Pages

Saturday, June 13, 2020

Brad Mahal Kita, Matagal Na (Part 9)

 By: GuessWho

Minsan kailangan nating mamili sa buhay.
Kung kailangan pa ba nating ipaglaban o mas kailangan na nating magpaalam?
Alin man sa dalawa, dapat nakahanda tayong tanggapin ang anumang magiging dulot nito.

*****

Chaer 9: Crying in the Rain


"Brad! Nakita mo ba si Zion?" Tanong ko kay Rey sa kabilang linya.

12 midnight na.

Ilang oras na kasi akong pabalik-balik sa kwarto niya pero wala siya run. Ilang beses ko rin tinawagan ang phone niya pero nakapatay ito.

Gusto ko lang talaga kasi siyang makausap about sa nangyari sa amin ni kuya. Kahit na hindi siya yung tipo ng tao na kayang magbigay ng matinong advice, at least may makausap lang ako para kahit papaano ay mabawasbawasan ang nasa loob ko. Pero malay natin makakuha ako sa kanya ng opinyon. At sa mga oras na ito, gusto ko lang ding nasa tabi ko siya.

I badly need him right now.

Pero hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin siya nagpaparamdam.

Okay lang kaya siya?

"Kasama ko siya ngayon brad. Dalawa lang kami. Hindi ko nga maawat kakainom. Hindi ko rin magawang sabayang uminom dahil mukhang alanganin kaming makauwi kung pareho kaming lasing. Iniwan ko muna siya sa loob para sagutin ang tawag mo, maingay kasi doon" Mahabang sagot niya.

"Bakit? Nasan ba kayo?" Alala kong tanong.

May problema ba si Zion?

Pwede naman ako ang ayain niya, dahil mas close kaming dalawa. Pwede niyang sabihin sakin kung may problema siya, kagaya ng dati naming ginagawa.

Bakit hindi ako ang inaya niya?

"Magtapat ka nga sakin Brad. May problema ba kayo ni Zi?"

"Wa.. wala pare.. bakit mo naman nasabi yan? Teka nasan ba kayo? Pupuntahan ko kayo.."

Nasa restobar daw sila na hindi naman ganun kalayo sa dorm na tinutuluyan namin.

Ano kaya problema ni Zion?

Wala pang sampung minuto ay narating ko na tinutukoy ni Rey. Madalas din kaming uminom sa lugar na ito.

Mediyo hindi maganda ang panahon. Umaambon kasi.

Nakita ko si Rey sa labas ng restobar. Sinalubong niya naman ako.

"Brad, ikaw na munang bahala sa tukmol na yon. Kailangan ko nang umalis. Maaga pa lakad ko bukas." Ani ni Rey.

Amoy alak rin siya pero mukhang hindi naman siya lasing.

"Sige pare, nasa loob ba siya?"

Tumango lang si Rey.

Papasok na sana ako nang bigla niya akong tawagin.

"Brad."

Lumingon naman ako.

"Kahit na ganito ugali ko, kilala ko kayong dalawa ni Zion."

Kumunot lang ang noo ko.

"Kahit hindi niyo man sabihin, nararamdaman kong may something sa inyong dalawa."

Mas kumunot ang noo ko sa pahayag niya. Ano namang pumasok sa utak nito para sabihin niya yun.

"Sa tingin ko ikaw ang problema ni Zion. Hindi niya man masabi sa akin, pero alam ko ikaw problema niya. Tinanong ko kasi kung bakit hindi ikaw ang inaya niya, samantalang sanggang-dikit naman kayong dalawa. Pinagbawalan ba naman akong banggitin ang pangalan mo."

Naguguluhan parin ako.

Tinapik niya ako sa balikat.

"Alam mo pare, tropa tayo. Kung ano mang meron sa inyong dalawa. Suportado namin kayo.." ngumiti siya sabay tango. "Sige bui mauna na ako. Ikaw na bahala diyan." Saka tuluyang umalis.

Naiwan naman akong naguguluhan.

Pagkapasok ko ng restobar na yun, hinanap ko agad si Zion. Hindi naman ganun karami ang tao kaya mabilis ko siyang nakita sa may sulok.

Napansin kong marami na itong nainom dahil sa dami ng boteng nasa mesa nito. Tumutungga parin siya.

Lumapit ako.

"Brad. Tama na yan, mukhang naparami ka na. Uwi na tayo."

Tumingala siyang tumingin sa akin. Pagkainis ang nakikita ko sa reaction niya.

"Bakit ka nandito? Nasan si Rey?" Lasing na ang dating ng boses niya.

Bakit siya nagtatanong kung bakit nandito ako. Syempre tropa ko siya kaya nandito ako.

"Mauuna na daw siya, maaga pa lakad niya bukas."

"Putang-inang yun ha. Iniwan ako."

