Pages

Monday, February 19, 2018

Roommate Romance (Part 12)

By: N.D. List

Binuksan ko ang pinto at direcho akong pumasok at pinindot ang lock.

"Hoy! Umayos ka na dyan!"

Nilapitan ko sya at hinawakan ang magkabilang gilid ng ulo nya at hinarap ang mukha nya patingala sa'kin.

"Tigilan na natin itong katarantaduhan na ito, Mico. Umayos ka na bago pa sila makahalata!" mariin pero maingat kong sabi sa kanya.

Pinunas ko ang dalawang hinlalaki ko sa magkabilang pisngi nya at pinahid ang basa sa ilalim ng mga mata nya.

"Kung nahihirapan ka, ano sa tingin mo ang nararamdaman ko? You're the only one I have at ikaw lang ang lalakeng minahal ko ng ganito. Pinabayaan na kita kasi inisip ko ang kapakanan mo. Ang future mo. Wag kang masyadong selfish at arrogant. You need grow up and be a man! Punyeta, I can't do that for you!"

Ilang saglit kaming nakatingin lang sa isa't-isa. Nakita ko sa mukha nya na maraming bagay ang naglalaban sa isip nya. Bahagyang natigilan ako.

"This is us. This is what we have now. Ito na tayo ngayon. Let's just deal with this shit and try our best to survive. Ako ang lugi dito so bigyan mo naman akong konsiderasyon." mahina at maingat na pagpapaliwanag ko.

Nilapit ko ang ulo nya sa tiyan at niyakap ko sya. Masuyo kong hinaplos ang ulo nya. Ang tenga.

Tumayo sya at niyakap ako ng mahigpit at saka nya idiniin ang labi nya sa labi ko. Matagal bago sya bumitaw.

"Pasensya  ka na TL. I'm sorry. Maliligo lang ako tapos bababa na din ako," mahinang sabi ni Mico saka sya lumayo sakin at dumirecho ng banyo.

Ganon lang. Mabilis lang. Kanina'y andami kong prinaktis sa isip ko na isusumbat at ipapamukha ko sa kanya pero wala naman nangyari. Hindi ko parin magawang magalit sa kanya ng direcho. Nangibabaw parin ang malasakit ko sa kanya. Putangina naman.

Bumalik ako sa kwarto namin ng wala sa sarili. Hindi nagrerehistro sa'kin ang mga sigawan at tawanan sa labas. Sinarado ko ang pinto pagkapasok ko ng kwarto. Sasandal sana ako at hahagulgul pero naisip ko masyadong cliche kaya dumirecho nalang ako sa kama saka nahiga. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako at parang naglagare ako ng dalawang o tatlong shift sa office. Tinext ko si Chona at humingi ako ng tatlong araw na leave.

Kasulukuyang lumilipad ang utak ko ng isang mahinang katok ang nagbalik sa'kin sa katinuan. Nagpanik ako ng konti at mabilis akong nagpunas ng mukha at sumingkot ng ilang beses. Pumasok ako ng mabilis sa banyo at dun ako sumagot.

"TEKA LANG! NASA BANYO AKO!"

Mabilis akong naghilamos at nagpunas ng mukha saka ako lumabas ng banyo. Lumapit ako ng pinto at binuksan ng bahagya.

"Kuya Gab, hinahanap na kayo sa baba."

Si Kyle. Ilang segundo syang nakatingin sa'kin bago nya nahalata na galing ako sa iyak. Nakakahiya.

"Kuya, may problema ba?" alalang sabi ni Kyle. Alala syang tumingin sa labas bago sya pumasok sa kwarto. Bakas ang pagkabahala sa kanyang mukha.

"Anong nangyari kuya?" maingat nyang tanong.

Hindi ako sumagot. Lumapit ako sa higaan at sumandal sa ulunan ng kama.

"Wala 'to, Kyle. Naalala ko lang ang kapatid ko. Ang saya nyo kasing magpipinsan. Parang close na close kayo. Ganyan din kami ng kapatid bago kami magkahiwalay. Iniisip ko lang kung kumusta na sya at kung naaalala din nyako.

Ikinuwento ko kay Kyle ang tungkol sa kapatid at kung anong buhay ang meron kami sa probinsya. Taimtim syang nakikining at naniwala naman na yun ang dahilan kaya namumugto ang mata ko. Lusot.

