Pages

Monday, February 26, 2018

Cold Beer Henry

By: Dream Catcher

Some resort in Tagaytay:
Alas nuwebe ng gabi ng maisipan kong mag-swimming, topless, swimming trunks lang ang suot.
Ibinabad ko ang aking paa at naramdaman ang napakalamig na tubig, but too late to back out.
First, gusto kong pagurin ang sarili ko sa paglangoy.
Second, I don't a give a shit anymore.
Third, gusto kong malunod.
Natapos ko na ang siyam na laps sa swimming pool, ramdam ko na ang pagod pero di parin ako tumigil para sa ika sampu. Halos di ko na maramdaman ang lamig ng tubig. Huminto ako malapit sa hagdanan at umupo, habang nakababad parin ang katawan. Tumingala ako sa langit, pinagmasdan ang mga bituin, at pinikit ang aking mga mata.
Pinakikinggan ko ang alon ng tubig, ang mga dahon ng puno na sumasabay sa hangin, at ang yapak ng taong papalapit sa akin.
"10 laps in total, empressive" bigkas ng lalake, pero di ko binubuka ang aking mga mata upang tingnan sya
"Dude~ Just stay away..." mahinahon kong sambit
"Sorry,what~~?" minulat ko ang aking mata at nakita ang mukha nyang nakatingin ng diretso sa akin
"Leave me be~~" at pinikit muli ang aking mga mata
"No, I won't. Mukha kasing may plano kang magpakalunod." umupo sya sa gilid ng pool at binabad lamang ang kanyang mga paa

Nagulat ako sa sinabi nya, and without realizing, napaluha ako. Alam nyo ba yung pakiramdam na parang ang lungkot nyo pero ang hirap ding ipaliwanag. Ba't ka ba malungkot? Ba't pagod na pagod ka? Ba't parang ayaw mo na? I cried and cried, hanggang tinabi nya ang isang malamig na bagay sa pisngi ko.

"Cold Beer, for this fucking cold night" binuksan nya ito para sa akin
"Sorry, pagod lang ako" Umupo ako ng maayos at sa unang pagkakataon tiningnan sya

Nakababad ang paa nya sa tubig, nakapatong ang isang kamay sa tuhod, nakatingin sa langit habang iniinom ang kanyang beer. Naka white shirt sya at beach shorts. Mahaba ang kanyang buhok, hanggang balikat, matangos ang ilong, at mapupungay na mata. Alam mong matangkad sya.
"You know, nights like this makes us vulnerable? Vulnerable to the point of breaking." Lumingon sya sa direksyon ko at tinitigan ako sa mata, light brown and kulay neto na tila hihigupin ka
"I just proved that infront of you. Look at me, I'm a mess" at tumawa ako ng mahina
"Hindi ko tatanungin kong anong nangyayari sayo, dahil sa malamang di mo din alam"

How? How could a stranger know exactly how I feel? Panong parang mas kaya nya pang ipaliwanag ang nararamdaman ko kesa mismo sakin? How could our thoughts be so aligned?

"Just drink your beer already, it's better when its cold" sabay lapit ng beer nya para mag toast
"Thanks for this~" Di ko ni minsan inisip na kelangan ko ng tao sa tabi ko, hanggang sa dumating nalang sya at kahit papaano napagaan ang nararamdaman ko "Just ... thanks~"
"After we're done drinking these six cans of beer, I'd like you to be out of the pool, clean yourself up, put on some comfortable clothes, and just sleep the night away. Just rest, so tomorrow you'll be fine." seryoso nyang sabi

Sense of comfort, that's what he gave me. Mga salitang di mo inisip na kakailanganin mo. Mga salitang ni minsan di sinabi ng iba sayo.

Kaya yun nga ang ginawa ko.

Di na kami nag-usap matapos nung sinabi nya. Ininom namin yung anim na beer, at tuluyan nang umalis sa pool. Sya ang kumuha ng towel ko na nasa upuan at binalot ito sa akin. Nagulat ako sa ginawa nya pero hinayaan ko lang, alam ko kasing it's his way of comforting me, and a way of telling me that everything's gonne be fine.

Nakatulog ako nang maayos, much better than what I expected, tinanghali pa nga ako. Sinubukan ko syang hanapin kaso di ko na nakita pang muli kasi oras na nang pagluwas ko pa Maynila. Inisip kong isa lang syang alaala, isang magandang alaala sa Tagaytay na balang araw makakalimutan ko rin.

