Pages

Wednesday, June 3, 2020

Elevator, Truth and the Past (Part 4)

By: thelonelyboy2020

“Can you show us again the layout for the amenity area?”, nakatutok si Miss Rama sa akin. Gaya ng nakasanayan, walang ekspresyon ang kanyang mukha. Kinapa ko ang keyboard ng aking laptop at ipinakita ulit ang pahina kung saan nakalagay ang plano ng dinedisenyo naming hotel. “What do you think Engineer Macarandan?”, nakataas ang isang kilay ni Miss Rama nang humingi ito ng suhestyon.
“Masyadong maraming CCTV sa may pool area. Consider that corner by the bar, I’m seeing three cameras. I see more than five near the sauna and spa. A twenty-five square meter reception area has four cameras? It’s too much, Mr. Pueblas.”, hawa niya ng lapis at mahina niya iting punupukpok sa kanyang kwaderno. “I suggest you let us check the layout first. Tapos yung telephones at wifi locations, the positioning is too complicated.”, sunod-sunod ang mga pag-pupuna ni Javi sa aming disenyo. Nag-iinit na ang aking mukha dahil sa magkahalong hiya at inis. Natiyempuhan na wala si Ar. Megan sa presentasyong ito. Pakiramdam ko ay mapapahiya siya sa desisyon niyang ipagkatiwala sa akin ang proyekto.
Huminga ako ng malalim bago ko sinimulan ang aking paliwanag. Nanginginig ang aking kamao sa ilalim ng aking bulsa.
“We already have the layouts checked by Engineer Yap, and he approved it. Now, to explain the unconventional positioning of CCTVs, we don’t only consider the area per square meter, but also the unconventional form and circulation of the space.
The spa and sauna’s reception is just roughly twenty five square meters, but again consider the form of the space. We have anticipated these comments from the very beginning when the concept was approved. But sure, we can always have another review of the plans. But Engineer, the layouts are pre-approved by the Senior ECE.”, ngumiti lamang ako saglit matapos kong magpaliwanag. Napansin kong inirapan lamang ako ni Javi bago lumingon sa kanyang katabi. Narinig kong napaubo si Miss Rama ng mahina bago magbato ulit ng mga tanong.

Ang pinakaayaw ko talaga sa lahat ay iyong tila ginigisa ako ng mga propesyunal sa industriya. Wala pa akong lisensya bilang arkitekto kaya naman ayaw ko sanang magmarunong. Ayaw kong sagutin ang mga tanong na hindi ko alam ang sagot. “Gusto ko nang umuwi”, ang sabi ko sa aking sarili.

-----

Mag-aala sais na nang matapos ang presentasyon. Bahagyang nahilo ako sa haba ng pagpupulong. Ipinikit ko ang aking mata at hinilot ang gilid ng aking noo. Uminom ako ng tubig at nag-umpisa nang mag-ayos ng aking mga gamit dahil ilang minute na lamang ay uwian na.
“Ang sungit mo kanina.”, nakahalumbaba si Karen habang nakatitig sa akin. Hawak na nito ang kanyang bag, tila hinihintay na lamang ang oras. “Sungit mo kay Javi.”
“Ewan ko ba dun, ang daming sinasabi. Approved na nga yun ng senior niya tapos may nalalaman pa siyang ‘the positioning is complicated’, daming sinabi.”, iginalaw-galaw ko ang aking ulo para maunat ko naman ang aking leeg.
“Sus, yun lang ba talaga?”, tumayo na si Karen. Nagsitayuan narin ang iba kong mga ka-opisina. Nag-umpisa nang umingay ang mga pasilyo dahil sa mga taong papalabas ng silid.
“Huh? Ano na bang ibang dahilan?”, sinagot ko siya ng tanong.
“Eh, ano nga ba?”, tinaasan lamang niya ako ng kilay. Hinila niya ang manggas ng aking polo na tila sinasabing tumayo na ako at sabayan na siyang umuwi.
Hindi ko na siya sinagot. Isinabit ko na ang aking bag sa aking balikat at sumabay na kay Karen. Habang nasa loob kami ng Elevator, napaisip ako sa kanyang tanong Alam kong hindi ko na dapat iyon inaalala ngunit hindi ko mapigilan ang aking sarili.

Bakit nga ba ang sungit niya sa akin kanina?

Bakit ba ang sungit ko kanina?

Nag-vibrate ang aking telepono sa aking bulsa at binasa koi yon habang naglalakad papunta sa aking apartment.
“Nasa labas ako ng apartment mo. Bilis.”, mabagal lamang ang aking lakad kaya’t nakuha ko pang sagutin ang mga mensahe ni Glen. Nagulat ako sa aking binasa ngunit mas pinili kong linawin iyon dahil baka isa lamang iyon sa kanyang mga biro.
“I’m going to kill you”, sagot ko. Ilang segundo pa lamang ang nakakaraan nang tumawag siya sa akin. “Paano ka nakapasok ng compound?”, ang halos pasigaw kong sagot.
“Malamang pinapasok ako ng guard.”, napaisip ako kung paano siya pinayagan ng guwardiyang pumasok sa compound dahil sa tagal ko nang nakatira sa aking inuupahang apartment, kahit sa akin ay mahigpit ang mga guwardiya.
“Geez, she’s creepy.”, ang pahabol ni Glen.