Ano bang problema niya, nandito naman ako, bakit parang ayaw niya ng presensya ko.

"Yaan mo na brad, ako nalang papalit sa kanya." Umupo muna ako katapat niya.

Kumaway siya sa isang waiter na naroon. Sumenyas na parang sinasabing "bill-out".

"Bakit hindi ako ang tinawagan mo. Pwede naman kitang samahan."

Hindi siya umimik na lalong ipinagtaka ko.

Ano bang problema nito?

Mukhang hindi magandang timing na magkwento ako ng problema ko. Kaya isinantabi ko na lang muna. Mukhang mas kailangan ako ng tukmol na ito.

Mayamaya'y dumating ang waiter dala ang bill. Tiningnan niya ito at umakmang bubunot ng wallet.

Pansin kong mediyo hirap na itong kumilos at hirap na bumunot ng wallet. Kaya ako na gumawa nun. Nakaramdam ako ng pagtanggi pero nagpumilit ako. Tiningnan ko ang bill at kumuha ng pera sa wallet ni Zion, saka ibinigay sa waiter. Nakangiti namang tinanggap ito ng water.

"Keep the change nalang." Wika ko.

Singkwenta pesos nalang naman kasi ang magiging sukli kung sakali.

Binalik ko ang wallet sa bulsa ni Zion.

"Tara na." Sabi ko.

"Umalis ka dito, hindi kita kailangan."

Napakunot ang noo ko. Pero binalewala ko lang. Kung tatanungin ko siya kung anong problema niya, sa sitwasyon niya ngayon, sigurado akong wala akong makukuhang sagot.

Lumapit ako sa kanya at hinatak ang kamay upang ilagay sa balikat. Pansin ko kasing hirap na siyang kumilos.

Tinulak niya ako ng malakas. Halos ikinatumba ko, mabuti nalang at napasandal ako sa likod ng isang manginginom doon.

Pinangtinginan nila kami. Humingi nalang ako ng dispensa.

"Anong problema mo?" Mediyo mariin kong sabi.

Tumayo siya at akmang aalis. Napansin kong hindi na balanse ang lakad niya. Kaya mabilis akong lumapit sa kanya. Ngunit tinulak na naman ako. Ngunit mabilis ko namang naialalay ang paa ko.

Sinundan ko nalang siya hanggang makalabas.

Mediyo hindi na tuwid ang paglalakad niya. Nakasunod lang ako sa likod niya na hindi malayo sa kanya para maalalayan ko incase na matumba siya.

Mediyo lumalayo na kami sa restobar. Tahimik na rin ang kalsada, panaka-naka na lang din ang mga sasakyang dumaraan.

Yung kaninang ambon ay naging ulan. Kaya mabilis akong lumapit sa kanya at dahan-dahang hinatak upang sumilong muna.

"Putang-ina sabing tantanan mo ako, GAGO ka ba?" Galit niyang sabi.

Hindi ako nagpatinag.

Akmang hahatakin ko na ulit siya nang bigla niya akong suntukin sa mukha. Hindi naman ganun kalakas to dahil lasing siya. Pero na outbalance ako dahil hindi ko inaasahan ang suntok na yun. Tuluyan akong natumba. Naitukod ko ang isang kamay at ang isa naman ay napahawak sa panga ko.

Tiningnan ko siya ng masama. Gumanti din siya ng masamang tingin.

Tumayo ako.

"Ano bang problema mo?" Mediyo tumaas na ang boses ko.

Nagpatuloy siya sa paglakad.

Kinabig ko ulit ang balikat niya pero mabilis niya itong itinaboy.

"May problema ka ba sa akin?" Mariin kong tanong.

Palakas na nang palakas ang ulan.

"Wag kang lalapit sa aking bakla ka! Nandidiri ako sayo!" Mahina ang pagkakasabi niya. Pero parang saksak itong tumama sa puso ko.

Nabigla ako sa sinabi niya.

Biglang pumasok sa isip ko yung eksena namin ni kuya kanina. Yung nakita niya kaming magkayakap. Baka mali ang pagkakaintindi niya.

Nagtimpi muna ako. Ipapaliwanag ko nalang sa kanya ito bukas kapag nahimasmasan na siya.

Naglakad ulit siya. Dahil sobrang lakas na nga ng ulan, pinilit ko pa rin siyang hatakin. Pero itinulak niya ako ng malakas. Sa pangalawang pagkakataon ay natumba ako.

Nagtimpi pa rin ako.

"Hindi ka ba nakakaintinding gago ka?!! Tantanan mo ako akong bakla ka!!! NAPAKALANDI MO! NAKAKADIRI KA!!" Sigaw niya.

