Pages

Wednesday, June 3, 2020

Brad Mahal Kita, Matagal Na (Part 8)

 By: GuessWho

Luke's POV

Bata palang ako, sobrang baba na ang tingin ko sa sarili.

Namatay kasi si Mommy dahil sa panganganak sa akin. Dalawa lang kaming magkapatid ni Kuya at anim na taon ang agwat niya sa akin.

Dahil sa hindi matanggap ni Kuya ang pagkamatay ni Mommy, sa akin niya ibinaling ang galit at sisi. Hanggang kinalakihan ko na yon.

Malaki din ang epekto ng pagkawala ni Mommy kay Daddy, dahil mula raw nang mamatay ito. Napapadalas na rin ang kanyang pag inom. Nagkaisip na nga lng ako pero parang hangin lang ang turing niya sa akin.

Masama ang loob ko kay Kuya Jared. Dahil sa kanya ay lumaki ako ng puno ng takot, mahina. Araw-araw niyang ipinamumukha sakin na kasalanan ko kung bakit namatay si Mommy. Itinanim niya sa  isip ko na wala akong kwenta at sana hindi nalang ako nabuhay.

Music lang ang tanging sandalan ko sa tuwing nalulungkot ako.

Binubully rin ako sa school mula kinder hanggang tumuntong ako ng first year highschool. Kulang kasi ako sa self-esteem at hindi ako marunong mag-ayos ng sarili.

Payat.

Lampa.

Weirdo.

Noong una siyempre umiiyak nalang ako sa gilid dahil wala namang ibang nagtatanggol sa akin, kundi sarili ko lang.

Siyempre hindi ko maaasahan si Kuya. Si Daddy naman parang hangin lang ako kung ituring. Si Lola naman, mas paborito niya si kuya.

Pero nakasanayan ko na rin.

Hanggang sa tumuntong ako sa highschool, na siya namang naging dahilan at simula kung bakit nagbago na ang buhay ko.

"WAG KANG PAKALAT-KALAT DITO, HINDI KA NABABAGAY DITO!!"

Sigaw nung isang leader ng mga kabataang nambubugbog sa akin. Patuloy sila sa pagsipa, dura at suntok sa payat kong katawan. Ginawa kong pangtakip sa mukha ang schoolbag na dala ko.

Schoolbag na may design na superman.

Nakakatawa lang, superman ang design pero wala naman akong magawa para ipagtanggol ang sarili ko.

Eh di iyak nalang ako.

Mayamaya'y naramdaman ko nalang na tumigil na ang pananakit nila sa akin.

Nagulat nalang ako nang makita kong nakabulgata na ang leader ng mga bullies. Habang yung iba ay nagsitakbuhan.

Isang binatilyo na tantiya ko ay kaedaran ko lang din. Pero mukhang matibay ito at sanay sa suntukan. Siya ang tumulong sa akin.

Dahan dahan akong umupo mula sa pagkakahiga at nagtinginan kami.

"Tumayo ka diyan! Wag ka kasing lalampa-lampa!" Galit niyang sabi saka mabilis na umalis.

Hindi ko man lang nakuhang magpasalamat.

Sa mahabang panahon noon lang ako nakaramdam na may nagtanggol sa akin.

Mula noon ay palihim ko siyang sinusundan. Humanga kasi ako sa katapangan niya. Kahit na magaspang ang ugali niya. Alam ko at ramdam kong mabait siya.

Di rin nagtagal ay nalaman ko ang pangalan niya.

Siya si Zion.

Naging malaking impact sa buhay ko ang pagtulong niya sa akin. Naging inspirasyon at motivation ko siya para baguhin ang sarili.

Balang araw ay magiging kasing tapang niya rin ako. Yan ang pinangako ko sa sarili ko.

Nagawa ko pa ngang halos araw araw siyang sundan, hanggang sa matunton ko ang bahay nila. Hindi naman ito kalayuan sa bahay namin sa Bulacan.

