Pages

Sunday, February 4, 2018

Ortigas Extension (Part 3)

By: Greg

Hi mga ka-KM readers si Greg po ulit to. Eto po ang continuation ng kwento ko. Ipagpaumanhin niyo po kung medyo magulo sa sulat ko as I am only doing it here sa phone ko.

Nagdaang ang mga linggo, buwan at patuloy parin siya sa panunuyo sa akin hanggang sa mapagdesisyunan kong sagutin ko na siya. Naisip kong magbigay ng pagkakatataon. Hindi ko dapat pigilan ang sarili ko na magmahal at sumaya ulit. Bilang may asawa't anak, pigil na pigil ako sa lahat ng alinmang makamundong makaka-distract sa akin kasi alam ko sa sarili ko na hindi pwede, pero sa pagkakataong eto bumigay na ako. I think I am fallin for him.

Sinagot ko siya November 30th pagkatapos naming magtalik.

Habang nakahiga kami........

Me: Gusto mo na ba talagang maging tayo? Pwede naman ang walang label ah,  we are having sex, we go out and we do things like normal couple does. kailangan bang may label dapat?

Nag-aalinlangan ako, maraming tumatakbo sa isip ko nung mga oras na yun. Alam ko kasing magiging komplikado ang mga bagay bagay sa amin. Sinabi ko sa kanya lahat lahat na may asawa't anak ako. I stayed true and told him the truth. Lahat ng kailangan niyang malaman sa akin before we step to the next level of our affair.

Al: Oo naman,  iba pa rin pag masasabi mong sayo, na sayong sayo lang, bukod syempre sa misis mo pero yung tulad natin. Na alam kong akin ka lang. Tanggap ko lahat ng mali mo nagawa mo man o magagawa mo pa lamang. Mahal kita Greg, totoo ako sayo.

Napatingin ako sa malayo at inisip muna lahat and finally I have made my mind.

Me: I love you too Al.
Al: So tayo na?
Me: Opo. Tayo na..
Al: Yes!  Salamat Greg. Aalagaan kita.

We kissed and made another round. Kinabukasan niyaya niya akong kumain sa labas,  somewhere in Kapitolyo ( Thai Resto ) then pumunta kami sa Lia's cake shop. Food trip kami and that was the first time I have felt so much happiness after not having an affair with a guy for years. Every morning after we got off from work sabay kami nagbbreakfast. Kumakain sa labas,  minsan pagluluto ko siya at iimbetahin sa unit ko. Nagkasundo kami sa pagkain kaya days pa lang nag-gain na kami ng weight.

Days have gone by and we were exploring the metro. Nagsesearch ng mga kainan tapos pinapuntahan namin, pagkatapos ng kainan uuwi at magpapark sa labas ng unit. Bago ako bumaba nagkakaron kami ng session sa loob ng kotse niya. 😄 at mga pare, that's almost everyday. 😄 Ang saya ng pakiramdam ng bawat minutong kasama ko sya. Nagguilty ako minsan pero nadidisregard ko ang pakiramdam na yun dahil sa kasiyahan na binibigay niya sa akin. I feel loved and treasured.

A month passed in our relationship when his schedule at work changed. May hahawakan na kasi syang class ( Yes,  he's a trainer sa isang malaking kompanya sa metro ). Dun unang nasubok ang relasyon namin, pang-umaga sya, pang-gabi ako. Kailangang mag-adjust sa isat-isa. Naninibago ako,  hindi ako sanay na hindi kami nagkikita,  magkita man kami panandalian kasi kailangan na niyang pumasok sa trabaho sa umaga.