Tantsa ko ay nasa kwarenta anyos na ang guwardiya sa amin. Hindi ko pa nakikitang nakalugay ang buhok niya. Masungit ito, lalo na sa akin. Madalas ay kinakabahan parin ako sa tuwing nagkakasalubong an gaming mga mata, dahil pakiramdam ko ay inuusisa niya ang aking pagkatao sa lalim ng kanyang mga titig. Base sa mga naririnig kong mga bulong-bulungan ng aking mga kapitbahay, wala daw itong nobyo at pamilya. Hindi ko naman iyon inisip pa, dahil hindi ko man iyon dapat iniisip pa. Ngunit sadyang gwapo lang ba talaga si Glen kaya’t nakapasok siya?

“Oh sige na. I’m on my way.”, binaba ko ang aking telepono at  isinilid iyon sa aking bulsa. Nais ko pa naman sanang bumalik ng opisina dahil nakalimutan ko ang aking hard disk ngunit mukhang mas kailangan ko nang umuwi.
Naglalakad ako at pumasok ng mall kung saan mas mapapadali ang aking paglalakad at makakaiwas ako sa mas marami pang kanto. Naisip ko naring  bumili ng makakain dahil wala na akong panahong magluto pa. Nakakahiya naman kay Glen.
Pumasok ako sa isang Italian Restaurant upang bumili ng Pizza at Spaghetti, ngunit nakita kong puno ito ng mga naghahapunan. Tumungo na lamang ako sa Roof Deck kung saan mayroong mga kainan at Cafés. Wala doon ang hinahanap kong Coffee Shop. Nagpunta ako sa ikatlong palapag sa may balkonahe sa tulong narin ng mga guwardiyang aking napagtanungan.
Pumasok ako dahil at nasiyahang walang masyadong tao. Bibilhan ko na lamang si Glen ng malamig na kape at Linguine. Wala nadin akong maisip na gusto niya. Nahihiya akong bilhan siya ng galing sa fastfood dahil baka hindi siya nasanay sa ganoon.
“Welcome Sir”, ang pagbati sa akin gn isa sa mga barista. Nagkangitian lamang kami ngunit agad akong napahinto sa aking paglalakad patungong Bar upang bumili dahil nagkasalubong an gaming mga mata ni Javi. Doon sa isang sulok, hawak niya ang puting tasa ng tsaa. Sa kanyang harapan, ay isang babaeng pamilyar sa akin. Hindi muna ako gumalaw sa aking kinatatayuan dahil hindi ko alam kung babatiin ko ba siya, o dideretso na lamang upang bumili at makaalis agad. Naisip ko, bakit naman ako tatakas? Sa huli, naglakad ako papalapit kung nasaan man sila upang bumati at mangumusta. Hindi rin naman kami nakapag-usap ng maayos ni Angel noong aksidente ko silang makita ni Javi.
“Oh, andito ka.”, ang gulat na sabi ni Javi. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa akin at kay Angel. Maging ang dalaghita ay tila nagulat din sa aking presensya.
“H-hi, Moy.”, ang tanging sagot ni Angel. Nauutal siya at hindi makatingin sa akin ng diretso.

Kinumusta ko lamang siya. Hindi ko lamang maintindihan kung bakit tila may kakaiba sa kanyang inaasal. Marahil ay naiilang siya sa akin, kaya’t naisipan kong magpaalam narin. Nahihiya man ay umasta akong hindi apektado. Pabilis nang pabilis ang tibok ng aking puso kaya’t naglakad na ako papalabas. Hindi na ako bumili ng pasta at kape, at sa halip dumiretso na lamang ako ng Jollibee sa kabilang kanto. Bumili ako ng spaghetti at manok. Tinawagan ko si Glen na kanina pa naghihintay sa akin.
“Bumili ako ng Jollibee, wag kang maarte.”
“Kailan ba ako nag-inarte. Judgemental ka talaga.”

