Pages

Monday, February 26, 2018

Sa Pagitan ng Dating Tagpuan

By: Prince Zaire

One Shot…
Natatanging tinatangi…
Natatanging tinatanggi…
Hanggang ang himig mo ay himig ko…
Hanggang ang ulan ay maingay at buo…
Andun parin…
Sa pagitan…
Sa dulo…
Sa unang kanto, sa dating tagpuan.
Noong ako’y buo…
Nang muntik ng maging tayo…
Yun….
Yung Unang Ala-ala Natin…
Sa pagitan,…
Doon sa Kiltepan…
-----
Brush up ang buhok niya…
Makinis ang mukha, ngunit litaw na litaw ang kunot sa noo niya at ang salubong niyang mga kilay ang kumikinang sa kanyang buong mukha.
Puti ang polo niya…
At ang tatlong butones ay di nakasara, makikita mo ang hubog ng kanyang dibdib. Putok ang kanyang mga kalamnan sa suot niyang hapit. Sa kanyang leeg nakasabit ang kwerdas ng isang fujifilm na camera. At kada makita niyang kakaiba ay siyang tunog ng lenteng pariwara. 
Ako naman, nagmamasid lang sa paligid. Nasa isang lugar na kung tawagin nila ay dap-ay. Tahimik ang paligid, simple ang pamumuhay. Walang traffic, hindi maingay – malayo sa magulo at maingay na Maynila.
Lumakad siya paruon, hanggang sa nakita niya ang isang paru-paru na dumapo sa isang bulaklak. Kinuhanan niya ito ng letrato. Patuloy lang ang buhay – nagmamasid, nakikisabay. Sa aking tainga ay nakasukbit ang headset. Kinakantahan ako ni Moira – hinihingahan.
Kay tagal kong sinusuyod ang buong mundo….
Para hanapin… Para hanapin ka…
Nilibot ang distrito ng iyong lumbay…
Puputulin, puputulin ka….
Narinig ko ang pag-tunog ng Camera.
Isa…
Dalawa…
Tatlo…
Tinitigan ko ng masama yung lalake.
Tinanggal ko ang aking headset saka siya sinita.
“Problema mo ‘tol?”
Inismiran niya lang ako.
“Burahin mo yan”
“Why would I?”

“Kumukuha ka ng letrato na walang permiso”
Ngumiti ito. Nakita ko yung mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin na kanina’y nakatago sa kanyang mala rosas na labi.
“You’re not my subject ok” sabay pakita niya sa akin dun sa letrato. Ang kinuhanan niya pala ay ang rebulto sa aking likuran na lilok sa kahoy.
Naglakad uli siya palayo…
Ako naman naisipan ko narin bumalik sa aking tinutuluyan.
Kinaumagahan maaga akong gumising sa pag-aakalang maabutan ko ang dagat ng mga ulap. Na sana makita ko ang ganda ng pagsikat ng araw…
Ngunit ako’y bigo, dahil pagdating ko dun ay siya namang simula ng pagbuhos ng ulan.
Andun ako… Sa kung saan hamog ang bumabalot sa paligid. Lamig ay umaagos sa ibat-ibang sulok at walang tigil ang langit sa pagluha.
“Anong kasalanan ko sayo? Bakit ako? Ba’t di nalang ako namatay?” sigaw ko sa pag-aakalang makakahanap ako ng kasagutan. Umalingawngaw lang ang aking boses. Kasabay nito ang pag-agos ng aking mga luha.
“Ba’t ako? Bakit nangyari sa akin lahat ng ‘to? Ayoko na!!!”
Mas lumakas pa ang buhos ng ulan. Lumalamig ang ihip ng hangin.
Di ko alam kung dinadamayan ako ng paligid o sadyang pinaparamdam sa akin kung gaano ako ka pathetic.
“Anong kasalanan ng Kiltepan? Anong kasalanan ng ulap at ulan?” tugon ng isang boses sa kung saan. Paglingon ko, nakita ko yung lalake kahapon – yung photographer.
Di ako sumagot.
“Why are we finding happiness at the very wrong place at the very wrong time? Why are we finding answers to questions which are open ended? Why are we searching people at wrong places and wrong timings? Why not just enjoy the rain?”
“I hate the rain” sagot ko.
“I love it”
Kumuha siya ng isang bagay sa kanyang bulsa, isang pakete ng sigarilyo at lighter.
“You want?” alok nito.
“No thanks, I don’t smoke”
Nilagay niya sa kanyang labi ang yosi saka niya ito sinindihan. Tatlong hithit, tatlong buga saka niya ito tinapon.
“Ba’t di mo inubos?” tanong ko.
“Kailangan mo bang ubusin para malaman mo na ok yung lasa? Hindi diba? Pag napasok na ng usok ang baga, at nalaman na ng utak kung gaano siya kasarap – dapat tama na”
“Sa lahat ba ng bagay ganun?”
“No – not all. It can’t be related to sex perhaps – hindi maganda ang nabibitin”
Nagtinginan kami, ilang segundo rin yun bago kami tumawa.
Nang may sasakyan na kaming nakita, sumakay na kami balik dun sa kung saan kami nakatuloy.
“Inom tayo, gusto mo?” alok nito.
“Di ko umiinom eh”
“Edi sama ka nalang sa akin, kwentuhan tayo habang ako umiinom”
“Ang aga namang paglalasing niyan”
“Malalasing ka ba sa kape?”
“Loko”
Nagtungo nga kami sa isang kapihan. Gawa sa bato at pawid ang istruktura nito. Patuloy parin ang buhos ng ulan at ramdam na ramdam na namin ang lamig.
“Anong kwento mo?” tanong nito sa akin.
Yung mga mata niya para bang gustong pumasok sa aking kaluluwa.
Natahimik lang ako.
“Hindi ka naman sisigaw ng ganun pag wala kang kwentong pang malakasan. I’m a good listener”
Patuloy siya sa pagsasalita, pero bigla nalang nagsara yung pandinig ko. Wala akong marinig sa kanya. Tanging ang labi niyang pulang pula ang nakikita ko, pero walang tunog galing dito. Tinakpan ko ang aking tenga, saka ako pumikit.
