Pages

Sunday, February 11, 2018

Meet My Middle Finger (Part 11)

By:Raleigh

A/N: Ilang tulog na lang, Valentine’s Day na! Teka, ano nga ba yun? Haha, de joke! Single ka parin ba? Wag mag-alala, di ka nag-iisa =)

“Dilim ka ba? Kasi nung dumating ka, wala na akong makitang iba...”

*******

Matagal akong nanatili sa lugar kung saan naibabalik ang balanse ng magulo kong emosyon. Sa loob ng apat na sulok na iyon ay malaya akong nakakapag-isip.

All my senses are heightened, my concentration absolute — this is the most powerful version of myself.

Ang sensasyon ng rumaragasang tubig sa aking katawan ang nakakapagpakalma sa akon; tanging sa tubig ko lang makakamit ang kalayaan.

Kapag nasa tubig ako, pakiramdam ko’y kaya kong harapin lahat ng pagsubok and conquer them without a doubt.

Kapag nasa tubig ako—

“Wow, 26.33s. Ang galing mo talaga boss! Habang tumatagal, mas bumibilis ka!” sambit nya nang tanggalin ko ang goggles ko.

Sa isang iglap ay biglang gumuho ang aking concentration. Sa isang iglap, ang kalmado kong emosyon ay naging magulo.

The world is so unfair. Bakit ba may mga taong kayang guluhin ang puso’t isipan natin just by uttering a few words?

Nakalahad ang palad ni Gus, tila naghihintay na abutin ko iyon upang matulungan nya akong umahon mula sa pool.

Pinagmasdan ko ang mukha nyang natatamaan ng ilaw na nirereflect ng gumagalaw na pool water, highlighting all of his impurities.

Marami na namang namumulang bagong tubo na pimples, while others ay may nana pa at nagbabadyang pumutok.

Yung iba naman, nangingitim na. I’m pretty sure mag-iiwan na naman iyon ng panibagong marka sa mukha nya.
Ang nakaka-amaze pa, sobrang oily din ng mukha nya. Yung tipong nirereflect din nito ang lights na nirereflect ng pool sa mukha nya?

Yup, ganun ka-oily.

“Boss, di ka pa ba aahon jan?” tanong nya, jolting me out of my observation mode.

Walang anu-ano’y biglang kumunot ang noo ni Gus. Patay, nahalata atang nag-aaral na naman ako ng geography.

At mukha nya ang ginawa kong mapa!

Papano ba naman, may burol, bulubundukin, bundok, at bulkan pa. Malamang pati PHIVOLCS ay magkakainteres sa mukha nya eh.

“Kung gusto mong magpakasirena, bahala ka. Basta ako, uuwi na’t gutom na ako!” aniya sabay talikod.

“Hey, hey! Eto na, aahon na!” ngunit nagwalk-out lang sya.

“Ahem! Nasaan nga ba yung wallet at gamit mo? That’s right, nasa kotse ko. Don’t tell me maglalakad ka pauwi...?” nakangising tawag ko.

Nahinto sa paghakbang si Gus, napagtanto siguro na naiwan lahat ng gamit nya sa kotse ko kaya imposibleng makauwi sya.

Ngingisi-ngisi lang ako nang nagmartsa sya pabalik sa kinaroroonan ko at walang imik na inalok ulit ang kamay nya.

Kunwari lang na hinila ko iyon para naman sabihing naappreciate ko effort nya. Sa gaan ba naman nya, mamaya bumulusok kami pabalik sa tubig eh.

Pagkaahon ko ay inihampas — este, inabot — nya sa dibdib ko ang towel na sya namang ipinampunas ko.

“Maraming salamat po!” halakhak ko.

Bigla na lamang nyang inabot ang abs ko at walang pakundangang hinaplos. Sa gulat ay muntik na akong mapatalon pabalik sa pool.

Ang init ng palad nya, like flames licking my cold skin.

“Kakainggit naman. Kelan pa kaya ako magkaka-abs?” wala sa sarili nyang tanong.

“Timang, di ka magkaka-abs kung uupo ka lang at mag-aaral buong maghapon.” tinampal ko ang kamay nya.

Sino’ng nagsabi sa’yo na pwede mo akong hipuan ng harap-harapan?!

Ilang araw na rin kasi since last momol namin. Di naman din ako nagsasarili dahil mas gusto kong sya ang humahawak sa kwan ko.

Kung di lang tayo nasa pampublikong lugar, makakatikim ka talaga sakin!

“Ang tigas pala ng abs mo boss...”

Hindi lang yan ang matigas sa katawan ko! sagot ng nadedemonyo kong utak.

“Gago, may abs bang malambot? Tara na nga, gutom na ako eh.”

Inakbayan ko sya at giniya papuntang locker. As usual, inalis na naman nya ang kamay ko sa balikat nya.

Ilang araw na lamang ay Christmas break na at syempre, sinusulit ko na ang mga nalalabing araw naming magkasama.

Uuwi kasi si mommy at siguradong isasama ako nun kung saaan-saan. Sana lang ay hindi sila magkita ni Kuya Brix.

Hmmm, magugustuhan kaya ni mommy si Gus if I introduced them?

Nah, scratch that. Sa sobrang judgmental ng nanay ko, baka ipagtabuyan nya palayo si Gus at magpagawa ng temporary restraining order.

Di ko yata kakayanin kapag pinaglayo kami. Puta, ang korni.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na kami ni Gus ng facility. Habang naglalakad pabalik ng kotse ay bigla na lang syang tumigil.

“Ay hala! Wala pala si mama ngayon, boss. San mo gusto kumain? Tara, libre kita. Ah! P-pero yung sa afford ko lang ha? Baka sa fine-dining tayo pumunta eh.”

“Saan daw pupunta si auntie?” usisa ko.

“Err, di ko alam boss eh. Tinawagan nya lang ako kanina nung nasa mall pa tayo.”

“Oh, okay. Eh bakit ka manlilibre? I can pay for myself. I-alkansya mo na lang yang pera mo.”

“Ikaw kasi lagi yung nanlilibre boss eh, nahihiya na ako.” napakamot sya sa tenga.

Napaikot lang ako ng mata at muli syang inakbayan. Hindi ako pumayag na alisin nya ang kamay ko.

Bagkus, hinila ko sya palapit at mas hinigpitan pa ang pagkaka-akbay ko sa kanya.

“How many times do I have to tell you? Ang bahay mo, bahay ko na rin kaya ang wallet ko, wallet mo na rin.”

“Hunter naman, pinaghirapan ng mommy mo ang perang ipinapadala sa’yo. Di ako kasama sa budget na yan.” kinaltukan ko sya.

“Timang, edi magtatrabaho ako! That way, I could spend my money the way I want at hindi ka na mangongonsensya.”

“Sino namang magha-hire sa walang experience na kagaya mo?” siniko nya ako.

“Unlike you, maraming naghahabol sa akin para magmodel noh.” pinisil ko ang ilong nya.

“Araykup—! Hunter! Alam nang may pimple ako jan eh!” hinampas nya ako sa braso.

“Pimples with the ‘s’. Dami kayang tigyawat sa ilong mo. Saka, yuck! Ang oily ng face!” pagbibiro ko.

“Grabe makapanlait ah?” taas-kilay nyang sita.

Natatawa kong pinisil ulit ang ilong nya bago inilagay ang mga gamit ko sa backseat kasama ng mga pinamili namin kanina.

Pinagbuksan ko si Gus ng pinto at piangmasdan sya habang nagsa-struggle na maikabit ang seatbelt.

“Amin na nga! Tagal mo nang sumasakay dito, di ka parin marunong magkabit ng seatbelt. Tsk.”

Yumuko ako sa bintana para abutin ang seatbelt mula sa kamay ni Gus. Halata ang paninigas at pagpigil nya ng hininga.

“Oh, baka himatayin ka jan ha. Huminga ka naman.” panunukso ko.

Sinadya kong dahan-dahanin ang pagkabit ng seatbelt while slightly touching his body. Napasinghap si Gus sa ginawa ko.

Hehe, sakto wala si auntie Hermie. Makakapagmilagro na naman kami ng bebe ko mamaya!

“E-ehh kasi...”

“Kasi ano?” nilingon ko sya.

“Eh kasi ang baho mo. Saka ang baho ng hininga mo!”

“Excuse me? Lagi kaya akong fresh breath!”

Pagkasabi ay napanganga ako at binugahan si Gus ng mahalimuyak kong hininga. Nagtakip sya ng ilong kaya’t lalo akong nanggigil.

Hinawakan ko ang kamay nya at iginapos iyon sa headrest. Walang-sawa kong binugahan ng binugahan ang mukha nya.

“Tuloooong!” natatawa nyang sigaw.

Swerte lang at walang nakakita sa amin. Madali lang kasing ma misinterpret ang posisyon naming dalwa.

Halos nakatuwad na ako sa passenger’s-side window at ginagamitan ng pwersa si Gus. anyone in their right mind would call a police,

Holdap ‘to! Nanakawin ko ang puso mo!

Malakas ang halakhak ni Gus habang nagpupumiglas kung kaya’t nagkabanggaan ang noo namin. Doon na natigil ang aming paglalandian.

Sobrang lapit ng mukha namin kaya halos magdikit na ang aming ilong. Di sinasadyang napatitig ako sa labi nya.

Damn, I really wanna taste those lips.

It took all of my willpower to resist temptation. I want our first kiss to be romantic, yung kiss na pareho naming ginusto.

Yung kiss na pareho na kaming may nararamdaman para sa isa’t-isa.

Bahala na kahit ilang beses akong demonyohin; di ko sya hahalikan hangga’t di ko naipagtatapat ang nararamdaman ko sa kanya.

“Aray ko naman...” reklamo nya.

“Pucha, ang tigas talaga ng ulo mo. Basag ata bungo ko.” napalayo ako at binitiwan ang kamay nya.

“Ang kulit mo kasi boss eh! Mag drive ka na nga at nang makakain na tayo.” sabi nya nang makaupo na ako sa driver’s seat.

“Eto na po kamahalan!”

- - - - - - - - -

“Gus, give it a rest. Kain muna tayo.”

“Give it a rest, give it a rest...eh kung tinulungan mo’ko, kanina pa sana natapos ‘to.”

“If I helped you, palagay mo may kakainin tayo?”

“Ang dali lang namang magluto eh. Di ka naman aabutin ng 15mins nyan.”

“Excuse me? Hard-boiled eggs lang ang maluluto mo within 15mins. Anong ang dali? I can’t remember you cooking anything kaya tumahimik ka.”

“Excuse me? Masarap kaya akong gumawa ng sabaw!” depensa ko kaagad.

“Gus, pinakuluang tubig na binudburan ng Sinigang Mix is not a fucking broth. Excuse you!” mabalasik nyang tugon.

Tinapunan ko ng matalim na tingin ang lalaking nakatayo sa harapan ko, taas-kilay at blangko ang expresyon.

Aba! Porket marunong syang magprito ng itlog at magsaing eh may karapatan na syang pintasan ang sabaw ko?

Each to their own! Saka masarap naman yung ginawa ko ah.

Inilapag ni Hunter ang tray ng pagkain sa lamesita saka sumalampak ng upo sa sahig katabi ko.

Sniff…sniff…

Teka, ano ito? Maliban kay Hunter, may iba pa akong naaamoy na mabango! Napako ang mata ko sa tray ng pagkain.

Aba!

Legit na may perfectly cooked rice, mangkok ng umuusok na kung anong ulam, ensaladang guso, at pitsel ng calamansi juice.

Si Hunter ba talaga ang nagluto nito? O baka nalingat lang ako at di napansin na kumaripas sya ng takbo papuntang karinderya?

Payuko ko ko syang pinag-aralan. Ano kayang droga ang nasinghot nya para maging ganun agad kagaling?

Expired Baygon katol? Moth balls? O baka sa kamay nya napunta ang nawawala naming rugby????