"Alam mo kuya kung totoong namimiss mo na sya edi balikan mo na. Wag ka nang maghintay pa ng matagal. Obligasyon mo yon sa kapatid mo. And you owe it to yourself."

Lumapit si Kyle sa kama at umupo sa kabilang dulo.

"Hindi naman ganon ka-simple yon eh. Syempre matagal akong nawala ng hindi ko man lang napaliwanag sa kanya kung bakit ako umalis. Actually hindi ko nga alam kung sapat yung reason ko para iwan sya."

"Alam mo kuya gumagawa ka nalang ng excuse. May isip ka na. May pera. Kaya mo nang mangatwiran sa tatay nyo. Sorry pero hindi ka nagiging fair sa kapatid mo. At may karapatan naman syang magalit sayo kung ganyang pwede mo na syang balikan pero hindi mo pa din binabalikan."

"Kung ikaw ba yung kapatid ko patatawarin mo'ko kahit iniwan kita ng basta-basta nalang."

"Oo naman. I'm sure naman hindi mo naman iniwan yon ng basta basta nalang. Syempre may dahilan ka din. Ipaliwanag mo yon sa kanya."

"Hayup! Ang seryoso natin ha. Hahaha".

"Bakit moko tinatawanan? Seryoso ako noh! Mukha ba'kong taong puro kalokohan lang ang alam?"

"Hahaha. Hindi naman, sira! Natutuwa nga ako pag nakakausap kitang ganyan. Parang ibang tao ka dun sa kahapon."

"Hinde, pero seriously sigurado akong maiintindihan ka nun. I'm sure naman may mga ginagawa ka na before para mapatunayan mo na sa kanya na mahal mo sya. Syempre mangingibabaw parin yon. Hindi naman porke't may ginawa kang mali dati masama ka nang tao".

"Baket? Based on your own experience ba yan?"

"Hinde, basta! Sa'kin kasi minsan nagkakamali ka naman pero hindi naman ibig sabihin nun masama kang tao. Kanya-kanyang dahilan naman yan."

"Sigurado kang hindi based on your own experience yan?" pangungulit ko habang nakangiti.

"Hindi nga. Ano kulit! O sige bababa na'ko. Sabihin ko nalang sa kanila umiiyak ka pa dyan."

"Sira! Sabihin mo may kausap lang ako sa phone."

"O sige. Bilisan mo ha." Tumayo sya kaya tumayo na din ako.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa'kin pero lumapit ako at niyakap si Kyle. Mahigpit. Nagulat sya. Kanina ay nagdahilan lang ako pero tumagos sa'kin ang mga sinabi ni nya at bigla kong naalala ang kapatid ko. Kung ano ang ginagawa nya ngayon at kung naiisip din nya ako paminsan.

Naramdam kong hinagod ni Kyle ang kanang kamay nya sa likod ko at bahagya nyakong tinapik. Bumalik ako sa katinuan at mabilis akong bumitiw sa kanya. Napaupo ako sa kama sa hiya.

"Pasensya ka na, Kyle."

Ngumiti sya.

"Emo tayo ha! Balikan mo na yung kapatid mo kuya. Hinihintay ka nun. Balitaan mo'ko pag bumalik ulit kayo dito. Pakilala din kita sa girlfriend ko. Iniwan din yun ng mama nya pero ngayon okay na sila. I'm sure magkakasundo kayo nun."

"Sige ba" casual kong sagot.

"Ano, sabihin ko baba ka in 10 minutes?"

"Sige. Salamat.

***

Masaya ang party ng lola nina Mico. Maraming mga kamag-anak at kaibigan nila ang pumunta. Sabi ni Camille, madali lang daw malaman kung sino-sino yung mga kamag-anak at yung mga kaibigan lang - pag gwapo, maganda ang balat at mayaman, kamag-anak yan. Pag pangit at balat mahirap siguradong kaibigan lang yan. Tarantado talaga! Masaya at puno ng tawanan ang party. Bentang-benta ang mga hirit namin nina Mico at Camille kina Joshua at Kyle pati na din sa ibang mga pinsan nila na dumalo. Parang walang drama na naganap mula gabi hanggang umaga.

Alas onse na ng makabalik kami ng Makati. Unang binaba ni Joshua si Camille pagkatapos ay sinunod kami ni Mico.

"Josh, san ka nga pala? Magchecheck-in ka ulit? Ang gastos mo ha?" tanong ko.