Naisip kong bigyan siya ng regalo bilang pasasalamat. Lagi ko itong dala sa bag para kung sakaling makahanap ng tyempo at makaipon ng lakas ng loob ay maibibigay ko sa kanya ng personal.

Kaso hindi ako makakuha ng lakas ng loob. Kaya naisipan kong sa bahay nalang nila iiwan.

Limang beses din akong nag attempt na iiwan ang regalo sa tapat ng gate nila.

Naisipan kong ibigay ang pinaka paborito kong collection na figure ni Superman.

Para sa akin kasi, para siyang si Superman.

"Kuya guard, pwede po bang pakiabot kay Zion. Pakisabi po thank you gift. Salamat po."

"Anong pangalan mo bata? Para masabi ko kay Zion." Tanong nung guard.

"Wag niyo na pong sabihin, basta sabihin niyo nalang na thank you gift po."

Saka mabilis akong tumakbo. Ayokong malaman ni Zion na sa akin galing ang regalo na yun, baka hindi niya tanggapin. Kahit sa ganoong paraan man lang mapasalamatan ko siya sa pagtulong niya sa akin.

Mula noon, nagsumikap akong ayusin ang sarili ko. Ginugol ang oras sa gym, tamang diet, martial arts and sports.

Mahirap oo, pero kailangan. Para sa sarili ko.

Hanggang sa nagtagumpay akong buuhin ang sarili ko.

Nagkaroon na rin ako ng maraming kaibigan.

Ngunit kahit na ganun, hindi parin ako tumigil na maging updated kay Zion. Ang pinaka goal ko talaga ay maging kaibigan siya at mapasalamatan in person.

Mag fo-fourth year na ako nun at nakaipon na sana ako ng lakas ng loob para makipagkaibigan sa kanya.

Kaso namatay ang Daddy dahil sa liver cancer, lumipat na ako ng Zambales sa bahay ni Lola. Siya ang ina ng Daddy ko.

Si Kuya ay naiwan sa bahay sa Bulacan na kasama ni Lola na ina naman ni Mommy.

Nagkaroon kasi ulit kami ng malaking away dahil pati ang pagkamatay ni Daddy sa akin niya isinisi. Kaya mas mabuti nang maghiwalay kami ng tirahan. Kesa araw-araw niyang ipaalala sa akin na kasalanan ko ang lahat.

Nalungkot ako dahil hindi ko na makikita si Zion. Sa Zambales na rin kasi ako mag-aaral ng fourth year.

Nang makagraduate ng highschool ay gusto ni lola na sa City na ako mag-aral. Pumayag naman ako dahil mas advance at mas maganda ang pagtuturo sa City.

Nag-enroll ako sa isang sikat na university.

Tila napakabait naman sa akin ng tadhana. Nakasabay ko siya sa pag-enroll sa araw na yon.

Si Zion.

Sobrang akong natuwa nun. Isa yun sa pinakamasayang araw ng buhay ko.

Noong una gusto ko talaga ng Architecture. Pero nung malaman kong Business course ang kinuha ni Zion ay yun na rin ang kinuha ko.

Weird no? Wala eh gusto ko talagang mapalapit sa kanya.

Pero syempre hindi pa rin ako nagpakilala sa kanya. Para lang akong timang na stalk ng stalk sa kanya.

Minsan nga natatawa akong isipin na kapag nahuli kaya ako nitong ini-stalk ko siya, malamang gugulong ang ulo ko sa kalsada.

Naisip ko na baka sinadya talaga ng tadhana na maging magkaibigan talaga kami.

Hanggang sa yon! Naging magkaklase kami. At di lang yan, magkasundong-magkasundo pa kami.

Pero napagdesisyunan ko nalang rin na wag ko nang sabihin ang nakaraan. Baka kung ano pang isipin niya sakin. Itakwil pa ako ng mokong.

Bonding, inuman, basag-ulo, at kung anu-ano pang trip kasama ang binuo niyang Trapang M or Trapang Malilibog.

