Pages

Sunday, February 4, 2018

Confused In Love Four (Part 5)

By: Akhi

Mackhoy: I take it that you've heard about what happened to Gab.

Aaron: *sigh* yan bang dahilan kung bakit nakipagkita ka sakin?

Mackhoy: What? You expect me na makipag kita sa'yo to have fun?

Aaron: So ano 'to? Kokonsensyahin mo ko about his death?! I didn't cause that. It happened as it was supposed to.

Mackhoy: You were a big part of it! If hindi mo sinira ang relationship ni Akhi at Gab all of this wouldn't have happened!

Aaron: So ngayon lumalabas ng katotohanan? You want to get close to me just for Cherry and Akhi to get even? Ganun ba?!

Mackhoy: You know what? I actually thought you could change. I considered na totohanin ang panliligaw ko sa'yo but I was wrong. You're awful and you deserve no one.

Tumayo si Mackhoy at iniwang nag iisa si Aaron. Hindi man lan sya lumingon. Then Aaron regretfully whispered to himself.

Aaron: So this is all my fault huh? Baka nga tama si Mackhoy. I deserve no one. This is what I have become. How did I even get this far?

After that, Aaron decided to leave the country. One month later lumipad sya papuntang Canada at doon nya ipinagamot ang kanyang ina.
.
.
.
Sa isang malayong kaharian may dalawang pusong nagmamahalan. Ang dating prinsipe na si Gabriel at ang prinsipeng si Akhi. Si Gabriel ay naulila na noong sakupin ng Haring si Gerard at Reyna Audrey ang kanilang kaharian at pinaslang ang kanyang mga magulang. Lingid sa kaalaman ng hari at reyna na sya ang prinsipeng hinahanap nila pagkat sya ay ipinagkatiwala ng kanyang mga magulang sa isang panday upang mailigtas ito sa kapahamakan. Lumipas ang tatlong taon at sya ngayon ay labindalawang taong gulang na. Isang hapon tumutulong si Gabriel sa kanyang amain na si Harold na magpanday.

Harold: Anak, magpahinga ka muna. Heto ang pera at bumili ka ng tinapay upang tayo'y makakain. Alam kong pagod at nagugutom ka na.

Gabriel: Salamat po ama. Sige po. Babalik din po ako agad.

Nagtungo sa nayon si Gabriel gaya ng utos ng kanyang amain. Pagkarating nya ay agad syang bumili ng tinapay at agaran ding nag lakad papauwi. Sa di inaasahang pagkakataon, may nakabangga syang isang bata. Si prinsipe Akhi. Nakasuot sya ng balabal upang hindi mapansin ng taong bayan na tumakas lang sya sa palasyo. Nahulog ang mga tinapay na binili ni Gabriel.

Akhi: Ipag paumanhin mo! Hindi ko sinasadya.

Nakayuko si Gabriel habang pinupulot ang mga tinapay.

Gabriel: Ayos lang. Hindi pa naman siguro ito marumi.

Nakita ni Akhi ang kasuotang basahan ng binata at ang sira nitong sapatos. Naawa sya dito kaya tinulungan nya itong pulutin ang mga tinapay. Habang nagpupulot, biglang naghawak ang kanilang kamay at napatingin sa isa't isa. Nang makita ni prinsipe Akhi ang gwapo at maamong mukha ni Gabriel ay parang may kakaiba syang naramdaman. Ngunit hindi pa nya batid kung ano iyon dahil sya ay sampung taong gulang pa lamang noon.

Gabriel: Isa ka bang prinsipe?

Akhi: A..a..a oo.

Sabay silang tumayo.

Gabriel: Anung ginagawa mo dito sa nayon? Hindi ba't bawal kang lumabas ng walang kasamang alipin at kawal?

Akhi: Tinakasan ko sila.

Gabriel: Bakit mo naman ginawa iyon?

Akhi: Nais ko lang sanang matikman ang tinapay dito sa bayan.

Gabriel: Bakit dito mo pa naisipang kumain ng tinapay? Hindi ba't maraming pagkain sa palasyo?

Akhi: parati kaseng naikukwento ng kaibigan kong anak ng tagapagsilbi sa palasyo na napakasarap daw ng mga tinapay dito. Hindi raw maihahalintulad sa mga iniluluto doon.

Gabriel: Ganun ba?