Naramdaman ko nalang yung kamay niya sa aking balikat. Pansin ko ang pag-aalala sa kanyang mukha.
“Tol, ok ka lang?”
Narinig ko rin siya.
Tumango lang ako.
“Anong nangyari?”
“Pasensya na ha, hindi pa kasi fully recovered ang katawan ko. May mga instances na bigla nalang ako di makarinig”
“Ano bang nangyari sayo?”
Tinitigan ko lang siya.
“Sige kung di ka pa confident mag open up sa akin ok lang. Hatid na kita sa tinutuluyan mo”
Tumango lang ako.
Humiram siya ng payong na transparent dun sa may ari ng kapihan.
“Kilala mo yun?”
“Ah si Mang Damian, oo. Siya yung nag-asikaso sa amin dati nung may excursion kami”
Hinatid niya nga ako sa aking tinutuluyan. Pero bigla siyang nagpanic.
“Pucha, dumudugo ilong mo tol. Dalhin nalang kita sa clinic”
“Ayos lang ako, pahinga lang to”
Sinamahan niya ako hanggang sa kwarto. Di parin ako komportable. Nilapatan niya ako ng paunang lunas at sa mga galaw niya ay parang alam niya ang kanyang ginagawa.
“Pwede ka nang umalis tol, ayos lang ako”
“Sigurado ka?”
Tumango lang ako.
Umalis na nga siya. Ako naman nagpahinga na matapos kong inumin ang aking gamot.
Tumila narin ang ulan nung gabi na. Naisipan kong maglakad-lakad. Nakita ko ulit yung lalake, nandun siya sa isang parte sa ilalim ng puno. Minamasdan niya ang bilog na buwan.
Di ko parin alam ang pangalan niya.
Nakatunganga ako dun hanggang sa mawala nalang siya sa paningin ko. Luminga-linga ako sa paligid pero wala na siya.
Humakbang ako. Naglakad patungo sa kung saan.
Nakarinig ako ng ingay ng nagkakasiyahan. Tunog ng gitara, nagkakantahan.
Sinundan ko kung saan nanggagaling ang tunog. At dun ko nakita si Tol, hawak ang gitara. Puti ulit ang suot niyang hoodie, naka shorts siya ng khaki. Di parin natitibag yung buhok niyang brush up. Ako naman naka-jacket na pink.
Andun lang ako nakatayo sa di kalayuan, nagmamasid. Nag-aabang.
Hanggang sa nagsimula na siyang tumugtog. Yung isang babe dun ang kumanta.
Rows & flows of angel hair… And ice cream castles in the air…
And feather canyons everywhere… I’ve look at clouds that way…
Biglang nabaling yung tingin niya sa akin. Nginitian niya lang ako at tinuloy niya ang pag-tugtog.
Natatangay ako sa saliw ng musika. Na para bang unti-unti ring nababawasan ang bigat ng aking nararamdaman.
I’ve looked at clouds from both sides now…
From up and down and still somehow
It’s clouds illusions I recall
I really don’t know clouds at all…
Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at lumapit siya sa akin.
“Musta, ok ka na?”
Tumango lang ako.
“Masarap ang beer pag ganitong malamig ang gabi, bonfire tayo dun sa labas ng cottage ko”
“Sige ba, pero di ako umiinom eh”
“Edi, sagot mo nalang ang kwento”
Tumungo nga kami sa tinutuluyan niya, pagdating namin dun ay may bonfire na. Kumuha siya ng in-can na beer at mga chichirya. Naupo kami dun sa nilatag niyang banig, nilabas din niya ang comforter na panangga namin sa lamig.
“Mani gusto mo” pag-aalok nito, “Sorry ah, puti yan di pula tsaka dry at may anghang di basa”
“Gago”
Nagtawanan kami.
“Why do you hate the rain?”
“Sino bang may gusto sa ulan?”
“Ako!”
“Ikaw ata ang unang nakilala ko na gusto ang ulan”
“Nobody will notice your agony when it’s raining. Di nila makikita na umiiyak ka na pala dahil mas evident ang patak ng ulan kesa sa patak ng luha mo”
“Ang lalim mo mag-isip”
“Mababaw ka lang makinig”
Katahimikan…
“Nauubos ko na tong beer ko, wala ka pang kwento uy”
“Di naman masaya life story ko”
“Kailangan ba masaya lagi? Mas maganda pag may konting antig”
I smiled at him.
“Babae ba yan tol?”
Tumango ako.
“Go on”
---
Ikakasal na dapat ako… Akala ko ok na… Akala ko siya na…
Nabulag ako sa maling akala.
Ganun ganun nalang ang lahat ng iyon. Yung tipong sinukuan ka nung mga panahon na sana ay sabay kayong lumalaban. 
Kung pipili ako ng word to describe my life, it would be struggling. Parang sa lahat nalang ng aspeto nahihirapan ako. I struggled just to get my dream job. Nanliliit ako sa sarili ko dahil hindi ako University Graduate at ang mga kasabayan ko ay mga high profile at galing sa bigating unibersidad.
I’ve been into relationships many times, mapalalake man o babae. After my failed relationship with the same sex sabi ko ayoko na. Sabi ko di na ako magmamahal, di na ako susugal.
When I was younger, I’m more into same sex relationships. I’m curious about things kaya medyo naging wild din ako. Simple tripper kumbaga.
And then I met this guy na akala ko nun ay talagang magiging partner ko na till the end. I was so head over heals with him. I was the sub kahit ako sana yung dominant. Lahat ng gusto niya ay binibigay ko. Hindi ko narin mapinpoint kung minahal talaga ako ng lokong yun, pero alam ko sa sarili ko minahal ko siya. Pero feeling ko naging parausan lang din ako. Everytime na magkikita kami, deretso motmot and yet siya lang nage-enjoy. Mahal ko eh, ako na nagbayad ng motel, pagkain namin sa restong mamahalin sagot ko pa. Pati pamasahe niya pauwi ako din. At siya pa ang may ganang magloko. Habang kami pa ay may boyfriend siyang iba at pag nangati siya ay ako ang tinatawag. Nalaman ko kung gaano siya ka-asikaso dun sa bago niya. May mga bagay siyang ginagawa na minsan di niya nagawa sa akin. At dun ako nagising – tama na ang pagpapaka-tangang ito.
