Pages

Sunday, February 4, 2018

Noon at Ngayon (Part 1)

By: BHBrother

Ako nga pala si Bryan, nakatira dito sa Pampanga, 22 taong gulang, 5’9 ang height, sakto lang ang katawan ko, yung bang nakahulma ang mga muscles pero may fats parin, dahil narin siguro malakas akong kumain pagkatapos magbasketball. Kung sa itsura naman, kung irerate ko sarili ko 1 as the lowest and 10 as the highest, siguro na sa mga 7.5 ako. Kagwapuhan pero hindi yung pang artista, HAHA.
Disyembre, magpapasko noon, at ako ay naglalakad – lakad sa tapat ng Robinsons Starmill dito sa Pampanga. Tinitignan ang kumukuti- kutitap na mga parol sa lansangan, at ang mga taong dumaraan na tila ba’y mga langgam na nagsisilabasan sa lungga upang makauwi na.
Alas nuebe na ng gabi at ako parin ay nakaupo sa harap ng isang coffee shop habang inaantay ang aking kaibigan.
Lumipas ang ilang minuto at nakita kona ang kanina ko pa inaantay, si Jude. Siya ay ang aking kaibigan magmula pa noong kami’y bata pa. Kung inyong tatanungin, si Jude ay isang varsity player sa isang kilalang unibersidad dito sa Pampanga. 5’11 ang height, maganda din ang hulma ng katawan gawi narin ng madalas na gym at basketball. Kung minsan din siya ay pinaglalaban sa mga patimpalak sa mga iskwelahan, mga pageant at sa pagkanta, dahil narin sa kanyang napakaamong itsura at mahalimuyak na boses.
Kitang- kita ko ang suot nyang red sweater na pinarisan ng white jeans at sandals, na sinamahan pa ng ngiting mas makulay pa sa mga parol at Christmas light na makikita sa paligid.
Habang siya’y papalapit sa aking gawi, akin naman siya’y sinalubong na isang ngiti na di mo mawari kung ako ba ay masaya o kinakabahan. Sandali lang, Kinakabahan? Bakit ako kinakabahan? Di ko rin alam.
“Uy! Babe! Kanina ka pa dyan? Sensya na ah, kakagaling lang sa gym eh! HAHA” bigkas ni Jude.
“Babe mo mukha mo! Pakyu ka! Kanina pa kita inaantay! Ikaw nalang nagpapatulong sa paggawa ng projects tapos, ikaw pa tong may ganang magpahintay, mahiya kanaman… nako nako!” sagot kong inis kay jude.
Sumagalpak naman sya sa tawa, umupo sa tabi ko at inakbayan ako.
“Sorry na, eh alam mo naman na kailangan kong ikeep ang hulma ng katawan ko diba? Bahala ka, pag tumaba ako baka dimonako magustuhan..” pangiinis ni Jude.
“Gago ka ba? Tama na nga yan, nangiinis ka nanaman eh, baka kung anong isipin ko pa nyan..” sagot ko
“Isipin na ano?” dali daling tanong ni Jude kasama ang nakakapangakit na ngiti.
“Na.. ano, na..” nauutal kong sagot
“ Na ano nga?” ulit nyang tanong
“Na… Nasisiraan kana talaga ng ulo! Sapakin kaya kita dyan? Isa pa at aalis nako dito, gumawa ka magisa mo ng project! Graduating na panaman tayo!”
 “Uy Bryan, to naman di na mabiro, (sabay pout at pagpapabebe lol)  oh ano na ba plano natin nyan?” bigkas nya na may ngiti