-----

Mag-aalas otso na nang matapos kaming kumain ni Glen. Dinila-dilaan niya ang kanyang daliri upang maubos ang mga natitirang gravy doon. Sa tingin ko naman ay nasisiyahan siya sa kanyang kinakain.
“You’re still not going to turn that on?”, pawisan na ang kanyang noo sa pagkakataong ito. Nakailang ulit narin niya itong sinuhestyon. Halatang hindi sanay si Glen sa ganitong tempertatura.
Hindi na ako sumagot at umiling-iling na lamang. Tumayo ako at kinuha ang remote ng aking aircon na nakalapag sa maliit na mesa katabi ng sofa bed. Pinindot ko ang butones at nag-umpisa nang maglabas ang aircon ng malamig na hangin. “My electric bill’s going to kill me very soon.”, tumawa lamang siya sa aking sinabi. Bumalik ako sa aking upuan at tumingin lamang sa kanya. Maliit lamang ang aking mesa. Nakadikit ang gilid nito sa puting pader ng aking unit. Mayroon akong maliit ng kusina. Halos kulay puti o abo ang kabuuan ng aking inuupahang apartment. Ang aking kama ay mayroong sidetable na nakadikit sa pader kung saan naroroon ang malaking bintana. Tanaw mo mula dito ang napakaliwanang ng syudad dahil nagkataong nasa ikaapat na palapag ang aking silid. Malawak ito kung iisiping ako lamang mag-isa ang nakatira rito. Nakahingi rin ako ng malaking diskwento sa upa dahil kakilala ng aking ina ang may-ari ng buong gusali. Nais ko sanang tanggapin iyong isa sa mga pusang binibigay dati ni Philip ngunit nag-aalala akong baka hindi ko maalagaan.
“Spill it.”, sabi ko. Nagpunas lamang siya ng kamay gamit ang wetwipes na inabot ko sa kanya. Kung iisipin, pwede naman siyang tumungo sa lababo at maghugas ng kamay. “Why are you here.”
“Gusto sana kitang i-fuck kaso late ka na.”
Inirapan ko lamang siya. Hindi ako sumagot at natawa na lamang sa kanyang sinabi. Nagkatinginan kami at maging siya, natawa sa sarili niyang biro. Nag-umpisa na siyang magkuwento ng mga bagay na hindi ko naman akalaing sasabihin niya, kung paano natapos ang araw niya sa trabaho, kung anong kinain niya kaninag tanghalian, kung paano siya nahirapang humanap ng pwesto upang iparke ang kanayang matorsiklo. Nakakapagtaka, ngunit nakinig nalang din ako. Natigil lamang siya nang may biglang kumatok sa aking pintuan. Nagkatinginan kami ng ilang segundo dahil sa gulat. Sino naman kaya iyon?
Tumayo si Glen at nagprisentang siya na ang bubukas ng pintuan. Pinanood ko lamang siyang tumayo at tumungo doon. Inikot niya ang kandado at binuksan iyon. Hindi ko agad nakita ang tao sa likod ng pintuan dahil hindi niya ito binuksan ng buo. Tahimik lamang si Glen hanggang sa lumingon siya sa akin.
“Sino po sila?”, tinanong ko siya. Hindi parin sumagot sa akin si Glen at sa halip, ibinuka niya ng tuluyan ang pintuan at doon, bumungad si Javi, nakatayo at nanlalaki ang mga mata.
Napatayo ako nang makita ko siya. Agad akong tumungo sa kinatatayuan ng dalawa upang kausapin siya. Hindi ko alam kung paano niya natunton kung saan ako nakatira, o kung paano siya nakapasok ng compound--- malamang, kung paano nakalusot si Glen.
“J-javi…”, hindi ko maidiretso ang aking sinasabi. Marahil bakas sa aking mukha ang pagkalito.
Hinugot niya ng isang parisukat na bakal mula sa kanyang bulsa. Inabot niya iyon sa akin. Muntik ko nang mabitawan iyon ngunit nasalo ko rin. “Nakalimutan mo.”, ang tila irritable niyang pagkakasabi matapos niyang iabot sa akin ang aking nakalimutang hard drive.
“P-pano mo nalaman ang address ko?”
“Tinawagan ko si Karen.”, kaya niyang tawagan si Karen ngunit ako, hindi.
“You know there’s still work tomorrow. You don’t need to bring this here.”, makakapaghintay naman ang hard drive ko sa opisina, sa tutoo lang.
“Doesn’t matter.”, tumitig siya sa akin. Patalong-talong ang mga mata niya sa aming dalawa ni Glen. Marahil may iba itong iniisip sa kanyang nakita ngayong gabi. Nais kong magpaliwanag ngunit naisip kong hindi na kailangan iyon. “I’ll get going.”, bigla itong tumalikod at naglakad ng mabilis ngunit napahinto siya dahil tinawag ko ang kanyang pangalan.
“Thank You.”, sabi ko. Lumingon lamang siya at tumango.

Sinara ko ng dahan-dahan ang aking pintuan at sumandal doon. Nakasandal lamang si Glen sa pader katabi ng aking refrigerator, Nakakunot ang noo, magkasalubong ang mga kialy at nakatitig sa akin. Ilang segundo siyang nakatutok sa akin.
“What?”, ngunit hindi niya ako sinagot. Pumikit lamang siya at huminga ng malalim. Tumungo na ako ng mesa upang ligpitin ang aming pinagkainan. Tumulong siyang isilid lahat ng kalat sa loob ng supot na papel. Pinunasan ko ang mesa at siya naman ay inilagay sa basurahan ang supot. Naghugas siya ng kamay at nagpatuyo lamang gamit ang kanyang t-shirt. Pinanood ko siyang maglakad pabalik sa mesang pinupunasan ko.
“Thank You. Alis na rin ako.”, ang tanging sinabi niya.
“Hey…”, naramdaman ko ang kanyang pagkailang at pagiging balisa. Nais ko siyang kausapin pa ngunit nagsenyas lamang siya gamit ang kanyang kamay at ipinakitang ayos lamang siya. “Wait, hatid kita sa baba.”, pag-aalok ko. Nagmadali akong tumungo ng lababo upang ilagay doon ang basahan at maghugas ng kamay. Ngunit bago ko paman matapos iyon, narinig kong sumara ang pintuan at wala na si Glen sa loob ng silid. Napatitig na lamang ako sa pintuang mapusyaw, pinagmamasdana ng mga grano ng kahoy na makintab. Napasandal ang aking pwetan sa kanto ng lababo. Nagpakawala ako ng buntong hininga at pinikit ang aking mga mata. Nakokonsensya ako sa sinapit ni Glen. Nalilito ako sa ginawa ni Javi. Tila umiikot ang aking isipan dahil sa mga pangyayari. Sana tinanggap ko nalang ang pusa mula kay Philip, may kayakap sana ako ngayon.