“E kung nagagawa nga yun ng Mang Inasal, ako pa kaya? Take note, isang malaking food chain yun ha.” kunwari di ko pinansin ang luto nya.

“Fucking A, Gus. Ang laki ng diperensya between home-made meals at fastfood.” napahilamos sya ng mukha.

“Bakit ba ang init ng ulo mo? Eh pareho lang namang pagkain yun.”

“Gus, ang sabaw ay hindi pagkain — isa itong inumin. Why, can you chew off broth?”

“......”

“O ano? Natameme ka? Kain na kasi tayo at baka lumamig itong niluto ko.”

“Makapamilit ‘to kala mo naman masarap yung niluto.” pagdadabog ko.

Napagpasyahan namin na sa bahay na lang maghapunan dahil gusto raw i-‘polish’ nitong katabi ko ang cooking ‘skills’ nya.

And what a perfect opportunity kuno dahil wala si mama kaya solong-solo nya ang kusina at malaya nyang magagawa ang gusto nya.

Halos kaladkarin nya rin ako para mamili doon sa wet market malapit sa amin. Unang beses kong pumunta doon at sinusumpa kong hindi na ako babalik.

Ayaw na ayaw ko pa naman sa malalansang lugar kaya di ako sumamasama kay mama kapag namamalengke sya.

Alam ko ang nasa isip nyo: ano’ng karapatan ng pangit na ‘to na mandiri sa malalansang lugar?

Each to their own nga diba! Ang judgemental nyo naman eh...

Kaya hayun, pagkarating ng bahay ay dumirecho sya ng kusina at iniwan ako sa sala para asikasuhin ang pinamili naming regalo.

Last week na kasi ng classes at sa Thursday nga ay may Christmas party kami kaya naman kailangan kong i-giftwrap lahat ng iyon.

“I heard that, you little shit. Why don’t you try and taste for yourself?”

“Tsk, mamaya na kasi boss. Busy pa ako kakagift-wrap nitong ireregalo mo.”

“Ayan ka na naman sa ugali mong hindi matahimik ang kaluluwa hangga’t di natatapos ang ginagawa eh.” reklamo nya.

“Mauna ka na lang kung gutom ka na...” sabi ko at ipinagpatuloy ang paggunting ng wrapper.

Ilang sandali pang nagdabog si Hunter pero maya-maya ay maririnig na ang tunog ng pinggan at kutsara.

Sa totoo lang ay gutom na rin talaga ako pero nakokonsensya akong hindi tapusin ang aking sinimulan. Tiis-tiis lang muna ng konti.

“Hey, usog ka dito. And open your mouth.” utos nya makaraan ang ilang sandali.

Nagtaka ako sa sinabi ni Hunter ngunit nang nilingon ko sya ay nag-aantay sa kamay nya ang kutsarang may pagkain.

“Boss! Di na ako bata para subuan pa.” tanggi ko.

“I know you’re hungry kaya susubuan na lang kita. C’mon, open up.” pang-uudyok nya at inilapit ang kutsara sa akin.

“Hunter naman eh...” inakbayan nya ako para di ako makawala.

“At saka di ko matiis na mag-isa kang kakain mamaya. It’s lonely eating alone kaya dali na, open your mouth.”

Eh?!

Naalala ko tuloy nung unang beses nyang kumain dito (chapter 3). Sinabi nyang ang saya daw namin ni mama dahil magkasama kaming kumakain.

Totoo, unang beses ko itong maghapunan ng wala si mama. Siguro naka-relate sya kasi on a daily basis syang walang kasabay?

Malamang na-consider yun ni Hunter kaya nagvolunteer syang magfill-in sa role ni mama? Ganun ba yun?

Teka, teka… ang labo naman atang maging ganito ka-considerate ang demonyong ‘to? Nakasinghot talaga ata ng rugby eh.

Pero gayunpaman, hindi ko maikukubli na natouch ako! Hehehe...

“Tsk, sige na nga kakain na ako. Wag mo na akong subuan!” inalis ko ang pagkakaakbay nya.

“No, no, no, I insist! You finish that, susubuan na lang kita. Mukha kang kokombulsyunin kung di mo matatapos yang ginagawa mo eh.”

Urk! Tinamaan ako ng invisible arrow dun ah?

“Eh boss—“

“Gus, utang na loob, stop being so hard-headed? Sabi ko sa’yo diba, rely on me a little. Isa pa regalo ko yang binabalot mo. Let me do this.” pag-iinsist nya.

Muli nya akong inakbayan at idinikit ang kutsara sa bibig ko kaya wala akong magawa kundi isubo iyon para hindi matapon.

Ano ito?!

“Heh, masarap noh?” ngisi nya nang makita ang reaksyon ko.

Natutop ko ang bibig sabay ang mabilis na pagtango. Kuhang-kuha ni Hunter ang timpla ni mama sa paksiw!

“Sige pa, kain ka pa. Ito pa oh.” sinubuan nya ako ng guso.

At iyon ang kwento kung papano ako pinakain ni Hunter habang naggigift-wrap ako. Ang nakapagtataka lang, iisang kutsara lang ang ginagamit namin.

Mukhang hindi rin naman nya alintana iyon kaya hindi ko na lang din pinansin. Ang importante mabusog ako!

“Mn, boss? Bakit pala ang bait mo sakin ngayon? Kasi diba lagi mo naman akong inaaway? Napasukan ba ng masamang hangin ang utak mo?”

Nasa lababo na kami at nagtutulungan maghugas ng pinagkainan at pinaglutuan. Na-curious lang kasi ako sa inaasal nya ngayon.

Wala sa anu-ano’y may tumamang basa sa pisngi ko. Nilingon ko si Hunter at binati kaagad ako ng nanlilisik nyang mata.

Nanindig ang balahibo ko. Bakit? Nagtatanong lang naman ako ah!

“Boss naman, alam na sensitive yung mukha ko tas wiwisikan mo lang ng sabon? Grabe ka...” inis kong sambit.

“I’ll do whatever I want just coz I’m inlababo.” kapalmukha nyang tugon.

“Haaa? Sinong nagbigay ng karapatan sa’yong mangwisik dahil lang nasa lababo ka?” pinunasan ko ang pisngi ko.

“God, you’re so slow.” napailing sya.

“Ano’ng slow? Ikaw itong walang logic kapag nagsasalita!” inis kong sagot.

“Ay pota. Simple English, cannot understand? Sabi ko mabagal ka!” winisikan nya ulit ako ng bula.

This time sa ilong at kanang bahagi na ng mukha ko tumama ang bula kaya’t nainis na ako at tumigil sa kakabanlaw ng pinaghugasan namin.

“Iba rin talaga kapag demonyo. Sa una magbabait-baitan, tapos sa huli ilalabas na ang sungay at buntot!” pasaring ko.

“At least gwapo.” tanging sagot nya.

Sa sobrang inis ay itinapon ko sa kanya ang maruming basahan at saka tumakbo papasok ng kwarto ko.

Pagkahiga sa kama ay narealize kong pagaasal-kalye ko. Sa tanang-buhay ko, nagyon palang ako nagtapon ng gamit dahil sa inis.

Err, di naman sya masasaktan sa basahan? Pero kahit na!

Humilata muna ako sa kama para magpalamig ng ulo. Kapag umakyat na si Hunter, kakausapin ko sya ulit.

Wala sya sa rason para magalit kasi wala naman akong ginawa sa kanya. Sya pa nga nauna, gumanti lang ako.

Pero matagal na sandali ang nakalipas ay wala pa si Hunter. Nagalit ba sya? Ay bahala sya, basta ako maghihilamos at magtotoothbrush na lang.

Sakto namang nagsisipilyo ako sa banyo nang pumasok si Hunter ng kwarto. Sinulyapan nya lang ako at naglaho agad sa aking paningin.

Nahinto ako sa aking ginagawa. Takte, nagalit nga talaga!

Unti-unti akong nanlumo. Mag-aaway na naman ba kami? Oo, sya ang nauna pero parang nasobrahan yata yung ganti ko?

“You done washing your face?” nagulat ako nang sumilip sya sa banyo.

“H-ha?”

“Kakauwi lang ni Auntie Hermie kaya pinagsilbihan ko muna, and I had to clean up after. Mukha syang pagod pero masaya. I told her you’re asleep para di ka nya hanapin.”

Pumasok na ng tuluyan si Hunter sa banyo at saka nagkwento habang umiihi sa inodorong katabi ko. Napamaang na ako.

Wala na bang natitirang hibla ng kahihiyan sa katawan nya? Tumalikod na lang ako at ipinagpatuloy ang pagsisipilyo.

“You didn’t answer me. Tapos ka na bang maghilamos?” tanong nya habang nagmumumog ako.

“B-boss? Err, maghihilamos palang.” tumabi ako para makapaghugas sya ng kamay.

“Oh, good. C’mere.”

Napapikit ako ng mariin. Willing naman akong tanggapin yung parusa nya dahil sa ginawa ko eh. Basta wag lang kaming mag-away.

Napasinghap ako sa gulat ng maramdaman ang pagdampi ng mainit-init na bagay sa aking mukha.

Sandali, anong ginagawa nya?!

“This is to open up your pores.” napadilat ako.

“H-ha?!” tinanggal nya ang bimpo sa mukha ko.

May binuksan syang container at naglagay ng kaunti sa palad saka pinabula bago inilapat iyon sa buong mukha ko.

“This is a good facial wash for you. Apply mo lang in a circular motion, just like what I’m doing.”

Patuloy sa ginagawa si Hunter habang ako naman ay litong-lito na sa inaasal nya. Nakalimutan na ba nya ang alitan namin?

“Boss?!”

“Diba sabi mo sensitive ang balat mo? This one is gentle on the skin. Kelangan mong matuto ng proper skin care para maibsan yung breakouts mo.”

“Boss, sandali lang! Hindi ka galit sakin?” hinawakan ko ang kamay nya.

“Why would I be angry?” nagtataka nyang tanong.

“Eh kasi tinapunan kita ng basahan...?” nag-aalinlangan kong sagot.

“Timang. Do you think that’s enough para magalit ako? Wag ka ngang malikot, baka masabon ko pati mata mo.”

“S-sure ka? Di ka galit? B-baka naman galit ka talaga, tinatago mo lang?”

“Gago, di nga ako galit. Stop moving, dammit!”

“Galit ka eh, nagmumura ka eh.”

“Eh kasi ang tigas ng ulo mo! Tumigil ka sa kakagalaw at nang matapos na tayo dito.” saway nya sa akin.

“Err, s-sorry. Sorry kasi ginawa ko yun sa’yo.” hingi ko ng tawad.

“Stop apologizing for such menial things.”

“Mn, kahit na boss. Para akong kanto-boy sa inasal ko.”

“Ok na yun, just forget about it. Isa pa, mabuti rin yung paminsan-minsan na away para may spark tayo.” natatawa nyang tugon.

Napangiti na lang din ako habang nagbabanlaw ng mukha.

- - - - - - - - - -

~Hi Gus, how are you?
~Pwede ba kitang tanungin?
~About your answer to my question...
~Or maybe you have forgotten?
~So I’ll just ask you again...
~Do you wanna go out with me?

6 messages. 6 effin messages sitting in my drafts section. And I’m so reluctant to send even the first one.

It’s been 10 days since we last talked — or texted — dahil masyado akong na-busy sa promotional event namin.

Besides, parang gusto kong kainin ng kumunoy dahil sa sobrang kahihiyan. Why did I have to ask him that?

“Gus, do you wanna go out with me?” seryoso kong tanong while looking at him in the eye.

“Mn, saan mo gustong pumunta? Sasamahan kita...” was what he answered.

“H-ha? Err…—“

“Matagal-tagal pa naman yang waltz nina Hunter eh, samahan na lang kita. Inaantok na ako eh.”

“U-um, err...”

Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko: ang mag face-palm o ang lumuhod at humagulgol. He took it literally.

Mabuti na lang at pinatay na ang hanging lights at iilang poste lang ang may ilaw, kaya naman naitago ng dilim ang nagliliyab kong mukha.

Pasmile-smile lang ako sa mga tanong ni Gus kaya di halata na naawkward ako sa kanya. Or so I hope.

Why is he able to ruffle my feathers this much? How does he make my heart race just from one look?

Could it be from the lighting? Could it be an effect of full moon? Or simply because he is Gus?

I want to know Gus better, pero di ko alam kung papano sya lalapitan without looking and acting like a creep.

I closed my phone, tutal di ko naman din masesend ang messages na iyon. Wala sa sariling tinapik-tapik ko iyon sa aking panga.

Napasandal na lang ako sa headrest ng aking office chair at napabuntong-hininga.

“Boss, may problema ba?” puna ni Daryl.

“H-huh? No, why?”

“Kanina ka pa kasi napapabuntong-hininga.” tugon nya.

“Grabe ka Daryl, kahit sino naman mase-stress pag sila ang pina-organize ng staff Christmas Party sa 23 eh.” depensa ni Migs.

“Halata naman sa’yo, kanina ka pa lamon ng lamon eh. Baka naubos na laman ng pantry natin?”

“Pakialam mo, eh gutom yung tao.” ani Migs.

“Teka guys, bakit kayo nagta—“

“Excuse me, is Mr. Pineda here?” biglang may sumilip na intern sa department namin.

“Bakit sana?” tanong ni Migs.

“Ah sir, pakisabi po pinapatawag sya ni President Pineda sa office ASAP.” sabi ng intern.

Nagulat ako sa sinabi ng intern. Dad’s never called me before, at di rin nya ako pinapapunta sa office nya unless necessary.

“Guys, I’ll leave the planning to you. Migs, yung catering; Daryl, yung reservation ng venue; Vicks please contact the flowershop; Pao, yun—“

“Yes, yes Sir. Go na at inaantay ka na ni Big Boss.” singit ni Vicky.

Makailang-beses pa akong napabuntong-hininga habang umaakyat ang elevator sa top floor kung nasaan ang office of the president.

Dad has this intense aura that will make you submit to him sa ayaw at sa gusto mo, that’s why lahat ng empleyado ay takot sa kanya.

“Come in.” tawag nya mula sa office nang kumatok ako.

“G-good morning, sir.” bati ko.

“Why are you late? I told you to come within 5 minutes after I call you. Next time this happens, you’ll find yourself jobless and out in the gutter. Take a seat.”

Napakurap ako ng ilang beses sa tinuran ng aking ama. Bakit ang init ng ulo nya? Sinong tampalasan ang nagdare na salungatin sya?

“I-I apologize, Sir. I had to leave instructions to my team for organizing the party. It won’t happen again.” paumanhin ko bago umupo sa harapan nya.

“Someone told me you went somewhere almost 2 weeks ago. Care to tell me?” tanong nya hindi paman tumatama ang pwet ko sa upuan.

Maverick Pineda has this smile that is not quite a smile. It’s like a smile of doom kaya hindi ko mapigilang kabahan.

Sya ang taong kapag nagtanong, kailangang maisagot. At dapat tugma ang sagot mo sa imbestigasyon nya.

No more, no less. He can read you and he can see through your lies. And I bet you can kiss your job goodbye if you even attempt to lie.

Ganito sya sa lahat ng tao, even with his colleagues and business partners. Nagtataka nga ako kung bakit nakakahakot ng business deals ang kumpanya namin eh.

I mean, who wants to deal with a man like that?

“I was invited to a friend’s university event.” deretsahan kong sagot.

“A friend...hmm, he must be somebody of high caliber para iwanan mo ang trabaho mo at pumunta doon?” may pagka-sarkastiko nyang sabi.

“Da—Sir, with all due respect, I’ve finished my job for the day and even secured two contracts before heading off to the event.” depensa ko.

Matagal kaming nagkatinginan ng tatay ko. Yun lang, ipapatawag kaagad nya ako kahit sobrang busy ng team namin?

“Ok, I will meet this friend of yours. Invite him for a dinner this Friday.”

“Wh-what?! Dad, he’s a student and a busy one at that! He can’t come just because you want him to!” napatayo ako.

“I said I’ll meet him on Friday. You may take your leave.”

“D-dad, no. He won’t be ab—“

“Silence!” dumagundong ang boses nya sa tahimik na opisina.

“I will meet him on Friday. Clear?” ulit ng tatay ko, leaving no room for argument.

“Y-yes sir, loud and clear.” tanging naisagot ko.

Paglabas sa lobby ay nasipa ko ang trash bin sa sobrang inis. I’m doing my job seriously yet ang strikto nya sakin!

He doesn’t even care spending one meal with me tapos gagawin nyang issue ang pagpunta ko sa university event?

Shitty old man! Pero bakit kay M—

No, no. I can’t let them see each other kaya hindi ko sasabihin kay dad that I’ve been meeting with my brother.

At lalong di nya pwedeng malaman na may kaugnayan si Gus at si Mav. Who knows what the cray shit will do?

During lunch break ay tumawag ako kay Gus para malaman kung may free time ba sya. Free time naman nila, and he’s not with Mav.

“Hello, Gus? Yeah, it’s me. Are you free—oh, they did? Yeah...great! So, I’ll see you later? Cool. Bye.”

Luckily, mabilis gumalaw itong si Vicky at nacontact na nya ang flowershop nina Gus kaya di ko na kelangan magpalusot just to see and talk to him.

Napagkasunduan naming magkita sa isang café near their university. Dumating ako pasado alas singko ng hapon at nadatnan kong naghihintay sya doon.

I felt my tiredness being washed away nang makita ko ang ngiti nya, kahit pa nga mas haggard ang mukha nya kesa sakin.

“Brix, kamusta na? Ay teka, nagugutom ka ba? Ano’ng gusto mong kainin? I-oorder kita.” sunod-sunod nyang tanong.

“Hey, slow down. And that’s a no, I’ll be ordering for us kaya stay put.” natatawa kong pigil sa kanya.

Wala na syang nagawa nang dumirecho ako sa counter para umorder ng pasta para sa aming dalawa, juice for him, and iced coffee for me.

While waiting for the food to come, we got down to business. Ibinigay ko sa kanya ang plans ng team ko for the venue.

Ipinakita sa akin ni Gus ang collections nya form the portfolio, at kung hindi nga lang needed ang specific arrangements for the party ay oorderin ko lahat ng nandoon.

Jinet-down ni Gus ang arrangements na napili ko. Since limited ang supply nya, we decided na tutulong para sa procurement ng flowers from bigger suppliers.

Sakto namang pagdating ng pagkain ay nakapag-agree na kami sa lahat-lahat kaya niligpit namin ang gamit nya and then ate.

“So, how have you been?” tanong ko habang kumakain.

“Mn, ok naman ako. May Christmas party kami sa Thursday tapos bakasyon na!” masaya nyang balita.

Heck, there’s really no way out for the dinner huh? Tch, bahala na!

“Um, Gus. If it’s ok with you, can I ask you for a favor?” reluctant kong tanong.

“Sa dami ba naman ng naitulong mo sa akin eh? Syempre naman!” payag nya kaagad.

“Oh...? Uhm, ano kasi. Will you accompany me to dinner on Friday night?”

“Kain na naman? Er, ok lang naman sakin. Yun lang naman pala eh. Ah! Oo nga pala, may alam akong masarap na lomihan. Mura na, nakakabusog pa!” uminom sya ng juice.

“Err, about that...kasama kasi natin si dad, so mala—“

Bigla na lamang may malamig na nagspray sa mukha ko kasabay ang sunod-sunod na pag-ubo ni Gus.

What the heck?

“G-Gus? Are you alright?”

Pumunta ako sa tabi nya at hinimas-himas ang kanyang likod kahit pa nga tumutulo ang juice na naibuga nya sa mukha ko.

“S-sorr—*cough, cough, cough*! Sorry B-*cough*-Brix...”

Dumukot sya ng panyo sa kanyang bulsa at saka ipinampunas iyon sa mukha kong pinaliguan nya ng juice.

“No, I’m ok. Here, have some water.” inalok ko sya ng isang basong tubig.

“Sorr*cough*-y ulit, Brix. Di ko sinasadya.” namumula ang mukha nya pababasa kanyang leeg.

“Weel, it’s kinda my fault. Sorry ha? Dad found out about the event and so he told me he wanted to meet you. Sorry talaga...” paumanhin ko.

Bumalik ako sa upuan ko nang makitang huminahon na sa kakaubo si Brix. Maging ako siguro ay magugulat kapag sinabi iyon.

I mean, out of the blue ka iimbitahan para sa dinner ng tatay ng kaibigan mo? Tapos fine dining pa ang—ah!

“E-eh, kwan kasi B-Brix, daddy mo yun. Nakakahiya naman kung dadalhin ko sya sa lomihan.” napainom ulit sya ng tubig.

“Err, about that—actually dad reserved seats sa isang 3-star fine-dining restaurant, so—“

“Bleergh!”

Sa ikalawang pagkakataon ay nanghilamos ako ng tubig na ibinuga ni Gus sa mukha ko. Pati dibdib ko ay basang-basa na.

Hindi magkamayaw si Gus sa pag-ubo; lumabas na rin sa butas ng ilong nya ang tubig. Di ko alam kung kanino ako maaawa: myself or him.

“Err...” ipinampunas ko ulit ang panyo nya.

“3-star resto? Fine-dining? Jusko, anong gagawin ko eh di ako marunong gumamit ng kutsilyo! Ano’ng isusuot ko? Wala naman akong Amerikano, baka mapagkamalan akong multo kung susuot ako ng barong!” natataranta nyang tugon after recovering from his coughing fit.

“Gus, hey...calm down!”

“Baka di ako papasukin? Sasabihin mukha akong janitor, o di kaya mapagkamalan akong basahan!” pagpapatuloy nya.

“Dude, calm down!”

“B-Brix, ipapahiya ko lang sarili ko eh...isama na lang kaya natin si Hunter? Mas marunong sya sa ganun. Mas magiging kumportable ako.”

I don’t know why, pero nagpanting ang tenga ko when I heard Mav’s name. Why do they think so highly of him?

That good-for-nothing—

“Mav absolutely mustn’t know about this!” may kalakasan kong tugon.

Natigil ang paghihisterya ni Gus and he looked at me with wide eyes.

“Bakit naman Brix? Eh pareho nyong daddy yun diba? Saka di pa sila nagki—“

“Dad and Mav aren’t in good terms...” palusot ko.

“Uhm...s-sorry, Brix. Di ko alam.” sagot nya matapos ang matagal na pananahimik.

“It’s ok, you don’t have to apologize.”

“P-pero, family matter kasi yun tapos inungkat ko pa. Pasensya na talaga.”

“Yeah, it’s ok. So, what will your answer be?” pagbabalik ko sa topic.

“Err, nahihiya kasi talaga ko Brix. Di ko alam kung papano haharapin ang daddy mo.” nakayuko nyang sagot.

Hinawakan ko ang panga ni Gus at inangat iyon para magtama ang aming mata. I smiled at him gently.

“Just be yourself, ok? I’m beside you all the way, we’ll get through it no matter what.”

Matagal-tagal pang nag-isip si Gus bago marahang tumango.

[aloo! Thank you po sa nagbabasa :) I just want to let you know na nasa wattpad na po ang MMMF! You can add me @RaleighD or pwede nyo rin pong i-add sa library or reading list nyo ang MMMF. Ehehe, yun lang po :) thank you!]

- - - - - - - - - -

“Yo! So, what did you get?”

Nagulat ako nang dumantay ang mabigat na bagay sa aking balikat. Dali-dali kong itinago ang regalong aking natanggap.

