Pages

Sunday, June 21, 2020

SM Southmall (Part 8)

By: Carl

Hello mga KM Readers, hanggang ngayon ay nais ko parin humingi ng sorry dahil pinaghintay ko kayo ng matagal. Kaya talagang binuhos o hinabaan ko talaga ang previous part pati ang part na to para manlang makabawi ako sa inyo o para kwitz haha. Btw, nais ko lang din po ipaalam sa inyo na binabasa ko po ang mga feedbacks nyo, at iyon po ang dahilan kung bakit mas lalo pa akong naiinspired magkwento. Salamat po sa paglalaan ng mahabang pasensya. Sobrang nagagalak at natutuwa ako dahil gayon nalang din kayo kasabik malaman ang mga naganap at ang mga magaganap sa buhay ko. Maraming -maraming salamat rin po sa patuloy na pagsubaybay at pag suporta. Magiingat po tayong lahat, hopefully okay po kayo gaya namin.

Sinusubukan ko pa rin pong gumawa ng acc sa disquss, para makapag reply ako sa mga feedbacks nyo. Waitings lang po muna kayo diyan hahaha.

*******************

Nagising na lamang ako sa pagkakatulog nang agad na tumunog ang alarm clock ni Iwi na nakapuwesto sa tabi ng kanyang lamp shade. Doon na ako natulog dahil hinatid naman na ni Ate Jenny kagabi lahat ng dadalhin ko papuntang Baguio.

Medyo wala pa ako sa wisyong bumangon  kaya sandali kong ipinikit muli ang aking mga mata. Hanggang sa naramdaman ko ang kamay ni Iwi na nakapulupot pala sa aking katawan, rason para baguhin ko ang aking posisyon sa pagkakahiga at tuluyang humarap sa kanya.

Tila hindi ko mapigilan ang aking sariling ngumiti habang pinapagmasdan siyang natutulog. Hindi ko parin lubos maisip na, katapat ko na mismo ang taong matagal ko nang inaasam na makasama sa pagtulog. Wala akong pinalampas na parte sa mukha niya, tila halos lahat ng ppuwedeng kong makita sa maamo niyang mukha sa mga sandaling iyon ay pinagmasdan ko ng husto.

Mula sa kilay niyang makakapal, patungo sa mga pilikmata niyang mahahaba pati na rin sa ilong niyang nanlalaban dahil sa katangusan hahahaha; hindi ko din pinalampas maski ang labi niyang medyo makapal o kissable daw kuno' para sa kanya haha.

Sa mga oras na iyon, ang tanging masasabi ko lang talaga ay napakasuwerte ng mapapangasawa ng taong ito balang araw. Alam kong napakaswerte ko din, dahil bukod sa isa ako sa mga taong minahal niya ng higit pa sa kaibigan, alam kong nandito parin ang posibilidad na humantong ang lahat ng ito sa wakas. Dahil alam kong walang permanente sa mundo, lahat ng bagay ay ppuwedeng mag bago maski ang pagmamahal ng isang tao. Pero sa ngayon nakafocus ako sa isang misyon, at ang misyon na iyon ay ang iparamdam sa kanya lahat ng pagmamahal na kaya kong ibigay simula ngayon hanggang dulo.

At ngayon pa lang, tinatanggap ko na. Tanggap ko na, na lahat ng natatamasa ko ngayong pagmamahal mula sa kanya ay hindi pang-habang buhay, ngunit gayon pa man ay ayokong magpadala sa maaaring mangyare; nais kong gawin at ibigay ang lahat kahit magwakas man ang relasyong ito kung sakali, at tuluyan niya na akong tawaging Pare.

Habang tuloy-tuloy na dumadampi ang kaniyang paghinga sa aking mukha ay aking naaninag ang peklat na nakaguhit malapit sa kanyang noo rason para mas lalo akong mapangiti ng todo.

Hindi ko din alam kung bakit, pero sobrang sariwa talaga at napakahirap kalimutan lahat ng mga katangahan, kagaguhan, kabobohang pinaggagagawa namin noon.

-----

Tanda ko Grade 5 kami noon siguro around year 2012? Madalas talagang magsimba si Lola tuwing Linggo, nung time na yun mayroong event na gaganapin sa school at kailangan namin ng costume kaya't imbis na sa Bamboo Organ ay mas pinili ni Lola na mag simba sa Baclaran para na din makabili ng susuotin namin. Sobrang daming tao nung  araw na iyon kayat todo kapit kami kay Lola.

Pagkatapos ng Misa ay tuluyan na kaming naghanap ng mabibilhan ng costume, tanda ko may isang ale na nagturo ng direksyon para makapunta doon sa Mall na kadalasang binibilhan ng mga costume, punda o mga bedsheets hahaha. Since sa kadulu-duluhan pa siya, wala kaming ibang choice kundi maglakad patungo sa mall na yon, kalat-kalat ang mga nagbebenta ng CD, laruan, pati mga lobo nung panahon na iyon.