----

(Author's note: If you reached reading here, thank you very much. I did my best to correct the typo's but i'm weak. LOL)

Inilapag ko ang tray sa mesa kung nasaan nakapuwesto sina Karen at Philip. Gumasgas ang metal na silya sa sahig dahil sa aking paghila, ngunit kahit maingay ang aking pag-upo ay tila masyadong tahimik ang dalawa habang pinapanood ako.
“Bakit?”, ang simpleng tanong ko. Isinaksak ko ang metal kong straw sa karton ng Yogurt Drink. Humigop ako ng ilang beses bago ko ito ibinaba. Binuksan ko ang aking biniling sandwich at nag-umpisang kumagat doon.
Nakangusong tinuro ni Karen ang lokasyon nila Arthur, Camille at Javi. Anim na mesa mula sa amin, malapit sa Glass Wall kung saan tanaw ang mga gusali ng distrito sila nakapuwesto. Tumango lamang si Camille nang mapansin niyang tumingin ako sa lokasyon nila, ngunit agad naman itong umiwas na rin.
“Minsan di ko rin alam kung saan ang loyalty ng babaeng yun.”, umiling-iling lamang si Philip habang hinahalo niya mga sangkad sa kanyang mangkok.
“May misyon si Camille. Wag kang seloso diyan.”, sinaway siya ni Karen. “Besides, bakit ka naman magseselos, may karapatan ka ba?”, tumawa siya ngunit binatukan siya ni Philip.
“Anong misyon?”, pasimple akong nagtatanong sa kanila. Umakto lamang ako na para bang wala akong nararamdamang kakaiba sa aming mga magkakaibigan.
“Tss. Isa pa to.”, inirapan niya ako at sumandal sa kanayng inuupuang silya. “Kayo naman kasi. Ano ba kasing meron?”, masungit na tanong nito. Pinapanood lamang kami ni Philip habang kinakain niya ang kanyang biniling Ramen.
“Anong meron…”, kung ganoon, napapansin na rin nila ang pagiging madistansya ko kay Javi.
“Mag-iisang buwan nang hindi kayo nagpapansinan. Ayokong maging judgemental pero may something talaga.”
“Judgemental ka nga. Wala namang problema. Hindi lang kami close.”, pagtatanggol ko sa aking sarili.
“Sabi ni Camille close daw kayo nung college.”, nagsalita naman si Philip. “Akala nga niya mag-ex kayo. Pero sa pagkakaalam ko straight naman si Javi kaya parang impossible naman. Unless…”, hindi natapos si Philip sa kanyang sinasabi dahil agad sumingit si Karen.
“Unless ikaw lang yung inlove sa kanya.”
“Tusikin kita diyan eh. Kung ano-ano sinasabi mo. Issue to.”, tinutok ko ang aking daliri malapit sa kanyang mukha. “Baka may makarinig pa niyan sabihing tutoo pa.”
“Bakit, hindi ba?”, nakaramdam na ako ng inis kay Karen dahil nakikita ko na naman ang mukha niyang tila nag-iimbestiga. Kinumpol ko ang tissue paper at ibinato ko iyon sa kanyang mukha ngunit naharang niya iyon gamit ang kanyang kamay.
“See, see? Defensive.”, tumatawa siya habang nakaharang parin ang kanyang kamay sa kanyang mukha.
“Isang libo kaya pinusta ko sayo. Don’t fail me. Mr. Pueblas.”, nakatitig lamang sa akin si Philip. Humigo siya ng sabaw sa kanyang mangkok. Umayos naman ng upo si Karen.
Hindi na ako nagsalita at iniba ko na lamang ang usapan. Wala naman rin akong magagawa kung iyon talga ang iniisip nila. Ngunit ang nakakainis lang, masyado ba akong halata?

Napalingon kaming lahat sa direkyon nina Arthur dahil sa tawa ni Camille. Hindi naman namin alam kung bakit ganoon na lamang kalakas ang kanyang paghagikgik. Nakangiti lamang si Arthur sa kanya, ngunit si Javi tila naiilang, pinipilit ang ngiti. Nagkatitigan kami Ni Javi nang lumingon siya sa amin, ngunit agad akong umiwas at nagpatuloy na lamang sa aking kinakain. Naka isipin pa niyang kanina ko pa siya tinititigan.

“Anyway, reserved na slots niyo this Saturday. Ikaw, Amorsolo, wag kang tatakas.”, tinutok sa akin ni Philip ang kanyang hawak na chopsticks. “Be early, alam mo namang traffic.”
“Hay naku, di na ako magtataka kung tatakas man yan.”, sagot ni Karen.
“Edi panalo na ako sa pustahan.”, sabi ni Philip.
“Mga gago, pupunta ako.”
------