“Wha—hoy! Di ko aagawin yan no!” puna agad ni Hunter.

“U-umm, wala! Highlighter saka bondpaper lang ‘to.” palusot ko sabay tanggal ng nakaabay nyang braso.

“Yun lang naman pala eh, so bakit mo itatago?”

“E-er, baka kasi agawin mo. Teka, ano nga pala nakuha mo?” pag-iiba ko ng usapan.

Dahan-dahan kong hinigpitan ang hawak ko sa regalong natanggap ko at saka isiniksik pa sa likuran ko.

“Oh, just some perfume and a baseball cap. Do you want the perfume?” sabi nya.

“Ha? Wag na, saka regalo mo yan eh.” tanggi ko naman.

“Andami ko na nito sa baha—teka nga kasi, bakit mo ba nilalayo sakin yang regalo mo, ha?” inis nyang puna.

“Hindi ah, ikaw lang nag-iisip nyan.” depensa ko agad.

“Tch, may something peculiar ka bang natanggap? Condom?” usisa nya.

“Ha? Boss, sino sa tamang pag-iisip ang magreregalo ng condom? Saka babae yung kringle ko!”

Nababaliw na ba sya? Nasobrahan ba sa moth balls yung damit nya?

“Exactly why!”

“Anong pinagsasabi mo?”

“Your kringle is a she, posibleng may gusto yun sa’yo at kaya magreregalo ng condom kasi may balak magpascore!” hinablot nya ang bag ng regalo ko.

“Boss?! Anong logic meron ka? Di ko alam kung insult or compliment yan eh!” hinila ko pabalik ang bag.

“Anong logic? Walang lalaking ligtas sa babaeng manlalapa!” hinila ulit nya ang bag.

“Boss, ni makipag-usap nga di nila magawa, ang magpahawak pa kaya sa akin?!” hinila ko ulit ang bag.

“Akala mo lang yan. It all boils down to performance and endurance!”

Isang malakas na hila ang ginawa ni Hunter kaya napunit ang bag at nahulog ang laman nito. Naramdaman ko ang pag-aalta presyon ko.

“Hunteeerrr!” sigaw ko.

“Fuck, Gus!” kasabay nya ring sigaw.

Nagtinginan lahat ng kaklase namin sa aming dalawa. Nag-umpisa ang ugong-ugong ng mga tsismosa. May away daw bang nagaganap?

“Tingnan mong ginawa mo!” inis kong bulyaw.

“I see, that’s why you’re hiding it. Tell me, who gave you this?” itinaas nya ang itim na piraso ng papel.

“Bakit ikaw pa ang galit, ha?”

“This is no fucking bondpaper, Gus. This is a goddamned sand-fucking-paper. Now, tell me. Who. Gave. You. This?”

Tila nagyelo ang buong paligid dahil sa lamig ng boses ni Hunter. Maging ang apoy ng pagkainis ko ay namatay at napalitan ito ng matinding takot.

Ngayon ko lang ulit nakita si Hunter na ganito: nanlilisik ang mata at nababalot ng itim na aura.

“Hunter, tama na. Ililigpit ko na lang yan.” lumapit ko sa kanya at saka bumulong ng wag kang gumawa ng gulo.

Pero si Hunter ay hindi magiging si Hunter kung tatahimik lang sya at susunod sa mga sinasabi sa kanya.

Tumayo si Hunter saka itinaas ang papel de liha. Walang ekspresyon ang mukha nya pero parang nag-aapoy ang mata nya.

“Who the fuck gave this to Gus?” sigaw nya sa classroom.

Mas mabilis pa sa alas kwatro na lumapit yung kringle ko, yung maniniwala ka na lang na “some people really answers to the devil”. Ganun.

“Explain.” malamig na utos nya.

“Yan? Pang kuskos sa mukha nya para kuminis, diba ang thoughtful ko?”

Natawa ang buong klase sa tinuran nya. Ramdam ko ang lahat ng mata sa akin at hiniling kong lamunin na lang ako ng lupa.

Ang sarcastic bigla ng dating ni Hunter ng akusahan nya akong may manlalapa sa akin.

“You think this is a good joke, huh?” biglang hinawakan ni Hunter sa braso ang babae.

“O-ow! Ano ba? Stop it!” reklamo ng babae.

Dali-dali kong hinawakan si Hunter sa braso para patigilin sya. Naninigas ang muscles nya kaya alam kong mahigpit ang pagkakahawak nya sa babae.

“Hunter...tama na! Babae sya!” mahina kong saway.

“Aray, nasasaktan ako. Ano ba?” nagpumiglas sya.

“Hunter...” pakiusap ko.

Pinabaunan ni Hunter ng matalim na tingin ang babae bago nya ito marahas na binitiwan. Hinarap nya ang klase.

“GUS IS MINE! He is mine to play with, he is mine to treat as I deem fit, he is mine to bully! Anyone who dared oppose this declaration, come out and face me!”

Pumunta ako sa likod ni Hunter at sunod-sunod na kinurot ang likod nya. Sobrang init ng mukha ko dahil sa ginawa nya.

“Huy, Hunter! Ano ka ba? Wala ka talagang kahihiyan!” yamot kong bulong.

“What? It’s true though!” ni hindi man lang bumulong ang gago.

Badump...badump...BADUMP!

Ayun na naman ang mabagal, pero malakas na kabog ng dibdib ko.

Yung pakiramdam na para kang kinakabahan, na parang hindi mo na alam kung saan ang taas at baba? Na parang nababaligtad ang mundo mo?

Ganun ang ginagawa ni Hunter sa akin.

“Tara, let’s leave this shitty place. Naiirita lang ako sa mga shit-for-brains na tao dito!” pasaring nya bago nya ako kinaladkad palabas ng room.

Pagkatapos noon ay hinatid na ako ni Hunter sa bahay pero di na sya nagtagal dahil uuwi daw sya ng condo nya at magpapaserbisyo.

Naikwento nya kasi na uuwi daw ang mommy nya kaya kailangang malinis ng maigi ang bawat sulok ng bahay nila.

Nakahiga na ako sa kama pero nandoon parin ang mabagal ngunit malakas na pagkabog ng dibdib ko.

Para bagang nag-iipon muna ng lakas ang puso ko bago nito ipalabas lahat ng naipong dugo.

Baka aatakihin ako sa puso sa lagay na ito? Diosmio! Wag naman sana, maiiwang mag-isa si mama!

Kung ikukumpara, ibang-iba iyon sa mabilis na karera ng puso ko kapag si Brix naman ang kasa—

Shit, si Brix! Yung dinner bukas!

Napabalikwas ako ng bangon at nagtungo sa cabinet. Kinuha ko ang binili naming long sleeves at saka pinlantsa iyon.

Kinakabahan ako. Anong klaseng tao kaya ang ama nina Brix at Hunter? Mabait din kaya sya tulad ni Brix? O nakakasindak katulad ni Hunter?

Sino kaya sa kanila ang kamukha nya? Palangiti din kaya sya gaya ni Brix o palaging nakakunot ang noo gaya ni Hunter?

Ito ang mga katanungang paulit-ulit kong naiisip kaya naman hindi ako napakali. Imbes na matulog ay bumangon ako at pinlantsa ulit ang susuotin ko.

Kinabukasan nga ay doon ako nag-abang sa tapat ng shop namin. Maaga akong nagsara para makapag-ayos naman ako.

Dumating si Brix sakay ng magara nyang kotse. Naka-Amerikano sya at talaga namang napakakisig ng dating nya.

Sigurado, mapagkakamalan syang foreign actor!

“Hey, you ready?” bati nya ng sumakay ako sa kotse nya.

“Y-yeah...”

“Wag kang kabahan, I’ll be right beside you all the time.” ngumiti sya.

Sinuklian ko rin sya ng ngiti. Hindi ko man kasama ngayon si Hunter, at least may kasama naman akong kaibigan ko.

Mabuti na lamang at hindi gaanong matraffic kaya nakarating agad kami sa aming destinasyon.

Nasa loob ng isang sikat na hotel ang sinasabing restaurant na iyon at talaga namang mahirap pumasok doon ng walang reservation.

Nasa gate pa lamang kami ng hotel pero sobrang kabado na ako. Ganito ba talaga ang lifestyle ng mga Pineda?

Pagkababa namin ng kotse ay ibinigay ni Brix ang susi nya sa isang lalaking naka-uniporme. Napag-alaman kong valet pala iyon.

Taas-baba at paulit-ulit akong tiningnan ng gwardya sa hotel. Gusto pa sanang mag full body check pero sinabihan ni Brix na nagmamadali kami.

Ayaw na ayaw pa naman ng daddy nya ng late.

“Hey, are you sure you’re ok?” tanong nya nang makapasok na kami.

Pasulyap-sulyap lang ako pero alam kong nakay Brix lahat ng atensyon ng mga tao dito. At syempre pa, sa engkanto nyang kasama.

“B-Brix, w-w-wag na lang kaya tayo tumuloy?” kinakabahan kong tanong.

“Why?”

“K-kasi, out of place ako d-dito eh. S-saka pakiramdam ko bibigay na yung tuhod ko sa sobrang kaba.” mahina kong tugon.

Sa tapat kami ng elevator at naghihintay para bumukas iyon. Nang makapasok kami ay nakita kong pulos salamin sa loob.

“Hold my hand.” sambit nya.

“H-ha?”

“C’mon, just hold my hand. Wala namang ibang makakakita eh.” udyok nya.

Nag-alinlangan ako sandali pero malaki parin ang ngiting nasa mukha ni Brix kung kaya hinawakan ko na rin ang kamay nya.

Napakalamig niyon, nagpapawis, at nanginginig ng konti.

“See? You’re not the only one. We’ll get through this together, ok?” sabi nya.

“O-ok...”

Saktong nag ping yung elevator at bumukas ang pinto kaya lumabas na kami. Lumapit kami sa isang staff doon sa lobby.

“We have a reservation at 7pm with Mr. Maverick Pineda.” pambungad ni Brix.

“Names please?” malagkit ang tingin na ibinigay ng babae kay Brix.

“Uh, Brix Pineda and Gus Jalandoni.”

“This way, sir.”

Sinamahan kami ng isang staff papasok sa restaurant. Ang gara ng kasuotan ng mga kumakain doon; nagmukha tuloy akong basahan.

Sinubukan kong paliitin ang presensya ko na para bang pagong na nagtatago sa kanyang bahay.

Agaw-pansin talaga si Brix kahit saan sya magpunta, katulad din ni Hunter. Malayo pa ba ang table namin?

Gusto ko nang umuwi...

“B-Brix—“

“Shh, don’t bother with them. Hold your head up.” hinawakan ako ni Brix sa likod.

Nang marating namin ang aming reserved table ay kaagad akong kinausap ni Brix ng kung anu-ano para malingat ang atensyon ko.

Sige rin ang pagpapatawa nya, marahil paraan nya iyon para mawala ang kaba ko. Di ko tuloy mapigilan na ikumpara sya kay Hunter.

Si Hunter kasi, kapag alam nyang kinakabahan ako, eh tutuksuhin at iinisin nya ako. At kapag nainis na ako, magkakasagutan na kami.

Kapag nagkasagutan na kami, tatawagin nya akong pikon at gagawing katatawanan. Negative ba? Pero sobrang effective.

Nalilingat kasi ang atensyon ko at mas napapagtuunan ko ng pansin lahat ng pang-iinis nya sa akin.

Naipapalabas ko kay Hunter lahat ng stress ko kahit pa nga ibang stress ang naidudulot ng pang-iinis nya.

Contradictory no? Pero ganun nga siguro ang mga bagay-bagay. Mas maiintindihan mo ang sarili mo kung may kasama kang iba ang trip kaysa sa’yo.

Siguro iyon ang totoong kahulugan ng ‘opposites attract’?