Akhi: Yun nga lang, hindi ako nakapagdala ng salapi. Kaya wala ding silbi ang pagtakas ko. Ang masama pa nyan, siguradong mapapagalitan ako.

Gabriel: Wag ka mag alala. Heto o. Sa'yo nalang to. Hindi pa naman ako nagugutom.

Akhi: Talaga? Salamat!

Dumako sila sa likod ng panaderya upang magtago at naupo sa lupa. Sinamahan ni Gabriel si prinsipe Akhi habang kumakain.

Akhi: Totoo nga ang sabi ng kaibigan ko. Napakasarap nga.

Naubos ng prinsipe ang dalawang tinapay ngunit sya ay gutom parin. Napansin ito ni Gabriel.

Gabriel: Pasensya ka na. Nais ko mang ibigay ang natitirang tinapay sa iyo eh para ito sa aking ama.

Akhi: ang ibig mong sabihin, wala ka nang kakainin pa?

Gabriel: Ayos lang yun. Mukhang mas kailangan mong kumain.

Na antig ang puso ng Prinsipe sa ginawa ni Gabriel. Maya maya tumayo na sila.

Gabriel: Kailangan ko nang umalis at baka mag alala ang aking ama.

Akhi: maraming salamat. Ano nga pala ang iyong ngalan ginoo?

Gabriel: ang pangalan ko ay Gabriel. Ikaw anong pangalan mo?

Akhi: ang pangalan ko ay Akhi.

Gabriel: Akhi... Hinding hindi ko makakalimutan ang pangalan mo. Kaya't sana ay ganun karin.

Papaalis na sana si Gabriel ng tawagin syang muli ni prinsipe Akhi. Lumapit ito sa kanya at hinalikan sya sa pisngi. Namula si Gabriel at humawak sa kanyang pisngi.

Akhi: pasasalamat lamang iyan Gabriel. Sana magkita pa tayong muli.

Bago pa man makaalis si Gabriel ay natagpuan na si prinsipe Akhi ng kanyang mga tagapagbantay.

Umuwi si Gabriel na may ngiti sa labi habang hindi mawaglit sa isip nya ang batang kanyang nakilala at ang halik nito sa kanyang pisngi.

Kinabukasan, may dumating sa kanilang tahanan na tagapagsilbi mula sa palasyo at may dala dalang mga pagkain.

Tagapagsilbi: Ipinadala ako ng prinsipe upang ihatid sa inyo ang mga pagkaing ito.

Harold: Anu pong dahilan at kami ay pinahatiran ng ganito ka raming pagkain?

Tagapagsilbi: Hindi ko po alam. Ang sabi lang po saakin ay palihim kong dalhin sa inyo ang mga ito. Para daw ito sa kanyang kaibigan at sa kanyang ama. At ang liham naman na ito ay para po sa inyong anak.

Pagka abot ng liham kay Gabriel ay umalis na ang tagapagsilbi.

Aking kaibigan,

           Ikinalulungkot kong sabihin na baka hindi tayo makapagkita sa mahabang panahon dahil pinag igting nang aking mga magulang ang pagbabantay sa akin dahil sa ginawa kong pagtakas. Kaya sana tanggapin mo ang mga alay kong ito tanda ng pasasalamat ko sa'yo. Umaasa ako na muli tayong magkikita sa hinaharap at sana hindi mo ako kalimutan.

Prinsipe Akhi

Harold: Anak, hindi mo dapat kaibiganin ang prinsipe. Anak sya ng pumaslang sa dating Hari at Reyna na iyong tunay na mga magulang. Wag mo sanang kakalimutan iyon.

Gabriel: Opo ama.

Batid man ni Gabriel ang mga bagay na iyon, hindi nya alam kung bakit hindi nya magawang kamuhian ang prinsipe. Ngunit buo parin ang loob nyang maghiganti sa Hari balang araw sa kanyang paglaki.

Lumipas ang apat na taon at ganap nang binata si Gabriel. Sya ay nagsanay upang maging isang mahusay na mandirigma sa palasyo. Hindi pa sya ganap na kasapi ng mga mandirigma noong mga panahong iyon. Isang araw, nangangabayo ang prinsipe kasama ang kanyang mga kawal. Tinakasan nanaman nya ang mga ito at malayang nagtungo sa kakahuyan. Sa kasamaang palad may nakasalubong syang masasamang loob. Hinarang sya ng mga ito at pinalibutan. Nung sya ay sasaktan na ng isang armadong lalaki ay dumating si Gabriel at nakipaglaban sa mga ito. Natalo nya ang mga iyon ngunit sya ay lubha ring nasaktan.