Ansaya ko ng mga panahon na yon.

Kaso..

Ang inaakala kong paghanga lang...

Ay pagmamahal na pala.

Mahabang kwento. Maraming dahilan kung bakit mas minahal ko siya.

Sa araw-araw kasi na magkasama kami, hindi ko na namamalayang tuluyan nang nahulog ang loob ko sa kanya.

Araw-araw mas lalo ko siyang minamahal.

Sasabihin ko na sana sa kanya ang totoo. Nang biglang...

"Zion pare tingnan mo yung dalawang bakla na yun. Anlagkit ng tingin sayo oh." Sabi ni JC.

Nasa canteen kaming magtotropa nun, kumain.

"Hayaan mo sila! Wag lang lalapit sa akin mga yan at landiin ako. Dudurugin ko talaga ang bungo nila.!" Tugon ni Zion.

Parang gumuho ang mundo ko. Walang pag-asa ang nararamdaman ko sa kanya.

Mahirap para sa akin na itago ito. Pero no choice kailangan kong itago at umastang normal sa harapan niya.

Walang choice..

Patuloy lang ang buhay..

Hanggang sa nakasanayan ko nang itago ang nararamdamam.

Pinagtatangol ko siya verbally at kahit physically kapag may humahamak sa pagkatao niya behind his back.

Naging taga alalay niya kapag lasing. Naging partner in crimes sa tuwing may kalokohan siyang ginagawa.

Hanggang sa nagdesisyon akong manligaw ng babae. Baka sakali lang na mawala ang nararamdaman ko sa kanya. Alam ko naman kasing wala akong pag-asa sa kanya.

Ayoko rin kasing i-risk ang pagkakaibigan namin. Hindi ko na kasi kayang lumayo sa kanya.

Niligawan ko si Ayah. Crush ko naman talaga si Ayah. Hindi naman porket may pagtingin ako kay Zion ay hindi ko na makuhang magkagusto sa babae. Lalake parin naman ako.

Nagpatulong ako kay Zion kung paano ko mapapasagot si Ayah.

Hanggang one day, asang-asa na akong sasagutin na ako ni Ayah.

Kaso..

"Luke sorry, hindi kita gusto. Si Zion ang gusto ko. At may nangyari na sa amin."

Fuck!

Pucha mga brad! Ansakit nun. Grabe yung sakit na naramdaman ko nun. Natraydor ako. Ang masakit pa si Zion ang gumawa nun. Siya yung pinagkatiwalaan ko. Siya yung kailanman hindi ko naisip na magagawa sa akin yun.

Sinuntok ko siya. Kulang pa yon kumapara sa sakit na naramdaman ko nun.

Pinilit ko ang sarili na umiwas sa kanya. Kaya lang one time nakita ko siyang duguan at hirap na hirap.

Eto naman si tanga, naawa naman agad.

Mas nanaig parin kasi yung pagmamahal ko sa kanya eh.

Kaya nagawa ko pa rin siyang alagaan.

Ewan ko nga, hindi ko maintindihan. Kahit na sobrang sakit nung ginawa niya sakin, hindi ko pa rin magawang magalit sa kanya nang tuluyan.

Tibay ko mga brad no? Loving him secretly lang no?

Eh wala akong magawa. Tinamaan ng lintik.

One time narinig kong nagkukwentuhan itong grupo nila Robin. Nagtatawanan pa nga dahil nabugbog daw nila itong si Zion. Nagpanting ang tainga ko nun. Pero hinayaan ko muna.

Lumipas ilang araw.

[Sorry brad! Ayokong iwan mo ko ='( --Zi]

Yan yung nabasa ko sa bench na tambayan namin.

Alam kong sulat kamay yun ni Zion.

Natuwa ako.

Syempre, inlab ako sa kanya eh. Handa ko na siyang patawarin.

Grabe nga mga tsong, ganun lang ako kadaling pasayahin ni Zion. Sa ganung kaliit lang na bagay, nakalimutan ko na agad ang galit ko sa kanya.