“Bili ka ng snacks natin dyan sa may ministop, para di tayo magutom, wala akong ipapalamon sayo! Tapos dala moba nyan mga gagamitin natin? Wala akong spare na mga gamit doon sa bahay” sagot ko
“Oo na boss, to naman, sobra naman kaingayan, para kang nanay ko,” ika nya na naiinis
“Kung ayaw mo edi wag! Tsk..” inis kong sagot
“Para kang nanay ko, kaya lab kita eh, HAHAHAHA” ika nya at dali daling tumayo sa kinauupuan dahil sa pagsapok ko sa kanya.
“Sira ulo! Bumili kana! Dalian mo!” sagot ko.
“Yes boss!” sagot nyang With matching salute.
Matapos ang ilang minuto at kami’y sumakay na sa huling pasada ng mga jeep papunta sa aming bahay. Kami ay nasa bandang harapan ng Jeep katabi ng driver, siya ang nasa may bandang bintana kaya’t amoy na amoy ko ang kanyang pabango na napakasarap langhapin. Habang kami’y nasa byahe diko namalayan na ako’y nakatulog na at nakadantay sa kanyang balikat.
“Huy, Bryan, gising na, nandito na tayo..” paggising sa akin ni Jude sabay tapik sa aking mukha
“Nakatulog pala ako.. diko namalayan..” sagot ko
“Sus, gusto molang nyan talaga akong tsansingan.. HAHA” pangaasar ulit nya
“Gago ka talaga..” ika ko sabay suntok sa tyan niya.
Bumaba nakami sa jeep at sumakay sa tricycle at dumiretso na sa bahay. Walang tao sa bahay, dahil yung parents ko pumunta ng Singapore at Thailand dahil mayroon silang business trip. Only Child lang ako, kaya sabi ng karamihan ay spoiled daw ako. Dikolang sure haha.
Pumasok kami sa kwarto ko at dali – daling inareglo ang mga dapat gamitin sa pagggawa ng project. Ang sira ulo konamang kasama ay diretso hubad ng jeans at sweater hanggang sa boxer nalang ang natira at sando na kulay puti. Kaagad naman itong humiga sa aking kama.
“Hoy! Anong ginagawa mo? Dika man lang mahiya sakin..” sabi ko habang tinitignan ang hulma ng kanyang katawan.
“Hoy Karin, ano pang kahihiyan ang maibibigay ko sayo eh halos nakita mona lahat parte ng katawan ko, pati kaluluwa ko ata nakita mona, HAHAHA” pangaasar nya.
Totoo naman, sabay kasi kami maligo nung kabataan. HAHA
“Gago, bata pa tayo noon no, kala mo naman pareho lang yung noon at ngayon!” sagot kong naaasar
“Bakit, gusto mo bang Makita yung ngayon?” sabay ngisi nya sa akin.
Sa isip – isip ko, kanina pa to ah! Nangaakit kaba? Putcha naman pare, wag mokong akitin, ayoko na umasa.
“Sige oh! Pakita mo oh! Kung malakas loob mo! Wala ka pala eh! Mahina ka! Hanggang salita kalang!” hamon ko sa knya
Kasabay ng pagsasalita ko, siya namang biglang tayo niya sa kama at talon papunta sa akin, akma nan yang huhubarin ang kanyang salawal, ngunit  tinakpan ko ang aking mga mata.
Ako ngayon ay nasa may dingding, at  ramdam ko ang kanyang paghinga sa aking mukha.
“Pagbibigyan sana kita, kaso.. pinikit mo yung mata mo.” Bigkas nya na may nakakapangakit na boses.
Ang isang kamay niya ay nakahawak sa kanyang salawal na para bang handa itong ibaba. Habang ang isa naman nyang kamay ay naka hawak sa dingding.
Inalis ko ang pagkatakip ng aking mata at kitang – kita ko ang kanyang mukha at labi na para bang inaanyanyahan akong halikan siya.
“Bukas na mata ko…… so? Ano na?” sagot ko.
Ngumisi lamang siya, at binigyan akong nakakalokong ngiti.
Ipinuwesto niya ngayon ang kanyang dalawang kamay sa may dingding habang ako ay pumalagitna.
Ilang saglit pa lamang, ay akma nanya ilalapit ang kanyang mukha sa akin, kasabay nito ay ang pagpikit muli ng aking mga mata…