Sa buwan narin na yun dumating ang hindi ko inaasahang balakid sa buhay ko. Nasubok ako. Nakatanggap ako ng tawag sa erpat ko na kailangang magpakasal ng agaran ng half brother ko o madidisgrasya sya. Banta to ng pamilya ng babae. Nung oras na yun wala akong option to say no to my father. Sinabihan ko sya magkano kailangan to settle it at agaran ko namang binigay. Pamilyado akong tao,  bawat lumalabas na pera ay kalkulado. Nakabudget lahat. Binigay ko sa erpat ko ang nakatabi kong pera.The next day I received another call from him saying the funds were not enough and to add more. Sa tono ng erpat ko alam kong stress na stress na sya. So binigay ko ang supposedly na ipambabayad ko ng unit at bayad sana sa utang ko sa bangko para masagip ang buhay ng half brother ko. Sabi nga nila " napapalitan ang pera pero ang buhay hindi ". I've made sacrifices but my father didn't know it. Ginawa ko yun to pacify the situation para gumaan narin pakiramdam ng tatay ko.

Lumipas ang mga araw at patuloy parin kaming nagkikita ni Al kahit panandalian lang pero at least nakakapagbigay pa rin ng oras sa isat isa. He never failed to make me happy. He always do. Nung mga araw na magkasama kami though problemado ako hindi ko pinapahalata sa kanya. Malapit na kasi ang bayaran ng condo at sa bangko hindi ko alam kung saan kukuha ng ipambabayad hanggang sa mapansin niya ang pagiging tulala ko minsan. ( Just to add more sa storya ng convo namin ng tatay ko,  nanghingi pa po ulit for the third time para sa gastos ng half brother ko at nung humindi ako kasi wala na talaga,  I heard bad words from him na masyado kong dinamdam ). Pagkatapos mong gawin ang lahat lahat ganun pa makukuha mo in return.

Going back to the story. After mapansin ni Al ang napapadalas na pagiging tulala ko, tinanong niya ako ano problema. Sinasagot ko lamang na wala pagod lang at may iniisip. Pero sa loob ko sobrang stress na malapit ng mag due ang unit at bank loan ko wala akong pambayad, idagdag mo pa ang emosyon at sakit na nararamdaman ko sa mga sinabi sa akin ng tatay ko. Medyo nadedepress na ako that time. Hindi tumigil si Al sa pangungulit sa akin,  hindi ko kasi maiwasang mapatitig na lang sa isang sulok sa tuwing maiisip kong magbbounce ang checks ko. And I finally told him.

Al: Dapat sinabi mo kaagad,  pwede naman gawan ng solution yan eh,  wag mo ng isipin yan okay?  Gagawan natin ng solution yan.

Me: Hindi na,  kaya ko na to, pasensya ka na at di ko magawang maging masaya pag kasama kita. Naaapetohan lang ako. Di ko maiwasan sa tuwing naiisip ko.

Al: Nauunawaan ko,  wag ka ng mag-isip ng sobra okay?

My due dates were approaching and I cant help but to be stressed.  I needed someone to talk to nung mga oras na yun pero medyo mailap ang mga tunay na kaibigan. Dagdag mo si Al. Tenetext ko sya to be with me but he can't kasi sobrang busy sa trabaho. Dumating man sya pero sobrang late na. ( FYI guys,  nung mga panahon na yun wala ako sa office,  naka-leave ako)  di ko kinakayang pumasok dahil sa stress. Sa mga panahon na rin yun nasubok ang relasyon namin, pakiramdam ko kasi ang hirap manghingi ng oras sa kanya.

He then provided remedy and solution to my problem. He lent me the amount I needed to settle my dues. I thanked him so much for saving me.

Nagdaan na naman ang mga araw at magmmonthsary na naman kami. We were texting where to go ng mawrong send sya.

Al: Yosi tayo? Dito na ako sa baba,  may parking.
Me: Sige, heading there.
Al: Mga 11 ako dadating siguro.
Me: Mga 11 ako dadating siguro. - DI MO NAMAN SINABI NA MAY LAKAD KA AL. OH SYA SIGE BABALIK NA AKO!  ENJOY.
Al: Pupunta ako patay. Lam mo kung sino? Ung nagbigay sa akin ng pera. He passed away this morning. Ayaw ko sabihin sana sayo pero anjan na. Baka d mo ako maintindihan. Namatay sya kanina. His niece called me. He died in his sleep.

