Pages

Sunday, February 11, 2018

World Balance

By: Matthew L

Hi! Most people call me Dan kasi nickname ko yun. This is my first time writing on this site and di naman ako ganun kacreative sa pagsulat so please bear with me. Hahaha

Isang mainit na umaga sa buwan ng Abril, araw ng sabado, walang pasok, kaya ineenjoy ko talaga ang tulog ko. Nakakainis lang kasi 6 AM ng umaga, may biglang kumatok sa apartment ko. Narinig ko sa kwarto ang katok sa baba, so kahit naka-boxer shorts at sando lang ako ay bumaba ako para tignan kung sino ang aking bisita na sobrang aga pa. Nang aking buksan ang pintuan ay papipikit-pikit ang aking mata sa sinag ng araw nang masilayan ko na ang aking bisita pala ay ang aking bestfriend, si Jeric na may nakasuot ng basketball shorts, world balance na running shoes, jersey shirt kung saan kitang-kita ang malalaki nitong muscle sa braso.

Ako: Anong problema mo pre? Ang aga-aga, natutulog pa ako eh.
Jeric: Binisita kita kasi nakakalimot ka na pre.
Ako: Anong nakalimutan ko?
Jeric: Ikaw itong nagsabi kahapon sa barkada na "3 AM guys, jogging tayo bukas."
Ako: Shet! Pasensya lang pre! Nakalimutan ko!
Jeric: Hahaha. Anyway, nagsi-uwian na sila and nag decide ako na pumunta dito.
Ako: Bakit di ka muna umuwi?
Jeric: Wala. Gusto ko lang makitambay dito. Bakit? May problema ka ba sa bestfriend mo? Haha
Ako: Gago ka pre syempre wala. Haha. Kakagising ko lang kasi eh, istorbo ka.

Pinapasok ko si Jeric at pinaupo muna sa sala habang ako ay nagluluto ng pang-almusal namin. Malimit na tumambay dito si Jeric, kahit na malapit lang naman ang bahay nila, pero pabor din naman sakin para may kasama naman ako dito sa aparment ko. Binuksan niya ang TV at nanood ng mga morning shows habang ako ay busy sa pagprepare ng pagkain namin. Aking siyang tinawag ng matapos ko nang lutuin ang almusal namin. Tumungo siya sa kusina at sinamahan ako sa lamesa para kumain ng kanin, tuyo, itlog at hotdog. Nagkwentuhan kami tungkol sa kung ano-ano habang kumakain sabay ang ingay ng TV na di niya pinatay. Pinag-usapan namin ang tungkol sa Ate niya na pupunta ng ibang bansa para magtrabaho.
Ako: Ikaw Jeric, weirdo ka din noh. Alam mong papaalis na si Ate mo, di mo na lubus-lubusin ang oras na andyan siya.
Jeric: Ay bahala siya, di kami close. Mas gusto ko pa dito sa lugar mo tumambay kesa dun sa bahay, awkward ako doon sa bahay.
Ako: Siraulo ka! Haha
Jeric: Mas gusto ko na kasama ang bestfriend ko.

Tuloy-tuloy ang pagkain at kwentuhan namin at nang matapos kami ay siya ang naghugas ng pinagkainan namin at ako naman ay naligo. Makaraan ang ilang minuto pagkatapos ko maligo ay pumunta ako sa kwarto para magbihis. Nang ako'y nasa kwarto na, aking tinanggal ang nakatapis sakin na twalya at tumungo sa cabinet para kumuha ng damit. Laking gulat ko ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto.

Jeric: Dan, may a-- *napatigil siya at napatingin sa likod ko.*
Ako: (Lumingon ako papunta sakanya.) Jeric!!!
Jeric: Ay! Pasensya na pre. (sabay sara ng pintuan.)

Di ko pa rin maisip na nakita ni Jeric ang kabuuan ng likod ko. Including my butt. So nagbihis ako at bumaba at pumunta sa sala. Nang papunta ako kay Jeric ay sinalubong niya ako ng ngiti.