Ilang saglit pa ay, wala akong nararamdaman na dumikit sa aking mukha, o katawan. Binuksan ko ulit ang aking mga mata at binigyan niya ako ng isang malakas na tawa.
Namula ako noon, dahil akala ko seryoso sya, pero nagbibiro nanaman pala siya, kaya naman naitulak kosyang malakas at nasipa ko sya.
“Dikana nakakatawa!” sagot kong galit sa kanya.
“Oy jude! Sandai lang! sorry na tlga ..”
Nagwalk out ako at dali daling lumabas ng kwarto at dumiretso sa may garden. Ilang saglit lamang ay nakasunod na sa akin si Jude at umupo sa may bandang likod ng left side ko.
“Uy, Bryan, sorry na.. diko naman alam na magagalit ka dun eh..” bigkas nya na very apologetic.
Wala akong kibo, ang tanging ginagawa ko lamang ay tumingin sa kalangitan at pinagmamasdan ang mga bituin at buwan.
“Uy, bry? Sorry na talaga, kung gusto mo tuloy nalang natin para dika na magalit…” dugtong niya.
Humarap ako sa kanya at binigyan syang masamang tingin.
“Ano bang problema mo? Anong trip mo? Bat lagi mokong pinagtitripan ha? Kapag kasama kita lagging joke ang lahat, hindi kona alam kung anong totoo Jude!” ika ko.
“Sorry.” Tipid nyang sagot.
“Sorry? Yan lang? yan lang sasabihin mo Jude? Wow ah, anong mapapala ko sa sorry mo nayan? 11 na ng hating gabi at ganyan parin ginagawa mo, naguguuluhan ako sayo Jude! Gulong – gulo ako sayo! Kaya kung pwede no? tama na!” sagot ko saknya na may galit na boses at inis na mga mata.
Wala siyang inimik, nakita ko ang nangingilit na luha sa knyang mga mata, na alam kong pinipigilan nya sa pagtulo. Kasabay ng mga salitang binitawan ko ay ang kanyang pagpisil sa knyang mga kamay, na para bang may gusting sabihin ngunit hindi mailabas.
“Alam mo Jude? Kung hindi rin naman kita makakausap ng matino, matulog nalang tayo! O kaya umalis ka nalang dito kung gusto mo!” dagdag kong mga mabibigat na salita.
Dali – daling tumayo si Jude sa kanyang kinauupuan, at lumabas sa bahay. Hinabol ko si Jude ngunit ayaw nyang makinig sa akin.
“Jude?! Saan ka pupunta? Uy!” malakas kong sabi habang hinahabol sya.
    Nang malapit kona syang mahabol ay bigla syang tumigil, at biglang humarap sa akin.
“Aalis nalang ako Bryan, tutal, inis lamang nabibigay ko sayo, salamat pala sa lahat, sana mapatawad morin ako sa lahat, siguro nga tama na, tama na ang lahat, tama na ang pagpapanggap, aalis nako Bryan, salamat.” Sagot nya.
    “Anong pinagsasabi mo Jude? Pasensya na kung nagalit ako, nabigla lang talaga ako, tara na, balik na tayo sa bahay.” Ika ko sabay hawak sa kanyang kamay at akmang hihilahin papunta sa bahay, pero bigla nya itong tinanggal.
    “Bryan ayoko na! ayoko narin bry! Masaya ako kapag kasama kita, ang kaso nasasaktan din ako dahil haggang dito nalang talaga, at dumadagdag ang sakit sa puso ko tuwing nagagalit ka saakin, siguro nga wala na akong magawang tama, siguro nga dapat di nalang ako nabuhay. Naguguluhan na din ako kung ano ba dapat kong gawi….” Sambit niya na may kasamang luhang dumadagos mula sa kanyang mga mata.
    Pinutol ko lahat nang iyon gamit ang isang halik, oo, isang halik, sa pagkakataong ito, sabay naming ipinikit ang aming mata, at ninamnam ang bawat saglit ng aming halik, isang halik na magtatapos ng lahat ng aming mga katanungan.