Akhi: Maraming salamat sa'yo.

Gabriel: Walang anuman. Basta't para sa'yo  Prinsipe Akhi.

Akhi: Paano mo ako nakilala?

Gabriel: Nakakalungkot namang isipin na nakalimutan mo na ako.

Agad na nakilala ni Akhi si Gabriel.

Akhi: Gabriel? Totoo ba ito? Hindi ako makapaniwala! Nagkita tayong muli at ako'y iyong nakilala.

Gabriel: Syempre naman. Hindi ko pa nakalimutan yung araw na hinalikan mo ako sa pisngi.

Biglang namula si Akhi at nag iwas ng tingin.

Akhi: Paano mo naman nalaman na ako'y naririto?

Gabriel: madalas akong mag ensayo sa kakahuyang ito. Di ko inaasahan na makikita kita rito.

Akhi: Mabuti na lamang at nataong ikaw ay nag eensayo.

Gabriel: Aray!

Napatingin si Akhi kay Gabriel at nakita nya na may sugat ito.

Akhi: Nako! Kailangan nating gamutin ang sugat mo.

Gabriel: Hayaan mo na balewala ito.

Akhi: Anung balewala?! Tara! May kubo sa may pastulan di kalayuan mula dito. Doon ako parati nagtutungo kapag naiinip ako sa palasyo. Pumunta tayo doon upang gamutin ang sugat mo.

Nagpunta nga ang dalawang binata doon at ginamot ng prinsipe ang kanyang sugat.

Mula noon, halos araw araw na silang nagkikita sa kubo na iyon. Magkasama buong maghapon at minsan ay natutulog ng magkasama. Habang tumatagal ay nahuhulog ang loob nila sa isa't isa. Isang araw, maaliwalas ang kalangitan at kapwa sila nakahiga sa damuhan sa ilalim ng puno at nag uusap. Maya maya pa pareho silang nakatulog. Naunang magising ang prinsipe. Habang natutulog si Gabriel ay pinagmamasdan sya nito. Napakaguwapo at maamo ang kanyang mukha. Hindi napigilan ni Akhi ang kanyang sarili at dahan dahan nyang inilapit ang kanyang labi sa labi ni Gabriel at tuluyan nya itong hinalikan. Nagising si Gabriel at nagulat si Akhi kaya ito'y biglang tumalikod at namumula. Nangiti si Gabriel at napa iling.

Gabriel: Hindi mo man lang ba ako hihintaying magising bago mo ako gawaran ng iyong halik?

Lalong napahiya si Akhi. Hindi nya alam ang kanyang gagawin. Hindi rin nya alam ang kanyang sasabihin.

Maya maya pa, lumapit sa kanya si Gabriel at sya ay niyakap.

Gabriel: Wag kang matakot at wag kang mahiya Akhi. Noon pa man ay alam kong may pagtatangi ka na sa akin.

Akhi:Paano mo naman nasabi ang mga bagay na iyan?

Gabriel: Halata naman. Hahaha. Pero may ipagtatapat ako sa'yo.

Tapos sya ay bumulong sa tenga ni Akhi.

Gabriel: Iniibig din kita.

Sa pagkakarinig ni Akhi, agad syang humarap kay Gabriel

Akhi: totoo ba ang mga salitang iyong binibitawan?

Kinuha ni Gabriel ang kamay ni Akhi at iniligay ito sa kanyang bruskong dibdib. Naramdaman ni Akhi ang bilis ng tibok ng puso ni Gabriel.

Gabriel: Hindi nagsisinungaling ang puso. Alam ko na noon pa man ikaw ang tinitibok nito.

Naluha si Akhi sa lubhang pagkagalak. Hinawakan sya sa pisngi ni Gabriel at dahan dahang naglapit ang kanilang mga labi at pinagsaluhan nila ang isang maalab na halik. Nagdaan pa ang panahon at ganap nang kasapi ng mga mandirigmang pampalasyo si Gabriel. Dalawamput dalawang taong gulang na sya ngayon. Tuloy parin ang lihim na pag iibigan ng dalawa ngunit hindi na sila madalas nakakapag kita.