Jeric: Ganda ng pwet mo pre. Hahaha
Ako: Hahahaha. Sira! Anong kailangan mo?
Jeric: Hah? Wa-wala. Never mind na lang.

Minsan pumapasok din sa isip ko na baka sinadya ni Jeric na pumunta sa kwarto dahil alam niyang nagbibihis ako. Akin siyang inasar habang kami'y nanonood ng TV.

Ako: Jeric, baka naman sinadya mong pumasok sa kwarto para makita akong hubad? Haha
Jeric: Gago ka pre! (suntok sakin sa balikat)
Ako: Asus! Asar talo! Haha
Jeric: Tumigil ka nga pre! (biglang hawak sa pwet ko.) Porket maganda lang pwet mo. Hahaha

Patuloy ang aming tawanan habang magkatabing nanonood ng kung ano-anong shows sa TV. Pumatak ang alas 10 ng umaga.

Ako: Pre, wala kang balak umuwi?
Jeric: Ah ganun? Pinapalayas mo bestfriend mo ngayon?
Ako: Hindi naman sa ganun pre. Wala ka atang balak maligo ang baho mo na. Hahaha
Jeric: TInatamad ako umuwi. Maglalakad nanaman ako.
Ako: Baliw ka! Ang lapit ng bahay niyo.
Jeric: Ang layo kaya. Dito na lang ako maligo, pahiramin mo na lang ako ng underwear. Hahaha
Ako: Gago ka pre! Kadiri. Hahaha
Jeric: Seryoso pre, tinatamad ako umuwi. (Nagpupumilit talaga siya na ayaw niya talagang umuwi.)
Ako: Sige! Fine, may bago akong brief dun, tapos pahiramin na lang kita ng damit.
Jeric: Hahahahaha.

Kahit pa man na sa ganoong sitwasyon, makikita na talagang close kami sa isa't-isa, pati nga underwear nahihiram. Hahaha

Naligo muna si Jeric habang ako ay umakyat para ihanda ang hihiramin niyang mga damit. Iniwan ko sa may computer ko sa kwarto ang bihisan niya.

Ako: Jeric! Kunin mo na lang doon sa may computer ko. Andun na ang bihisan mo.
Jeric: Salamat pre!

Nang matapos siya sa pagligo, nakita ko itong lumabas sa banyo na nakatapis ng twalya (na hiniram niya din sakin) at half-naked. Kitang-kita ang hulma ng katawan nito kasama ang six-pack na abs at prominenteng dibdib. Dala-dala niya ang pinaghubaran na damit at underwear. Umakyat siya sa taas para magbihis. Nang ako'y kanyang tawagin mula sa taas. Ako ay umakyat sa kwarto para malaman kung ano ang problema niya. Pagpasok ko sa kwarto, ay nakatapis pa rin siya ng twalya at tinanong niya ako.

Jeric: Wala kang ibang damit maliban dito?
Ako: Ang arte mo! (sabay suntok sa kanya sa balikat)
Jeric: Aray! Haha Syempre, I wanna look good pa rin kahit na sa wardrobe ng iba. Haha
Ako: Ang dami mong pautot. Hahaha (pumunta ako sa cabinet ko para maghanap ng iba.)
Jeric: You won't mind if maghubad ako kahit andito ka?

Medyo nag-iba ang feeling ko nung panahon na sinabi niya iyon.

Ako: Ba-bahala ka dyan.

Sa likod ko ay hinubad niya ang tapis na twalya at nakita ko sa reflection ng salamin ang kabuuan ng kanyang katawan at ang kanyang mabulbol na unahan at ang kanyang malaking ari kahit malambot pa. Kinuha niya ang brief na pinahiram ko sa kanya at isinuot niya ito. Napatigil ako ng mabilis at napatitig sa kanya sa salamin habang nagbibihis. Ilang segundo pa ay sinuot niya na ang shorts at inialis ko na ang titig ko sa salamin at naghanap ng magandang t-shirt at aking itong ibinigay sa kanya.

Ako: Je-Jeric. Heto na oh.
Jeric: (Kinuha ang t-shirt). Salamat pre.