It's been months simula nung mangyari yun, pero parang halos bumalik lahat ng alaala ng muli ko syang makita. Nakaupo sya sa isang bar, drinking, maraming babae't bakla ang lumalapit at tumatabi sa kanya pero di nya ine-entertain. Matagal ko din syang sinubaybayan, pero di ko nilapitan. Nakita kong lumabas sya sa bar, sumunod ako sa likod nya at nakita ang pag-upo nya sa labas ng seven-eleven. Medyo may tama sya, yun ang alam ko. Di padin ako lumapit sa kanya at pumasok sa loob ng seven-eleven.

"So I bought beer, and noodles" sabay latag nung dala ko sa harap nya. "Di ko alam kong anong mas kelangan mo sa dalawa, kaya sinabay ko na."
"You do know what I need"  sabay abot nya sa beer at dinikit eto sa pisngi nya "cold~" nakangiti nyang sinabi "but I need this now" sabay turo sa noodles
"I'll have the beerinstead" sagot ko, at inabot nya ang beer na nakadikit sa kanyang pisngi

Again, we sat there, no words, just a night full of stares, nods, and smiles. Alam kong may iniisip sya, malalim, seryoso, at mukhang eto ang naging dahilan kung bakit sya umiinom. Alam ko ding ayaw nyang pag-usapan ito kaya't hinayaan ko nalang at sinamahan sya hanggang sa unti-unti syang naka recover sa kalasingan nya.

"Pwede ba kitang ihatid sa inyo?" tanong nya
"May dala din akong kotse" sagot ko
"Can you leave it, kahit ngayon lang?" mahinahon nyang dugtong "Or can you take me home, instead?"
"You're quite drunk kaya ako nalang maghahatid sayo" at tumayo sya, hinawi ang kanyang buhok at nagsimulang maglakad

Nasa likod ko lamang sya, ilang beses kong sinubukang sabayan sya sa paglakad, pero sinasadya nyang magpa-iwan sa likod hanggang umabot kami sa sasakyan ko.

"Do you wanna sit beside me, or you wanna lay down at the back?" tanong ko
"I just... well... I just..." parang di nya alam ang sasabihin nya at nauutal sya. "I'll seat beside you"

Pumasok sya at umupo, shotgun, at sinabihan ko syang mag seat belt pero di nya ginawa

"Can you do it for me instead?" pagsusumamo nya
"You are weird.... fine" kaya lumapit ako sa kanya at ako ang nagseatbelt sa kanya
"You smell good" at ngumiti sya

Napangiti nalang din ako at di na muling pinansin ang sinabi nya.

"San ka ba nakatira?"at nakita ko nalang syang nakatulog. Ilang beses kong sinubukang gisingin pero ayaw talaga.

Nag drive ako, at dinala kung saan alam kong ligtas sya.

Nagising at sya at isang malaking "Good Morning Ijo!" ang natanggap nya kay Mama.

"Nagising ka on time, ready na ang almusal" nasa lamesa na ang buo kong pamilya, si Papa, Mama, Ate, at ang bunso naming lalake
"Kuya, kain napo" nakangiting sinabi ni Kenneth, bunso namin.

Umupo sya sa tabi ko at pinanlakihan ako ng mata. Habang kumakain nakangiti sya, halatang nag i-enjoy sa pagkain. Sila Mama naman nakatutok sa kanya habang sumusubo sila.

"Henry, Ijo, are you alright?" tanong ni Papa sa kanya
"Po? Yes Sir, ang sarap po ng pagkain" maligaya nyang tugon na nagpangiti kay Mama na syang nagluto
"My wife did that" proud na sagot ni Papa sabay akbay kay Mama
"Eeeeewww" yan ang sabay na tugon naming magkakapatid

Sabay kaming tumawa, kahit si Henry napatawa narin.

Natapos ang pagkain at nagpakilala sya sa pamilya ko. Nag volunteer pa syang maghuhugas pero di sya hinayaan ni Mama. Madali syang nakasundo ng aking pamilya, at pinagkukulit nila sa may sala.

Pumanhik sa kwarto at umupo sa kama habang naka sandal ang likod sa pader. Nakita ko nalang dahan-dahang nagbukas ang pinto at nakita ang ulo nyang unti-unting sumilip dito.