Siguro di natin kailangang maghanap ng taong kapareha natin in every way. Siguro kung sino pa yung kasalungat natin, dun pa tayo nagiging kumportable.

“Sorry for interrupting your conversation.” sabi ng boses sa aking likuran.

Full-force na bumalik ang kaba ko nang marinig ang malamig na boses; sing lamig ng boses ni Hunter kapag galit.

“D-dad, good evening.” napatayo si Brix.

Hindi ako magkanda-ugaga sa pagtayo upang harapin ang lalaki sa aking likuran.

“Um, g-good evening po, s-sir.” kanda utal-utal ko.

May kakaibang aura na nanggagaling sa lalaking ito, para bang pinagsukluban ako ng langit at lupa.

“Sit, sit.” utos nya.

Halos pabagsak akong naupo sa silya. Nangangatog ang tuhod ko at pinagpawisan ako ng malamig.

Ganitong-ganito rin ang naramdaman ko nung una kaming magharap ni Hunter. Kung di ba kami naging magkaibigan, ganito parin ba ang mararamdaman ko?

Isang sulyap lamang ang binigay sa akin ng daddy nila, pero halos mangisay ako sa sobrang kaba.

Para akong insektong sinisiyasat sa ilalim ng microscope.

“So, you are the friend this son of mine is talking about? I did not expect you to look like this.” tepok! Ingles pa talaga.

“Ahm, y-yess po, si—ah!” nakagat ko ang dila ko sa sobrang kaba.

“Don’t worry, nakakaintindi naman ako ng Tagalog.” sabi ng tatay nila.

“Tch, dad...”

“Brixter, signal them to serve the food. You know what? You look better kapag nakatalikod ka. You should do that.” sabi nya bigla.

“Y-yes, sir.” awtomatiko kong sagot.

“Dad!” saway ulit ni Brix.

“At least you are early. And I quite like you — you called me sir. C’mon, let’s eat at baka lumamig ang pagkain.”

Napatango na lamang ako. Maraming paghihirap na ang napagdaanan ko pero ngayon lang ako naka-ingkwentro ng ganito katinding kaba.

“So, is this your first time on a fine-dining restaurant?” usisa ni Mr. Pineda.

“Y-yes po, sir. First time ko po.”

“Oh, how honest. Halata namang first time mo eh. Do you even know kung papano gumamit ng cutlery?”

“S-sorry po, sir. To be honest, h-hindi po eh.” sagot ko naman.

“Dad, stop it please? Let’s enjoy the food.”

“Start from outside going inside. Sundin mo lang ginagawa ni Brix.”

Napatango na lamang ako. Napaka-unexpected na magbibigay sya ng payo about fine-dining.

Tahimik naming ipinagpatuloy ang pagkain at panay ang sulyap sa akin ni Brix, nagtatanong yata kung ok lang ako.

Sa totoo lang, gusto ko nang kumaripas pauwi. Masarap ang pagkain, pero para sa akin mas masarap padin ang luto ni mama.

Natapos lahat ng course at inilabas nila ang wine na inorder ng daddy ni Brix. May pakiramdam akong di ko sya maaaring tanggihan.

“Dad, Gus isn’t legal yet so he can’t drink.” singit ni Brix.

“He’s 18, am I right? Legal na sya dito sa Pilipinas and besides, he’s with a responsible adult so it’s fine.”

Mas matapang at kakaiba ang lasa ng wine kumpara noong sinubukan ko ang beer na iniinom ni Hunter. Mas nakakasunog ng lalamunan.

Kwentuhan parin kami, pero habang tumatagal ay bumibigat ang pakiramdam ko.

“How do you find the foof here? Masarap ba?” usisa ni Mr. Pineda.

“Mn, lavish as it is, I can’t find myself to enjoy the food as my tongue isn’t suited to the likes of it. To be honest, I would very much prefer the food my mother cooks!” natatawa kong sagot.

Teka, parang may kasunduan kami ni Brix? Di ko lang maalala kung ano...

“Oh? So you aren’t satisfied?” naiintrigang tanong ni Mr. Pineda.

“Dad, please.” may warning sa tono ni Brix.

“I’m more than satisfied, but the food lacks the warmth and love prepared by a mother. In a sense, even the food Hunter cooks is better than this!”

“Hunter? Who do you mean?” may pagtataka sa kanyang mata.

“Dad, I think Gus is drunk.” nagmamadaling singit ni Brix.

“Hunter Mav Pineda, my bestfriend! Your sons, sir, are quite lookers. Everyone has their attention on them whenever we hangout.” masaya kong balita.

“You have been meeting with Hunter? Since when?” binaling nya ang tanong kay Brix.

“D-dad, I can explain...please, not here.” mukhang natataranta si Brix.

Shit...! Oo nga pala, di pwedeng malaman ng daddy nila na nagkikita si Hunter at Brix! Jusko, ano itong nagawa ko.

“Sir, I thin—“

“Silence filth! Do not speak to me so casually!” mariing bulyaw ni Mr. Pineda sa akin.

“And you...better make your explanation good! Bring Hunter on the 23rd. You may take your leave.” nagpupuyos nyang utos.

- - - - - - - - - -

It was a cold Saturday morning but I woke up at 2:45am para samahan si Gus sa simbang-gabi. Di ko sya nasamahan kahapon kasi pagod ako sa paglilinis.

Well, not that it would make any difference. I already missed 3 days at 3 days na lang din ang natitira before Christmas.

Kahit sobrang lamig ay pinilit kong maligo para mabango ako. Nagsipilyo din ako ng ilang minuto para fresh breath.

Nagtext ako kay Gus na papunta na ako at nang makarating nga sa bahay nila ay nasa tapat na sya ng gate, may dalang bungkos ng bulaklak

“What’s that for?” tanong ko.

“Ah, ito? Palaging ako nag-ooffer ng bulaklak eh.”

“Oh, ok.” sabi ko bago nagmaneho.

Marami-rami na ang tao nang makarating kami sa simbahan. Mabuti na nga lang at nakahanap pa kami ng mauupuan sa bandang unahan.

Jampacked at sobrang init sa loob nang mag-umpisa na. Di ko aakalaing ganito karami ang dadalo sa 3:30am mass.

Pero mas mabuti nang ganito dahil mas marami daw ang tao kapag 4:30am mass ang aming dadaluhan.

Maganda ang mensahe ng pari — about togetherness ng family. Wala naman akong care noon, pero nung naglagi ako kina Gus, bigla ko na lang na miss si mommy.

She may be strict, but she’s still my mom. At isa pa, matagal-tagal na rin since last akong nakakain ng luto nya.

Nung Ama Namin na ay ako na mismo ang kumuha sa kamay ni Gus. I bet it always happens, pero napansin kong hindi hinawakan ng katabi nya ang kabilang kamay ni Gus.

Well, who cares! Hindi ko rin hinawakan ang kamay ng katabi ko. That way, kaming dalawa lang ni Gus ang magka-holding hands.

Ang sarap sa feeling dahil maaga pa lang ay magkahawak na kami ng kamay, although sa misa nga lang.

Amidst the sea of people, we’re holding onto each other.

Nang matapos ang misa ay pahirapan talaga sa paglabas ng simbahan. Ang dami naming nakakasalubong!

Wala akong choice kundi hawakan ulit ang kamay ni Gus para hindi kami maghiwalay. Sa sobrang galang ba naman nya, baka maiwan sya sa loob kung papaunahin nya lahat ng daraan.

“Ah, sandali lang boss! Halika dito dali...” excited na hinila ni Gus ang sleeve ng polo ko.

Iginiya nya ako sa hilera ng mga nagtitinda. Nahinto sya sa tapat ng isang matandang nagbebenta ng—

“Huh? What is that?” tanong ko.

“Salabat!” masaya nyang tugon.

“Hijo, ilan bibilhin mo?” tanong ng tindera.

“Ah, dalawa po manang. Eto bayad.” inabot ni Gus ang dalawang bente.

“Mn, boss. Masarap inumin to sa malamig na panahon. Saka authentic, di gaya nung mga binibenta sa department store.”

May pag-aalinlangan ko nang tanggapin ko ang umuusok na baso mula kay Gus. It’s brown and what is salabat even?

Mn, but it does smell good.

“Nilagang luya lang yan boss. Try mo na, dali!” udyok ni Gus.

Isasaboy ko sana iyon sa tindera for making a mysterious decoction but...but if Gus insists...

Alam mo namang sunod-sunuran lang ako sa anumang gustuhin mo, diba?

Napakibit-balikat na lamang ako at saka humigop. Parang may kumalat na kakaibang init sa aking katawan kasabay ng paghagod nito sa lalamunan.

“O ano? Masarap noh?” excited na tanong ni Gus.

“Tastes fucking disgusting, but whoa...”

“Boss naman, mahiya ka naman ng konti kay manang.” siniko nya ako sa tagiliran.

Nasa harap parin kasi kami ng stall na iyon at mejo malakas yung pagkakasabi ko kaya nagsitinginan ang ibang mamimili sa akin.

“Err—good! It’s tastes really good! So goodah!” nilakasan ko ang boses ko at tumalikod.

“P-pasensya na po.” paumanhin ni Gus.

“Tsk, ang gwapo pa naman pero matalim yung dila. Sayang!” dinig kong sabi ng isa doon.

“Gus, let’s go. Baka may mamura pa ako dito.” inis kong bulong.

Habang umiinom ng disgusting decotion ay naglibot muna kami sa ibang stalls. Madaming binibentang mga kakanin doon.

“Boss, alam mo ba, pampaganda din ng boses ‘to.” sabi nya habang naglilibot kami.

“Ows?” gulat kong tanong.

“Mn! Madami nga nagsasabi na ito daw yung iniinom ng mga sikat na singer kasi hinahagod ng tsaa yung lalamunan.” tatango-tango nyang tugon.

“So, I just have to drink this para gumanda yung boses ko?” nabuhayan ako ng pag-asa!

Napatingin sa akin si Gus, yung nagsasabi na ‘seryoso ka?’

“Boss, sumuko ka nalang.” napailing-iling sya.

“Aba’y puta, paasa ka naman eh!” kinurot ko sya sa tagiliran.

“Aray! Boss naman eh, muntik nang masaboy sakin yung tsaa. Saka, kakasimba mo lang kaya bawal bad words!” saway nya.

Inirapan ko lang sya ngunit may nakita akong kakaiba kaya this time, sya naman ang hinila ko sa isang sulok.

Nagluluto ang isang mama ng parang thick cream at pinapasok iyon sa isang improvised oven. May nagliliyab na apoy sa ilalim niyon.

“Magandang umaga ho! Manong, ano yan?” tanong ko sa mama.

“Ay magandang umaga ser. Bili na po kayong bibingka ser. May tig lima, may tig sampu.” offer ni manong.

“Bibingka? Yun ba yung parang cream kanina? Saka ano ho yan, improvised oven?” usisa ko.

“Ah, gata ng niyog yun ser. Dito ko po niluluto.” sagot ni manong.

“Masarap ba yan manong? Sandali, Gus...wanna eat?” excited kong tanong.

“Kahit naman humindi ako eh bibili ka parin. Manong, yung tig sampu po. Yung bagong luto po ah?” ani Gus.

“Ay sakto, luto na itong isa. Teka, ilalabas ko lang.”

Tumalikod si manong bago hinarap ang kanyang oven at inilabas ang maitim na tray ng bagong lutong bibingka.

Mabilis nyang inalis lahat ng luto sa maiitim na parang metal ramekins saka inalis ang mga sunog na...dahon ng saging?

Pumili si Gus ng mapula-pula/slightly browned na bibingka mula doon sa malalaking bibingka na tinuro ni kuya.

Binigyan nya ako ng isa at pinag-aralan ko muna iyon ng saglit bago kinain. Nasarapan kaagad ako.

“Oh my—Gus, ang sarap nga! Saka may niyog pa oh!” sabi ko bago kumagat ulit.