Syempre bilang bata, hindi namin maiwasang mahumaling sa mga iyon. Halos mabali ang mga leeg namin kakalingon kung saan-saan. Pagkarating sa dulo, makikita mo yung last station ng LRT pero malayo-layo pa nilakad namin.

Nang makarating sa mall ay medyo nakahinga kami ng ayos dahil may aircon haha. Pero walang pinagkaiba sa mga binenbenta sa labas dahil parang tiangge parin yung dating niya pero medyo lamang lang ng onti dahil maganda yung puwesto. Karamihan sa mga nagbebenta doon ay chinese, at sa tuwing nag uusap ang mga iyon ay hindi namin mapigilang matawa ni Iwi. Pagkaakyat sa 2nd floor ay sandaling may sinilip si Lola, at puro punda ang mga nandoon. Nakapwesto ang tindahan malapit sa escalator; Maya-maya'y sandali kaming binitawan ni Lola para maayos siyang makapili.

Ilang saglit pa nang kumalas si Iwi sa pagkakahawak para tumawid sa kabilang tindahan. Puro laruan at mga jersey kase ang binibenta sa tindahang iyon, dahil wala akong choice sinundan ko si Iwi rason para tuluyan na kaming mapalayo kay Lola na busy parin sa kakasipat ng iba't ibang punda hahahaha. Iba't ibang laruan ang benta doon kaya sobrang manghang-mangha kami, akmang babalik kami sa kinaroronan ni Lola nang bigla kaming magtaka dahil wala na si Lola sa puwesto niya kanina. Halos diko mapigilan ang kabog ng Dibdib ko pero panatag ko itong nilabanan dahil kasama ko naman si Iwi sa mga sandaling iyon.

Hindi na siya nag dalawang isip pa at agad na hinawakan ang aking kamay para daw di kami magkahiwalay. Habang iba't ibang tao ang dumadaan sa harapan namin ay mas pinili naming kumalma. Pero tanaw ko na sa mata niya ang takot at nais niya na ding umiyak. Nabigla na lang kami nung agad na may sumigaw na "Tabi-tabi" tatlong lalaki ito at may bitbit silang naglalakihang mga plastik rason para mag usugan lahat ng dumadaan at magbigay ng daan. Hindi ko din alam pero dahil parehas kaming maliit ay siguro hindi na kami napansin pa ng ibang tao rason para magitgit kami sa dingding na may mga nakasampay na hanger. Mas lalong nag siksikan ang mga tao kaya mas lalo kaming nagitgit sa likod, nag-alala ako nang makita si Iwi na namumula dahil halos ipit na ipit na yung mukha niyang nakalapat sa mga bakal at hanger.

Nagulat na lamang ako nung sumigaw siya ng sobrang lakas dahilan kaya nagulat ang mga taong nasa lugar na iyon. May mahabang bakal din pala na nakadikit sa dingding at doon nakadikit yung noo ni Lerwick, halos di na siya magkandamayaw kakasigaw at halos bakas sa mukha niya ang sakit na iniinda kaya medyo nagtaka na ako. Bigla ko na lamang na pansin ang dugong
tumatagas mula sa kanyang noo na ikinagulat ko kaya hindi na ako nag hesitate pa na sumigaw ng Lola Haahahahahaha.

Agad naman kaming napansin ng mga tao at nakita din kami agad ni Lola na kanina pa pala nakatayo sa kabilang part ng tindahang binibilhan niya ng mga bedsheets hahahah. Nang mahimasmasan ay tinanong ni Lola si Iwi kung anong nangyare, nakaskas daw yung noo niya sa matalim na part nung bakal at mabuti na lang daw dahil hindi na siya nagitgit pa kase onti nalang daw at babaon na yung bakal sa noo niya hahahahah. Binigyan naman siya ng first aid nung tindahan na ponagbilhan ni lola ng punda hahaha. Buong araw nakakunot ang kilay niya non at halos hindi siya makausap ng ayos hahahaha

Nung time din na yun, nagkatrauma na
siya makipag siksikan dahil bakas na sa kanyang isipan kung paano kami naipit pati na rin kung papaano niya nakuha ang bangas na nakaukit sa noo niya Hahahahah. Pero good news, nabilhan naman kami ng costume non at binilhan din kami ni Lola ng CD at laruan panuhol HAHAHAHAH.

-------

Nagising na lamang ako sa pagkakatitig sa kaniya nang makita siyang nakadilat na. Tila naramdaman kong namanhid ang buong mukha ko.

Hindi naman na ako nakapagsalita pa nang bigla siyang ngumiti.

"Good morning." malambing niyang bati

Alam kong weird pero sobrang bango ng hininga niya. Halos wala akong naamoy na bakas ng ulam kagabi o kanina Hahaha. Medyo nahihiya ako magsalita dahil iba parin ang aking nararamdaman.