Naaaninag ko ang dilaw na ilaw mula sa dulo ng lagusan na nagdudugtong sa restawran at sa kalsada sa labas. Nagmamadali akong maglakad dahil kanina pa akong tinatawagan nila Karen. Naririnig ko na rin ang ingay ng mga taong nag-uusapan at musika mula sa ikalawang palapag ng Ilustrado. Kinawayan ako nina Phillip at Camille nang makita niya akong naglalakad papalapit ng pasukan. Tinawag niya ako at patakbo akong lumapit sa kanya. Binati ako ng mga tauhang nakasuot ng Filipiniana. Ngumiti lamang ako sa kanila bago pumasok. Matao ang buong silid at napansin kong maraming mga bisita ang may edad na. Binasa ko ang mga malalaking letra na nakadikit sa kurtinang puti na nakasabit sa pader: Happy 30th Anniversary. Ang mga magulang ni Philip ay nasa gitna at sumasayaw ng Chacha, kasama ang iba pang mga pares na marahil ay mga kaibigan din nila.
Tumungo kami sa mesa na nasa sulok ng silid nang kawayan kami ni Karen. Katabi niya si Arthur na abalang kumakain. Si Javi naman ay nakayuko at tila may ginagawang kung ano-ano sa kanyang telepono. Tapos na siyang kumain at halatang nababagot na. Itinuro ni Karen ang bakanteng upuan sa tabi ni Javi, senyas na doon ako uupo. Ngumiti lamang siya ng masama sa akin ngunit binale-wala ko lamang iyon. Tumungo na ako at umupo sa kanyang tabi. Nginitian lamang niya ako saglit bago bumalik sa kanyan telepono.
“Kita mo yun?”, nakayuko sa akin si Philip at bumubulong. “Kuha ka ng pagkain.”, tinuro nya iyong mahabang mesa kung nasaan nakahain ang iba’t ibang klase ng pagkain. Tumango lamang ako at sinabing kaya ko na ang sarili ko. Tinapik lamang niya ang aking balikat at tumungo na doon sa iba apng mesa upang asikasuhin ang iba nilang bisita. Hinintay ko munang maubos ang mga taong nakapila doon bago ako tumungo. Sinabayan ko ang awitin sa pamamagitan ng paggalaw ng aking ulo at pagkanta ng liriko. Mahina lamang ang aking boses dahil ayaw ko namang iparinig iyon sa kanina. Nakakahiya.
Tanging musika at tunog lamang ng aking pinggan at kubyertos ang naglalaro sa aking tainga. Abala sina Arthur, Karen at Camille sa kabilang parte ng mesa. Pinag-uusapan nila ang kakatapos pa lamang na huling Season ng Game of Thrones. Hindi naman ako nanunood noon kaya hindi na ako nakisali. Masyado ding malakas ang musika at ingay ng mga nagsasayawan kaya’t hindi rin kami makakapag-usap ng matino. Nilingon ko ang aking katabi na abala lang sa paglalaro ng kanyang telepono. Hindi ko na binalak na kausapin siya at nagpatuloy na lamang sa akin pagkain. Naubos ko ang dalawang piraso ng pakpak ng manok, isang maliit na hiwa ng leche flan at isang baso ng sago’t gulaman. Sumandal ako sa aking inuupuang silya at pinanood lamang ang mga matatanda sa gitna ng silid.
Lumipas ang ilang sandali at nagsiupuan na ang mga kanina pa nagsasayaw. Tumayo sa gitna ang isang naka barong na lalake na may hawak ng microphone. Agad niyang inanunsyong magkakaroon ng laro sa gabing iyon. Sinabayan ko ang palakpakan ng mga bisita, at nagmasid lamang sa mag taong nakisali sa laro. Iyon ang mga tipo ng laro na ginagawa madalas sa mga okasyon tulad ng kaarawan.
“Wala bang Apple Eating contest?”, narinig kong nagsalita si Camille. “Yung naughty naman. Tutal matatanda na tayong lahat dito.”
Sumenyas sa amin si Arthur at itinuro iyong mga babaeng nasa sulok at abala sa pagtatali ng manipis na lubid sa mga mapupulang mansanas.
“Partner tayo, Karen?”, pag-aalok ni Arthur sa kanya. Agad naman itong pumayag. Hinila niya ang kanyang upuan upang doon tumabi kay Arthur.
“Kami ni Phillip”, isinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ni Philip. Tinusok ni Karen ang baywang ni Camille na siyang nagpaliyad sa kanya. Sabay’sabay namin pinagtawanan ang sitwasyon na iyon.
“Sino ba kasing may sabi na kasali kayo.”, biglang nagsalita si Javi. “For all we know, even to ng parents ni Philip. Bigay niyo to sa kanila.”, naka-de-kwatro ang upon i Javi. Suot niya ang simpleng itim na T-shirt na tamang-tama lamang sa hubog ng kanyang katawan. May mga kakaunting punit ang kanyang maong na siyang dahilan upang makita ko ang kanyang balat. Medyo mabuhok ang kanyang mahahabang binti. Malinis ang kanyang suot na Nike.
“Kita mo yun?”, tinuro ni Karen iyong lalakeng nakabarong sa gitna na tila tinatawag kaming lahat na nakapuwesto sa mesang ito.
“Kulang pa po tayo ng tatlong pares.”, ang sabi niya sa kanayng anunsyo. Hindi tumigil ang Host sa pagtawag sa amin kaya’t agad nagsitayuan an gaming mga kasamahan maliban sa aming dalawa ni Javi. Sila lang naman ang kasali.
“Oh, kayong dalawa, tayo na!”, tinapik ni Camille ang aking balikat. Nagulat ako sa kanyang sinabi dahil akala ko kumpleto na ang mga kalahok. “Sige na tayo na… Javi tayo na. Partner kayo ni Moy.”, sa huling pagkakataon, kinurot niya ang aking tainga at doon ko napagtanto na sinadya nga nilang pagtambalin kami. Ilang beses rin kaming tinawag ng Host kaya’t napilitan narin kaming tumayo at tumungo sa gitna.