Nanginig ang buong katawan ko. Eto na yung pagkakataong pilit kong iniiwasan. Na malaman niyang bakla ako. Dahil sigurado akong itatakwil niya ako katulad ng ginagawa niya ngayon. Kaya pilit kong itinatago sa kanya ang nararamdaman ko.

Bumigat ang dibdib ko. Pinigilan ko ang luhang gustong kumawala.

Pero sa kabilang banda, nanginig ang katawan ko sa galit.

Nagalit ako hindi dahil sa tinawag niya akong bakla, kundi sa sinabi niyang malandi ako. Dahil kahit kailan hindi ko ginawa yun.

Mabilis akong tumayo at sinuntok siya sa mukha. Natumba siya.

Pumaimbabaw ako sa kanya at nag ambang ng suntok.

"PUTANG-INA MO!!! BAWIIN MO YANG SINABI MO!!"

Hindi siya umiimik. Nakatingin lang siya sa akin.

Nanginginig ang kamao kong sinuntok siya ng isa pa sa mukha niya.

"SABING BAWIIN MO ANG SINABI MO!! WALA AKONG NILALANDI!! TANG-INA MO." Nanggagalaiti na talaga ako. Habang nangingilid naman ang luha sa mga mata ko.

Hindi pa rin siya umimik.

Susuntukin ko pa sana ulit. Pero sa tingin ko hindi siya magsasalita.

Ang kaninag sama ng loob na pinipigilan ko ay biglang kumawala. Tumulo na ng tuluyan ang luha ko. Mabilis itong pumatak sa mukha niya.

Buong hinanakit ko siyang tiningnan. Halos manginig ang buong katawan ko kasabay ng walang tigil na pag tulo ng luha ko.

Nanginginig sa galit na hinawakan ko ng dalawang kamay ang kwelyo niya At bahangyang inangat ang ulo niya.

"Bawiin mo, brad. Bawiin mo." Pagmamakaawa kong sabi sa kanya. "Wala akong nilalandi." Basang-basa na ng luha ang mga mata kong nakatingin sa kanya.

Wala akong makitang reaksyon sa mukha niya.

Kaya dahandahan akong kumalas sa pag-imbabaw sa kanya at bahagyang umupo na nakayuko sa tabi niya. Nakapikit lang siyang nakatihaya sa ulan. Habang ako naman ay patuloy lang sa paghikbi at pag-iyak.

Ansakit sakit ng dibdib ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Parang pinipiga ito, sinaksak at dinurog-durog ng pinung-pino.

Siya lang ang taong pwedeng manakit sa akin ng ganito. Kaya talagang pilit kong itinatago ang nararamdaman ko dahil iniiwasan kong mangyare to.

Sanay na ako sa pang-aalipusta ng iba sa akin.

Pero..

'Pero bakit Zion?? Bakit?? Wala naman akong ginawang masama sayo' sa isip ko.

"Walang akong nilalandi.. hindi ako ganun brad.. kilala mo ako.."

Halos hindi na ako makahinga sa pinagsabay na hikbi at hagulgol.

"Aaminin ko.. tama ka nga, bakla ako. Pero kahit kailan wala akong nilalandi."

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"Kaya nga pinipigilan ko tong nararamdaman ko kasi alam ko kapag nalaman mo iiwasan mo ako.. kaya pinili kong itago ito sayo.. kasi hinding-hindi ko kayang lumayo sayo... kahit trinaydor mo ako.. kahit na minsan hindi ko alam kung pinagtitripan mo ako ng pagiging malambing mo.. hinding hindi ko sasabihin sayo ito.. dahil takot na takot ako.. takot akong mawala ka.."

Hikbi.

"SA TINGIN MO BA MADALI LANG SAKIN TO HA?! sa tingin mo ba ginusto ko to??.. hindi ko sinasadyang mahalin ka brad... kung alam mo...kung alam mo lang kung gaano kahirap ang pagpipigil ko sa nararamdaman ko. Pinipigilan ko to kasi ayokong masira ang tiwala mo sa akin. Ayokong masira ang pinagsamahan natin.. oo brad! Mahal kita, matagal na... pero kahit minsan hindi kita nilandi. Nirespeto kita at mas pinili kong pahalagahan ang pagkakaibigan natin.." Paputol-putol kong sabi dahil sa mga hikbi ko.

Patuloy sa pag-iyak at napatakip ang dalawang palad ko sa mukha ko.

"I'm so so...sorry..." Humikbi muna ako na tila kasabay nang kung anumang mabigat na lumabas galing sa dibdib ko.

"I'm really sorry kung minahal kita.. hindi ko sinasadya maniwala ka" Bumuhos lalo ang mga pasaway na luha. Nakatakip parin ang palad ko sa mukha ko, kaya mediyo kulob na lumabas ang boses ko.

Iyak..

Hikbi..

Hagulgol..