"3:13 na, bangon na" masigla niyang utos sabay bangon at tapik sa beywang ko.

Hindi pa rin mag sync in saakin lahat, kaya sandali ko ulit siyang pinagmasdan habang nagiinat.

"Kamusta yung tulog mo?" mahina kong tanong.

"Sobrang himbing pero medyo bitin." tugon niya habang patuloy pa ring nagiinat. Medyo ikinagulat ko naman nang sabihin niyang medyo bitin eh halos bakas sa mukha niyang nakatulog siya ng maayos.

"Medyo bitin pa sa lagay na yan?" sabat ko in a sarcastic way, at tuluyan na ding bumangon sa kama.

"Mas cute ka pala kapag tulog eh." sabat niya habang nakangising nakatingin saakin. Hindi ko naman mapigilan ang sariling makaramdam ng kuryente dahil sa sinabi niya.

"Ulol." tugon ko sabay diretso sa banyo niya. Habang nagmumumog agad na may kumatok sa kanyang pintuan - si Tita.

"Good morning anak." bungad na bati ni Tita at halos abot teynga ang ngiti nito. "Mag ayos na kayo. Ang daddy mo nag bbreakfast na sa baba. I came here para icheck kung gising na kayo, please wag na magpatagal okay? maligo na agad." dagdag niya pa habang naka pasok ang kalahati ng kanyang katawa sa pintuan.

Tanging pagtango lamang ang tinugon ni Iwi. Pagkaalis na pagkaalis ni tita ay agad siyang sumunod sa CR. Nagulat na lamang ako nang makitang may bitbit na siyang tuwalya. "Oh? Ako muna!" angal ko habang sinisipat ang sarili sa salamin.

"Narinig mo ba ang sabi ng Mommy? Wag na magpatagal, so need natin magmadali. Para di sayang sa oras sabay na tayo maligo." tugon niya habang sinasampay ang tuwalya sa handle ng shower enclosure.

Halos hindi ko naman alam ang sasabihin ko, syempre medyo nakakaramdam pa ako ng pagkailang at hiya. Sobrang bago pa para saakin ang magkaroon ng kasabay maligo, tapos si Iwi pa?

"Sige mauna ka na, ako nalang sunod." utos ko. "Bilisan mo. Sasapakin kita sa likod pag tinagalan mo" madiin ko pang biro

Akmang lalabas ako sa banyo nang bigla niyang hawakan braso ko na ikinagulat ko.

"Ayaw mo ba ako kasabay?" tanong niya at tila nakabusangot na nangaasar pa ang loko.

"Umayos ka nga! Bilisan mo na" tugon ko at nagpatuloy na sa paglakad papalabas ng banyo

Bigla na lamang nagising ang diwa ko nang bigla may dumamping malamig na tubig sa aking likod rason para mapamura ako. Agad akong lumingon upang alamin kung ano ang bagay na iyon, bumungad saakin ang nakangiting Lerwick na may hawak na bidet.

"Tangina mo! Bidet?!" madiin kong tanong

Hindi na ako nakapagsalita pa nang muli niya itong pihitin, rason kaya muling humampas ang tubig nito patungo sa aking tiyan.

"Ang arte mo! Minumumog mo nga tubig nito dati." pangaasar niya

Tila wala na akong choice pa kundi ang sumabay sa kanya dahil tuluyan nang basa ang damit ko. Nakakahiya naman kung lalabas pa ako ng banyo na basa at magpakatanga sa labas. Tanging nasa isip ko na lamang sa mga oras na iyon ay ang salitang: Bahala na.

Tanaw ko siyang abot teynga ang ngiti habang pinagmamasdan akong naghuhubad ng tshirt. Agad din naman niyang hinubad ang jersey na suot-suot niya at tila hindi pa rin maalis sa kanyang mga mukha ang galak at ngiti.

Agad akong pumasok sa Shower at sumunod din naman agad siya. Akmang bubuksan ko ang shower nang bigla niya akong pigilan. "Wait, Nagsshort ka tuwing naliligo?" seryoso niyang tanong

Hindi ko na napigilang mapahinga pa ng malalim bago magbitaw ng salita, "Ayokong maghubad tangina naiilang pa ako." tugon ko

Bigla na lamang tumahimik ang paligid rason para tignan ko siya ng maigi. Tila nakatingin siya sa tiles at bakas sa mukha niyang dismayado siya. "Kung umasta ka, parang ibang tao naman ako sayo." sabat niya. "Sige mauna ka na maligo ako nalang susunod." dagdag niya pa

Hindi ko naman napigilan ang sariling matawa dahil sa inasta niya. "Para ka kamong tuleg." sabat ko habang patuloy na tumatawa

Bakas pa rin sa mukha niya ang pagkadismaya at tila nakaharap na siya sa pintuan ng shower enclosure.