"Expense naman ng company yon. Pero hindi, dun ako sa Condo ko sa Ortigas. Hanggang nung sabado lang naman ang umuupa dun. 5 days lang. Pinaayos na din ng PA ko."

"Dito ka na muna kung gusto mo. Dun ako sa single bed tapos tabi kayo ni Mico dun sa malaking kama," aya ko.

"Ako nalang lilipat sa sa'yo kuya Gab. Bisita natin si kuya Josh kaya sya nalang sa higaaan ko." sabat naman ni Mico.

"Di. Next time nalang. May mga pinaiwan din kasi akong mga papers sa PA ko sa condo na kailangang i-sign at iprocess. Basta yung busines natin, Gab, ha."

"Oo ba. Kung gusto mo meet na tayo bukas eh. Nag leave akong 3 days"

Napatingin sa'kin si Mico sa nadinig nya.

"Uy ano yan? Sama ako!"

"'Wag na. Saka nalang pag may malinaw na."

"Andaya nagsasarili!"

"'Wag ka ngang ma-osyoso. O sya, Josh. Bukas nalang."

Padabog na hinablot ni Mico ang bag sa kamay ko at saka sya naunang umakyat sa taas.

***

Kinabukasan ay nagkita kami ni Joshua para pag-usapan ang proposal nya. Kumain muna kami sa isang restaurant sa Makati at saka kami tumuloy sa condo nya para mag-brainstorm ng mga ideas.

Nagulat ako sa pagkadetalya ng mga plano nya. Sa palagay ko, it's either hindi sya natulog magdamag or matagal na nyang plano ang pagtatayo ng sarili nyang BPO dahil lahat ay detalyado mula sa business model, sa structure ng kumpanya hanggang sa mga potential suppliers at initials papers na kailangang lakarin. Nun ko nalaman kung gaano ako ka-bagito sa pagpapalakad ng kumpanya. Isa parte lamang ang operations sa buong organization. Na-excite ako dahil alam kong marami akong matutunan kung mag push through ang mga plano nya.

Ala-una ng madaling araw ng makaramdam kami ng pagod. Madami kaming na-accomplish.

Tumayo ako at nag-unat. Nagkalat ang mga bond paper na maraming naka-drawing na chart sa mesa kasama ng mga box ng chinese food, french fries at mga bote ng Tazo.

"So, ganito pala ang idea mo ng brainstorm?"

"Oo, bakit? Mga plano palang naman yan. Ano bang ine-expect mo? Seryoso ako dito 'no!"

"Uy, ha, priority ko din ang work-life balance. Hindi ko pinangarap na sunugin ang utak ko sa trabaho."

"Sira. Relax ka lang. O sya okay na muna tayo for today. Mukhang madami naman tayong nagawa."

"You think?" sarcastic kong sagot.

"Okay lang ba sayong mag-suot ng mga damit ko na pantulog? May mga sando at shorts dyan. Kung gusto mong maligo may mga disposable underwear ako dyan."

"Disposable? Meron pala nun?" nagtataka kong tanong.

"Oo naman. Very usefull yan for travel."

"Hindi uwi nalang ako."

"O sige kung mapilit ka hatid nalang kita."

"Hindi na maaabala ka pa. Nakakahiya naman."

"Di noh ikaw naman. Alam mo kung nahihiya ka edi matulog ka nalang dito. Para naman hindi ako ma-guilty na magco-commute ka pauwi. Sige maliligo muna ako. Kung gusto mong umuwi hatid kita after ko maligo."

Tumayo si Joshua at hinubad and damit sa harapan ko. Tumambad nanaman sa'kin ang mala adonis nyang katawan. Six pack and all.

"Josh... may sasabihin ako."

"O"

"Ano... hmmm... just so you won't think I'm... you know, taking advantage of you... I'm... I'm gay. Ayoko lang na you will find out isang araw at magagalit ka. So medyo awkward sa'kin na matulog dito."

Natigilan si Joshua. Hindi sya nagpahalatang nagulat pero natigilan sya at walang nasabi. Tumingin sya saglit sa mga mata ko bago nya ilipat ang tingin nya sa tatak ng damit ko sa dibdib saka na sya tuluyang natulala.

Ako nalang ang sumalo ng katahimikan.

"Medyo mahirap lang kumuha ng tsempo na hindi masyadong awkward kaya hindi ko nasabi kaagad. Baka lang kasi isipin mo... nagte-take advantage ako. Lalo na nung natulog tayo sa inyo."