Puro self pity ang nangyayari sa buhay ko. And then I tried to go back to work to divert my feelings.
Hanggang dumating si Anj sa buhay ko.
Nagsimula lang sa mga asaran, mga reto reto ng ka-work mates. Hanggang sa di ko na namalayan na iba na pala talaga. 
When I’m with her, nababago niya yung personalidad ko. Litaw na litaw yung masculine side ko, lalake ang puso – siya lang ang nakikita ko. Di ko inexpect noon na magugustuhan niya ako, di naman ako kagwapuhan katulad ng iba. Pero nag-click kami sa isat-isa.
We dated for months bago naging kami.
Naglive-in narin kami nun matapos ang isang taon.
Para na kaming mag-asawa, kulang nalang kasal.
Mahilig kaming mag-travel, at ang special place nga namin ay dito sa Sagada.
We already decided to tie the knot at pumayag naman siya. Balak ko na noon officially mag-propose sa kanya dito. Plinano ko na ang lahat, pero isang dagok ang humamon sa amin.
Dun siya nagpatangay.
Nasangkot ako sa isang aksidente. For almost two months na-coma ako. Di ko maigalaw ang lower body ko, di rin ako makapagsalita.
Nung magising ako, siya ang una kong hinanap.
Binigyan ako ng nurse ng isang tablet at dun ko pinindot ang gusto kong sabihin.
“Nasaan si Anj?”
Walang kibo ang Nanay ko, pati ang matalik kong kaibigan ay wala ring maibigay na sagot.
Nagtype ako ulit.
“Nasaan yung singsing?”
“Itinago ko” sagot ng aking kaibigan.
“Pwede mo bang buksan ang Facebook ko?”
Umiling ito.
Alam ko na noon na may di magandang nangyayari.
Mahigit dalawang buwan din akong unconscious, maraming pwedeng mangyari sa dalawang buwan.
“Buksan mo ang Facebook ko please”
Wala na ngang nagawa ang aking kaibigan.
Dun ko nga nalaman ang lahat. Sinukuan na ako ni Anj at may bago na siyang boyfriend. Hindi na daw niya maramdaman yung pagmamahal na gusto niya. Hindi niya daw makita ang future niya sa akin lalo na at ganito ang kalagayan ko.
Nung mga puntong yun gusto ko nang mamatay.
Sabi ko, bakit pa ako nagising. Bakit pa ako nabuhay, wala naman na akong silbi. Ano pang sense ng lahat ng ito?
Pag mag-isa ako sa kwarto ay tinatanggal ko ang mga aparatong nakakabit sa akin, tutunog ito at agad agad na papasok ang mga Nurses at Doctor. Nagsusumigaw ako, nagmamaka-awa.
“Doc, end my suffering”
Pero pag nakita ko yung mga kaibigan ko, lalo na yung Nanay ko na lumuluha – nakokonsensya ako.
Malupit ang mundo.
Bakit ganun?
Ilang taon din ako nag-undergo sa mga gamutan, nauubos na ang ipon ko nun. Nag-undergo ako sa theraphy para makalakad ako, nagspeech theraphy ako para makapag-salita ng maayos. Nahihirapan narin ako mag-process ng facts. Parang yung utak ko nagla-lag. Minsan nawawalan ako ng pandinig at minsan naman blanko rin ang aking paningin.
Kaya di mo maiaalis sa akin minsan na gusto ko nang kitilin nalang yung buhay ko. Para saan pa? Para kanino ako mabubuhay.
Taon ang inabot bago ako nakalakad at nakapag-salita, pero hanggang ngayon di parin bumabalik sa dating sigla yung katawan ko. Sinubukan ko rin maghanap ng trabaho ngunit walang tumatanggap sa akin dahil sa kalagayan ko. Dahil karamihan naman ng kumpanya ay yung pisikal ang basehan at hindi yung abilidad.
Umiwas ako sa internet, dahil pag nakikita ko kung gaano na ka unlad ang mga kasabayan ko – naiinggit ako. Kung hindi siguro nangyari sa akin yun, siguro mas successful narin ako kesa sa kanila.
Tuwing umaga, maaga pa lang ay pinipilit ko ang aking sarili na bumangon, nagja-jogging ako kahit na hindi pa masyado kaya ng legs ko. Bumalik ako sa gym, para kahit papano unti-unti naman akong umunlad.
Pero para sa mga nakapaligid sa akin, di nila nakikita yung pag unlad. Lagi nilang nakikita yung pathetic self ko. Hindi nila nakikita yung effort ko, di nila nakikita yung pain. Na pinupush ko na yung sarili ko kahit masakit na.
Nawawalan na ako ng pag-asa, wala nang direksyon ang buhay ko.
Naging tambay ako sa bahay, ako nalang ang naging bantay sa munti naming grocery. Wala akong makausap, walang nakakarelate sa pinagdadaanan ko.
Wala na din akong ipon.
Ang hirap ng sitwasyon ko.
Parang ang bawat paghinga ko ay gusto ko nang pigilan dahil nga wala na namang saysay.
Naiirita narin ako sa Nanay ko dahil lagi na niya akong pinapagalitan. Parang kulang ang effort ko para pagbutihin ang sarili ko. Ano pa ba ang gagawin ko? How hard will I push myself para lang matanggap ako ulit?
Life is really unfair, pakiramdam ko may favoritism ang mundo na ito. Nung mga panahon na nagtatrabaho ako at kumikita ng malaki, halos gawin akong santo ng mga nasa paligid ko. Mukha akong perpekto, bigay luho. Pero nang ako na ang nangangailangan, lahat tumalikod at ako’y iniwan.
Bilang pampalipas oras, nagbabasa ako ng mga blogs at nanonood ng mga video. At napadpad ako sa isang blog na kung saan lalake din ang author, from travel, to lifestyle at may mga life lesson input din siya. He became my idol. He’s a Filipino Professional working in the Middle East. Naisipan ko nun imessage siya and from there we became friends hanggang sa naging close na kami. Pag umuuwi siya sa Pinas ay nagkikita kami.