"Can I go inside?" maamo nyang tanong
"Of course" nakangiti kong sagot, parang bata kasing nagmamakaawa para sa isang candy
"Yes.. thanks" at pumasok sya at sinarang muli ang pinto "Am I wearing your clothes?" tanong nya
"Yep, sakin yan" seryoso kong sagot
"So... another question..." nahihiya nyang sinabi
"And yes, you are currently wearing my underwear too.." seryoso ko ding sagot
"ahhhhhh~~" di nya maipagpatuloy at umupo nalang sa tabi ko, sa ibabaw ng kama at sumandal din sa pader
"If you're curios, pinunasan din kita kagabi" at nanlaki ang kanyang mata at napatayong muli sa kama "It's fine, you saved me once. What I did still won't make us even"

Dahan dahan uli syang umakyat sa kama pero sa pagkakataong ito di na sya sumandal sa pader, humiga sya nakatingin sa kisame at ginawang unan ang aking legs.

"I still don't know your name tho~" seryoso nyang sambit
"Henry" sagot ko
"Seryoso?" gulat nyang sambit
"Henry, same as yours." nakangiti kong sagot
"Magkapangalan pala tayo? Awesome" natawa nyang sinabi dahil sa pagkamangha
"Nalaman ko nga name mo kasi hinalungkat ko yung ID mo, para may maipaliwanag naman ako kina Mama pag nagtanong. Ikinagulat ko rin yung pagkakaparehas ng pangalan natin" pagbabahagi ko
"Ba't mo nga pala ako dinali rito sa inyo, pwede namang sa kotse nalang, or sa may hotel, babayaran naman kita?" tanong nya
"Syempre inisip ko rin kung saan ka mas magiging safe, and I thought of nothing else but home" bawi ko "And I know I can take care of you more if I bring you here" seryoso kong dugtong

Nakita ko ang pamumula nya pero hinayaan ko lang habang patuloy ako sa pagbabasa ng libro ko.

"You know what, last night, nung dumating ka dala-dala ang beer at noodles at bigla mo akong sinabihang di mo alam kung anong mas kelangan ko....." at hinawi nya ang libro na hawak ko upang matitigan ako sa mata "I'm at the verge of saying .... Mas kelangan kita"

Di ko alam ang dapat ko maging reaksyon kaya't kinuha ko ang libro ko at tinakip eto sa mukha nya.

"Ano bang pinagsasabi mo dyan?" pero di ko itatanggi, kinilig ako, at itinabon ko ang libro upang di nya makita ang pamumula ko
"But I'm serious tho...." di nya parin tinatanggal ang libro sa mukha nya. "I've been thinking of you. You were in my dreams, paminsan di ko alam kung magandang panaginip o bangungot, dahil natutuwa at nalulungkot ako. Natutuwa dahil alam kong naging mahalaga ka sa akin, natatakot dahil alam kong di na kitang makikitang muli."

Naramdaman ko nalang ang mga luhang dumaloy sa mata nya na dumaloy din sa legs kong hinihigaan nya

"Sorry for making your book wet, but please don't take it yet. I'll buy a new book for you, just don't let me feel the shame of you seeing me cry" nanginginig nyang sinabi "I'm not even sure if you'll like me. I'm not even sure if you're into men. I'm not even sure if all of these are real?" at napatigil sya "Fuck~ Am I dreaming?" at tinanggal nya ang libro sa mukha nya at nakita ko ang mata nyang pulang-pula sa pag iyak.

"Am I in a dream?" at napaluha syang muli, pinikit ang kanyang mga mata "Don't let me wake up. Lord, please don't wake me up yet.... please" at humagulgol sya.

Kung titingnan mo sya, napaka manly nya, matapang, malusog, masayahin, pero parang ibang tao ang nakikita kong umiiyak habang hawak-hawak ang kamay ko. Masasabi mong perpekto sya sa labas, pero tao rin sya, at marahil di nya lang mailabas sa iba nyang saloobin dahil akala nya walang makakaintindi sa kanya.

Umalis ako sa pagkakaupo ko at inilapag ang ulo nya sa kama habang patuloy padin sya sa pag-iyak. Pumaibabaw ako sa kanya, hinawakan ang magkabilang pisngi nya at sinabing

"I'm not really that into men, but I'm into you" at hinalikan ko ang mga mata nyang nakapikit sa pagluha "and this is not a dream... not a dream. You can open your eyes Henry" that's when he opened his eyes.

Yinakap nya ako at hinatak palapit sa kanya kaya niyakap ko rin sya. Nanatili kami sa ganung posisyon hanggang sa ang pagluha nya ay humantong sa pagtawa.