After niya magbihis ay tumambay ulit kami sa sala at nanood ulit. Sa panahon na iyon, medyo napatahimik na ako. Na pawang umiikot sa aking isipan ang nakita ko kanina.

Kumain muna kami ng lunch at sa boring namin na buhay ay bumalik kami sa sala para manood. Kinuha ko ang Flashdrive ko at nagdecide kami na manood ng mga Movies na dinownload ko. Maghapon kami ng movie marathon, hanggang sa nakatulog ako.

Ilang oras bago ako magising. Nakadantay ang aking ulo sa balikat niya. Nang mapansin niya na magigising na ako, hinalikan niya ako sa noo at sinabihan ng "gising na." sabay tawa.

Ako: Gago ka pre! Nababakla ka nanaman sakin. Hahaha
Jeric: Asus kinilig ka naman. Hahaha
Ako: Gago ka! Hahaha

Bandang alas 5 ay umuwi na Jeric sa kanila. Di naman kasi nagtataka yung pamilya niya kung bakit buong araw wala ang anak nila sa kanila kahit na wala namang pasok. Naglinis ako sa sala, sa kusina, at mga bandang alas 6 ay nagluto ako ng dinner ko at kumain. Maya-maya pa ay biglang nagring ang phone ko. Nagtext si Jeric.

Jeric: Pare! Naiwan ko ata ang Jersey, Shorts and Underwear ko dyan sainyo. Bukas ko na lang kunin. Hahaha
Ako: Pasaway ka pre! Hahaha (Laughing emoticon)
Jeric: Kung di makakaabala pakilabhan na rin. Hahaha
Ako: Gago ang bastos mo!
Jeric: Di naman ako ganun kabaho noh. Ang arte nito.
Ako: No way bro! Haha
Jeric: Hahaha. Sige na nga ako na kukuha bukas.
Ako: Not to mention na kumakain ako habang sinabi mo na naiwan mo yun kaya bastos ka talaga! Hahaha
Jeric: Eatwell pre! Haha

Pagkatapos ko kumain ay nagtungo nga ako sa kwarto at nakita ko sa may computer desk ko nakapatong ang kanyang pinaghubaran. Naglinis ako ng kaunti sa kwarto at di ko muna iyon pinansin. Ng wala na akong magawa, nagtungo ang tingin ko sa pinaghubaran niya. Para bang may bagay na di ko alam na tumutulak sakin na kunin iyon. Di ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at bigla ko na lang dinampot ang lahat ng pinaghubaran niya. And shockingly, inamoy ko pa ito. Bahong lalaki ito pero di ko alam kung bakit patuloy ako sa pag langhap nito. Amoy pawis, pero di ko alam kung bakit ba ginagawa ko ito at pawang di ko mapigilan. Nang matauhan ako, itiniklop ko ito at tumigil ako. Kinausap ko ang sarili ko. "Ano ba Dan ang nangyayari sayo? Nababakla ka na ba? Yucks! Kadiri mo! Umayos ka!" Sabi ko sa sarili ko. Humiga na ako para matulog, pero iniisip ko pa din ang nangyari. Bakit ganito? Bakit di ko magawang pigilan ang sarili ko na gawin yun na di yun gawain ng lalaki? With all confusion, natulog na lang ako with discomfort.

Kinabukasan, linggo na.Nagsimba ako ng first mass, medyo nakakatulog sa sermon, at pagkatapos ng simba ay nagkita kami ni Jeric. Again with this feeling, di ko alam kung bakit ngayon ang saya ko na makita siya. Nagkita kami at nag-usap.

Jeric: So kamusta ang damit ko dun sainyo?
Ako: (Naalala ko ang ginawa ko, pero inalis ko sa isip ko.) Bastos ka kasi pre! Hahaha
Jeric: Sorry naman! Haha Nakalimutan ko lang.
Ako: Eh yung pinahiram ko na damit nasaan na?
Jeric: (Napaisip ng sasabihin) Ah... Eh. Di ko pa nalabahan.
Ako: Pakyu! Hahaha
Jeric: Haha. Yeah fuck me. (moans)
Ako: Baliw ka talaga! Hahaha

Di ko alam, pero parang sa puso ko, parang nahuhulog na ata ako sa bestfriend ko. Na parang sa closeness naming dalawa, parang more than just bestfriend ang hanap ko.