He became my inspiration to push through, he lifted me up during those times. He taught me how to handle life and how to open my heart & let it live again. He’s more than a brother to me, he was like my soul mate but not the romantic type. 
---
Nang mas naging ok ako, heto nga ako at bumalik dito sa dating tagpuan – ang Sagada. Sa kadahilanan na sana mawala na lahat ng sakit. Na sana malimutan narin ng puso at utak ko ang magmahal.
“Hindi pwedeng hindi ka magmahal” tugon niya.
“Ayoko na, wala na din namang tatanggap sa akin”
“Alam mo tol ang pagmamahal di lang naman nakukuha yan sa isang girlfriend. Masyado kasi tayong focus sa isa, di natin tinitignan ang kabuuan”
On point siya dun….
“Wag mong sayangin yang oras mo sa mga bagay na di naman worth it, binuhay ka niya dahil may dahilan. Alam mo kasi tayong mga tao, di tayo nakukuntento. Mas madali sa atin ang magreklamo – ang saya magreklamo eh. Pero pag andun ka na, dun sa point na nagmamaka-awa ka na just for you to live. Just for someone to live just a bit. Marerealize mo ang lahat”
Ang talino naman ng taong to. Bukod sa gwapo siya, matalino pa.
“Sagada is also special to me, happy place din namin to ng isang taong malapit sa akin. Kaya lang nauna siyang umalis at ako ang naiwan dito”
Nakita ko ang pag-agos ng kanyang luha. Pinunasan niya ito.
“Ano ba yan, nagdadrama na tayo dito”
Ngumiti lang ako.
“Pero feeling ko, ako na ang pinaka-malas na tao sa buong mundo”
“Don’t say that. Alam mo ba ang kwento ng Pambihirang Masu-swerteng Bagay?”
“Never heard”
“Say no more”
At nang-kwento nga siya…
Sa isang maliit na kaharin na tinatawag na Banyo, nakatira ang mga pambihirang nilalang na biniyayaan ng kakaibang talento…
Tumawa ako, akala ko kasi ay seryoso siya sa kwento niya.
“Makinig ka kasi, seryoso ako” angal nito. Pinipigilan ko ang tawa ko at siya naman ay nagpatuloy sa kanyang kwento.
Ngunit isang araw, naging malungkot ang mga pambihirang nilalang na ito. Narealize kasi nila kung gaano ka-unfair ang mundo.
Tabo: Ayoko na sa buhay na ito, malungkot ang maging tabo. 
Timba: May mas malungkot pa ba kesa sa maging timba? Mabuti pa si sabon.
Sabon: Ano namang maganda sa pagiging sabon.
Tabo: Maswerte ka kasi nadidikit ka sa katawan ng Hari at Reyna natin. Lahat ng sulok nararating mo.
Sabon: Mas dikit si Inidoro. Mas ma-swerte siya. Nakaka-kita siya ng ginto. Ng malawak na hardin na may mga halaman, bulaklak at mga ibon.
Inidoro: Ayoko rin, mabaho. Namamatay ako sa amoy. Mas maswerte ang baklang si Urinal.
Takimik lang si Domex, Si Brush at ang pambomba…
Urinal: No comment! Basta masaya ako sa araw-araw na ginagawa ko. Wag niyo kaming idamay diyan sa pag-aaklas niyo. Diba mga tribung salawal
Sumingit si Brief: True, parehas tayo amiga. Ginagawa ko lang ng tama ang maging hawla sa ibon ng Hari.
Panty at Bra: Same here.
Sipilyo: May mas ma-malas pa ba sa gawain ko?
Tissue: Ahemm. Excuse me ha. Sipilyo ang arte mo, mas eaww kaya ang gawain ko.
Napkin: Ayoko narin, mag-aklas na tayo.
Lahat: Nag-salita ang once a month kung mag-duty.
At biglang bumukas ang medicine cabinet, nagising ang pinaka-magaling na nilalang.
“Ano bang kaguluhan ito?” tugon nito, pagkatapos nun ay biglang nawalan ng ilaw ang buong kaharian. Nagsigawan ang mga nilalang… Pero ilang minuto lang, ang mahabang parang lobo na may lawit sa bumbunan ay biglang umilaw.
Namangha ang lahat sa kanya. “Ayos ba? Manipis na nga, glow in the dark pa”
“Wow”
“Mga kapatid, lahat tayo dito sa kaharian na ito ay ginawa para mapabuti ang buhay ng ating Hari at Reyna. Lahat tayo ay maswerte dahil may pakinabang tayo. Kaya, yakapin nalang natin kung ano man ang responsibilidad na nai-atas sa atin. Wag tayong mag-aklas, gawin nalang natin kung ano ang nararapat”
“Tama siya. Magdiwang” sigaw ng lahat. Pero biglang may sumingit.
Rubber Duckie: Quack! Hanggang ngayon di ko parin alam kung ano ang responsibilidad ko. Kung ano ang purpose ko sa kahariang ito. 
Urinal: Balakajan. Ganda ka?
At isa-isa na ngang bumalik ang lahat sa kani-kanilang pwesto at gawain.
Rubber Duckie: Haiiiiist.
---
Tawa ako ng tawa kahit wala namang kwenta ang kwento niya.
“Gago mo ‘tol. Saan mo naman nakuha yang kwento na yan?”
“Ah, tinuro sa amin”
“Anong subject naman?”
“Sa Theology”
Sabay kami tumawa.
“Hatid na kita sa tinutuluyan mo” alok nito. 
“Kaya ko na tol” sagot ko.
“Sige”
“Sige, bukas ulit”
Maganda na ang panahon ng mga sumunod na araw. Halos araw-araw ay kwentuhan ang ginagawa namin. Sa mga araw na yun dahil sa masaya kami, ni hindi namin natanong ang pangalan ng isat-isa. Nang minsan tanungin ko siya kung ano pangalan niya
“Tol” sagot niya, saka ito tatawa.
Ang gaan ng loob ko sa kanya. Ang bait niya, andami niyang ideas. Di siya nawawalan ng kwento. Medyo brat nga lang siya at controlling at times. Napaka totoo niya, para siyang malinaw na tubig ng sapa. Clear yet cold.