Isang pabuntong hininga ulit ang binitawan ko bago mag salita, "Okay sige, gusto mong mag hubad ako?" seryoso kong tanong. Tila agad namang lumingon saakin ang gago at tila nabubuhayan

"Sige ikaw mag hubad ng shorts ko." pabiro kong utos.

Bigla naman akong nagulat nang agad niya itong hatakin pababa. Rason para mapatawa ako ng malakas, agad din naman niyang hinubad ang sa kanya.

"O ayan, siguro naman okay na tayo sa boxer?" tanong ko

Mas lalo kong ikinabigla nang agad niyang hubarin ang boxer brief niya, rason para bumungad saakin ang alaga niya. Hindi ko lubos akalain na sobrang laki ng pinagbago nito kumpara sa huli ko itong makita. Grade 6 kase kami nung huli kong makita ang alaga niya, at ang rason kung bakit? dahil sabay kami noon nagpatuli.

Halos hindi naman na ako makagalaw pa dahil sa aking nakita. Pinilit ko na lamang balewalain kahit alam kong tanaw niya saaking reaksyon na sobrang nabigla ako. Agad ako tumalikod mula sa kanya at agad na ipinatong ang kamay sa pihitan ng shower upang buksan ito. Akmang pipihitin ko pakaliwa nang bigla siyang sumigaw

"Gago! Naka mainit pa ata yan." sigaw niya

Ayon na lamang ang tanging narinig ko dahil tuluyan na akong nawindang sa sunod na pangyayare. Rainfall yung style ng shower niya rason kaya mabilis na bumagsak mula saakin ang tubig at masasabi kong mainit nga talaga yung tubig dahil nakaset sa warm ang heater rason para magmadali akong patayin ito.

Sobrang namanhid ang katawan ko ng ilang saglit, dahil halos sinalo nito lahat ng tubig na bumagsak mula sa shower. Ramdam ko yung pakiramdam nung gabing nasabuyan ng kape ang aking kamay. Agad naman siyang nagmadaling lumapit saakin. Bakas sa katawan ko ang pagkapula, at tila pantal-pantal ang mga ito.

"Are you okay?" pagaalala niyang tanong

Halos hindi ako makapagbitaw ng salita, dahil patong-patong na ang nararamdaman ko. Habang hinahawakan niya ang mga mapupulang pantal sa katawan ko, hindi ko naman maigalaw ang aking mga binti upang umurong ng kaonti. Nakadikit na kase sa aking beywang ang kanyang alaga.

At nang marealized niyang nakadikit na saakin ang kanyang burat, agad siyang dumistanya, at kasabay nito ang pagtingin niya saakin ng seryoso.

"S-sorry.." mahina niyang bulong.

Sobrang namamanhid na ang aking mukha, at tanaw ko ding namumula siya sa mga sandaling iyon.

Doon ko lamang napagtanto na sobrang ganda ng katawan ni Iwi. Halos hindi naman ganoon kalayo sa katawan ko, kase siguro parehas kaming nagbabasketball kaya ganon na lamang kabatak mga katawan namin. Sobrang kinis din ng katawan niya, at hulmadong hulmado ang balikat niya. Ilang saglit pa nang mapansin kong nakatitig din siya saakin, at tila pinagmamasdan akong nakatitig mula sa katawan niya.

"Huwag kang mag alala, sayo lang yan." pangaasar niyang sabat habang nakangiti. "Tara ligo." madiin niyang utos habang nakangiti

Tuluyan na nga kaming naligo at tila hindi na tinagalan pa, dahil naghahabol sa oras.

Matapos maligo ay agad kong binuksan ang backpack ko para humanap ng aking susuotin. Napili kong isuot ang kulay white  na oversized tshirt na nabili ko sa H&M, tinernuhan ko ito ng maong na pantalon at oldskool na vans. Sakto kakalabas lang din ni Iwi sa banyo nang matapos ako magbihis, habang kinukuskos niya ang kaniyang buhok gamit ang tuwalya'y agad itong tumingin saakin ng diretso rason para mapatingin din ako sa kanya.

"Ang pogi ng bebe ko ah." pangaasar niyang sabat habang nakangiting nakatitig saakin.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil sa compliment na binato niya, "Ayos ba?" tanong ko habang patuloy na sinisipat ang sarili sa kanyang salamin.

"Oo naman! Lahat naman ng isuot mo bagay." tugon niya. "Sana balang araw makita kitang magsuot ng dress." dagdag niya pa habang nangisi rason para lingunin ko siya at tignan ng seryoso.

"Bago ko pa man suotin yung dress na tinutukoy mo, ipupulupot ko muna yun sa leeg mo." madiin kong tugon

"Wow nakakatakot!" malakas niyang sigaw at tila dinig mo sa tono ng pananalita niya ang pangaasar.