Habang naglalakad kami pauwi.

Jeric: Dan?
Ako: Ano?
Jeric: May sasabihin ako sayo mamaya.
Ako: Sabihin mo na ngayon.
Jeric: Doon na sa apartment mo. Mahabang kwento.

Napansin ko na ang kaninang masayang-masaya na Jeric ay medyo seryoso at malungkot ang tono ng pananalita. Pero nababasa ko na sa isip niya na sa lovelife ito.

Pagkadating namin sa bahay ay agad kong inilagay sa plastic bag ang pinaghubaran niya kahapon, at ibinigay to sa kanya. At naupo ako sa sofa katabi siya, para paringgan ang kanyang problema.

Ako: So, ano brad yung sasabihin mo?
Jeric: Nakipagbreak sakin si Stacy. Kagabi lang.
Ako: Hah! Paano? Sa text lang?
Jeric: Hindi, talagang pumunta siya sa bahay at kinausap ako. She told me that she's really done.
Ako: Wala ka namang kasalanan ah? Di mo naman siya niloloko sa pagmamahal mo sa kanya diba?

Napatigil ng ilang minuto si Jeric.

Jeric: Dan?
Ako: Ano pre?
Jeric: Alam mo yung feeling pag mahal mo yung isang tao? Mas feel mo na magspend ng time na kasama siya rather sa kung sino-sino pang iba. Alam mo yung feeling na, pag attached ka sa isang tao, masaya ka na kasama siya, kahit na wala kayong ginagawa, basta kasama mo lang siya.
Ako: Anong gusto mo sabihin pare?
Jeric: Dan!

Napatigil muli siya, hinawakan niya ang kamay ko at siya'y umiyak.

Jeric: Naiinis ako na sa sarili kong bestfriend di ko pa ito naisasabi. Alam ni Stacy ang tunay ko na nararamdaman. Nakipagbreak siya, kasi nagseselos siya sayo.

Di ako makapaniwala sa sinabi niyang iyon.

Ako: Hah!? Alam niya naman na mag bestfriend tayo diba kaya natural lang na close talaga tayo, bakit naman siya magseselos?
Jeric: Dan! Di mo ba nakikita? Alam ni Stacy ang tunay na nararamdaman ko para sayo. Di ko rin alam pare kung ano na ang nangyari sakin. Pero pare, mas mahal pa kita kesa sa girlfriend ko! Di ko alam kung paano, di ko alam kung bakit, pero everytime na may free time ako, instead na makasama siya, kahit na alam kong free din siya, dito ako pumupunta sayo para tumambay, kahit na wala tayong masyadong ginagawa, masaya na ako pag kasama ka. Di ko pre alam kung bakit, pero mahal kita! Dan! Alam ko pambakla itong feeling na to, pero di ko mapigilan, di ko mapigilan na isipin ka everyday and every night, na mas priority pa kita makasama kesa sa girlfriend ko o sa pamilya ko. Kaya kita binibisita kahit walang rason kasi gusto lang kita makasama. Pare, mahal kita.

Umiiyak siya at ako'y naiyak din sa kanyang ipinagtapat. Yumuko ako habang umiiyak at sinagot siya.

Ako: Ako rin pre. Di ko na alam kung ano din ang nararamdaman ko. Di ako ganun kamanhid para di mapansin ang ginagawa mo para makasama ako. Di ko lang yun pinapansin kasi baka mag assume nanaman ako. Di ko yun pinapansin kasi sa isip ko, baka naman nagbibiro ka lang. Di ako ganun kamanhid para di ko makita ang effort mo na makasama lang ako. Pero sa rasyonal na pag-iisip mali pre eh. Lalaki tayo pareho. Pero di ko alam, kahit yung mali, ginagawa ko na din. Alam kong maling-mali din eh, pero pare, kahit nung una pa lang, mahal na din kita. Noong panahon na naging bestfriend kita, di ka na naaalis sa isip ko. Lubos na din ang kasiyahan ko, kahit na alam kong may syota ka na. Kahit mali, yung nararamdaman ko ganun pa rin. Mahal din kita pare, kahit na mali ang mahalin ka.