Dahan-dahan syang naupo.

"Kelan pa?" tanong nya na parang wala sa sarili.

Nangiti ako.

"Ewan ko. Siguro since birth?"

"Sorry, ha. Hindi ko lang alam kung pano mag-rereact. Hindi ko kasi inexpect. I had no idea." Tumingin sa'kin si Joshua pagktapos ay bahagyang ngumiti. Pilit.

Ngumiti din ako. Bumigat ng konti ang dibdib ko. Naisip ko kahit gaano kabait at open minded ang isang tao, nabibigla pa din talaga sila ung may nag out sa kanilang bakla. Sabagay hindi ko din sya masisisi. Dapat bago pa man kami magkatabing natulog sa bahay nila sa Meycauayan ay sinabi ko na sa kanya na bakla ako. I would have felf violated din kung sa'kin mangyari yon. In a way, nag-take advantage nga naman ako. Kahit pa hindi ko naman plinano.

"Pasensya ka na, Josh," mahinang sabi ko.

"Hindi, ayus lang. Nagulat lang talaga ako," sagot nya.

"Ano bang nasa isip mo ngayon?" direcho kong tanong sa kanya. Ayoko nang magpaligo-ligoy pa.

"Wala naman... Well, actually madami."

"Like???"

"Alam ba ni Mico?"

"Nung una hindi pero eventually nalaman din nya... Mahirap maging bading na hindi out, Josh. People will know kahit hindi ka pa ready. Specially your friends. Minsan alam na nila kahit hindi nila sinasabi sayo na alam na nila."

"Okay lang sa kanya?"

"Ano sa palagay mo?"

Hindi sya sumagot.

"Hindi naman siguro magtatagal si Mico sa bahay kung may problema sya sa pagiging bading ko." defensive kong sagot.

"Ito naman nagtataas ka kaagad ng boses. Natanong ko lang naman dahil curious ako. Wala naman akong ini-iimply." depensa ni Joshua. Hindi ko din namalayan na tumaas ang boses ko.

"Sorry, Josh... You know what, I think I really need to go. Let's just talk again kung ano ang plano mo." Tumayo ako at kinuha ang bag ko.

"Bakit ba mapilit kang umuwi? Dito ka na nga lang matulog. Bukas ka na umuwi. Diba 3 days ang leave mo?"

"Okay lang sa'yong may katabi kang bakla matulog."

"Hmm... Oo... I mean, Oo naman! I mean... kung may balak kang rape-in ako edi dati mo pang ginawa sa Meycauayan. May tiwala naman ako sa'yo."

"Wow! Alam mo ang hirap sa inyong mga lalake pag bading akala nyo naman automatic na pinagnanasahan namin lahat ng lalaki. Wag tayong masyadong makapal ang mukha. Lugar lugar din. Wag masyadong feeling heartthrob."

Masyado yata akong defensive.

"Bakit ba nagagalit ka? Ang sinasabi ko lang naman may tiwala ako sayo. Wag tayong mag-away. Baka may makadinig akala nila mag boyfriend tayo." natawa sya ng bahagya.

"Hahaha. Gago!"

Feeling close naman ako.

"So... ano, dito ka nalang? Maliligo lang ako." saka sya pumasok ng banyo.

Ganon lang? Basta nalang nya natanggap? Kanina lang ay halos hindi sya makapagsalita. Siguro ganon lang. Nakakabigla lang pero kung malalim ka talagang tao at hindi ka naman likas na bigot baka madali lang matanggap ang mga bakla.

Lumabas si Joshua ng nakatapis lang ng twalya. Ako naman ay nagsu-surf at nagfe-facebook lang sa laptop ko. Hindi ko sya masyadong tiningnan. Ang awkward. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nagsusuot sya ng brief habang naka-twalya. Maganda ang hubod ng katawan ni Joshua pati sa likod. Sunod nyang sinuot and boxers shorts nya. Binalik ko ang mga mata ko sa lapatop.

"Maliligo ka ba?" tanong nya sa'kin.

Tumayo ako at kinuha sa kama ang pinahiram nyang damit saka ang disposable ba brief at twalya. Nakadamit nako nang lumabas ako ng banyo pagkatapos. Lampshade nalang nya ang bukas nung lumabas ako. Nilagay ko sa sandalan ng upuan ang mga damit ko para masuot ko ulit kinabukasan pag-uwi. Binalot ko naman ang pinaghubaran kong brief saka ko nilagay sa bag ko.