Isang araw nagdaos ng isang pagdiriwang sa palasyo upang parangalan ang kanilang bisitang dumating mula sa ibang kaharian.

Haring Gerard: Malugod namin kayong tinatanggap sa aming palasyo, Haring Aaron.

Aaron: Maraming salamat sa inyo kamahalan.

Reyna Audrey: Malaki ang pasasalamat namin sa iyong pagtulong sa aming mga mandirigma na puksain ang mga rebelde.

Hari Gerard: Dahil doon napanatili ang kapayapaan sa buong kaharian. Ngayon upang pagtanaw ng utang na loob, maari kang humiling nang anuman ang iyong ninanais.

Pinagmasdan ni Haring Aaron si Prinsipe Akhi.

Haring Aaron: Kung inyong mamarapatin, nais kong hingin ang kamay ng inyong nag iisang anak.

Nabigla ang Hari at Reyna sa tinuran ni Haring Aaron. Si prinsipe Akhi naman ay hindi makapaniwala.

Haring Gerard: Nakatitiyak ka ba sa iyong sinasabi? Ikaw ay isang magiting na Hari at mandirigma.

Reyna Audrey: Hindi maaring mabighani ang isang gaya mo sa kapwa mo lalaki. Ang anak ko ay isang prinsipe. Hindi mo ba ito nakikita?

Haring Aaron: Nakatitiyak ako sa aking ninanais. Ako'y nabighani sa inyong anak.

Haring Gerard: Imposible ang iyong ninanais. Paano kayo magkakaroon ng tagapag mana?

Haring Aaron: Hindi naman lingid sa inyo na ako'y nagkaroon ng asawa noon ngunit sya ay namatay sa malubhang sakit. Ngunit sya ay nakapag iwan ng supling. Isang batang lalaki na balang araw ay magiging tagapag mana ko. At maari naman sigurong pamunuan ng dalawang hari ang isang kaharian hindi ba? Isipin nyo rin ang pakinabang nito sa inyo at sa inyong mga nasasakupan. Mas lalakas ang inyong pwersa at madaling magagapi ang inyong mga kaaway.

Napaisip ang mag asawa.

Haring Gerard: Kung gayon, ako ay pumapayag. Sa makalawa ay idaraos ang inyong kasal.

Prinsipe Akhi: Ama kong hari?! Hindi pa po ako pumapayag sa mga ito.

Haring Gerard: Buo na ang aking pasya. Para ito sa ikabubuti ng lahat.

Naiyak ang prinsipe dahil hindi nya kayang baliin ang desisyon ng kanyang ama.

Mula sa di kalayuan naroon si Gabriel. Narinig nya ang lahat. Nagtama ang tingin nilang dalawa at kapwa nasasaktan at lumuluha.

Kinagabihan, sa kwarto ni prinsipe Akhi, habang sya ay umiiyak, may dumapong ibon sa kanyang bintana at may dala dala itong kalatas. Agad itong binasa ni prinsipe Akhi.

"Mahal ko, kung pag-ibig natin ay wagas, atin itong ipaglaban. Sumama ka sa akin bukas ng hating gabi. Tayo ay magpapaka layo layo. Iwan natin ang lahat ng ito at mamuhay tayong masaya at magkasama. Hihintayin kita sa ating tagpuan."

Sa sobrang galak ay nakalimutan nyang iligpit ang sulat at ito ay nahulog sa sahig.

Nagpaalam na si Gabriel sa kanyang amain.

Harold: Nasisiraan ka na ba ng ulo?! Hindi mo maaring gawin ito!

Gabriel: Iniibig ko si Akhi! Hindi ko na nais pang maghiganti.

Harold: Nababaliw ka nang bata ka!

Gabriel: paumanhin ngunit hindi na ako papipigil pa.

Harold: Kung ganon, lumayas ka sa pamamahay ko! Isa kang malaking kahihiyan sa pangalan ng iyong mga magulang!

Kinabukasan nakita ng isang alipin ang sulat sa kwarto ng prinsipe habang ito ay naglilinis. Agad nyang ipinaalam sa hari at ibinigay ang sulat. Ngayon ay alam na nila ng binabalak ng kanilang anak. Hindi nila ipinabatid na batid na nila ang kanilang balak. Dahil nais na matunton ng kanyang ama ang ka tanan nito sa pamamagitan nya.