Natatawa lang si Gus sa inasal ko. Para daw akong bata. Well, I don’t care. Masarap naman kasi talaga eh.

How is it na ngayon lang ako nakatikim ng ganito ka sarap sa tanang-buhay ko?!

Habag kumakain ay tumambay kami sa stall ni manong. Sya lamang mag-isa ang namamahala doon.

Sya ang nagtitimpla, nagpeprepare, naglalagay ng kahoy sa apoy, saka sya rin ang nagbebenta ng mga bibingka.

Amazed na amazed ako habang pinapanood ang process ng paggawa ng bibingka. Una, naggugunting sya ng dahon ng saging.

Tapos, ilalagay nya iyon in layers sa loob nung metal ramekins. And then ia-add na nya ang bibingka mix doon at finally ay ipapasok sa oven.

“May sakit kasi yung asawa ko ser, tapos yung anak naman namin naglayas. Kaya ako na lang mag-isa nagbebenta dito.” paliwanag ni manong.

“Di ka ba nahihirapan manong?”

“Mahirap ser, pero kakayanin. Pambili ng gamot ni misis eh. Saka sanay na din naman ako kasi matagal na akong gumagawa nito.”

“Magpapart-time ka ba?” tanong ni Gus.

“Gago, syempre na-curious lang!”

“Hala, yung bunganga nito! Nasa tapat pamandin ng simbahan.” saway ni Gus.

“Kasi ikaw!” kinurot ko ulit ang tagiliran nya.

“Tch, di pala talaga kayang putulin ng simbahan yung sungay mo kasi demonyo ka! Buti di ka nasunog?” panunukso ni Gus.

“Magkaibigan ba kayo?” tanong ni manong.

“Ah, hindi kuya ah!” deny kaagad ni Gus kaya napaikot ako ng mata.

“Hindi kuya, kasi mag-asawa kami.” inakbayan ko si Gus.

“Asawahin mong mukha mo!” inis nyang inalis ang kamay ko.

“Haha, nakakatuwa naman at matalik kayong magkaibigan.” puna ni manong.

Sa loob-loob ko, nagtatalik na magkaibigan. But oh well, wala pa namang nangyayari talaga sa amin ni Gus eh.

“Ay, papano ba yan manong? Alis na po kami. Pasensya na po sa abala. God bless you po! Merry Christmas!” paalam ko.

“Ey walang anuman ser, nakakatuwa nga kayong kausap. Sige po, ingat kayo sa daan! Merry Christmas ho.”

Aside sa limang bibingka na takeout ay nagbigay din ako ng malaking tip kay manong. Bilib ako sa tyaga nya.

Habang nasa sasakyan kami ay sinubukan ko kung may epekto nga ang salabat sa aking boses kaya napakanta ako.

Pero it seems na wala, kasi panay lang ang tawa ni Gus sa akin. Minabuti ko na lamang na lantakan ang bibingka.

Bago kami umuwi sa bahay nina Gus ay nagpasya kaming dumaan sa lomihan at doon na lang mag-almusal.

Habang kumakain kami ay napapansin kong panay ang sulyap sa akin si Gus kaya sinita ko sya.

“May sasabihin sana ako sa’yo boss. Kaso baka magalit ka.”

“Mas lalo akong magagalit pag di mo sinabi. C’mon, spill!”

“Eh, promise muna wag moko pagagalitan?”

“Ay puta, maglolokohan ba tayo dito? Ano na kasi?” nayayamot kong tugon.

“Boss! Kaharap mo yung pagkain!” saway nya.

“Gus...” warning ko.

“Err, sabi ko ng, eto na. Basta ha? Wag magagalit ha?” ulit pa nya.

Matalim na titig ang isinukli ko kay Gus. Nagets naman nya kung ano ang ibig kong sabihin kaya nagsimula na syang magsalita.

“Kwan kasi, h’nire ako ng kuya mo bilang florist sa Christmas party nila. Nagustuhan kasi yung mga gawa ko.”

“Oh? Ain’t that good? Ano naman ang problema dun?”

Poker face lang ako pero ang totoo ay dumadagundong na ang dibdib ko. Puta, nagconfess na ba si kuya sa kanya?!

“Sandali lang kasi, eto na. Mmn, so yun! Nag-usap kami and then niyaya nya akong magdinner—“

“What?!” tumaas ang boses ko.

Napatingin sa amin ang mga patron na katabing mesa kaya nagsorry ako at pilit na kinalma ang sarili ko.

“Ayun nga, natuloy yung dinner namin nung Friday night—“

“DAFUQ??” malakas kong tugon.

Napatingin na pati yung ibang patron sa amin kaya humingi ulit ako ng paumanhin. What the fuck is with him?

He meets with Gus behind me and goes to dinner without me knowing? Seriously? Kuya? What the fuck...

“Shhh! Ingay mo naman boss. Makareact ‘to oh.” napakamot si Gus sa pimple nya.

“Why haven’t I heard about this...this...this dinner?!” yamot kong tanong.

“Eh kasi nga kasama namin yung daddy mo.”

Sa sobrang gulat ay napatayo ako at nasagi ang table namin. Natumba ang condiments at natapon pa ang suka at toyo.

What the fuck? What the fuck? What in the actual fuck?!

Who gave him the right na ipakilala si Gus kay dad? And wait, nandito si dad sa bansa?

What if magtagpo sila ni mommy accidentally?

“Boss, umupo ka! Pinagtitinginan ka na...” bulong ni Gus.

Pabagsak akong naupo. Does kuya know kung gaano ka strikto si dad? Napahilamos na lamang ako ng mukha.

Strict si mom, pero ga-bakal ang kamay ni dad. But well, he loves kuya. Kaya nga si kuya ang napunta sa custody nya at hindi ako eh.

“S-sorry boss ha? Nalaman kasi ng daddy mo na naimbita ko si Brix dun sa foundation kaya ayun, nag-insist sya na i-meet ako.” pagpapaliwanag ni Gus.

“T-tapos nung nagdinner na, nakainom ako ng wine—“

“They let you drink?!” nagimbal ako.

Gus becomes daring kapag nalalasing. May balak bang masama si Kuya Brix kay Gus? At anong ginagawa ni dad?

“E-err, parang di ko kasi matanggihan yung daddy mo boss eh. Nakakatakot...kaya ayun, napainom ako.

“T-tapos ayun...di ko sinasadyang sabihin na magkaibigan tayo. Sorry talaga!”

“And then? Anong sinabi ni dad? May ginawa ba syang masama sa’yo?” nag-aalala kong tanong.

“W-wala naman. Pero nagalit ata kasi di pinaalam ni Brix na matagal na kayong may communication.”

“Anong nangyari kay kuya? Sinaktan ba nya si kuya?”

Fuck...pag may nangyaring masama sa kapatid ko, di ko talaga uurungan si dad!

“Hindi boss! Umalis na yung daddy mo pagkatapos eh tapos hinatid na rin ako ni Brix pauwi.”

“It’s ok, kuya’s gonna be fine. Mabuti na lang din at walang nangyari sa’yo.” lumuwag ang paghinga ko.

“P-pero kasi boss...um, teka—“

May hinalungkat si Gus sa kanyang bag. Iniabot nya sa akin ang isang magarang envelope.

Binuksan ko iyon at binasa. Isang invitation para sa staff party with the theme of masquerade.

“Teka, how did you get this?” demanda ko.

“Binigay ni Brix sa akin kahapon. Sumama kasi ako dun sa outdoor na venue para matignan ko na at pumunta din kami sa supplier ng bulaklak.”

“Outdoors? Muntanga organizer neto. Papano pag umulan? Tsk...”

“So boss, pupunta ka ba?” may pag-aalinlangan sa boses ni Gus.

“Nope. Ikaw?” ipingpatuloy ko ang pagkain ng lomi.

“Kailangan ako dun boss eh, kasi ako yung incharge sa bulaklak.”

Dun na ako nagdalawang-isip. I don’t want to see my dad, puro pintas lang maririnig ko sa kanya.

On the other hand, ayoko ring mag-isang pumunta si Gus doon. Baka lapain sya ni kuya, wala syang kalaban-laban.

But then again, my dad would not allow lowly peasants na makihalubilo kay kuya so magiging safe si Gus.

But! For sure may business partners ang dad ko at puro elitist ang pupunta. They’re going to criticize my Gus!

At kapag nangyari iyon, sino ang magtatanggol kay Gus?

“Tch, fine! I’ll just go with you!” inis kong sambit.

“Ha? Kala ko ba di ka pupunta? Bakit nagbago isip mo?” tanong ni Gus.

“Gus, alam kong ayaw mo sa matataong lugar. At alam kong ayaw mong makihalu-bilo sa mga stuck-up, rich people.

“Isa pa, I know you’ll feel lonely there kasi walang makikipag-usap sa’yo. So dahil mabait ako, sasamahan na lang kita para di ka malumbay.” pagkikibit-balikat ko.

Hindi ko alam kung dahil sa mainit na lomi, o epekto ng salabat kanina, o sa tigyawat nya, pero namumula ang mukha ni Gus.

“H-hoy, feelingero nito!” mabalasik nyang sigaw.

Er, sa tigyawat nga ata.

“Whatever. I understand your envy and jealousy having to bear witness to the beauty that is me.”

“Huy, magtigil ka! Kinikilabutan ako sa pananalita mo eh!”

Humalakhak ako nang makita ang goosebumps sa mga bisig ni Gus.

“Do not lament, oh unsightly ugly one!” dagdag ko.

“Boss, tama na please?” hinimas ni Gus ang mga braso nya.

“Tsk, what will you do without me, you little shit?”

“Ewan ko sa’yo!” tumayo sya at isinauli ang mangkok sa counter.

Tawa parin ako ng tawa hanggang makabalik na kami ng sasakyan. Mataas na ang araw pero malamig parin ang simoy ng hangin.

Ang sarap talagang tuksuin ni Gus, ang bilis nyang maasar!

“May suit ka na ba? What if pumunta na lang tayo sa mall and then buy—“

Naglilitanya pa ako nang bigla na lamang magring ang cellphone ko. Since nagdadrive ako, pina-speaker mode ko na lang.

“Hello, mom.” bungad ko.

“That’s rare for you to sound so chirpy. Nasaan ka ngayon?” tanong nya.

“Katatapos lang magsimbang-gabi. Why? Diba sa 24th pa naman yung flight mo?”

Napatingin ako kay Gus na sya namang nagkibit-balikat lang. Napa-early ba yung flight ni mommy?

“No, that’s not it. On the contrary, I won’t be able to come home.”

- - - - - - - - - -

Nagpagpag ako ng tuhod at pinagmasdan ang arrangement na inayos ko. Doon mismo iyon sa entrance ng party.

Ilang beses akong nagpabalik-balik doon, baka kasi hindi magustuhan ni Mr. Pineda at hindi nila ako bayaran. Lagot na.

Sa isang malawak na garden ng sikat na hotel idadaos ang party at solong-solo ng kumpanya ang areang iyon ngayong gabi.

Maaga pa lamang ay nagpunta na ako dito at sinimulan ang pag-aayos sa paligid. Isa-isa kong ginawa ang mga centrepiece per table na sinet-up ng décor team.

Masakit na nga ang balakang at likod ko, pero ininda ko iyon. Tinutulungan naman ako ng hired decorators at hotel staff eh.

“Gus!” napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses.

Malaki ang ngiti ni Brix habang naglalakad palapit sa akin. Gwapong-gwapo sya sa suot na tuxedo.

“Brix, halika dali. Ayos na ba ito? Baka may gusto kang ipabago? Sabihin mo lang, aayusin ko kaagad.” kinakabahan kong tanong.

“No, no! This is beyond my expectation. This is amazing; you are amazing!” nakangiti nyang tugon.

“E-ehh, nakakahiya naman. Salamat Brix.” nakayuko kong tugon.