Bigla niya akong hinalikan sa labi at niyakap niya ako ng mahigpit. Pagkabitiw niya, kita ko ang luha na tumutulo pa rin sa mata niya.

Jeric: Kahit na mali, willing ako na gawin iyon. Mali man sa mata ng tao, wala na akong pakialam. Kinain na ako ng nararamdaman ko sayo, wala akong pakelam kahit na isipin nila na bakla na ako, basta mahal kita.
Ako: Mali man an ibigin ka, ipagpapatuloy ko.

Hinalikan ko siyang muli. At aking pinunasan ang luha sa kanyang mukha.

Ako: Wag ka nang umiyak pare, mas gwapo ka pag masaya. Wag ka nang umiyak, mahal naman kita.
Jeric: I love you too.

And then ginantihan niya ulit ako ng halik.

Sa apartment ulit siya tumambay ng whole day. Buong araw kaming kwentuhan, at buong araw din kami ng confession sa kada isa kung kailan pa kami nagkagusto sa kada isa. Doon na siya naglunch at doon na rin siya nag meryenda. Pero nag alas 6 na at wala pa rin siyang balak umuwi.

Ako: Jeric, baka hanapin ka na nila Tita.
Jeric: Umm. Dan?
Ako: Ano?
Jeric: Pwede bang dito na lang ako matulog sa apartment mo? Di ko feel umuwi eh.
Ako: Naku! Worried ako na baka hanapin ka na ni Tita baka magalit yun.
Jeric: Ako na bahala, besides pre may tiwala naman si Mama sayo kaya okay lang na dito ako matulog.
Ako: Basta magpaalam ka.

So nagdecide nga si Jeric na doon matulog sa apartment. After dinner ay talagang nag-abala pa siya bumili ng toothbrush sa tindahan sa labas. Di naman kasi pwedeng pati toothbrush hiraman pa. Hahaha So after nun, humiga na kami at nagshare ng higaan. Pero bago kami makatulog, nagkwentuhan pa rin kami.

Ako: Jeric?
Jeric: Ano pre?
Ako: Yung pinahiram ko sayo... ano na?
Jeric: Hahaha. Ibabalik ko yun sayo, tiwala lang. Haha
Ako: Baliw ka talaga.
Jeric: Hoy, baka ikaw may gusto ka ring hiramin sakin. Hahaha
Ako: Ako manghiram? Eh parang halos lahat nga ng gamit ko hiniram mo na, kulang na lang ang toothbrush ko hiramin mo. Hahaha
Jeric: Hahaha. Oo nga noh, pati nga underwear nahihiram ko na. Haha
Ako: Kadiri.
Jeric: (Nag-pout)
Ako: Pero para sa mahal ko bakit ako mandiri. Haha
Jeric: Hahaha (Hinalikan ako)

At naghalikan kami at natulog kaming magkayakap.

So skipping ahead, naging kami, at nalaman din ito ng magulang niya, nasaktan sila nung una, pero kalaunan ay tinanggap naman nila ang relasyon namin. Magbestfriend lang noon, ngayon mag syota na. Haha Weird nga pakinggan sabi ng iba. Weird kasi kumpare ko dati, kapares ko na ngayon. Haha

Masaya kami pareho sa kada isa. Nakapag sex na din kami minsan and proud ako na siya ang nakakuha ng virginity ko, at ako din ang nakakuha ng sa kanya. Hahahaha. Naalala ko pa nga nung unang beses namin, nagtalo pa kami kung sino ang unang chuchupa at kung sino ang unang papasukan. I'll be like: "Ikaw unang umamin kaya ikaw muna." And he;ll be like: "Sabi mo since the day na naging magkaibigan kita gusto mo na ako." Hahaha Anyway, masaya at happy kami sa kung ano ang meron kami sa relasyon namin.