Kanya-kanya ng mansanas ang bawat pares. Nakabitin iyon at nakatali sa manipis na Yarn, kaya’t bahagyang pasuray-suray iyon. Palakas nang palakas ang hiyawan ng mga nanunood sa amin na siyang dahilan kung bakit pilit kong iniipit ang aking mga daliri sa aking may kasikipang bulsa sa aking pwetan. Nangininig ang aking mga kamay. Pakiramdam ko ay nagyeyelo na nga ang mga iyon. Hindi ko matingnan sa mata si Javi dahil hindi ko rin maitago ang aking pagkailang sa kanya. Maging siya ay tahimik lamang at nakabusangt lamang ang kanyang mukha. Marahil ayaw din niyang sumali at makatambal ako.
Tumunog ang senyas at nagsimula na ang paligsahan. Nagkakahiyaan pa kami ni Javi kung sino ang unang kakagat sa mansanas. Dahil bawal gumamit ng kamay, hinabol koi yon sa pamamagitan ng pagyuko dahil sadyang mababa ang pagkakabitin nang sa amin. Kinagat koi yon at inangat. Inilapit ko ang mansanas sa mukha ni Javi ngunit nakatitig lamang siya sa akin, nanlalaki ang mga mata. Marahil, nahihiya din. Ngunit dahil gusto ko nang matapos ang larong iyon, pinilit kong magsalita habang kagat-kagat ko ang mansanas.
“Sh-ee-gee narr”, ang salitang lumabas sa aking bibig. Hindi ko na napigilang tumulo ang aking laway ngunit hindi ko na rin iyon pinansin. Minumura ko ang aking sarili s aking isipan.
Nakita kong napalunok lamang si Javi at biglang kinagat ang mansanas. Sapagkakataong iyon, isang mansanas na lamang ang pagitan n gaming mga mukha. Halos magkadikit na an gaming mga noo.
“Sha-lee-than th-ayo.”, ang sabi ko. Mukhang naintindihan naman niya kaya’t inumpisahan ko na ang pagkagat at pagkain ng mansanas. Ilang segundo pa at siya namang ang pinaagawa ko noon. Salitan lamang kami habang sa halos maubos na namin. Tumulo ang aking laway ulit kaya’t napabitaw ako sa aking pagkagat at pinunasan ang aking bibig. Nakita kong nakatitig lamang si Javi sa akin. Gumagalaw ang kanyang balikat, mistulang pinipigilana ng kanyang pagtawa. Ngunit naririnig ko ang kanyang hagikgik kasabay ng pagtulo din ng kanyang laway kaya’t nagtawanan lang din kami. Kinagat ko ulit iyon. Nahihirapan kaming ubusin ang natititang laman dahil iniwasan naming magkadikit ang aming mga bibig. Ayaw kong maging mistulang eksana iyon sa pelikula. Nakakahiya naman iyon kung gagawin sa tutoong buhay.
“fash-terrr”, kagat-kagat niya halos paubos ng mansanas at inuutusan akong bilisan ko ang aking pagkagat sa natitirang lamang ng mansanas. Pinunasan ko muna ang aking bibig at yumuko ulit uoang kagatin iyon ngunit natanggala ng pagkakakapit ng laman ng mansanas sa bibig ni kaya’t nahulog ito. Wala pang isang segundo nang sumulong ang aking mukha papalapit sa kanya at nagkadampi an gaming mga labi. Wala pang isang segundo. Agad akong umatras upang magkahiwalay kami. Nanlalaki an gaming mata dahil sa nangyari. Hindi ko lama kung mayroong nakakita noon ngunit ang alam ko lamang, sa loob na wala pang isang segundo ay tila tumigil ang oras. Napalunok ako at napaubo na lamang upang mabawasan ko ang tila dumasabog na emosyon sa aking dibdib. Agad akong umiwas sa mga mata ni Javi at hinanap ang nalaglag na mansanas. Maging siya ay iyon din ang ginawa. Hindi nagtagal ay nagtapos ang laro kasabay ng maingay na hiyawan at palakpakan. Narinig ko ang tili ni Camille. Tumatalon-talong ito katabi ni Phillip. Si Karen naman ay nakapamaywang kagat-kagat ang mansanas. Pumapalakpak lamang si Arthur katabi nito. Samantalang kami ni Javi, parehong nakaluhod sa sahig, tulala at parehong hindi makapagsalita. May lumapit sa aming bata na tantiya ko ay pitong taong gulang pa lamang. Hawak niya ang yarn at sa dulo noon, nakabitin ang isang mansanas na halos paubos na. Nakabusangot ang mukha ng bata at nakatitig lamang kay Javi. Nagkatitigan ulit kami bago kami magkasabay sa aming pagtawa. Nagkamot lamang siya ng ulo at sinenyasan akong tumayo na. Nakahawak ang isa niyang kamay sa aking balikat at sabay na kaming bumalik sa aming mga upuan.