Hindi na ako sumabat pa at tuluyan nang nag ayos para lisanin ang kwarto niya. Hindi pa man ako nakakalabas ay agad muli siyang nag bato ng salita,

"Hoy! kiss ko muna." pangaasar niya

Agad kong kinuha ang backpack kong nakalapag sa sahig malapit sa kaniyang pinto. Pagkatapos ay agad ko siyang tinignan ng malagkit sabay bitaw ng isang malupit na flying kiss with fuck you rason para pareho kaming matawa.

Pagkarating sa baba ay agad akong sinalubong ni Tita at ni Tito na parehas kumakain sa lamesa.

"Uhm.. Cacarl, come on join us nak!" masiglang bati ni Tito habang pinupunasan ang labi gamit ang tissue.

Hindi naman na ako nag dalawang isip at marahan na umupo at nakisalo. Pangmalakasan ang mga nakahaing almusal, halos hindi ko din alam kung saan ang uunahin kong kainin.

Tila hindi maalis ang ngiti sa mga mukha nilang dalawa rason para makaramdam ako ng pagkailang at hiya. Matagal na din nung huli ko silang nakasamang kumain, kaya medyo kinakapa ko pa kung may nagbago ba sa pakikitungo nila.

"Ano Cacarl? Mag rrice ka ba or mag bbread?" tanong ni Tita habang nakatingin saakin. "Coffee? You want coffee? Milo? Gatas? Ano?" dagdag niya pa.

Umiling na lang ako at ngumiti bago mag bitaw ng salita, "Water lang po ako Tita." tugon ko habang patuloy pa ring nakangiti. 

Ilang saglit pa at bumaba na si Iwi. Hindi ko mai-alis ang pagkakatingin ko sa kanya dahil gulat na gulat ako sa suot niya, tila dalang-dala niya ang outfit niya nung time na yon; naka-polo tshirt siya na red, at gaya saakin naka maong jeans din siya kaso medyo may pagkakupas yung sa kaniya, while yung sapatos niya naman is all white na plain.

"Goodmorning guys!" masigla niyang bati

Agad naman siyang umupo sa tabi ko, rason para ibaling saamin nila Tita at Tito ang atensyon nila.

"Aw, grabe. Up until now hindi ko pa rin lubos maisip na malalaki na kayo." sabat ni Tita, "Mga binata na ang baby natin Hon." dagdag pa niya, at tila tanaw mo sa mukha niyang galak na galak siya.

Ilang saglit pa at pinagmadali na din kami ni Titong kumain dahil hinahabol namin ang oras. Naiwan si Potpot sa bahay kasama yung bago nilang kasambahay, dahil mahaba-haba ang biyahe. Mga lagpas alas kwatro na din siguro nung nakalabas kami sa village. Si Tito ang nagmamaneho habang si Tita naman ang nakaupo sa unahan. Magkatabi kami ni Iwi sa likuran katabi ang ibang mga sobrang gamit na hindi na kasya sa trunk. Everest yung sasakyan na gamit namin kaya kahit papaano ay medyo maluwag pa rin naman.

Medyo mahaba-haba daw ang biyahe namin kaya wag daw kami mag hesitate na magsabi kung naiihi kami or nagugutom, dahil ppwede naman daw kaming mag stop over. Habang nasa kalagitnaan ng biyahe agad akong napakagat sa aking kamao, dahil napagtanto ko na hindi ko pala nadala o napasuyo kay Ate Jenny ang earphone ko.

"Wala kang earphone?" tanong ni Lerwick habang nakangiting nakatitig saakin.

"Oo, nakalimutan kong sabihin kagabi." dismayado kong tugon

Nagtaka na lamang ako nang kunin niya ang mga bag namin isa-isa at agad siyang umusog papalapit saakin. May pagitan pa kase na space sa inuupuan namin at dahil doon siya naka puwesto sa kaliwang bintana, at ako naman ang nasa kanan, inilipat niya yung dalawang bag para tuluyan na nga kaming magtabi.

"Bakit?" nagtataka kong tanong

Binalewala niya ang tanong ko at hindi na nagdalawang isip pang kunin ang kaniyang earphone na naka-lagay sa bulsa ng bag niya.

"Oh," sabat niya habang bahagyang inaabot ang kaliwang parte ng earphone niya.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil sa tuwa. Sobrang hindi ko expected na magiging to the rescue ulit siya gaya nung sa biyahe namin patungo sa tagaytay. Basado niya na kase talaga na hindi ko ma-eenjoy ang biyahe lalo na at walang akong pinapakinggan na tugtog. Pagkakuha ko ng kaliwang parte ng earphone ay agad ko itong ipinasak sa kaliwa kong teynga at agad na naghintay sa kung anong lalapag na tugtog.