3 years na kami. Sabay kami grumaduate ng college 2 years ago. Pero may isang pangyayaring di inaasahan. Nagtatrabaho na kami pareho, at nandoon pa rin ako sa apartment ko dati, at madalas doon na siya natutulog at parang nanirahan na din siya doon.

Isang di inaasahan na pangyayari na di siya nakauwi. Isang gabi, mga alas 7 na ako nakarating sa apartment. Supposedly, dapat by this time pauwi na din siya. Naghanda ako ng dinner naming dalawa, at naghintay pa rin ako. Nagtext ako kay mama niya, pero sabi niya, ang sabi daw ni Jeric dito daw siya uuwi. So supposedly narito na dapat siya.Naghintay ako ng ilang oras, di ko kinain ang dinner na prinepare ko kasi dapat sabay kami. Naghintay ako, and I got worried, tinext ko si Tita na ilang oras na at wala pa din si Jeric. Tinatawagan ko si Jeric, pero walang sumasagot. Natulog na lang ako at inisip ko, siguro pag gising ko, narito na siya or possibly nakauwi na siya. Kaya natulog na lang.

Kinabukasan, wala pa din si Jeric. Walang reply sakin. And then tumawag si Mama niya.

Tita: Hello! Dan ikaw ba yan?
Ako: Opo tita. Bakit po?
Tita: Anak, nasa ospital daw si Jeric. Naaksidente daw ang sinasakyan niya kagabi. (Umiiyak)

Napaiyak ako ng sobra, sa sobrang takot. Tinanong ko agad kung nasaan ang ospital kung san siya isinugod at umabsent muna ako sa trabaho para puntahan siya.

Pagkarating ko sa ospital, hinanap ko agad siya. Nang mahanap ko ang room niya, pumasok ako, at nakita kong sugatan ito, may tama sa ulo pero nakabandahe na lahat. Nakita ko si Mama niya na umiiyak. Tulog pa si Jeric kaya pinuntahan ko si Mama niya. Niyakap ko si mama niya at pareho kaming umiiyak dahil sa worried kami kay Jeric.

So nasa state of comatose siya. Araw araw ko siyang binantayan eversince, umaasa na gigising na siya. Ibinalik din sakin ni Mama niya yung hiniram niya na damit sakin years ago na itinago daw ni Jeric sa ilalim ng higaan niya. Mas lalo akong napaiyak. Mas lalo ko siyang na-miss. Miss na miss ko na si Jeric.

4 months na. Di ko pa naririnig ang boses niya, or ang mga sweet na "I love you" niya. Pero lagi ko siyang katabi, natutulog ako sa tabi niya na kayakap siya, kinukwentuhan ko pa din siya kahit na alam ko na comatose pa siya, lagi ko siyang sinasabihan ng "I love you" and di ako nagsasawang maghintay sa kanya. Nag-resign ako sa trabaho para lamang na  mabantayan siya ng walang humpay.

4 months later since he was comatosed... Naiinis ako sa kanya. Sumuko na siya. Di ko matanggap na nawala siya. Umiyak ako ng umiyak ng umiyak. Napakasakit na mawalan ng minamahal.

Ako: Bastos ka pre! Ang daya mo talaga! May nerve ka pa mang-iwan!

Ilang araw din akong walang kibo mula ng lumisan siya sa mundong ibabaw. Para akong kinuhaan ng lahat kong ari-arian. At nung ililibing na siya, masakit talaga para sakin na di ko na ulit maririnig ang boses niya, na di ko na ulit siya makakasama.

Araw-gabi, katabi kong matulog ang hiniram niya na damit sakin. Sa sobrang sakit, di ko talaga matanggap na wala na siya ngayon sa tabi ko. But it took me time to realize na, "Lahat ng hinihiram, ibinibalik. Pati ang buhay na hiniram natin sa Diyos, ay ibabalik din natin."

No comments:

Post a Comment

Read More Like This