Naupo ako sa kabilang side ng kama at sumandal para magpatuyo muna ng buhok. Naupo din at sumandal mula sa pagkakahiga si Joshua.

"Gab"

"O?"

Nag-isip sya.

"Yung nangyari samin ni Kyle... tingin mo ba... I mean... sa palagay mo ba... bakla din ako?"

Nag-isip ako.

"Ewan ko. Hindi naman dahil sa bading ako eh I'm an expert na on all things kabadingan. Sa pagkakakilala ko sa'yo ngayon mukhang hindi naman. I doubt it. Ikaw ba ano ba sa palagay mo?"

"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit ako nalibugan sa kanya. Siguro dahil lasing ako?"

"Siguro. Kung nangyari lahat yon dahil lasing ka. Pero hindi naman nakakabakla ang alak eh. Ang alam ko yung mga bagay na gusto mong sabihin na hindi mo masabi, nasasabi mo pag under the influence ka ng alak. So baka yung gusto mo talaga nagagagawa mo din pag lasing ka. So baka gusto mo talaga."

"Tingin mo si Kyle, galit kaya sya sa'kin dahil nangyari yon?"

"Hindi siguro. I don't think so. Sa tingin ko naman nagustuhan din nya. Hindi mo naman sya pinwersa. Baka naguguluhan din sya pero tingin ko hindi naman sya galit sayo at hindi ka naman nya sinisisi."

Matagal na hindi nagsalita si Joshua. Malayo ang iniisip. Nagsalita ulit ako.

"Alam mo dati may nabasa ako na minsan daw ang pagka-bading temporary lang sya. Like yung mga preso minsan nang-rerape sila ng kapwa nila preso dahil wala namang mga babae sa kulungan. I dunno. Baka temporary lang yung sa'yo"

May sinagot si Joshua pero hindi ko nadinig dahil ma ibang naglalaro sa isip ko. Naisip ko na baka ganun lang din si Mico. Temporary lang. Parang may konting kirot tumusok sa puso ko. Pero sa isang banda, marami namang babae sa paligid nya. May girlfriend pa nga sya. Pinalo ako ng extrang unan ni Joshua. Sinabi ko nalang na kung temporary lang ang libog ni Mico sa'kin, siguro naman yung pagmamahal nya sa'kin totoo yon. Baka nga yon lang ang totoo.

"Uy! Natulala ka na dyan. Patayin ko to ha."

Pinatay nya ang ilaw at sabay kaming nahiga. Tahimik. Nagsalita sya pagkatapos ng ilang minuto.

"Gab"

"O"

"Yung sinabi mo kanina... na makapal ang mukha ko... hindi ba'ko attractive para sayo? Napapangitan ka ba sa'kin?"

"Ha? Ano bang sinasabi mo? Matulog na tayo, Josh. It's late."

"Oo o hindi lang naman. Objective na tanong lang yon."

"Hay naku! Nagfi-fish ka lang ng compliment eh. Oo na. Mga gwapo na ang lahi nyo. I'm sure naman alam mo na yan. Tayo tayo nalang maglolokohan pa ba."

"Hindi yung lahi namin ang sinasabi ko. Ang tinatanong ko yung ako mismo. Kung tingin mo attractive ako."

"Oo na nga. Style mo din eh no. I'm sure naman alam mo na attractive ka!"

Nasilaw ako dahil biglang binuksan ni Joshua ang lampshade sa tabi nya.

"So na-attrack ka sa'kin kahit papano? Yung totoo." seryosong tanong ni Joshua na may bahagyang ngiti.

"Para kang gago!" Pinigilan kong mangiti din.

"Hahaha. Ano bang mawawala sa'yo kung aaminin mo? At least malalaman ko na attractive ako diba?"

"Para kang gago!" ulit ko. Wala akong ibang masagot.

"KJ! Ano nga?" nang-aasar ang ngiti nya.

"Tsk. Oo na. Maganda naman ang katawan mo. Makinis. Syempre kahit papano may attraction din. Malakas ang sex appeal mo. So okay na? I'm sure naman yun lang ang gusto mong madinig diba."

Naisip ko, kapatid nga ito ni Mico. Parehong saksakang ng kulit. Mas malakas pang mang-asar 'to kesa kay Mico.

ITUTULOY... in 6 months! Charot!

No comments:

Post a Comment

Read More Like This