Kasama ko siya sa pag-gagala. At minsan ako narin ang nagiging model niya sa kanyang mga larawan.
“Ano ba yang pose mo pang turista naka two thumbs up ka pa at yang ngiti mo parang pilit”
“Eh pano ba kasi?”
Dun ay lumalapit siya, inaayos ang pustura ko. Dumadampi ang kanyang kamay sa katawan ko at dun ay iba ang nararamdaman ko. Tumitibok ang puso ko ng kakaiba.
“Mag-emote ka, wag kang tumingin sa camera”
“Paano kaya yun?”
“Kunwari stolen”
Naglakad pa kami sa mga ibang dako, nang may makita siyang area na mapuno at may mga damo na medyo brown na- dun niya ko pinapwesto.
“May gusto sana akong gawin, kaso baka di mo gusto”
“Ano yun?”
“Pwede mo bang tanggalin yang damit mo?”
“Lah, manyak to”
“For artistry purposes lang naman – kung ayaw mo ok lang naman”
Kahit malamig ay nagtanggal ako ng damit, hanggang brief nalang ang natira.
“Pucha, ba’t ka naghuhubad?”
“Sabi mo po kaya, tanggalin ang damit. Masunurin lang po ako kamahalan”
Tawa siya ng tawa.
“Hoy bilis na, ang lamig”
“Halata nga, tigas ka eh. Baka pwedeng ayusin mo yang junior mo, masyadong malaswa tignan”
Sinunod ko naman.
Lumapit siya sa akin at laking gulat ko ng bigla niyang ipasok ang kamay niya sa brief ko at inayos si Jr.
Kinindatan pa ako ng loko, yung suot niyang poncho ay binigay niya rin sa akin.
“Now, emote & pose”
Di ko na naramdaman yung lamig dahil nag-iinit na ako that time.
Nang matapos ay agad akong nagbihis.
“Tatak pinoy tirik ang araw” tugon nito saka tumawa. Di ko nagets nung una, pero nang magsink in na sa akin kung anong sinasabi niya ay binatukan ko siya.
“Oo na, ikaw na ang dakila”
Tumawa lang ito.
“Ang ganda ng scars mo oh”
“Bad memories”
“Scars are sign of healing”
“Ganun ba yun?”
“Oo”
“May gusto rin akong gawin, pero baka di ka pumayag” tugon ko.
“Go on ano yun?”
Di na ako sumagot, bigla ko nalang siya hinatak at isinandal dun sa puno saka ko siya hinalikan sa labi. Nabigla siya sa ginawa ko, pero di naman niya ako tinulak. Hindi lang niya binuka ang kanyang bibig para labanan ang aking halik.
“Sorry”
“It’s ok, nabigla ka lang sa emotions mo. Tara na?”
Pero dumiretso kami sa cabin niya.
“Sigurado ka ba dito?” tanong ko sa kanya.
“Just kiss me!”
Sinandal ko siya sa pader. Hawak ko ang kamay niya, nasa taas ng kanyang ulo.
This time he opened his mouth, nahuli ko ang kanyang dila kaya naman sinipsip ko na ito. I hear him moan.
Espadahan kami, gusto kong hugutin ang hininga niya gamit ang halik ko.
I licked his neck down to his chest. Isa isa kong dinilaan ang pinkish niyang utong.
Namumuo narin ang abs niya, I licked his navel. Ang sexy ng karug niya. I unbutton his shorts, binaba ko kasama ng brief niya at tumambad sa akin ang naghuhumindig niyang pagkalalake.
Inamoy ko ito, ang bango. Medyo napa-igtad siya sa aking ginawa. Dinilaan ko ang itlog niya.
“Aaaaah, sarap” nakasabunot na siya sa buhok ko.
Tumayo ulit ako saka ko siya hinalikan, this time tanggal na lahat ng damit namin.
He started licking my nips kaya lang nakikiliti ako, bawat sulok na dilaan niya ay nakikiliti ako.
“Ano ba, stop” nainis niyang banggit.
“Malakas talaga kiliti ko”
Kaya naman inamoy niya lang ang junior ko, tsupa jakol saglit.
“Fuck kita”  bulong ko sa tenga niya sabay kagat dito.
Dumiretso siya doon sa bed at may kinuha siya sa drawer – boyscout si Kuya. Sinuutan niya ako ng rubbers at naglagay narin ng lube.
Ipwinesto ko siya, nakaharap kami sa isat-isa.
“Aaaah, masakit”
“Ssssh, dahan-dahanin ko”
“Masakit, awww”
Binuhat ko siya at idinapa. Plakda siya sa kama at sa ganung posisyon ko siya pinasok.
Huminga siya ng malalim nang bigla kong pinasok.
“Aaaaah”
“Ang init, sarap”
Dahan-dahan yung ayuda ko.
“Bilisan mo na”
Di ko na din napigilan sarili ko, kahit di ko pa narerecover yung original reflexes ko, mabilis parin ang kadyot ko.
Umiba kami ng pwesto, matagal akong labasan. Halatang nangangawit na siya nun at mahapdi na. Pero patuloy parin kami. Hanggang siya na ang nagtake-over. Nakahiga lang ako at saka niya ako inupuan. Siya na ang nagtataas baba sa burat ko. Damang dama ko ang kaloob-looban niya, maiinit at parang hinihigop paloob ang aking pag-aari. Di na nagtagal at naramdaman kong lalabasan na ako.
“Malapit na ko”
Dun na siya nagsimulang magjakol hanggang sa sabay kami labasan. Pinutok niya ang kanyang katas sa dibdib ko. Kahit nandidiri ako, pinabayaan ko nalang.
Naghalikan ulit kami, hanggang sa nakatulog kaming magkayakap. Umisa pa kami ulit ng kami’y magising.
Kinabukasan ay sabay na kaming bumalik ng Manila. Magkatabi kami sa bus, magkahawak ang aming mga kamay.
Ang ironic no?
Walang umamin, basta ginusto lang namin.
Nakadantay ang kanyang ulo sa aking balikat. Napapangiti nalang ako pag pinagmamasdan ko siyang natutulog. Para siyang anghel, pero yung ugali niya ay medyo brat minsan.