“No, thank you, Gus. Everyone’s gonna love it, I’m sure. Hindi ako nagsisising ikaw yung pinagkatiwalaan ko.”

Napangiti ako. Kahit gaano man kadami ang mandiri sa akin, mayroon parin talagang nakaka-appreciate ng talent ko.

“Go ahead and get freshened up! Magsisidatingan na ang mga staff any minute from now. I’ll introduce you kapag nagtanong sila about the flowers.”

“Ah, tama nga pala. Kailangan ko ding magmukhang presentable.”

“But before you go, how do I look?” tanong nya at nagpose ng kaunti.

“Tinatanong pa ba yan? Syempre naman gwapo ka. Mauna na muna ako Brix! See you later.” paalam ko bago umalis.

Kaninang lunch time nga ay tinawagan ako ni Hunter para ipaalam na nasa kanya ang susuotin ko at may kinuha syang room sa hotel.

Dali-dali kong tinahak ang direksyon papuntang hotel, ngunit pagdating sa pinto ay ayaw akong papasukin ng gwardya.

Gusto pa sana nyang isagawa ang full-body check para masigurong hindi ako magnanakaw o terosista.

Mabuti na lamang at napadaan ang isang hotel staff na nag-assist sa akin kanina sa pag setup ng mga bulaklak kaya napapasok ako.

Kaagad ko namang tinahak ang elevator at mabilis na hinanap ang room number na sinabi ni Hunter.

“O bakit ngayon ka lang? Uugod-ugod ‘to...” bungad ni Hunter.

Tinapos nya ang pagtatali ng necktie at saka lumapit sa akin.

“E-eh, inaayos ko pa—“

“Blah blah blah, puro ka chit-chat. Maligo ka na dun! Ang asim mo na.” sita ni Hunter.

Nagulat ako sa tinuran nya. Akala ko kasi ay nagmumukmok sya sapagkat di makakauwi ang mommy nya.

Pero heto, may gana pang mang-asar sa akin. Mn, mas mabuti na ngang ganito kesa naman malungkot sya.

“A-ah, sige.”

Dali-dali akong nagshower. Muntik pa akong mapasigaw sa gulat dahil napakainit ng lumabas na tubig kanina.

Gusto ko pa sanang matry yung bathtub ng hotel kasi minsan lang mangyari ito, pero pinigil ko ang sarili at tinapos ang pagliligo.

Nagpunas ako ng katawan saka nagtapisng tuwalya at nagsuot nung bathrobe bago lumabas upang magbihis.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakatunganga sa labas si Hunter; tila nag-aabang talaga sa aking paglabas.

“Anong petsa na Gus. Magbihis ka na, bilis!” yamot nyang utos.

“T-teka, bakit nandito ka pa?”

“Para tulungan kang mag-ayos. May iba pa bang dahilan?” taas-kilay nyang tanong.

“Ha? Marunong akong magbihis no! Dun ka sa sala maghintay!” saway ko.

“Oh really? Do you know how to tie a tie?”

Natahimik ako at napatitig sa sahig. May point nga naman si Hunter, di ako marunong magtali ng necktie.

Teka, kelangan ba talagang nandito sya habang nagbibihis ako?

“Yeah, right. You don’t. Kaya gumalaw ka na, dali!” sita nya nang di ako umimik.

Pareho naman kaming lalaki, walang malisya kung sa harap nya ako magbibihis diba?

“My God, how slow can you be?” irita nyang pahayag.

Nagulat na lamang ako nang bigla nyang baklasin ang pagkakatali ng robe ko ay hinablot ang tuwalyang nakatapis sa balakang ko.

Hindi ako magkamayaw sa pagpulot ng tuwalya upang matakpan ang aking kahubdan.

“Hunter!” nag-aapoy pisngi kong bulyaw.

“What? It’s not like I haven’t seen it all. Bakit ka pa mahihiya, eh natikman ko na lahat yan?” nakangisi nyang tanong.

Mas lalong nagliyab ang pisngi ko nang mapagtanto na may point sya. Nakakahiya!

“Alam mo napakawalanghiya mo talagang demonyo ka!”

“Just move your ass, damn it!” at pinalo pa nya ang pwet ko.

Mangiyak-iyak ako sa sobrang inis habang nagbibihis. Hindi naman nya kelangan pang sabihin yun eh.

At lalong di nya ako kelangan panoorin habang nagbibihis!

“You done yet?”

“Opo, tapos na po.” inis kong sagot.

Hinarap ko si Hunter. Nakahalukipkip sya habang ang isang paa ay nagta-tap sa sahig. Para syang lalaking naghihintay na matapos mag-ayos ang asawa.

Teka, ako ba yung asawa?

Haaa???!! Ano itong pumapasok sa kokote ko?!

“God, finally! Come over here.” inilahad ni Hunter ang pulang tie.

Lumapit ako sa kanya at sinimulan nyang magkabit ng tie sa akin. Sa sobrang lapit namin ay nasamyo ko ang kanyang amoy.

Napakabango ni Hunter at pareho sila ng level ng kagwapuhan ng kuya nya. Nakakainggit talaga itong magkapatid.

“There, done! Next stop, this.”

May inilabas syang bilog na container. Iginiya nya ako papunta sa banyo at pinaharap sa may salamin.

“Boss, ano yan?” nguso ko sa container.

Baka kasi pagtripan na naman nya ako at maglagay ng kung ano sa buhok ko. Lalong magsisitakbuhan ang makakasalubong ko.

“Hair wax. Let’s tousle up your hair a bit.”

Kumuha sya ng cream saka ikinalat muna gamit ang kanyang palad bago nya idinampi sa aking buhok.

Napapikit ako dahil parang minamasahe ang ulo ko. Para akong aantukin sa sobrang swabe ng pags’style ni Hunter sa buhok ko.

“There, done!” sabi nya matapos.

Iminulat ko ang mga mata ko at tumambad sa akin ang aking repleksyon. Somehow, parang nag-iba ang aking anyo.

“Like it?” tanong nya nang magtapat ang tingin namin sa salamin.

Napatango na lang ako at hindi ko maitago ang sumibol na ngiti sa aking labi. Mas naging kaaya-aya kasi ang itsura ko.

“Eto yung mask mong susuotin mamaya. Stick by me para di ka mawala.”

Tumango ako at sinundan sya palabas ng hotel room. Dumating kami sa garden at doon nga ay napakaraming tao na.

Isa sa mga hindi ko inaasahang pangyayari ay nang magkagulo ang mga tao doon para makapagpa-picture sa arrangements ko.

Napakapit ako sa sleeve ng tuxedo ni Hunter. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita.

Nagustuhan nila ang gawa ko?

“Gus, they loved it. Lahat ng ginawa mo, nagustuhan nila.” bulong ni Hunter.

“T-talaga? H-hindi ka nagsisinungaling?”

“See for yourself...” nakangiti nyang tugon.

“Ah, there he is! The florist who did this amazing arrangements!” biglang tawag ni Brix.

Naglakad si Brix palapit sa amin at kasunod nya ang iilang mga ginang. Mukha silang mayayaman lahat.

Bakas ang pagkagimbal sa mukha nila nang makita ako, pero nang lumaon ay napalitan ito ng paghanga.

“Hijo, ikaw pala ang gumawa noon?”
“Truly amazing!”
“Give me your business card, I’ll visit your shop later...”
“Pwede ba kitang irecommend para sa wedding ng inaanak ko?”

Hindi ko mapigilan ang paghigpit ng kapit ko kay Hunter. Sa tanang buhay ko, ngayon lamang ako pinaulanan ng papuri.

Punong-puno ang puso ko ng hindi maipaliwanag na kaligayahan. Napakagat-labi ako para pigilin ang pag-agos ng luha.

Hinimas ni Hunter ang likod ko habang si Brix naman ay nakaakbay sa akin. Ang swerte ko at nakilala ko silang dalawa.

Ilang sandali kong pinaunlakan lahat ng mga katanungan ng mga ginang bago kami niyaya ni Brix na pumasok na.

Katulad noong nasa The Gardens kami, lahat ng atensyon ay natuon sa magkapatid habang kami ay naglalakad.

Ngunit hindi katulad noon, hindi na ako nahihiyang maglakad katabi nila. Hindi na ako naiintimidate sa mga tingin ng pandidiri.

Isang malaking boost sa confidence ko yung mayroong naka-appreciate ng aking talent.

“Hey, ayos ka lang? Naiilang ka ba?” nag-aalala ang tono ni Hunter.

Nasa kaliwa ko sya habang si Brix naman ay nasa kanan ko. Nasa likod ko parin ang kamay ni Hunter pero di na nakaakbay si Brix sakin.

“Mn, ayos lang ako Hunter. Ayos.” nakangiti kong tugon.

Nag-umpisa na ang party. Naiwan kami ni Hunter sa aming table dahil nag-entertain pa ng staff at bisita si Brix.

Isa sa part ng program ang pagpapakilala at pagbigay puri sa mga bigwigs ng kumpanya, at nangunguna nga doon ang daddy nila.

Napansin ko ang pagtiim-bagang ni Hunter nang makita nya ang daddy nya. Ano kaya ang nararamdaman nya ngayon?

“Boss, andito lang ako.” bulong ko sa kanya at pinisil ang braso nya.

Nagpasalamat si Hunter sa akin at binigyan nya ako ng ngiti.

Hindi ko man masuklian lahat ng nagawa nya para sa akin, sisiguraduhin ko naman na magiging sandalan nya ako kapag kinakailangan.

Dumating ang oras ng kain at dahil buffet style ay pumila kami. Marami ang napatingin sa akin pero wala na akong pakialam.

All throughout the party, nakikita ko si Brix na naglilibot-libot at sinisiguradong maayos ang lahat.

“Look who we have here. What was your name again?” nabigla ako sa boses na iyon.

“A-ah, good evening po sir. U-um, G-Gustavo po.” bigla akong napatayo.

“Ahh...yes, yes, Gus. Who is this stunning young man with you? It seems nag-invite ka ng ibang tao of your own accord…?” sinulyapan nya si Hunter.

“Dad, just shut up.” inis na tugon ni Hunter.

“Wha—dad? Hunter...?” nanlaki ang mata ni Mr. Pineda.

“Yeah, guess what? Your shitty son is here.”

“That potty mou—can you please give us some privacy?” binaling sa akin ni Mr. Pineda ang kanyang tingin.

“No, wherever I go, Gus goes. And I say he stays.” pagmamatigas ni Hunter.

“E-errmm, Hunter. Kailangan nyong mag-usap muna ng daddy mo, please? Sana maayos kung ano ang meron kayo.”

“What the fuck are you saying? Hindi Gus, dito ka lang sa ta—“

“Please? Maswerte ka kasi may daddy ka, nabigyan ka ng tsansang makausap ulit sya. Samantalang ako wala na si papa...”

Ayoko mang daanin sa pangongonsensya pero gusto kong magkaayos si Hunter at ang daddy nya. Kahit pa nga wala akong alam...

“Ok, sabi mo eh...*sigh*” sabi ni Hunter matapos ang mahabang pananahimik.

Nagbow ako kay Mr. Pineda at hindi ko inaasahang tatanguan nya din ako. Naglibot-libot na lang muna ako sa paligid.

Dahil nga ayaw ko sa matataong lugar, nagpasya na lamang akong pumunta sa isang sulok ng garden.

Naupo ako sa isang bench at ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin. Masarap pagmasdan ang mga taong nagsasayawan.

“Hey, dito lang pala kita makikita.”

Napatalon ako sa gulat nang may magsalita.

“Ah Brix! Ikaw pala, ginulat mo naman ako...” natatawa kong tugon.

“Are you enjoying the party? Nabusog ka ba?” umupo si Brix katabi ko.

“Mn, oo naman! Busog na busog nga ako eh, parang sasabog na yung tyan ko.”

“That’s good to hear! Teka, nasaan nga pala si Mav?” usisa nya.