Pagpipigil..

Hikbi..

Pinahid ko muna ang luha ko. Saka muling hinawakan ang kwelyo niya.

"Ngayon sabihin mo sa akin kung kailangan ko na bang lumayo sayo."

Tiningnan ko siya sa mga mata. Nakatingin lang din siya sa akin.

"PUTANG-INA SABIHIN MO SA AKIN!!!"

Hindi siya umiimik.

"SABIHIN MO KUNG KAILANGAN KO NG LUMAYO. DAHIL KAHIT MASAKIT, GAGAWIN KO YUN PARA SAYO!!." Patuloy kong sigaw.

Pagmamakaawa ko.

Gustung-gusto kong sabihin niya na mag stay ako.

Pero..

Kung sasabihin niyang layuan ko siya. Gagawin ko yun kahit masakit. Handa akong marinig yun kahit na ba ang ibig sabihin nun ay tuluyan nang mawawala ang pinakakaingatan kong pagkakaibigan namin.

Wala pa rin siyang reaksyon. Papikit-pikit lang siya ng mata.

"Brad" nangangatal na ang labi ko. "Pakiusap..sabihin mo na...sabihin mo na." Patuloy na pagmamakaawa ko.

Nagsisimula na namang mangatal ang mga labi ko, kasabay nun ang muling pangingilid ng luha ko.

"Putang-ina ansakit-sakit nito...putang ina.."
Tuluyang dumaloy ang tubig galing sa mga mata ko. Pumapatak ito sa mukha niya kasabay ng patak ng ulan.

Naramdaman kong bahagyang nanginig ang kanyang katawan kasabay ng mga luhang lumabas sa kanyang mga mata pero hindi parin nagsalita.

Nanatili siya sa pagkakahiga.

Mas gugustuhin ko pang tumayo siya at suntukin o bugbugin ako kahit masakit, tatanggapin ko.

Pero mas masakit ang pananahimik niya, nangangahulugan lamang na kailangan ko na siyang layuan.

Saka ako bumitaw sa paghawak ng kwelyo niya.

Kasabay ng pagbitaw ko ang pagkatalo ko sa pagmamahal na ipinaglaban ko sa paraang alam ko.

Umiiyak at humahagulgol kong sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Hinintay kong maubos ito, nagbabakasakaling umabot ang luha ko sa puso niya at ipaabot ang mensaheng hindi ko siya kayang mawala.

Maaaring ito na rin ang huling pagkakataon na nakadikit ako sa kanya.

Ngunit sadyang walang tainga ang puso niya. Dahil hindi nito narinig ang mga hikbi ko.

Nang kumonti nalang ang luhang lumalabas sa mata ko. Saka dahandahan kong inangat ang ulo ko.

Puno ng paghihinagpis na lang akong tumango-tango habang tinitingnan siya. Napakagat na ako sa labi para pigilan ang sobrang sakit na nararamdaman ko.

Pinahid ang luha at humugot ng malalim na hininga. Saka dahandahang tumayo.

Naglakad.

Nakadalawang hakbang ako, saka huminto.

"Hayaan mo. Hinding-hindi mo na ako makikita." Kasabay nun ang pagpigil ko ng luhang paulit-ulit na gustong kumawala.

Saka nagpatuloy sa paglalakad.

Sa pag-alis kong iyon. Dinalangin ko na sana kasabay nang paglisan, ay makalimutan ko na nang tuluyan ang nararamdaman ko sa kanya.

Pero malabo yun.

Sa halip kasabay ng pag-alis ko ang hapdi at sakit na ibinigay niya sa akin.

Eto yung pakiramdam na iniiwasan kong mangyari.

Hindi ko kasalanan kung bakit minahal ko siya. Pero bakit kailangan kong magtiis at masaktan ng ganito.

Bakit?

'Paalam Zion, hanggang dito na lang ang kaya ko, salamat sa pagkakaibigan'

Muli kong hinayaang malayang dumaloy ang mga luha ko kasabay ng pagtuloy na pagbuhos ng ulan.

***
Well, I never want to see you unhappy
I thought you'd want the same for me

Goodbye my almost lover
Goodbye my hopeless dream
I'm trying not to think about you
Can't you just let me be?

So long my luckless romance
My back is turned on you
Should've known you'd bring me heartache
Almost lovers always do
****

Sobra ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Patuloy lang ako sa pag-iyak habang naglalakad,  tapos bigla akong hinabol ng aso.

"Pisting yawa!"

Joke lang.. to naman!

-------THE END------

Joke lang

A/N

Vote lang po masaya na ako. :)

May umiyak ba? Sana naman meron. Sige na pwede pang humabol ang mga hindi pa umiiyak hahaha. Peace

Comment ka naman jan oh.. 😘

No comments:

Post a Comment

Read More Like This