Nang nasa Cubao na kami ay nagpalitan kami ng numero. Binigyan din niya ako ng isang photobook.
“Kuya, wag mo munang bubuksan ha”
“Bakit naman?”
“Mangako ka kuya, 55 days – wag mo siyang bubuksan. Pag binuksan mo ng wala pang 55 days something bad will happen to you” pagbabanta nito.
“Ok, promise”
Yumakap siya sa akin bago sumakay sa cab.
Patuloy ang chat namin at palitan ng text. Nagtatawagan rin kami pag gabi. Pero nung nararamdaman kong nahuhulog na ako sa kanya dun na ako tumigil. Nagpalit na ako ng sim, nag-deactivate ng account.
Ayoko kasing main-love ulit lalo na sa same sex.
Ayoko rin masaktan. Di ko naman alam kung mamahalin din ba niya ako considering my state.
Nagpatuloy ang buhay ko. Lumipas ang araw at mga buwan.
Hanggang isang araw, nakita ko yung kalendaryo namin. Nakapula yung isang date ng November. Bakit kaya?
Nilapitan ko ito.
“55 days?”
Naalala ko yung photobook na bigay ni Tol.
Dali-dali akong pumunta sa kwarto ko at hinanap ang box kung saan ko nilagay ang photobook. Di naman ako nabigo at nahanap ko ito.
Umupo ako sa gilid ng aking kama, saka ko binuklat ang photobook.
Andun yung mga kuha niya sa Sagada. Lahat magaganda.
Nakita ko rin yung pictures na ako ang model lalo na yung nakahubad ako.
Hanggang sa makita ko yung picture ko nun dun sa Dap-ay. Naka-headset at nakatingin sa kawalan. Yun ang unang araw na nagkausap kami. Yung araw na sinita ko siya dahil kumukuha siya ng letrato na walang paalam.
Dun meron siyang sinulat.
“Sabi nga ng isang makata, we find different people along the way. We meet strangers and fall in love with them just to become strangers once again. Masakit lang yung cycle na yun. Yung bigla nalang may magic – isang araw di niyo na kilala ang isat-isa. Wala nang kibuan, wala nang good morning o good night. Umalis lang ng walang paalam – bigla nalang nang-iwan.
Sabi ng iba, solitude is in their blood – just being lonely & miserable. Pero sabi ng isang kritiko “Solitude is different from loneliness. It’s being quite with yourself but youre completely fine”
Hindi pwedeng nag-iisa ka lang. You can’t carry the world with just two hands.
And to that one person out there, di ko man alam ang pangalan mo – keep on fighting till your very last breath. Di natatapos ang mundo ng ganun ganun nalang. Wala mang kinahantungan ang ating kwento na di man lang nagsimula, alam ko may darating namang iba
Love lots,
Mikhail Andrei”
---
“Mikhail Andrei?”
Biglang nag-beep ang phone ko.
“Tol, elliptical na kami – nakabihis ka na ba?” text ni Carlo.
“Pinagsasabi mo tol?” reply ko.
“Kasal ni Lou ngayon pre, nakalimutan mo?”
“Hala ngayon ba yun? Kala ko bukas pa tol”
“Bilisan mo, bihis ka na malapit na kami diyan sa inyo”
Buti nalang naka-bili na ako ng regalo nung isang linggo pa. Dali-dali akong nagbihis at nagpa-alam ako sa Nanay ko.
Nagsuot ako ng puting polo.
Ilang minuto rin bago dumating ang tropa.
Pagpasok ko sa kotse andun si Billie, si Celine, si Jazz at ang bff kong si Roan. Si Carlo ang nag-drive. May nakita naman akong bagong mukha kaya nagtanong ako.
“Sino siya?”
“Ah yan? Pinsan ko paps si Clyde” sagot naman ni Jazz. “Insan, pakilala ka nga dito sa gwapo kong kaibigan”
“Hi Kuya ako si Clyde”
“Andun kasi jowa niya kaya sumama si loko”
“Insan naman eh” angal ni Clyde. “Na-hire kaya akong wedding singer dun”
“Gwapo ni Clyde, kung di lang gwapo din ang hanap papatusin ko yan” pasaring ni Roan, nakatingin sa akin. “Maganda siguro magiging anak natin pag nagkataon no?”
“Ate naman eh, allergic po ako sa tahong”
Tawanan ang lahat. “Yang si Hans mahilig sa tahong kahit hilaw. Nilalagyan pa ng honey makain lang” tugon ni Carlo.
Inaasar na ako ng lahat. Ako nalang kasi ang single sa tropa, sila may mga pamilya na at yung iba ay may partner.
“Mag-drive ka na nga lang” suhestiyon ko.
Pinagmasdan ko si Clyde, brush up ang buhok niya, puti ang polo niya. Yung tatlong butones ay di nakasara. Ngunit di salubong ang kilay niya at ang labi niya ay mala rosas na malamlam. Parang mga holen ang bilog niyang mga mata. Para siyang anghel, hawig niya si Tol – si Mikhail Andrei.
Nakarating narin kami sa simbahan, eto na ulit ang unang beses na papasok ako sa simbahan matapos ang nangyari sa akin. Kaya naman may awkward feeling akong nararamdaman. Nakakapanibago.
Umupo na nga kami sa ikalimang hilera ng mga upuan. Di ako mapakali, ewan ko lang kung bakit. Kaya lumingon ako sa likuran, at dun ko nakita ang lalakeng gusto kong makita matagal na. Naglalakad siya sa aisle, kaya napatayo ako. Bumilis ang tibok ng puso ko, animoy parang slow mo sa isang mainstream na pelikula. Dug dug dug dug…
Siya nga…
Papalapit siya ng papalapit, akala mo ako ang groom at siya ang bride ko.
Nagbago na ang itsura, hindi na brush up ang buhok niya.
Kulot na ang buhok niya na inayos na parang sa K-drama.
Itim ang suot niya, lahat ng butones sa polo niya’y nakasara.
Hindi na salubong ang kilay niya, at sa kanyang mukha ay masasalamin ang saya.