"Baka mapagkamalan mo akong baliw neto" tawang-tawa nyang sinabi
"You're quite crazy, but I love it. I love you" at sa unang pagkakataon hinalikan ko sya sa labi na gumulat sa kanya
"I think we're even now, you just saved me and my whole existence" at ako naman ang hinalikan nya

"Anak, I think you should lock the door" natatawang sabi ni Mama
"Yeah right! You should probably use this!" sabay turo ni ate sa door lock at sabay silang tumawa ni Mama

Nagulat kami at parehong napatingin sa pintuan, nanlaki ang mata namin.
Unang una, nakapatong ako sa kanya. Pangalawa, naghahalikan kami. Pangatlo, ni minsan di ako umaming nagkagusto ako sa lalake.
"Hon!" sabay tawag ni Mama kay Papa na nasa sala nanunood.
Sa kahihiyan dali-dali kaming tumuwid nang upo ni Henry sa kama at inaasahang mapapagalitan ni Papa
"Mukhang boyfriend yata to ng anak mo..." sigaw ni Mama
"Ma~" habang pinandidilatan ko si Mama at nagmamakaawa rin na di kami pagalitan
"Nako Henry, deny mo pa. Nakuhanan ko kaya ng video" natatawang sabi ni Ate

Dumating si Papa pumasok sa kwarto at tumayo sa harap naman. Tiningnan ako at si Henry..

"5 years contract, pag naghiwalay kayo, pagbubugbugin ko kayo" may kasama pang pagtaas ng kamao nung sinabi yun ni Papa "Tsaka kayong dalawa, sabay turo kay Mama at Ate, chismosa din kayo eh no? Labas, hayaan nyo yan mag honey moon!" at sabay sabay silang tumawa

"Ma!" sigaw ko
"Tito!" sigaw ni Henry at nagkatinginan kaming dalawa na nagpapula sa aming pareho

Pero lumabas na sila at sila na mismo ang nagsara ng pinto. Narinig kong nagtanong ang kapatid kong bunso kasi wala syang nakita, narinig ko ang sagot ni Ate "Mukhang araw-araw na magiging maligaya yung kuya mong malungkutin"... at ang sagot ni bunso "Yehey, happy na si Kuya Henry! Pero pano?"

Napag alaman ko nung unang araw kaming nagkita ni Henry sa resort, depressed din sya nun. Di nya din alam ang gagawin hanggang sa makita nya ako, at naisip na may mga tao pa sigurong mas nagdurusa kesa sa kanya at naisipang i-comfort ako, di para pagaanin lang ang nararamdaman ko kundi para pagaanin din ang nararamdaman nya. We found comfort from each other ika nya.
Ilang buwan rin daw nya akong hinanap kung saan saan, pero wala talaga syang alam kahit isang clue upang matuntun ako. Na late kasi sya nang gising kaya't di na kami nagpang-abot. Nagmakaawa rin sya sa hotel management na ibigay ang pangalan ko pero di talaga nila binigay. Kaya raw sya umiinom nung makita ko sya sa bar eh dahil sa lungkot, lungkot dahil di pa nya ako nakikita pang muli. Kaya pala kahit anong lapit nalang nung iba sa kanya eh di nya pinapansin. Sakto lang daw yung pagdating ko kasi akong ako yung kelangan nya. Tsaka yung naglalakad kami eh mas pinili nyang sa likod ko maglakad, dahil gusto nyang pagmasdan ang mga balikat ko, at ayaw nya ring mawala ako sa paningin nya.
Pinakilala nya ako sa Parents nya, at sinama nya pa si Ate at si Bunso. Naging maayos ang pagtanggap ni Tita sa akin kasi nakapag open-up na pala si Henry kay Tita pagkauwi-na-pagkauwi nya from Tagaytay. Medyo awkward pa si Tito pero unti-unti nyang tinatanggap kasi nakikita kong kahit papano sinusubukan nyang intindihin. Sa totoo lang mas madaling nakalapit ni Tito yung bunso kong kapatid kasi lagi syang kinukulit neto at hinahatak kung saan saan na ikinakatuwa nya rin naman, only child lang kasi si Henry kaya't may soft spot si tito sa mga bata.

Pinanagutan naman namin ni Henry ang five years contract namin kay Papa.

Ngayon magkahawak ng kamay si Mama and Tita, magkatabing nakatayo si Papa at Tito, at nakaakap si bunso kay ate habang nakatayo kaming pareho ni Henry sa harap ng altar.

"Henry, will you take Henry as your partner in life?~~"
Di ko na marinig ang iba... gusto ko lang sabihin
" I DO! I DO! I DO! HENRY I DO!"
*And we kissed
The End

No comments:

Post a Comment

Read More Like This