“Ahh, about that...nagkita na sila ng daddy mo. Iniwan ko nga si Hunter dun kasi gusto kong mag-usap sila. Alam mo ba, ang swerte ninyo kasi may daddy pa kayo.

“Yung papa ko kasi, namatay na. Kaya sana kung may pagtatalo man kayo or may differences, ayusin ninyo. Kasi iisa lang yung tatay natin eh.” payo ko naman.

“Err, well...thanks for the advice, but—“

“Ah! Sorry, sorry! Nagvoice out na naman ako ng opinyon ko at hindi man lang inalam yung sitwasyon ninyo...”

“It’s ok, Gus. You’re such a good guy, and you’re a very positive person.” ngumiti si Brix sa akin.

“Maraming salamat, Brix.”

“Ah, I was actually looking for you para mapasalamatan ka. You did wonders to the place. Masaya lahat ng nakakita sa mga gawa mo.

“And also, thanks for being a great friend. You are one of a kind, Gus. Thank you...”

Walang anu-ano’y lumapit si Brix sa akin at hinalikan ang pisngi ko.

“Sir Brix! Siiirrrr! Nasaan kaaa??” sigaw ng isang boses sa malayo.

“Oops, that’s my cue to go.”

Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Brix. Kahit anong gawin ko, di ko maitago ang pagliyab ng aking pisngi.

“One more thing...please don’t tell Mav about this kiss. Sekreto nating dalawa ito. Have a great time.” bulong nya bago umalis.

Matagal akong nanatili sa lugar na iyon. Pakiramdam ko’y aatakihin ako sa puso sa sobrang bilis ng tibok nito.

Si Brix yun, kaibigan ko yun…pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

Hindi ko na alam pa kung papano ako nakabalik sa venue. Pumipintig-pintig ang kaliwang pisngi ko na hinalikan ni Brix.

Bakit nya gagawin yun? Normal lang ba sa mga foreigner ang humalik sa pisngi?

“Oy, ikaw! Tulungan mo nga kaming maglinis dito!” sita ng isang lalaki sa akin.

“A-ah, kuya. Di po ak—“

“Bilisan mo na jan at maraming kalat!”

Wala na rin akong nagawa kundi tumulong sa pagpupulot ng mga basura. Mabuti na rin ito para madivert ang atensyon ko.

Kung hindi kasi ay siguradong maaalala ko na naman ang nangyari sa amin ni Brix kanina at baka himatayin ako sa kaka-isip.

Maraming kalat doon malapit sa may nagsasayaw kaya ipinasya kong linisin ang mga iyon, baka kasi may madulas.

“Hoy, bakit ka naglilinis jan?” sita ni Hunter.

“Ah, ehh...boss, tumutulong lang. Ang kalat naman kasi.” rason ko na lamang.

“Don’t tell me, napagkamalan ka na naman? Fuck, sino ba manager ng hotel at kakausapin ko para maparusahan!”

“B-boss, ok lang naman ako eh. Wag mo na—“

“Aaahhh!” sigaw ng isang babae.

Nagulat na lang ako nang may malakas na bagay na tumama sa aking likuran. Na out-balance ako at natumba.

May lasing palang nagsasayawan. Natisod sila at nahagip nila ako habang naglilinis ako. Natigil ang musika at natuon sa amin ang atensyon ng lahat.

“A-ay, s-sorry!” paumanhin ng nakabangga sa akin.

“O-ow...” dahan-dahan akong bumangon.

Nasindak ako nang mapagtanto ang isang bagay: pati si Hunter ay nahagip kaya nakapatong ako sa kanya.

Nagkabanggaan kami ng ulo. Ngunit higit pa doon ang aking ipinangamba.

“Ay, anong nangyari?”
“May nagkabanggaan ata...”
“May lasing siguro...”

Lumakas ng lumakas ang ugong ng mga nakiki-usyoso. Napako naman ang mata ko sa dumudugong labi ni Hunter.

Hindi kaya...?

“Fuck, manghahalik ka lang, ngipin pa ginamit mo?” pagmumura ni Hunter.

Natahimik ang buong paligid; dinig na dinig ng lahat ang tinuran ni Hunter. Halos pumutok ang butsi ko sa sobrang inis.

Porke ba natumba sya sa harap ng maraming tao eh magmumura na lang sya?!

“H-Hindi kita hinalikan!” inis kong bulyaw.

“Halik?”
“Naghalikan daw? Eww!”
“Lalaki sa lalaki?”

“Tch, whatever. San ba yung medic dito? Puta ang sakit.” at umalis na lamang si Hunter.

Nang makaalis na si Hunter ay doon ko lang napagtanto na napapalibutan na pala ako ng mga tao.

Sa sobrang hiya ay umalis na lamang ako at naghanap ng sulok kung saan ako magtatago. Wala na yata akong mukhang ihaharap sa mga tao.

Well, not that I have one to begin with.

Napansin ko ang isang malaking puno na nakatapat sa seaside. Sinara na ang bay walk entrance kaya wala nang tao dun.

Ngunit laking gulat ko nang makitang nakaupo pala doon si Hunter. Akala ko ba naghanap ng medic ‘to?

Aalis na sana ako ngunit napansin nya ang presensya ko.

“San ka pupunta? Baliw...”

“Ikaw talaga, ang bastos talaga nyang bunganga mo!” inis kong tugon.

“Kung gusto mong umupo, umupo ka.” sita nya.

“Hmph, aawayin mo na naman ako eh.”

“Gus, please? Just want someone to talk to...” malungkot ang boses ni Hunter.

May kinalaman ba sa napag-usapan nila ng daddy nya ang pagka-iritable kanina ni Hunter? Dali-dali akong naupo katabi nya.

Nagkwento si Hunter. Hindi nya daw inaasahan na yayakapin sya ng daddy nya, kahit pa nga sa gitna ng maraming tao.

Hindi daw nya alam kung pakitang-tao lang ng daddy nya yun, pero ang init at ang sarap daw pala ng yakap ng isang ama.

Nag-offer ang daddy nya na lumipat sya dun sa bahay nila, pero nagdalawang-isip si Hunter. Siguro dahil na rin sa mommy nya.

“Teka nga, bakit parang nababagabag ka kanina nung naglilinis ka ha?” usisa nya bigla.

“Huh? W-wala ah!”

“Aha! You’re hiding something. Ang bilis mong magdeny eh.” pinisil ni Hunter ang ilong ko.

“May nangyari ba sa inyo ni kuya?”

Natigilan ako. Papano nalaman ni Hunter?

“You came in from the same direction pero ikaw ang sinundan ko. Tapos naabutan kitang naglilinis. So c’mon, anyare?”

“W-wala nga sabi eh. S-saka kung meron man, sa amin na yun!” depensa ko kaagad.

“Bakit parang ang defensive mo? So may nangyari nga talaga?”

“Wala nga sabi, ang kulit!”

“Heh? Maiba ako, iba din pala trip mo ano? Nanghahalik in public?” sabay halakhak.

“Hoy excuse me! Hindi ko yun sinadya at hindi kita hinalikan!”

“Oh really?” taas-kilay nyang tanong.

Nagkaroon na naman kami ni Hunter ng battle of the stares. Syempre, hindi ako magpapatalo!

Ngunit walang anu-ano’y bigla nya akong kinwelyuhan at saka hinila. Naglapat ang aming mga labi.

Sa sobrang gulat ay naitulak ko sya palayo. Isa na naman ba ‘to sa mga prank nya?

“Hunter, ano ba?! Nagbi—mmffhh!”

Hinila nya ako ulit at nagdikit na naman ang aming mga labi. Nagpumiglas ako, pero mas malakas si Hunter.

Badump...badump...badump!

Nasamyo ko ang amoy ni Hunter at nanghina ako. Ayun na naman ang mabagal ngunit malakas na pagtibok ng aking puso.

Nag-umpisang gumalaw ang labi ni Hunter at talaga namang nanghinga ako. Napakapit ako sa braso nya.

Ang lambot ng labi ni Hunter...ang bango ng hininga nya.

Napapikit ako ng mariin. Banayad ang kanyang paghalik ngunit paminsan-minsan ay kinakagat nya ang lower lip ko.

“Ngghhh...”

Hindi ko alam kung kanino nagmula ang mahinang ungol na iyon.

Wala akong marinig, wala akong makita...tanging si Hunter lang at ang kakaibang sensasyon na ito ang naiisip ko.

Hindi ko maintindihan an aking sarili. Unang beses kong mahalikan, ngunit bakit hindi ko sya maitulak?

Umakyat ang kamay ni Hunter at hinawakan nya ako sa batok. Iginiya nya ako palapit at mas nilaliman pa nya ang halik.

Nabigla ako nang ipasok ni Hunter ang kanyang dila sa aking bibig. Tinipon ko ang aking lakas at itinulak sya palayo.

“Haa!” hingal na hingal ako at malakas ang kabog ng aking puso.

“Sabi mo hindi kiss, o ayan...kiss na ba yan?”

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Hunter. Palagay ko’y nakalutang pa ang kaluluwa ko.

“B-bakit mo ginawa yun?”

“Parang kiss lang eh. Hay, bini-bigdeal naman agad. Pasok na ako ng kwarto, inaantok na ako eh. G’night...” at agad tumalikod si Hunter.

Napahawak ako sa aking labi, pakiramdam ko’y namamaga iyon. Sige parin ang malakas na kabog ng aking puso.

Ano itong nangyayari sa akin? Bakit pumayag akong halikan ni Hunter?

First kiss ko yun!

Ngunit bakit hindi ako nagagalit? Bakit parang nag-aapoy ang labi kong hinalikan nya? Bakit...?

- - - - - - - - -

Naglakad ako papasok sa hotel, all the while nakayuko.

Shit, I kissed him. I kissed him!

Wala akong ibang maisip kundi ang malambot nyang labi, kung papano nya ipinaubaya ang sarili sa akin.

And the coward that I am, bigla na lang akong umalis na parang walang nangyari.

Ano itong kirot na naramdaman ko nang itinulak nya ako palayo?

Bakit? Bakit di pa ako naglakas-loob na magtapat sa kanya? I’m mixing the order here.

Ipinangako ko sa sarili ko na magtatapat muna ako bago sya halikan, pero ano ang ginawa ko?

Ano kaya ang iniisip ni Gus? Baka kinamuhian na nya ako...?

Wag naman sana...

But dang, those lips!

Ang tamis ng labi ni Gus, I want more. Mabuti at napigilan ko ang sarili ko bago ko pa nalapa ang labi nya.

I want more...I need more...

Ang gulo-gulo na ng isipan ko, pero iisa lang ang sinasabi ng puso ko.

God, I love him… so fucking much that it hurts.

- - - - - - - - - -

P.S. sorry po kung minadali ko yung chapter. I’m tired; I want to stop. But I promised, so I shant break it :( [di na rin ako nag proofs]

BTW, I’ll be updating every 21 days. Pag sinipag, baka swertehin at makapag publish weekly *haha, paasa!* sa mga nagp-PM po sa akin, thank you sa messages ninyo.

Jon, thank you sobra. For staying up until the wee hours of the morning just to talk to me. Me is touched, pwede umiyak? Haha. But seriously tho...

Marku! Ikaw na ngayon ang paborito kong taga kwento. Maraming salamat sa pagshare ng nakakakilig mong kitchen diaries ;)

P.P.S. when your Half-Brit friend remembers the “Gustarbo”-part and not “Gustavo”. Who the fuck are you? Hunter? Hahaha! Thanks J~

>> Hoooyyy! Ano kaya ang mangyayari sa susunod na pagkikita ni Gus at Hunter? Eh ni Gus at ni Brix? Magiging awkward ba sila sa isa’t-isa?

Abangan ang kasagutan sa mga susunod na kabanata (*≧ω≦*)

No comments:

Post a Comment

Read More Like This