Nilagpasan niya ako. At dun da kung saan siya dumiretso, nakita ko may kayakap siya – si Clyde.
“Ang ga-gwapong nilalang noh?” si Roan.
“Jazz, sino yun?” tanong ko.
“Ah, boyfriend ni Clyde yan si Andrei. Sikat na wedding photographer yan. Bago lang sila, yung long time boyfriend kasi ni Andrei namatay sa isang aksidente. He gave up being a Doctor when his fiance Kevin died.”
“Talaga?” tanong ni Roan.
“Yeah, kasi nung sinugod yung fiance niya sa ospital siya yung naka duty sa Emergency Room, siya din ang Surgeon. Feeling niya namatay ang boyfriend niya sa kanyang mga kamay kaya ayun. Pinursue nalang niya ang passion niya sa photography”
“Diba Doctor din yang si Clyde?” tanong ulit ni Roan.
“Yes isa siyang Pediatrician – mahilig yan sa mga bata. Kaso ang passion din ng loko pag-kanta. Sumasali pa yan sa mga gigs, at kumukuha ng mga offer as wedding singer. Perfect match nga sila ni Andrei”
Nakikinig lang ako nun, pero nasasaktan ako.
“Muntik nang mag give-up yang pinsan ko nun kay Andrei. Pumunta siya ng bahay umiiyak” kwento ni Jazz.
“Bakit?”
“Eh gustong-gusto nga niya si Andrei, kaso itong isa may napupusuan daw na iba. Mahal na daw niya”
“Pano naging sila?”
“Basta nalang daw di nagparamdam yung lalake kay Andrei. Left hanging ang Lolo mo paps. Kaya ayun, Clyde did his shot – edi nakuha niya ang jackpot”
“Ang tanga nung lalake no?” tugon ko.
“True” sagot nila.
“Tanga ko pala sobra” bulong ko.
Hangggang sa magtama ang aming mga paningin. Nginitian niya ako saka naglakad papunta sa direksyon ko.
“Uy Kuya!” sabay yakap sa akin. “You look great huh, kumusta ka na?”
Yung tingin nina Roan at Jazz sa amin iba, naghahanap sila ng eksplanasyon. Anong nangyayari?
“Mabuti naman kalagayan ko. Medyo ok narin yung reflexes ko”
“Wow! Ah Kuya may exhibit ako sa Ayala Museum sa Saturday, punta ka ha? Punta kayo”
“Sure!”
Lumapit naman si Clyde sa amin.
“Anong kaguluhan to?”
“Tuks, eto si Kuya ahhh errr”
“Hans! Hans Christian ang pangalan ko”
“Tuks, si Kuya Hans pala, siya yung nakilala ko nun sa Sagada – yung model ko sa exhibit photos”
“Ah siya ba yun?” tanong ni Clyde.
Andrei just nod.
“Wait, so siya rin yung nang-iwan sayo sa mall noon dahil late ka?”
“Clyde!” saway nito.
“Yung pumunta ka parin kahit bali yung balikat mo at duguan sa ulo? Kung di pa kita pinuntahan dun eh baka ngayon nasa heaven ka na”
“Tuks!”
“Why didn’t you tell me back then?” galit kong sagot.
“Wala namang magbabago diba? Di mo rin naman siya iintindihin dahil may kasama ka noong iba” baling ni Clyde sa akin.
Naka-kuyom ang aking kamao at handa nang manuntok. Pero nagtimpi lang ako dahil andun si Jazz.
“Pero Kuya Hans, salamat ha. Kundi dahil sayo, wala akong Andrei ngayon” tugon ni Clyde na may kasamang nakaka-insultong ngiti.
Naka-irap lang si Andrei sa kanya.
Sa kabilang dako ay may kumaway sa kanila.
“Tuks start na daw” pahayag ni Clyde.
“Ok pwesto na ko” sagot lang nito. Kami naman, andun lang nagmamasid.
“Oh sige Kuya, dun muna ako ha. Pasensya na, may attitude problem kasi yung lalake na yun. Pasensya po ulit”
Umalis na nga sila. Umupo naman ako.
“Mr. Hans Christian Lopez, anong kaguluhan yun?” tugon ni Roan.
“Oo na, kasalanan ko na”
Binatukan ako bigla ni Jazz.
“Aray ko ha”
“Gago ka, eto ba yung araw na inindian mo kami. Tapos nalaman-laman nalang namin na kasama mo na pala ex mo. Pero ano napala mo nun? Wala diba? Nasaktan ka lang ulit dahil may iba nanamang boyfriend yung higad na yun. Tapos days after nagtext yung bf ni higad na kung pwede isauli nalang daw niya sayo. Hanep ka rin. Iba!” 
“I’m that asshole. I was that guy who left Andrei hanging. Dahil ayoko nun madevelop yung feelings ko towards him. Ayoko na ulit magmahal lalo na pag same sex. Nainis ako, iniwan ko siya dun sa mall dahil late siya at di man lang ako sinabihan”
“OMG! Kaya pala, well salamat ha. Dahil sa kagaguhan mo, masaya ngayon ang pinsan ko” tugon ni Jazz.
“Di ka sinabihan? Talaga?” sabat ni Roan.
“He said, in 30 minutes andun na daw siya, kasi daw traffic. Eh ayoko na mag-antay kaya umalis ako. Sakto naman nandun din si Ge noon, edi sumama nalang ako”
Kinutusan uli ako ni Roan.
“Quota na kayo sakin”
“Nagsisisi ka ba Hans?” tanong ni Roan.
“Di ko alam”
Nagsimula na ang seremonya. Sa buong duration na yun, sinisipat ng aking mata si Andrei.
“Ako sana ngayon ang masaya” mahina kong tugon saka bumuntong hininga.
Sa reception kita ko kung gaano sila kasaya. Na para bang may nararamdaman akong panghihinayang at inggit. Na para bang di kinakaya ng puso ko ang aking nakikita.
Hanggang sa mas lumala ang sitwasyon. Nandun din pala si Anj, kasama niya yung asawa niya at yung anak niya.
Pero wala na akong naramdamang kahit na ano. Parang wala nalang.