My trust issue kasi ako guys. Sa dalas naming magkasama ni Al,  lahat ng ginagawa niya sinasabi niya sa akin. Nagtaka lang ako at eto lang ang natatanging pinagtakahan kong sinabi niya. Hindi ako naniwala sa sinabi niya.

Me: WAG AKO AL!   YOU MUST REALLY BE SPECIAL TO BE CALLED BY HIS NIECE YEA?  DI MO NAMENTION SINCE KANINANG UMAGA?!! IKAW PA?  WAG AKO! MALINAW NA SA AKIN ANG LAHAT. SIGE PAEXTEND NG PAKIKIRAMAY! MAGENJOY KAYONG DALAWA!

Al: Patay na po ung tao. This is the reason why I dont want to tell you. I sent my conversation with her yaya in viber. Papatayin ko ung tao para makalusot? Tanga ba ko? Kaya ayaw ko sabihin sayo dahil alam ko magiging ganyan ka.

At this time, naconfuse ako it made me think more, kanina neice tapos ngayon yaya. and I was right on my gut.

Me: THANK YOU. ENJOY! ANG SWEET NG YAYA NIYA PARA SABIHAN KA NOH?  YOU MUST REALLY BE CLOSE. YEA?!  SALAMAT RIN. MARAMING MRAMING SALAMAT SA PANGAGAGO MO SA AKIN AL!  MARAMING MARAMING SALAMAT!!!  MAY YOU FIND PEACE!! SANA SINABI MO NA NUNG UNA. SANA HINDI MO NA AKO PINANIWALA!!! HINDI MO SA AKIN SINABI DAHIL BAKA HINDI KO MAINTINDIHAN?  ANONG AKALA MO SA AKIN AL?!! ANO?!! PINILI MONG ITAGO?!! KAILAN MO SASABIHIN?! GINAGO AKO ALAM MO YAN!! KAYA NAWALAN AKO NG TIWALA!!!  PINILIT AT NAGTIWALA AKO ULIT DAHIL ANG ALAM KO IBA KA SA KANILA!! HIS NIECE CALLED YOU?  AND NOW HIS YAYA INFORMED YOU?!!  SANA SINABI MO NUNG UNA PALANG NA GAGUHAN PALA TO!  PWEDE NAMAN TAYONG MAGING FUBU NA LANG EH!!  TANGINA!  PARA MO AKONG NILIBING NG BUHAY! ANG RAMING NAGPARAMDAM SA AKIN PERO IKAW PINILI KO DAHIL ANG ALAM KO IBA KA!  BAT KAILANGAN MONG MAGSINUNGLING BAT NGAYON PA KUNG KELAN MAY PINAGDADAANAN AKO!!  SAN BA AKO NAGKULANG?!!!!  SAAN!?! MALI AKO?!  NA WALA AKONG TIWALA SAYO?  MATAPOS MONG ITAGO YAN?  NOW SAYS YOU ARE CORRECT AND I AM WRONG. GIMME PROOF!!  NAWAY MAGING MASAYA KA SA NAGING GINAWA MO. SANA! NEED NOT TO REACH ME ANYMORE.  I WILL BE CHANGING MY DIGITS!  PINATUNAYAN MO SA AKIN NA PARE-PAREHAS KAYONG LAHAT!!  MAGSAMA SAMA KAYO! 

Al: Everything ithat I said is true. Pati ung sinabi kong mahal kita. Andito ko ngayon sa manila memorial. Guso mo dumalaw para maniwala ka? This is the exact same thing that I was imagining if I told you. And I wasnt wrong. Kung hindi mo ko maintindihan sorry po. D mo alam kung gano kalaki ang utang na loob sa pamilya nya. Nung ako ang naangioplasty, kinulang ako ng pambayad sa ospital. Pinahiram nila. Pasensya na po kung hindi ko sinabi.

Me: The worst thing about being lied to is knowing you weren't worth the truth. When you choose to hurt someone who really loves with lies,  deceit and betrayals, you decide to become one of the worst decisions they have ever made. I would have understood everything but you chose to keep them. Take good care of yourself. As our relationship gets on,  nasasaktan natin isa't isa. You know that I have trust issue but you still chose to keep it and break my heart. I wish you luck again. Mahal kita kahit na masakit na. Paalam po... Til then.