-----

“I haven’t told you this but this is my first time here in Intramuros.”, ang sabi ni Javi habang naglalakad kami patungo sa Parking Lot kung saan siya nakagarahe. Ang dalawa niyang kamay ay nakaangat at nakahawak sa kanyang batok.
“Dapat bumalik pala tayo dito. Ipapasyal kita. You need to try the street ice cream sandwiched in a bun.”, nakalaukipkip lamang ako at nakatitig lamang sa kalsadang bato. Bihira na lamang ang tao sa distrito ng Intramuros sa mga oras na iyon. Maliwanag ang buwan at hindi masyadong maulap ang kalangitan kaya’t patinga-tingala din ako.
“You volunteer to tour me around?”
“Sure. Not a problem.”, tinahak namin ang kalsadang hindi masyadong pamilyar sa akin. Binati kami ng mga rumurondang guwardiya doon. Nadaanan naming ang isa sa mga lumang pader ng distrito kung saan pwede kang umakyat sa ibabaw at maglakad-lakad. Ngunit dahil mag-aalas dose na, hindi narin kami makakapuslit sa mga guwardiya.
“Sayang naman.”, narinig kong bumulong siya. Naisip ko agad na gawin ang madalas kong ginagawa dati sa tuwing naabutan ako ng gabi sa Intramuros. Sumenyas ako sa kanya na huwag mag-ingay. Nagtago kami sa isang sulok kung saan walang ilaw at hinintay na lumiko iyong guwardiya sa isang kanto. Agad kaming tumakbo at maingat kaming umakyat sa isa sa mga madidilim na batong hagdanan doon. Pinipigilan ko ang aking sarili na matawa kaya’t hirap din ako sa aking paghinga. Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila siya papunta sa dulo ng pader kung saan madilim at makakaupo kami. Pabagsak ang aming upo sa batong sahig. Napasandal kaming pareho at tumawa lamang.
“Paano pag nahuli tayo?”, tanong niya. Kakaunti lamang ang ilaw na umaabot sa aming kinaruruuan kaya’t hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha. Hindi ko suot ang aking salamin kaya’t may kalabuan na rin ang aking paningin, lalo sa kapag madilim ang paligid.
“Bakit, papahuli ka?”
“Kanina pala. I want to say sorry.”, mahina lamang ang kanyang boses.
“For?”
“For dropping the apple.”
“Nag-sosorry ka dahil naghalikan tayo?”
“Nagka-halikan.”, tumawa ako ng marinig ko iyon mula sa kanya.
“Okay, nagkahalikan.”, inulit ko ang kanyang sinabi. “Duh, as if it’s the first time.”, inirapan ko lamang siya at narinig ko siyang tumawa. Naramdaman kong nag-vibrate ang aking bulsa ngunit hindi koi yon pinansin. Agad din naman itong tumigil kaya’t hindi ko na ito kinuha.
“You still think about that night?”, seryoso ang kanyang mukha. Kumikinang ang kanyang mga matang nakatitig sa akin.
“Dati, madalas.”, ang tanging sabi ko. Iniwas ko ang aking mga mata at tumingala na lamang. Pinagmasdan ko ang maliwanag na buwan at malinaw na kalangitan. “Do you know that there’s only one side of the moon that faces our planet?”, iniba ko ang usapan.
“Everybody knows that.”, Gumalaw siya upang lumapit sa akin. Nagkadikit an gaming mga braso dahil sa kanyang paggalaw sa aking tabi. Hindi naman ako gumawa ng ano mang reaksyon sa kanyang paglapit. Marahil ay hindi niya masyadong naririnig ang aking boses. “It’s the same side forever.”, pahabol niya.
“Walang forever eh.”, natawa ako sa aking sinabi.
“But isn’t it mysterious, that face never changes. Why do gravity and all the forces act together to prevent the moon from changing faces?”, tinanong niya ako. Hindi ko alam ang sagot.
“Do you know what’s more mysterious?”, nagkasalubong an gaming mga mata ngunit agad akong bumalik sa pagkakatitig sa kalangitan. “Us thinking that it never changes.”.
“Hm?”
“There is change. I’m sure about that. We just don’t notice it. It’s not slow, but the universe’s size is what makes everything seem slow in motion. All objects in the known universe are traveling along a path towards a gravitational center.”, hindi siya sumagot sa aking sinabi at nakinig lamang. “We don’t know why we’re here. We don’t know where our destination is, but sure there is a destination.”
“Basing on experience?”, siniko niya ako ng mahina. Hindi ko ulit pinansin ang pag-vibrate ng aking telepono sa aking bulsa hanggang sa tumigil ito.
“Basing on google science.”, nagtawanan kami sa aking sinabi. Hindi naman talaga ako sigurado sa aking sinabi.
“But no matter where our destination is, isn’t it wonderful to be with someone to share the journey with?”, napangiti ako sa kanyang sinabi. Hindi ako nakasagot agad at natingin na lamang ako sa kanya. Nakangiti siyang ang-aabang sa aking sasabihin ngnunit walang lumalabas sa aking bibig na kahit anong salita. Nalilito ako dahil nais kong idampi ulit ang aking mga labi sa kanya. Nagniningning ang kanyang mga matang nakatitig sa akin at ayaw kong kumala sa mahika na dulot noon. Ngunit bakit tila ang lakas lakas ng tunog na nanggagaling sa aking bulsa? Hindi musika, kung hindi ingay ng baybrasyon ng isang bagay na kanina ko pa isinasawalang-bahala. Naputol an gaming konesyon dahil sa ingay na iyon kaya’t napayuko ako habang kinakapkap ang aking teleponong kanina pa nagba-vibrate. Napanuntong hinga ako bago koi yon sagutin.
“Hello.”
“Nasaan ka ba? Kanina pa kita hinihintay.”, alam kong naririnig ni Javi ang boses mula sa kabilang linya dahil sa labis na katahimikan ng gabi. Nagkatitigan lamang kami ng ilang segundo bago siya bumalik sa pagtitig sa kalangitan.
“Diba sabi ko nasa Intramuros ako for an event?”
“Exactly. Andito ako malapit sa Ilustrado. Kanina pa kita hinihintay.”, hinyaan ko lamang si Glen na magsalita. Hindi ko alam kung bakit tila ayaw kong tumayo sa aking kinauupuan. Ayaw kong iwan si Javi mag-isa. Nais ko pa sanang ipagpatuloy ang aming pagkukwentuhan ngunit hindi ko rin maintindihan ang sinasabi ng aking utak: umalis ka na.
“Okay, bye.”, ipinasok ko ulit ang aking telepono sa aking bulsa. Tumitig muna ako sa kawalan at hindi nagsalita.
“Sige na. Kanina ka pa niya hinihintay.”, ang amhina niyang sabi. Humarap siya sa akin nang nakangiti. Ang ganda ng mga ngiti niya ngunti ang bigat sa pakiramdam dahil tila nais din niya akong umalis na.
“Okay… Basta wag ka lang papahalata sa guards… Sige… I’ll get going.”, ang tanging naging sagot ko bago ako tumayo at maglakad pababa.