Nabigyan kami ng pagkakataon na makapag-usap, at dun ay nagkapatawaran kami. Gusto ko sanang isumbat sa kanya lahat. Gusto ko sana tanungin kung bakit. Gusto ko ng pangmalakasang closure dialogue. Pero ayoko magcreate ng eksena. Naalala ko din ang sabi ng aking kaibigan, its all in the past. May kanya kanya na kaming buhay. Minahal ko siya, at minahal naman din niya ako. Kaya sapat na yun na irespeto namin ang isat-isa at maging masaya nalang.
“Hans, you’ll always be a part of me”
“Anj, you’re the most beautiful thing that happened to my life. You brought all the colors to my life. Happy ako na naging parte ka ng buhay ko”
At dun ay nagyakapan kami.
Nagsalita na ang Emcee. “Ladies & Gentlemen, Mr. Clyde & Ms. Jazz Palma will serenade us all tonight, and in the guitar please welcome the very handsome, Mr. Mikhail Andrei Timoteo”
Nagsimula na ngang tumugtog si Andrei, ganun parin di parin nagbabago. Magaling parin siya.
Binitawan na nga ni Jazz ang unang lyrics ng kanta.
Jazz: You by the light, It’s the greatest find, in the world full of wrong, you’re the thing that’s right
Clyde: Finally made it, through the lonely, to the other side…
Lumapit si Clyde kay Andrei at itinapat ang mic dito.
Sabay na kinanta nina Jazz at Andrei ang chorus.
You said it again my hearts in motion, every word feels like a shooting star. Im in the edge of my emotions watching the shadows burning in the dark…
Andrei: And I’m in love, and I’m terrified, for the first time, in the last time, in my only – life
Di ko na napigilan ang sarili ko. Umalis ako dun sa venue, masyado nang mabigat ang nararamdaman ko.
“Masakit diba?” boses mula sa kung saan.
Inangat ko ang aking ulo, nakita ko ang isang lalake na naka tuxedo. Humihithit ng kanyang sigarilyo.
“Masakit pag nakikita natin ang taong minsang naging atin ay masaya na sa piling ng iba. Na yung ngiti nila alam natin na hindi na tayo ang dahilan”
“Parang nakita na kita”
“Bestfriend ako ni Lou, ako din yung Ex niya”
“Woaaah”
“Martir ko ba, dumalo ako sa kasal ng Ex ko?”
“Paano mo nakakaya?”
“Simple lang, bago maging kami mas matagal na panahon kaming magkaibigan. Magkababata kami niyan, lahat ng sikreto namin alam ng isat-isa. Yung mga masasayang memories nalang namin bilang magkaibigan ang tinitreasure ko at ayaw kong masira yun. Pero masaya narin ako, kahit na hopeless ako ngayon”
“Siya yung TOTGA mo?”
“TOTGA you mean?”
“The One that Got away. Lahat tayo may ganun, pwede palang dalawa ang maging TOTGA mo noh?”
“Siguro, pero I don’t consider her as my TOTGA. She’s a gem to me and I will treasure her till my very last breath.”
“Lakas tama tol”
“Ganun ka rin naman dun sa letratista ah. Gwapo siya, gago ka lang pinakawalan mo eh”
Natahimik ako.
“Nga pala tol, Franco nga pala”
“Hans” nagkamayan kami.
“Life goes on ika nga. Patuloy lang, makakakita rin tayo ng taong natatangi at di tayo itatanggi”
“Sana nga” 
“Tara, ipasyal mo naman ako. Promdi ako eh di ako masyadong nag gagala sa Manila”
“Sige ba”
“Hanapin natin yung mga TOTGA natin”
“Huh? Wag na”
“Alam mo ba meaning ng TOTGA na sinas1abi ko?”
“Ano?”
“The One that God Allowed”
“Ah, The One that God Allowed – ayos ah”
“So tara?” sabay kindat nito.
“G!”
Mas ok nga naman yun noh – yung mismong Diyos na ang nagdikta na ang taong ito ay para sayo talaga. Sumakay nga ako sa kotse ni Franco at ako ang navigator niya. Andami naming napapag-kwentuhan at masaya lang kami. Pag nagtatama ang aming mga paningin ay napapangiti nalang kami.
I’ve only said it cause I mean it
I only mean cause it’s true
So don’t you doubt what I’ve been dreaming
“Cause it fills me up
And hold me close
Whenever I’m without you…
Habang nagda-drive siya at kakalagpas lang namin ng Katipunan, bigla niyang iginilid ang kotse saka siya huminto.
“Ba’t tayo huminto?” tanong ko sa kanya…
“Kotse yan ng pinsan ko ah, anong ginagawa niya diyan. Saglit lang ha, antayin nga natin kung si insan nga.
Ilang minuto ang lumipas ay may lalake na brusko, matangkad, maayos ang porma, na lumapit dun sa kotseng nakaparada.
Bumusina si Franco…
Lumingon naman yung lalake sa gawi namin. At nagulat ako sa aking nakita, di nga ako nagkakamali – si Gerard yun.
Lumapit ito sa kotse namin. Bumaba naman si Franco at nagkamustahan sila.
“Nga pala, kaibigan ko si pareng Hans”
Nagtama ang tingin namin. Blanko ang ekspresyon ng mukha ko. “Ito ang taong nanloko sa akin. The cheater!”
“Long time no see Hans” bati nito na may halong pilyong ngiti.
“Hey” maikli kong sagot.
“Wait, magkakilala kayo?” tanong ni Franco.
“Of course” sagot ni Ge sabay kindat.
Naguguluhan parin nun si Franco. Palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.
----
Sa akin mo isabit ang pangarap mo. Di kukulangin, ang ibibigay. Isuko ang kaba, tuluyan kang bumitaw. Ika’y manalig… Manalig ka…
-an open ending-
XOXOXO
A/N: Hi KM Nation, been a long time… So here’s my contribution for this month, hope you like it. Just feel free to recommend this story and leave your comments down below.
This story has an open ended ending. I will be happier if some of you will create a story or an alternative ending out of it. Hope to see some output soon.
CIAO!
Lovelots,
Zee_XOXOXO
P.S: Thanks to that Tukmol out there who gave me the idea to write this one. Continue being an inspiration to others.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This