Habang nagpapatuloy ang paguusap namin dalawa mas lumalalim at naguguhan na ako...

Al: Wala akong pinagsinungaling sayo. I kept the news to myself because  the mere mention of him irritates you. He’s dead. He’s gone, forever. Wala ka na pong kakatakutan. Patay na sya. Pagod na din po ako kakadefend ng sarili ko. Im tired of proving myself to you. Pagod na pagod na pagod na ako. Let’s just settle everything that’s left to be settled.

Me: I am sorry kung may nasabi ako na di mo nagustuhan. I have trust issue at alam mo yun. Hindi ko lang magets ang punto nang pagtatago sa akin ang babaw nun para di ko maintindihan. Pero tama ka nakakapagod nga. Focus ka muna sa pamilya mo at sa work and I will do the same. Ako yata rin siguro may problema. Na makitid ang utak. Sana maging okay lahat sayo at sa pamilya mo. Magiingat ka palagi po. Salamat sa efforts na ginawa mo sa akin, I will be forever grateful about it. Maraming maraming salamat. Hanggang sa muli po nating pagkikita. Salamat po ulit. Di ko makakalimutan ginawa mo sa akin. Am hurting because I love you. I love you so much. Though maliit lang na issue pero nasasaktan ako sa fact na tinago mo. Minaliit mo panguunawa ko in what sense Al?  Ipaintindi mo sa akin kung bakit kailangang itago? Bakit?

Al: Nung naghiwalay kami, gusto ko lang sumaya ulit. That was my ultimate goal. I just wanted to be happy. Sobrang sakit, pain that you can never imagine. Tas dumating ka sa buhay ko. You made me happy again. Totoong minahal kita at mahal pa din kita. Kaso minsan nakakasakal. Kelangan laging maingat ako sa gagawin ko at sasabihin ko. Konting masabing mali bigla ka na lang tatahimik. That’s one of the reasons why I kept it to myself. Ang gusto ko sana ung masaya lang. Ung alam mong pag pagod ka at malungkot ka, makita o makausap mo lang sya, masaya ka na. Ung madali magkaintindihan. Ung walang hulaan. Walang hulihan. Ung kung may gusto, sasabihin agad para alam nung isa kung ano gagawin. Ung nakakawala ng stress, not the other way around. Pero parang hindi ganun e. At this time, hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Add to that, one of the persons who has been important to me just passed away. Kahit wala na kami, masakit pa din na nawala sya. Ang bait sobra ng pamilya nya. Naramdaman ko kanina na part ako ng family nila. His sister kept on introducing me to their relatives as his bestfriend. Malungkot ako ngayon. Sobrang lungkot. I just want to be happy. Gusto ko sumaya.

His last text confused me more......

Me: He was your ex?

Al: Yes. He was....

Me: Malinaw na sa akin lahat. Hindi kailangang itago Al ang katotohanan. It would hurt but at least you became honest. I dunno what to feel honestly. I really don't. Nauunawaan ko ang sitwasyon mo. pero bakit kailangan mong magsinungaling? Natatakot ka na baka hindi ko maintindihan? Alam ko naman na mahal mo ako eh. Bat kailangang mo itago all this time that we were together. Naguluhan ako bigla. sobrang naguguluhan ako ngayon at hindi ko alam kong ang nararamdaman ko ngayon ang alam ko lang nasasaktan ako ngayon.  I might not be in your shoes but I know the feeling of losing someone. Hinding hindi ko matutumbasan ang pinagsamahan niyo,  hinding hindi. Be strong and if time comes that you find someone who can give you happiness,  be with him. Writing this message is killing me but I have to be strong. I hope you find peace and move on the soonest. You have an option to tell the truth but you chose to break my heart. Take care of yourself. Til then.

Maraming maraming salamat po sa nakabasa at nagsubaybay sa mga nauna kong mga kwento,  eto po ay real story....I am on process of writing the next chapter. Thanks guys and God Bless.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This