    “Tara na, Jude, uwi na tayo sa bahay,” sambit ko na may kasamang ngiti, kinuha ko ang kanyang kanang kamay at hinawakan ito ng mahigpit.
    Tinahak naming ang papunta sa aming bahay na magkahawak ang aming kamay. Sa paglakad naming iyon, wala kaming kibuan sa isa’t isa dahil sa hindi maipaliwanag na aura, dahil sa awkwardness at bilis ng mga pangyayari.
    Pagkadating sa bahay, dumiretso kami sa kusina, pinaupo ko siya sa may kitchen table habang ako nama’y naglabas ng walong beer mula sa refrigerator, naglabas ako ng maasim na mangga, bagoong at natirang posit kaninang tanghalian.
    “Ahhmm.. umi.. in ..om kana pala bry…?” utal utal na tanong sa akin ni Jude.
    Ngumisi lamang ako, at nagsalita
    “Di masyado, hanggang isang bote lang ako, kaso gusto ko ngayon, magpakalasing tayo, pagsaluhan natin tong walong bote ng beer, ok lang ba?” tanong ko sa kanya.
    “Paano yung mga project natin?” tanong nya.
    “Ahhh, yun ba, bukas nalang yun, tutal linggo naman bukas, di nalang ako magsisimba.” Sagot ko.
    “O sige ba,” sagot nya.
    Itinagay nanamin ang unang bote, hanggang sa makadalawa, tatlo, apat at kami’y malasing. Kasabay nito ay pinagsaluhan din naming ang mga karanasan at mga lihim naming mula sa nakaraan. Nalaman ko na mayroon na din siyang pagtingin sa akin mula pa noon, nalaman kodin kung sino sino ang mga nakarelasyon niya, puro mga babae lang naman. Ngunit sa kabila nito, ramdam ko parin ang kanyang pagkabalisa, at mangilan – ngilan na pagkalungkot.
    “May problema parin ba Jude?” tanong ko saknya, habang ako ay nakadantay sa knyang balikat at magkahawak ang aming kamay.
    “Wala naman, may iniisip lang ako.” Sagot niya.
    “Ano naman?” dagdag ko.
    “Wala, about lang sa project natin.” Sagot niya sabay lagok sa natitirang alak sa mesa.
    Dumating ang medaling araw at kami’y lasing na lasing na, napagdesisyonan nanaming pumunta sa aking kwarto upang matulog. Kami’y humiga, at kami’y natulog na siya’y nakayakap sa akin habang ako ay nakatalikod sa kanya.
    Habang ako’y natutulog, bigla akong nagising dahil sa kanyang paggalaw at biglang pagsalita.
    “Noon at Ngayon, mahal parin kita Bryan, pero katulad parin noon, kailangan na din itong tapusin ngayon, ayoko ng saktan kappa, sana, maintindihan mo ang magiging desisyon ko sa pagdating ng panahon.”
    Hindi ko maintindihan ang mga sinabi nya, dahil naguguluhan ako, hindi ako nagsalita bagkus ako ay nagpanggap lamang na tulog.
    Bigla niyang inalis ang pagkakayakap sa akin at pumunta sa kabilang parte ng kama. Dahan- dahan naman akong humarap sa kanya, at sumilip kung anong ginagawa niya.
    Hawak niya ang kanyang cellphone at may tinitignan siyang isang letrato. Isang letrato ng X-ray scan ng isang buntis, isang bata. Isang batang hindi pa nasisilang.
    “Hi, baby, ako to…. Si papa..” sambit niya na may ngiti at luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata.
    Hindi ko alam ang iisipin ko, wala akong maramdaman, naiiyak lang ako. Mabilis akong tumalikod sa kanya, at umiyak ng pasikreto habang hindi alam kung anong gagawin.
    Kinaumagahan, pagkagising ko ay wala na si Jude, di kosya Makita, hinluhog ko ang buong bahay pero wala na sya, naiiyak nalang ako sa nangyayari. Tumungo ako sa may kusina, at mayroon akong nakitang sulat.
    Binuksan ko ang sulat at……..

Itutuloy……

No comments:

Post a Comment

Read More Like This