[Hinding-hindi mangyayari yun -- L]

Korny no haha. Pero yan yung sinulat ko.

Yung araw din na yun, nagkausap kami sa pwesto ding yun. Bigla kasi siyang dumating.

Humingi ng tawad.

Napansin kong may sugat na naman siya sa ulo.

Agad na pumasok sa isip ko si Robin at yung kwentuhan nila ng mga tropa niya. Malamang si Robin na naman may gawa nun. Kahit tanungin ko si Zion hindi naman siya magsasabi ng kung sino may gawa nun.

Alam ko namang kayang kaya ni Zion ang mga yun.

Pero nung makita ko ang panibagong sugat niya sa ulo, nagpanting ang tenga ko. Uminit ang dugo ko. Kaya nung time din na yun, nagpaalam ako kay Zion na mauuna na ako.

Ipaghihiganti ko siya kay Robin.

Tyempo namang nakita ko si Robin mag isa. Mabilis ko itong inupakan at napatumba. Gusto ko ngang durugin ang mukha eh.

Ang kaso nyan, biglang dumating ang mga tropa niya. Kahit napuruhan ko ang iba sa kanila, hindi parin ako nagwagi at tuluyang nabugbog.

Itinago ko kay Zion yun. Ayokong malaman niyang sumugod akong mag isa para ipaghiganti siya.

Kaso nalaman niyang nabugbog ako ng grupo ni Robin. Yun lng ang alam niya, hindi niya alam na ako ang nagsimula. Hanggang sa nabalitaan kong sinugod niya mag-isa sila Robin.

Dumating siya sa kwarto ko. Duguan, nag-aalala sa akin.

Hinalikan niya ako.

"---"

Dahil dun, umasa ako. Na baka magkatulad kami ng nararamdaman sa isa't isa.

Pucha mga tol, ikaw ba naman halikan ng mahal mo nang walang dahilan. Ano ba iisipin mo? Siyempre aasa ka.

After nun, nasundan pa. Pero that time pareho kaming lasing.

At ang pagkakaiba. Binastos niya ako.

Tinawag pa akong bakla mga tol.

Well, siguro nga bakla ako dahil minahal ko siya.

Kaso masakit eh, umasa na kasi ako.

Muntik na akong maniwala na may feelings siya sakin.

Sakit no?

Mali ako ng hinala.

Isang Zion ba naman, malabong-malabo na mangayareng magkagusto siya sa isang tulad ko. Sa isang bakla.

Mula nun, hinding-hindi na ako umasa na magugustuhan niya rin ako.

Madalas man akong maguluhan sa mga ipinapakita niya, pilit ko nalang itong nilalabanan.

Natatawa nalang ako minsan kasi hindi ko mapigilang kiligin sa tuwing bumabanat siya sakin.

Taena rin kasi nitong si Zion eh, di ko malaman kung anong trip sa buhay. Mamaya niyan pinagtitripan lang pala ako. Tapos kapag kumagat ako at umamin sa kanya, baka game over na.

Kaya kelangan kong mag-ingat. Kailangan kong magpigil at sakyan lahat ng trip niya.

Gagawin ko ang lahat, huwag lang masira ang pagkakaibigan namin. Kahit pa ilang beses niya akong saktan.

Yun nalang kasi ang tanging paraan, huwag lang akong mapalayo sa kanya.

Kahit na bilang kaibigan lang.

------------------------------------------------------------

"Umalis ka sa kwarto ko." Malamig kong sabi.

"Pwede bang mag-usap tayo?"

"I have nothing to deal with you!" Pagmamatigas ko.

"Luke, please naman oh." Pagmamakaawa niya.

"Ayokong makita ang pagmumukha mong gago ka!" Tugon ko.

Nagsisimula nang kumulo ang dugo ko.

"I promise, I'll make it up to you. Nagsisisi na ako, sana maniwala ka Luke."