*Cue music - Chasing Cars by Snow Patrol

[We'll do it all
Everything
On our own]

Habang malayang pinagmamasdan ang mga iba't-ibang ilaw na nanggagaling sa labas at sa mga kotseng nakakasabay namin, tila hindi ko din naman mapigilan ang aking sariling damdamin ang bawat lirika at mensahe ng kantang pinapakinggan namin. 

[We don't need
Anything
Or anyone]

Madalim pa ang kapaligiran nung mga oras na iyon, kaya naman dama din namin ang lamig maski ang sariwa na hangin na pumapasok mula sa aming mga bintana. Tila hindi nanaman magkandamayaw ang aking puso dahil sa tuwa at galak, dahil kasama ko nanaman si Iwi sa mga sandaling iyon.

[If I lay here
If I just lay here]

Ilang sandali pa at isinandal ni Iwi ang kanyang ulo sa aking balikat rason upang ayusin ko ang aking pagkakaupo nang sa gayon ay komportable siyang makahiga. Ilang sandali pa at mabilis niyang kinuha ang kamay ko at hinawakan ito ng mahigpit.

[Would you lie with me and just forget the world?]

Madilim sa loob ng kotse, at tanging ilaw lamang mula sa labas ang nagsisilbing liwanag para matanaw namin ang isa't-isa. Ibinaling ko ang aking atensyon sa bintana at sandaling kinalimutan ang ganap sa aking kapaligiran. Ramdam kong kumportableng-kumportable si Lerwick sa pagkakahiga niya, at gaya ko, alam kong binabalewala niya rin kung ano ang ganap sa paligid.

Nagising naman ang diwa ko nang biglang magsalita si Tito, "Aba ayos yan, ginawa kang unan Cacarl?" pangaasar na sabat ni tito habang tinitignan ako sa rear-view mirror

Agad naman dumungaw si tita saamin rason upang makaramdam ako ng pagkahiya. "Okay ka lang ba diyan Cacarl? Sorry nakalimutan ko mag dala ng pillow neck." saad ni tita

"Ayos lang po Tita." tugon ko habang pilit na ngumingiti. Maraming napasok sa isip ko sa mga oras na iyon, at isa na doon ang baka tuluyan na silang mag taka sa inaasta namin o di naman kaya'y baka nakakahalata na sila sa asta namin.

"Kayo ba'y natulog ng maaga?" seryosong tanong ni Tito habang patuloy pa rin sa pagmamaneho

"Oo hon, pagkatapos kong iopen yung about dito sa lakad, sinabihan ko agad ang dalawang yan na matulog para ready sila ngayon." sabat ni Tita

Hindi na ako nakapag-bitaw pa ng salita at tanging pag tango na lamang ang aking nagawa. 

"Pag may nadaanan nga tayong drive thru, bumili ka ng kape mommy." utos ni Tito 

Nagtuloy-tuloy na ang aming biyahe, nasa SM North na rin kami nung tuluyang sumikat ang araw, habang patuloy na pinagmamasdan ang nagkukulay asul na kalangitan ay bigla namang nagising si Iwi.

"Saan na tayo?" tanong niya saakin habang nililibot ang tingin sa aming dinadaanan

"Kakalagpas lang natin sa SM North." tugon ko. "Napasarap tulog mo ah." dagdag ko pa sabay ngisi

Agad namang umayos ng upo si Iwi at sinipat si Tita na nakaupo pa rin sa unahan. "Ma, wala ba tayong snacks diyan? Nagugutom ako." saad ni Iwi

"Pag-pasok natin sa NLEX nak, may place doon na pwedeng mag stop over." tugon ni tito

"May mga chips diyan sa Eco Bag Iwi, I bet good na yan pantawid gutom." sabat ni Tita

Agad namang iniabot ni Iwi ang Eco Bag na nakalagay sa likuran namin at nagbukas ng chichirya.

"Um, gusto mo?" pangaalok niya habang inaabot saakin ang bukas na doritos

Agad din naman akong kumuha. Hangga't maaari, ayokong tanggihan lahat ng bagay na inaalok o ibinibigay saakin ni Iwi - dahil tumatak talaga saaking isipin ang salitang binitawan ni Tita kagabi. (It's now or never.)

Sandali kaming nag stop over para kumain. Nagsisi ako dahil hindi ako kumain ng kanin kanina, kaya ganon na lamang ako kagutom nung mga oras na iyon. Talagang sentro na doon nag iistop over ang mga bumibayahe patungong north, kase halos andaming tao at nakaparking na sasakyan sa lugar na yun. Tabi-tabi din naman ang mga restaurants kaya hindi kami ganon nahirapang pumili.

Napagdesisyunan nila Tito June na sa Kenny Rogers na lamang kumain. Hindi na rin kami nagpatagal pa at agad din bumiyahe. Makulimlim ang kalangitan nung araw na iyon, at habang patuloy parin kami sa pagbiyahe nakabaling ang aking atensyon sa bintana at humihiling na sana'y tuluyan na ngang bumagsak ang ulan nang sa gayon ay mas lalong mapasarap ang biyahe.