Pagsapit ng hating gabi, lumabas na ng palasyo ang prinsipe. Ang hindi nya alam ay nakasunod na ang mga kawal ng palasyo at si haring Gerard at haring Aaron sa kanya. Pagkarating ni Akhi ay agad silang nagyakap ni Gabriel. Agad syang hinalikan nito.

Gabriel: Akala ko'y hindi mo na ako sisiputin mahal ko.

Akhi: Hindi maari yon. Sasama ako sa'yo kahit saan pang lupalop ng mundo.

Maya maya pa nagsilabas ang mga kawal at ang dalawang hari at napapalibutan na silang dalawa ng mga ito.

Haring Gerard: Dakpin ang lalaking iyan!

At pinaghiwalay silang dalawa ng mga kawal at hinawakan si Gabriel upang hindi makagalaw.

Akhi: Ama! Itigil ninyo ito!

Haring Gerard: Hindi ba't nag desisyon na ako na pakakasal ka kay Haring Aaron?

Akhi: Ngunit hindi ko sya mahal!

Haring Aaron: Prinsipe Akhi, matututunan mo rin akong mahalin. Di hamak na ako'y mas makisig sa hampas lupang ito.

Lumapit sya kay Gabriel at inilabas ang kanyang espada.

Haring Gerard: Ikaw lalaki! Mangako ka na lalayuan mo na ang aking anak at hindi na muling makikipag kita sa kanya at tatalikuran mo na ang iyong nararamdaman para sa kanya kapalit ng iyong buhay!

Gabriel: Kamahalan, hindi ko po magagawa ang iyong nais.

Haring Aaron: Aba'y matigas ka talaga ha?!

Sinikmurahan sya nito at itinutok ng kanyang espada sa dibdib nito.

Haring Gerard: Bibigyan pa kita ng isa pang pagkakataon. Mangako ka na tatalikuran mo na ang aking anak!

Habang umiiyak ay nagmamakaawa ang prinsipe kay Gabriel na tanggapin ang nais mangyari ng kanyang ama. Sa huling pagkakataon, tinitigan ni Gabriel ang mga mata ni Akhi at walang pag aalinlangan nyang sinabi.

Gabriel: Akhi, mahal na mahal kita at hindi kita kailan man tatalikuran kahit hanggang kamatayan.

At matapos nyang bitawan ang mga katagang iyon ay tuluyan na syang sinaksak ni Haring Aaron. Pagkahugot ng espada mula a kanyang katawan ay natumba ito. Hindi makapaniwala ang prinsipe. Tumakbo agad sya papunta sa tabi ni Gabriel at lumuluha na parang buhos ng ulan. Lumayo ang mga kawal at si Haring Aaron sa kanila. Yakap yakap ni Akhi si Gabriel habang umiiyak.

Akhi: Gab Wag mo kong iiwan!! Mahal kita...

Gab: *ubo* siguro kahit sa buhay na ito, hindi parin talaga tayo tinakdang magkasama pang habang buhay...

Akhi: Gab?? What do you mean?! Don't leave me!

Gab: Akhi... Sorry if I had to let you experience this twice. But I wondered how our life would be if we lived in a different time so I tried this. But it turns out that life together isn't for us.

Akhi: Gab no!!! Huhuhu

Gab: I love you always Akhi. Please move on. Find love. Don't hold back. That's what I want for you. So I could rest in peace.

Akhi: No Gab! please!!!!!!!!..........
.
.
.
Akhi: No Gab Please!!!!

Napabalikwas ako sa higaan. It was all a dream. After a year dinalaw ulit ako ni Gab sa aking panaginip. It felt so real and it felt like a very long time.
Rocel was sitting beside my bed, I mean Gab's old bed. I moved there. After he was gone. At mula din noon sinasamahan ako ni Rocel sa kwarto na matulog dahil nag aalala sya sakjn kahit hanggang ngayon.

Rocel: Akhi, napanaginipan mo nanaman sya?

Akhi: Ross, I'm sorry. It felt so real. Damang dama ko lahat ng emosyon. I miss him.

Then I started crying

Rocel: Akhi, it's okay. You can cry all you want if that makes you feel better.

Niyakap ko sya. Then I remember Gab's last words in my dream and I thought to myself "Mahirap ang hinihingi mo sakin Gab... Sa puso ko nag iisa ka lang. Hindi kita kayang palitan...

No comments:

Post a Comment

Read More Like This