"PUTANG-INA!! Sabi kong umalis ka na eh!" Sigaw ko.

"I'm not leaving, hangga't hindi natin naaayos to." Pagsusumamo niya.

Hindi ako umimik.

Nagpatuloy siya.

"I know, it's all my fault. I'm sorry." Seryoso niyang sabi.

Naramdaman kong namumuo ang luha sa mga mata ko.

Bumalik kasi lahat ng nakaraan. Yung hirap at sakit. Bumalik lahat.

"Sorry? Do you think ganun na lang kadali? Do you really think na sa isang sorry na yan, makakalimutan ko ang lahat ng sakit na pinadanas mo saking gago ka?!"

Nagsisimula nang manginig ang kalamnan ko sa galit.

Hindi siya umimik.

"Hindi lang naman ikaw ang nawalan." Patuloy ko.

Nagsimula nang gumaralgal ang boses ko. Pinipigalan kong tumulo ang luha ko.

"Hindi mo alam yung hirap at sakit na pinagdaanan ko.. Sa lahat ng sakit at hirap na yon.. Walang kahit isang tao akong malapitan.. wala akong makapitan.. walang gustong magtanggol, kundi sarili ko lang. Hindi ko naman kasalanan kung bakit namatay si Mommy." Tuluyan nang tumulo ang luha ko.

"Hindi mo nga siguro alam na araw-araw akong binubully. Dahil kahit kailan, hindi mo ako tinuring na kapatid. Para sayo wala akong kwenta."

"Si Daddy, si Lola, lahat kayo hindi niyo alam pinagdadaanan ko."

Humagulgol na ako.

"Alam mo bang.. pinangarap ko noon..kahit isang beses lang.. isang beses lang na maramdaman ko pagmamahal mo.. isang beses lang kuya... isang beses lang."

Limapit siya sakin at niyakap ako.

Pilit kong kumawala pero mas hinigpitan niya ito. Mas malaki rin siya sakin kaya hindi ako nagtagumpay sa pagkakalas.

"Patawarin mo na ako Luke. Alam ko naman kasalanan ko ang lahat. Madami akong pagkukulang sayo. Pinagsisihan ko na ang lahat ng yun. Hayaan mo naman akong bumawi sayo. Please bumalik ka na." Umiiyak na rin siya.

Nasa ganoong posisyon kami ng biglang dumating si Zion.

"BRAD!!!" Gulat kong sabi sa kanya.

Pero umalis din at isinara ang pinto. Maaaring naisip niya na kailangan namin ng privacy.

Katahimikan.

"I'm really sorry. Nabulag lang ako nun ng galit ko sayo. Pero hindi mo naman talaga kasalanan yun. Hindi ko lang talaga matanggap pagkamatay ni Mommy. pero maniwala ka, importante ka sa akin Luke, hindi ko nga lang maipakita sayo yon. I promise, babawi ako sayo. I hope mapatawad mo ako." pagpapatuloy ni Jared.

Hindi na ako umimik.

"I'll give you time to think."

Saka siya lumabas.

Ang totoo niyan, ilang beses na siyang nag attempt na kausapin ako. Hindi ko lang siya pinagbigyan.

Matapos nang pag-uusap na yon, naisip ko baka oras na para magkapatawaran kami.

Kailangan kong makausap si Zion. Kailangan ko nang makakausap at mapaglabasan ng sama ng loob. Baka sakaling matulungan niya ako kapag nasabi ko ang sitwasyon ko.

Ayoko na rin kasing mamuhay ng puro sakit na lang ang nararamdman ko. Ayokong lamunin nito ang pagkatao ko.

A/N

Guys, sorry kung hindi ko kaagad narereplyan ang comments niyo. Malubha po ang kalagayan ng internet dito sa area ko (wow malubha). Sa tuwing magrereply ako nag e-error.

Sana nag e-enjoy parin kayo sa story na ito.

Thank you and God Bless Us All
Stay Safe guys.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This