Mga alas dos na rin nung nakarating kami sa Baguio. Sa mismong hotel na din kami dumirecho para makapagpahinga ng maayos, medyo bangag kase kami dulot ng mahabang biyahe. Doon ko lang din napagtanto na malapit lang sa Burnham Park ang hotel na n-booked ni Tito, halos tanaw mula sa kwarto namin ang Park  kaya hindi ko na rin napigilan ang pagka-excite.

Ayon kay Tito, bukas din daw ay magt-transfer doon sa hotel namin ang kaibigan niya. May itatayo kase ata silang business doon at kasosyo niya ang kaibigan niyang iyon, kaya ganon na lamang nila pinaghandaan ang lahat.

Medyo malaki ang kwarto na nakuha nila.  Isang kwarto lamang ang kinuha ni Tito dahil hindi naman rin daw kami aabutin ng ilang araw doon, May dalawang single bed ang kwarto, at kasiya naman ang dalawang tao sa iisang kama kaya hindi na rin ganon kasama at tila tipid pa nga kung iisipin. Kaya lang naman daw kase kami pumunta roon ay para mapag-uusapan nila nang maayos ang plano at para na rin makita ang lupang pagtatayuan nila ng negosyo.

Sandali akong nagpahinga at umidlip. Ilang oras ang nakalipas, nagising ako dahil sa malalakas na tawa ni Iwi. Nakahiga din siya sa tabi ko habang nanonood ng mga kagaguhang videos sa FB. Inilibot ko ang aking mata sa buong kwarto at agad na tumingin sa bintana - papalubog na ang araw sa mga oras na iyon at tanging kaming dalawa lang ang nasa kwarto.

"Sila Tita?" mahina kong tanong habang patuloy paring nakadapa

"Bumaba, ewan sabi may bibilhin daw sila." tugon ni Iwi habang patuloy paring nanonood

Agad akong bumangon sa pagkakahiga at umupo sa kama,

"Bakit hindi ka sumama?" tanong ko

Nagulat na lamang ako nang bigla niya akong tignan ng seryoso, kasabay nito ang paglocked niya sa kaniyang cellphone.

"Hibang ka talaga eh. Ano iiwan kita ditong natutulog?" madiin niyang tugon

Tanging pagtawa na lamang ang nagawa ko, dahil agad ko din namang narealized ang pinupunto niya. "Nagugutom ako." saad ko

"Ako din eh, tara punta tayo sa park. Foodtrip ano?" masigla niyang tanong

Medyo nag dalawang isip naman ako, dahil baka magalit sina Tita at Tito pag nadatnan na wala kami doon sa kwarto.

"Hintayin nalang natin sila Tita." sabat ko, "Baka magtaka yun pag balik nila kase wala tayo." dagdag ko pa.

Bigla namang bumangon si Iwi sa pagkakahiga at agad na kinuha ang Jacket niyang nakalapag sa kabilang kama katabi ng iba pa naming gamit.

"Bakit magagalit? Hindi yan tara na!" panghihikayat niya. "Ngayon lang to, sulitin na natin!" dagdag niya pa sabay ngiti

Hindi naman na ako nagmatigas pa at agad na ding tumayo. Ilang minuto din ang nilakad namin bago makarating sa Park, aakalain mong malapit pero malayo-layo din pala. Sobrang lamig sa Baguio, at tila tanaw na tanaw mo ang mga hamog na naglilitawan sa mga ilaw sa daan. Unang bumungad saamin ay si nanay na nagtitinda ng manga, hindi ko alam kung apple mango ba yung mangga o manggang kalabaw hahaha. Sobrang solid lalo na nung bagoong.

Medyo nakakapanibago, dahil akala namin medyo madami-dami din ang mga nagbebenta ng streetfood doon pero mas pnaprioritize pala nila ang mga figurines at keychains. Hindi kalayuan kay nanay, may nakita naman kaming nagbebenta ng strawberry, 150 isang tumpok.

Syempre hindi namin pinalagpas, sabi nga nila hindi daw solid ang Baguio Trip mo kung hindi ka mismo doon kakain ng pinagmamalaki nilang strawberry Hahahahaha. Kahit napaka fucking asim nung iba, pinilit parin naming kainin.