----

Hindi ko pinansin ang mga mensahe ng aking mga kaibigan dahil sinabi ko sa aking sarili na ang dalawang araw na wala akong pasok ay magiging oras ko para sa aking sarili. Kinailangan ko nang gamitin ang natitirang mandatory leaves sa taong ito, at dahil kaarawan ng nanay ko sa Martes, uuwi ako bukas sa Cavite.

Tinapos ko ang pelikulang pinapanood ko bago humiga sa aking kama. Nikalakasan ko ang Aircon sa aking kwarto at nagtalukbong ng kumot. Pinilit kong makatulog ngunit tila may temptasyong nagtutulak sa akin upang buksan ang aking cellphone. Gumulong ako at inabot iyon mula sa aking side table. Marami-raming hindi pa nababasang mensahe ang nasa aking inbox. Binasa ko ang isang mensahe mula sa aking ina na angsasabing silang dalawa na lamang ng aking ama ang pupunta sa akin dito bukas. Saktong kakauwi lamang ng aking ama galing Abu Dhabi noong isang araw para amgbakasyon. Iyong isa naman ay kay Philip. May dalawa na galing kay Arthur.
“Are you with Javi?”, ang mensahe niya. “He’s not answering my calls.”

Nagtataka ako kung bakit sa akin niya hinahanap si Javi. Hindi ko rin alam kung nasaan siya. Hindi pa kami nagkikita simula noong Biyernes ng gabi.

Ngunit mas nabigla ako nang may minsahe akong nabasa mula kay Miss Rama. Hindi ako sigurado kung babasahin ko ba iyon kaya’t nag-isip muna ako kung bubuksan ko ba ang mensahe. Sa huli, binasa ko parin. “Are you with Javi? Please Moy, hindi pa siya umuwi.”

Bianlot ako agad ng pag-aalala sa pag-iisip kung nasaan ba siya. “What is happening?”, ang bulong ko sa aking sarili. Ngunit hindi narin ako nakapag-isip pang sumagot kay Miss Rama dahil sunod-sunod na katok ang aking narinig mula sa labas ng aking pintuan. Hindi ako agad nakatayo dahil sa gulat pag-aalangang buksan iyon. Sino naman kaya ang iyon?
Tinungo ko ang pintuan at binuksan. Bumungad sa akin ang masungit na mukha ng guwardiyang nakapamaywang.
“Yes, po?”, ang mahinahon kong pagtatanong.

Hindi siya sumagot at nakanguso lamang niya tinuro ang direksyon kung nasaan ang gate ng compound. Habang pababa ako, nag-iisip ako kung mayroon bang package o mensaheng naghihintay sa akin. Nakasunod lamang ako sa guwardiya habang pababa kami ng gusali. Dumiretso na siya ng guard house at ako naman ay lumabas doon sa isa pang gate na maliit. Isang kotseng pamilyar ang nakagarahe sa gitna mismo ng gate kaya’t napatakbo ako papalapit doon. Sinilip ko ang bintana at dahil hindi naman kadiliman ang salamin, naaninag kong si Javi pala iyon. Nakayuko ito at tulog.

“Sir, pakibilis naman.”, narinig kong nagsalita mula sa di kalayuan ang guwardiya.

Kinatok ko ang salamin ngunit hindi parin nagigising si Javi. “Hoy, Javi!”, ngunit wala parin siyang naririnig.
Kinapa ko ang hawakan ng pintuan at nagpasalamat dahil hindi iyon nakakandado. Pagkabukas ko ay sumingaw ang matinding amoy ng alak. “What the---“, yumuko ako upang amuyin siya. Tinapik tapik ko ang kanyang balikat upang magising at magkamalay naman. “Hoy, gising!”, inalog ko ang kanyang katawan sa pamamagitan ng pagyugyug nito hawak ang kanyang balikat.
“Hoy!”.
“Go away… I’m… sl…sleeping”
“Hoy, bangon!”, tinanggal ko ang pagkakakabit ng kanyang seatbelt para naman makahinga siya ng maayos. Naisip kong ipaalam iyon kay Miss Rama ngunit nahihiya ako, kaya’t si Arthur na lamang ang naisipan kong kontakin.

Ilang beses kong tinawagan si Arthur bago niya ako sagutin.

“Good to know na andiyan pala siya.”
“Kunin mo na to. Ikaw na mag-uwi sa kanila. Di ko alam yung address nila.”, pagkarinig niya sa aking sinabi ay agad niya itong binaba. Tinawagan ko ulit ang kanyang numero ngunit di niya ito sinasagot. Isang mensahe lamang ang kanyang pinadala sa akin.
“Take Care. LOL.”

No comments:

Post a Comment

Read More Like This