit rin tumayo para pigilan ako.

“Pasabugin mo mga ulo namin. Total, madali lang naman sa iyo yun. Hindi ba?” Sa isang iglap naramdaman ko na lang na nkabagsak na ko sa sahig at ramdam ang sampal sa kaliwa kong pisngi.

“Yuki!”

“Sa mga hampas-lupa na katulad ninyo, hindi nyo alam kung sino at ano ako.” Nagsimulang naging tense boses ng lalaki. “Ok na sana… kaso nagbago na isip ko.”

May binunot niya ang baril na nakaipit sa kanyang sinturon at itinutok sa akin.

“Kung gusto nyo talaga mamatay. Pwes, pagbibigayan ko kayo. Tama ka bata madali lang sa akin ang patayin kayo.”

“Huwag ninyo siya pansinin. May sakit ang nakakabatang kapatid niya at kailangang dalhin sa hospital” Biglang hinarangan ako ni Kent.

“Nangaingailangan kami ng pera. Napag-alaman namin na may pera nakatago sa inyong opisina at may mga araw na madaling lusutan ang security.”

“Ano pinagsasabi mo? Gago ka!” Bulyaw ng isa pang lalaki.

Tatangkaing sana lapitan kami pero napigilan siya ng mga kasamahan niya.

“Tingnan ninyo!” Si Mr. Salvador na may sarkastikong ngiti st bumalik na sa pagiging kalmado. “Madali lang naman ang hinihingi ko sa inyo. Ngayon alam ko na kung bakit kailangan ninyo ng pera.”

“Putek!” Bulong ko kay Kent.

“Yung pera na kailangan niyo, ibibigay ko sa inyo.”

“Pero amo. Parang sobra na yata yun.” Hindi pagsang-ayon ng tauhan sa kanya.

“ALEX…” Nagtaas ng boses ang lalaki. “…baka naalala mo na hindi mo nagawa ng mabuti ang trabaho mo. Hindi ka ba nahiya na muntikan malusutan ng mga bubwit na ito.”

Nanahimik na lng ang isang lalaki dahil sa pagpapahiya sa kanya.

“Hindi mahalaga kung gaano kahirap ang buhay, nasa sa iyo kung paano mo ito babaguhin. Kung aabante ka o babalik ka sa pinanggalingan mo.” Hindi ko alam kung ano gustong ipahiwatig ng taong ito ngunit tumatak ito sa aking isipan. “Mamili ka…”

“Ano kapalit?” Alam kong mga katulad ay may hihinging kapalit sa lahat ng gagawin niya at handa ko itong ibigay, anuman ang hingin niya.

“Isang beses isang linggo bumalik ka dito nang mag-isa.” Nakatingin siya sa kin. “Sabihin na lng natin na unang trabaho mo sa akin ito.”

“Yuki…” Pag-aalala ni Kent.

“Huwag kang mag-alala. Para kay Jun...”

Nakita ko na lang sarili ko sa tabi ng kalsada patungo sa aming apartment. Sa pagbabalik-tanaw ko, hindi ko napansin na nakalayo na ko sa opisina ni Mr. Salvador.

Hindi ko talaga siya maintindihan. Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Sa inis ko pinagbugtunan ko ng galit ang basurahan at pinagsipasipa ko ito hanggang sa matumba at kumalat laman na ito. Iba siya sa lahat ng nakilala ko.

Kinabukasan…

Kent’s POV

Sa Faust Food. Kainan ito napagmamay-ari ng magkapatid na Sofia at Rico. Sila rin ang nagmamay-ari ng apartment na tinutuluyan namin ni Yuki. Napakabait at maunawain sila kaya napalapit na kami sa isa’t-isa na para bang magkakapatid na kami…

“Yuki, parang ginabi ka na ng uwi.” Si Kuya Rico.

“Oo nga.” Si Sofia, ang nakakabatang kapatid, dala-dala ang aming inumin. “Kaya pala ang isa dyan mag-isang umuwi at namamaktol.”

Grrr… Bwisit talaga ang babaeng ito. Kahit kailan di mapigilan ang bibig.

“Part-time job lang Kuya Rico.” Si Yuki habang sinusubo ang pagkain.

“Whoa!” agad na lumuhod si Kuya Rico at kinuha dalawang kamay ni Yuki. “Alam ko nahihirapan ka na dahil sa kalagayan ninyong magkapatid. Kung kailangan mo ng makakausap nandito lang ako. Handa kaming tumulong kapag nahihirapan ka na.”

Kita sa mukha ni Yuki ang pag-aalangan samantalang, papalapit mukha ni Kuya Rico sa kanya.

“KUYA RICO!” Sabay na sigaw namin ni Sofia.

“Bakit? Ginagawa ko lang naman tungkulin ko bilang landlord niya.” Pagdepensa ni Kuya Rico

“Kadiri ka Kuya! Ang manyak mo. Subukan mo lang hawakan ang dulo ng buhok ni Yuki, makikita mo. Magkakalimutan tayong magkapatid.”

“Waaa… Kapatid ko tinawag akong manyak. Huhuhu”

Sanay na kami ni Yuki na makita kapatid na nagtatalo.

“Sofia, Kuya Rico, maraming salamat” Si Yuki nakangiti. “Hindi naman talaga siya malaking isyu sa akin”

Kumpleto na naman ang araw ko. Basta makita ko lang na ok si Yuki…

Kent’s POV

Patungo kami ni Yuki sa hospital para bisitahin si Jun…

“Nakakatuwa tlaga si Kuya Rico at Sofia. Ang swerte natin nakilala natin sila. Sa totoo lang, gusto ko sila.”

“Ha!” Nagulat ako sa sinabi niya.

“Ibig kong sabihin, gusto ko kayo. Si Sofia, si Kuya Rico, Ikaw. Dati, si Jun lang ang mayroon ako. Sa totoo lang, noong kinupkop mo kami ng kapatid ko, utang ko na sa iyo buong buhay ko.”

“Hindi, pre. Ako naglagay sa iyo sa kapahamakan”

“Masyado kang nag-alala. Kung si Mr. Salvador tinutukoy mo at pagtutulak natin, kaya pa naman. At saka si Tatang Kambing, tinutupad naman ang kasunduan.”

Basta pagdating sa kapatid niya, gagawin niya ang lahat. Ibang klase pinapakita niyang katatagan at katapangan.

“Oh pre, ano tinatayo mo pa diyan? Iiwanan na kita”Si Yuki nakalingon sa akin.

Tatlong taon na ang nakakalipas nang makilala ko siya. Madungis at nasa nakakaawang kalagayan, payat, karga-karga ang bata na iningat-ingatan niya. Kung ano sya noon ay wala akong ideya…

ITUTULOY…

No comments:

Post a Comment

Read More Like This