"Tangina, hindi ko expected na prutas ang chichibugin natin dito." sabat niya

Hindi ko naman napigilang tumawa. Habang patuloy na naglalakad at nagiikot, may nadaanan ulit kaming nagbebenta ng mga souvenirs, tshirt, at jacket; at doon ko na lamang napagtanto na wala pala akong suot na jacket HAHAHAHAH. Hindi ko din alam kung baket sa dinami-rami ng ppwedeng makalimutan jacket talaga ang parating sumisentro saakin. Agad naman akong huminto para mag tanong

"Boss, magkano sa jacket?" tanong ko habang hawak hawak ang kulay itim na jacket na nakasampay sa bakal na tubo

"750 ang mga jacket natin pogi." tugon ni kuya

Hindi ko naman napigilang mapatawa rason para lingunin ko si Iwi sa aking likuran at tila nagpipigil din ng tawa.

"750 daw diyan pogi." pangaasar niya sabay subo ng strawberry habang patuloy pa ring nakangiti

Maganda yung jacket. Color black tapos may naka print na I (Heart) Baguio. Actually ibang-iba yung design niya compare sa mga nabibili ng iba na common, kaya kahit na medyo mabigat yung presyo binili ko parin.

"Boss kuha ako isa." sabat ko,

Agad namang kumuha si kuya ng bagong stock mula sa box na nakalagay sa ilalim ng lamesa. "Anong size mo sir?" tanong ni Kuya

Akmang sasagutin ko ang tanong ni kuya ng biglang sumabat si Iwi. "Dalawang medium na boss, parehas ng style."

Muli akong tumingin sa kanya pati na rin sa jacket na suot-suot niya,

"Para kanino yung isa?" seryoso kong tanong. Nginitian niya ako bago magsalita. "Saakin." tugon niya

"Anong trip mo? may jacket ka naman na."

"Aba syempre. Gusto ko parehas tayo ng suot." sabat niya at tila makikita mo sa mukha niya ang pagkakampante

Inabot na saamin ni kuya ang dalawang pirasong jacket na nakalagay pa sa sa plastic. Nagmadali naman akong kunin ang wallet ko para muling kumuha ng pera pangbayad sa isa pang jacket, kaso huli na ang lahat dahil nagabot na si Iwi kay Kuya.

"Salamat po." sabat ni Iwi. Nagpasalamat din naman si Kuya

Bago tuluyang lisanin ang stall ni kuya ay sinuot ko muna ang jacket, dahil hindi ko na rin kaya ang lamig na kanina ko pa nilalabanan. Tila agad din namang hinubad ni Iwi ang jacket na suot-suot niya ngayon, at ipinalit ang jacket na kakabili lamang namin.

"Ayos ba?" tanong niya. Nginitian ko siya at agad na nag thumbs-up sa kaniya.

Tuluyan na ngang nilamon ng kadiliman ang kalangitan, rason upang mag litawan ang mga nag-gagandahang ilaw sa kapaligiran. Habang binabaybay namin ang parke, hindi maalis sa aming mga labi ang matatamis na ngiti.

Ilang saglit pa nang makita namin ang lawa sa gitna ng park. Iba't-ibang klaseng bangka ang nandodoon sa lawa, at higit na mas lalong nangibabaw ang kagandahan ng lawang iyon dahil sa mga ilaw na rereflect sa tubig.

"Gusto mo mag boat ride?" masigla tanong ni Lerwick

Nangamba naman akong sagutin ang tanong niya dahil iniisip ko sila Tita.

"W-wag na! Safe na yung ganto, lakad-lakad lang." pagpapaliwanag ko

"Tara na!" madiin niyang sabat sabay kapit saaking kamay.

Tila nag mamadali siyang makarating sa pinaka entrance ng boat ride habang hatak-hatak ako. Maraming tao sa park sa mga oras na iyon, kaya medyo nakakaramdam ako ng hiya. Ang ilan sa kanila'y nakabaling ang atensyon saamin, habang ang iba naman ay nakakasalubong namin. Pagkarating sa gate ng boat ride sinalubong kami ng isang lalaki may hawak-hawak na maliit na notebook.

"Magrerent kayo bangka sir?" tanong ng lalaki

"Opo. Magkano kuya?" masiglang tanong ni Iwi,

"100 for 30mins sir." tugon ni kuya

Habang patuloy silang nag-uusap, nabigla ako nang agad na nag ring ang aking cellphone na nakalagay sa aking kaliwang bulsa. Mabilis ko rin naman itong kinuha upang malaman kung sino ang tumatawag - si Papa. Lumayo ako ng ilang distansya kila Lerwick upang makausap si Papa ng maayos, masyado kaseng nangingibabaw ang ingay sa lugar na yun.

[Hello pa, kamusta po?] masigla kong bati.

[Nak, inatake ang Lola mo. Nasa ospital kami ngayon.]

Bakas sa boses ni Papa ang lungkot at kaba. Para akong nabingi sa aking narinig, at halos hindi ko na rin maibuka pa ang aking bibig upang mag bato ng salita.

Dahil sa pagkabigla'y hindi ko na rin napigilan ang aking sariling mapatingin sa malayo at tila kasabay nito ang pagpasok ng iba't-ibang negatibong bagay sa aking isipan.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This